AERO P.O.V
Nasa parking lot kaming lahat tanging si Mika at Aris nalang ang hinihintay namin, paniguradong nasa loob pa silang dalawa.
"Nasabi mona ba kay Cliona?" Bulong sakin ni Zaggy agad naman akong tumango. Nung una ay nahihiya pakong sabihin kay Cliona na nawawala si Tyreen pero nagulat nalang ako ng sya na mismo ang mag bukas ang usapan tungkol kay Tyreen. Kinakamusta ko lang sya at nang hingi ng sorry ng bigla nyang kamustahin si Tyreen. Gusto ko nga syang sigawan dahil doon dahil nagagawa pa nyang kamustahin si Tyreen kahit na si Tyreen ang dahilan kung bakit sya nandito.
Gulat na gulat lang ako at hindi maka galaw nung mga oras na yun na balak na saksakin ni Tyreen si Mika pero lalo akong natigilan ng biglang sumulpot si Cliona at sya na ang tumanggap ng saksak na yon. Kahit ako ay nagalit kay Tyreen pero wala akong magawa, gusto ko sila sundan pero pinigilan ako ni Tyreen at umiyak ng umiyak habang naka yakap sakin.
"Ang tagal nyo Mik" biglang sabi ni Juancho ng maka sakay sila Mika at Aris sa van. Napatingin ako sa kanilang dalawa na walang imik at parang malalim ang iniisip. Nag kukwentuhan sila habang nasa byahe pero halata ang pananahimik nila Aris at Mika.
May nang yari ba sa loob?
Nang maihatid nila kami sa parking lot ay nag paalam pa muna kami bago sila tuluyang umalis.
"Kanina pa kayo tahimik, may problema ba?" Tanong ko sakanilang dalawa. Bumuntong hininga pa si Mika bago sumagot.
"Sumakay kayo sa sasakyan ni Aero" utos nya na kina taka namin.
"Huh? May klase pa tayo" sabi ni Rumsel.
"Saan naman tayo pupunta?" Tanong ni Roi.
"Hahanapin natin si Tyreen" sagot ni Aris na kina gulat namin parehas ni Zaggy. Pano nya nalaman? Maliban samin ni Zaggy ay si Cliona lang ang nakaka alam non. "Sinabi lang sakin ni Cliona, inutos nya na hanapin si Tyreen pag hindi daw natin nahanap ay balikan natin sya sa hospital" dagdag pa nya.
"Sumakay na kayo mag momotor ako" sabi ni Mika.
"Sumabay kana samin" suggest ni Zaggy na agad tinanggihan ni Mika.
"Wala tayong makikita kung nasa iisang sasakyan lang tayo" sagot nya ng biglang mag ring ang cellphone nya. Agad naman nya yon sinagot. "Ate?" Sagot nya. "Cliona?" Sabi nya sabay tingin samin agad naman nyang ni loud speaker ang tawag para marinig namin.
"Sino sino ang mga katulong nyong mag hanap?" Tanong nya sa kabilang linya.
"Kami kami lang din" sagot ni Mika.
"Wala ng iba?" Tanong nya ulit, sakin naman tumingin si Mika.
"Hinahanap na din sya nila Tamara at Ailey pero nasa duty silang parehas ngayon" sagot ko. Rinig na rinig naman sa kabilang linya ang pag buntong hininga nya.
"Pag hindi nyo nahanap si Tyreen ay balikan nyoko dito, pero pag wala akong sa kwarto ko ay alam mona Mika kung saan ako pupuntahan"
"Wag ka ng pumunta don Cliona" may pag mamakaawa sa boses ni Mika.
"Wag kang mag aalala bibisitahin ko lang sila" sagot ni Cliona saka namatay ang tawag. Bumuntong hininga pa si Mika saka tumingin samin.
"Mag hiwalay hiwalay tayo, Roi kay Zaggy ka sumabay ikaw naman Rum kay Aris kay Aero nako sasabay" sabi nya agad naman kaming kumilos. Katulad ng napag usapan sakin sumabay si Mika.
