Chapter 3

"I got so nervous when I see you"

NAGISING na ako mag-aalas singko na ng umaga, inaantok pa talaga ako kulang ako sa tulog.

Nakauwi kami mga alas dose-kinse na ng gabi kami nakauwi ng mga kaibigan ko galing videokehan

"Bangon kana dyan anak, may bisita ka si Joshua bilisan mo mag-ayos kana ng sarili mo"

Pakasabi ni mama na andito raw si Joshua at dali-dali akong naligo at nag-ayos ng buhok saka nag uniform bumaba na rin ako, nakita ko siyang nakaupo sa salas.

"Good morning, Joshua" sabi ko.  Ang aga naman niya at sigurado akong ihahatid niya ako sa University

"Good morning din Claire, Aayain sana kita kumain ng breakfast malapit sa Unibersidad, bago tayo pumasok sa skuwelahan" Aniya niya

"Nakakahiya naman Josh, ililibre mo talaga ako" hiya kong sambit sa kanya

"Okay lang, bestfriends naman tayo ngayon ka pa nahiya?" Tumawa siya, inaamin ko nagpapalibre ako sa kanya pag wala akong pera pumapayag naman siya.

Pag may pera akong ipon ko, ako naglilibre sa kanya.

Tumango na lang ako bilang sagot ko, nagpaalam ako Kay mama na di ako mag-aalmusal dito sa bahay at pumayag naman siya at pumunta na nga kami sa sinasabing niya restaurant ni Joshua.

Walking distance lang naman bahay namin sa Buenavista University kaya tipid ako sa pamasahe.

Umupo na kami sa lamesa at tinawag ni Joshua ang waiter, Masasabi kong malaki itong restaurant sigurado akong Kay Mrs. Buenavista itong restaurant na ito may bini-benta silang Cupcakes masarap at abot kaya.

"Waiter, oorder na kami"

"Yes sir,what's your order?"

"Dalawang pancake at 1 juice and 1 black coffee"

"Okay sir, please wait"

Alam na alam niya na ang o-order ko kaya siya na lang ang nagsabi, mga ilang sandali ay andito na ang order namin.

Habang kumakain kami ay nahagip ng paningin ko si Joseph at si Molly na kumakain rin dito. Binulong ko kay Joshua na andito si Joseph yung ka-kambal niya.

"Hayaan mo na si Kuya Joseph wala naman siyang paki saakin" saad ni Joshua

"O-okay, sige" tanging sagot ko na lang at nagpatuloy na uli ako sa pagkain ng pancake.

"Hey, you are the girl in comfort room yesterday.

Yun nagbalik ng earrings ko" boses palang kilalang-kilala ko na

"Oh by the way, I'm Molly Rivera, Nice to meet you"

lahad ng kanyang kamay para maki-pag shake hands, tumayo ako at nakipagkamay sa kanya.

"I'm Claire Miranda, Nice to meet you too" ngiti ko sa kanya "This is my boyfriend, Joseph Santiago's Twin brother Joshua" aniya niya samin

"Nice to meet you too, Claire" bigla akong kinabahan sa sinabi niya , nakipag kamay rin ako Kay Joseph.

Napansin kong ngumisi ito saakin parang may balak na di ko malaman dahilan ngumiti na lang ako para itago kabang nararamdaman ko.

"Mauna na kami ng boyfriend ko, see you around" sabi ni Molly saamin ni Joshua

Nakita ko sa mata ni Joshua na umiiwas siya ng tingin Kay Joseph ganun din ito, Hindi ko alam kung bakit ganun sila, di naman nagku-kwento si Joshua tungkol sa kapatid niyang si Joseph kaya wala ako alam tungkol Kay Joseph concern ako para sa kanya.

~

DI MATANGGAL sa isip ni Claire ang nangyare sa Restaurant kanina umaga, Di nagpapasinan ang mag kapatid na parang bang magka-away ito. Ganun ba talaga pag may galit ka sa kapatid mo? Ni hindi sila nak-kukibo sa isa't-isa at di  nila matignan ng matagal ang isa't-isa. Kaya mas lalong gusto malaman ni Claire ang puno't dulo na pangyayare sa Magkapatid.

Gusto ni Claire na makausap si Joshua na silang dalawa lang, bilang kaibigan at magbigay ng payo para rin sa kapatid niya si Joseph.

MAKALIPAS ng isang linngo dun na ako nagka-lakas ng loob na kausapin si Joshua tungkol sa kanila magkapatid

sabado naman ngayon kaya walang pasok ngayon araw,

Tinawagan ko siya na magkikita kami rito sa restaurant katabi ng University.

Sampung minuto na ang nakakalipas pero wala parin siya naghintay pa ko ng ilang minuto baka natraffic lang sa daan

Uminom lang ako ng tubig mamaya na ako o-order pag andito na siya, Tingin ako ng tingin sa phone ko baka tumawag siya saakin. Di ako makapakali sa kina-uupuan ko pakiramdam ko kinakabahan ako.

Pakiramdam ko ay may mangyayari di maganda. Nakita kong narito na siya kaya kumaway ako para makita niya agad ako. Umupo siya sa kaharap kong upuan, Bakit pakiramdam ko at ibang tao siya.

"Hi, Claire!" may pa kindat pa ito, tama nga ang pakiramdam ko di siya si Joshua

"Di mo ako maloloko, di ikaw ang bestfriend ko" diin kong sabi, Bakit kailangan pa niya gayahin ang pananamit ni Joshua eh halata naman na nagpapanggap lang siya.

"Ang galing mo naman nabuking mo agad ako"  tumawa pa siya

Alam na alam ko na agad nung magsalita siya, ibang-iba siya sa kapatid niya.

"What do you want from me? Di naman ikaw ang kausap ko kanina." iritadong sabi ko

Kahit na mahal ko siya kailangan kong maging matatag,

Act normal lang, wag na wag akong magiging marupok ng dahil lang sa kanya puso kaya mo yan Mata sa mata ko siyang tinitigan.

"I think I like you" Aniya niya

Di ko maintindihan yung sinabi niya naguguluhan ang utak ko.

"Huh?! Ano?"

Di ko talaga maintindihan bakit niya to sinasabi saakin, diba may girlfriend siya? Wala na ba sila? at bakit ako?

Naguguluhan talaga ako pakiramdam ko ay mas lalong kinakabahan ako sa mga narinig ko mula sa kanya.

"Gusto kita, Claire" sabi pa niya

Itinaas  ko ang kamay ko at itinapat sa kanyang mukha bilang paghinto sa muli niyang sasabihin.

"Wait lang! Joseph, Naguguluhan ako sayo. Bakit mo sinasabi to saakin? Pano si Molly your girlfriend?"

"Ano na lang sasabihin niya saakin pagnalaman niya to? Hindi pwede, Ayoko muna"

Sunod- sunod kong tanong sa kanya at binaba ko na kamay ko, Di talaga pwede ang sinasabi niya, Ayokong ako pa ang maging dahilan sa pagkasira ng relasyon meron sila kontento na ako sa pagsulyap sa kanya duon pa lang at okay na ako.

May kakaibang pag ngisi sa kanya, na di ko maintindihan, pakiramdam ko ay kinakabahan ako pag nakikita siya ganon.

"Pero, You will allowed me to court you?" ngumiti pa to saakin

"Hindi, Ayo-" naputol ang sasabihin ko

He claim my lips, My first kiss is my first love.

Ninakawan niya ako ng halik nagulat ako sa ginawa niya. Nakatitig lang ako sa mukha niya pakiramdam ko ay namumula ang buong mukha ko ng dahil lang sa isang halik.