Page 7: Hello kitty
"Hindi dito ang daan papunta sa apartment ko ah." saad ko nang mapansing palayo kami ng direksyon kung nasaan ang address ko.
"Hindi ka na aabot sa tamang oras ng klase kung binabalak mo pang pumasok." malamig na sabi ni Rhadleigh habang nakatingin sa malayo.
"Hindi ako papasok, gusto ko lang umuwi para kumain ng tanghalian." pagod kong sagot. Hindi na kasi kami nakakain ng tanghalian dahil dumating na ang sundo na sinasabi ni Rhadleigh.
"Sa hideout na lang tayo kumain, Fix asked me to bring you." he coldly stated while sternly looking in front.
Napasandal na lamang ako at napatingin sa labas ng bintana. I am wondering why does Fix is being nice to me. Hindi naman kami magkakilala at hindi naman kami close. Pero baka nga dahil inutusan lang siya ni daddy. He was asked by my father to take care of me para hindi makagawa ng mga bagay na makasisira sa pangalan namin. But I have a strange feeling that there is something on Fix that I need to know. Pakiramdam ko ay hindi ko siya dapat pagkatiwalaan. I can feel that there is something in his sleeve.
"We're here." matigas na anunsyo ni Rhadleigh. Pareho kaming bumaba nang tumigil na ang sasakyan at nagtungo sa sala ng bahay.
"They're here." deklara ni Daze nang makita kaming papasok. Nagulat ako nang biglang lumabas sa kung saan si Lauren.
"Rhadleigh! Finally! Where have you been?" masayang tanong nito tsaka lumapit kay Rhadleigh. "Oh hi!" bati nito nang dumapo ang kanyang paningin sa'kin.
"Hi." tugon ko at binigyan siya ng tipid na ngiti.
The line of her forehead creased as if she's wondering why I am here. "Um. Anyway, I'm Lauren Calmente. Nice meeting you!" malugod nitong pagpapakilala sabay lahad ng kamay.
"Lysandra Lee." saad ko sabay tanggap ng kamay niya. Hindi pa man nagtatagal ng dalawang segundo ay agad na pinaghiwalay ni Rhadleigh ang mga kamay namin. Galit ang kanyang ekspresyon at mukhang may toyo na naman.
"You're on my way." malamig nitong sambit bago dumaan sa gitna namin ni Lauren at nagtungo sa sofa.
"Sorry about him, ganyan talaga siya kapag nandiyan ako. But I'm trying my best to get him back." malungkot niyang paliwanag.
"Teka, hindi pa ba kayo? Akala ko nung Friday..." nakakunot noo kong tanong.
"No. He refused me. Ang sabi niya paghirapan ko muna raw, yung parang ako yung manunuyo at manliligaw." mapait siyang napangiti dahil sa kanyang sinabi.
Puno talaga ng kaartehan ang katawan ng lalaking iyon, gusto pang ligawan siya ng isang mala-anghel na babae! Tsk. Bakla!! Pero sabagay, hindi ko naman siya masisisi dahil nadala si Lauren sa plano nilang magkakaibigan. Nasaktan siya ng sobra nang mahulog si Lauren sa bitag na inihanda para sa kanya. But it wasn't Lauren's fault it was Rhadleigh's. He doubted her love for him, he is the one who destroyed his heart. Dahil kung mahal mo talaga ang isang tao ay magtitiwala ka sa pagmamahal niya. Tao lang si Lauren at nagkakamali, hindi mo mahihingi ang isang perpektong relasyon dahil wala namang perpektong tao. Pero hindi rin naman ibig sabihin noon ay walang pagkakamali si Lauren. It was also her fault. She send herself on the blazing fire. She let herself ruled by her own desires. It's her choice to fall on the other guy.
Naputol ako sa pag-iisip nang bigla akong tawagin ni Fix.
"Foods are ready. Kumain na tayo." yaya nito sa aming lahat. Sabay-sabay kaming nagtungo sa kitchen. Maraming pagkain ang nakahain sa mahabang lamesa.
