Chapter 6

Page 6: Conspiracy

Sa ilang pahina ng diary ay tanging mga normal na karanasan lang ng hinaharap ko ang nakasulat. Sa pag-a-advance reading ko sa diary ay wala pa rin akong makuhang impormasyon tungkol sa delivery truck, marami-rami narin akong  nabasa kaya nagdesisyon muna akong magpahinga. Mukhang kahit sa diary ay wala akong sagot na makukuha.

Nang pumatak ang alas siyete ng umaga ay napilitan na akong mag-ayos ng sarili dahil magkikita kami ni Rhadleigh. Araw ngayon ng Linggo at magpapakita iyong truck na katulad nang truck na bumangga kay Mrs. Valencia sa likod ng mall, ewan ko kung ano ang eksaktong oras kaya dapat maaga kami ni Rhadleigh.

Nagsuot ako ng isang itim na T-shirt at black maong shorts na binagayan ng itim na sumbrero at black sneakers. Dinala ko rin ang itim kong leather backpack kasama na ang diary at ang medicine kit ko. Ilang saglit lang ay nakarinig na ako ng ilang sunod-sunod na doorbell kaya't agad akong nagtungo sa pintuan para buksan ang pinto. Tumambad sa harapan ko si Rhadleigh na nakasuot ng itim na t-shirt, maong pants, black rubber shoes, at black cup. Katulad ng bilin ko sa kanya. Ngunit bakas pa rin sa ekspresyon niya ang lamig at dilim.

"Okay tara na." saad ko tsaka ni-lock ang aking apartment.

"What is this? Couple outfit? Pinagloloko ko mo ba ako?!" malamig niyang puna nang makita ang porma ko.

"Wag kang assuming! Disguise natin 'to!" iritadong sagot ko sa kanya

"For what?!" kunot-noo niyang tanong nang hindi pa rin nawawala ang lamig sa kanyang ekspresyon at tono.

"Wag ka nang maraming tanong, sumunod ka na lang. Ako ang lider sa ating dalawa, assistant ka lang kaya pwede ba makinig ka lang. Mamaya malalaman mo rin." inis kong sabi sa kanya na ikinatahimik niya.

Sumakay ako sa itim niyang Bugatti. Pagpasok na pagpasok ko pa lang ay binalot ng ang pang-amoy ko ng matapang na panlalaking pabango at ng mabangong air freshener ng sasakyan.

"Why are you there?" tanong sakin ni Rhadleigh nang makapasok siya sa kotse niya.

"Makikisakay, nakalimutan mo ba?" sarkastiko kong sagot.

"What I mean is why are you sitting at the back? Seriously, ginawa mo pa akong driver mo! Lumipat ka nga dito sa tabi ko!" iritado niyang utos dahil nakaupo ako sa backseat kaya wala akong nagawa kundi ang lumipat sa shotgun seat. Malay ko ba! Mamaya may gawin na naman siyang masama sakin kapag tumabi ako sa kanya.

Ilang minutong katahimikan ang bumalot sa amin sa loob ng kotse bago kami nakarating sa mall. Nang pareho kaming makababa ay agad ko siyang kinaladkad patungo sa likuran ng mall. Panay ang tanong niya sakin at halatang iritado na dahil wala ni isa sa mga tanong niya ang sinagot ko. Halos ayaw niya ring magpahawak sakin na tila diring-diri pero hinigpitan ko ang kapit sa kanya upang hindi na ito makapalag pa. Nang makarating na sa likod ng mall ay pumwesto kami sa isang tagong lugar para doon mag-antay.

"What are we doing here? Ang baho dito! Sa tabi ng MRF mo pa talaga naisip na pumwesto!" reklamo niya nang magtago kami sa tabi ng tambakan ng basura.

"Ang arte mo! Edi wag kang huminga kung ayaw mo ng amoy!" inis na utos ko sa kanya. "Magmasid ka na lang, kapag may nakita kang truck na may advertisement ng mga laruan sabihin mo sakin agad!" dagdag kong utos.

"I can't take it anymore! Hindi ko na talaga kaya ang baho! I quit!" pagsuko niya nang makatagal kami ng ilang oras sa pwestong iyon.

"Teka!! Teka!! Ayan na yung truck!!" pagpigil ko sa kanya nang dumating na ang hinihintay naming truck.

