Page 5: Proposal
Dear Past Self,
Sobrang saya ng mga araw na kasama ko si Rhadleigh pati na ang mga kaibigan niya, super saya talaga nilang kasama. Pakiramdam ko ay nawawala lahat ng problema ko kapag kasama ko sila, as in super solid nila. Akala ko nga permanente na ako sa buhay nila, hindi pala. Nabura lahat ng saya ko nang panandalian akong mawaglit sa buhay nila. Sa araw na ito ay tila nakalimutan nila ako nang bumalik si Lauren kay Rhadleigh. Usap-usapang nagbreak daw sila noong nakaraang Linggo sa hindi alam na dahilan pero ngayong araw ay nakiusap si Lauren na makipagbalikan sa kanya si Rhadleigh, at tinanggap naman agad siya kaya ayun naiwan ako sa ere. Si Lauren na yung hinahatid-sundo ni Rhadleigh pero kasabay pa naman nila akong kumain sa cafeteria. Kung hindi dahil yata sa pag-aya sakin Fix na sumabay sa kanila eh baka mag-isa na naman akong kumain. Si Fix nga lang ata ang nakakaalala sakin eh. Pero wala naman akong karapatang mag-inarte, sino ba naman ako hindi ba? Pero nakakapagod rin kasing manlimos ng atensyon sa iba. Wala na nga akong pamilyang maituturing wala pa akong kaibigan na masasandalan kaya siguro ganito na lang ako kadesperada na mamulot ng mga tira-tirang atensyon mula sa kanila.
Nakakalungkot lang isipin na nang dumating ulit si Lauren sa buhay ni Rhadleigh ay parang naging hangin na lang ako sa paningin niya. Pero atleast kahit paano ay may mga taong nakapansin na rin sakin. Dapat siguro matuto akong makuntento sa kung ano ang meron ako kesa naman wala.
July 27, 2014
Friday
Teka nagkabalikan sila? Si Lauren ba ang nakita ko noong nakaraan na nakikipagbreak kay Rhadleigh? Ang tanga naman ni Rhadleigh kung tatanggapin niya ulit si Lauren, eh niloko na nga siya. Tanga talaga, pero anong magagawa ko buhay niya yun. Karma niya na lang kung saktan ulit siya ni Lauren, mag-celebrate ako kapag nangyari ang araw na yun.
Balak ko pa sanang mag-advance reading ng diary ko kaso marami akong gagawin. Dahil nasira lahat ng notebook ko ay kailangang ko isulat ulit lahat ng nakasulat doon dahil requirements daw ang notebook. Konti palang naman ang mga nakasulat doon dahil kasisimula pa lang ng klase kaso sandamakmak naman ang assignments. May mga lessons rin akong namiss kaya kailangan kong humabol.
Tahimik na natapos ang buong araw ko sa klase. At katulad kahapon ay tila nakabalik na ako sa dati kong buhay, ang pagiging invisible sa mata ng karamihan.
Ngayon ay naglalakad na ako pauwi pero sa kasamaang palad ay isang grupo ng mga pakshet na aso ang sumalubong sakin.
"Oh it's nice to see you again." sarkastiko niyang bati kasama ang kanyang mga kaibigan.
"Jace stop this, hayaan mo na siya." seryosong saad ni Fix.
"Fix is right, just leave her alone Jace." pagsang-ayon ni Daze. Palihim akong napairap. I don't need their fake sympathy.
Iritadong napalingon si Rhadleigh sa mga kaibigan niya. "Ano bang pinakain sa inyo ng babaeng ito at ang bilis niyang nakuha ang simpatiya niyo?!" inis na tanong nito sa dalawa.
Bago pa man makasagot ang dalawa ay nilakasan ko na lang ang loob ko para tawagin si Rhadleigh. "Hey asshole!" agad siyang napatigil at humarap sa akin. Tila ba napigtas ko ang manipis na sinulid ng pasensya niya dahil sa kanyang itsura. Madilim siyang tumingin sakin na para bang nagmali ako sa paggamit ng salita upang ilarawan siya.
"Ako ba ang tinutukoy mo?" hindi makapaniwalang tanong nito. Kaswal akong tumango na parang isang bata na nagsasabi ng totoo. Napansin ko ang bahagyang pagpipigil ng tawa ng mga kaibigan nito na may halong pagkamangha na mas lalo niyang kinainis. "Bitch!" aniya.
"I just want to ask you a question." saad ko. Bago pa man ako matulog kagabi ay pinag-isipan ko na itong mabuti. Kung masasagot niya man ang tanong na ito ay mapapatunayan kong tama ang hinala ko. "Sila lang ba talaga ang kaibigan mo?" diretsa kong tanong.
