Page 1: Diary
Wearing my skimpy skirt and fitted blouse, I damn look like a slut! This is all my slacks' fault. If it just hold itself a little longer and avoid from ripping itself, I should still have a decent uniform. So I end up wearing a panty short under my very very short skirt to avoid peeping toms. I don't have any choice 'cause I can't even find my cycling shorts.
I blow dried my hair and let it sway along the air. I wore my longest socks and tied a black jacket against my waist to cover the rear part of my skirt. I grab my backpack and stormed out my room.
Nakarating ako sa school ng halos wala pa mga estudyante at katulad ng palagi kong ginagawa ay agad akong dumidiretso sa room para mag-drawing o magbasa ng mga libro. Naupo ako sa hulihang parte sa tabi ng bintana at kinuha ang bag ko para kumuha ng libro.
I was about to drag my book out but something came out from my bag. It was a simple black book. A golden subtle and beguiling clock covered with vines and slightly detailed lines was imprinted carefully on the cover.
Agad ko iyong kinuha para tingnan. It looks strange yet unfamiliar, releasing a very suffocating and eerie sensory stimulus. Hindi ko ito pag-aari pero nahulog mula sa bag ko. Nang binuksan ko ay walang nakasulat sa first page hanggang sa fourth page but the fifth page proved that it was someone's diary.
Dear Past self,
It was another boring day, and you know, I got hit by a soccer ball and no one dared to apologized to me so I walked away fuming mad. That was really embarrassing, getting hit by a ball in front of everyone! And on the afternoon, I accidentally tripped in the cafeteria and everyone made fun of me. The most embarrassing part was I am wearing a skimpy skirt and everyone saw my underwear. I didn't intentionally wore it, I had no choice 'cause all my dammit pants and skirts are in the washing machine and my last pants was ripped the hell off!!! After class I bumped into someone and accidentally splashed my juice on him. And lastly, I lost my wallet so I damn walked home!
June 17, 2014
Tuesday
Hmm. So unfortunate.
Kanino kayang diary to? Should I leave it somewhere? Baka mamaya mapagbintangan pa ako na ninakaw ko. Better be safe than sorry kaya bago pa man dumami ang mga kaklase ko ay itatapon ko na to sa basurahan. At dahil may awa pa naman ako sa may-ari ay ibinalot ko sa papel. Sayang naman kasi yung effort niya sa pagsusulat.
I was able to throw it in the trash can but something hit me. June 17, 2014, parehong araw ngayon. What kind of shit is this?! Wala akong kasama sa apartment at wala akong napansin na lumapit sakin kanina habang naglalakad ako. At mag-isa lang ako kanina sa tricycle. The owner narrate how she end up unfortunately but the classes is not even starting yet. Baka nagkamali lang siya sa pagbilang ng araw. Baka nakalimutan niyang tumingin sa kalendaryo. Yup, baka nagkamali lang siya ng sulat.
I let out a deep sigh before throwing it in the trash can. I'm being paranoid.
Pagkatapos ng klase namin sa umaga ay binagtas ko na ang daan patungo sa cafeteria para mag-lunch.
"Miss!" isang sigaw ang nagpalingon sakin ngunit soccer ball ang sumalubong sa mukha ko. Isang malakas na pwersa ang sumira sa balanse ko hanggang sa lumapat ang pwet ko sa simento.
"Ouch!" daing ko. Sinong tae ang bumato ng bola sa mukha ko?! Biglang may lumapit na lalaking senior student sa kinaroroonan ko, akala ko magsosorry siya pero bigla niyang kinuha iyong bola tsaka tumalikod. Aba'y putong ama! Ang lakas ng loob na talikuran ako! Pasalamat siya sinalo ng mukha ko ang bola niya kung hindi maghahabol pa siya! Balak ko na sana siyang sigawan kaso bigla itong humarap.
