LunaStar

Chapter 37: LUNA STAR

AERO P.O.V

 

 

 

MARTES

 

Maaga ang pasok namin dahil narin sa practice namin sa soccer. Kuno't noo akong napa tingin sa paligid dahil may red carpet na naka latag sa kalsada at may mga lobo pa.

 

 

 

"Anong meron?" Takang tanong ni Aris na kakarating lang din.

 

 

"May bisita siguro" sagot sakanya ni Zaggy.

 

 

"Ah mga ser, sa hallway po ang daan ng mga student" wika ng guard.

 

 

 

"Anong meron? Bakit may ganto?" Tanong ko sakanya.

 

 

 

"May bisita daw ser"

 

 

 

"Sino daw?"

 

  

 

"Ay hindi kopo alam Ser, pero paniguradong espesyal yon dahil nag pahanda ng ganto ang lolo nyo. Sige po ser" aniya saka nag paalam at inasikaso ang iba pang mga estudyante na sa hallway padaanin.

 

 

 

"Sino naman kaya ang bisita na sinasabi nila?" Tanong pa ni Aris pero parehas kami ni Zaggy na hindi sumagot. Wala din kaming ideya sa mga nang yayari. At kung sino man ang bisita ay paniguradong malaking tao yon at espesyal katulad na nga ng sinasabi ni Kuyang guard kanina.

 

 

 

 

Tumuloy na kami sa field kung saan pinag uusapan din nila ang Red carpet na naka latag sa gitna.

 

 

 

"Alam moba Coach kung sino ang bisita?" Tanong ni Remson kay Coach. Agad namang umiling si Coach.

 

 

"Katulad nyo ay wala din akong ideya sa mga nang yayari" sagot ni Coach. "Pumwesto na kayo" dagdag ni Coach ng dumating sila Cliona at Mika.

 

"Ang sikip sa hallway kainis!" Reklamo ni Mika habang nilalapag nya ang bag nya. "warm up na agad nag iinit na ang katawan ko sumipa ng bola"

Hanggang palapit ang Inter high ay mas lalo pa kaming ginaganahang mag practice at lahat kami ay naging seryoso. Ang mga tinuro ni Cliona saamin ay unti unti nanaming na ga gamay. Mula sa mga swabeng pag pasa ng bola hanggang sa swabeng pag agaw nito. Nakatutok lang samin sila coach at Cliona habang kami ay nag papatuloy sa laro. Dating gawi. Dipensa ang grupo nila Mika kasama sila Tristian,Remson,Miguel,Ken,Ethan. Habang nasa opensa naman kaming natitira.

 

  

 

  

 

 

*Prfttttt!*

 

  

  

  

   

  

 

Pag pito ni coach, sinyales na tapos na ang laro, napa tingin ako sa score. 5-2, isa lang ibig sabihin non. Talo nanaman kami.

"Gumaganda na ang laro nyo. Panigurado na ang panalo natin dito" taas noo na sabi ni Coach.

 

 

"Kaya nga coach!" Pag sang ayon naming lahat.

 

 

"Malayo na sa dati nyong laro" lahat kami napa tingin kay Cliona ng mag salita sya pero ang mas nakakagulat non ay naka ngiti sya. "Hindi na masama" dagdag nya na hindi nawawala ang ngiti sa labi.

 

 

"Mananalo naba kami nito sa mga taga beijing na yon?" Taas noong tanong ni Miguel.

"Hindi pa" biglang seryosong sagot ni Cliona. "Wala pa kayo sa kalahati" dagdag pa nya na syang kina gulat namin. Gaano nya ba kanilala ang mga manlalaro ng beijing? Kung si Mika ang mag sasabi ay maniniwala pako dahil galing sya doon.

 

  

"Tama, kung na kulang pa" singit ni Mika.

 

  

"Ano bayan! Sino ba ang Coach nila!" Inis na sabi ni Aris na sinang ayunan naman ng ilan samin.

 

 

"Sino ba ang coach nyo Mika! Nakakainis ah!" Lahat kami naka tingin kay Mika. Bigla naman syang napa iling saka tumingin kay Cliona kaya napa tingin din ako kay Cliona na naka ngisi na samin.

 

 

"Mainis na kayo kung mainis, Bahala kayo" matatawang sabi ni Mika habang umiiling pa.

 

 

"Nag research ako tungkol sa Coach nila but wala lumabas kahit isang information" wika ni Zaggy.