"Of course, may iba ka pa bang nakikita?" singhal niya sakin.
Marahan akong napatango sa sinabi niya. "I see. So sino kaya sa kanila ang pinatos ng ex girlfriend mo? Hindi alam ng buong campus kung bakit kayo nagbreak kahit halos perfect na raw ang relasyon niyo, pero bakit parang wala namang away na naganap sa pagitan ninyong magkakaibigan. Diba dapat isa sa kanila ang bugbog sarado na dahil sa pagiging broken hearted mo. Oh wait, parang di ka naman ata broken hearted—"
"It is because I don't love her." sabat niya na naging dahilan ng pagsilay ng isang matamis na ngiti sa aking labi.
"Siguro nga o baka naman takot ka lang na masaktan kaya nakiusap ka sa kaibigan mo na patusin muna 'yong girlfriend mo para malaman kung totoong mahal ka nga niya. In short, you asked your friend to appraise your girlfriend's love for you. Instead of being the main lead you decided to took the backseat to become a script writer and a director—" nagpatigil ako sa pagsasalita nang bahagyang tumaas ang kanyang tono.
"Where hell did you know that love appraising?! Sinabi niyo ba sa kanya?!" galit na tanong niya sa mga kaibigan niya.
"What the hell bro! Wala akong sinasabi sa kanya?" sagot ni Daze.
"Lysandra, where did you get that information?" seryosong tanong sakin ni Fix.
"Ang sagot sa tanong mo ay tanging si Rhadleigh lang ang makakasagot." saad ko bago itinuon ang buong atensyon kay Rhadleigh. Tinutukoy ko ang kasinungalingang nakikita ko ang hinaharap.
"Your crazy." Rhadleigh coldly replied. "Let's say that you've guessed correctly but I told you that I don't love her and I never loved her." mariin nitong sagot.
"Talaga? Kasi kung hindi mo talaga siya mahal, bakit kailangan mo pang subukan kung anong nararamdaman niya para sayo....Kung hindi mo talaga siya mahal, bakit pinapasok mo siya 'ulit' sa buhay mo?" saad ko na mas binigyang diin ang salitang 'ulit'. Nakita ko ang pagkunot ng kanilang mga noo nang marinig ang huling sinabi ko. "Tomorrow, you'll know the answers in your questions. And when you prove that I am right, look for me. I have a business proposal for you." I cooly stated before taking my leave unshaken.
Nakahinga ako ng maluwag nang makauwi sa bahay. Kinuha ko ulit ang diary para magbasa.
Dear Past Self,
Grabe, nang dumating ulit si Lauren ay hindi na ulit dumadalaw sakin si Rhadleigh kaya ayan tambay ulit ako sa bahay. But it's fine, ganito naman talaga ang totoo kong buhay bago pa man siya dumating.
I'm still thinking about the accident. Balita ko ay hindi pa rin nagigising ang mommy ni Rhadleigh at hindi pa rin nahuhuli ang sumagasa kay Mrs. Valencia, sabi raw kasi sa imbestigasyon ay maaaring sinira na ang ginamit na truck at nalinis na ang ebidensya kaya hindi magawang umusad ng kaso, marami rin raw kasing mga truck na katulad ng truck na dinescribe ko kaya mahirap hanapin. Ayon sa nakalap nilang ilang impormasyon ay maaring sinadya ang pangyayaring iyon dahil sa mga sirang CCTV camera sa rutang maaaring daanan ng truck kaya walang nahanap na bakas kung saan ito nagtungo, maaaring isa sa mga kalaban ng mga Valencia sa negosyo ang nagtangka sa buhay ni Mrs. Valencia. Ayon rin sa imbestigasyon ay maaaring alam ng suspect kung kailan ang labas at kung saan madalas na pumupunta si Mrs. Valencia pagkatapos ng trabaho nito. After kasi ng work niya ay madalas siyang pumunta sa coffee shop pagkatawid ng pedestrian lane.
But I know that there is something missing.
July 28, 2014
Saturday
Dear Past self,
Ngayong araw ay date nina Rhadleigh at Lauren, nabalitaan ko kay Fix. (-_-) Nasa ospital ang mommy niya pero nakuha niya paring makipag-date!!
Kaya imbes na magmukmok ay naisipan kong pumunta sa bookstore para bumili ng mga libro.
