8 letters

AERO P.O.V

Maaga akong umalis ng bahay dahil balak kong bisitahin si Cliona sa Hospital, kahit anong mangyari ay kargo di konsesya ko sya dahil kaming dalawa ni Ailey ang kasama nya ng bumuka ng tahi nya. Nagulat pa si manang dahil kakagising lang nya tapos aalis nako. 5:30 akong umalis sa bahay at 7 naman ang practice namin sa soccer. Saktong ala sais akong naka dating sa hospital ang sumalubong sakin ang papalabas na si Mika.

"Aero?" Gulat na tanong nya. "Anong ginagawa mo dito?"

"Bibisita lang" sabi ko sabay taas ng dala kong paper bag na may lamang pagkain.

"Nanjan sila Aris at Zaggy sa loob kakadating lang din" sabi nya saka bukas ng pinto. "Nandito si Aero" anunsyo nya agad naman akong sumilip sa pintuan at nandon nga sila Aris at Zaggy nakaupo sa couch. Gising na si Cliona at naka upo din sa higaan nya. Agad naman akong pumasok doon. "May bibilin lang ako" paalam ni Mika saka sarado ng pintuan.

"Nandito pala kayo" sabi ko. Agad naman silang nag iwas ng tingin. Napa buntong hininga nalang ako saka lapag ng paper bag sa table na nandoon.

"Ano yan?" Tanong ni Cliona habang naka tingin sa paper bag na nilapag ko.

"Breakfast" sagot ko.

"Anong klaseng pag kain yan?"

"A healthy one?" Hindi siguradong sabi ko.

"Walang pizza?" Sabi nya habang may pilit na ngiti sa labi. Agad naman akong napa iling.

"Bawal daw yon sabi ni Cameron" sagot ko, agad naman syang naka nguso saka bumulong bulong, hindi kona sya pinansin at nilapag nalang sa harapan nya ang pagkaing binili ko.  Saka umupo sa tabi ni Zaggy. "Kumain na din kayo" sabi ko saka kain ng binili ko para saken. Chicken, fried rice, Coffee and milk lang ang binili ko para saming lahat. Agad naman silang kumain, mukang hindi rin sila nag breakfast.

"Walang tubeg?" Tanong nanaman ni Cliona. Agad tumayo si Zaggy at inabutan sya ng bottled water, na agad naman nyang ininom. Tumayo din si Aris at inabot sakanya yung gatas na binili ko. "Anong flavor neto?" Tanong nya ulit.

"Plain" sagot ko.

"Ay, walang straw berry?" Napa titig nalang ako sa kanya dahil sa pagiging demanding nya. Inikot ikot nya pa yung bottled milk na binili ko saka binutasan sa taas gamit ang straw saka iyon ininom.

"Wag mong titigan dre, baka matunaw" biglang bulong ni Aris kaya napa tingin ako sakanya.

"Diko naman tinititigan ah" balik na bulong ko.

"Wag ako dre, style mo bulok" sabi nya hindi ko naman tinititigan eh, sadyang nakakagulat lang kase kanina pa sya salita ng salita.

"Zaggy pwede mo bang tawagan si Mika?" Tanong nanaman ni Cliona na nakay Zaggy ang paningin.

"Sure, anong sasabihin ko" sagot ni Zaggy saka kinuha ang cellphone nya.

"Bilan nya ako ng straw berry flavor ng gatas tapos pizza" naka ngiting sabi ni Cliona na nakapag pakunot ng noo ko. Naka drugs bato!?

"Dre, may gayuma ata yung pagkain mo" bulong nanaman ni Aris.

"Gago!" Singhal ko sakanya. Natawa naman sya.

"And pizza, but—, ok ok" si Zaggy na binaba ang cellphone nya. "Bawal daw ang pizza, mapapagalitan daw sya ni Cameron" baling ni Zaggy kay Cliona na agad namang napa kunot ang noo na naka tingin kay Zaggy.

"Napaka damot talaga ng kupal nayon!" Bulong na sigaw nya. "Mag usap na kayo, hiya pa kayo" sabay baling nya samin. Napa tingin naman ako kay Zaggy at Aris na agad nag iwas ng tingin sakin kaya napa kunot ang noo ko.

