"Full of unwanted thoughts"
DI KO MAIWASAN na mag-isip ng kung ano ng dahil lang sa isang kiss, Alam ko sa sarili ko na mahal ko siya pero di ko naman hinangad na maging girlfriend niya o maging asawa in the near future.
Hinde naman tayo sa mga Fairy tales na pag ki-niss ka ng isang prince charming ay magiging happily ever after na ang relasyon. NASA realiadad tayo at imposible na mangyari ang happily ever after na pangarap ng karamihan.
Pero malay natin, di natin masasabi ano mangyayari sa hinaharap. Si God lang talaga ang makakapagsabi kaya mag ambisyon kana kesa sa wala at wag kana maging nega diyan girl fighting lang
〰️
Bigla akong napatayo at patakbong palakad saka lumabas ng restaurant di ko na siya pinansin pa diretso akong umuwi sa bahay buti na lang at di ako hinabol pa niya, nakahinga ako ng maluwag. Nagulat pa ako ng andito na si mama half day lang siya sa trabaho pag sabado at pag linggo walang siyang pasok. Si papa naman at gabi pa dumarating kasi nag o-over time siya sa trabaho.
"O'anak, bakit parang naka-kita ka ng multo?" pabiro pa niyang sabi
"Wala po mama" at nag mano ako sa kanya
"Anak, bakit parang hingal na hingal ka? May humabol ba sayong aso?" Aniya ni mama
Minsan nga hinahabol ako ng aso, minsan naman Hindi parang may bakit saakin yun aso kahit wala naman ako ginagawa.
"Hindi po mama" pagsisingugaling ko, ang totoo po niyan mama hinalikan ako ni Joseph huhu my virgin lips.
〰️
Pag sabado at linggo gumagawa lang ako ng gawain bahay usually kong ginagawa pag walang pasok o kung may pasok man ako.
Araw ng Lunes ngayon kaya nasa classroom ako, nakapatong ang ulo ko sa desk wala pa mga kaklase ko naidlip lang muna ako. Iniisip ko parin bakit ako ki-niss niya ang awkward lang masarap sana kung girlfriend niya talaga ako Landi Claire!
Maya't maya pa at nag-angat ako ng tingin parating na si Joshua at papunta sa gawi ko kung saan ako nakaupo.
Naupo siya sa tabi ko.
"Claire, pasensya na kung di ako makapunta may emergency lang nangyare, Sorry talaga" pa cute pa niyang sabi, gusto ko sana kurutin kaso wag na lang
"Okay lang, di naman importante yung sasabihin ko hehe" tama wag na lang sabihin. May quiz kami sa subject na Calculus kaya kailangan ko magreview ng mga formula pag di ako nagreview, Zero ang aabutin kong score.
Napatingin ako kay Joshua na abalang nag re-review naalala ko na naman yung kiss saakin ni Joseph
Bakit ako hinalikan ni Joseph?
Hindi naman talaga ako gusto ni Joseph eh may girlfriend na siya ako lang talaga tong assuming
Inaamin ko, meserep yun kiss na yon first kiss ko kaya yon first time ko mahalikan ng isang lalaki, Joseph Santiago lang naman ang nangnakaw ng halik saakin
Kiss lang yon!! Focus , focus Claire!
"Why? nakatulala ka na naman, there's something wrong?" Natauhan na lang ako ng magsalita si Joshua
"Wala naman Josh" umiling ako, Di talaga ako makapag focus ng dahil lang sa isang halik
Nag-umipisa na ang professor namin sa pag discuss saamin ng Quiz na kailangan namin masagutan.
Di ako makasagot sa papel ko, buti na lang ay pinakopya ako ni Joshua minsan lang naman ako mangkopya di lagi.
〰
NASA CANTEEN kami ng mga kaibigan ko sina Zoey, Bella, Joshua at ako. Si Joshua na nag order ng makakain namin naupo na lang kami sa bakanteng Lamesa
Bumuntong hinga ako "Uy, friend bakit ka bumubuntong hinga dyan? There's any problems?
Pwede namin pag usap" Aniya ni Zoey
"Oo nga girl, baka may boyfriend kana ayieee"
Sabi naman ni Bella
Sinamaan ko ng tingin si Bella "Tumigil ka nga! Ikaw lang tong may Boyfriend na, Naalala mo ba di mo saamin sinabi na mag b-boyfriend kana. Pasabi-sabi ka pa saamin na Man Hater ka. Iba ka girl"
Napatingin kami na andito na si Joshua, inilapag niya ang tray na hawak hawak niya na may laman order namin.
"Ano pinag-uusap ninyo girls" sabi ni Joshua
"Wala naman, girls talk" saad ni Zoey
"Uhm, Alright"
Kumain na lang kami ng ni-order namin pagkain, katabi ko si Joshua sa upuan, sina Bella at Zoey ang magkatabi.
Habang kami ay kumakain nag ring ang phone ni Joshua napatingin ako sa phone niya, Unregister ang number ang tuwag sa kanya.
"Please Excuse" aniya ni Joshua saamin Tumayo siya at lumayo saamin ng kaunti.
"Hello, Who's this?"
Medyo rinig ko ang boses niya.
"What? Did you do that to her? Damn you man!"
Naupo na siya sa tabi ko, pakiramdam ko bad mood siya, Di na lang ako naggsalita pa. Napatayo siya at humarap saakin, hinila niya ako sa kinauupuan ko mahigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko pumunta kami sa tagong lugar in short sa likod ng paaralan ng Buenavista University.
Isinandal niya ako sa pader at hinarangan niya ang kanan kamay niya at isinandal sa pader.
"Claire" madiin niya sabi rinig kong husky boses niya at lalaking-lalaki.
Nakatitig lang ako sa mukha niya, di ko alam kung bakit niya ako hinila papunta sa likod ng Unibersidad.
"Bakit hinayaan mo lang siya gawin niya iyon" seryosong sabi ni Joshua saakin
"Huh? Ano bang pinagsasabi mo?" Naguguluhan ako sa inaakto ni Joshua, wala na naman ako ginagawang masama.
"I know that you love my Twin brother, but bakit hinayaan mo ang sarili mong halikan ka niya Damn."
Aniya ni Joshua
Nagulat ako sa mga narinig ko, bakit Alam niyang hinalikan ako ni Joseph, Naroon din ba siya ng halikan ako ni Joseph? At bakit nagagalit siya saakin
Sa halip na magsalita ay yumuko na lang ako, Chi-nin-up
niya ang baba Jo gamit ang kanyang hinlalaki niya.
Hinalikan niya ako sa noo ko, nabigla ako sa ginawa niya "Ito, di counted sa ginawa ng Kuya ko."
"Diba sabi ko sayo, i-save mo iyan sa taong mahal ka hindi sa kani-kaninong lalaki." Dagdag niya pang sabi ngumiti siya saakin na parang walang nangyare.
"Alam ko yun, Joshua" sabi ko na lang at yuko pa rin ako."Talaga? good girl" ginulo niya ang buhok ko .
Lumisan na kami sa lugar kung saan kami kanina, at Alam namin pareho na late na kami sa next subject tapos na kasi ang break time. Alam kong ganun lang talaga si Joshua kasi Magkaibigan kami mula nung makilala ko siya nung gabing iyon.