AERO P.O.V
LUNES
Napa bangon ako ng tumama ang sinag ng araw sa muka ko.
"Putcha!" Napahawak ako sa ulo ko dahil sa biglang pag sakit non.
"Gising kana pala" napatingin ako kay Mommy na kakapasok lang sa kwarto ko na may dalang tray. Agad akong umupo ng mailapag nya sa side table ko ang tray na may lamang breakfast.
"Tinawagan kona ang coach mo and I told him na hindi ka makaka attend ng practice ngayon" sabi ni Mommy saka abot sakin ng pagkain.
"Thanks mom" sabi ko. "Paano nga po pala ako nakauwi?" Tanong ko.
"Hindi moba naalala?" May mapangasar na ngiti na sabi ni Mommy. Agad naman akong napa kunot ang noo.
"Wag nyong sabihin" nanlalaki ang mata ko agad naman napatawa si Mommy.
"Right baby!" Sabi nya.
"NAG DRIVE AKO MAG ISA!?" gulat na sigaw ko dahilan para mapatigil si Mommy.
"WHAT!?" Sigaw ni Mommy saka hampas sa braso ko. "Nakakainis ka! Kala ko na gets mona! Nakakainis ka talaga! SI CLIONA ANG NAG HATID SAYO!" sabi ni Mommy saka padabog na lumabas sa kwarto ko.
(O_O)
S-si Cliona?
"Ano ba san nyo bako dadalin!?"
"Uuwi kana pre, mag sasarado na kami" sagot nung lalake na diko naman kilala.
"Hoy! Wala akong pera kaya bitawan moko!"
"Mas mayaman pako sayo dude"
"Oh anong kaylangan mo saken!? Wag mong sabihin" agad akong napahawak sa buong katawan ko. "Di tayo talo!" Sasagot na sana sya ng makita ko si Cliona na naka sandal sa kotse ko. "Woi! Tulungan moko!" Sigaw ko saka nag pupumilit na kumawala sa dalawang lalaki na may hawak sakin.
"Maluwag na ang turnilyo mo sa utak" iling iling na sabi nya saka bukas ng shotgun seat. "Amina ang susi mo?"
"Bakit ikaw ang mag mamaneho? Ehhhhh sweet sweet mo naman"
WATDAPAKKKKKKK!
GINAWA KO TALAGA YUN?
HINDI AKO YON!
DOUBLE GANGER YON!
NAKAKAHIYA KA!
"BABYYYYYY!" napatingin ako ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko at niluwa non si Mommy na malaki ang ngiti saken. "Wash up, faster faste may bisita ka!" Sabi nya habang kinikilig.
"Sino po?" Takang tanong ko.
"Yieeeeeee, secret. Bilis na!" Sabi nya saka ako tinulak papasok ng banyo. Wala akong ngawa kundi ang maligo at nag bihis saka ako bumaba.
"Yieeeeee buti napa dalaw ka samin sweetie namiss talaga kita" rinig kong boses ni Mommy kahit nasa hagdanan palang ako.
"Kakakita palang po natin kagabe"
(O_O)
Agad akong napababa ng marinig ko ang boses nayun!
"Hihihihi, Oo nga pero ngayon nalang ulit tayo maka sabay sa pagkain"
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko ng makita ko si Cliona at Mommy na nag uusap sa Dining. Tiningnan nya naman ako mula ulo hanggang paa saka subo ng kanin na nasa kutsara nya.
"BABY NAMAN! Wag kang ganyan sa bisita natin!" Suway sakin ni Mommy. "Sige sweetie kumain kalang, ang payat payat mona oh!" Sabi ni Mommy habang tinitingnan ang kabuuan ni Cliona.
"Ah hindi naman ho, wala lang oras sa pagkain" sagot nya.
"Pch! Hindi pinapalipas ang pagkain" sagot ko sabay upo sa tapat nya.
"Busy ako"
"Ganon kaba ka busy para makalimutang kumain?"
"May trabaho ako"
"Eh ano naman, valid reason bayun para dika kumain"
"Eh ano naman kung hindi ako kumain" sagot nya, hindi ako naka sagot. Shoot yun dude! Oo nga naman ano naman kung hindi sya kumain, sya naman ang magugutom hindi ako. Pch!
"Edi wow" sagot ko saka ako sumubo.