"Zaggy I check mo muna sa bahay nila kung nakauwi na sya then tawagan mo ako pag wala para maka kilos agad tayo" sabi nya sa tawag saka pinatay. "Hintayin muna natin si Zaggy tumawag bago tayo mag hanap, isipin mo muna kung saan pwedeng pumunta si Tyreen" sabi nya sakin. Konti lang naman ang pwedeng puntahan ni Tyreen. Sa mall, sa mga kaibigan nya tapos sa condo nya.
"Hindi sya pwedeng sa mall, kaya sa bahay ng mga kaibigan nya and sa condo nya" sagot ko agad namang tumango so Mika saka nag pindot sa cellphone nya.
"Rum" si Rumsel ang tinawagan nya. "Oo tanungin mo si Aris kung alam nya ang condo unit ni Tyreen, o sige puntahan mo tawagan moko pag wala sya doon. Oo, sa mga kaibigan nya, sige sige Ingat kayo" sabi nya saka patay ng tawag at sinagot ulit. Mukang si Zaggy na ang tumatawag. "Oh? Wala? Sige, puntahan mo yung mga kamag anak nyo baka nandon sya, oo sige ingat" sabi nya saka patay ng tawag. Saka tumingin sakin.
"Wala daw?" Tanong ko agad naman syang tumango.
"Dun tayo sa mga kaibigan nya" sabi nya, agad naman akong nag maneho papunta sa bahay nila Lira. Nang maarating ay agad kaming bumaba at nag doorbell, ilang doorbell pa ang ginawa ko bago lumabas ang katulong nila.
"Sino po sila?" Tanong nya sakin.
"Ah mag tatanong lang po ako" sagot ko. "Nanjan po ba si Lira?" Tanong ko. Agad naman syang umiling.
"Nako ser! Pumasok po si Ma'am Lira ngayon" sagot nya. Nagka tinginan pa kami ni Mika.
"Ah pumunta po ba si Tyreen dito?" Tanong ni Mika.
"Ay opo Ma'am pero nung isang araw po yon, dito sya natulog nung gabi pero umalis po agad kinaumagahan" sagong ni Manang.
"Talaga po ba?" Tanong ni Mika na mukang hindi naniniwala.
"Opo Ma'am nag sasabi po ako ng totoo"
"Pano kung sabihin ko sayo na may dala akong baril dito tapo itututok ko sayo kung hindi ka mag sabi ng totoo?" Biglang sabi ni Mika na seryosong naka tingin kay Manang. Nagulat ako ng bigla nyang tutukan ng baril si Manang na halos himatayin na sa nerbyos.
Putcha! San galing yan!
Hindi ako makagalaw sa kinakatayuan ko dahil sa takot na baka iputok yun ni Mika at bumalagta si Manang sa tapat ko.
"M-Ma'am n-nag s-sasabi p-po ako n-ng t-totoo" kabadong sabi ni Manang.
"Kung ganon ay papasukin mo kami" seryoso parin sabi ni Mika. Saka binaba ang baril na hawak nya. "Pumasok ka don hanapin mo sa loob, maiiwan ako dito" utos nya. Hindi ako naka galaw dahil sa kaba ko ng bigla akong itulak ni Mika papasok ng gate "sasamahan mo naman sya manang na mag libot sa buong bahay diba?" Naka ngiting tanong ni Mika.
"O-Opo M-Ma'am" utal paring sagot ni Manag saka nag mamadaling pumasok sa loob. Sinenyasan pako ni Mika na pumasok gamit ang baril nya kaya patakbo akong pumasok sa bahay nila Lira. Sinusundan lang ako ni Manang habang pinapasok ko ang mga kwarto sa bahay nila, ganon don sa Cr at kung saan pang pwedeng pag taguan ni Tyreen kahit s ilalim ng kama at mgaa cabinet ay tiningnan ko pero maski anino ni Tyreen ay hindi ko nakita.
"Maraming salamat po, atsaka pasensya napo sa kasama ko laruan lang naman po ang hawak nyang baril" nag dadalawang isip ko pang sabi dahil kahit ako ay hindi alam kung totoo bayun o hindi. Nang makalabas ako ay naka sandal na si Mika sa kotse ko habang pinag lalaruan ang hawak nyang baril ng makita ako ay bigla nyang tinutok ang baril saken dahilan para matigilan ako sa pag lalakad. "I-Ibaba mo yan!" Singhal ko sakanya.
