Chapter 4

Page 4: Violated

I can smell the relaxing fragrance of lavender scent and a very soft lair made me so comfortable. I open my eyes when I felt the warm rays of the king sun touching my skin. I was stunned when an unfamiliar room surprised my sight.

"You're finally awake." an unfamiliar man appeared at the corner of the room. "How are you feeling right now?" he carefully assisted me when I tried to take a sit on the bed. "Careful young lady, your injuries are still unstable." pag-iingat nito sakin. Napansin kong hindi na ang t-shirt at palda ang suot ko kundi pajamas.

"Who are you? Where am I?! What did you do to me?!" magkakasunod kong tanong sa kanya habang pinoprotektahan ang katawan ko gamit ang comforter. Muli akong binalot ng takot at kaba. Ano na naman bang pakulo ito?!

"Don't worry, I had someone who washed and dressed you up." tugon nito habang nakangiti. "Nandito ka sa mansion ng mga Romoaldez, dinala kita dito nang mawalan ka ng malay kahapon sa kalsada." dagdag pa niya

"Who are you?" muling tanong ko sa kanya.

"I'm Fix, one of Jace's friends. Pero wag kang mag-alala, hindi ako katulad nila at hindi kita sasaktan." Saad niya na puno ng sinseridad ang mga mata. Ayon sa nabasa ko sa diary, si Fix ang pinakatahimik sa grupo at palaging may headphones sa ulo. Pero katulad ni Daze ay hindi ko siya maaaring pagkatiwalaan dahil maaaring palabas lang ang lahat ng ito. You can't just trust someone whom you meet just once. "By the way, kung nagugutom ka na, dinalhan kita ng almusal. Pagkatapos mong kumain uminom ka na ng gamot mo. By the way, the results showed that you've suffered from too much stress, fatigue, lack of carbohydrates in your body, and over dosage of pain killers, that's why you lost your consciousness and experienced shortness of breath, chest pain, and triggered your arrhythmia. Just take your meds after your meal and you'll feel well." panigurado nito pero may kalahati sakin ang nagdududang magtiwala sa kanya. Bakit niya ako kailangang tulungan?! Hindi naman kami magkakilala o magkaano-ano! Unless he want something from me.

"Paano mo nalamang may arrhythmia ako?!" nagdududang tanong ko sa kanya.

"Let's just say that we are a family of doctors." he casually answered.

"Anong kailangan mo sakin?! Bakit mo ako tinulungan? Kung humihingi ka ng kapalit, pasensiya pero wala akong maipagkakaloob sayo." I shrewdly spit out.

A devilish smile crept on his lips. "Shoot! You got my point." he even sat on the bed. I knew it!

"Sabi ko naman sa'yong wala akong-" bago ko pa man matapos ang sasabihin ko ay agad siyang sumabat.

"I don't need anything, I just want you to take care of yourself, in that case you won't owe me, silly. Once you get into trouble again, I will lock you up here." he sternly said before storming out in the room.

Maluwag akong nakahinga nang lumabas siya ng kwarto. Hindi ko mawari kung ano ba talaga ang kailangan niya sakin. But those eyes makes everything seems complicated. His eyes seems telling me something that I need to take and believe.

Naputol ang aking pag-iisip nang kumalam ang sikmura ko. Hindi man bukal sa loob ko na kainin ang nakahaing pagkain sa side table pero kailangan ko ng lakas. Mukha namang walang lason. Dahan-dahan kong kinuha ang bed table kung saan nakapatong ang mga pagkain. Inuna kong lantakan ang omelet at sandwich. Halos magmukha akong patay-gutom dahil wala pa kong kain mula kahapon. Sinimulan ko na rin banatan ang vegetable salad at apple ngunit muntik na akong mabulunan nang biglang gumuhit sa alaala ko ang sinabi ni Rhadleigh kahapon sa CR.

Mukhang masayang panoorin ito kasama ang lahat ng estudyante ng buong Esbell University.

Agad kong itinabi ang kinakain ko at dali-daling nagtungo sa double door para lumabas ng kwarto ngunit mukhang nagkamali ako ng desisyon. Nakalimutan kong isa itong mansion at sa sobrang laki ay hindi ko alam kung saan ang pasikot-sikot o kung paano man makalabas dito.

