CHAPTER 38: TILALUHA
PERCY P.O.V
-Sa tuwing ika'y nakikita
'Di mapigil ang luha sa aking mata
Paano nga ba? Paano nga ba?
Paano nga ba'ng limutin ka?
Kung sa puso ko ika'y nag-iisa-
Napatigil ako sa music room kung saan narinig ko ang boses nayon, Dalawang taon, dalawang taon ako nagulila sa boses na yon.
-Mali ba na ako'y umaasa?
Tama ba'ng nadarama para sa'yo sinta?
Bakit nga ba? Bakit nga ba?
Bakit nga ba mahal kita?
Kung sa puso mo ay mayroon nang iba-
Napatitig ako sa muka nya habang kumakanta. Medyo singkit na mata, matangos na ilong, magandang labi, pati narin ang balat nyang maputi. Pansin din ang pag bagsak ng timbang nya kaya nangangayayat sya.
-Unti-unting lunurin ang aking nadarama
O buhos ng ulan, 'wag ng tumila pa
Paano nga ba mapapawi, labis na pagdurusa?
Kung wala nang pag-asa, turuan mo naman akong limutin ka-
"Clirity"
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong nya saakin. Agad naman akong pumasok sa loob at lumapit sakanya.
"Hinahanap kita."
"May kaylangan kaba?" Aniya habang naka tingin parin sa piano at patuloy iyon tinitipa sa tonong kinakanta nya kanina. "Kung wala ay pwede mo nakong iwan dito" dagdag pa nya.
"Ayos kalang ba?"
"May dahilan ba para hindi ako maging maayos?" Balik na tanong nya.
"Alam ko ang nang yari kanina sa gym, kahit ako ay hindi inaasahan ang pag dating ni—"
"Kung wala kang ibang sasabihin umalis kana" pag putol nya sa sinasabi ko at may diing aniya. Pero nanatili akong naka tingin sakanya.
"Clirity, Let's talk" pakiusap ko. Pero wala akong nakuhang sagot, kaya naman ay nag patuloy ako sa pag sasalita. "I want to talk about u—"
"Wala tayong dapat pag usapan Percy. Matagal ng natapos ang lahat ng iyon. Kahit pag usapan natin ay wala ng mababago sa naka raan, nasaktan nako at nasira na ang buhay ko."
"Clirity please"
"Umalis kana Percy"
"Plea—"
"PAKIUSAP UMALIS KANA!" sigaw nya na syang kinagulat ko. Lumuluha nya akong tiningnan habang umiiling. " Pakiusap, iwan mo nako" dagdag pa nya. Napa titig nalang ako sakanya, tahimik syang humihikbi habang nasa tuhod ang mga muka. Akma akong lalapitan sya ng mag salita nanaman sya. "Umalis kana"Aniya.
"I'm sorry" wika ko, wala akong nagawa kundi ako talikuran sya at nag patuloy sa pag labas. Sumandal ako sa pader kung saan katabi lang ng pintuan ng music room, rinig na rinig ko parin ang pag iyak nya. Napa hinga nalang ako ng malalim. "Bakit ba wala akong magawa pag dating sayo" Napa upo ako sa sahig at doon ako napa sapo sa batok ko.
Paano ba natin maayos ang lahat ng to kung ayaw moko kausapin? Matagal na ang nang yari pero ang bangungot na iniwan mo ay patuloy parin akong dinadalaw. Pano nga ba mapapawi ang labis na pag durusa.
Kung wala ng pag asa, turuan mo naman akong limutin ka.
AERO P.O.V
Inilingan ko sya. "Pasensya napo kung hindi ko masusunod ang gusto nyo pero kaylangan ng kasama ng anak nyo ngayon. Sa lahat ng nagawa ko sa anak nyo humihingi po ako ng tawad, At sana wag nyokong pigilan dahil sa gantong paraan nalang ako makaka bawi sakanya" huling wika ko saka ako nag patuloy sa pag labas ng office ni Lolo. Kaliwa't kanan ang ginawa kong pag lingon pero ni Anino ni Cliona ay Hindi ko nakita kaya naman ay tinakbo ko ang buong hallway at pumuntang garden inaasahan kong nandon sya katulad ng dati ngunit wala din sya doon. Nag patuloy ako sa pag takbo hanggang sa maka rinig ako ng pag tipa ng piano mula sa MUSIC ROOM!
