Page 2: Accusation
Buong maghapon akong hindi mapakali. At ngayon ay patuloy ko pa rin siyang hinahanap. Ang sabi nung mga chismosa ay palagi raw tumatambay si Rhadleigh sa garden para matulog kaso mukhang wala naman kaya dumiretso ako sa cafeteria kaso wala rin siya roon, sinuyod ko ang buong field pati na rin ang gymnasium ngunit ni anino niya ay hindi ko nakita kaya naisipan kong dumiretso sa locker room ng mga lalaki kahit labag sa loob ko. Alam kong bawal ang babae roon pero wala akong ibang mapagpipilian, unti-unting nauubos ang oras ko at baka dumating ang pagkakataon na wala na akong abutan pang pag-asa na mailigtas ang mommy niya. Luckily, nakita ko siya sa may hallway na may kausap na babae, balak ko sanang lumapit ngunit mas pinili kong magtago muna sa malaking base sa hallway, mukha kasing seryoso ang pinag-uusapan nila. Mamaya na lang, pagkatapos nila.
"Let's break up." mahinang sabi noong babae habang matapang na nakatingin sa kanya. Punong-puno ng emosyon ang mga mata niya habang nakatingin kay Rhadleigh at ang mga luha umaambang tumulo. Ilang sandaling binalot ng katahimikan ang buong hallway dahil sa sinabi nito, wala ni isa sa kanila ang nagsalita.
"Why?" Rhadleigh asked bitterly after recovering from her painful request.
"Hindi na ako masaya sa relasyon natin." sagot noong babae habang nakayuko.
"Yun lang ba ang dahilan mo?" malamig na tanong ni Rhadleigh. "O baka naman inaahas mo na yung kaibigan ko, right? Making out with him behind my back....having a soulful sex with him....then acting like nothing happened between the two of you. I didn't know that you're a slut-" Isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ni Rhadleigh.
"How dare you?!" umiiyak na tanong nung babae sa kanya.
Rhadleigh bend forward to lessen the space between them. "Hindi ba totoo?" He smirked evilly. "Then let's break up, makikipag-break naman dapat ako kaso naunahan mo lang ako. Anyway, hindi ako tumatanggap ng mga bagay na ginamit na ng iba. Hindi ako mahilig mamulot ng basura." maanghang na tugon ni Rhadleigh habang iyong babae naman ay umiiyak na tumakbo palayo.
"Lumabas ka na sa pinagtataguan mo kung ayaw mong ako mismo ang kumaladkad sayo palabas." Napaigtad ako sa kinauupuan ko nang biglang siyang humarap sa direksyon ko. Wearing his freezing glares and demonic aura, my brain stopped functioning.
"Nice to see you again Ms. Unicorn." he coldly preludes. Dahan-dahan naman akong lumabas sa pinagtataguan ko. Ang dapat na asar ng maramdaman ko dahil sa sinabi niya ay napalitan ng takot at kaba.
"Hi-Hindi k-ko si-sinasadyang ma-makinig sa usapan niyo, gusto la-lang sana kitang makausap." utal-utal kong paliwanag. Unti-unti na akong pinuno ng takot. Parang anumang oras ay handa niya na akong lapain ng buhay.
"Really?" dahil sa sobrang kaba ko ay hindi ko na namalayan na nakalapit na pala siya sa kinatatayuan ko. "What do you want to say?" makahulugan niyang tanong. He smiled with no humor and with no joy on his eyes.
"P-Please, tawagan mo yung mommy mo. Just let her stay in her office. Kapag lumabas siya, maaari siyang maaksidente." tuloy-tuloy kong babala sa kanya na ikinadilim ng kanyang ekspresyon. Kung kaninang nakakatakot ang itsura niya ay mas naging nakakatakot pa ngayon, para bang may mali sa sinabi ko na gumising sa natutulog na halimaw sa loob ng kanyang katawan.