Mabilis akong napalingon sa paparating na maid. "Young lady, utos po ni young master Fix na dalhin ko ito sa inyo. Kailangan niyo na pong mag-ayos, hinihintay niya na po kayo sa baba." saad nung maid at iniabot sakin ang nakatiklop kong uniform pati na ang T-shirt ni Daze na mukhang bagong laba. Inihatid niya ako sa banyo ng pinanggalingan kong kwarto. Gusto niya pa nga akong daluhan sa paliligo dahil hindi pa raw magaling ang mga sugat ko pero agad akong tumanggi. Nang makalabas ako sa banyo ng bihis na bihis ay muli kong nadatnan ang maid kanina.

"Young lady, sira na po ang sapatos niyo kaya nagpadala po si young master ng bagong sapatos para sa inyo." saad nito sabay lahad ng isang simpleng black shoes ngunit halatang branded. Wala akong nagawa kundi ang suotin iyon. Ibabalik ko na lang sa kanya kapag nakauwi na ako sa bahay.

Nang matapos sa pag-aayos ng sarili ay maingat akong iginiya ng maid palabas ng mansion. Napakalawak ng buong mansion at may sariling elevator. Napansin ko ang makaluma nitong disenyo na hango sa Italian style ngunit ang ganda ng mansion ay tila natatabunan ng lungkot at sakit. Para bang ang ganda ng buong mansion ay may itinatagong pait ng nakaraan, masyadong mabigat ang kapaligiran, ang bawat antigong kagamitan ay tila nagtatago ng masasakit na alaala at ang mga kulay gintong detalye ng bawat sulok ng mansyon ay tila naging saksi sa isang madilim na kahapon. Mas pinili kong magtungo sa labas dahil sa bigat ng buong lugar. Paglabas ko ng mansion ay kapansin-pansin ang higanteng fountain na may mga estatwang anghel at may hawak na mga banga kung saan lumalabas ang malinaw na tubig.

"Satisfied?" nakangising tanong ni Fix habang nakasandal sa limousine.

Hindi na ako sumagot pa at lumapit na lamang sa kanyang kinaroroonan. "Don't worry, I'll pay you at ibabalik ko rin ang binili mong sapatos." saad ko.

Instead of saying something, he carefully let me in his car. Tumabi siya sa akin sa backseat habang dala-dala ang kanyang itim na bag at isa pang kulay pink at maraming cute na keychains na bag. Inabot niya ito sa akin. Nagulat ako nang mapagtantong iyon ay isang branded bag, a Gucci bag to be exact.

"Ano yan?" nagtatakang tanong ka sa kanya.

"Bago mong bag at mga gamit." kaswal niyang sagot.

"No, what I mean is para saan? Bakit mo ibinibigay sakin? Magkaano-ano ba tayo? At wala akong perang pambayad diyan, gipit ako ngayon. " patutsada ko.

"Hindi mo ako kailangang bayaran, hindi ako humingi ng kahit anong kapalit na materyal na bagay, ang tangi ko lang na hinihingi sayo ay ingatan at alagaan mo yang sarili mo kung hindi ay ikukulong kita dito." seryoso niyang saad.

"Ano ba talagang kailangan mo sa'kin at ginagawa mo ito?" mariin kong tanong habang seryosong nakatitig sa kanya. Ilang segundo siyang natahimik habang diretsong nakatingin sa aking mga mata ngunit siya rin ang mismong bumasag ng katahimikan.

"Don't make your father worry about you." iyon lang ang tangi niyang naisagot.

"Wala naman 'yong pakialam." magaspang kong sagot na bahagyang ikinatawa niya.

"Unbelievable!" he blurted out.

Marahan niyang iniabot ang bag sa'kin. Bigla niya akong inabutan ng isang cellphone na may cute na pink unicorn case. Unicorn?! Nang-aasar ba 'tong gagong to?! Kitang may bad memories ako sa unicorn tapos pinakita pa sakin.