"Pch! Utak mo may ubo" balik na bulong nya.
"Ano!?"
"Wala sabi ko may muta kapa" sabi nya agad naman akong napahawak sa mata ko. Wala naman akong nakuha! Sinungaleng!
"Wala naman! Atsaka hindi naman yun ang sinabi mo kanina ah!"
"Edi hindi, bat mo hinawakan" ngising sagot nya.
"Yabang mo talaga!"
"Inborn"
Napatigil kaming parehas ng biglang tumawa si Mommy. "Ang cute nyong tingnan! HAHAHAHA!" natatawang sabi nya. Tiningnan ko nalang ng masama si Cliona na ngingiti ngiti kay Mommy.
"Bat ka ngumingiti jan!?" Tanong ko sakanya.
"Pati ba naman pag ngiti ko papakeelaman mo? Pakelamero"
"Sus! Gusto mo lang si Mommy ko eh" sabi ko.
"Bakit kaylangan bang ikaw lang?" Biglang tanong nya.
(O __ O)
"W-wala naman akong s-sinasabe" depensa ko.
"Yieeeeeeee! Nakaka kilig kayo!" Singit ni Mommy na kinikilig pa. Parehas kaming dina sumagot dahil baka mag tuloy tuloy ang pag tatalo namin. " Cliona sweetie said that sasamahan nya ako mag mall ngayon,
Yieeeee excited nako! Sama ka samin baby" sabi ni Mommy.
"M-Mall? Kayong dalawa ni Cliona?"
"Yes! Wala akong kasama kaya sabi nya ay sasamahan nya nalang ako. Sweet diba baby!" Sabi ni Mommy saka tumayo. "Mag bibihis muna ako, jan muna kayo ah" dagdag pa nya saka patakbong umakyat sa kwarto nila ni Daddy. Napatingin ako kay Cliona na patuloy lang sa pagkain nya.
"Sinabi mo talaga yun kay Mommy?" Takang tanong ko, agad naman syang nag angat ng tingin saken.
"Bakit masama ba?" Balik na tanong nya sakin.
"Hindi naman nakakagulat lang" sagot ko, napanganga ako ng bigla nya akong nginitian. "B-bat ka ngumingiti!?"
"Masama ba, ha?" Sabi nya saka ngumiti pa lalo kaya lumabas ang mapuputi at maliit nyang ngipin.
"Sinasapian kaba ngayon?"
"Hindi ah! Tinutupad ko lang ang gusto mo"
(O __ O)
"A-anong pinag sasabi mo?" Utal kong tanong.
"Hindi moba naalala?" Biglang tanong nya dahilan para kabahan ako. May mas malala paba sa ginawa ko na na- aalala ko?
HINDI PWEDE!
HINDI KO MAALALA!
"M-may ginawa b-bako?" Utal kong tanong. Napa ubo naman sya saka umiwas ng tingin.
"Wala naman" sabi nya, kahit umiwas sya ay alam kong ping tatawanan nya ako sa utak nya!
"ANO NGA!?"
"Kulet wala nga!"
"Sasabihin mo lang eh!"
"Bala ka jan" sabi nya saka tumayo at nag diretcho palabas ng bahay!
"Hoy san ka pupunta!?" Sabi ko sabay habol sakanya. "Diba sasamahan mo si Mommy?" Dagdag ko bigla naman syang lumingon kaya mapatigil ako.
"Anong ako lang, Hoy! Kasama ka daw sabi ni Mrs. Tyson!" Balik nya saken.
"S-sabi ko nga, san kaba kase pupunta?"
"Jan lang," sabi nya saka nag patuloy sa pag labas, sinundan kopa sya ng tingin para masiguradong hindi nya kami tatakasan, pero ayon sumandal lang sya sa motor nya saka may kinausap sa cellphone nya.
Naks may cellphone na
Agad akong umakyat sa kwarto ko para mag palit ng damit. Nang matapos ay agad akong bumaba. Nandoon na si Mommy na palinga linga sa paligid, nang makita ako ay agad syang lumapit sakin.
"Nasan na si Cliona?" Tanong ni Mommy.
"Titingnan ko lang po sa labas" sabi ko saka ako lumabas, agad kong nakita si Cliona na nakatalikod sa gawi ko habang naka yuko. Lumapit ako pero napatigil agad ng marinig ko syang mag salita.