"For Pete's sake! I'm hungry! Mukhang hindi naman yan yung truck na sumagasa kay mommy eh! Sinasayang mo lang ang oras ko."  iritado niyang utas.

"Wag kang maingay!!" saway ko ang bumaba ang driver at isa pang lalaki para buksan ang trailer ng truck tsaka may kinuhang isang malaking box. Tumulong pa ang ilang staff ng mall dahil mukhang sobrang bigat ng kahon. Nang makapasok sa sila sa loob ng mall ay dali-dali kong kinaladkad si Rhadleigh.

"Hey! Hey!!! What the hell are you planning to do?!" bulalas nitong tanong nang makita akong sumakay sa truck. Sobrang daming kahon kaya't naisipan kong magtungo sa bandang dulo para doon magtago sa malalaking kahon.

"Ano na naman 'to? Kahon-kahon lang ito ng mga i-de-deliver na laruan! Bumaba ka na nga rito. This is insane!" inis niyang pahayag mula sa labas ng trailer.

"Malakas ang kutob kong may makukuha tayong ebidensya dito kaya tara na!" pag-aya ko sa kanya na mabilis niyang ikinailing.

"Not thanks—" napatigil siya sa pagsasalita at biglang pumasok sa trailer.

"Oh bakit ka pumasok?" takang tanong ko sa kanya nang magtago siya sa kinalalagyan ko.

"May paparating. This is all your fault! Kapag nahuli tayo mananagot ka talaga sakin!" iritado niyang banta.

Mukhang may dalawang pares ng mga paa ang pumasok sa trailer para kumuha ng isa pang box bago muling isinara ang trailer.

"Shit!" mura ni Rhadleigh sa tabi ko.

Biglang umugong ang makina ng truck at unti-unti naming naramdaman ang pag-andar nito.

"Damn! We're locked here!"

"Ang arte mo! Buksan mo na lang yang mga box para may makuha tayong mga clue!" utos ko sa kanya at nagsimula ng hiwain ang tape sa isang box gamit ang cutter kong dala.

"What the hell?!" mahina niyang bulalas.

Kinuha ko ang isang teddy bear mula sa box ngunit nabigla ako nang mapansing kakaiba ang bigat nito. Agad kong binuksan ang likod ng teddy bear. Ipinasok ko roon ang kamay ko at may naramdamang malamig at matigas na bagay sa loob. Bigla kong nabitawan ito nang mapagtantong isa iyong baril. Humiwalay ang baril sa stuff toy at lumikha ng maingay na tunog nang mahulog ito sa sahig ng trailer.

"Fuck!!" mura ni Rhadleigh. "You're such a careless shit!" muli niyang mura nang naramdaman naming huminto ang truck at marinig ang malakas na pagsara ng pinto sa shotgun seat. Agad na sinara ni Rhadleigh ang kahong binuksan ko at pinatungan ng isa pang maliit na box para hindi pansing bukas ito. Agad ko namang itinago sa ilalim ang Teddy bear.

Kasabay ng pagbukas ng trailer ay ang pagsiksik namin ni Rhadleigh sa isang sulok sa dulo. Halos lumabas na ang puso ko dahil sa kaba at dahil sobrang lapit namin ni Rhadleigh sa isa't-isa. Tumatama na ang kanyang hininga sa aking labi habang ako naman ay halos hindi na humihinga. Isang maliit na galaw lang ay maaaring nang magdikit ang aming mga labi. Naramdaman kong pumasok sa trailer ang lalaki at naglakad papalapit sa banda kung nasaan kami. Hindi magkamayaw sa pagtibok ang puso ko dahil sa kaba dahil baka makita kami. Ilang segundo ay narinig ko ang papalayong mga hakbang ng lalaki hanggang sa muling dumilim ang loob ng trailer at narinig namin ang muling pagbuhay sa makina ng sasakyan. Agad ko namang naitulak palayo si Rhadleigh dahil masyadong nakakaasiwa.

"Sino sa atin ngayon ang maarte?" pag-aasar niya nang mapansing hindi ako mapakali, ramdam na ramdam kong nagsiakyatan ang aking dugo sa buo kong mukha.

"Tumigil ka nga!" saway ko sa kanya at bigla siyang inirapan.

"Ngayon alam ko na kung bakit pinagsuot mo ako ng ganito." komento niya ngunit hindi ko na pinagtuunan pa ng pansin. "You planned all of this." he added.