"Pinaglololoko mo ba ko?" itinulak niya ako sa pader at kinulong sa pagitan ng kanyang mga braso. "Are you cursing my mother?" galit niyang tanong. I panicked because of his moves.
"M-Mali ka ng pagkakaintindi-"
"Then what?" tila handa na siyang mangain, pakiramdam ko ay tinubuan siya ng sungay at buntot, I no longer see the Rhadleigh I saw in the photo. Ramdam ko kung paano siya nilalamon ng apoy ng galit. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Sasabihin ko bang nalaman ko iyon mula sa diary o gagawa ng sagot na alam kong mas kapanipaniwala. Pero sino namang maniniwala sa bawat sasabihin ko? He just came from a heartbreak and I can't risk to mess up with him. Baka ngayon pa lang ay mapatay niya na ako.
"I-I have a....a precognition ability! May kakayahan akong makita ang hinaharap!!!" I exclaimed. Ngunit nagulat ako nang bigla siyang mapabunghalit sa tawa. He laughed so hard with no humor. "Seryoso ako! 5 o'clock tatawid siya sa pedestrian lane sa tapat ng VI Corporation at masasagasaan siya ng delivery truck. 4:30 pa lang may oras ka pa para tawagan siya!" nagpapanik kong saad.
"Sinong tanga ang maniniwala sayo? Ganyan ba ang paraan mo para makuha ang atensyon ko? Well, tumigil ka na dahil nakuha mo na ng atensyon ko. Anong gusto mong gawin natin-"
Hindi ko alam kung anong nangyari sa akin pero biglang dumapo ang kamao ko sa pisngi niya.
"Fuck!" daing niya dahil sa suntok ko. "What the fuck is your problem bitch?!" sigaw niya sakin.
"Your mother's life is in danger kung ayaw mo siyang tawagan, edi bahala ka sa buhay mo! Binalaan kita pero di ka nakinig!" sigaw ko sa kanya bago siya tinulak para makawala ako at tumakbo papalayo.
Hingal na hingal ako nang makarating sa mataas na pader ng buong campus sa likod ng gymnasium. Dahil alam kong hindi ako makakalabas sa gate ay aakyatin ko na lang itong pader dahil hindi kakayanin ng konsensya ko na hayaan na lang na may mangyaring masama sa ina ni Rhadleigh. Nasimulan ko na, kaya dapat kong tapusin ang plano ko. Gusto ko pang mabuhay ng mas matagal pero dahil sa mga sinabi ko kanina ay mukhang hindi na ako magtatagal kaya itotodo ko na.
Walang pasubali kong inakyat ang puno ng manga para mabilis na makasampa sa pader. Humawak ako sa mga baging na nakadikit sa pader para maabot ang tuktok. But unfortunately nang makarating na ko sa taas ay hindi ko na alam kung paano bumaba, sa sobrang taas na pader ay may posibilidad na mapilayan ako kung susubukan kong tumalon. Wala akong makitang malapit na puno sa kabilang dako at wala rin akong makitang mga bagay na pwedeng kapitan pababa.
"Hoy!! Anong ginagawa mo diyan?!" dahil sa biglang pagsigaw ng kung sino mang Poncio Pilato ay nawalan ako ng balanse. Sa sobrang gulat ay hindi ko nabantayan ang sarili at nahulog mula sa tuktok ng pader. Kasabay ng pagbagsak ko sa lupa ay ang aking pagdaing. Buti na lang ay nagawa kong isuporta ang kaliwang binti ko bago bumagsak ang buong katawan ko sa lupa. Hindi ko na ininda pa ang sakit at agad na bumangon dahil malapit nang mag-alas-singko.