"May sasabihin ba kayo saken?" Taka kong tanong. Natahimik naman silang dalawa, hindi makapag salita. Tungkol bato kila Tyreen at Justine? "Kung tungkol yun kila Tyreen at Justine, ayos lang ako"

 

 

CLIONA P.O.V

"Kung tungkol yun kila Tyreen at Justine, ayos lang ako." seryosong sabi ni Aero.

Nyay! Sinungaleng!

Agad namang napatingin sila Aris at Zaggy sakanya. Napa tingin nalang ako kay Aero na tipid na ngumiti sakanilang dalawa.

Alam kong nasasaktan sya dahil halos kalahating buhay nya ay umaasa kay Tyreen. Sino ba naman kase ang hindi mahuhulog kay Tyreen. Mala anghel ang itsura at ugali, mayaman, pang model ang katawan, yun nga lang ay nasisiraan ng ulo. Wala naman talaga akong balak na makielam sa problema nila pero kaylangan ng matauhan ni Aero sa kahibangan nilang dalawa,nakakatawa ngang isipin na si Tyreen lang ang nasa plano ko diko inaasahang makikisabay si Percy at Tamara sa problema. Talaga palang mahilig sya sa mag kaibigan. Tss.

"Sorry Dre, balak naman talaga naming sabihin sayo pero napangunahan kami ng kaba at takot" pauna ni Aris.

"Alam nyo?" Gulat na tanong ni Aero saka tiningnan kami isa isa. Agad naman akong umiwas dahil kahit ako ay guilty.

"Oo, nung nasa Hospital si Cliona nung hinampas sya ni Banjo sa ulo ay nag sabi sakin si Tyreen na tawagan ko sya pag naka uwi ako, kaya ayun ang ginawa ko pero nagulat ako ng tawagin nya akong babe tapos sorry sya ng sorry saken, kaya nag salita nako ayun nagulat sya saka pinatay ang tawag. Then she texted me sabi nya ay wag ko munang sabihin sa iba dahil sya ang bahalang mag paliwanag sating lahat" kwento ni Aris. Naka titig lang ako kay Aero, pinapanood ng magiging reaksyon nya. Pero eto sya tulala lang na parang walang naririnig at hindi maka paniwala sa naririnig.

"We're In Acquitance party that time, you're dancing with Cliona that time, when Mika disappeared. Kaya hinanap ko sya and nakita ko sya sa gilid ng garden na parang may tinataguan." Panimula ni Zaggy. "Kaya lumapit ako sakanya at sabi nya wag ako maingay. Kaya tiningnan ko kung sino ang tinitingnan nya, Then I saw Tyreen kissing and Hugging a guy. But trust me, hindi ko alam na si Justine yun" dagdag nya.

"Tama pre, kahit ako diko alam na si Justine yun" dagdag ni Aris, sakto naman ang pag pasok ni Mika kaya lahat kami ay napa tingin sakanya.

"Nag uusap na pala kayo" sabi nya sabay bigay sakin ng pinabili ko pero walang pizza. Tanging gatas lang tapos ube de lche. Wow ah! Bawal pizza pero ito pwede!? "Kung ano ang sinabi ni Zaggy at kung paano nya nalaman ay ganon din ako. Dadagdagan ko lang. Gusto man namin sabihin sayo ay hindi namin nagawa dahil na nga sa pakiusap ni Tyreen na sya ang bahala mag ayos non. Kaya nung araw na nag away si Katty at Tyreen ay dahil yun don dahil hindi na namin kinaya yung pang gagamit sayo ni Tyreen" paliwanag ni Mika habang naka upo sa may paanan.

"H-hindi mo din alam na si Justine yun?" Tanong ni Aero agad namang umiling si Mika. Natahimik silang lahat habang ako ay nakain lang. Masarap naman pala tong Ube de leche nato pero letche din sa tamis! Kaumay dude!

Napatingin ako sakanilang lahat ng maramdaman kong nakatingin sila saking lahat. Nilunok ko muna ang pagkain ko saka ako nag salita.

"Nakakatamad mag kwento" sagot ko sabay subo ulit ng pang huling ube de leche sa baunan.

"Kahit ngayon lang Cliona please" pakiusap ni Aero. Kaya napa buntong hininga ako.

"Ako ang unang naka alam ng lahat" sagot ko na kina gulat nilang lahat.

"P-paano?" Tanong ni Aris kaya naman ay nag kwento ako.