Ibinalik ko na lamang ang atensyon ko sa mga kahon at binuksan ang ilan doon. Nang tingnan ko ang ibang stuff toys ay ganoon rin ang laman. Iba't-ibang klaseng baril.

"Smuggling." Rhadleigh mouthed. "They are smuggling illegal firearms." he stated.

Maingat kong inayos ang mga kahon at ang mga stuff toys. Dinaganan rin namin ng ilan pang kahon ang mga binuksan kong kahon para hindi mahalatang bukas ito.

"Sa tingin mo ba may kinalaman ito sa nangyari sa mga magulang natin?" tanong ko habang nakaupo sa sahig ng trailer.

"I don't know." saad nito habang nasa malalim na pag-iisip.

"What if may makuha tayong clue sa mga gamit ng mga magulang natin!" sabi ko.

"Probably. I'll look for some clues on my mom's stuffs." Saad niya.

"Try ko rin." sabi ko pero hindi ako sigurado kung magagawa ko iyon dahil ang mga gamit ni mommy ay nasa bahay. And I don't think if I can still go home.

Halos tatlong oras na ang lumipas ngunit hindi pa rin humihinto ang truck, mukhang napadpad na kami sa malayong lugar dahil sa tagal ng  biyahe. Gutom na gutom na rin kami ni Rhadleigh, nag-uusap na nga ang mga tiyan namin.

"Ugh. I'm so hungry." reklamo niya. "This is all your fault." malamig niyang sisi sa akin.

"Edi sana di ka na pumasok dito! Akala mo ba ikaw lang ang nagugutom dito! Hindi kaya ako nag-almusal!" singhal ko sa kanya.

Pareho kami muling natahimik nang sabay na tumunog ang aming mga tiyan dahilan para sabay na lamang kaming napabuntong hininga. Sumandal ako sa isang malaking kahon habang tahimik na nag-iisip. Ganoon rin ang ginawa ni Rhadleigh kaya't binalot kami ng nakabibinging katahimikan. Naalala ko ang kasong isinampa niya sakin. Siguro ito na ang tamang oras para pakiusapan siya na iurong na iyon.

"Rhadleigh."

"What?" he coldly responded.

"Pwede mo na bang iurong iyong kaso laban sakin?" tanong ko habang nakasandal sa kahon at nakatingala.

"Iniurong ko na." sagot niya na ikinagulat ko.

"Talaga?! Kailan pa?!" manghang tanong ko. Hindi ko kasi nabalitaan, hindi rin naman tumawag si daddy sakin kaya wala akong kaalam-alam.

"The night that I almost violated you." walang emosyon niyang sagot na ikinatahimik ko. "Wala ring patutunguhan ang kaso dahil wala namang naniniwala sakin." dagdag pa nito.

"Eh yung video ko sa CR?" tanong ko habang nagbabakasakaling baka isuko niya sakin ang video na iyon.

"Silly. It wasn't a tiny hidden camera. I'm just fooling you around. Tinakot lang kita." malamig niyang sagot.

"Weh, di nga? Baka niloloko mo lang ako." nagdududa kong sabi sa kanya.

"Psh. If you don't want to believe me, then don't." natahimik na lamang ako sa sinabi niya. Bahala na kung nagsasabi man siya ng totoo o hindi. Ang mas mahalaga ay makalabas kami dito dahil kung hindi ay baka mamatay na kami dahil sa gutom at suffocation!

"Hey." pukaw niya sa atensyon ko. Agad akong napalingon sa kanya.

"Hm?"

"Sabi mo diba nangyari din sa mommy mo ang nangyari sa mommy ko, ibig ko bang sabihin na parehong-pareho ang nangyari sa mga magulang natin?" tanong nito.

"Hm-mn. Parehong-pareho. Mula sa itsura ng truck, sa mga pangyayari, sa mga hindi gumaganang CCTV, walang ibang witness kundi ako lang." malungkot kong sagot. "Kitang-kita ng dalawang mga mata ko." ilang beses akong napabuntong-hininga para pakalmahin ang sarili ko dahil baka ma-trigger ang panic attack ko. Baka mailagay ko pa sa peligro ang mga sarili namin.

