AERO P.O.V
LUNES
Araw ng Lunes, maaga ang pasok namin hindi dahil sa may practice kundi dahil sa may announcement nanaman na magaganap sa quadrangle. By grade and by section ang arrangement namin kaya naman kitang kita ko si Tyreen na tumitingin pa sa gawi namin, hindi ko nalang sya pinansin at tiningnan ang pwesto ng mga section D. Kitang kita ko sila Mika at ang mga kaibigan nya na syang si Roi at Cliona lang ang nawawala, maging si Justine na seryosong naka tingin sa harapan. Agad na hinanap ng paningin ko si Cliona pero maski anino nya ay hindi ko nakita.
"Nasa back stage sila Dre" biglang bulong ni Aris saken.
"H-huh?" Taka kong tanong.
"Sus! Wag ako iba nalang. Halata namang hinahanap mo si Cliona kaya sinasabi kona sayo nasa backstage sya kasama si Roi" wika ni Aris. Hindi kona sya sinagot pa at tumingin nalang ako doon ng biglang may mag salita mula doon.
"Good morning students" pauna ni lolo. Lahat ng ingay ay biglang tumahimik ang mga nag kalat na estudyante ay biglang nag si balik sa kani- kanila nilang pwesto, lahat ng mata ay naka tingin sa harapan at tila nakikinig sa mga susunod na salitang bibitawan ni Lolo. "Hindi nako mag papaligoy ligoy pa. Kung nag tataka kayo kung bakit nandito kayong lahat sa harapan ko ay dahil sa magaganap na Inter high—" naputol ang pagsasalita ni Lolo ng bigla nanamang umingay ang paligid. " Quiet, let me finish students" unti unti namang natahimik ang paligid kaya naman ay nag patuloy na si lolo sa pag sasalita.
"Feeling ko mapapa aga ang Inter high ngayon" pag salita ni Aris.
"Sa tingin ko din" pag sang ayon ni Zaggy.
"Ano naman ang dahilan nila?" Tanong ko parehas naman silang nag kibit balikat. Kung mapapa aga man ang Inter high paniguradong may dahilan sila, kung ano man yun ay hindi kopa alam.
"Dalawang linggo mula ngayon ay mag sisimula na ang Inter high sa pangunguna ng ating paaralan." Pag tatapos ni Lolo sa sinasabi nya, agad naman nyang pinasa ang mic kay Roi.
"Ayun na nga! Paniguradong excited na kayo sa Inter high, yes or yes!?"
"YES!"
"WHAAAA MAKIKITA KONA ULIT MAG LARO SILA AERO!"
"ARISSSSS!"
"ZAGGY! WHAAA!"
"REMSON!"
"LAHAT SILA GWAPO!"
"LALO NA SI AERO!"
"Oo na alam ko, alam kona lahat ng yan. Pero hindi nyo ba itatanong kung bakit napa aga ang Inter high natin ngayon!?" Tanong ni Roi kaya naman ay lahat sila ay nag bakit. "Eto na nga, mag kakaroon ng panibagong labanan na magaganap sa lahat ng school, gusto nyo ba malaman kung ano!?"
"Oo!"
"Yes!"
Kani kanila nanaman nilang sigawan.
"Music Fest!" sigaw ni Roi. Nag ka tinginan kaming tatlo nila Aris at Zaggy dahil sa sinabi ni Roi.
"Sino naman ang mag kaka interes na sumali jan?"
"We don't know"
MIKAELA P.O.V
Natapos na ang announcement kaya naman ay nandito na kaming lahat sa cafeteria maliban kay Cliona na nasa Office pa kasama sila Anniza at ilan pang Music Min. Cut na ang classes dahil na din sa announcement at dahil narin sa pag hahanda sa nalalapit na Inter high. Excuse ang mga varsity habang ang hindi naman ay tuloy sa klase.
"Ako ang kinakabahan sa magiging desisyon ni Cliona bakla!" Si Roi na kagat kagat pa ang kuko. Hindi pa kami umo- order dahil hinihintay pa namin si Cliona.
"Ano bang meron?" Naguguluhang tanong ni Aero.