 

 

"Pangalan lang ang alam ko sakanya" singit ni Ken, na syang hundred percent fan ng Beijing soccer team.

"Ayaw pa kase sabihin ni Mika kung sino" dagdag nya.

 

 

 

"Alam nyo kung ano ano iniisip nyo eh hindi pa nga tayo sure kung malalagpasan natin lahat ng mga makaka laban natin. Beijing na agad ang iniisip nyo" Ani ni Mika. "Kain na! Ang talo mang lilibre!" Dagdag pa nya saka nag paunang mag lakad. Wala kaming nagawa lahat kundi ang sumunod sakanya.

 

 

"Nakaka halata nako Dre eh." Bulong ni Aris saakin.

 

 

"Ano nanaman yon?"

 

  

"Ginagalingan ni Mika lagi para matal tayo tapos para libre lagi ang pag kain nya!"

 

  

"HOY! NARIRINIG KITA!" balik sakanya ni Mika. "Isusumbong kita kay Katty na kuripot ka!"

 

 

 

"Hoy Joke la—" naputol ang sinasabi ni Aris ng biglang nag si takbuhan ang mga estudyante papuntang Gymnasium.

 

 

"Anong meron?"

 

 

"What's happening?"

 

 

"Anong meron sa gym?"

 

 

Kanya kanya naming tanong ng biglang lumapit saamin ang hinihingan na sila Katty, Roi at Rumsel.

 

 

 

"Anong meron?" Tanong sakanila ni Cliona.

 

 

"M-May bisita t-tayo" si Roi na habol pa ang hininga.

 

 

"Sino?"

 

 

"Bilisan nyo! Padating na sila!" Si Rumsel sabay takbo kaya naman ay nag madali narin kaming pumunta sa Gym kung saan papunta din ang ilang nag tatakbuhang mga estudyante.

Nang makarating ay agad na sumalubong samin ang maingay at puno ng mga estudyante.

 

 

 

"Jan na kayo mga bakla kaylangan ako sa harapan eh" paalam ni Roi saka tumakbo papuntang harapan. Nag hiwalay hiwalay kaming lahat ang iba ang pumnta sa mga section nila habang kaming tatlo ay pumuntang harapan.

 

 

"Mommy? Daddy?" Gulat na wika ko ng makita ko silang dalawa na nandon.

 

 

"Baby!" Si Mommy na tumayo pa at niyakap ako.

 

 

"Ano pong ginagawa nyo dito?" Tanong ko sakanilang dalawa.

 

 

 

"Pina punta kami dito ng lolo mo. Nandito rin si President" sagot ni Daddy. Agad akong nanigas sa kinatatayuan ko dahil sa sinabi ni Daddy.

 

 

"S-si P-President po?" Utal pang tanong ko, parehas na tango naman ang sinagot nila saakin.

 

"Hi Aris at Zaggy!" Kaway pa ni Mommy kila Aris at Zaggy.

 

 

"Good morning po tita" bati nilang pareho saka umupo sa upuan na katabi ko. Nakita ko sila Katty at Rumsel na nasa helera lang namin pero wala don sila Cliona at Mika.

 

 

"Nasan sila?" Tanong ko sakanilang dalawa.

"Hindi ko nga makita eh" sagot ni Rumsel habang tumitingin pa sa paligid. Nasan naman kaya nag soot yon.

 

 

 

"Good morning students" napa tingin ako sa harapan ng mag salita doon si Roi. Ang kaninang maingay na Gym ay biglang tumahimik. "Kung nag tataka kayo o naguguluhan sa mga nang yayari ay si Dean Tyson ang bahalang mag paliwanag nyan. Pero sa ngayon ay panatilihin nating tahimik ang ating mga sarili dahil anumang oras ay pwedeng dumating ang ating bisita." Dagdag pa nya kaya naman ay natahimik ang mga nag bubulungan sa paligid. "Maraming salamat. Ngayon ay tinatawag ko si Dean Tyson upang ipaliwanag ang lahat ng ito" wika nya saka pinasa kay Lolo ang Mic.

 

 

"Good morning students" bati ni Lolo.

 

 

 

"Good morning Dean" balik ma bati ng ilan saamin.

 

 

"Pasensya na kung biglaan ang pag tawag namin sainyo. Ngunit mahalaga ang araw nato para sa buong IS Manila dahil ang Boss ng mga Boss ay nandito ngayon." Wika ni Lolo upang mapuno ng bulungan ang buong gym.