Agad akong lumapit sa pinto at sumilip doon, madilim ang buong paligid tanging ilaw lang sa stage ang bukas. Naka talikod sya sa gawi ko kaya hindi nya alam na nandito ako, dahan dahan akong pumasok doon at sa di inaasahang may masagi ako dahilan para gumawa ng ingay. Agad akong napa yuko ng lumingon si Cliona sa gawi ko.
"Meow" napa tingin ako sa harapan ko ng marinig ko ang pusa doon. "Meow" nag senyas pako ng wag syang maingay kaya naman ay tumakbo na sya palabas. Agad akong nag angat ng tingin ng marinig ko ang pag kanta nya.
-Sa tuwing ika'y nakikita
'Di mapigil ang luha sa aking mata
Paano nga ba? Paano nga ba?
Paano nga ba'ng limutin ka?
Kung sa puso ko ika'y nag-iisa-
Naka pikit pa sya habang kinakanta nya ang mga linyang iyan.
-Mali ba na ako'y umaasa?
Tama ba'ng nadarama para sa'yo sinta?
Bakit nga ba? Bakit nga ba?
Bakit nga ba mahal kita?
Kung sa puso mo ay mayroon nang iba-
Napa upo ako sa isang gilid kung saan madilim at hindi nya ako nakikita.
-Unti-unting lunurin ang aking nadarama
O buhos ng ulan, 'wag ng tumila pa
Paano nga ba mapapawi, labis na pagdurusa?
Kung wala nang pag-asa, turuan mo naman akong limutin ka-
"Clirity"
Percy?
Anong ginagawa nya dito?
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Cliona sakanya. Kita ko ang pag pasok ni Percy sa music room at agad na lumapit kay Cliona.
"Hinahanap kita."
"May kaylangan kaba?" Tanong nya kay Percy habang nag titipa parin sa piano gamit ang tono ng kinakanta nya kanina. "Kung wala ay pwede mo nakong iwan dito" dagdag pa nya.
"Ayos kalang ba?"
"May dahilan ba para hindi ako maging maayos?" Balik na tanong nya.
"Alam ko ang nang yari kanina sa gym, kahit ako ay hindi inaasahan ang pag dating ni—"
"Kung wala kang ibang sasabihin umalis kana" putol nya sa sinasabi ni Percy.
"Clirity, Let's talk" may pag mamakaawa sa boses ni Percy.
Ano naman ang pag uusapan nyo?!
Gusto ko yan itanong sakanya pero dapat tahimik lang ako.
"I want to talk about u—"
U-? Us? Bakit ano bang meron sainyong dalawa?
"Wala tayong dapat pag usapan Percy. Matagal ng natapos ang lahat ng iyon. Kahit pag usapan natin ay wala ng mababago sa naka raan, nasaktan nako at nasira na ang buhay ko."
Nasaktan? Nasira ang buhay? Bakit mga pusher ba kayo dati at na raid ng mga parak?
"Clirity please" paki usap ulit ni Percy
"Umalis kana Percy" pag tataboy sakanya ni Cliona.
"Plea—"
"PAKIUSAP UMALIS KANA!" sigaw nya na syang kinagulat ni Percy, kahit ako ay nagulat at napa titig kay Cliona nang mag angat sya ng tingin kay Percy, umiiyak ka nanaman.Tiningnan sya si Percy habang umiiling. " Pakiusap, iwan mo nako" dagdag pa nya. Napa titig nalang ako sakanya, tahimik syang humihikbi habang nasa tuhod ang mga muka. Akma syang lalapitan ni Percy ng pigilan sya ni Cliona "Umalis kana"
"I'm sorry" halos bulong na sabi ni Percy at tumalikod na saka patuloy na umalis sa music room. Napatitig ako kay Cliona na umiiyak parin.
Malayong malayo sya ngayon sa Cliona na pina pakita nya sa lahat ng tao. Wala na ang Matapang, maangas at pabalang sumagot na Cliona. Dahil ang Cliona na nasa harapan ko ngayon ay mahina.
Agad akong lumapit sakanya at kinapa ang bulsa ko pero WALA! WALANG PANYO MALAS!
"Sabi nila, ang mga taong umiiyak daw ng patago ay mahihina, pero para saakin ang mga taong umiiyak ng patago ay sila mismo ang malakas, dahil nakakaya nilang itago ang tunay nilang nararamdam sa harap ng maraming tao at saka nila nilalabas pag mag isa nalang sila" pag sasalita ko dahilan para mapa tingin sya sakin. Gulat syang tumingin saakin saka agad na nag punas ng luha.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong nya pero imbis na sagutin ay iba ang sinabi ko.