"Music min kase ang pinili ni Dean para sa Battle of the band kaso ayaw sumali ni Cliona" paliwanag ni Roi.
"Diba may audition pa dapat na magaganap?" Tanong ni Aris.
"Yun nga eh, kung may willing lang na sumali may audition na magaganap pero wala naman sa arte ba naman ng mga tao dito" singit ni Rumsel.
"She's here" lahat kami napa tingin kay Cliona ng umupo sya sa bakantemg upuan kung saan katabi nya si Aero.
"Bwisit" bulong nya saka inis na tumingin samin.
"Anong nang yari?" Tanong ko. Napa buntong hininga pa si Cliona bago sumagot.
"Hindi ako sasali" diretchong sagot nya dahilan para magulat lahat ng kasama namin sa mesa. Ang OA lang ah!
"Bakit naman!?" Si Katty pero wala syang natanggap na sagot mula kay Cliona.
"Sayang ang opportunity" dagdag ni Zaggy.
"Sumali kana Mader sayang na sayang" Si Rumsel
"Mapapahiya ang buong school natin pag hindi ka sumali" pa ngungunsensya ni Aris. Pero lahat sila ay walang nakuhang sagot.
"Oh" singit ni Aero sabay abot kay Cliona ng paper bag. Kunot noo naman syang tiningnan ni Cliona. "Yan yung binili mo sa supermarket kahapon naka limutan mong kunin saken" lahat kami ay napa nganga dahil sa sinabi ni Aero.
"Mag kasama kayo kahapon?" Gulat na tanong ko. Ang sabi lang ni Cliona sakin ay ibabalik nya lang ang naiwang gamit ni Aero sa Bar pero ngayon ay may date ng nagaganap?!
"Hoy! W-wag kayong mag isip ng kung ano ano! N-nag pasama lng si Mommy sakanya!" Dipensa ni Aero na utal utal pa kung mag salita.
"Sus! Kala ko panaman si tita Amy lng ang kasama ni Cliona kahapon pati pala ikaw. Nako! Bilis talaga ng manok ko!" Kantyaw ni Aris.
"A-anong manok!?"
"A-anong manok!?" Pang gagaya pa ni Roi dahilan para mag tawanan kami.
"wag nga kayo jan, kaylangan pa natin malaman kung bakit ayaw sumali ni Cliona!"suway samin ni Rumsel na kala mo ay hindi rin sya naki tawa saamin. "So mader ert give us a valid reason para hindi ka sumali" baling nya kay Cliona.
"Dahil ayaw ko" sagot ni Cliona.
"Valid na yan teh?"
"Hindi ba sila makaka kilos ng wala ako? Music min na sila nung hindi pako nag aaral dito. Kaya wala akong makitang dahilan para makisali pako sakanila. Besides kaya na nila yon ng wala ako" sagot ni Cliona saka diretchong lumabas ng cafeteria at iniwan kaming lahat. Hindi ko naman sya masisisi kung bakit ayaw nya. Naiintindihan ko ang dahilan nya dahil isa yon sa dahilan kung bakit sya napa tapon sa China at nag hirap ng ganto.
"Intindihin nyo nalang si Cliona, may dahilan sya kung bakit ayaw nya sumali. May trabaho kami at nag aaral pa hindi na kakayanin ng oras nya kung sasali pa sya sa contest nayun para lang hindi mapa hiya ang school nato. And besides tama naman sya diba, they can perform without Cliona" ngiting sabi ko, "ako na ang mag oorder" dagdag kopa saka ako tumayo at pumuntang Counter. Cliona suffer a lot because of that contest. She waist her time to practice, she skipped class just to practice at saksi ako sa lahat ng yon. Kahit kung ako ang nasa kalagayan ni Cliona ay mas pipiliin kong iwasan lahat ng dahilan ng pagka sira ng tiwala ng pamilya ko at pag kasira ng buhay ko.
CLIONA P.O.V
"You are disgrace to this family!"
"Why can't you just let me to believe what I want to believing!?"
"You are a kid, you don't know what you believing!"
"Then I'm leaving"
"Clirity! Don't you dare walk out that door, Don't you dare!"