"Let's dig in!!" masayang sambit ni Dice. Sama-sama kaming naupo sa hapag-kainan. Nasa magkabilang gilid ko si Fix at Daze. Habang nasa tapat ko naman si Rhadleigh at katabi niya si Lauren. Napapagitnaan naman sila nina Dice at Fled.
"Hm? Fled bakit walang mushroom gratin?" Takang tanong ni Daze.
"Oo nga, never yung nawala sa mga luto mo ah. Specialty mo iyon." pagsang-ayon ni Lauren.
"Ayaw ni Fix eh." sagot ni Fled. Napabaling silang lahat kay Fix.
"Yeah, hindi ko na pinaluto kay Fled kasi allergic si Faith sa mushroom." agad akong napabaling kay dahil sa sinabi niya. My skeptics over him grew so fast. Tila unti-unting nadidiligan ang mga pagdududa ko sa kanya dahil sa mga alam niyang tungkol sakin. Hindi gawain ni daddy na magbigay sa ibang tao ng kung ano-anong impormasyon tungkol sakin. Ni hindi niya nga gusto na masali ako sa mga usapan ng mga kakilala niya. Kaya bakit may mga alam si Fix tungkol sakin?
"Paano mo nalaman na allergic ako sa mushroom?" tanong ko kay Fix.
"Your dad told me." mabilis niyang sagot. I doubt it!
"Thank you, pero okay lang naman kung nagpaluto ka." kunwaring nahihiya kong sabi.
"Oo nga Fix, paborito pa naman yun ni Rhadleigh." komento ni Lauren habang kumakain ng lettuce. "But anyway, birthday ni kuya bukas. Iniimbitahan niya kayong lahat, bawal umabsent, he's expecting all of you there." masayang sabi ni Lauren.
"Oh yeah, we'll be there." sagot ni Dice.
"Lysandra, sumama ka rin." pag-iimbita sakin ni Lauren na agad kong ikinailing.
"Ah hindi na salamat na lang, may trabaho pa kasi ako." pagtanggi ko dahil may trabaho naman talaga ako. Halos natambakan na nga ako ng mga gawain dahil sa kasalukuyang nagaganap sa buhay ko.
"Ganun ba? Sayang naman. Ano bang trabaho mo?" tanong uli sakin ni Lauren. Dahil sa usapan namin ni Lauren ay napunta na sakin ang atensyon ng lima.
"Freelance artist." tipid kong sagot.
"Really?! That's great— Rhadleigh where are you going?" napatigil si Lauren nang tumayo si Rhadleigh at naglakad paalis ng dining area.
"Ano bang pakialam mo?" malamig nitong tugon kay Lauren.
Bahagyang natahimik si Lauren hanggang sa mawala na sa paningin namin si Rhadleigh. Binalot rin ng panandaliang katahimikan ang buong hapag-kainan buti na lang ay biglang binuhay ni Dice ang paligid. Totoo nga ang nakasulat sa diary na nakakatawa si Dice at masayang kasama ang grupo. They can even lit the heavy atmosphere in just a blink. Parang hindi sila nauubusan ng kalokohan. Doon ko rin napagtantong mabait si Lauren, akala ko nung una ay katulad siya ng mga babaeng nababasa ko sa libro na mataray at hindi maganda ang ugali pero sa nakikita ko ay isa siyang masayahin at positibong tao. Kaya siguro madaling nahulog sa kanya ang kumag.
Saktong alas-singko ng hapon ako nakauwi ng apartment. Pagdating ko ay tumambad sa akin ang mga pulis at ilan-ilang mga residente sa lugar.
"Madamme G, ano pong nangyayari dito?" tanong ko sa landlady ng buong building.
"Naku jusko buti at dumating ka na! Alam mo bang pinatay si Justin?! Natagpuan siyang patay sa tapat ng pinto ng apartment niya!!" takot na takot na pahayag niya.
Halos nagtayuan ang mga balahibo ko dahil sa sinabi niya. Wala namang nakasulat sa diary na mamamatay siya, paanong nangyari ito?! Dahil ba wala ako kagabi sa apartment?!
"Bakit ba hindi ka umuwi kagabi?! Alalang-alala ako sayo!"