"Sayang wala pala akong panyong dala, pwede bang dito ka nalang umiyak?" Sabi ko sabay tapik sa balikat ko. Nanatili naman syang naka tingin sa lapag habang naka yuko.
"Hindi mo sinasagot ang tanong ko"
"Medyo lang naman" medyong Oo, enough to hear everything. Gusto ko sabihin sakanya yan pero mas pinili ko nalang manahimik. Nanaig ang matinding katahimikan saamin, walang nag balak na basagin ang nabuong katahimikan. Nakikiramdam lang ako sakanya, napa tingin ako sakanya ng marinig ko ang mahina nyang pag tawa.
"Bakit ba sa oras na ganto ako nanjan ka sa tabi ko" natatawang sabi nya saka naka ngiting naka tingin saakin. "Hindi ko inaasahan na ikaw pa ang makaka kita ng kahinaan ko." Dagdag pa nya.
"Sa tuwing kaylangan ko din naman ng tulong ay ikaw ang nanjan at hindi ko din yon inaasahan" natatawang sagot ko sakanya "nung oras din na mahina ako ay ikaw din ang kasama ko" dagdag kopa. Ilang segundo pa kami nag katinginan hanggang sa sya ang unang umiwas. Ilang segundo nanaman kami natahimik hanggang sa mag salita sya.
"Anak lang ako sa labas" aniya na syang kinagulat ko pero mas pinili ko ang wag magsalita at makinig nalang sa sasabihin nya. " Anak ako ng tatay ni Cameron sa ibang babae, kaya hindi ko buong kapatid si Cameron at hindi ko din nanay si President Veron. Isa lang akong sampid at anak sa pag kakamali. Hindi ko naman kasalanan na mabuhay ay dito sa mundo pero ako ang pinag babayad ng mga kasalanang ginawa ng tunay kong nanay at ng tatay ko" pag tigil nya saka bumuntong hininga. "Hindi nila ako pinabayaan. Binihisan, pinakain, pinag aral at sunod sa luho. Pero may isa na hindi nila kayang iparamdam at ibigay saakin" aniya habang malayo ang tingin. "Ang kalinga at pag mamahal ng isang Ina" baling nya sakin kasabay ng pag tulo ng luha nya. Wala akong ibang nagawa kundi ako yakapin sya at damayan sya. Patuloy syang umiyak sa balikat ko hanggang sa hindi kona marinig ang pag hikbi nya. Napa tingin ako sakanya. Naka tulog na sa sobrang pag iyak, may takas pa ng luha sa mata nya kaya agad ko yon pinunasan.
"Hindi mo kasalanan lahat, hindi mo kasalanan na nabuhay ka dito sa mundong to at lalong lalo na hindi mo kasalanan ang kasalanan ng mga magulang mo" bulong ko.
Napatingin ako sa bulsa ko ng maramdaman ko ang pag vibrate ng cellphone ko, maingat ko iyon kinuha at sinagot ang tawag.
"Dre!" Si Aris sa kabilang linya.
"Shhh" suway ko.
"Huh? Baket?"
"Nasa music room ako" bulong ko sa cellphone ko saka ko pinatay yon. Itinukod ko ang kamay ko para ma balance ang pag pag upo ko. Naka sandal si Cliona sa balikat ko habang natutulog. Malalim ang mga mata nya, siguro dahil narin sa pag iyak ay pagod.
Napatingin ako sa labas ng music room ng marinig ko ang maingay na bunganga ni Aris doon. "Nandito nga daw sya kulet!" Agad akong nag sign na wag syang maingay ng tumingin sya sa gawi ko. "nandito nga sya. Pati si Cliona" aniya na pinahina ang boses. "wag daw tayong maingay" dagdag pa nya at dahan dahan silang lumapit sa gawi namin ni Cliona.
"Kanina pa namin kayo hinahanap" sabi ni Mika saka tiningnan ang kaibigan nyang mahimbing natutulog sa balikat ko. Rinig ko ang malalim na pag buntong hininga nya. "Naka tulog sa pag iyak?" Tanong nya sakin. Marahan ko namang tinango ang ulo ko.