"Oo, tawagan mo si Mika, Saan ba?, Ngayon na?, Hindi ako pwede may pupuntahan ako, tsk! Tigilan moko Zandro," natatawa nyang sabi, Zandro? Pch yun yong snab na nakalaban namin tapos biglang nag light up yung aura nung makita si Cliona. Pch! "Mag kita nalang tayo, Tanong mo sa pagong" sabi nya saka biniba ang tawag. Tiningnan kopa ang likod nya saglit bago ako mag salita.
"Hoy!" Pag tawag ko agad naman syang lumingon. "Aalis na tayo" dagdag ko.
"Nasan na ang nanay mo?" Tanong nya. Bigla namang sumulpot si Mommy mula sa likuran ko.
"Nanjan ka pala! Kala ko tinakasan mo nako" kunwaring nag tatampo sa sabi ni Mommy.
"Pasensya na ho, may kinausap lang ho ako" sagot ni Cliona.
"So, let's go!" Sigaw ni Mommy saka hila kay Cliona, pero hindi naman sya gumalaw.
"May motor ho ako, atsaka may pupuntahan din ako pag tapos nito hindi kona ho kayo masasamahan pauwi" paliwanag nya sakay sa motor nya. "Nasa likod nyo lang ho ako"
"Are you sure?" Nag aalalang tanong ni Mommy. Agad namang tumango si Cliona habang naka ngiti.
Yung totoo naka drugs bato?
"Ok, then let's go son!" Excited na sabi ni Mommy saka ako hinila pasamag sa kotse ko. Agad akong nag drive palabas ng village at papunta sa mall na pag mamay ari nila Aris. Pasimple ko lang tinitingnan si Cliona mula sa side mirror ko, naka sunod lang sya samin.
"She looks cool when she drive like that" biglang sabi ni Mommy. Napatingin nanaman ako sa side mirror at doon ko nakita si Cliona na nag da drive parin mula sa gilid namin. Naka leather jacket na puting T-shirt sa loob, ripped jeans at puting sapatos ang soot nya habang nililipad ang buhok. Ang astig nya ngang tingnan dahil bibihira lang sa babae ang nakaka pag maneho ng—
*BEEP!*
"TUMINGIN KA SA DAAN BONAK!" sigaw nya na kinagulat ko. Agad akong napa tingin sa daanan at napa tingin kay mommy ng bigla syang tumawa. Hindi kona sila pinansin at nag patuloy nalang sa pag mamaneho, kahit lumingon sa gilid ko ay hindi kona din ginawa.
Nang naka rating kami sa Mall ay agad na bumaba si Mommy kaya naman ay sumunod agad ako, at ayun si Cliona na pababa palang sa motor nya, agad na lumapit sakanya ni Mommy kaya naman ay sumunod nako. Nang matapos ay sabay sabay kaming pumasok sa Mall nila mommy at Cliona.
"Good morning sir Aero" bati pa sakin ng guard. Nginitian ko nalang sya at nag patuloy sa pag lalakad. Nasa likuran lang kami ni Cliona habang si mommy ay nas harapan at palingon lingon sa mga stall.
"Grocery muna tayo" aya ni mommy kaya naman ay sumunod na kami sakanya. May dalawang cart na kinuha si Mommy at pinatulak saken.
"Akin na yung isa" biglang kuha sakin ni Cliona ng isang cart, tatanggi pa sana ako dahil nakaka hiya naman kung sya pa ang pag tutulakin ko eh sinamahan na nga nya si Mommy para mamili, pero wala akong nagawa ng mauna sya sakin mag lakad. Agad akong sumunod sakanya. Panay lagay lang ni Mommy sa cart ng kung ano anong pagkain.
"Chocolate sweetie gusto mo?" Biglang tanong ni Mommy na nakay Cliona nakatingin.
"Hindi na ho" sagot nya.
"Ako mommy, nauuhaw nako" singit ko pero hindi ako pinansin ni Mommy. Lah! Ano to? Favouritism!? Tiningnan ko ng masama si Cliona ng marinig ko ang bahagya nyang pag tawa. Pinandilatan nya ako kaya naman inis ko syang iniwan doon. Kumuha ako ng madaming fruit juice at ininom ang isa dahil nauuhaw na talaga ako. Napatingin ako kay Cliona na nandon parin sa kinatatayuan nya kanina at masama ang tingin sa mga Chocolate drink na nandon.