Napa tingin ako kila Mommy at Daddy na kuno't noo ding naka tingin sa harapan. Tumahimik ang mga nag bubulungan ng patahimikin sila ni Roi hanggang sa.

 

 

"Please welcome the share holder of IS Manila, Doc. Arnold Einstein and Dra. Jazzi Einstein!" Anunsyo ni Roi sabay pasok ng Lolo at Lola ni Aris.

 

 

"Sila lolo at lola?" Gulat na tanong ni Aris. Agad na lumakad ang Grandparent ni Aris sa harapan at seryosong umupo sa upuan nila.

 

 

"Another stock holders, Please welcome. Mr. Gio Martinez and Mrs. Zaymin Martinez!" Wika nya sabay pasok ng parents ni Zaggy.

 

 

 

"What!?" Si Zaggy na gulat na naka tingin sa magulang nyang nag lalakad papunta sa harapan at katulad ng grandparents ni Aris ay seryoso din silang umupo doon.

 

 

"The boss are here!" Pag sasalita ulit ni Roi. Napa upo ako ng diretcho ng marinig ko ang salitang boss. "Please welcome, President Tyson!" Napa tulala ako sa harapan dahil sa kaba, hanggang sa makita ko si President na seryoso ding umupo sa upuan nya sa gitna.

 

 

 

"And the last but not the least, the boss of bosses. Please welcome, PRESIDENT AND CHAIRMAN LUNA STAR!" Anunsyo ni Roi. Napa tingin ako sa gilid namin ng biglang dumating sila Cliona at Mika na kapwang seryosong naka tingin sa harapan.

 

 

"Saan kayo galing?" Bulong na tanong ni Rumsel.

 

 

"Kumain" tipid na sagot ni Mika. Lahat kami napa tingin sa pumasok na purong naka itim. Napa lunok ako ng matindi dahil sa aura ng pumasok, para silang si Cliona na mas pina itim ang aura. Isang kaidad ni mommy na babae at kasing tanda ni president na lalaki ang pumasok kasama ang mga tauhan nilang naka itim din na tuxedo.

 

 

"Who are they?" Takang tanong ni Zaggy.

 

 

 

"Boss nga daw ng mga boss. Baklang to bingi lang?" Pang babara ni Rumsel sakanya.

 

 

"What ever"

 

 

 

Mabilis na nalipat ang atensyon ko sa harapan ng mag salita doon si Lolo.

 

"Welcome to IS Manila. Now may I call Mr. Cameron Wolverson to Introduce his self properly" aniya sabay akyat ni Cameron sa stage at nag simula ng mag tilian ang mga babae. "Remain silent student" suway sakanila ni Lolo.

 

 

"Sino yan anak?" Bulong na tanong ni Mommy.

 

 

"Exchange student mom" sagot ko.

 

 

"Good morning ladies and gentleman's, stock holders and Bosses. I'm Cameron Wolverson, an exchange student from SISFU" pakilala ni Cameron.

 

 

"I proudly to announce that Mr. Wolverson would be our representative in this coming debate. He our Top student kaya naman ay makaka laban nya ang top student ng SISFU" wika ni Lolo. Si Percy ang Top student ng SISFU kaya paniguradong si Percy ang makaka laban nya. Galing din pala sya sa SISFU paniguradong alam na nya ang kakayahan ni Percy.

 

 

Biglang tumayo si President Luna star at bumulong kay Lolo na tumatango tango namang sumasagot saka abot ng mic sakanya.

 

 

"Good morning students" bati nya

 

 

 

"Good morning President Luna star" balik namin sakanya.

 

 

 

"I want to see those Varsity players of Soccer. Please go infront" aniya kaya naman ay nah katingin kaming tatlo nila Zaggy at Aris. Isa isa nang nag si tayo ang mga team mates namin at kanya kanya silang punta sa harapan.

 

 

"Mik" pag tawag ni Zaggy kay Mika ng hindi manlang gumalaw si Mika sa kina uupuan nya.

 

 

"Sabit lang ako sainyo kaya hindi ako sasama" seryosong aniya habang naka tingin sa harapan.

 

 

"Pero kasama ka namin sa la—"

 

"Pumunta na kayo doon" pag putol nya sa sinasabi ni Aris. Wala kaming nagawa kundi ang pumunta sa harapan.

 

 

"Nasan si MikMika?" Bulong na tanong ni Remsom saamin.

 

 

"Ayaw eh" sagot ni Aris.

 

 

"Introduce your self gentleman's" sabi ni President Luna star,saka abot kay Remson ng Mic.