Flashback....

Nag lalakad ako papuntang rooftop ng school dahil balak kong matulog, ikaw ba namang mag trabaho 24/7 sino ang hindi hihiling kahit sa isang oras na tulog. Paliko nako sa hagdanan ng makita ko si Justine na may hahalikan.

Tss, diba uso sakanila ang sogo? Kadiri ah! PDA masyado.

Nag patuloy ako sa pag akyat nag panggap na wala akong nakita at wala akong pakeelam. Totoo namang wala ang pakeelam pero nakita ko. Nag patuloy ako hanggang sa makilala ko kung sino ang kahalikan ni Kupal.

"Cliona" gulat na pag tawag nya sa pangalan ko. Napatingin ako sa paligid ko saka ako tumingin sakanya. "Let me explain" sabi nya.

"Para saan?"

"Sa nakita mo" sabi nya. Napatingin pako sa paligid saka tinuro ang sarili ko.

"Ako? Wala naman akong nakita" pag mamaang maanga ko.

"I know you saw it" singit ni Justine.

"Eh ano naman kung nakita ko?"

"We're engage" sabi ni Justine kaya napa tingin ako sa darili nya at meron nga syang singsing.

"So?"

"Wag mo muna sasabihin kay Aero please ako na ang bahalang umayos nito" sabi ni Tyreen, tiningnan ko lang sya saka nilagpasan sila at nag patuloy papasok sa rooftop at doon natulog.

Ilang araw na ang lumipas ng malaman ko ang relasyon nila Tyreen at Justine sa isa't isa. Pero katulad nga ng sabi ko ay walang akong pekeelam pero lahat ng yon ay nawala ng mabalitaan kong pumayag si Tyreen na ligawan sya ni Aero.

Tss,ito ba yung paraan nya para ayusin ang gulong ginawa nya?

Hindi nako nagulat kung mag kasama sila ni Justine sa tagong lugar, pero diko masikmura na kasama nya si Aero sa harap ng maraming tao pero ang totoo nyang nobyo ay patago nyang kinikita. Diko mapigilang makaramdam ng awa kay Justine kaya nilapitan ko sya sa ilalim ng puno kung saan madalas syang tumambay.

"Cliona?" Taka nyang tanong. Nginitian ko sya saka tumabi sa tabi nya, inagaw kopa ang isang ear phone na naka soot sa tenga nya at sinoot ang tenga ko.

"Nice music taste huh?" Sabi ko ng mapakinggan ko ang kantang pinapakinggan nya.

-You know me the best

You know my worst, see me hurt, but you don't judge

That, right there, is the scariest feeling

Opening and closing up again

I've been hurt so I don't trust

Now here we are, staring at the ceiling-

"Bakit ka nandito?" Tanong nya bigla.

"Hindi mo naman pag mamay ari to?" Pag tukoy ko sa school garden.

"I mean, bakit ka nasa tabi ko?" Tanong nya ulit.

"Katulad nga ng sinabi ko ay hindi mo naman pag mamay ari to" sagot ko. Napatawa nalang sya dahil wala na syang makuhang tamang tanong na dapat itanong sakin.

-I've said those words before but it was a lie

And you deserve to hear them a thousand times-

"Sa tingin mo anong 8 letters yung binabanggit nila jan?" Tanong ko.

-If all it is is eight letters

Why is it so hard to say?

If all it is is eight letters

Why am I in my own way?-

"I hate you" sagot nya.

-Why do I pull you close

And then ask you for space

If all it is is eight letters

Why is it so hard to say?-

Hindi ako nag salita at hinintay ko lang ang sasabihin nya.

"Isn't it amazing how almost every line on our hands

align

When your hand's in mine

It's like I'm whole again, isn't that a sign

I should speak my mind"

Sinabayan nya ang kanta. Maganda ang boses nya at talaga namang damang dama nya ang kanta.

"Sa tingin mo tama paba ang set up namin ni Tyreen?" Tanong nya bigla saakin. Hindi ako sumagot at pina bayaan lang syang mag salita. "Nag papaligaw sya kay Aero, kahit na engage na kaming dalawa. Ako ang tunay pero ako pa yung nag tatago para lang maka sama sya at para lang hindi nya masaktan si Aero." Natatawang dagdag nya, saka tumingin saken. "I hate her for doing this to me, and I hate my self for loving her so much" dagdag nya kasabay ng pag tulo ng luha nya. Agad syang nag iwas ng tingin at pasimpleng pinunasan ng luha nya.