"Hays, hindi ko parin ma gets ang nang yayari pero isa lang ang sigurado ako, hindi ok si Mader ert" wika ni Roi habang naka tingin kay Cliona.
"You're right" pag sang ayon ni Zaggy kay Roi.
"Madami ang nang yari ngayon, siguro ay palagpasin muna natin to sa ngayon at sa ibang araw nalang pag usapan" si Katty na malamlam na naka tingin kay Cliona. Bakas ang awa sa kanilang lahat.
"Tama!" Sagot ni Rumsel.
"Hindi nyo na to pag uusapan pa sa harapan ni Cliona" wika ni Mika dahilan para mapa tingin kaming lahat sakanya. "Pag usapan nyo pag wala si Cliona sa tapat natin. Pakiusap, umakto kayong walang nangyari sa harapan nya. Kung ano ang trato nyo sakanya dati ay sana walang mag bago. Hindi madali para kay Cliona ang sitwasyon ngayon kaya sana intindihin nalang natin sya kung mas lalo pang lumala ang ugali nya"
"Mika is right. We should give her a privacy. Let just passed it by" dagdag ni Zaggy.
"Maasahan mo kami te"
"Masusunod bakla"
"Naiintindihan ko"
Sagot ng tatlo nyang kaibigan. Tumingin si Mika kay Aris na naka ngiti namang sumagot.
"Aye aye captain" bulong na sabi ni Aris, saka bumaling sakin si Mika.
I mouthed 'masusunod' at her. Naramdaman ko ang pag galaw ni Cliona dahilan para mapa tingin ako sakanya. Unti unti nyang dinilat ang mata nya.
"Anong ginagawa nyo dito?" Gulat na tanong nya saka kami tiningnan isa isa.
"Hinahanap ka namin tapos naabutan ka namin dito natutulog" sagot sakanya ni Mika. Napa hawak ako aa batok ko ng pangangalay doon.
"Masaket dre?" Tanong ni Aris. "Ang tawag jan, sakit ng pag mamahal" dagdag nya saka malakas na tumawa.
"Ulol!" Singhal ko sakanya saka inikot ikot ang ulo ko dahil sa pangangalay.
"Umalis naba sila?" Tanong ni Cliona.
"Kanina pa. Hinihinga nga ang adress natin eh" sagot ni Mika. "Pero syempre naka lusot ang magandang si Ako" taas noong sabi ni Mika.
"Nyak! Kahit tinulungan ka ni Cameron para maka lusot!" Pang lalaglag ni Aris sakanya.
"Wag kang sasali sa birthday ko ah!"
"Naka tanggap nako ng invitation sorry" mayabang na sagot ni Aris.
"Edi ipa partner ko nalang si Katty kay Juancho" bawi ni Mika na syang kina gulat ni Aris.
"ANO!? HINDI PWEDE! AKO DAPAT ANG PARTNER NI KATTY!"
"Birthday ko yon bakit!? Bahala ka sa buhay mo"
"Katty wag kang papayag!" Baling ni Aris kay Katty na agad syang inilingan.
"Mag parehab kana malakas na ang tama mo saken" tapik ni Katty sa balikat nya.
"Katty nam—"
"Ang ingay mo" tapik sakanya ni Cliona. "Bumalik na tayo doon, may practice pa daw kayo" dagdag nya saka nag paunang lumabas ng Music room. Agad namang sumunod sila Mika, katty, Roi at Rumsel sakanya hangang si Zaggy ay sumunod nadin at maiwan kaming dalawa ni Aris.
"Pa tukhang kana dre" tapik ko sakanya saka nag lakad palabas ng music room.
"Nakaka inis kayo!" Rinig ko pang sigaw nya. Iling akong sumunod sakanila habang nasa tabi ko si Aris na masama parin ang muka habang naka tingin sa harapan namin. Nang maka rating sa field ay nandon na silang lahat, maging si Coach ay nandon na.
"15 minutes mag uumpisan na tayo" anunsyo nya ng makita kaming parating. Agad akong umupo sa bench ganon din naman ang iba samin.
"Aalis muna ako" napa tingin ako sa gawi nila Cliona ng mag salita sya.
"Saan ka naman pupunta?" Tanong ni Mika sakanya.
"Babalik agad ako, may bibilin lang ako" aniya sabay alis sa Field.
"Mag palit muna kayo" utos ni Coach kaya naman ay kanya kanya na kaming tayo at palit ng uniform.