 

 

"Remson Rodriguez"

"Tristian Esguerra"

"Good morning, Miguel Tan"

"Ako si Ethan Lee"

"Ken Fernandez"

"Hi! Samuel Perez  "

"Marcelo Cruz, Goal keeper"

  

  "Joshua Vargas, Subtitute player"

 

 

Pakilala nila isa is hanggang sa si Aris na ang mag sasalita.

 

 

"Hi! I'm Arcelio Jhon Einstein but you can call me Aris for short" wika nya sabay abot ng mic kay Zaggy

 

 

"Zaggy Martinez" tipid na pakilala nya sabay abot ng mic saakin.

 

"Aero Tyson, Team Captain" pakilala ko. Napuno naman ng tilian at sigawan ang buong gym kaya naman ay sinaway naman sila ni Lolo kaya nata himik sila.

  

  

"Soccer contains 11 player, 1 is the Goal keeper and the rest are Outfield players. Maliban sa subtitute nyo kulang kayo ng players" nag katinginan kaming lahat saka sabay sabay na tiningnan si Mika na naka titig lang samin. "Sino ang isa pa ninyong play—" Hindi na natapos ang Sinasabi ni President Luna star ng biglang tumayo si Mika at diretchong lumapit saamin. Gulat akong napa tingin sakanya ng bigla syang yumuko at nag salita gamit ang lenggwahe nila. Napa tingin ako kay President Luna star na gulat na naka tingin kay Mika.

 

 

"Mikaela Santiago" seryosong pakilala nya saka tumabi saakin.

 

  

 

"These are the IS Manila soccer team, I hope you can win this game and Goodluck" sabi nya habang naka tingin saamin, nilipat nya ang tingin saakin o mas tamang sabihin ko na kay Mika.

 

  

" Dalawang linggo nalang ang pag hahanda at Inter high na, pero mag papatalo ba ang Music fest? Syempre hinde!" Boses nanamn ni Roi, pabalik na kami sa kanya kanya naming upuan ng mag salita ulit si Roi. "Matinding sapilitan ang pinag daanan ni Dean Tyson para lang mapa payag ang kaisa isa nating Vocal. Pero natanggap ko ang balita ngayon ngayon lang ay pumayag na sya" Dagdag pa nya sabay tingin sa pwesto namin. Napa tingin ako kay Cliona na seryoso  ang tingin habang naka dikwatro at naka sandal sa upuaan kunot noo pa syang naka tingin sa harapan. Biglang tumayo si Lolo at sya ang tumawag sa pangalan ni Cliona.

 

 

 

"Show up your self Ms. Cliona Verity Wolverson!" Anunsyo ni lolo pero mas kinagulat ko ang reaksyon ni President at chairman Luna star. Parehas silang napa tayo at nililibot ang tingin sa kabuuan ng gym.

 

 

 

"Tsss, bwisit talaga" rinig kong bulong ni Cliona at napa pikit pa sa sobrang inis.

 

  

"Where is she?" Tanong ni President Luna star, rinig na rinig namin dahil sa mic na naka kabit sakanya.

  

  

"Ms. Wolverson?" Pag uulit ni Lolo pero hindi parin tumayo si Cliona.

 

 

 

"Te, tawag ka tayo daw" wika ni Rumsel.

  

  

 

"Show up your self Ms. Clio—" lolo's word was cut up when Cliona stood up. "There she is" malalaking ngiting sabi ni Lolo.

 

  

  

 

 

  

 

"CLIRITY"

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

MIKA P.O.V

    

   

   

Napa titig lang ako sa harapan ng biglang tumayo si Cliona.

 

 

"There she is!" Masayang sabi ni Dean sabay turo kay Cliona, na seryosong naka tingin sa harapan, napa pikit nalang ako ng mariin, nang mag tama ang mata namin ni President Veron.

  

  

  

 

Patay nanaman ako nito!

 

   

  

Nasunod lang po ako sa gusto ng anak nyo!

  

  

  

 

"Totoong nahirapan akong papayagin sya sa alok ko pero ngayong umaga lang ay kinumpirma nyang sasali sya. Maraming salamat Ms. Wolverson" malaking ngiting sabi ni Dean. "Please come forward Ms. Wolverson" dagdag pa ni Dean kaya naman ay lumapit sa harapan si Cliona at sabay sabay namang nag si yukuan ang mga tauhan nila ng maka lapit si Cliona doon.

