Chapter 3

Page 3: Hell life

"PUSHA!!!" sigaw ko matapos ang pagbabasa ang anim na pahina sabay tapon ng libro.

Anong klaseng diary ba naman to?! Kung alam ko lang sana na diary pala ito ng landian story nina Rhadleigh at nung pokpok kong hinaharap, edi sana di ko na binasa! July 21 hanggang 26 puro tungkol kay Rhadleigh ang nakasulat! Kesyo dinalaw niya raw nung Sabado at Linggo si future self ko para alamin ang kalagayan, kesyo ang alaga raw ni Rhadleigh! Kesyo ayaw niya raw sa carrots, ayaw niya sa ipis at daga, kesyo mahilig raw siya mag-workout, mahilig raw siya sa pizzas, mushrooms, Filipino foods, cats, at cookies. Pusha! Sa daming nakasulat dito na mga impormasyon tungkol sa kanya ay pwedeng-pwede na akong gumawa ng curriculum vitae ng tukmol na iyon! Damuho! Walang may pakialam sa mga likes and dislikes niya!

Puro tungkol sa pag-aalaga at interaction ni Rhadleigh at ng hinaharap ko ang naganap sa loob ng anim na araw. Hatid-sundo ni Rhadleigh ang future self ko, sabay ring kumain sa cafeteria, at pinakilala niya pa sa mga kaibigan niya ang sarili kong hinaharap ko. Si Daze na pinaka-close friend daw ni Rhadleigh, next is si Dice na pinsan ni  Daze na takot sa aso pero super funny raw, sunod si Fled na mahilig magluto. And lastly si Fix na tahimik at palaging may headset sa ulo. Puro tungkol lahat sa buhay ni Rhadleigh ang nakasulat roon. My future self even described how solid the friendship of those assholes are. Kesyo one for all, all for one raw, kesyo sikreto ng isa, sikreto ng lahat. Kesyo wala raw talo-talo sa kanilang lima, pag nasaktan ang isa, back-up ang iba. What shit is this?! Napaka corny ng pagsasamahan nila! Nakakabakla pakinggan!

"Ms. Lee, nandito na po yung pagkain niyo." isang nurse ang naglapag ng bed table na may isang tray ng pagkain at tubig sa harapan ko. 

"Um. Pwede po bang pakikuha noong libro ko." pakiusap ko sabay turo doon sa diary sa sahig. Agad naman siyang tumalima at kinuha ang diary na tinutukoy ko at iniabot sa akin.

Iniabot niya rin sakin yung photo paper, sulat at isa pang maliit na papel. "Nahulog po yan sa libro nang pulutin ko. Kumain na po kayo, pindutin niyo lang ito kung may kailangan pa kayo." saad nito at itinuro ang malapit na intercom bago umalis ng kwarto. Imbes na kumain ng tanghalian ay mas pinili kong buksan ang hindi pamilyar na maliit na papel.

EYE•666

"Ano to?" wala naman akong nakitang ganito nang buksan ko ang diary. Muli kong tinitigan ang maliit na pilas ng papel. Pamilyar ang sulat-kamay at nakasisiguro akong sa akin iyon. Nalunod ako sa malalim na pag-iisip, pilit na inaalam kung ano ang nakasulat sa papel. Is it a code or something or...

Napasinghap ako nang napagtantong isa iyong plate number. Plate number ng kaninong sasakyan? Biglang gumuhit sa alaala ko ang pangyayaring nakita ng hinaharap ko ang plate number ng truck. Baka ito na yung plate number ng truck!

Tatlong araw ang lumipas bago ko napilit si dad na i-discharge ako sa hospital. Kahit ayaw niya sa huli ay napapayag ko rin, ang problema nga lang ay buong araw siyang naghuhumyaw tungkol sa akin, kesyo lakas-lakasan raw, bida-bida kahit di naman kaya, masyado raw akong pa-super hero. Namura pa nga ako nang wala sa oras. Bahala raw ako sa buhay ko, pag di ko raw naayos yung gulong ginawa ko ay ipatapon niya raw ako sa ibang bansa. Ano namang gagawin ko doon?! Wala naman kaming kamag-anak sa ibang bansa at baka hindi ko kayaning mabuhay roon ng mag-isa. Alam ni daddy na ayaw kong umalis sa Pilipinas dahil dito nakalibing si mommy at ayaw ko ring iwan ang buhay ko dito.

Kahit ilang araw lang ang lumipas ay medyo kaya ko nang maglakad pero hindi mawawala ang sakit ng binti at ng buong katawan ko. Hindi pa naman kasi ako fully recovered pero umalis na ako ng hospital. Binigyan rin nila ako ng pain killer at pinayuhang ingatan ang binti ko dahil hindi pa talaga magaling kung hindi ay mas lalala ang lagay nito.