Ilang minuto ay huminto na ang truck. Agad naman kaming nagtago ni Rhadleigh at naging alerto bago pa man mabuksan ang trailer. Nang magkaroon ng konting liwanag ang loob ng trailer dahil sa flashlight ay umabot sa pandinig ko ang boses ng isang lalaki. "Anim na malaking kahon ang i-de-deliver dito." nang maramdaman kong wala na sila ay tsaka ako sumilip.

"They're gone." saad ni Rhadleigh. "Let's go. Bago pa nila tayo ma-diskubre." utos ni Rhadleigh at dali-dali kaming lumabas ng trailer ng truck.

Nang makababa kami ay madilim na ang paligid at napansin kong nasa likod kami ng isa pang mall. It's Benignson's Mall, ewan ko kung saang lugar ito pero kapareho ng mall kung saan nanggaling itong truck kanina.

"Let's eat." saad ni Rhadleigh at sabay naming nilantakan ang mga pagkaing in-order namin. Para nga kaming patay gutom— ako lang pala, sa aming dalawa ako lang yung mukhang gutom na gutom. He still shows proper etiquettes, elegance, and splendor posture while eating.

"Para kang baboy kumain." mahinahon nitong komento pero alam kong sa loob niya ay kung ano-ano nang pamba-bash ang pinagsasasabi nito tungkol sa akin.

"Gutom eh! Kesa naman sayo, ang arte mong kumain! Tsk. Kunwari ka pang hindi gutom eh ikaw nga yung kanina pa reklamo nang reklamo!" pintas ko sa kanya.

"Anyway, tinawagan ko na yung driver ko na sunduin tayo bukas sa lugar na ito. Masyado kasing matagal ang biyahe at gabi na kaya dito na muna tayo magpahinga, maghanap na lang tayo ng matutuluyan." seryosong sabi ni Rhadleigh habang kumakain.

"Okay." responde ko.

"Bakit dito?! Eh sobrang mahal dito!!! Wala akong ipambabayad!!" bulalas ko nang dalhin niya ako sa isang five-star hotel na mala-ginto ang bayad. Pagkatapos kasi naming kumain sa loob ng mall ay dito niya ako dinala.

"Allergic ako sa mga mumurahing hotel eh." kaswal nitong sabi.

"Okay, dito ka na lang. Maghahanap na lang ako ng mas murang hotel." inis na sabi ko sa kanya tsaka naglakad palayo ngunit bago pa man ako makalayo ay agad niyang hinigit ang aking braso.

"Ako na ang magbabayad para sayo." he insisted while holding my forearm.

"No thanks. Wala akong pambayad sayo." mabilis kong sagot.

"No need to pay me. Gabing-gabi na, delikado kung mag-isa kang maghahanap ng tutuluyang hotel." I can still sense the coldness and irritation on his voice while trying to be more concern.

"Kailan ka pa naging concern sakin?! Diba nga halos ipapatay mo na ako sa school. Ano namang say mo kung may mangyaring masama sakin?! Diba nga dapat mas matuwa ka pa?!" mataray kong singhal sa kanya. Makikipag-away na naman siya sakin! Kanina sa restaurant, pinag-awayan namin yung pagbabayad ng mga kinain namin. Ipinipilit niya kanina na siya na raw ang magbabayad ng lahat pero hindi ako pumayag kaya ayun, inabot kami ng pasko bago nauwi sa kanya-kanyang bayad.

"Then fine. Bahala ka kung ayaw mo." malamig niyang sabi bago pumasok sa lobby ng hotel.

Halos ilang minuto akong naghanap ng mumurahing hotel bago nakahanap ng isang maliit at lumang hotel. Luma na ang building pero mura naman ang pagpapa-check in ng isang gabi. Nang makapasok ako sa kwartong tutuluyan ko ay normal size lang na puting kama ang bumungad sakin, sa tabi nito ay isang maliit na side table kung saan nakapatong ang isang lamp. Kahit maliit lang ang kwarto ay malinis naman at maayos.

Pinatong ko ang bag ko sa kama at kinuha ang paper bag na may lamang bagong damit ng pinamili namin kanina sa mall. Pagkatapos kong maligo at magbihis ay kinuha ko ang aking cellphone at hinanap kung sino ang may-ari ng Benignson's mall.

Alfred Benignson — the founder of the well-known Benignson's Holdings Inc.

With his responsible and  succesful sons..... Crale Mark Benignson, Cart Jun Benignson, and Circle Dane Benignson.