  

  

 

"Wolverson?" Hindi maka paniwalang tanong ni President Veron. Nag simula ng mag bulungan ang mga tao sa paligid at palipat lipat ang tingin kila Cliona at President Veron. Agad na tumayo si Chairman at may bumulong kay Dean dahilan para mapa labas lahat ng estudyante.

  

 

"Te hintayin ka namin sa labas ah" bulong sakin ni Katty ng sila na ang palabasin ng mga tauhan nila.

  

 

 

Istudyante din naman ako dito bakiy hindi nyoko pinalabas!?

 

  

 

Nang maka labas maka labas lahat ng Estudyante ay agad nag salita si President Veron. "Naka balik kana pala bakit hindi mo pinaalam saamin?"

  

  

"Pinalayas nyoko tapos kaylangan kopa ipaalam sainyo ang estado ng buhay ko?" Mapait na wika ni Cliona.

  

  

"Ako parin ang nanay mo Clirity!" Sigaw sakanya ni President. Tumawa naman ng peke si Cliona at tiningnan nya ng seryoso si President.

  

  

"Sa isang pag kakamaling ginawa ko tinalikuran nyo ang pagiging nanay ko." Wika nya.

  

  

"Para sa kapakanan mo yon! Nag kamali ka, panagutan mo!" Sigaw ni President habang dinuduro pa si Cliona.

 

  

 

"Lahat ng tao nag kakamali Veron, walang taong perpekto" sagot sakanya ni Cliona " ikaw lang naman ang gusto ng perpektong anak" dagdag pa nya dahilan para masampal sya ni President Veron.

  

  

 

"Dalawang beses na Veron" sabi nya saka ako hinila palabas.

  

   

   

   

  

  

  

   

AERO P.O.V

  

   

   

Lahat kami pinalabas ng mga tauhan ng mga Luna star dahil narin sa inutos ng Chairman.

 

  

 

"Anong bang nang yayari!?" Reklamo ni Aris ng naka labas kami, napa silip ako sa loob ng gym. Sinisigawan ni President si Cliona habang dinuduro sya.

  

   

"Pinapagalitan ata sya" wika ni Rumsel na naka silip din sa gym. Lahat kami sumilip at nagulat ako ng biglang sampalin ni President si Cliona!

   

   

  

"S-sinampal s-sya" hindi kona alam kung sino ang nag salita dahil agad kong sinalubong sila Cliona at Mika na kakalabas lang.

  

   

  

"Ayos kalang ba?" Agad na tanong ko sakanya ng matapat sya sa harapan ko.

  

  

"Sampal lang yon" naka ngiting aniya pero halata sakanya na nasaktan sya. Napa tingin ako ng Mika na bakas ang pag aalala sa kaibigan nya.

  

  

"Namumula ang muka mo Cliona" wika ni Katty.

  

   

"Wala lang yan"

   

   

  

"Te pinapatawag tayo sa  office" singit ni Roi na kakalabas lang ng Gym. Nag katinginan kaming lahat dahil sa binalita nya.

  

   

 

Bakit kasama kami? Ako? 

   

      

  

 

 

Naabutan ko nalang ang sarili kong nag lalakad na papuntang  office. Nauna na silang lahat don dahil kinausap pako nila Mommy at Daddy. Nang maka tapak ako sa office ni Lolo ay madaming estudyante doon na nakiki chismis pero pilit silang pinapaalis ng mga tauhan ng mga Luna star.

   

   

 

Napa hinga pako ng malalim bago ako pumasok sa office ni Lolo. Nandon na silang lahat, maging sila President Tyson at Chairman Luna star ay nandoon din.

   

   

"Buti at dumating kana"  sabi ni Lolo ng maka pasok ako. Kabado naman akong tumabi kila Aris at Zaggy maging si Rumsel at Roi ay naka tayo sa likod habang ang mga babae ay naka upo sa harapan namin. 

  

  

 

"Kaylan kapa naka balik dito?" Agad na tanong ni President na halatang nag pipigil ng galit. "All this time lahat kayo na nandito alam nyo. PERO HINDI NYO SINABI SAAKIN!" sigaw nya dahilan para mapa yuko ako. Para syang girl version ni Cliona na mas pina tapang.

  

  

"Mom calm down" wika ni Cameron. Mom? Nanay nya yan?! Tapos kapatid nya si Cliona, ibig sabihin ay ito ang magulang ni Cliona! Isa syang Luna!?

  

  

  

"Calm down!? Ha! Alam mo kung nasaan ang kapatid mo pero hindi mo sinabi saakin!"