"Oh para saan na naman yan?!" iritado kong tanong sa kanya.

"New cellphone for you dahil alam kong sinira din nila ang phone mo." nakangiti niyang sagot.

"Bakit unicorn?!"

"Its your favorite right? Sabi ng dad mo paborito mo ang unicorn kaya nga diba ganoon ang suot mong umphh!-" agad kong sinungalngal ang bibig niya bago niya pa maituloy ang kanyang sasabihin.

"Oo na salamat." wala ulit akong ibang nagawa kundi ang tanggapin na lang ang phone dahil baka madagdagan pa ng ibang gamit. Labag man iyon sa kalooban ko ngunit anong magagawa ko, lumalapit na sakin ang biyaya at alam ko sa sarili kong wala akong malalapitang ibang tao. Wala na rin akong pera at wala ng school supplies o kahit pambili. Kaya kahit masakit sa pride ay tatanggapin ko na.

Ilang minuto kaming binalot ng katahimikan bago makarating sa university. Balak ko na sanang bumaba pero agad niya akong pinigilan.

"Wag ka nang matakot, ini-report ko na sa Dean ang ginagawa nila sayo pati na rin ang ginawang bullying contest ni Jace. Ang sabi nila, mapaparusahan ang mga nambully sayo at hindi rin palalagpasin si Jace. Nakarating na rin ito sa daddy ni Jace, siya na ang bahalang magdisiplina sa anak niya. Wala nang mananakit sayo dito." panigurado niya sakin.

"Thank you sa lahat, but I won't still trust you!" Saad ko bago bumaba sa kotse. Totoo namang hindi ako naniniwala sa mga ipinapakita niya. Ayokong magtiwala sa kanya dahil baka sa huli ay pagsisihan ko rin.

Lumipas ang buong araw at walang estudyante ang nagtangkang lumapit o kumausap sa'kin. Wala rin ni isa sa kanilang ang nang-alipusta sa'kin. Nabalitaan kong nag-community service raw sila at yung iba ay sa ibang araw pa raw dahil sa dami nila. Some of them were suspended. Ang parusa nila ay depende kung gaano kabigat ang ginawa nila sakin. Pero wala akong opisyal na balita kay Rhadleigh, ang sabi nila sobrang lala raw ng inabot niya sa daddy niya. Mukhang napagalitan ng todo at hindi na pumasok ngayong araw. Ayos na rin siguro iyon. He deserves it. Kaya naman buong araw na tahimik ang buhay ko. Balik ulit sa dati ang takbo ng araw ko. Balik ulit ako sa pagiging invisible.

Nang makauwi ay nadatnan kong may dalawang pulis sa tapat ng pintuan ng apartment ko. "Magandang gabi po." magalang kong bati sa kanila nang makalapit.

"Magandang gabi rin sayo hija. Ikaw ba si Lysandra Faith Lee?" tanong nung isang pulis sakin.

"Ako nga po, ano hong maitutulong ko sa inyo?" tanong ko.

"Mayroon kaming warrant of arrest para sa iyo. Nag-file ng kaso ang mag-amang Valencia laban sayo tungkol sa aksidenteng nangyari kay Mrs. Reigna Valencia. Iniimbitahan ka namin sa presinto para doon magpaliwanag." sabi nung isa sabay lahad ng papel na tinutukoy niyang warrant of arrest.

"May karapatan kang manahimik, ang anumang iyong sasabihin ay maaaring gamitin laban sa iyo....." hindi ko na nasundan pa ang mga sinasabi niya. Tila naging sarado ang utak kong ng damputin nila ako at posasan. Tanging takot lang ang bumabalot sa sistema ko. Kapag nalaman ito ni daddy ay siguradong mananagot ako. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko, hindi ko alam kung ipipiit ba nila ako sa kulungan o pauuwiin agad. Mukhang naging malala ang resulta ng ginawa ko. Sa takot ko ay tila nawalan na ako ng kakayahang mag-isip at kusang nagpadala sa kanila.