"I'm not kid anymore, Valerie, just let me follow my heart"
"I'm your mother Clirity! Follow me!"
"You're n—"
*SLAP*
"I hate you"
Napa angat ang tingin ko ng may maramdaman akong naka tingin sakin at panyo ang lumalubong sakin.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko habang nag pupunas ng luha.
"Kunin mona wag ka ng mahiya" aniya kinuha ko nalang yon dahil baka mag super sayan pa sya dito kung kokontrahin ko nanaman sya. Nanatiling naka pikit ang mata ko habang naka higa sa damuhan.
"Anong ginagawa mo dito?" Biglang tanong nya. Nasa school garden ako at ni nanam nam ang simoy ng hangin.
"Nag papahangin" diretchong sagot ko, natahimik naman sya at hindi na muling nag salita pa, alam kong may gusto pa syang sabihin pero hindi nya masabi. "Pag iisipan ko muna ng mabuti bago ako mag desisyon" yun nalang ang sinabi ko at muling pinikit ang mata ko.
"Let's make a deal" wika ni Dean, pinatawag nya ako dito ng matapos ang announcement kanina at ngayon ay pinipilit nya akong sumali sa Music Fest nayan.
"I'm not interested Dean" sagot ko.
"How about half nalang ang babayaran mo sa tuition fee mo just join this one" aniya kaya naman natahimik ako. Magandang offer pero hindi kakayanin ng oras ko. May trabaho ako sa gabi at buong araw naman tuwing weekends.
"Pag iisipan ko"
"Alright, I need your answer this coming friday. Are we clear about that Ms. Wolverson?"
"Bahala na. Mauuna na ho ako" agad akong lumabas doon at dumeretcho sa canteen. Hindi ko alam kung papayag ba ako o hindi. Paano na ang trabaho ko? Kaylangan ko ng pera, pero pang bayad nga ng tuition fee ang pina tatrabahuhan ko.
Bwisit! Bahala na!
AERO P.O.V
Gusto kong tanungin si Cliona tungkol sa contest at kung bakit ayaw nya sumali eh maganda naman ang offer ni Lolo.
Nang maka alis si Mika para mag order ay agad akong tumayo at umalis, pinigilan pako nila Aris at Zaggy at tinanong nila kung saan ako pupunta kaya sabi ko ay pupunta ako kay lolo dahil may usapan kaming dalawa, kahit wala naman talaga. Agad akong pumunta sa Deans office at doon ko naabutan si Lolo at si Ms. Nuevo sa harapan ng madaming papel.
"Lolo" pag tawag ko sakanya, agad naman syang nang angat ng tingin sakin.
"Ikaw pala, maupo ka, anong kaylangan mo?" Umupo pa muna ako bago ako sumagot.
"Tungkol po sana sa offer nyo kay Cliona" sagot ko, agad namang napa buntong hininga si Lolo saka sumunod sakin.
"Half of her tuition fees will me close. Half nalang ang babayaran nya. And she said that she's too busy that's why I offered her again a make up class. Dahil aware naman akong gahol na tayo sa oras para mag discuss pa so I decided na excuse ang varsity at performer and meron especial project just to pass all of our varsity" Sagot ni lolo.
Pagkatapos non ay agad kong hinanap si Cliona at nakita ko sya sa garden na prenteng naka higa. Agad ko syang nilapitan para sana kausapin pero may butil ng luha sa mata nya. Teka, naiyak nanaman ba sya?
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong nya kaya naman inabot ko sakanya ang panyo ko.
"Kunin mo na wag kanang mahiya" sagot ko. Agad naman nya yun kinuha kaya naman ay umupo ako sa tabi nya. "Anong ginagawa mo dito?" Tanong kopa.
"Nag papahangin" sagot nya. Nag papahangin? Eh air- conditioned naman ang classroom nila bakit hindi sya doon? Sa bagay mas masarap ang sariwang hangin kesa sa fake. Napa tingin ako sakanya. Naka pikit at mukang malalim ang iniisip. Gusto ko sana syang pilitin na sumali pero mukang wala ako sa posisyon dahil mukang may problema pa sya, siguro tama ang sinabi ni Mika. Wag nalang namin sya pilitin. Pero sayang ang offer ni lolo, mababawasan ang gastusin nya sa school.