"Pati ba naman Chuckie pinapatay mo sa utak mo" salita ko ng maka lapit ako sakanya.
"Ilibre moko" sabi nya na kinagulat ko. A-ano daw? "Sige na babayaran nalang kita sa school, kulang ang dala kong pera eh" dagdag pa nya. Napatitig ako sakaya habang tinitingnan nya ang pinaka malaking box ng Chuckie. "Bakit ba kase napaka mahal ng inumin nato" reklamo pa nya.
"Kumuha kana" sabi ko kaya napa tingin sya agad sakin. Napa pikit pako ng ilang beses dahil nakita ko ang pag kislap ng mata nya.
"Sigurado ka?" Tanong nya, walang bago. Seryoso parin at parang nang hahamon ng away. Hindi kona sya sinagot at kumuha ng limang 350ml na chuckie at nilagay sa cart ko. "Hoy! Isa lang" reklamo nya.
"Bilisan mo si Mommy nawawala na" sabi ko at pumunta na sa casher.
"Nasan na si Cliona?" Tanong ni mommy ng maka lapit ako sakanya.
"Nanjan napo" sagot ko sakto naman ang pag dating ni Cliona. Agad na nabayaran ni Mommy lahat ng pinamili namin at saakin lahat pinadala.
"Kakain na tayo, saan mo gusto kumain Cliona?" Tanong ni Mommy.
"Kahit saan nalang ho" sagot nya.
"Ikaw anak san mo gusto kumain?" Baling sakin ni Mommy.
"Sa dati nalang po" sagot ko. Pumunta kami sa korean resto na palagi naming kinakainan nila Mommy. Binati pa kame ang mga tauhan don bago naka upo ng maayos. Nasa tapat ko si Cliona habang nasa gilid naman namin si Mommy.
"Anong gusto mo Cliona sweetie, wag kang mahiya, masasarap ang pag kain nila dito"
"Bulgogi?" Dipa sure na sagot nya. " Anong klaseng pag kaen to?" Tanong nya sa waiter. Gusto ko tumawa ng malakas dahil sa itsura nya pero ang daming tao kaya nakakahiya.
" A juicy, savory dish of grilled marinated beef po Ma'am" sagot nung waiter.
"Tss, dami alam pwede namang sabihing Barbeque" rinig kong bulong nya kaya sinipa ko sya sa paa mula sa ilalim. "Sige ho ito nalang sakin" baling nya kay Mommy na malaki ang ngiti sakanya.
"3 Bulgogi, Japchae, and Hoeddeok"
"Psst" napatingin ako kay Cliona ng bigla nya akong sipain sa paa.
"What?"
"Wala bang kanin dito?" Bulong na tanong nya.
"May spicy rice sila dito gusto moba?" Tanong ko, bigla naman syang napa kagat sa ibabang labi nya saka umiling.
"Wag nalang" sagot nya. Patago nalang akong tumawa dahil sa pag iiba ng ekspresyon nya. Diko alam kung maganda lang ang gising nito o sadyang may saltik sya sa utak o di kaya naman ay sinasapian ang mabuting espiritu.
"Cr lang ako, jan lang kayo ah" paalam ni mommy saka tumayo at pumunta ng Cr. " Napa tingin ako kay Cliona na nililibot ang paningin sa buong paligid.
"Kamusta na pala ang ate mo?" Biglang tanong nya saka sumandal sa upuan at pinag krus ang mga braso habang seryosong naka tingin saken. Umalis nanaman ang sapi nya.
"Hindi ko matanong pero alam kong hindi sya ok, hindi na sila nag kikita ni Percy, Pag pumupunta naman si Percy sa bahay ay pinapaalis nya agad" paliwanag ko.
"Eh ikaw?"
"H-huh? Anong ako?"
"Hindi lang naman si Ailey ang nasaktan sa sitwasyon nyo." Sagot nya at doon ko lang na gets ang pinupunto nya.