"Kuya sa may VI Corporation po." sigaw ko sa tricycle driver nang huminto siya sa harap ko. Agad akong sumakay nang tumango siya. "Kuya pwede pong pakibilisan?" sabi ko bago muling tumingin sa orasan. 15 minutes na lang ang natitira kong oras. Pinagpapawisan ang mga palad ko at mabilis pa rin ang kabog ng dibdib ko. Hindi ko alam kung ano ang mangyayari pagkatapos nito pero buo na ang loob ko na ipagpatuloy ang plano. Kung mamamatay man ako, atleast sinubukan ko. Sabi nga nila, hindi natin kayang baguhin ang nakaraan. All we can do is to go with its flow, we can't go against the will of fate. Hindi natin mababago ang nakaraan dahil iyon ang nakatakdang mangyari.
Nakahinga ako nang maluwag nang makarating na kami sa kabilang kalsada sa tapat ng VI Corporation. "Kuya, keep the change." saad ko bago kumaripas ng takbo. Balak ko na dapat tumawid kaso biglang naputol ang hawakan ng bag ko, hindi ko napansin na bukas na pala ang zipper ng aking bag dahilan para magkalat ang lahat ng mga gamit ko sa tabing kalsada. Dali-dali ko iyong ipinasok sa bag ko ngunit agad rin akong napahinto nang marinig ang malakas ng tunog ng isang sasakyan. Nang lumingon ako sa gitna ng kalsada ay nakita kong ang isang rumaragasang truck patungo sa direksyon ng isang babae.
"Shit!" napamura ako kasabay ng pagtayo at hindi nag-iisip na tumakbo papunta sa gitna ng kalsada. I run with all my strength. Pusha bahala na! Ginamit ko ang buong pwersa ko para itulak siya nang makalapit ako sa kanya. Tila naging mabagal ang takbo ng oras nang sandaling sabay kaming bumagsak sa semento. A small smile crept on my lips. I saved her...
Nagawa ko kung ano man ang nais ko. Nabago ko na ang tadhana ko. Pero bakit parang may mali? Nasan ang mga taong lalapit samin para tumulong? Bakit hindi ko narinig ang matinis na pag-preno ng truck? Bakit wala pang dumating para samin? I can feel the sting of pain quickly creeping in my whole system. My body paralyzed and my senses are slowly fading.
"MOM!!" isang pamilyar na tinig ang tanging umaalingaw-ngaw sa pandinig ko. Unti-unting naging manhid ang buong katawan ko at bumibigat na ang talukap ng mga mata ko hanggang sa lamunin na ako ng kadiliman.
"Nurse Jacque, ikaw ang naka-assign sa kanya." isang pamilyar na boses ang nanggagaling sa kung saan.
"Opo." sagot naman sa boses ng isang babae.
"I still have an operation." sagot muli ng pamilyar na boses bago ko narinig ang pagsara ng pinto.
Ilang saglit pa ay nakayanan ko nang igalaw ang kamay ko. Pinilit kong ibuka ang talukap ng mga mata ko at sinubukang magsalita ngunit walang tinig na lumalabas na para bang may nakabara sa aking lalamunan.
"Miss Lee?" tawag ng boses ng isang babae. Inilibot ko ang aking paningin hanggang sa maaninag ko na ang buong sulok ng kwarto. "From Room 0404, please inform Doctor Lee. Gising na ang pasyente."
Sinubukan kong bumangon ngunit bigla akong nakaramdam ng kirot. "Miss Lee, wag muna po kayong gumalaw. Marami kayong natamong minor injuries at may fracture leg po kayo, bilin po ni Doc na wag muna po kayong gumalaw-galaw." bungad sakin ng babaeng nurse. "Pabalik na rin po si Doc." dagdag pa niya. Ilang minuto ang lumipas at dumating na rin ang sinasabi niyang doktor.
My relief suddenly disappeared when I saw the person she is pertaining to. He remained at the edge of my bed as he let the other nurses analyze my condition. Then after asking me some questions about my state they stormed out my room. "You think your stupidity made you a heroine?" a broad voice thundered inside the room.