"Pag iisipan ko muna ng mabuti bago ako mag desisyon" napa titig ako sakanya dahil bigla syang nag salita. Napa pikit parin sya, mahaba ang pilik mata,medyo singkit ang mata dahil nga sa may lahi syang chinese. Matangos ang ilong at mapula ang labi kahit wala naman syang gamit na kung ano, at tinakasan ng dugo na balat, ang puti nya, para bang naliligo sya sa gatas at hindi naarawan. "Wag mokong titigan" agad akong napa iwas ng tingin dahil sa sinabi nya. Kala ko tulog na sya. Paksheyt! Tahimik lang akong naka tingin sa kawalan habang hinihintay magising ang naka tulog ng Cliona. Kahit sa panaginip ay may kaaway sya, kunot noo pa sya habang malalim ang pag hinga.
"She's sleeping?" Napa tingin ako sa gilid ko ng biglang may nag salita.
"Cameron" pag tawag ko sa pangalan nya, nginitian nya lang ako saka lumapit sa kapatid nya.
"Kanina paba sya tulog?" Tanong nya habang pinag mamasdan ang kapatid nyang natutulog.
"Half of an hour?"
"You can go back, may practice pa ata kayo"
"Hindi moba sya gigisingin?" Tanong ko, agad naman nya akong hinila. "A-ano b—"
"Ikaw nalang" bulong nya sabay tayo at bahagya pang lumayo saakin.
"Bakit ako?"
"Basta ikaw nalang kaya mo yan"
"Ehh ikaw na—"
"Anong ingay nyo" parehas kaming napatingin kay Cliona ng bigla syang mag salita, masama ang tingin nya saming dalawa ni Cameron. Agad syang tumayo at nilahad ang kamay sakin. "May practice pa kayo, tayo na" aniya kaya naman ay kumawak nako sakanya at tumayo, napa pikit pako ng biglang parang ma ground ang paa ko, dahil narin siguro sa pag kakaupo ko ng matagal.
"Here, sabi ni Mika hindi paka nakain mula kanina" si Cameron sabay abot ng sandwich at chocolate drink kay Cliona.
"Salamat, mauuna na kami. Bumalik kana sa klase mo"
"Masusunod mahal na prinsesa" ngiting sabi ni Cameron, tinapik pa nya ako sa balikat bago tuluyang makalayo saamin. Sabay kaming nag lalakad ni Cliona papunta sa field kung saan nandon ang mga team mates ko. Lahat kami ay excuse dahil sa hindi inaasahang pag babago ng schedule ng Inter high at dahil narin sa pag hahanda sa darating na music fest.
"Saan kayo galing?" Salubong samin ni Mika, pero wala syang nakuhang sagot mula kay Cliona na nilampasan lang sya, kaya naman ay sakin sya tumingin.
"Nakita ko lang sya sa Garden natutulog" sagot ko, napa tango naman sya.
"Mag uumpisa na din tayo" aniya bago ako iwanan doon, nilapag ko lang ang gamit ko bago ako sumunod sakanila kung saan tumatakbo silang lahat paikot sa buong field habang si couch ay patuloy sa pag pito. Paminsan minsan ko pang tinitingnan si Cliona na prenteng naka upo habang naka pikit ang mata. Diko maisip kung bakit ayaw nya sumali doon, at kung ano ang sinasabi ni Mika na nakaraan ni Cliona. Kanina din ay naabutan ko syang naiyak.
Napangiti ako
Ang isang Cliona Verity na maangas kumilos at walang emosyon kung tumingin, iisipin mong wala syang pakeelam sa taong naka paligid sakanya, pero dimo aasahan na mahina din sya katulad ng ibang babae. Umiiyak pero hindi pinapakita sa iba.
Ano pa ba ang malalaman ko sa buong pagkatao mo?
Ilang emosyon pa ba ang tinatago mo?
Sino kaba talaga Cliona Wolverson.