"Kasama ko po yung schoolmate ko may pinuntahan po kami." sagot ko.
"Halika, i-interview-hin ka raw ng mga pulis dahil magkatapat lang kayo ng apartment." sabi ni Madamme G tsaka ako pinakilala sa ilang mga pulis.
"Hija, nasaan ka ba kagabi?" tanong sa'kin ng isang pulis habang binibigyan ako ng mapanuring tingin na tila ba hinihimay-himay ang pagkatao ko.
"Kasama ko po ang schoolmate ko, Rhadleigh Jace Valencia po ang pangalan niya." sinadya kong banggitin ang pangalan ni Rhadleigh dahil alam kong maimpluwensiya ang pamilya nila at sa pagkakataong marinig nila ang apelyidong iyon ay hindi na sila magdududa pa kung kasama ko nga ba talaga siya o gawa-gawa ko lang ang alibi ko.
"Kung ganoon, noong mga nakaraang araw, may napansin ka bang kakaiba kay Justine Romero? May girlfriend ba siya o kapatid man lang na babae?" muli nitong tanong.
"Wala naman po akong napapansin. Halos magkasabay nga po kaming lumalabas at umuuwi sa apartment nun pero wala naman pong kakaiba sa kanya. Sa pagkakaalam ko rin po ay solong anak lang po siya at wala pang girlfriend pero hindi ko po sigurado kung may nililigawan siya." maingat kong sagot habang pinipilit ang sarili na maging kalmado.
"Ganoon ba? Kung sakali man, may kilala ka ba na tao na pwede niyang pagbigyan ng laruan?" nabigla ako ng makarinig ng laruan.
"Laruan po?" hindi makapaniwala kong tanong. Pumasok agad sa isip ko ang nangyari sa truck nang marinig ang salitang laruan.
"Oo, nadatnan siyang nakabulagta habang may hawak na medium size hello kitty na laruan. Sa tingin mo saan kaya nanggaling iyon o kanino niya ibibigay?"
"Pasensya na po, hindi ko po talaga alam eh." iyon na lamang ang naisagot ko dahil binalot na ako ng takot. Hindi mawaglit sa isipan ko kung may kinalaman ba ito sa mga Benignson.
Nang wala ng makuhang sagot sa'kin ang mga pulis ay hinayaan na nila ko. Agad akong nagtungo sa third floor para tingnan ang nangyari. Nadatnan ko ang ilang pulis at mga tenant. Mayroon ring nakapaligid tape na "police line, do not cross" sa maliit na bahagi ng pasilyo kung saan puno ng dugo ang sahig sa tapat ng pinto ng apartment ni Justine. Lakas loob akong nagtanong sa isang tenant na naroon.
"Kate, anong nangyari dito?" tanong ko nang makalapit.
"Patay na si Justine! Pinatay siya at maraming tama ng bala ng baril ang buong katawan niya!! Tapos may hawak siyang hello kitty. Nakita na lang namin siyang nakahandusay at puno ng dugo kaninang alas-siyete ng umaga. Ang sabi sa autopsy ay mga bandang alas-sais raw siya pinatay, eh wala naman kaming narinig na putok ng baril. Tapos nagkataong sira pa ang mga CCTV camera. Grabe nakakatakot na! Baka may killer na tayong kasama dito sa building!!" takot na takot na paliwanag ni Kate.
Bandang alas-sais siya pinatay, iyon ang oras kung kailan kami sabay na lumalabas ng apartment. Mukhang nabago ang takbo ng buhay niya nang hindi ako umuwi. Pinatay siya dahil walang siyang ibang taong kasama, namatay siya dahil wala ako nang lumabas siya ng apartment. At paanong nagkataong sira na naman ang mga CCTV cameras?
Wala akong nagawa kundi ang pumasok sa loob ng apartment ko habang nanginginig sa takot, I'm having my panic attacks again, mabilis kong hinawi ang laman ng cabinet para hanapin ang natitira kong gamot. Kinuha ko iyon at agad na ininom. Labis ang pagdarasal ko na sana ay walang kinalaman dito ang mga Benignson. Tsaka imposible naman dahil wala namang koneksyon si Justine sa kanila. Isang simpleng estudyante lang si Justine kaya imposible ngang may kinalaman dito ang mga Benignson. I hope so.