"Anyway, nice underwear. Unicorn." komento niya na nagpainit ng pisngi ko. Hindi ko napansin na kita na pala ang panty short ko kaya agad akong napatayo. Ramdam ko ang mabilis na tibok ng puso ko dahil sa kahihiyan. Halos takbuhin ko nga ang daan patungo sa cafeteria dahil sa kahihiyan. Putong ama talaga!! Napakamanyakis ng tukmol na iyon! Ano bang pakialam niya kung peborit ko ang unicorn?! Alam kong maraming nakakita at maraming nakarinig sa sinabi niya. That pervert! Humanda talaga siya kapag nagkrus ulit ang landas namin.
Halo-halo ang nararamdaman ko nang makapasok sa cafeteria, binalak kong pumila ngunit bigla kong naramdaman ang pagkawala ng aking balanse nang mapatid sa binti ng kung sinong kupal. Umalingaw-ngaw sa ng buong cafeteria ang hagikhik at bulungan ng mga estudyante. All of them are staring at me at ako naman itong nakadapa sa sahig.
"Oh gosh! Look at her underwear!!! Unicorn!!" naghalakhakan sila at marami rin ang kumukuha ng litrato. Damn! Agad akong napatayo at inayos ang sarili. Yumuko ako para hindi makita kung paano ako naging sentro ng katatawanan. Ramdam ko ang muling pag-iinit ng pisngi ko pati na rin ang matinding kaba. Sa sobrang hiya ko ay napatakbo ako pabalik sa room.
Hindi ko alam kung anong hiwaga ang mayroon sa panty short kong ito at panay ang pakita sa publiko pero hindi ako natutuwa! Nasisiguro kong laman na akong ng mga post sa underground website ng school pati ng rin ng school bulletin.
Kahit sa pagpapatuloy ng klase ay usap-usapan pa rin ang katangahan ko hanggang sa matapos ang klase. Kaya isinusumpa ko na hinding-hindi ko na gagamitin ang unicorn na panty short na ito! Nasisira ang dignidad ko at nadudungisan ang pagkatao ko. Invisible ako pero dahil sa nangyari ay mukhang ako na ang laman ng bawat tsimis ng mga estudyante dito.
Nauna akong lumabas na room dahil hindi ko na kaya ang mga pang-aasar nila. Dumiretso ako sa locker habang umiinom ng juice na dala ko dahil hindi ako nakapag-tanghalian. Wala sa sarili akong napabuntong hininga habang iniisip ang matinding kahihiyan ko kanina. Hirap ng maging isang loner, wala kang kadamay pagdating sa ganitong mga pagkakataon. Walang matakbuhan at walang makausap—
"Fuck!" isang malutong na mura ang umalingaw-ngaw sa buong hallway. "Do you even know how to use your eyes?!" isang matangkad na lalaki ang tumambad sa harapan ko na basang-basa ang uniform dahil natapon sa kanya ang iniinom kong pineapple juice.
"So-Sorry." napayuko ako dahil mukhang mangangain na siya ng tao. Ramdam ko ang matindi nitong inis dahil sa nangyari at mukhang mainit talaga ang ulo niya kaya't mas pinili kong magpakumbaba na lang kahit pareho naman kaming hindi tumitingin sa daan. Baka mamaya magka-black eye pa ako.
"Tsk. Unicorn." nagpanting ang dalawa kong tainga dahil sa sinabi niya. Ang hiya at takot ay tila binalot ng inis. Nakaka-deputa pakinggan. Anlakas ng loob niya ah! Buti na lang nakaalis na siya kung hindi babangasan ko talaga yun! Kala niya siya lang yung nabasa! Papatulan ko talaga yun kahit masama ng timpla niya ngayon!!