Agad nila akong isinakay sa isang puting kotse. Hindi ko na pinuna pa kung bakit hindi kotseng pang-pulis ang gamit nila. Dahil sa kaba ay hindi ko na nagawa pang magtanong, nagpadala na lamang ko sa daloy ng pangyayari.

Nang makapasok ay naramdaman ko ang mahapding pagtagos ng malamig na metal sa balat ko hanggang sa unti-unting umikot ang aking paningin at ilang sandali'y naligaw na ako sa kadiliman.

Nagising ako dahil sa lamig na bumabalot sa aking katawan, iminulat ko ang mga mata at nadatnan ko na naman ang sarili ko sa isang madilim at hindi pamilyar na lugar. Agad akong binalot ng takot kasabay ng paglanghap ng amoy ng kalawang ng bakal na sumasama sa hanging nakakulong sa maalikabok na kuwarto. Ang malamig at puno ng alikabok na sementong kinahihigaan ko ay mas lalong nagpabilis ng tibok ng puso ko. Tanging liwanag na nagmumula sa buwan lamang ang nagbibigay liwanag sa buong kuwarto. Ang matitinis na tunog ng pagbabangaan ng mga maninipis na bakal mula sa rupike ang nagkumpirmang mayroong paparating. Habang papalapit ang mga hakbang ay labis akong binabalot ng takot. Pinagsalikop ko ang aking mga daliri upang pigilan ang panginginig. Kasabay ng paglanghap ko ng sapat na hangin ay siya namang pagbukas ng pinto.

"Buti naman at gising ka na? Uhaw na uhaw na akong pahirapan ka ulit." maanghang nitong bungad. Ang liwanag ng nanggagaling sa bintana ang nagbibigay daan upang maaninag ko siya at mapansin ang matatalim nitong titig.

"Anlakas ng loob mong magsumbong kay Fix. Sabihin mo nga sa'kin, paano mo siya nakuha?! Paano mo nauto ng kaibigan ko?! Anong pinakain mo sa kanya at naging sunod-sunuran siya sayo?!!" in just a couple of seconds, he was in front of me, locking the space between us and forcefully gripped my jaw. "I've underestimated you!"

Dahil sa mahigpit nitong kapit sa aking panga ay hindi ko magawang makapagsalita. Tila gigil na gigil siya sa akin at gustong-gusto na akong saktan.

"Ibinigay mo ba ang katawan mo para maging aso mo siya? Sa kanya ka ba lumapit kasi hindi mo ako makuha? Kung yun naman pala bakit hindi ka lumapit sakin? Ibigay mo ang sagot na hinihingi ko at makukuha mo ang katawan ko. Iyon naman ang gusto mo diba, ang makuha ang atensyon ko? Iyon ang gusto mo kaya ginagawa mo ang lahat ng ito." maanghang niyang hinuha. "Wag kang mag-alala dahil ngayon pa lang ay ibibigay ko na ang gusto mo." in just a split of second, he was pinning me on the floor and started kissing my neck.

Pinilit kong magpumiglas ngunit hindi sapat ang lakas ko para makawala. Mas dumoble ang kaba ko dahil sa ginagawa niya. Ilang beses akong nakiusap na tumigil siya ngunit hindi siya huminto. Unti-unting kumawala ang mga luha sa gilid ng aking mga mata. Tila natigil ang pag-andar ng makina ng utak ko nang bigla niyang punitin ang aking blusa. My brassiere was completely revealed and his harsh kisses traveled onto my collarbone. I used all my strength to escape from his grip but he was so strong. My hands were pinned above my head by his left hand while the other one is traveling onto my waist until it reaches my legs. He continued kissing my chest oppressively and tried to remove my shorts.

"R-hadleigh, p-lease stop it." nanghihina kong pagmamakaawa sa pagitan ng aking mga hikbi. Biglang napatigil si Rhadleigh at tila nabuhusan ng malamig na tubig ang kanyang itsura. Agad siyang bumangon mula sa pagkakadagan sakin at umupo sa tabi ko. Patuloy pa rin ako sa paghikbi. Bumaluktot ako sa pagkakahiga upang protektahan ang katawan.

I quickly peeked on him. And I saw how he drastically tweaked his own hair.