"Nasaktan pero nawawala din naman" sagot ko habang naka tingin sa sapatos ko. Nasaktan talaga ako sa mga nalaman ko, niloko ako ng mga taong naka palibot sakin, sila Percy at Tamara na suportado ang pinag gagawa nila Tyreen at Justine. Sila Aris at Zaggy maging sila Mika, Katty, Rumsel, Roi at pati si Cliona ay may alam pero hindi nila sinabi saken. Hindi ko naman din sila masisisi dahil iniintindi lang nila ang mararamdaman ko. Tama din naman sila dahil kung sinabi nila sakin yun ay baka nga ay magalit lang ako sakanila ay isipin na pinag kakaisahan nila kaming dalawa ni Tyreen. Yung masabihan nga lang na malandi si Tyreen ay sa hospital nauwi ang away namin ano pa kaya kung sabihin nila sakin ang mga nalalaman nila. Pinag katiwalaan ko si Tyreen dahil mag kaibigan naman kami kahit papano, Pero hindi ko akalain na papayagan nya akong manligaw kahit na alam nyang ikakasal na sya kay Justine.
"Hindi tama na ikulong mo ang sarili mo sa lungkot kahit alam mo naman sa sarili mo na kaya mo maging masaya" napatingin ako sakanya ng bigla nyang basagin ang katahimikan. "Masasaktan ka sa ngayon pero pag lumipas ang panahon mawawala din yan. Hindi mo mapapansin na masaya kana at naka wala kana sa sakit na ginawa ng ibang tao" naka ngiting sabi nya, napa titig ako sakanya. "Mukang ok kalang naman" dagdag pa nya.
"P-parang napag daanan mona yung nangyari saken ang galing mo mag payo" natatawang sabi ko. Tinitigan nya lang ako saka mapait na ngumiti.
"Here's your order Ma'am, sir enjoy your food" saktong dating naman ng waiter at syang lapag ng inorder namin.
"Let's eat" si mommy na kakaupo lang. Kanya kanya na kaming kain. Panay ang kwento ni Mommy pero bakas ang pananahimik ni Cliona. May nasabi bakong hindi maganda? Tinanong ko lang naman sya kung naranasan na nya yung sitwasyon namin ngayon ni Nonna.
"That time nga pala Cliona Sweetie, nakita kitang niyakap ni Ailey. Mag ka kilala ba kayo?" Biglang tanong ni Mommy. Napatingin naman sakin si Cliona saka bumaling kay Mommy.
"Sakanya nyo nalang po itanong ang bagay nayan. Kase kung ako po ang tatanungin hindi ko sya kilala" diretchong sagot ni Cliona saka inom ng juice.
"Siguro nga kay Ailey ko nalang itatanong. May nobyo kana ba?" Tanong ulit ni Mommy.
"Wala ho akong oras para jan"
"Ayaw moba?"
"Wala naman hong nag tatangka"
"Ang hina mo naman baby" biglang sipa ni Mommy sa paa ko.
"H-huh?" Takang tanong ko. Bakit ako nasali sa usapan nila. Sasagot na sana si Mommy ng biglang tumunog ang cellphone ni Cliona.
"Go ahead sagutin mona" sabi ni Mommy agad naman yong sinagot ni Cliona. Nanatili lang syang nakikinig at pinatay ang tawag ng hindi manlang nag iwan maski isang salita.
"Ihahatid ko po muna kayo sa parking lot. May pupuntahan pa ho ako" sabi nya.
"Kung ganon ay umalis na tayo" sabi ni Mommy saka tumayo. Agad kaming sumunod sakanya papuntang parking lot. "Mag iingat ka sweetie" hinalikan pa ni Mommy si Cliona sa pisnge bago sumakay sa kotse ko.
"M-mauuna na kami" paalam ko, tinanguan nya lang ako kaya naman ay sumakay nako sa kotse ko at nag simula ng mag maneho. Tahimik lang akong nag mamaneho kahit si Mommy ay hindi nag salita hanggang sa dumating kami sa bahay.
"I want to be with her pa, but it can't be. Ngayon lang sya kusang pumunta sa bahay" rinig kong boses ni Mommy mula sa dining kaya naman sumilip ako doon, kausap nya si Manang, pero sino naman ang pinag uusapan nila?
"Ano naman daw ang dahilan nya para pumunta dito?" Tanong ni Manang.
"Inabot nya lang yung naiwang gamit ni Aero sa bar ng kaibigan nya, then she asked me for a go out, hindi talaga ako makapaniwala nung inaya nyako. Sobrang excited ko nun manang. I don't know why" sagot pa ni Mommy.