Quarter to six na nang makalabas ako ng campus, nagbihis pa kasi ako bago tumambay sa library. Medyo malapit lang ang apartment ko pero dahil sa mga mangyayari ay wala ako sa mood maglakad kaya— Asong gala! Yung wallet ko?! Agad akong naghanap sa bag ko, kinalkal ko ang loob ng sariling backpack pero wala, wala rin kahit sa bulsa ko kaya sinubukan kong balikan ang mga dinaanan ko hanggang makarating ulit ako sa senior department building. Wala sa hallway, wala sa locker room, wala rin sa locker ko, o kahit sa cafeteria kaya bumalik ako sa room. Inisa-isa ko bawat sulok ng silid namin kaso wala! Shét! Baon ko ng isang Linggo ay nasa wallet na iyon. Buong isang Linggo akong walang kakainin, walang pamasahe, at walang baon kapag hindi ko iyon nahanap. Naroon ang sweldong pinagtrabahuhan at pinagpuyatan ko buong Linggo, may extra pa naman ako pero alam kong hindi iyon sasapat. Ipagpapatuloy ko pa sana ang paghahanap nang maalala ko iyong diary. Lahat ng nangyayari sakin ngayon ay kapareho ng nabasa ko roon sa diary. May sa engkanto ba ang diary na iyon?! Ang kung sino mang makakabasa ng nakasulat doon ay mararanasan ang kung anong pangyayari ang nabasa niya?! Pusong ina naman oh!
Agad akong napatakbo palabas para hanapin yung basurahan kaso nang buksan ko iyong trash can ay wala ng laman. Nahati ang pag-iisip ko sa dalawa kung magpapatuloy ba na hanapin iyon. Baka naman coincidence lang. Pero parang may nagtutulak sakin na hanapin ang diary. Ramdam ko na parang may kakaiba roon. Hindi ko alam pero parang hinahatak ako ng bagay na iyon sa kung saan man ito naroon. At wala ako sa buong kaisipan kaya't mabilis akong nagpadala.
Binagtas ko ang daan patungo sa likod ng lumang building ng maintenance quarter, doon kasi tinatambak ang mga basura bago kunin ng truck ng basura. Nang makarating ako roon ay gabundok ng mga basura ang tumambad sakin. Sinimulan ko nang buksan isa-isa ang mga garbage bags. Umaalingasaw ang baho at ramdam ko na basa ang ilang mga basura. Paulit-ulit akong napamura sa isip nang makadampot ng napkin! Ang saya! Natutuwa ako! Sana naman inihiwalay man lang ng mga janitress ang mga nabubulok sa hindi nabubulok, papers, bottle, at cans! Para naman maayos akong nakakapaghanap. Hindi ko nagugustuhan ang alingasaw ng nahawakan ko!
Matapos ang isang oras ay nahanap ko na rin ang hinahanap ko. Nakahinga ako ng maluwag nang balot na balot pa rin ito ng papel. Hindi na ako nag-abala pang hanapin ang wallet ko. Kaya ko pa naman sigurong maglakad.
Hapong-hapo ako nang makarating sa apartment. Umaalingasaw rin ang kabantutan ko.
"Ano ba naman yan Lysandra, iba ang amoy mo ah!" reklamo nung land lady nang magkasalubong kami.
"Nagdive po kasi ako sa basurahan, hinabol ko pa po yung daga na nagnakaw ng baon ko." dahilan ko bago pumasok sa loob ng sarili kong apartment. Agad akong naligo at naglaba ng uniform ko para mawala ang mabahong amoy. Nakadalawang paligo pa ako bago dumiretso sa sala para tingnan ulit ang diary.
Matagal ko itong tinignan. Nagdadalawang isip na buksan ngunit sa huli'y dinapuan rin ako ng matinding kuryosidad at walang nagawa kung hindi ang buksan ito. Hinanap ko ang panlimang pahina at tama nga ang hinala ko na nangyari rin sakin ang nakasulat sa diary. Binuksan ko ang iba pang pahina. Para lang itong isang normal na diary na naglalaman ng mga karanasan ng may-ari. Pero bakit ganito ang mga petsa?! Lahat ng petsa ay hindi pa nagdadaan, it seems like a diary of the future.
Napahinto ako nang may biglang nahulog na papel na galing sa diary. Agad ko iyon pinulot. It was a photo paper at may nakasulat sa likod na 'February 14, 2015'. Nang tingnan ko ang harapan ay tila nanlamig ang buo kong katawan.