  

  

"Wag mo syang pagalitan. Ako ang nag sabi sakanya na wag ipaalam sainyo" seryosong sabi ni Cliona.

  

   

 

"Bakit Clirity? Why did you do this to us!? I'm worried to you! I'm your mother! Ilang beses ka nang nag papabalik balik sa hospital ng hindi namin alam! Kaylan pa namin malalaman pag binawian kana ng buhay!?" Sigaw ni President dahilan para mapa yuko ako.

  

  

 

"S-sorry po, p-pero ako po ang dahilan kung ba—"

  

  

"I know" naputol ang sinasabi ko ng biglang mag salita si President na syang kina gulat ko. "Alam kong tinulungan ka nitong anak ko sa mga kaaway mo. Ang tanong ko ngayon ay bakit kaylangan madamay ang anak ko? Ikaw ang nang bubuyo ng kamag aral mo pero bakit ang anak ko ang kaylangan masaktan? Hindi kaba nahihiya sa sarili mo? Ikaw ang nang bubuyo pero pag ikaw ang ginantihan ibang tao ang masasaktan para sayo!?" seryosong tanong nya saakin, napa yuko nalang ako at hindi naka pag salita dahil sa kaba at takot na nararamdaman ko.

 

  

"Wag mo syang idamay dito!" Wika ni Cliona dahilan para mapa tingin ako sakanya. Bakit? Bakit pinag tatanggol mo parin ako? Totoo naman lahat ng iyon?

  

 

   

"Pinag tatanggol mopa talaga ang lalaking yan!?" Hindi maka paniwalang tanong ni President saka turo saakin.

 

  

  

"Hindi ko sya pinag tatanggol Veron, ako mismo ang tumulong sakanya kaya wala kang karapatang sabihan sya ng ganyan" mas kalmadong wika ni Cliona. "Oo nagawa akong saktan ng pisikal ng lalaking yan at hindi ko ininda yon. Nagawa nya akong ipahiya sa harap ng madaming tao, patirin, sapaken, at ihampas sa kanto ng mesa pero hindi yon nangngahulugang  hindi kona sya pwedeng tulungan sa oras ng pangangailangan. Pero lahat yon ay wala lang saakin dahil alam mo yung mas masakit? Ang pag papamuka nyo saakin na kahihiyan lang ako sa pamilya nyo" may diin at galit sa boses ni Cliona pero nanatili lang akong naka tingin sakanya.

  

   

 

"Hindi nalalayo ang ugali mo sakanya. PAREHAS KAYONG WALANG KWENTA!"

 

  

"Wag mo syang isali dito!" Sigaw ni Cliona dahilan para mapatahimik kaming lahat. Ngayon ko lang sya makitang magalit ng ganyan at ngayon ko lang sya narinig na mag taas ng boses. Madalas na kalmado ang boses ni Cliona at kahit na hindi sya sumigaw ay mararamdaman mo ang galit nya. Pero iba ngayon. "Kung ikukumpara kayong dalawa, mas wala kang kwentang Ina!Isang beses lang ako nag kamali pero nagawa nyo kong itakwil.  Bakit Veron? Dahil kahihiyan ako sa pamilya nyo? Dahil hindi ko alam ang pinaniniwalaan ko? Tapos ngayon sasabihin mo sakin nag aalala ka? Sana bago mo sinabi saakin yan sana inisip mo muna kung sino ang gumawa sakin ng lahat ng to. IKAW! KAYONG DALAWA NI CHAIRMAN!" kalmadong wika ni Cliona. Napa tingin ako sakanya, nanunubig na ang mata nya pero pinipigilan nyang umiyak sa harap naming lahat.

  

  

 

"CLIRITY!" May pag babanta sa boses ni Chairman Lunastar.

  

  

 

"Ayoko makipag talo sainyo Chairman. Pasensya na kung kahihiyan lang ako sa pamilya nyo" aniya sabay tayo at mabilis na lumabas ng office ni lolo. Agad akong tumayo para sundan sya pero agad akong pinigilan ni President Veron.

  

  

 

"Don't follow her" may pag babanta sa boses nya.

 

  

Inilingan ko sya. "Pasensya napo kung hindi ko masusunod ang gusto nyo pero kaylangan ng kasama ng anak nyo ngayon. Sa lahat ng nagawa ko sa anak nyo humihingi po ako ng tawad, At sana wag nyokong pigilan dahil sa gantong paraan nalang ako makaka bawi sakanya"