"Nasabi mong mahal mo sya pero nasabi nya ba sayo na mahal ka nya?" Tanong ko. Napatingin naman sya sakin at hindi sumagot, tiningnan ko ang mga puno sa paligid kung saan hinahangin ang mga dahon nito. "Sabi nga nila Action speak louder than words, sinasabi nya man sayong mahal ka nya pero pinaparamdam nya ba?" Nilipat ko ang paningin ko sakanya kaya nag tama ang mata namin. "Sabihin na nating pinaparamdam nya sayo na mahal ka nya at sinasabi nya din sayo ang mga salitang yon. Pero kahit anong gawin mo ay hindi mo mapapalitan ang pag mamahal nya para kay Aero, maaring hindi nya talaga magawang saktan si Aero dahil mahalaga talaga sakanya ang pinag samahan nilang dalawa." Tumayo ako at pinag pagan ang paldang soot ko. "Lagi mong tatandaan may iba't ibang uri ng pag mamahal, at yung nararamdaman nya para kay Aero ay pag mamahal lang bilang kaibigan" sabi ko saka ko sya tuluyang iniwan doon.

 

Natapos ako sa pag kwento na syang pinakinggan naman nila. Hindi ko talaga hilig mag kwento dahil wala naman akong pakeelam sa mga bagay na hindi nakakakuha ng interes ko. Pero ang bagay nayun ay hindi lang naka kuha ng interes ko kundi nakapag labas din ng mga pananaw ko sa buhay.

Tunay ngang walang perpekto sa mundo halat tayo ay pantay pantay ng pamumuhay pero iba iba ang pananaw sa buhay.

"Bakit hindi mo sinabi sakin ang tungkol jan" pag basag ni Mika sa katahimikan.

"Nakakatamad mag kwento" sabi ko sabay higa dahil nanakit na ang likod at sugat ko. 

"Lagi ka nalang ganyan! Lagi mo nalang hindi sinasabi ang mga mahahalagang usapan!" Singhal nya saken.

"Wala akong interes problemahin ang problema ng iba" tamad kong sagot.

"Pero dapat nag sasabi ka!" Napa pikit nalang ako sa inis dahil alam kong hindi nya ako titigilan kaya naman ay sinipa ko sya sa binti. "Aray ah!"

"Manahimik ka napaka ingay mo" suway ko sakanya saka ako nag talukbong ng kumot at pumikit. Tahimik lang sila kaya nakikiramdam lang ako. Hanggang sa marinig ko ang boses ni Aero.

"Aalis na ako" paalam nya.

"Kami den" sagot naman ni Aris. Nanatili akong nakikiramdam hanggang sa maramdaman ko ang pag alis ni Mika sa higaan ko at ang pag bukas at sarado ng pintuan. Natahimik ang buong paligid kaya naman ay natuluyan nakong naka tulog.

"Cliona gising" rinig kong pag tawag sakin. "Hoy" niyugyog pa nya ako kaya naman ay inis kong tiningnan ang nang gising saken.

"Ano ba!?" Singhal ko sakanya.

"Galet na galet!?"

"Ano bang problema mo?"

"Eh kase tumawag si BN saken, May lasing na lasing daw na lalaki doon na naka school uniform ng katulad satin tapos pilit na kumakanta sa stage kaya yung mga costumers daw nila ay yung iba ay nagagalit yung iba naman ay umaalis nalang" sabi nya. Agad namang napa kunot ang noo ko.

"Ano naman?"

"Ano ba!? Hindi pumasok sila Aero baka sila yon. Tapos baka lasing na lasing na sya!" Bulyaw nya saken.

"Tuleg kaba!? Syempre heart broken"

"Yun na nga! Eh hindi nga mapigilan nila BJ"

"Anong gusto mong gawin ko?" Tanong ko sakanya.

"Edi tara na!" Sabi nya saka hinila pako sa paa.

"Ano ba!? Mapapagalitan tayo ni Cameron, G na G payun saten" sagot ko. Agad namang ngumiti saken si Mika.

"Umuwi sya para matulog bukas daw sya babalik ng umaga at saakin ka nya iniwan" ngiting sabi nya.

