Chapter 5

"Childhood Memories"

THIRD PERSON POV.

NANG gabing iyon may isang batang babae umiiyak, hikib lang siya ng hikib dahil akala ng bata ay babalikan siya ng kanyang Ina sa playground kung saan siya iniwan nito. Limang na taong gulang na ang batang babae at gabi na kaya wala ng tao sa lugar puno ng takot ang buong katawan niya at gutom na rin siya.

"Mama saan kana akala ko po ba babalik kayo?" mahinang sabi ng bata habang ito ay umiiyak

"Mama huhuhu" tuloy parin ang pag iyak niya kahit wala naman nakakarinig sa kanya

Nakahawak ang kanyang binti at nakasubsob ito habang umiiyak.

"Bata, bakit andyan?" misteryosong boses ng batang lalaki

Nasa ilalim ng slade ang batang babae kaya wala nakakakita sa kanya, May nagsalita at napatingin siya sa nagsalita iyon. Lumapit ang batang lalaki iyon sa batang babaeng umiiyak.

"Sino ka? Alam mo ba kung saan ang mama ko?" tanong ng batang babae umiiyak, Umiling ang bata lalaki

"Hindi e, Ako nga pala si Joshua Santiago, eh ikaw ano pangalan mo?"

"Ako si Claire Miranda" sagot ng batang babae

Narinig ng batang lalaki na kumakalam na ang sikmura ng batang babae kaya binigyan niya ng sandwich ang batang babae. "Kain ka lang ha, hihintayin natin yung mama mo promise di kita iiwan" sabi ng batang lalaki sa batang babae.

"HEY JOSHUA! WHY YOU ARE STILL THERE?" Iritadong sabi ng isa pang batang lalaki, Lumapit siya sa kinaroroonan ng batang lalaki na si Joshua at batang babae na si Claire.

Nang makita niya ang batang sumigaw kanina ay bakas sa kanyang mukha ang pagkagulat ng batang babae na si Claire, Nakita niya na magkamukha sila ng batang lalaki na si Joshua at isa pang bata.

"Bakit magkamukha kayo?" Inosenteng tanong ng bata na si Claire

"It's simple , were Twins tch" sabi ng bata

"Eh sino ka naman? Ano pangalan mo ?" tanong ng batang babae na si Claire

"I'm Joseph Santiago" simpleng sagot ng batang lalaki

Parang may kakaibang naramdaman ang batang babae na si Claire sa pagkababae niya di na lang niya pinansin yon dahil nasa murang edad pa lang siya at di niya pa alam ang ibig sabihin nun.

"Joshua, let's go home" aniya ng batang lalaki na si Joseph

"No, I'll wait her mom back, ikaw na lang ang bumalik" aniya naman ng bata si Joshua

"What? You wait her mom? Bakit kakilala mo ba yan bata na yan?" saad ng batang si Joseph

"Yes, kakakilala lang namin bakit? ba kuya . You can call our driver to back you home Umuwi kana di ako susunod" aniya ng batang si Joshua

Palipat-lipat ang tingin ng batang babae sa dalawang batang lalaki na nag-uusap, tumigil na rin siya sa pag iyak tahimik lang siya na nakatingin sa dalawa.

"Fine" sabi ni Joseph

Akmang tatalikod na ang batang lalaki na si Joseph na magsalita pa siya

"Our Father will mad at you pag di tayo sabay umuwi"

"Okay lang, ako na bahala sa sarili ko" aniya ng batang si Joshua

Wala ng lumabas na salita galing Kay Joseph, Tumakbo na siya palayo at may humintong sasakyan saka ito sumakay mabilis na umalis ang itim na kotse.

"Wala na si Kuya, Okay ka lang? Sorry for his attitude"

"Okay lang ako" simpleng sagot ni Claire kay Joshua

Tumabi ang batang lalaki sa batang babae sa kinauupuan niya, Marami silang pinagusapan tungkol sa personal na bagay at mabilis lumipas ang oras Alas-nuebe na ng gabi ng may dumating na babae na nasa trenta anyos.

"Claire!" sigaw ng babae

"Mama!" tumayo ang batang babae at lumapit sa babaeng may edad

"Anak, pinag-alala mo kami ng papa mo, Akala namin nawala kana." saad ng babae

"Si Mama po eh, sabi babalikan niya ako" inosenteng sabi ng batang babae

"Andito na si Mama okay?" Niyakap ng babae ang batang babae

"Mama, may kasama po ako" sabi ng batang babae na si Claire

"Huh? Sino? Wala naman tao dito anak" aniya ng babae kay Claire

"Bigla po nawala hala! multo" sabi ni Claire sa Ina

"Ikaw talagang bata ka, Tara na kakain tayo ng gusto mo pagkain" aniya ng Ina

Lumisan na sila sa playground at bumalik na sa kanilang tahanan. Ang batang lalaki ay umalis na rin sumakay na siya sa itim na kotse.

Claire's point of view

Bigla ako may naalala habang ako naghuhugas ng Plato

"Mama, may naalala ako nung bata pa ako, Nasa playground ako di ko maalala yung batang lalaki na nakausap ko" Nasa tabi ko lang si mama habang siya at naghihiwa ng gulay para sa aming hapunan

"Wala ka namang kasama dun anak" simpleng sagot ni Mama "Wala po ba? Alam ko meron mama pero di ko maalala yung mukha at pangalan" sabi ko

"Bakit mo naalala yon? Anak ano bang meron?" Aniya ni Mama

"Wala naman po mama, bigla na lang nag pop-up sa utak ko"

Di na ko pinasin pa ni Mama nung sinabi ko yun, Abala kasi siya sa pagluluto kaya di ko na inabala pa nung natapos na ko sa paghuhugas ng plato biglang nag ring ang phone ko may tumatawag saakin di ko alam kung sino naka un registered number sinagot ko ang tawag

"Hello, sino to?"

"You know who I am" sagot ng kabilang linya

"Huh? Kung wala kang magawa sa buhay, wag ako iba na lang please" sagot ko

"You're sound interesting, Pwede ba tayo magkita-"

Pinutol ko na ang sasabihin niya

"Pwede ba! Ambastos mo" akmang puputulin ko na ang tawag nung magsalita pa siya sa kabilang linya

"Bastos agad? You already forget me , you hurt my feelings, Ako lang naman ang kasama mo nung nasa restaurant tayo. I got your first kiss"

Nung sabihin niya yun bigla ko naalala ang lahat shet!

Kakalimutan ko na dapat yun bakit pinapaalala niya pa

At bakit nalaman niya ang number ko? Di ko naman binigay sa kanya yon kakaiinis self! Ilang minuto Ako di nagsalita

"Hey? Are you still there?" sabi pa niya sa kabilang linya

"Ano bang kailangan mo saakin?" sagot ko sa kanya

"It's just simple be my girlfriend" simpleng sagot niya

Huh? Ano? Girlfriend? Bakit? Naguguluhan ako ngayon bakit niya to sinasabi saakin? May girlfriend siya si Molly? Halong-halo emosyon ang nararamdam ko ngayon, Kikiligin sana ako kaso hindi Sasaya ba ako kung magiging girlfriend niya ako o Malulungkot dahil alam kong may masisira akong relasyon . Alam ko naman sa sarili ko mahal ko siya pero di ko inisfect ito. Pinatay ko na lang ang tawag saka pumasok sa kuwarto ko. Please sana panaginip na lang ito...