"Fix yourself." malamig nitong utos. Agad akong napabangon at inayos ang punit kong uniform bago kinuha ang bag na binigay ni Fix

"SCRAM!!" Isang sigaw niya ang dumagundong sa buong kuwarto dahilan upang mapatakbo ako palabas ng kuwarto. Hindi ko alam kung saan ako pupunta basta patuloy lamang ako sa pagtakbo hanggang sa makalabas ng lumang bahay. Patuloy rin ang pagpatak ng aking mga luha kasabay ng mabilis ng tibok ng aking puso.

Hindi ko ininda ang pagod at nagpatuloy sa pagtakbo hanggang sa makalayo sa bahay na iyon. Nang may matanaw na malamlam na liwanag mula sa isang poste ay hingal na hingal akong napatigil. Hindi ko alam kung paano makakauwi dahil hindi pamilyar ang lugar na ito. Walang mga kabahayan at walang mga sasakyan na dumaraan. Parang isang disyertong lugar na walang katao-tao. Pero dahil sa takot na baka maabutan ako ni Rhadleigh ay mas pinili kong maglakad ulit kahit hindi ko alam kung saan tutungo.

Makalipas ng dalawang oras na paglalakad naisipan kong magpahinga muna sa tabing kalsada at kinuha ang cellphone na ibinigay ni Fix. Agad rin akong nabigo nang makitang no service ang parehong sim, mukhang walang signal sa lugar na ito. Hindi ko alam kung saan ako pupunta dahil kahit ako ay hindi alam kung nasaan mang parte ako ng Pilipinas. Unti-unti na akong nawawalan ng pag-asang makakauwi pa ngunit agad rin akong nabuhayan ng loob nang may maaninag na ilaw mula sa isang paparating na sasakyan. Dali-dali akong tumakbo papalapit rito at humarang sa gitna ng kalsada. Nang makalapit ang kotse ay bahagya kong naaninag ang sakay nito. Nanlaki ang mga mata ko at muling binalot ng takot.

"Damn it." bigkas ko bago muling tumakbo palayo sa kotse. Nakaiilang hakbang pa lamang ako ay mabilis na umandar ang kotse at lumiko sa harap ko upang harangan ako.

The door on the backseat of the car automatically opened. "Get in." malamig nitong utos na mismong nakaupo sa backseat. Pero hindi ako pumasok ni hindi ko nga nagawang gumalaw sa kinatatayuan ko. Hindi pa rin nawawaglit sa isipan ko ang ginawa niya sakin kanina. I was almost violated. Hindi ko nasisigurong magiging ligtas nga ako kung sasakay man ako sa kotse niya.

"I said get in." mariin nito utos ngunit hindi pa rin iyon sapat para mapasunod ako. Mas matindi pa rin ang takot ko dahilan para hindi sumakay sa kotse. "Kung hindi ka papasok, aminin mo na lang ang lahat at hahayaan na kitang mabulok sa lugar na ito." seryoso nitong sabi gamit ang malamig na tono ng kanyang boses.

Hindi ko maiwasang magdalaw isip ngunit sa huli ay wala rin akong ibang pagpipilian kung hindi ang pumasok dahil hindi ko rin naman alam kung paano uuwi ngunit hindi pa rin nawawaglit sa akin ang takot at pagdududa na baka gawan na naman niya ako ng masama.

Buong biyahe ay puno ng nakabibinging katahimikan ang kotse. Wala ni isa sa amin ang nagsasalita at napakalawak rin ng espasyo sa pagitan naming dalawa na tila diring-diri kami sa isa't-isa.

Nang makarating kami sa building ng apartment ko ay hindi na ako nag-abala pang magpasalamat o murahin man siya. Agad akong lumabas at tumakbo papasok ng building. Nakahinga ako ng maluwag nang makapasok sa apartment, unti-unting kumalma ang puso ko at naging balanse ang aking paghinga. Ang takot na sumupil sa aking pagkatao kanina ay mabilis na napalitan ng galit na kanina ko pa pilit na pinipigilan.

That asshole! Hintayin niya lang talaga dahil babawi ako ng sobra!