Crale Mark Benignson is the one who handles the Benignson malls and chains.

While the second son is the CEO of Benignson's Telecommunication Company

And the last one handles the Benignson's Airlines.

Maamo ang mukha ni Mr. Alfred Benignson at napakatanda na, hindi ko makita sa kahit saang sulok ng mukha niya ang paggawa ng masama. Circle Benignson looks like his father at mukhang hindi nalalayo ang edad nito sa akin, maybe around twenties, while the second son looks like an irascible and crabby, his fascial features are rugged that emphasized his fiery looks but despite of his aura he's still smiling on the picture.

Napahinto ako sa litrato ng panganay na anak. Hindi katulad na dalawa ay walang bahid ng kabutihan sa itsura nito. Hindi nakangiti at may tila ibang presensya para sa akin. Mukhang mas malala pa ang ugali sa pangalawang anak at mukhang laging magagalitin. Pero hindi ko naman maitatanggi na may angking kaguwapuhan at kakisigan ang tatlo. Pero kahit ganoon ay mahirap sabihin kung sangkot ba silang tatlo sa smuggling o tanging si Crale Mark Benignson lang ang nagpapatakbo ng lahat or maybe he's father. I can't judge them only by their looks.

Nakatulugan ko na ang paghahanap ng iba pang impormasyon tungkol sa mga Benignson. Nang magising ako ay pasado alas-siyete na. Inayos ko na ang mga gamit ko at ang aking sarili bago lumabas ng kwarto. Napahinto ako nang biglang bumukas ang pinto ng katapat kong kwarto pagkalabas ko at tumambad sa harapan ko si Rhadleigh na naka-faded maong pants, rubber shoes, at black turtle neck sweatshirt.

"A-Anong gi-ginagawa mo dito?!" Takang tanong ko sa kanya. Akala ko doon siya sa five star hotel natulog.

"Ano sa tingin mo?" malamig nitong bara sa akin.

He seemed woke up on the wrong side of the bed. He even ignored my questions.

"Hoy! Kinakausap pa kita!" pukaw ko sa kanyang atensyon ngunit hindi man lang niya ako tinapunan ng tingin. Hindi niya ako pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad.

"Can't you shut your mouth?!" iritadong buwelta nito.

"Bakit parang ang init ng ulo mo?" muli kong tanong. "Tsaka akala ko ba allergic ka sa mga mumurahing hotel, bakit dito ka nag-stay?" pangungulit ko.

"Thank you for coming sir, ma'am!" malugod na pamamaalam ng receptionist sa amin nang makapagcheck-out.

"Huy!!! Konting sagot naman diyan oh!" pangungulit ko. Hindi ko talaga ito titigilan hangga't hindi ko nakukuha ang sagot ko. "Hoy ano na?! Bakit nga nandito ka?!"

"Damn!! Alam mo ba kung gaano kahirap matulog sa ganoong kwarto? Feeling ko maiipit ako sa sobrang liit!! Bulok pa yung aircon! Ang kati pa ng higaan! Alam mo bang halos hindi ako makatulog?!!" bulalas niyang reklamo na mukhang sumabog na sa inis at pangungulit ko. Hindi ko maisip na ang isang Rhadleigh Jace Valencia ay matutulog sa isang mumurahing hotel!

"So bakit ka nga doon natulog?" natatawa kong tanong.

"Fix will kill me if something happens to you." malamig niyang sagot habang madilim na nakatitig sa aking mga mata.

"Huh? Alam ni Fix?" nagtataka kong tanong.

"We don't keep secrets from each other. Alam nilang lahat na magkikita tayo pero hindi nila alam na napadpad tayo dito. We should keep that only in ourselves. Ngayon ko lang gagawin to sa kanila at kasalanan mo iyon!" paninisi niya sa akin.

"Nakakabakla naman yang  pagkakaibigan niyo." komento ko na mas lalo niyang ikinainis.

"You will never understand us because you have no friend. You have no one!" singhal niya sa akin.

Bigla akong napatigil. Pakiramdam ko ay parang may kumurot sakin. Dahil sa sinabi niya ay binalot ako ng kalungkutan at inggit. He's right, I will never understand the word friendship because I never had one in my entire life.

"I don't need them. They are just burden to me." malamig kong saad bago nagpatuloy sa paglalakad.