"You've just turned everything worse." I can now feel the anger in his voice. "The woman you saved got a severe traumatic brain injury and now in a coma state! Tumama ang ulo niya sa semento nang bumagsak kayo pareho. ANONG KLASENG KATANGAHAN MO NA NAMAN ITO?! Magliligtas ka na nga lang ng tao eh mapapatay mo pa! Now, the heir of Valencias is filing a case against you! For Pete's sake Lysandra Faith, when will you stop bringing shame in our family?! Buti na lang at hindi tumama yang ulo mo sa semento kung hindi ay baka natulad ka sa kanya o baka mas malala pa ang inabot mo!" I was taken a back. Noong mamatay si mommy ganito na palagi. Lahat na lang ng ginagawa ko ay katangahan para sa kanya. Hindi ako kailanman naging magaling na anak para sa kanya. Noong nawala si mommy ay parang nawalan na rin ako ng ama. Nawalan na ng oras si daddy para sa akin. Puro na lang trabaho ang inaatupag niya, halos mga dalawang beses lang siya umuuwi samin kaya naisipan kong bumukod muna dahil habang patagal nang patagal ay unti-unti kong nararamdaman na parang mag-isa na lang talaga ako. Wala nang pakialam sakin si dad kaya imbes na mas maramdaman kong wala na talaga akong pamilya ay naisipan kong umalis at mamuhay muna ng mag-isa para naman hindi ko na maramdaman na uuwi lang siya para pagalitan ako. Para kapag mag-isa lang ako ay walang magsasabi sa dapat kong gawin, pero ngayon, baldado na nga ako pero pinamumukha pa rin sakin na wala akong kwentang tao.
"Fix this mess Lysandra Faith and stop this bad habbit of yours or I will send you abroad!" banta niya sakin bago lumabas ng kwarto ko.
Nag-uunahang tumulo ang mga luha ko at mahihinang hikbi ang kumawala sa aking lalamunan. Kahit sa paghihirap ko, mag-isa pa rin ako. Is this even part of that fucking diary. Kung gusto kong mabuhay ng tahimik, dapat pala ipinagsawalang-bahala ko na lang yung mangyayari edi sana hindi ito nangyari. The person I saved almost kissed her own death. Now, she's bedridden and it's all because of my carelessness. Sana pala hinayaan ko na lang siyang mabundol ng rumaragasang truck, baka hindi pa siya na-coma.
Ilang oras ang lumipas, nakaramdam na rin ako ng gutom ngunit walang nurse ang dumating para pagdalhan ako ng pagkain kaya napilitan akong bumangon, napahinto lamang ako sa paggalaw nang may biglang pumasok sa kwarto ko.
"Oh here's the bitch." his ready-to-devour aura filled my room. "Happy now?" his sharp glares feel like piercing my whole body.
"I didn't mean to-" in just a split of second, I found myself lying on my bed while his hand is now wringing my neck.
"Who made you do it?" tanong niya gamit ang malamig na tono ng kanyang boses.
"I-I told you, I s-saw it! I-I ca-can predict t-the future!!" hirap na hirap kong sagot.
"Don't fool me woman or I'll make your life a living hell!" pagbabanta niya at mas hinigpitan pa niya lalo ang kanyang hawak sa aking leeg dahilan para kapusin ako sa paghinga. "Ngayon, sabihin mo sakin kung sino ang nag-utos sayo para saktan ang mommy ko!"
"I told you that I can-"
"FUCK YOUR LIES!!!" my voice was drowned by his thundering shout. He's shivering from his boiling anger. "Now tell me or I will kill you." his last statement shut my system down. I begun trembling and my sight seemed smothered with fog, the side of my eyes release cold tears of my anxieties. "Are you afraid to die?" he playfully asked with his devilish smirk. He seemed really enjoying on how I weakly fought my own anxiety. "You must die." he emphasized the word die as he slowly released my neck.
"You look so funny. You think I'll feel pity for you? Kahit mamatay ka pa, hinding-hindi kita mapapatawad kapag may masamang nangyari sa mommy ko. Sisiguraduhin kong magsisisi ka na nabuhay ka pa sa mundong ito. Tandaan mo, simula sa araw na ito, pagbabayaran mo ang ginawa mo sa mommy ko! I'll make your life worse than death." madilim niyang saad bago lumabas ng kwarto ko.