"Oo nga pala si Cliona nga pala ang nag hatid kay Aero nung gabing iyon" natatawang sabi ni manang.
(O_O)
Ibig sabihin sya nga talaga ang nag hatid sakin nung nalasing ako!
"O bakit ka naman daw nya inaya?" Tanong pa ni Manang.
Mom sigh, "she missed her mother"
(O __ O)
"Kaming dalawa lang ang mag ka sama ni Cliona sa bahay nya"
"Oo may sarili syang bahay at sabit lang ako, kaya kaylangan sundin ko sya para hindi ako palayasin"
"Eh sa wala akong magulang"
"She missed her mother"
(O __ o)
"Hindi nya sinabi ng buo pero nakita ko sa mata nya kung pano nya ako titigan, talaga namang na ngangailangan sya ng kalinga, sabi pa nya ay hindi nya kilala ang nanay nya tapos tinanong ko kung sino ang magulang nya ang sabi nya ay wala syang magulang" dagdag pa ni mommy. Yan din yung sinabi nya sa office ni lolo sa kaso namin kay Banjo. Totoo bang wala syang magulang, pero imposible dahil si Cameron ay suportado ng pamilya nya, eh diba mag kapatid naman sila?
"Nakakaawa ang batang iyon" wika ni manang. Hindi nako nakinig pa sa usapan nilang dalawa ng biglang tumunog ang cellphone ko.
Aris is calling.....
[ Dre! ]
"Problema mo?"
[Sama ka?]
"Saan nanaman?"
[Bibili kaming pang regalo ni Zaggy]
"Para saan?"
[Birthday na ni Mika next sunday, tara na]
"Huh? Sige hintayin nyo nalang ako sa parking"
[Sige Dre, ingatsu!]
"Bye" then I hung up. Nag palit pa muna ako ng panibagong damit bago mag paalam kila Mommy. "Mom, aalis po ako kasama sila Aris at Zaggy" paalam ko.
"Sure baby, make sure na makakauwi ka bago mag dinner ah" sabi pa ni Mommy, ngumiti nalang ako saka humalik sa pisnge nya,nag paalaam pako kay Manang bago ako umalis at bumalik sa mall na pinang galingan namin kanina ni Mommy.
"Tagal mo Dre" reklamo ni Aris ng maka lapit ako sakanilang dalawa.
"Galing na kasi ako dito kanina" paliwanag ko.
"Look" biglang singit ni Zaggy. Napa tingin kami sakanya pero malayo ang tingin nya. "Motor yun ni Cliona diba?" Sabay turo nya sa motor na nasa gilid ng kotse ko.
"Oo nga no!" Si Aris na lumapit pa sa motor ni Cliona. Nandito pa ang motor nya, ibig sabihin ay hindi pa sya nauwi mula kanina.
"Let's go baka maka salubong pa natin sya dito" aya ni Zaggy na sinang ayunan naman ni Aris. Agad kaming pumasok, kanya kanya batian ang mga crew at staff nila ng makita kaming tatlo.
"Hindi ko manlang alam kung ano ang pwedeng ipang ligaro kay Mika" si Aris na busy katitingin sa mga stall.
"Why don't you call Katty for help" suggest ni Zaggy.
"Ginawa kona kanina, wala din syang clue. Bakit ba kase walang cellphone si Cliona!" Reklamo ni Aris.
"Let's just find her" suggest ni Zaggy kaya naman ay nag simula na kaming mag libot sa buong mall, paminsan minsan pa kami lumilingon para lang mahanap si Cliona pero maski anino nya ay hindi namin makita.
"Dre, Wala na ata si Cliona, let's find some gifts for Mika" aya ni Aris sabay pasok sa isang stall.
"Sa tingin mo anong mga hilig ni Mika?" Tanong ko.
"I don't know" si Zaggy ang sumagot saakin.
"Ok na ata to" si Aris saka pakita ng pabango na channel ang tatak.
"Indeed, Mika likes those stuffs? Really? I don't think so" I chuckled.
"Shut the fvck up Dre, you're not helping" He answered. I get my phone and I text Mika.
To: Mikaela
Give Cliona's number to me
I waited for a seconds before I recieve a Text. From unknown number.
From:+639*******736
Bat?
Kunot noo kong binasa yung text. Sino naman to?