Habang pauwi ako ay nakakita ako ng isang truck sa na nakaparada sa likod ng mall na kapareho nung truck na bumangga kay Mrs. Valencia. Isang delivery truck na may advertisement ng mga laruan at stuff toys. Akala ko yun na yun pero nang tingnan ko yung plate number, hindi naman pala, pero maaaring pinalitan na yung plate number. Kaya nang makita ko kung ano ang nasa loob ay sumuko na rin ako dahil puro kahon na may lamang laruan ang laman. (=_=')
July 29, 2014
Sunday
Pagkalabas na pagkalabas ko ng classroom ay may men in black na nakaabang sakin sa labas ng room. "Gusto po kayong makausap ni young master Rhadleigh." sabi ng isa bago ako igiya sa dapat naming puntahan.
Dinala nila ako sa isang moderno at magarang bahay na hindi kalayuan sa campus. Mukhang ito ang sinasabing hideout sa diary na tambayan nilang lima. Iginiya ako ng dalawang men in black papasok sa bahay. Laman man ng takot ang dibdib ko dahil sa ginawa niya sakin noon sa isang lumang bahay ngunit nilakasan ko na lang ang aking loob.
Naroon sa sala ang lima. Ang tatlo ay naglalaro ng video games, si Fix naman ay nagbabasa ng libro habang ang pinaka-gago ay nakasandal sa isang single couch at nakadekwatro na para bang kanina pa aburidong-aburido.
"Finally." bungad nito nang makita ako. Bahagyang nilingon ako ni Fix bago muling ibinalik ang kanyang tingin sa binabasa. "Have a seat." lahad niya sa isa pang single couch sa tapat niya. Bahagya kong inilibot ang paningin sa buong bahay. Moderno ang disenyo nito, malawak ang lugar ngunit malinis at organisado ang pagkakaayos ng mga gamit. May napakalaking flatscreen na nakadikit sa pader kung saan sila naglalaro ng video games.
Tahimik akong naupo sa couch at muling ibinalik ang atensyon sa kanya.
"Tama lahat ng sinabi mo, this morning, lumapit sakin si Lauren para makipagbalikan and you're right about you're hunch, pero wag kang umasa na maniniwala ako sayo. I will never believe and trust you!" mariin nitong panimula.
"Hindi ako nanghuhula, sabi ko naman sayo diba na—"
"Sa tingin mo may maniniwala sayo?" iritado niyang tanong.
Napabuntong hininga na lamang ako dahil sa sinabi niya. "You're right, let's just proceed to my proposal. Pero bago iyon, bakit hindi muna tayo lumipat ng lugar kung saan 'tayong dalawa' lang talaga ang mag-uusap." sinadya kong diinan ang 'tayong dalawa' para naman walang mga chismoso sa paligid.
"Damot naman." bulong nung isang lalaki na dinosaur hoodie na sa pagkakakilala ko ay si Dice.
"Follow me." malamig nitong utos at agad naman akong tumalima. Dinala niya ako sa may poolside at pumwesto sa coffee table. "Now speak." saad niya gamit ang malamig na tono ng boses.
"Nahuli na ba ang driver ng truck?" panimula kong tanong.
"Walang ibang witness sa lugar at sira rin lahat ng CCTV sa paligid, sa tingin mo ganoon kadaling mahuhuli ang suspect?!" singhal niya.
"Nakita ko ang plate number at itsura ng sasakyan—"
"Then spill it." naging mas madilim ang kanyang ekspresyon dahil sa sinabi ko, tila hindi na makapaghintay pa sa impormasyon na dala ko.
"Ilang araw na ang nakalipas, sa tingin mo ba hindi pa sinisira iyon o kaya pinalitan na yung plate number at itsura ng truck?" inis kong sabi. "Napakaimposibleng mahanap agad ang suspect. Bakit hindi niyo na lang isa-isahin ang mga driver ng isang delivery truck na may nakatatak na advertisement ng mga laruan at stuff toys. Pero masyadong maraming truck na ganoon ang itsura pwede rin kasing pina-chop-chop o sinira na iyon—" bago ko pa man madagdagan ang sasabihin ko ay muli siyang sumabat.
"How about the plate number?" seryoso niyang tanong.
"EYE 666." sagot ko.
"Are you doing this to clean your name?" diretsahan niyang tanong.
"Of course dahil kapag hindi nalinis ang pangalan ko at itinuloy mo pa rin ang kaso laban sa akin ay baka mapalayas na akong tuluyan sa pamilya namin." sarkastiko kong sagot.
"Uulitin ko ang dati kong tanong sayo..." mariin siyang tumitig sa aking mga mata na para bang hinihimay-himay ang pagkatao ko. "...sino ang nag-utos sayo para gawin ang lahat ng ito?"
