Chapter 8

"Because of you, I will protect you for all the cost"

Joshua Santiago point of view

DI KO maintindihan  ang sarili ko bakit ako nagkakaganito, pagnakikita ko kakambal ko umiinit agad ang ulo ko siguro dahil na rin sa alitan namin di kami magkasundo kasi naman lahat ng gustuhin niya nasusunod dahil matanda siya ng 1hour? Nauna siya lumabas sa sinapupunan ng aming mommy, kalokohan naman iyon. Lahat ng gustuhin niya mula sa materyal na bagay pati ba naman sa pinakamamahal kong babae kukunin niya rin. Tangna lang ang daming babae sa mundo si Claire pa talaga

May girlfriend na siya nakilala niya si Molly sa America. Dun kami dati nakatira ng pamilya ko, dun din kami pinanganak ng mommy namin sa America nung pinapanganak kami ng nanay namin binawian siya buhay sa panganganak. Di kasi kinaya ng mommy dahil bata pa lang siya ng mabuntis siya ni daddy she was 14 years old that time.

Sabi ko sa sarili ko pag may nakilala akong babae mamahalin ko siya ng buong-buo walang labis walang kulang araw-araw ko siyang mamahalin kagaya ng pagmamahal ko sa mommy ko. Kahit ano pa maging itsura niya, mataba man siya o sexy wala akong paki-alam. Ngayon nakilala ko na siya di ko na siya pwedeng pakawalan pa po-protekahan ko siya sa abot ng aking makakaya

Di siya yung babae na ordinaryo lang para saakin siya yung babaeng kahit nahihirapan lumalaban parin. Kaso nga lang di ako gusto niya yun kakambal ko pa talaga magkamukha naman kami ah? Bakit hindi ako? Ako yung laging kasama niya lagi ko siyang nililibre kahit na maubos pa pera ko basta't masaya siya pati mga kaibigan niyang babae sina Zoey at Bella.

Naalala ko nung bata pa lang ako may nakita akong batang babae sa playground pinagmasdam ko lang muna siya bago ako lumapit sa kanya napansin kong umiiyak siya kaya nilapitan ko na tinanong ko pa kung ano pangalan niya nung sabi niya pangalan niya siya si Claire Miranda parang may kung ano sa tiyan ko na di ko maintindihan parang may paru-paro na gustong makawala.

Di ko pa maintindihan dahil bata pa ako nun basta parang sinabi ng puso ko na siya na babaeng mamahalin ko hangang sa tumanda. Kaya hinanap ko siya kung saan siya Unibersidad pumapasok pinahanap ko pa sa private investigator kaso mga walang silbi sayang lang pinangbayad ko. Buti na lang kung saan ako University na pumapasok nandun siya sa Buenavista University.

Niligawan ko pa siya binibigyan ko ng kung ano- anu

Chocolates, teddy bear, cellphone dahil wala siyang phone at flowers kaso di niya tinatanggap di siya ready na maging girlfriend ko, kaya nung sinabi niyang kaibigan lang ang kaya niyang ibigay tinanggap ko iyon kahit masakit mahal ko eh.

Di ko hahayaan na saktan ni Kuya Joseph, si Claire. Buti pa kinu-kuya ko pa din siya kahit na kumukulo ang ulo ko sa galit pag nakikita siya. Ang dami pwedeng pagdiskitahan bakit si Claire? Wala siyang alam sa nangyayare di niya alam na paglalaruan lang siya. Wala akong lakas na sabihin sa kanya ang lahat alam kong masasaktan ang damdamin niya. She's precious to me Ang kaya ko lang gawin ay protektahan siya kahit sa ibang lalaki na umaaligid sa kanya kahit na kausap niya lang.

Natauhan na lang ako nung magsalita ang bartender sa bar kung saan ako ngayon. Nakatulala kasi ako sa kawalan. "Sir, more drinks? Hard liquor?" Tumango na lang ako. Kilalang kilala na ako dito sa bar na 'to kasi bestfriend ko lang naman may ari nitong bar na si Kyle Villanueva.

"Hey what's up ,man?" he said Patingin ako sa kanya "Nothing, ganun pa din ang buhay" sabi ko saka uli uminom ng alak "talaga? I don't believe you, man" tumawa siya. Siya na pumalit sa bartender kanina pinupusan niya mga baso ginamit pagkatapos hugasan.

"Di ka pupunta dito kung wala lang, Kilalang-kilala na kita Joshua pati kakambal. Wag mo sabihin babae tong pinoproblema mo?" aniya ni Kyle

Tumango na lang ako ngayon lang ako pinamaan ng alak feeling ko matutumba na ako sa kinauupuan kong stool. "Chicks ba yan? Pakilala mo naman ako Joshua, Agawin ko na din sayo" biro niyang sabi, ganyan na siya mula bata pa lang kami. "Siraulo, iba na lang daming babae dito" sabi ko saka uminom muli ng alak sa baso ko "Ikaw naman di mabiro, pero pag maganda akin na lang" aniya niya at sinamaan ko siya ng tingin.

"Mukhang lasing kana bro, uwi kana kaya pahatid kita sa mga employee ko mukhang di muna kaya mag drive pa" di ko na initindi pa ang sinabi niya hilong-hilo na ako ngayon. "Hey Handsome" sabi ng isang babae di ko na mamukhaan kung sino siya. Para bang nakikita ko ngayon ang mukha ni Claire na papalapit sa mukha ko ngayon, Wala ako sa sarili kong hinalikan ko siya sa labi niya. Mariin ko siyang hinalikan na para bang uhaw na uhaw ako sa kanya.

Sabay kami hinigal sa ginawa namin iyon, natauhan na lamang ako nung maininag ko ang mukha niya Fck I'll kiss someone shit Tininulak ko siya napaupo na lang siya sa sahig. "What's wrong with you? ikaw tong unang humalik tapos parang kasalanan ko pa? Arugh I hate you" sinampal niya ako sa kanan kong  mukha. Wala naman ako kasalanan mga babae talaga hinalikan ko lang naman siya yon lang yon.

Inilalayan ako ng employee ni Kyle para umuwi na sa bahay namin, Siya na nag presentang mag drive nakaupo lang ako sa passenger seat at nakapatong ang ulo ko sa bintana. Iniisip ko pa din so Claire sana okay lang siya, Sana okay pa rin kami, ginawa ko lang naman yon na suntukin si Kuya dahil gusto ko lang protektahan siya mali ba yung ginawa ko? Hinde naman diba? Pauli-ulit kong tanong sa isip ko. Napagisip-isip ko na mag apologize sa ginawa ko sa kanya lang ako mag s-sorry di sa kuya ko. Ayun ang gagawin ko bukas papasok pa din ako kahit may hangover ako di naman mahahalata ng mga professor yon.

"Andito na tayo sir" bumaba na ako ng sasakyan "Ito isang libo mag taxi ka na lang pabalik" binigay ko pera ko na nakalagay sa pitaka ko. Umalis na siya then pumasok na ako sa mansyon namin, nagtungo agad ako sa kuwarto ko para matulog. I want to dream about Claire and me . You are precious that I cant let go.

Itutuloy...

-maryjyheffect