"Wala ako sa mood mag laro ngayon" boses ni Marcelo.
"Kaya nga sa dami ng nangyari ngayon ay nakaka walang gana, ramdam ko ang nararamdam ni Cliona ngayon. Nalulungkot ako para sakanya" si Miguel
"Wag na natin isipin yan, hindi nyo ba narinig ang sinabi ni Mika kanina. Wag na daw natin panisin ang nang yari kanina at umakto tayo na parang walang nangyari" suway sakanila ni Remson. Pati din pala sila ay sinabihan na ni Mika.
"Ang hirap naman non" si Tristian.
"Mas mahirap para kay Cliona yon" sagot ni Ken. Na sinang ayunan nilang lahat.
"Sabagay"
"May point ka"
"Cap una na kami" paalam ni Remson saka sila lumabas ng locker room.
"Kahit ako hindi maka paniwalang Lunastar si Cliona" wika ni Aris habang nag bibihis ng uniform nya.
"We are all in shocked about that news" singit ni Zaggy. Napa hinga nalang ako ng malalim, saka nag paunang lumabas ng locker room. Naalala ko ang mga binitawang salita ni Cliona kanina, kung paano sya nangungulila sa pag mamahal ng nanay nya.
Kaya ba ganon sya umasta sa harap ni Mommy? Kaya ba sya pa ang pepresinta samahan ni Mommy mag grocery? Hindi ko manlang natanong sakanya kung kilala nya ba ang tunay nyang nanay o kaya naman ay nag kita na sila nito kahit isang beses lang.
"Tyson!" Gulat akong napa tingin kay Coach ng tapikin nya ako. "wala ka sa sarili mo, ano bang iniisip mo?" Tanong pa ni Coach. Agad akong umiling at umupo nalang sa upuan at doon yumuko. Nangangalay talaga ang batok ko.
"Oh" napa angat ako ng tingin sa nag salita sa harapan ko. Napa tingin ako sa plastic na hawak nya na inaabot saakin.
"Ano yan?" Taka kong tanong.
"Pain reliever" sagot nya saka lapit saakin. "Ako na ang mag lalagay" sabi nya saka ako pinatalikod. "saan ba ang masaket?" Tanong pa nya
"A-ako na" sabi ko
"Sabi mo eh" sabi nya saka abot saakin ng plastic na may pain reliever. Agad kong kinuha yon at pilit na dinikit pero napapa pikit ako sa sakit dahil sa bawat taasng braso ko at napapalayo ang ulo ko dahilan para sumakit ang batok ko.
"H-hindi ko kaya" baling ko sakanya. ngisi naman nya akong tiningan saka kuha sakin ng pain reliever.
"Tss, arte kase, saan ba?"
"D-dito" turo ko sa bandang gilid ng batok ko, karamdam ako ng malamig doon kaya paniguradong na dikit na nya iyon.
"Saan pa?" Tanong nya. Agad ko namang tinuro ang balikat ko at katulad kanina ay naka ramdam ako ng malamig. "Eto kainin mo yan" aniya sabay abot saakin ng sandwich at tubig saka agad na lumapit kay coach.
"Oh oh oh pag ibig oh oh oh pag ibig" biglang sulpot ni Aris habang nakanta at nginitian ako ng nakakaasar. "Sabi kona nga ba eh!"
"Ano nanaman yon!?"
"Sabi kona talaga!"
"Yung ano nga!?"
"Uyyyyy interesado" panganagasar nya kaya binatukan ko sya.
"Ewan ko sayo!" Singhal ko sakanya saka ko kinain ang binigay na pag kain ni Cliona. Sakto nagugutom na din ako.
"Wala talagang makakatalo pag galing sa puso mo ang kinakain mo" bulong ni Aris kaya napa tingin ako sakanya.
"Pinag sasabi mo?"
"Wala dre, naiingit lang ako sayo" aniya sabay tayo. Kumakanta pa sya habang nag lalakad palayo. "Sana all may jowa, sana all mahal, sana all pinili ka ng tao mong mahal" kanta pa nya. Napa iling nalang ako at nag patulong sa pag kain. Napa tingin ako kay Cliona na syang nausap ni Coach. Naka ngiti na sya ngayon, ang bilis mag bago ng mood ng taong to. Parang kanina lang ay iyak sya ng iyak ngayon tatawa tawa na kay Coach.
Tch! Pag buhulin ko sila eh!