Chapter 2

   "Seeing you happy  makes me happy too"

Claire's point of view

NASA LIBRARY lang kami ngayon kasama mga kaibigan ko sina Bella at Zoey vacant namin ngayon kaya naisipan namin pumunta library.

"Uy Claire bakit ngiti ka ng ngiti dyan? Nakakatakot kana girl" sabi ni Bella saakin na mahinang boses

"Hindi ba pwedeng masaya lang ako" saad ko, Masaya naman talaga ako habang nagbabasa ng libro kunyare para di mahalata ng librarian na nag- uusap lang kami.

"Alam na alam ko na yan, mga gayan ni Claire pumapagibig yan" saad naman ni Zoey

"Hindi ah" iling ko na lang.  Wala nga akong boyfriend, Love life pa kaya?

"Tama na nga yan Mag Aral na lang tayo" pag iiba ko ng usapan. Magbabasa na talaga ako ng libro kinuha ko kanina

"Hi girls"

"Hello" na mahinang boses sabay bati nina Bella at Zoey

Umupo siya sa tapat ko di ko na lang siya pinansin.

Nag-angat ako ng tingin ng matapos ko magbasa

Siya si Joshua Santiago you heard is right, Kamabal sila pero mas lamang lang si Joseph kay Joshua ng ka-gwapuhan. Bakit ko ba pinagkukumpara sila eh kambal nga sila, Mahal ko lang talaga si Joseph

"May dumi naman ba ko sa mukha?" saka pigil nitong tumawa, Siya lang naman yung katabi ko sa upuan kahapon ang hilig tumabi saakin ewan ko ba dyan.

Matagal na kaming magkaibigan ni Joshua may gusto rin to saakin but I rejected him ayoko umasa ito saakin because of Joseph na lihim ko minahal pero di nagbago ang friendship namin ni Joshua lagi niya pinaparamdam saakin na

Everything will be okay, don't lose hope

There's a reason behind it. Kung wala lang siguro ako mahal siya na pipiliin ko, He's a perfect guy mabait, matalino at gentleman na lalaki marami din nagkakagusto sa kanya sa Campus.

Masaya ako pag nakikitang masaya ang  mahal ko, Masaya ako pag ni-stalk ko siya minsan pero di araw-araw di ko pinapabayaan yun grades ko baka mawalan ako ng Schoolarship mahirap na.

For almost 10 years, minahal ko siya kahit na Elementary days at high School days siya parin at hangang sa Maging College ako siya parin.

Siya lang naman si Joseph Santiago ang lihim ko minahal kung may pagkakataon lang sinabi ko na sa kanya kaso di ko magawa eh di nga ako maganda at sexy cute lang talaga ako.

NASA QUADRANGLE kaming apat wala naman klase ngayon araw busy mga professor namin may emergency meeting kaya di-nis-mis agad. Kumakain kami ng Corndog yung hotdog na may harina tas pinirito.

"Salamat pala dito Joshua, lagi mo kami nililibre" sabi ni Zoey

"Thank you din" sabi naman namin ni Bella

"Basta kayo! malakas kayo saakin"ngiting sabi ni Joshua

"Gala naman tayo o kaya mag videoke tayong apat tapos libre ni Joshua Syempre!" Sabay sabi ni Zoey at Bella

Umaabuso tong mga to puro si libre, di man sila nahiya.

Itong si Joshua naman game na game naman parang okay lang na maubos ang pera niya Haynako mga friend napasapo na lang ako sa noo ko.

Hapon na ng mauwi kami sa sarili naming bahay ,

umuwi kami para magpalit ng damit namin bawal naman yung naka school uniform kapa, baka sabihin nagcutting class kami.

Nagsuot lang ako ng simple dress at may jacket saka plat shoes ma's comfortable ako pag ganito suot ko, ayoko mag hills madapa pako sa daan okay na ko sa plat shoes.