Pero wala rin naman akong ibang magagawa kung hindi ang pumasok sa school dahil maaaring nagsimula na sila ng lesson, wala rin namang mag-aalaga sakin sa apartment kaya naisipan kong pumasok.

Habang naglalakad ako sa hallway ay tila iba ang pakikitungo sakin ng mga nakakasalubong ko. Ilang grupo ng kababaihan at kalalakihan ang nasa gilid ng hallway at pinagmamasdan ako sa aking paglalakad habang may nakaplaster na ngisi sa kanilang mga labi.

"Hey! Unicorn girl!" nang-aasar na bati sakin ng isang babaeng nakasalubong ko. Hanggang ngayon pa ba naman hindi pa rin namamatay yang kahihiyan kong iyan?!

Nagmadali akong maglakad patungo sa classroom namin ngunit agad kong napansin ang kumpulan ng mga estudyante sa bukana ng aming section.

"Nandiyan na! Nandiyan na!!" saad nung isang estudyante. Tarantang-taranta silang umalis sa pintuan ng room para makadaan ako. Pagpasok ko ay naaninag ko sa di kalayuang pwesto na puno ng mga basura ang upuan at puno ng pictures ko sa whiteboard. Mga nakuhang litrato noong pangyayari sa cafeteria, pati na rin yung natamaan ako ng soccer ball at nakita ang unicorn designed panty-short ko. Meron din noong mga panahong invisible pa ako sa high school. Tapos may mga pictures na edited, yung naka cut-out yung mukha ko tapos pinaste ito sa mga hubo't hubad na katawan ng babae. Meron pang mga captions na 'Bitch of the year!', '150 per hour!', 'Innocent your ass!!' at kung ano-ano pang mga salitang below the belt na.

"Nandito na yung pokpok!!" sigaw nung isa kong kaklase.

Bago pa man ako makahakbang ay bigla akong binalot na malamig at mabahong likido. "Ayan, magsawa ka sa bulok na itlog!!! Yan naman ang gusto mo diba?! Pokpok!!" sigaw ng isa pa bago sila nagtawanan. I see. I think I know where they are coming from. This is the hell life Rhadleigh is pertaining to. Worse than my death? How cheap! Akala niya ba masisindak ako sa mga pambu-bully nilang lahat?! Impyerno ba ang tawag nila dito? Wala namang kadating-dating, parang isang normal na buhay lang ng isang normal na estudyante na madalas na nabu-bully. Tiningnan ko ang madumi at mabahong damit ko. Malagkit sa pakiramdam at hindi ko gusto ang amoy. Hinawi ko ang basa kong buhok na tumatabon sa aking mukha at tahimik na pinapahid ang mabahong itlog na dumadaloy sa aking mukha gamit ang sariling kamay.

Alam kong may kalahating oras pa ako para linisin ang sarili ko pero mas pinili kong tanggalin ang mga litrato sa white board at linisan ang desk ko. Wala akong pakialam kung pinagtitinginan nila ako o iniiwasan dahil sa amoy. Ano sa tingin nila ang gagawin ko?! Ngangawa sa pambu-bully nila?! As if I know, pakana ni Rhadleigh ang lahat ng ito. May pa-living-living hell pang nalalaman eh parang mas malala pa rito ang totoong impyerno eh. Worse than my death?! Oh, worse his ass! Hindi na ako takot sa kanya!

Nang dumating ang professor namin ay walang hiya-hiya akong umupo sa upuan ko para makinig. "Anong amoy yun?" tanong niya nang maupo sa teacher's chair.

Agad akong nagtaas ng kamay. "Its me sir. Habang naglalakad po kasi ako, may mga bida-bidang bullies na nagbuhos sakin ng isang timbang bulok na itlog at wala na po akong chance para maligo ulit.....Sir, do you mind if I stay here? Okay lang po ba? Gusto ko po kasing matuto eh, siguro naman hindi niyo ikamamatay ang paglanghap ng amoy. Kasi kung maliligo po ako, maaaring marami akong ma-miss na activities at kung i-e-excuse niyo naman po ako ay hindi ako makakapag-comply sa inyo at sa iba ko pa pong subject teachers dahil alam niyo naman pong working student ako at ako lang po ang bumubuhay sa sarili ko. Mahirap po kasi kapag bumaba ang grades ko, baka mawalan po ako ng scholarship, paano na po ako niyan diba? Hindi ko alam kung saan na ako nun pupulutin." paawang paliwanag ko sa prof namin.