"Nakita moba?" Tanong nya habang naa tutok parin sakin ang baril nyang hawak.
"W-wala, ibaba mo yan" may pagmamakaawa sa boses ko ng bigla syang tumawa.
"Kabado bente sakay na" sabi nya saka nag paunang pumasok sa kotse ko. Agad naman akong sumunod at nag drive papunta sa bahay nila Jianne. "Ilan bang kaibigan ang meron si Tyreen?" Tanong nya.
"Isa nalang si Jianne nalang" sagot ko. Napatingin ako ng ilabas nya ulit ang baril. "Totoo bayan?" Tanong ko paminsan minsan tinitingnan ang baril na hawak nya.
"Ano sa tingin mo?" Balik na tanong nya. "Sa tingin moba hahawak ako ng totoong baril?" Dagdag nya dahilan para maka hinga ako ng maluwag. Laruan nga yon.
"Hindi, halata namang laruan yan eh" sagot ko na kina tawa nya.
"May limang bala to sa loob gusto mo makita?" Sabi nya dahilan para mapa preno ako ng bigla at gulat na tumingin sakanya. "Ano ba! Mag ingat ka nga!" Sigaw nya sakin.
"T-totoo yan?" Gulat ko tanong.
"Patamaan kita sa ulo tapos isipin mo kung totoo bato o hindi" sabi nya dahilan para kabahan ako ng todo. "Kay Mildred to kinuha ko lang" dagdag pa nya habang tinatanggal ang bala sa loob saka pinakita sakin "o ayan totoo yan, hindi ko naman kinasa kaya wag kang matakot jan tsk! Mag drive kana anong oras na oh!" Singhal nya sakin. Napalunok pako ng ilang beses bago mag drive.
"B-bakit meron kang ganyan?" Tanong ko. Pero hindi nya sinagot ang tanong ko. Himbis ay iniba nya ang usapan.
"Wala si Tyreen sa Condo nya. Tumawag sakin ni Aris, sila Zaggy naman ay patuloy na pumupunta sa mga kamag anak nila, yun ang sabi sakin ni Rumsel" sabi nya.
"Pano pag wala si Tyreen kila Jianne?" Tanong ko.
"Edi babalikan natin si Cliona sa hospital" sagot nya sabay tunog ng cellphone nya. "Si ate" sabi nya sabay ni loud speak ang tawag."Oh?"
"Ako to" sagot sa kabilang linyam
"Cliona?" Tanong ni Mika
"May problema"panimula nya sa kabilang linya.
"Ano?" Tanong ni Mika.
"Nandito si Cameron, pauwiin mo muna si Goku ganon din yung iba, gagawa ako ng paraan para maka takas sa kupal nato" sabi ni Cliona sa kabilang linya. "Ibigay mo sakin ang number ni Goku" sabi pa nya. Nag katinginan pa kami ni Mika bago sya sumagot.
"Sige i tetext ko sayo" sagot ni Mika saka namatay ang tawag. "Peram cellphone" sabi nya agad ko namang inabot sakanya ang cellphone ko. Kinalikot nya pa iyon bago ibalik sakin. "Number yun ni Ate" sabi nya.
"Wala bang cellphone yon?" Tanong ko.
"Wala ayaw nya eh" sagot nya. Hindi nako sumagot at nag Drive nalang. Nang maka rating kami sa bahay nila Jianne ay naabutan namin sya sa labas na nag didilig ng halaman.
"Jianne!" Pag tawag ko sakanya. Gulat naman syang tumingin saken.
"Aero? Napadalaw ka?" Tanong nya. Agad naman akong lumapit sakanya " may problema ba?" Tanong nya ulit.
"Nawawal kasi si Tyreen nung Isang araw pa kaya hinahanap namin. Itatanong ko sana kung nakita mo sya" sagot ko.
"Ano!? Nawawala!? Saan naman sosoot yon!?" Gulat nyang tanong sakin. "Sorry pero matagal na kaming hindi nag kikita ni Tyreen, nag away kami remember? Simula non ay hindi na kame nag uusap atsaka kung dito man sya pumunta saan ko naman sya papatulugin, eh ang liit lang ng bahay namin" sagot nya. Napa tango nalang ako. Tama sya maliit nga ang bahay nila at pito pa silang mag papamilya.