Mukhang hindi ko maiaasa ang lahat sa diary dahil noong oras na masimulan ko nang baguhin ang kapalaran ko ay unti-unti na akong lumalayo sa mga nakasulat sa diary. Nagsisilbi na lamang itong alaala at gabay sa akin. Pero hindi pa rin ako tumigil sa pagbabasa kahit na walang makuhang kahit isang sagot.
Pagkatapos ng klase ko ay dumiretso ako sa locker room para kunin ang ilan ko pang libro ngunit sa kalagitnaan ng paglalakad ko ay bigla kong nakasalubong si Rhadleigh. Mukhang pinagsakluban ng langit at lupa at tila sobrang laki ng problema. Gulo-gulo ang buhok nito at mukhang tamad na tamad ang itsura.
Balak ko sana siyang lampasan at hindi pansinin ngunit bigla siyang humarang sa dinaraanan ko.
"Hoy." pukaw nito sa aking atensyon.
"Hm?"
"Gusto kang makita ni mommy." saad nito na ikinagulat ko.
"Gising na siya?!" masaya kong tanong. Tila nabuhayan ako nang malamang gusto niya kong makita, atleast sa pagkakataong ito ay mapapatunayan ko talaga na wala akong kasalanan sa nangyari sa kanya kahit inurong na ni Rhadleigh ang kaso.
"Yeah, noong Sabado pa." sagot niya. Ang kumag hindi man lang ako inform nung Linggo!
Agad niya akong dinala sa hospital para i-meet ang mommy niya. Abot tahip ang kaba ko nang nasa tapat na kami ng pinto ng kwarto kung saan namamalagi ang kanyang ina. Kumatok muna si Rhadleigh bago binuksan ang pinto.
"Mom, she's here." tamad niyang anunsyo. Agad na binalot ng amoy ng disinfectant aking pang-amoy nang makapasok ako sa loob ng kwarto.
"Naku hija!" a very sweet voice echoed inside the room. Mrs. Valencia is sitting on her bed with her husband on the couch. The old lady seemed still weak and her skin is as pale as a snow. Her long wavy brown hair swayed as she welcomed me. Her graceful moves emphasized her beauty brushing off her age. She looked like a weak angel recovering her wings. Her gentle eyes and bright smile seems welcoming me wholeheartedly. "Hi, darling." she greeted me warmly.
"Good afternoon po." bati ko sa mag-asawa at binigyan sila ng isang tipid na ngiti.
"Come here darling, come here!" masigla nitong pag-aya sa akin na tila hindi nanggaling sa pagkaka-comatose.
Nginitian ko siya nang makalapit ako sa tabi niya. "So you're the one who saved me! I am so grateful to meet you dear!" masaya nitong pahayag at hinawakan ako sa aking braso. "Take a seat." hinila ko ang isang maliit na upuan sa tabi ng side table para makaupo.
"I tried to save you po but I failed." pilit akong ngumiti dahil sa sariling sinabi. Totoo naman na iniligtas ko siya pero muntik ko na siyang mapatay.
"No, no, no. Kung hindi dahil sayo ay maaaring patay na ako o baka mas malala ang nangyari sa akin." pagpapagaan niya ng loob ko. Her soft features made me feel at ease yet nervous. She still looks sophisticated and giving off elegance, grace, and intimidating aura even she's still weak.
"But still it's also my fault."
"Oh dear, quit blaming yourself. You saved me from death!" she reasoned out.
"My wife is right Ms. Lee, you saved her life and we are very thankful about it. We owe you my wife's life."dagdag pa ni Mr. Valencia na ngayon ay nakalapit na samin. "You risked your life to save my wife, it's an honor to meet you." he smiled at me but just like his wife. His emanating aura is making me uncomfortable and intimidated.
"He's right dear. Thank you for saving me." sinsero nitong pagpapasalamat habang hawak ang mga kamay ko. Ilang sandali akong napatitig sa mukha niya. Mukhang sa kanya nakuha ni Rhadleigh ang matangos nitong ilong pati na ang manipis at mapupulang labi nito.