Tumunog ang phone ko, nag text si Joshua sunduin niya kaming magkakaibigan siya na mag drive may sarili kasi siyang sasakyan ang gentleman naman talaga oh

Nagpaalam na ko Kay mama na mag v-videoke lang kami at sinabi ko na di ako magpapagabi at agad pumayag naman siya.

"Ma! Bye po!" Kaway ko kay mama

"Uwi ka agad anak, Ingat!" sabi naman ni mama

Nang makasakay nako sa sasakyan andito na pala sina Bella at Zoey sa likod, lagi na lang ako sa harap umuupo, Nag sit belt na ko then He start a car engine at saka Ito

o pinaandar ni Joshua

Habang nasa daan tamihik biglang nagsalita si Zoey...

"Joshua, Kain muna tayo nagugutom ako" saad ni Zoey

"Ako rin nagugutom na" sabi din ni Bella

"Uhm Sige, mag Samyupsal tayo, ikaw Claire gutom ka rin  ba?" Sabi ni  Joshua saakin na nakatingin lang sa daan habang nagmamaneho, Nagthumbs up lang ako sa kanila bilang sagot ko.

Mga ilang oras ay nakarating din kami ni-park niya ang sasakyan sa parking lot at nag punta kami sa malapit na restaurant kalapit din rito ang Videokehan.                                                          

Sa dami kong kinain, busog na busog kami at pagkatapos pumunta na kami sa videoke bar  

Nasa Private room kami para kaming apat lang ang narito, nagkantahan kami apat nagpataasan pa kami ng score sa videoke, sa sobrang saya hindi na namin namalayan ang oras ...

Chi-nek ko ang phone ko may nag message saakin si Mama

Message from mama

"Claire, alasdose na ng gabi di kapa din umuuwi ,

Umuwi kana sabi mo saakin di ka magpapagabi".

Ni-message ko si mama

"Opo mama, uuwi na ako wag na kayo mag-alala. I love you po"

Message Sent

Nagpaalam ako sa mga kaibigan ko...

"Guys, alas-dose na ng gabi uwi na tayo, mag c-cr lang muna ako"

"Sige Claire" sabi ni Bella

Nagpunta ako sa comfort room at pumasok ako sa isang cubicle dito at biglang may narinig akong nag uusap na dalawang babae

"Alam mo ba may chismis ako sayo, Andito sila yung dalawang gwapong kambal na si Joshua at Joseph.

Magpapaganda ako girl sama ka saakin hanapin natin room nila" sabi ni girl 1

"Sige, gusto ko yan!" Kilig na sabi ni girl 2

Haynako nadamay na naman si Joseph mylabs ko sasabunutan ko talaga tong mga babae na to Char lang

Chismosa ka gurl?

Pag kalabas ko ng cubicle wala na yung mga babae nag-uusap kanina. Naghugas ako ng kamay at may pumasok na magandang babae

Si Molly ang girlfriend ni Joseph bakit ko alam? Syempre nag stalk ako... Stalker ka rin gurl?

Masasabi kong maganda talaga si Molly at sexy pa samantalang ako cute lang at simpleng babae lang.

Nakita Kong nahulog ang kanyang hikaw at agad ko tong pinulot "Your earrings" sabi ko

"Oh thanks, May I have a favor? Can you put it into my ear" sabi ni Molly

"Sure" inilagay ko ang hikaw sa kaliwa niyang tenga.

"You're so pretty" sabi ko na lang

Ngumiti lang siya saakin at umalis na ng Comfort room lumabas rin ako.

I saw she's holding his hand each other palayo na sila mula saakin nakita kong ngiting masaya mula sa kanilang mga labi, Seeing you happy makes me happy too

Nakaramdam ako ng inggit sa katawan, Sana ako yun... Sana ako yung kasama mo at hindi siya ...Sana pero masaya na rin ako pag nakikita kang Masaya buo na araw ko.