"Wag kang mag alala pag nakita ko sya ay tatawagan agad kita" sagot nya. Nag pasalamat pa muna ako bago umalis.
"Ano daw?" Tanong ni Mika ng maka sakay ako sa kotse.
"Wala din sya doon" sagot ko.
"Try to call her" utos nya agad naman akong umiling.
"Naka off ang phone nya" sagot ko. Napa iling pa muna si Mika bago sumagot.
"Ihatid mo muna ako sa hospital tapos umuwi ka muna hintayin mo ang tawag ni Cliona. Ako bahala kila Aris at Zaggy" sabi nya. Inihatid ko muna sya sa hospital katulad ng sabi nya saka ako umuwi sa bahay para mag pahinga saglit.
"Sweetie!" Si mommy na agad akong sinalubong ng yakap. "Ang aga mo ata ngayon". Maaga nga ako ngayon kesa sa totoong oras ng uwi ko.
"Hinanap kopo si Tyreen" sagot ko.
"Hindi paba sya nauwi? Jusko ang batang yon. Hinahanap din sya ng Ate mo at ni Tamara" sabi ni Mommy agad naman akong tumango saka umupo sa couch. Umalis si Mommy at pumuntang kusina kaya tumayo ako para maligo at mag palit ng damit ng maka tanggap ako ng text
From: 097******751
Puntahan moko ng ala sais. Room 108.
Mukang si Cliona nato. Napatingin ako sa oras ala singko palang. Agad among bumaba para kumain muna.
"Saan ka pupunta?" Tanong ni Mommy ng maka baba ako.
"Sa hospital po" sagot ko.
"Bibisitahin moba si Cliona?" Tanong ni Mommy agad naman akong umiling.
"Hahanapin kopo si Tyreen, nag papasama lang ako sakanya" sagot ko na kina kunot ng noo nilang dalawa ni Manang.
"Eh diba naka confine pa ang batang iyon" sabi ni manang
"Opo, sya naman po nag sabi na puntahan ko sya pag hindi namin nakita si Tyreen" sagot ko. Nag usap pa sila ni Mommy habang ako ay kumakain lang ng matapos ay agad akong nag paalam.
5:30
30 minutes pakong natitira. Agad akong nag maneho papuntang hospital saka dumeretcho sa room na sinasabi nya. Nag tataka parin ako kung bakit nya ako pinapunta dito kung meron naman syang sariling kwarto. Agad ko syang tinawagan na agad naman nyang sinagot.
"Nandito nako" sabi ko.
"Sige" yun lang ang sinabi nya!
Yun na yon!?
"Bakit pala sa ibang kwarto? Eh may private room ka naman" tanong ko.
"Mahuhuli tayo ni Cameron, tumakas lang ako" sagot nya. Napatango naman ako as if nakikita nya ako. "pumunta ka nalang" sabi nya pa saka baba ng tawag. Agad akong pumunta sa kwarto sinasabi nya. Nang makatapat ay halos lumuwa ang mata ko sa gulat ng makita ko sa loob sila Tita Path. Agad akong napatingin sa room number.
108
Tiningnan ko ang text sakin ni Cliona.
108
Agad akong kumatok na agad naman akong pinag buksan ni Tito Philip.
"Aero ijo?" Sabi nya. Agad naman akong nag bigay galang bago pumasok.
"Napa dalaw ka Ijo?" Naka ngiting tanong sakin ni Tita,
"Ah Hehe may bibisitahin po ako sa dulo dumaan lang po ako. Kamusta napo ang pakiramdam mo?"
"Ayos na ayos nako, bukas na bukas ay makakalabas nako" sagot ni Tita napa tango nalang ako habang naka ngiti.
To: 09******751
Nasan kana ba? Bat dito moko pinapunta?
Text ko pero wala akong natanggap na reply. Nang biglang may kumatok, agad naman yun pinag buksan ni Tito Philip.
"CLIRITY!"
Napa tayo ako ng marinig ko ang pangalan nayun, napatingin ako sa pintuan at si CLIONA HABANG NAKA YAKAP SI PAULA SA BEWANG NYA!