"Ayoko tinatamad ako" sabi ko saka nag talukbong ulit ng kumot.

"Bibilan kita ng pizza"

Agad akong napatayo "ano pang hinihintay mo tara na" sabi ko saka nag paunang lumabas. Minsan talaga naiinis ako sa pag kahilig ko sa pizza dahil na ba blackmail ako ni Mika. Kaylangan kona ata bawasan ang pag kain non, maka tatlong box kada linggo.

"Oh" abot nya sakin ng leather jacket ko. Agad ko namang sinuot yun dahil naka hospital gown pako. Tingnan moto mag aaya di naman ako dinalan ng damit.

"Saan tayo sasakay?" Tanong ko sakanya. Agad naman nyang tinaas ang susi ng motor nya. "Ako mag da drive ah!" Sabi ko agad naman nyang hinagis sakin ang susi nya ng maka tapat kami sa motor nya. Agad akong sumakay at umangkas naman sya sa likod ko. Nag maneho ako papuntang Royal, buti nalang ay may soot akong jacket at pants sa ilalim dahil malamig ang hangin ngayong gabi. Diko din napansin kanina sa loob ng hospital na gabi na at hindi rin naman ako nag tanong. Walang traffic kaya naman agad kaming naka dating sa Royal.

"BJ!" Pag tawag ni Mika.

"Mika! Buti naka dati— bakit mo kasama yan!" Sigaw nya kay Mika habang sakin naka tingin.

"Ako kase ang bantay nyan, pag umalis ako wala syang kasama, kaya sinama kona" sagot ni Mika kaya hinampas sya ni BJ ng pagka lakas lakas.

"Hindi ka nag iisip!" Singhal sakanya ni BJ. "Pag may nangyari nanaman jan eh pare parehas tayong mapapahamak pag nalam ni Cameron tong kalokohan mo!"

"Sino ba yung sinasabi mo" singit ko.

"Ayan" sabay turo nya sa couch at doon nakita ko sila Aris, Zaggy at Aero. "Buti nga at tumahimik na dahil baka mawalan ako ng costumer ngayon" dagdag ni BJ. Hindi kona sya sinagot at pumunta nalang ako sa pwesto nila.

"Cliona?" Gulat na tanong ni Aris ng makita ako. "Anong ginagawa mo dito?"

"Bawal bako dito?" Sagot ko saka umupo sa tabi ni Aero.

"Hindi naman pero diba nasa Hospital ka pano ka napunta dito?"

"Sumakay"

"Pano mo nalaman na nandito kami? At sino ang kasama mo?" Si Zaggy naman ang nag tanong.

"Kilala ko ang may ari nito" sabi ko saka akamang iinumin na ang alak ng may umagaw sakin non.

"Bawal to sayo!" Sabi nya saka tungga ng alak ma sinalin ko.

"Lasing kana" sabi ko.

"Di pako lasing, diva dre? Di pako lasing!" Sagot nya. Napailing nalang ako.

"Dre umuwi na tayo, naka inom kana" suway sakanya ni Aris.

"You're drunk, nag aalala na yun sila Tita at tito sayo" dagdag ni Zaggy.

"Kung gusto nyo umuwi, mauna na kayo dito lang ako" Sabi nya sabay inom ng alak sa bote. Napatingin ako kay Zaggy ng biglang tumunog ang cellphone nya.

"Yes?" Sagot nya. "What!? Ok ok, I'll be there" binaba nya ang cellphone nya saka bumaling samin. "I'm sorry may emergency lang. Mauuna nako" sabi nya saka nag mamadaling umalis.

"Putcha! Pano ko iuuwi to!? Eh kaylangan kona den umuwi anong oras na mapapagalitan ako ni Mama" si Aris na mukang problemado talaga.

"Umuwi kana ako na ang bahala dito"sabi ko.

"Sigurado kaba?" Tanong nya agad naman akong tumango. "Salamat talaga alis nako! Dre una nako ah!" Baling nya kay Aero na hindi naman sya pinansen. Nang maka alis si Aris ay napa tingin ako kay Aero na naka sandal sa couch habang nainom sa bote.

"Nababaliw kana" sabi ko.

"What!?"

"Binge"

"What!?"

"Wilab, lakas ng amats" bulong ko.