Hindi tumigil ang panginginig ng buong katawan ko dahil sa takot. Mukhang mapapaaga ata ang libing ko. He's accusing me, at mukhang hindi siya titigil hangga't hindi niya nakukuha ang gusto niyang sagot. I was drowned by my thoughts and being controlled by my anxiety. Altering the future means taking the consequences wide-open. I can't just change what is destined to happen or I will receive the negative aftermath. All I need to do is always be aware of what will happen in the future, in that way I can change my own fate. I don't need to change my path, I just need to walk alongside of it and walk silently without interfering the lives of the others.
Kahit masakit and buong katawan ko ay pinilit ko pa ring gumalaw para maabot ang bag ko sa side table. Agad kong kinuha ang diary. Halos isang araw akong walang malay ngunit ang petsa na nakasulat sa diary ay katulad rin ng araw ngayon, walang sulat para sa araw kahapon.
Dear Past Self,
Isang araw na ang lumipas simula noong naaksidente ang mommy ni Rhadleigh. I searched their background information and I found out that they are well-known in the business industry even outside of the country. They owned a luxuriant international corporation worldwide, chains of enterprises, and companies around the world and owned the Valencia Holdings in our country. Nakakalula ang yaman nila. Kahit ang isang tulad ko ay hindi nila pagtutuunan ng pansin, pero dahil sa nangyari ay mukha atang magbabago ang takbo ng buhay ko. Dahil kaninang umaga ay pinuntahan ako ng mga men in black nila, dinala nila ako sa mansion ng mga Valencia. Thankfully, nakapagsalita ako ng maayos bago pa man ako unahan ng kaba at takot. Ang sabi sa imbestigasyon ay sinadya raw ang nangyari dahil imposibleng sabay-sabay na nasira ang mga CCTV camera sa rutang maaring dinaanan ng tumakas ng truck at ako lamang ang nananatili nilang witness at tanging nakakita ng plate number ng truck. Walang kagatul-gatol kong binigkas ang plate number ng truck para ma-trace nila ang kinaroroonan nito.
Nabalitaan ko rin na medyo malala ang kalagayan ni Mrs. Valencia, major and minor injuries, ilang bali ng buto sa ribs at sa braso at binti, at ang malala pa ay na-coma siya, the doctor even declared that she's almost near to death.
After ng interrogation ay dinala nila ako kay Rhadleigh. He thanked me. Siya na rin ang naghatid sakin pauwi, napaka-gentleman niya at sobrang maalalahanin. He even send me bodyguards dahil baka raw may magtangka na rin sa buhay ko at kailangan ko rin ng proteksyon dahil ako ang tumatayo nilang witness.
June 20, 2014
Friday
Tsk. Napakawalang kwenta. Ang layo sa nararanasan ko ngayon. Sa pahinang ito pa lang, nakikita ko na na unti-unti nang nahuhulog yung future self ko sa kanya. Psh. May maganda rin palang pinatunguhan yung pagligtas ko sa mommy niya. Atleast hindi naging malala kinahinatnan niya ngayon hindi tulad nung nakasulat sa diary, at balita ko na medyo okay lang naman raw ang lagay ni Mrs. Valencia, mataas raw ang tsansa na magising siya sa lalong madaling panahon. Pero mukhang kailangan kong mag-imbestiga para mapatunayan ko sa gagong Rhadleigh na iyon na inosente ako. Deputsss! Di ko nakita yung plate number ng gagong driver na yun, ni hindi ko nga alam kung nahuli ba yun o tumakas. Fuck you Rhadleigh Jace Valencia!
Sumunod kong binasa ang sulat para sa hinaharap bukas pati na rin ang ilan pang pahina.
"PUSHA!!!" sigaw ko matapos ang pagbabasa ang limang pahina sabay tapon ng libro.