"O siya siya sige na, you can stay." napipilitang sabi ni prof.

During the whole class, halos lahat ng kaklase ko ay lumalayo sa akin. Kahit ang ibang teachers ay nagtatanong rin pero ganoon pa rin ang sagot ko. Wala namang gustong umapila sa mga kaklase ko dahil alam nilang mananagot silang lahat. We all know na may CCTV sa hallway at kahit sa bawat classroom kaya sarado ang bibig nilang lahat. Tsk. Ang lakas ng loob mam-bully eh bahag rin naman pala ang mga buntot. Even Rhadleigh can't go against the school rules. Kahit gaano pa siya kayamanan ay hindi mababayaran ng pera niya ang dignidad ng bawat opisyales ng paaralang ito. He can't control the head of this place, his power is just enough to marionette the idiot students of this campus.

Nang mag-lunch break ay agad akong nagtungo sa locker room para kumuha na spare uniform ko pero katulad ng inaasahan ko ay punong-puno rin ng basura ang buong locker ko, kahit ang uniform ko ay nababalutan na ng putik. I have no any other choice but to go home.

"You can use mine." isang pamilyar na mukha ang tumambad sa harap ko. "Peace offering noong matamaan kita ng soccer ball." halos mamula ang pisngi ko nang maalala ang pangyayaring iyon. "Don't worry, hindi ako kasama sa kanila." sinserong saad niya. He looked at me sincerely with his compassionate eyes while offering his type B uniform.

Kahit ayaw kong tanggapin ang damit niya ay wala akong magagawa. Hindi ko na kaya ang bantot ko at nangangati na rin kaya gusto ko ng maligo. "Thank you." saad ko bago siya tinalikuran.

"Ano ba kasing ginawa mo at galit na galit sayo si Jace? Nagpatupad pa siya ng bullying contest para sayo." napahinto ako dahil sa sinabi niya.

"Bullying contest?" kunot-noong tanong ko.

"Hindi mo alam? Diba in-explain niya sa underground website ng school, ang sinumang estudyante na may pinakamagaling na estilo ng pambu-bully sayo ay makakatanggap ng premyo." paliwanag nito. So this is it? Kaya ba ang tahimik kong buhay ay nauwi sa ganito? Hindi niya ba kayang manakit ng tao kaya pinagagawa niya sa iba? Is it fun to be the script writer and puppeteer. Does pulling the strings makes him feel fulfilled?

"Okay." ang tangi kong sagot bago naglakad papalayo ngunit muli akong napahinto at sa pagkakataong ito ay humarap ako sa direksyon niya. "Anyway, may I know your identity?" marahang tanong ko.

"Just call me Daze." tugon niya. Daze, his closest friend. Dumilim ang ekspresyon ko nang mapagtantong isa na namang kampon ng kadiliman.

"Oh, That asshole's minion." komento ko bago siya muling tinalikuran.

Matapos kong maligo ay isinuot ko ang PE uniform ni Daze. Tiniklop ko ang magkabilang  manggas ng T-shirt at nag tuck in dahil masyadong malaki ang damit. Sinuot ko naman ang bagong laba kong palda kahit basa dahil wala na akong ibang pambaba. Nang matapos ay agad ko nang binuksan ang pinto sa cubicle ngunit nagulat ako nang makita sa labas noon si Rhadleigh. His cold face made my heart shivers and pounds hard.

"Anong ginagawa mo sa female's comfort room?! Naninilip ka ba?!" tarantang tanong ko dahilan ng biglang pagguhit ng nakalolokong ngisi sa kanyang labi.

"Hindi ako pumapatol sa mga cheap na bagay. The only reason I'm here is...I'm just going to get my hidden camera." saad niya na siyang naging dahilan para mas mataranta ako. Ilang mura ang binitawan ko sa isip ko nang unti-unti siyang humakbang papalapit sa akin. Mabilis akong napaatras ngunit huli na dahil mabilis akong nakulong sa pagitan ng mga bisig niya. Nanatili ang titig ko sa kanya at ganoon rin siya sa'kin, walang gustong bumitaw ng titig kahit nanginginig na ang buong sistema ko sa kaba at sa sinabi niya. Ilang segundo ang lumipas ay tumambad sa harap ko ang kamay niya na may hawak na maliit na device.

"Mukhang masayang panoorin ito kasama ang lahat ng estudyante ng buong Esbell University." nakangising komento niya.

Halos manginig ang kamao ko dahil sa galit . Nag-install siya ng mga camera sa mga cubicle dahil alam niyang mangyayari ito sa akin. At malakas ang kutob ko na may kinalaman rin si Daze dito, they really made sure na hindi ako uuwi at dito maliligo. Hindi ko pwedeng hayaan na lang na ilabas niya ang video habang naliligo ako, siguradong masisira ang pangalan ng pamilya namin at paniguradong ipappatapon na ako ni daddy sa ibang bansa.