"What!? Lakasan mo hindi ko marinig" sabi nya, napa pikit nalang ako sa inis at nag salin ng alak sa baso. "Wag mo iinumin yan! Bawal sayo!" Singhal nya saken. Wala naman akong balak inumin to kaya inabot ko sakanya yun. "Anong gagawin ko jan?"

"Ibuhos mo sa sarili mo" sagot ko.

"What!? Napaka yabang mo talaga!"

"Napaka bingi mo naman"

"What!?"

"Wat wat, watawat!"

"HAHAHAHAHAH! NAKAKATAWA KA!" biglang tawa nya. Kung hindi lang lasing to iisiin mo na maluwag na ang turnilyo nito sa utak. " Alam mo,"

Hinde

"Di kita maintindihan, minsan kase ay seryoso ka minsan naman ay naka ngiti ka, minsan naman mabait ka pero kadalasan ang yabang mo" natatawang sabi nya. May nakakatawa ba? Nasisiraan na talaga to ng ulo.

"Gusto moba ganto nalang ako sayo palage?" Tanong ko agad naman syang tumango habang nakangiti."Ikaw naman tuleg na talaga" bulong na dagdag ko.

"Ano!?" Yan nanaman sya.

"Sabi ko utak mo may ubo!" Balik ko sakanya saka abot ng alak sakanya. "Ayan inumin mo tapos mag pakamatay kana"

"Ay yabang mo!"

"Inborn" tipid na sagot ko.

"Baka naman may Gayuma to" sabi nya habang inaamoy yung alak na sinalin ko.

Kapal ng apog neto.

"Si Ji chang wook kaba para gayumahin ko" bulong ko ulit.

"Ano!?" Tanong nanaman nya. Hindi ko nalang sya sinagot dahil sabi nila mahirap makipag talo sa lasing lalo na pag broken hearted. "Alam mo gusto kong magalit kay Tyreen dahil sa ginawa nya sakin pero wala akong karapatan, kase alam mo yon, unang una walang kami at pangalawa katulad nga ng sinabi mo ay kung mahal man nya ako siguro ay pag mamahal lang sa kaibigan ang nararamdaman nya" sabi nya. Napa tingin nalang ako sa harapan habang nakikinig sakanya. "Gusto ko din sapakin si Percy non dahil sa pang loloko nya kay Ailey pero hindi ko rin nagawa. Tama ka din sa sinabi mong mahina ako dahil kahit nga masuntok kita ay hindi mo magawa" natatawang dagdag nya. Hindi ko alam pero naramdaman ko ang sakit na nararamdaman nya. Napag daanan kona ang pinag dadaanan nya ngayon at hanggang ngayon ay hindi ko parin nahahanap ang finish line ng sakit na nararamdaman ko, nabawasan man sya pero hindi parin nawawala. Napatingin ako sa stage ng biglang may nag salita doon.

"Ang kantang to ay para sa mga taong patuloy na nasasaktan. " sabi nung babae sabay umpisa ng kanta.

-Heto ka nanaman Kumakatok sa aking pintuan

Muling naghahanap ng makakausap At heto naman ako Nakikinig sa mga kwento mong paulit-ulit lang Nagtitiis kahit nasasaktan-

"Nananadya ba ang mundo?" Tanong nya sakin, nag kibit balikat nalang ako.

-Ewan kung bakit ba Hindi ka ba nadadala Hindi ba't kailan lang nang ika'y iwanan nya At ewan ko nga sa'yo Parang bale wala ang puso ko Ano nga bang meron siya Na sa akin ay di mo makita-

"Mas maganda pa ang boses mo sakanya" dahil sa sinabi nya ay naatingin ako sakanya "pag ikaw ang nakanta ay napapatulala talaga ako, tapos parang ikaw lang yung nakikita ko, ang weird no" natatawang dagdag nya.

"Nababaliw kana" sabi ko saka tingin ulit sa harapan.

-Kung ako na lang sana ang iyong minahal Di ka na muling mag-iisa Kung ako na lang sana ang iyong minahal Di ka na muling luluha pa Di ka na mangangailan pang humanap ng iba Narito ang puso ko Naghihintay lamang sa iyo-

"Yung pinag usapan nyo nga pala ni Justine don sa kwento mo." Panimula nya.