Agad akong napatango. "Ginawa ko lang po kung ano ang dapat Mrs. Valencia." sana ganito rin ang nangyari kay mommy, sana buhay pa siya katulad ng ina ni Rhadleigh, sana nailigtas ko rin siya katulad ng ginawa ko kay Mrs. Valencia. Sana kasama ko pa siya. Hindi ko maiwasang mainggit kay Rhadleigh dahil buo ang pamilya niya. Sana meron din akong isang buong pamilya tulad ng sa kanya.
"Call me tita hija and my husband tito, hindi ka na iba sa pamilya namin—" agad siyang naputol sa pagsasalita nang sumabat si Rhadleigh.
"Mom, quit it! Kulang na lang ampunin niyo siya." inis na sabi ni Rhadleigh habang nakahalukipkip.
"Hijo, magpasalamat ka sa kanya. Baka wala na ako ngayon kung hindi dahil sa kanya." saway sa kanya ng kanyang ina.
"Psh. Ako rin naman po ang nagdala sa inyo sa ospital ah." pagrarason nito.
"Tumigil ka nakakahiya kay Lysandra." pagalit nitong saway sa anak. Napanguso na lang si Rhadleigh na tila inagawan ng nanay. Something inside me fluttered because of his reaction. Ngayon ko lang siya nakitang ngumuso, palagi kasi siyang nakasimangot o kung hindi naman ay palaging malamig ang ekspresyon. O baka naman sakin lang siya ganoon. Muling bumalik ang atensyon sakin ni Mrs. Valencia. "Anyway, your father is my doctor. Magaling siyang doktor, mukhang nagmana ka sa kanya. Sa kanya mo nakuha ang hilig sa pagliligtas ng buhay." komento nito bago mahinang tumawa.
Inabot kami ng gabi bago ako pinakawalan ni Mrs. Valencia. Halos hindi maubos ang mga ikinukwento niya sa akin tungkol sa pagkabata ni Rhadleigh. Pansin ko ring hindi pabor si Rhadleigh tungkol sa pinag-uusapan namin dahil mukhang nayuyurakan ang pagkalalaki niya pero wala siyang ibang nagawa. At wala rin akong ibang nagawa kundi ang makinig sa mga kwento ni Mrs. Valencia. Nakakamiss magkaroon ng isang ina at sa gabing ito ay naramdaman ko ulit ang presensya ng isang ina.
"Kalimutan mo lahat ng mga sinabi ni mommy kung ayaw mong masira ang buhay mo." malamig na banta sakin Rhadleigh nang huminto ang sasakyan sa tapat ng building ng apartment na tinutuluyan ko. Ngunit sa pagkakataong ito ay hindi ako natinag sa lamig ng kanyang boses. Pakiramdam ko ay hindi niya ulit ako masasaktan.
"Baka sayo ang masira." pang-aasar ko. Nakita ko kung paano kumunot ang kanyang noo dahil sa inis kaya naisipan kong mas inisin pa siya. "Basta wag kang iihi sa kama mo ah." nakangisi kong panunuya. Balak ko na sanang buksan ang pinto ngunit bigla niya akong hinigit at inilapit ang kanyang mukha sa akin.
"Don't you dare mention it again." matigas nitong banta na agad kong ikinangisi.
"Ang alin yung umiihi ka sa kama o yung tumae ka sa shorts m—" hindi na natapos ang sasabihin ko nang bigla niya akong itinulak palabas ng kotse at sumalampak ang pwet ko sa semento. "Aray! Nakapagentleman mo talaga!!" agad niyang isinara ang pinto at pinaharurot ang kanyang kotse. Nagkamali ako. Sinaktan na naman ako ng kupal na iyon.
"BAKLA!! TUKMOL!" sigaw ko dahil sa inis. Ang sakit ng balakang ko, mukhang napamali ang bagsak ng pwet ko. Lecheng yun! Palibhasa ang tanda na umiihi pa sa kama! Heyep sye!!!