I saw myself with a guy. Nasa gitna kami ng isang malaking puso at nakaangkla ako sa braso niya. The guy wasn't smiling, he was pouting. Mas nanginig pa ang sistema ko nang makita ang name tag nung babaeng kamukhang-kamukha ko na may nakasulat na 'Lysandra Faith Lee', kapangalan ko rin habang ang nakasulat naman sa name tag ng lalaking katabi ko ay 'Rhadleigh Jace Valencia'. Ang lalaking nasa litrato ay kahawig ng lalaking nabangga ko kanina. Tandang-tanda ko pa ang masungit niyang mukha na tila handang manapak ng kung sino mang babangga sa kanya. Kaya hindi ako maaaring magkamali, siya ang lalaking ito.
Hindi ako makapaniwala, coincidence lang ba talaga ang lahat ng ito? Halos hindi mag-sink in lahat sa utak ko.
Who the hell is pulling a prank on me?!
Another paper slipped out in the book. My trembling hand picked it up and slowly opened it.
Dear Past Self,
I wrote this letter for you, my past. Marami akong nagawang maling desisyon at kailangan mong baguhin iyon. You must alter everything.
You must read this diary and change your own fate. Never follow the path I took. Never let yourself fell for someone so hard. Wag kang magmamahal, dahil ang taong mamahalin mo na minahal ko ay papatayin ka. Wag kang magtiwala ng buong-buo. Wag kang mananatili sa tabi niya, wag kang magsakripisyo para sa kanya. Wag mong gagawin lahat ng pagkakamali ko.
Isinulat ko ang liham na ito dahil alam kong ilang oras na lamang ay pagbabayaran ko na ang lahat ng ginawa ko. So you must reset everything. Kailangan mong baguhin lahat para hindi mo maranasan lahat ng sakit na naramdaman ko at para hindi ka mabuhay sa kung paano ako nabuhay. Please help me. Help me to find my real path, help me to find the light. Help me to find the happiness I abandoned.
I want to smile again.
May 16, 2015
—Our time of death—
Bigla kong nabitawan ang sulat. My whole body is trembling. At the exact date of my birthday, I died. The man who I loved the most killed me?
Unti-unting dumaloy sa malamig kong pisngi ang mga nag-uunahang luha. Kinakapos ako ng hininga at patuloy sa panginginig ang buong katawan ko. I can't think straight and even can't move. Kahit nanginginig ang mga kamay ko ay pinilit kong gumalaw para buksan ang aking bag. Hirap na hirap kong kinuha ang sariling inhaler upang matugunan ang aking paghangos.
Tila unti-unti nang nasasagot ang mga tanong ko sa isip. Unti-unti ko nang nakukuha ang sagot.
Ang diary na ito ay pag-ari ko— No! It was owned by my future self. At iyong lalaki sa litrato, siya ba ang tinutukoy sa sulat na minahal ko? Ang taong kikitil sa buhay ko?! Ibig sabihin, lahat ng nakasulat dito ang totoong mangyayari sa'kin at kung hindi ko babaguhin ang lahat ay mamamatay ako?
How stupid?
Bahagya akong natawa. This is insane. I was laughing while my tears are streaming down on my face. I flip the pages and stopped on the sixth page.
Dear Past Self,
My third day of school was my most terrible experience in my whole high school life. I still couldn't believe that it happened. I wanted to tell him what really happened but I was trembling non-stop and I couldn't find my voice. I really felt traumatized. It even triggered my emotional breakdown. My hands were filled with blood and I couldn't think properly. All I could do is to stare at her unconscious body bathing on her own blood. I was so shocked until he came. He carried the woman to his car and two men in black arrested me as if I was the one who troubled the woman. When we arrived at the hospital, I found out that the woman who was carried by the guy was his own mother and he is also my schoolmate. I was the only one who saw the accident but when they asked me, I couldn't speak so they let me go. The guy told me to contact them if I'm ready to pick up so we exchanged numbers.
I was really drowned in my own guilt, if only I came on the right time I could still save her.
PS: In front of the VI Corporation. On the pedestrian lane. A large delivery truck will hit her. 5:00 pm. Her name is Reigna Valencia, mother of Rhadleigh Jace Valencia. You must arrive their and save her. Please save her!
June 18, 2014
Wednesday
Dito ako magsisimulang baguhin ang lahat. Babaguhin ko ang sarili kong tadhana. Ayokong matulad sa kanya. I still want to live.