Mag ka kilala ba sila!? Pero pano!?
"Bat ganyan ang soot mo?" Tanong sakanya ni Paula, agad akong napatingin sa kabuuan ni Cliona na naka hospital gown pa.
"Naka confine ako doon sa dulo" sagot ni Cliona.
"Huh? Ayos ka lang ba ija?" Nag aalalang tanong ni Tita.
"Ayos na," sagot nya sabay tingin sakin. "Maya maya na tayo lumabas baka mahuli ako ni Cameron" sabi nya sakin.
"Mag ka kilala kayo?" Tanong ni Paula habang palipat lipat ang tingin samin ni Cliona.
"Nasa iisang school lang kame" tipid na sagot ni Paula.
"Ay kala ko mag bago ka nang boypren" natatawang sabi ni Paula.
"Paula!" Suway sakanya ni Tito Philip.
"Daddy, nag bibiro lang naman po ako" sagot ni Paula sabay yakap kay Cliona na agad namang napa ngiwi.
"Paula nasasaktan ang Ate Clirity mo!" Suway nanaman ni Tito Philip naka nguso namang humiwalay sa yakap si Paula.
"Anong nang yari sayo at na confine ka dito?" Tanong ni Tito.
"Nasaksak" tipid na sagot nya.
"Nakipag away ka nanaman ba? Jusko Clirity itigil mona iyang gawain mong iyan!" Sigaw sakanya ni Tita. Agad namang napa iling si Cliona.
"Na tyempuhan lang, dapat si Katty ang masasaksak pero duleng ata yung gumawa kaya ako ang napuruhan" natatawang dagdag nya. Nagagawa pa nyang mag biro ah!
"Jusko mga bata kayo, patingin nga" sabi ni Tita habang pinapalapit si Cliona pero hindi sya sumunod.
"Wag na itataas mopa ang damit ko" sagot ni Cliona. "Aalis din po kami may pupuntahan pa ako" sabi nya habang naka tingin sakin.
"Pwede ba akong sumama ate?" Tanong sakanya ni Paula.
"Bawal bata don kinakatay" pananakot nya kay Paula.
"Hindi mo naman ako pababayaan eh" taas noong sabi ni Paula.
"Hindi nga pwede, babalik din naman ako hahanapin lang namin ang puso ni Kuya Aero mo" sabi nya saka tumingin sakin habang natawa. Napa kunot ang noo ko. Ngayon nya lang akong tinawag sa pangalan ko at habang natawa pa.
"Puso? Nasan poba ang puso nya?" Takang tanong ni Paula.
"Tinakasan sya" for this time ay tumawa na talaga si Cliona halatang inaasar ako.
"Sige, pero dadalan moko ng pasalubong" naka ngiting sabi ni Paula.
"Pizza?" Naka ngiti ding tanong ni Cliona.
"Sabi mo eh!" Sigaw ni Paula habang tumatalon. "Isa lang!" Dagdag pa nya habang naka sign pa ng isa sa kamay. Ginulo lang ni Cliona ang buhok nya saka tumayo.
"Aalis na ho kami" paalam nya sabay hila sakin.
"Mag iingat kayo"
Nang maka rating kami sa parking lot ay saka lang ako nag salita.
"Kaano ano mo sila?" Tanong ko. Kunot noo naman syang tumingin sakin.
"Sino?" Maang maangan nya.
"Sila Tito Philip at Tita Pathriesha" sagot ko " kaano ano mo din si Paula at Percy?" Dagdag kopa. Natahimik naman sya habang nakatitig sakin. Ilang segundo pa nya iyon ginawa bago sumagot.
"Kakilala" tipid nyang sagot saka binuksan ang shot gun door ng kotse ko at doon sumakay. Napa iling nalang ako habang saka sumakay sa driver seats. Walang nag salita samin, focus lang ako sa pag mamaneho habang sya ay naka tingin lang sa kalsada. Nang mapag tanto ko na hindi ko alam ang pupuntahan ko ay nag salita nako.
"Alam moba kung saan tayo mag hahanap?" Tanong ko.
"Hinde" tipid na sagot nya. Kunot noo ko syang tiningnan at hininto muna sa gilid ang sasakyan.