To:+639********736
Sino to?
From:+639*********736
Tss
At dahil jan, I saved her number.
To:Cliona tomboy
Nandito kami sa mall nila Aris at Zaggy, they looking up for you. Bibili sila ng gift for Mika's birthday, anything suggestion?
From:Cliona tomboy
Hindi naman maarte si Mika sa gamit, Pabango,relo, kahit ano, kahit wala.
She reply.
"Sino kausap mo?" Biglang sulpot ni Aris. "Cliona tomboy" pag basa ni Aris sa dialer ID bahagya pang umawang ang labi nya at nanlalaki ang mata na tumingin sakin. "Holy sh*t! May number ka ni Cliona!? Patingin!" Dagdag pa nya habang pilit na inaagaw sakin ang cellphone ko. "Putcha dre! Nag sasarili ka!"
"Ano ba! Hiningi koto kaya mag hirap ka!" Suway ko sakanya saka tago ng cellphone ko.
"Apaka damot mo dude" sabi nya pa saka labas ng cellphone at nag pipindot doon. "Mika!"
(O_O)
Mang hihingi nga sya!
"Grabe ah, hihingin ko sana yung number ni Cliona, ano!? Bakit si Aero meron. Hehe oo nga pala" sabi nya saka naka ngising tumingin sakin. (>_<) "sige na ibigay mona, oo sige. Salamat!" Sabi nya saka baba ng tawag at naka ngising humarap samin ni Zaggy.
"What she said?" Tanong ni Zaggy.
"Secr—" hindi na natapos ni Aris ang sasabihin nya ng biglang tumunog ang cellphone nya.
"It's Cliona wait"
"Ano!? May number ka din nya!?" Sabay naming sabi ni Aris. Nginitian lang kami ni Zaggy saka nya sinagot ang tawag.
"Yes were here, right we just buying a gift for Mika. Ok bye" sabi nya saka baba ng cellphone at tumingin samin. "Nasa food court daw sya. Let's go there" aya ni Zaggy.
"May number ka den ni Cliona?" Tanong ni Aris.
"Yeah"
"Kaylan pa?"
"Last night"
"Eh bakit ikaw tinatawag nya?"
"I don't know ang sabi nya lang ay wala daw kwentang kausap si Aero kase nag uusap daw sila kanina ay bigla nalang hindi ng reply" sagot ni Zaggy na kinagulat ko. Agad kong inalabas ang cellphone ko ay doon ko nabasa ang huling text ni Cliona.
From: Cliona tomboy
Food court hintayin namin kayo dito
Namin?
Naka rating kami sa food court at agad naman naming nakita si Cliona habang mag kausap na lalaki na naka talikod sa gawi namin.
"Sino yan?" Bulong sakin ni Aris. Nag kibit balikat nalang ako saka lumapit sa gawi nila Cliona.
"Hey" pag agaw ko ng eksena.
"They here" sagot nung— Zandro!?
"Hi Dude!" Bati pa nila Aris at Zaggy, tinanguan lang sila ni Zandro saka tumingin sakin saglit at nilipat ang tingin kay Cliona.
"Nos vemos la próxima vez, piénsalo."
"Uhmm,contácteme si encuentra alguna actualización, adiós"
"adiós" sagot pa ni Zandro bago umalis. Sa lahat ng napag usapan nila uhmm lang naintindihan ko.
"H-hehe hindi ko kayo naintindihan" natatawang singit ni Aris bago umupo sa katapat na upuan ni Cliona ganon din naman si Zaggy kaya wala akong nagawa kundi ang umupo sa tabi ni Cliona.
"Kumain naba kayo?" Tanong nya.
"Hindi pa nga eh. Kanina pa kami nag hahanap ng pwedeng iligaro kay Mika pero wala kaming mahanap"
"Right, nung nakita namin yung motor mo sa parking hinanap ka agad namin. Kanina kapa ba dito?" Dagdag na tanong ni Zaggy, tango naman ang sinagot sakanya ni Cliona. "We should eat first then"
"Busog pako, madaming pagkain ang inorder ni Mrs Tyson kanina" pang tanggi ni Cliona.
(>_<)
"Si Tita? As in yung mommy ni Aero?"
Dalawang mag kasunod na tanong ni Aris.
"Oo"
Itutuloy.....