Chapter 1

"First day of being College"

NANDITO na ako ngayon sa classroom maaga kasi ako nag-gayak para pumasok, ako lang ang nandito maya't- maya pa at nagsidatingan na ang mga kaklase ko. Ako at nakatulala sq kawalan yun tipong maraming iniisip na problema natauhan na lamang ako ng may kumalabit sa akin lalaki . Tinitigan ko siya mula paa hangang ulo masasabi kong gwapo siya at matangkad na lalaki.

"May nakaupo ba diyan?" tanong niya saakin

"Ah w-wala naman sige upo kana" sagot ko inayos ko bag ko na nakaupo sa katabi kong upuan.

Nang nakaupo na siya di ko maiwasan titigan siya ang perpekto ng mukha niya para siyang artista na napapanuod mo sa K-drama.

"Hey, why you staring at me? May dumi ba ko sa mukha?" biglang tanong niya nahalata niya siguro na nakatitig ako sa kanya. Umiling na lamang ako at saktong andito na ang professor namin. Itinuon ko na lamang sa pag-aaral ang pansin ko at mabilis natapos ang diskasyon "Class Dismissed" sabi ng prof namin.

Ako nga pala si Claire Miranda isang college student sa Buenavista University, Nag-iisang anak nina Mama at Papa at may at may isang lalaki din akong minahal ng sobra, I love him so much kaso may girlfriend na siya Sana ako na lang ang naging girlfriend niya. Nag silabasan na mga kaklase ko oras na ng uwian.

Nagtungo ako sa opisina ng May ari ng paaralan,

kailangan ko pa palang personal na magpasalamat kay Mrs. Buenavista dahil siya ang nagbigay ng scholarship saakin, Nagmamadaling nagpunta ako opisina niya at kumatok sa pinto, binuksan ko iyon tinanong ko ang personal assistant ni Mrs. Buenavista

"Good afternoon po Ma'am Chavez, Andito po ba si Mrs. Alliah Gale Sandoval Buenavista kailangan ko lang po siya makausap?" tanong ko

"Sinundo na siya ng Kanyang Asawa si Mr.Buenavista ,Ano bang kailangan mo iha? para mai-reschedule ko ang time ni Mrs. Buenavista ." saad nito

"Magpapasalamat lang po ako dahil sa binigay niya pong scholarship saakin" sabi ko

"Baka maabutan mo pa sila sa parking lot ihja" saad niya at ngumiti

"Sige po, Thank you po"

Lumabas na ako ng opisina at isinarado ang pinto.

Nagmamadali akong sumakay ng elevator at pinindot ang Ground floor mga ilang segundo at nakababa na rin ako, Nag punta ako sa parking lot ng Unibersidad at nakita kong kakasakay lang nila ng sasakyan.

Tinawag ko sila medyo pasigaw "Mrs & Mr. Buenavista ,sadlit lang po!" Buti na lang ay napansin ako ni  Mrs.Buenavista ,bumaba ito ng sasakyan.

"Oh iha, ano kailangan mo saakin?" ngumiti siya saakin

Niyakap ko siya at bumitaw rin sa pagkakayakap "Thank you so much po, Binigyan ninyo ako ng Scholarship at makapag-aral dito, Maraming-maraming salamat po" saad ko napaluha ako sa sobrang saya di ko akalaing makakapasok ako dito sa Exclusive na paaralan na ito

"Wala anuman iha, Naipasa mo naman ang Entrance Exam kaya deserve mo mabigyan ng scholarship, Matalino ka namang bata kaya kami na bahala na ng Asawa ko sa pag-aaral mo" saad niya at pinunasan ng hinlalaki niya ang luha ko and she smile sweetly

"Thank you so much po Mrs.Buenavista" sabi ko na lang "Oh'siya , aalis na kami ng Asawa ko, Ingat ka ha" at sumakay na siya ng sasakyan, pinaandar na ni Mr.Buenavista at pinagbuksan na ng Guard ang malaking gate ng Unibersidad. Pinagmasdan ko lang sila umalis

Si Mr. Daniel Xyle Lee Buenavista ang may ari ng skuwelahan pinapasukan ko. Siya rin ang CEO ng Kompanya na pag aari nila at kilala rin sa business nabasa ko sa magazine Mayaman ang pamilya nila at may tatlo rin silang anak. maganda't gwapo ang lahi nila para nga silang dyos at dyosa nasa dugo na ata na nila yon.

NAKAUWI na ako ng bahay, tinapos ko na dapat tapusin Asignatura ayaw ko kasing natatambakan ako ng gagawin. Marami pa ako gawiin gaya ng paglalaba, paghuhugas ng plato at iba pang mga gawaing bahay.

Nagbukas ako ng Facebook scroll lang ako ng scroll hangang sa may nag notified saakin friend request kumabog ang puso ko sa saya. Nang bigla akong tawagin ng mama ko "Claaare! kakain na tama na yang page f-facebook mo, tara na bawal pag-intayin ang biyaya" sabi ng mama ko "Opo, andyan na po" in- accept ko na friend request niya at ni-log out ang Facebook ko.

masaya ako bumaba "oh anak, kakaiba ang saya mo ngayon ha?"saad ng mama ko " Syempre po, Scholar na ko sa pinapasukan kong eskuwelahan wala na po kayo aalahanin Tuition fee saakin" sabi ko at ngumiti kay mama "Talaga? napakabait naman ng may ari ng eskuwelahan na pinasukan mo. Di na kami ma-momoblema sa pera , baon mo na lang ang kailangan namin ibigay sayo araw-araw" napakasaya ng mukha ni mama na marinig iyon balita mula  saakin.

"Kumain kana anak, at ikaw na bahala maghugas ng pinagkainan mo" sabi ni mama at pumasok na ito ng kuwarto para matulog kasi maaga pa ang pasok niya sa trabaho.

Iniisip ko parin kung bakit ako ni-add ni Joseph Santiago

di naman kami close para i-add ako sa social media, tinignan ko mga picture niya kanina marami pala sila picture together ng kanyang girlfriend.

Itinuon ko na lang ang pasin ko sa pagkain baka lumamig na ang sabaw ng nilagang manok pagkatapos kumain ay hinugasan ko na platong ginamit ko at nag toothbrush saka pumasok sa kuwarto para matulog maaga pa ko gagayak para bukas.

Itutuloy...

-maryjyheffect