"Kung ganon saan tayo pupunta?" Inis na tanong ko.
"Ewan ko" tipid nanaman nyang sagot kaya lalo akong mas nainis!
"Edi nag hahanap lang tayo sa wala!?" Singhal ko sakanya. Seryoso naman nya akong tiningnan.
"Sino ba ang mas nakaka kilala sakanya sa ating dalawa? Hindi ba ikaw? Wala akong kilala na kamag anak at kaibigan nya na pwede nyang puntahan" sagot nya para matigilan ako.
"P-pero napuntahan nanamin silang lahat at wala sya don" sabi ko. Hindi nya ako sinagot at binalik ang tingin sa kalsada. Natahimik din ako at nag isip kung saan pa pwedeng pumunta si Tyreen ng biglang mag ring ang cellphone ko. Agad ko namang sinagot yun ng bumungad ang pangalan ni Ailey.
"Aero" sabi nya sa kabilang linya habang nahikbi.
"Naiyak kaba?" Tanong ko sakanya.
"Wala lang to, pwede ka bang bumalik sa bahay?" Tanong nya na kina kunot ng noo ko.
"Why? I'm still finding Tyreen" sagot ko.
"Please, nawawal din si Percy, hindi ko sya ma contact, hindi rin sya pumasok simula kahapon. Please hanapin natin sya" sagot nya.
"Ok, I'll be there" sabi ko sabay patay ng tawag. Tiningnan ko si Cliona na naka tingin nadin pala sikin. "Uuwi muna ako sa bahay, sasama kapa ba? O ihahatid kita pabalik sa hospital?" Tanong ko sakanya.
"Hahanapin ko si Tyreen" tipid na sagot nya.
"Sino ang kasama mo?" Tanong ko sakanya.
"Ikaw" sagot nya dahilan para mapa titig ako sakanya. "Ano?" Tanong nya ng maramdamang naka titig ako sakanya. Agad akong umiling saka nag drive pauwi ng bahay. Pano nya nagagawa na mag alala para sa iba habang ganyan ang lagay nya. Kung tutuusin dapat nga na magalit sya sakin at kay Tyreen dahil sa nangyari sakanya pero eto sya sa tabi ko naka upo habang naka titig sa kalsada at tumutulong para hanapin si Tyreen.
Agad kaming naka rating sa bahay. Agad ko syang pinag buksan ng pinto na kina gulat nya. " Baba" utos ko. Kunot noo naman nya akong tiningnan. "Mag palit ka muna ng damit mo" sabi ko.
"Hindi na dito nalang ako. Babalik pako ng hospital mahuhuli ako ni Cameron na tumakas pag nakita nyang iba ang soot ko" paliwanag nya. Sasagot pa sana ako ng biglang sumulpot si Mommy sa likod ko.
"CLIONA!?" gulat nyang tanong saka lumapit kay Cliona at niyakap. "Whaaaaaa ayos kana ba? Bakit ka lumaba? Patingin nga ng sugat baby" sunod sunod na tanong ni mommy na akmang itataas pa ang soot ni Cliona pero agad syamg umiwas.
"Ah okay na ho ako" sagot ni Cliona. Napa iling nalang ako.
"Aero" si Ailey na namumugto ang mata. "Buti dumating kana" sabi nya sabay tingin sa kotse ko at bahagya pa syang natulala ng makita si Cliona.
Problema neto!?
"Kasama ko syang mag hanap kay Tyreen nung tumawag ka kaya sinama kona dito" sagot ko. Pero nanatiling naka titig si Ailey kay Cliona na nakikipag kwentuhan kay Mommy ng maramdamang naka titig kami sakanya ay lumingon sya samin na walang emosyon ang mga mata.
"Ka-Kasama mo sya?" Utal na tanong ni Ailey agad akong tumango.
"Sumakay kana, hahanapin din namin si Tyreen" sabi ko saka upo sa driver seat. Napatingin ako kay Cliona ng bigla syang lumabas. "San ka pupunta?" Tanong ko sakanya.
"Sa likod nako uupo" sabi nya saka tingin kay mommy. "aalis napo kami" sabi nya agad naman syang niyakap ni mommy ng mahigpit dahilan para mapa aray sya.
