Chapter 7

"You are the reason that I want to be with"

Claire's point of view

PUMASOK pa din ako skuwelahan di pwedeng di ako pumasok di ko muna iisip nangyare kahapon bahala na si batman. Medyo na late ako ng pasok dahil kakaisip sa nangyare di kasi agad ako nakatulog kagabi.

Nasa labas lang ako ng corridor bawal na raw pumasok sa loob, masungit prof namin ngayon eh ayaw niya nala-late sa klase niya. Nakita kong andun na si Joshua parang walang nangyare na suntukan naganap kahapon nakita kong nakasulyap siya saakin sa labas.

Pumunta muna ako sa bintana ng Unibersidad para mag-isip. Ano kaya sasabihin ko sa kanya? Maging normal lang ba ako kagaya dati? o Di ko muna siya papansin dahil kay Joseph? Ugh nakaksira naman ng ulo to pinasok kong gulo

Napansin kong lumabas na ang professor namin saka ako pumasok, second subject na ako pumasok magtatanong na lang ako sa mga kaklase ko kung ano ginawa nila sa subject na yon. Mabait naman karamihan sa kanila kaya papakopyahin nila ako sa mga lectures.

Umupo ako sa kinauupuan ko naglabas Ako ng notebook at ballpen para magsulat ng notes nakahiram ako sa kaklase ko. Habang nagsusulat ay bigla na lang lumabas si Joshua sa room padabog nitong sinara ang pinto kaya lahat kami napatingin sa kanya.

Di ko gusto mga inaasal ni Joshua mga nakaraan araw, nagiging possessive siya para saakin di ko naman siya jowa para umakto siya ganun. Minsan nakakainis din ugali niya. minsan din sobrang sweet o minsan din parang tatay ko na umakto.

Gusto ko padin makipagkita kay Joseph kahit na nagsuntukan sila kahapon. Gusto ko malaman yun kalagayan niya alam kong may sugat siya sa kanyang labi. Gusto kong gamutin iyon nagaalala talaga ako kay Joseph. I want to be with him, I want to know he's okay or not.

I'll message his number, I want to know where is he right now, tama lang naman i-message ko siya kasi girlfriend niya ako gusto rin naman lahat mga nangyayare di ako nag-sisi mag sisi pa ba ako? Mahal na mahal ko lang talaga siya.

To Joseph's

Where are you baby? Gusto sana kita makita gagamutin ko sugat mo . Text your Address thanks I love you baby.

UWIAN na din sa wakas labasan na lahat ng studyante sa kani-kanilang room di ko na nakita pa si Joshua nung lumabas ito ng room namin wala siyang dala bag. Siguro mainit pa rin ulo nun kaya hinayaan ko na lang malaki na siya kaya na niya sarili niya.

Nakasalubong ko sina Zoey at Bella, gusto ko sana ikwento nung nangyare kahapon kaso nagbago isip ko, Wag na lang baka sa susunod na lang ikwento, Ayaw ko muna ipaalam sa kanila paniguradong magugulat sila pag nalaman nila iyon.

"Hi mga friendship, kamusta kayo?" nakita ko silang naka akbay. "Okay lang girl, bakit di mo kasama si Joshua? Sayang gimik Sana tayo ngayon palibre tayo kay Joshua." saad naman ni Bella "Sa susunod na lang, baka busy din si Joshua" sabi ko sa kanila.

"Okay girl, next time na lang" ngumiti ito saakin "Una na kami, may date pa ko ng boyfriend ko hihi" dugtong pa nito. "Di ako kasama, sa date nila magpapasama lang siya bumili ng dress sa ukay-ukay" singgit ni Zoey natawa naman ako gi-gimik tapos biglang may date pala with boyfriend.

Naglakad na sila then kumaway sila saakin, kinawayan ko din sila. Natanggap ko na text galing kay Joseph, He is his Condo unit in Makati. Pupuntahan ko siya duon mag t-taxi na lang ako malayo kasi yun dito sa Buenavista University.

THIRD PERSON POV.

MULA nung makita ng binatang si Joseph si Claire ay parang may binabalak itong masama sa dalaga. Sa restaurant sila unang nagkita ng dalagang si Claire kasama ang kasintahan na si Molly na kumakain din duon. Naikwento kasi ng kasintahan ni Joseph na may mabait na nagbalik ng kanyang hikaw gusto pa nitong maging kaibigan si Claire subalit di pumayag si Joseph sa gusto ng kanyang kasintahan, wala siyang sinabi sa dalaga basta wag siya makikipag kaibigan sa kanya.

Nung makita ang dalaga sa restaurant may binabalak ito

Gusto niyang maging girlfriend ang dalaga paglalaruan nito ang damdamin ng dalagang si Claire nakita niya rin ang kanyang kakambal na si Joshua. Totoong may alitan ang magkapatid di sila magkasundo mula ng mga bata pa lang sila lahat kasi ng lahat ng gustuhin ni Joseph ay laging nasusunod mula sa materyal na bagay at pati sa babae.

Naisipan niyang tawagan ang kakambal na si Joshua

sinabi nitong He will play feelings of Claire kaya nagalit ang kanyang kakambal. Tumawa lang siya ng tumawa na para bang wala ng bukas, Alam ng binatang si Joseph na may pagtingin ang dalaga sa kanya mula pa ng elementarya, high school at ng maging college pa sila.

Aalis na ng bansa ang kanyang nobyang si Molly para dun mag aral sa America. di naman alam ng nobyang si Molly na may balak ito na kay Claire. Sweet pa rin naman sila sa text, video call at walang balak si Joseph na makipaghiwalay sa kanyang nobya.

Claire's point of view

NAKARATING na din ako dito sa condo ni Joseph sinabi niya din kung saan room siya nanatili bakas saakin ang saya dahil makikita ko na ang aking mahal na si Joseph

Tinanong ko sa registrar kung saan yon 234 third floor lang daw kaya dali-dali akong sumakay ng elevator at pindot ang floor kung saan si Joseph

I miss him so much kahit na kahapon lang ay magkasama kami, may dala akong first aid kit para sa kanyang sugat sa labi. Nag ayos muna ako ng buhok bago ko pindutin ang buzzer sa unit niya kaagad naman niya iyong binuksan laking gulat ko ng naka-topless siya sa harapan ko napalunok ako ng wala sa oras.

Sininyasan niya ako na pumasok na sa loob ng unit niya

Masasabi kong malaki ang loob ng unit mukhang mayayaman lang nakatira dito. Kung ako dito di ko kaya magbayad ng isang Condo Unit di nga kaya ng parents ko, Tuition pa nga lang mahal na buti na nga lang Scholar ako sa Buenavista University.

Umupo ako sa malabang couch, naka shorts lang ang loko di naman lang nag damit. "Hey come here, gamutin mo na tong sugat ko" nakita ko siyang nakanguso pa cute naman niya , Lumapit ako sa kanya saka inumpisahan gamutin ang sugat niya sa labi habang ginagamot ko sugat niya ay nakikita kong nakatitig ito sa mukha ko . Palapit ng palapit ang labi niya sa labi ko ramdam ko na ang pahinga nito at bigla niya akong siliin ng isang halik ...

Itutuloy...

-maryjyheffect