"Maniniwala ka ba kung sasabihin ko sayo?" seryoso kong tanong bago tumayo ngunit hindi ko pa rin pinuputol ang titig ko sa kanya. "What if I tell you that the one who ordered me to save your mother is...my future self? Are you going to believe me?" nakita ko ang pag-iral niya at pagbaling sa Ibanag direksyon na tila ba wala nang gana pang makinig sakin.
"Nais kong magtulungan tayong dalawa sa paghahanap ng suspect. Kailangan ko ang tulong mo at sinisiguro kong kakailanganin mo rin ang tulong ko." inilapag ko ang isang maliit na papel sa coffee table. "This is my contact number. Call me if you want to cooperate with me. Pareho tayong makikinabang dito. Don't worry, hindi natin kailangang pagkatiwalaan ang isa't-isa." saad ko bago siya tinalikuran.
Malapit na akong makapasok sa bahay nang muli siyang magsalita.
"Why are you doing this?" seryoso niyang tanong na para bang hindi makapaniwala sa mga sinabi ko.
"Dahil kailangan ko ng hustisya para sa mommy ko." anger suddenly washed my system as those memories quickly filled my mind. "Naranasan ko rin ang narasan mo, same case.....delivery truck.....damaged CCTV's...no witnesses.....but the big difference is you still have your mom while I lost her long time ago."
Nang tuluyan na akong nakapasok sa bahay ay maluwag na akong nakahinga. Akala ko mag-be-breakdown ako. Akala ko mawawala na naman ako sa sarili ko. Those memories always makes me insane. Pakiramdaman ko tuwing naaalala ko ang lahat ng iyon ay parang nawawalan ako ng kontrol sa sarili ko. Parang nagsha-shutdown ang buong sistema ko hanggang sa paggising ko matatagpuan ko na lang ang sarili ko na nakahiga sa hospital bed, tulala at wala sa sariling ulirat.
"Faith, uuwi ka na?" napatigil ako nang marinig ko ang tinig ni Fix.
Faith? A familiar strange feeling washed my anger away. Si mommy at daddy lang ang tumatawag sakin ng pangalang iyon. Pero nang mamatay si mommy ay tuluyan nang nabura ang pangalang iyon. Kaya nakakapanibago na may isang tao ulit na tumawag sakin sa ganoong pangalan. Para bang nagbalik ako sa nakaraan kung saan maayos pa ang lahat, kung saan masaya pa kami at wala pa akong iniisip na mga problema. But that name just makes me misses my mom so much.
"Do you mind if I call you Faith?" maingat nitong tanong nang mapansin ang pagkabagabag ko.
"Okay lang." nakangiti kong sagot. Hindi ko alam kung bakit ako agad pumayag pero parang may parte sa akin na hayaan na lamang siyang pumasok sa buhay ko. Para bang may kakaiba siyang dating sa'kin nang tawagin niya ako sa ganoong pangalan kaya mabilis niya akong napapayag. And that feeling makes me really want to build a firm wall against him to protect myself.
"Hatid na kita kung pauwi ka na." suhestiyon niya.
"Hindi na, okay lang ako." pagtanggi ko. Ganito ba ang paraan niya para makuha ang loob ko? Wala akong maisip na dahilan para tulungan o ihatid niya ako. Hindi kami close, ilang beses pa lang kaming nagkakakilala, at hindi naman namin ganoon kakilala ang isa't-isa kaya bakit siya magsasayang ng oras para sa'kin? Inutusan ba siya ni daddy? He is very submissive to obey all my father's behests.
"No, I insist. I'll drive you home, come on." pag-aaya niya sakin kaya't wala akong ibang nagawa kung hindi ang sumunod sa kanya, I don't want to embarrass him in front of his friends. At nakakahiyang tumanggi dahil sa walang kapalit na pagtulong niya sa'kin.
"Fix, where are you going?" Rhadleigh's broad voice echoed inside the whole living room.
"I'm going to send her home." saad nito bago tinalikuran si Rhadleigh.
Payapa akong kumakain sa apartment ko nang tumunog ang aking cellphone. Hindi na ako nag-abala pang tingnan kung sino man ang tumatawag at agad ko itong sinagot.
"Hello?" bungad ko ngunit ilang segundo ay walang sumasagot sa kabilang linya, tanging mga mabibigat na paghinga lamang ang naririnig ko.
"Hello?" ulit ko ngunit wala pa ring sumasagot kaya't tiningnan ko kung sinong tumatawag pero unknown number ang nakarehistro. "Hello? Sino po ito?" pagpukaw ko sa kabilang linya pero wala pa ring responde.
"Kung hindi ka sasagot, ibababa ko na ito—"
"I formally accept your proposal, I want to cooperate with you."