"OMO! SORRY SPRRY!" sunod sunod na sabi ni Mommy. Tipid namang ngumiti si Cliona bago pumasok sa passenger seat. "bisitahin mo ulit ako ah!" Sabi pa ni Mommy nginitian lang naman sya ni Cliona.
"Aalis na kami mom" paalam ko.
"Mag iingat kayo" kumaway pa sya bago ko paandarin ang sasakyan.
"Saan madalas pumunta si Percy?" Tanong ko kay Ailey.
"S-sa mga kaibigan nya pero wala silang alam lahat" sagot ni Ailey habang naiyak nanaman. Tiningnan ko sa salamin si Cliona na naka pikit na.
"Pano natin nyan mahahanap si Percy kung maski sila ay walang alam" sagot ko. Nanaig ang katahimikan samin ilang sandali ay nag salita si Cliona.
"Idaan mo ako sa Royal, dun nalang muna ako." Sabi ni Cliona napa tingin ako sakanya.
"Huh? Saan don sa Bar?" Tanong ko agad naman syang tumango. "Ihahatid nalang kita sa hospital" sabi ko.
"Doon nalang" sabi nya sabay pikit ulit. Agad kong niliko pakaliwa ang sasakyan ko at nag park sa Royal. Agad namang bumaba si Cliona.
"Sigurado kaba? Babalikan kita dito pag nahanap nanamin si Percy" sabi ko.
"Ikaw ang bahala" sabi nya sabay talikod samin at pumasok sa Royal. Napa hinga pako ng malalim bago umalis doon. Tahimik lang si Ailey sa tabi ko habang naka tingin sa kalsada.
"Saan natin hahanapin si Percy? Galing ako kay tita kanina wala din don si Percy" sabi ko.
"Sa bahay nila baka nandon lang sya" sabi nya kaya agad akong nag drive papunta sa subdivision nila Percy. Nang maka rating ay agad na bumaba si Ailey at sunod sunod na nag door bell. Naka ilang door bell pa sya pero wala paring nalabas. Patay din ang ilaw sa buong bahay halatang walang tao.
"Walang tao" sabi ko agad namang napaupo sa kalsada si Ailey at doon umiyak ng umiyak. Wala akong nagawa kundi ang panoorin lang sya umiyak dahil kahit ako ay walang alam kung nasaan si Percy.
"Pumunta tayo sa Royal" biglang sabi nya na kina bigla ko.
"Sa tingin mo nandon si Percy?" Tanong ko. Agad syang umiling " eh ano!?"
"Basta" sagot nya.
"Ano iinom ka don!? Umuwi nalang tayo Ailey!" Singhal ko sakanya.
"Hindi ako iinom pwede ba! Bilisan mo nalang!" Sigaw nya saka nag paunang sumakay sa kotse ko, wala akong nagawa kundi ang bumalik sa sasakyan ko at ipag drive sya pupuntang Royal. Nang makarating ay agad sayang bumaba at pumasok sa bar wala akong nagawa kundi ang sundan sya. Palingon lingon pa sya kahit ako ay lumilongon nadin at hinahanap si Cliona ng makita ko sya sa Counter ay agad kong hinila si Ailey " ANO BA!?" Sigaw nya dahil malakas ang tugtog sa loob.
"Isasama nanatin si Cliona pauwi" sabi ko agad naman syang sumunod sakin. "Cliona" pag tawag ko sakanya agad nama syang tumingin samin.
"Ano nahanap nyo naba?" Tanong nya sasagot na sana ako ng bigla syang hawakan ni Ailey sa kamay.
"Ate ano ba!?" Sigaw ko sakanya. Pero hindi nya ako pinansin.
"Please, please, sabihin mo kung saan ko mahahanap si Percy, please nag mamakaawa ako Clirity" pakiusap ni Ailey.
"Ate ano ba!? Nababaliw kana ba? Walang alam si Cliona!" Sigaw ko pinag titingina na kami ng ibang nakakarinig samin.
Nagulat ako ng lumuhod sya kay Cliona "please, sabihin mona sakin, nag mamakaawa ako kahapon kopa sya hindi ma contact please" pag mamakaawa nanaman nya. Kunot noo akong naka tingin sakanilang dalawa. Ang gulo!
"CLIRITY"