Sa pagkakataong ito ay sinubukan kong agawin sa kanya ang device na iyon ngunit sobrang bilis ng galaw ng kanyang kamay. "Hindi mo ba narinig ang sinabi ko? Ang sabi ko, isa lang itong hidden recording camera...ibig sabihin wala dito ang nakuhang video mo habang naliligo." mahinang saad niya.

"Ano bang kailangan mo sakin?" mariin kong tanong sa kanya. Yes, I'm scared. I'm afraid of all the consequences. I can feel my own fear covering all of my senses. Tears pooled on my eyes.

He smiled devilishly before answering my question. "Who made you do it? Tell me who is your fucking boss?" desperadong tanong niya gamit ang kanyang malamig na boses. "And don't you dare ascribe your dammit prediction!" mariing dagdag niya.

"I told you! Walang nag-utos sakin dahil wala naman talaga akong balak na saktan ang mommy mo!!!" pilit ko sa kanyang ipinaiintindi ang side ko ngunit sadyang sarado ang isip niya. Hindi ko siya makukumbinsi kung hindi siya marunong makinig. Kahit siguro sabihin ko ang totoo ay hindi pa rin siya maniniwala. Ang tanging sagot na nais niya ay ang taong nasa likod ng lahat ng ito.

"Okay, madali lang naman akong kausap. Asahan mo nang mas sisikat ka bukas." malamig siyang sabi bago ako tinalikuran.

"Rhadleigh! Please!!" pakiusap ko ngunit hindi niya ako pinakinggan at naiwan ako roong mag-isa. Naramdaman ko ang pagdaloy ng mainit ng likido mula sa aking mata patungo sa malamig kong pisngi. Pilit kong pinipigilan ang sariling luha at hirap na lumunok na tila ba'y barado ang sariling lalamunan.

I stayed there till I calmed myself.

Nang matapos ang buong klase ay hindi pa rin tumitigil ang mga bullies at mukhang dumadami pa sila. Unti-unti nang nagiging isang kompetisyon ang lahat. Kung sa isa malala ay mas malala pa sa isa. Minsan kapag wala pa ang teacher ay dadalhin nila ako kung saan-saan pagkatapos ay sasaktan. O kaya ikukulong ako sa loob ng locker. Thankfully I didn't bring my diary kung hindi ay baka magaya yun sa mga gamit ko ngayon. Sinira nila ang mga gamit ko tapos kinuha yung wallet ko, kahit yung phone ko sinira nila. At kahit ngayong pauwi na ako ay hindi pa rin nila ako tinitigilan. Walang gustong tumigil. They were eager to win the contest and get the prize. Gagawin nila kung ano ang gusto nila nang hindi man lang inaalam kung ikamamatay ko ba iyon o hindi. Walang naawa, walang gustong magtanggol sakin, walang gustong humarang, at walang gustong tumayo sa tabi ko. All of them are plotting so many traps just to harm me.

Habang naglalakad ako pauwi ay may bumato sakin ng tae ng aso hanggang sa sunod-sunod na ang nagsibatuhan. At nang tumigil ako sa tapat ng isang two storey building ay isang baldeng malamig na tubig ang ibinuhos sa akin mula sa pangalawang palapag ng building. Rinig na rinig ko ang malalakas nilang tawanan.

Tila tuod ako na nagpatuloy sa paglalakad pero sa loob-looban ko ay pagod na pagod na ako. Halos manhid na ang katawan ko dahil halos ubusin ko ang pain killer na dala ko kanina. Hindi pa masyadong magaling ang katawan ko pero puro pananabunot, pananampal, pananadyak, at kung ano-ano pang pisikal na pananakit ang inabot ko. Hindi kinakaya ng katawan ko ang sakit kaya napilitan akong damihan ang dosage ng pain killer pero mukhang naging dahilan pa nito ang pagka-over dose ko. The worst thing is I'm reaching my limits. Nanghihina na ang katawan ko pero hindi pa ako nakakalayo sa school. Iyon lang ang tangi kong layunin, ang makalayo sa kanila.

Nahihirapan na rin akong huminga, kasamang sinira sa mga gamit ko ang nag-iisa kong inhaler at kahit ang mga gamot ko ay pinaglaruan nila. Nagiging manhid na ang mga binti ko at tila wala na akong lakas para makapaglakad pa. Unti-unti ng nanlalabo ang paningin ko hanggang sa tuluyan na akong takasan ng aking kamalayan.