-Heto pa rin ako Umaasa ng puso mo

Baka sakali pang ito'y magbago

narito lang ako

Kasama mo buong buhay mo

Ang kulang na lang mahalin mo rin akong lubusan -

"Alin don?"

"Yung tungkol doon sa kanta. Kung sakanya ay I hate you ang ibig sabihin ng 8 letters, ikaw? Ano sa tingin mo ang sinasabing 8 letters doon?"

-Kung ako na lang sana ang iyong minahal Di ka na muling mag-iisa

Kung ako na lang sana ang iyong minahal Di ka na muling luluha pa Di ka na mangangailan pang humanap ng iba Narito ang puso ko Naghihintay lamang sa iyo Kung ako nalang sana Kung ako na lang sana ang iyong minahal Di ka na muling mag-iisa-

"I Love You" sagot ko na syang nakapag patulala sakanya.

-kung ano nalang sana-

"Kung papakinggan mo ang kanta ay masasagot ang katanungan mo. Sugurado akong alam ni Justine ang tinutukoy doon pero sinabi nyang I hate you dahil iyon ang nararamdaman nya" panimula ko. "Ikaw, kung ikaw ang tatanungin ko tungkol sa walong letra nabinabanggit sa kanta, ano ang magiging sagot mo" sabi ko saka tumingin sakanya kaya nag tama ang mata namin.

"P-parehas" sagot nya. Napangiti ako saka muling tumingin sa nakanta sa stage.

"Alam mo ang pagmamahal ng isang tao ay parang musika lang din yan. Merong masaya at meron ding malungkot, may masarap pakinggan meron din namang masakit sa tenga, merong sikat at yun ang mga bago palamang at meron din namang palaos na at yun naman ang mga matagal na. Pero mapapansin mo din ang mga lumang kanta ay muling sumisikat pag lumipas ang mga panahon. Parang sa pag mamahal din yan, mawawala dahil matagal na pero kung patuloy na susuportahan ng dalawang nag mamahalan ang binuo nilang samahan ay muling babalik yon sa pagiging sariwa at bago." Paliwanag ko, napatingin ako sakanya prenteng naka sandal ang ulo sa headboard ng couch habang naka krus ang mga braso at naka tingin sa gawi ko ang ulo, mukang naka tulugan na nya ang pakikinig sakin at dala na rin ng kalasingan.

"Bagsak na yan" biglang sulpot ni Mika. Napatayo ako at niligpit ang mga bote ng alak na ininom nya.

"Tawagin mo si Chayse tapos si Christian" utos ko agad naman nyang sinunod. "Aero" pag gising ko sakanya pero maski mag mulat ng mata ang hindi nya nagawa hanggang sa dumating narin si Christian at Chayse.

"Bagsak nayang alaga mo ah" natatawang sabi ni Christian habang inaalalayan si Aero na tumayo. Inakay nila yon palabas ng royal at saka sinakay sa kotse nya.

"Gagamitin ko ang kotse nya, sundan mo nalang kami" sabi ko kay Mika saka inistart ang sasakyan at minaneho yun papunta sa bahay nila Aero. Nang maka rating ay agad akong bumaba at nag door bell pa muna na agad namang binuksan ni Manang at ni Mrs. Tyson.

"Cliona!" Gulat na pag tawag sakin ni Mrs. Tyson.

"Magandang gabi po, kasama kopo si Aero nandon sya sa sasakyan nya, diko mabuhat mag isa baka matuklap nanaman ang sugat ko" sabi ko.

"O my gosh! Where's my baby?" Sabi nya kaya pumunta nako sa sasakyan ni Aero, nandon na si Mika sya na ang nag baba kay Aero agad naman syang tinulungan ni Mrs. Tyson at Manang. "Thank you Sweetie, naistorbo kapa ng anak ko, tingnan mo naka hospital gown kapa, wag mong sabihin tumakas ka nanaman?" Gulat na tanong nya. Napa ngiti nalang ako.

"Mga batang ito. Lasing na lasing ang anak mo Amie" si Manang.

"Broken hearted yan manang" sagot ni Mika kaya siniko ko sya.

"Aalis napo kami, good night po" paalam ko.

"Ipapahatid kona kayo" suggest ni Mrs. Tyson.

"Hindi na ho may motor po kaming dala" sagot ko saka muling nag paalam at sumakay na sa motor ni Mika.