Chapter 8

Page 8: Lost

Inilibot ko ang paningin ko sa buong cafeteria para maghanap ng mauupuan. Ngunit mukhang occupied na ang mga lamesa na dati kong pinupwestuhan. Ayaw ko sa gitnang bahagi dahil hindi ako komportable.

"Hey, wala kang kasabay?" bahagya akong nagulat nang tumambad sa tabi ko si Lauren. "Sabay na lang kaya tayo." nakangiti nitong suhestiyon. Medyo nahihiya man sa kanya ay napapayag rin ako.

"Okay." pagsang-ayon ko. Kahit tutol ako na pumwesto sa gitna ay wala akong nagawa dahil wala naman akong choice, atleast may kasama ako. Medyo malaki ang table namin pero kahit papaano ay nagiging komportable na ako dahil kasama ko si Lauren.

"Pwedeng maki-share?" napahinto kami ni Lauren sa pagkain nang biglang may magsalita sa tabi ko. It was Fix with the other three idiots.

Bumaling ang paningin ko sa ibang direksyon ngunit hindi mahanap ng mga mata ko si Rhadleigh. Ganoon rin ang ginawa ni Lauren ngunit katulad ko ay nabigo rin siya. "Yeah, sure." Lauren answered. "Anyway, where's Rhadleigh?"

"Ewan, bigla na lang nawala." saad ni Dice habang kumakain ng chicken.

"Dice, gusto mo ng hotdog?" tanong sa kanya ni Fled.

"H*y*p ka! Kita mong takot ako sa aso tapos papakainin mo pa ko ng aso! Lumayo ka nga sakin, palibhasa puno na ng rabis yang utak mo kaya puro hotdog ang kinakain mo!!" singhal ni Dice habang umuusog palayo kay Fled.

"Dice hindi gawa sa aso ang hotdog." pagsabat naman ni Dace.

"Then bakit tinawag na hotdog?! Malay ko ba kung anong parte yan ng aso! Malay mo gawa sa pwet at ari ng aso!" bahagyang nabulunan si Fled sunod-sunod na napaubo.

"Aish! I'm eating, cynophobic boy!!!" bulyaw ni Fled kay Dice.

"Tumigil na nga kayong dalawa." pagsasaway sa kanila ni Fix pero hindi tumigil ang dalawa at nagsimulang magtapunan ng butil ng kanin. "Hey, Jace is here—wait! Ano yang mga dala niya?" napalingon kaming lahat sa direksyon kung saan nakatingin si Fix. And he's right, nandiyan si Rhadleigh na may dalang napakaraming paper bags. Nang makarating ito sa lamesa namin ay agad nitong ipinatong sa ibabaw ng mesa ang mga dala niya, halos masakop na nito ang buong lamesa dahil sa dami.

"What are those?" pambungad na tanong ni Daze.

"Girl's stuffs." tipid nitong sagot habang pinupunasan ang kanyang pawis.

"Para kanino? Para kay Lauren?" tanong ni Fix.

"No, for her." bahagya akong nabato nang bumaling sakin si Rhadleigh. Teka, ako ba yung tinutukoy ng tukmol na ito? Heyep sye! Wag niyang sabihing iuuwi ko ang lahat ng basurang ito!

"Sakin? Sure ka?! Baka mga bomba ang laman nito!" paghihinala ko. Hindi ko lang talaga maibigay ang tiwala ko sa kanya, pero seriously! Magugunaw na ba ang mundo o nangti-trip na naman itong gagong 'to?! Napaka super rare naman ata ng eksenang ito!

"Wag kang mag-assume. Galing 'to kay mommy, her thank you gift for you." mariing pahayag ni Rhadleigh tsaka naupo sa tabi ko dahil doon lang may bakanteng upuan.

"Here, kumain ka muna Rhadleigh." inilapag ni Lauren ang isang plato na may kanin at adobo. Mukhang umalis siya sa table nang hindi ko napansin para umorder ng pagkain para kay Rhadleigh.

"Thanks." tipid nitong pagpapasalamat. Ni hindi ako makapaniwala na marunong pala siyang magpasalamat. Nung niligtas ko nga yung mama niya ni kahit 'TY' wala akong narinig sa kanya tapos isang plato lang ng pagkain natuto agad siya. Wow ha? Fast learner pala itong si tukmol. Mabigyan nga ito ng isang tinapay sa susunod at nang  makatanggap naman ako ng kahit konting gratitude. Pushit siya!

"Bakit di mo na lang pinadala sa apartment ko? Napaka-gentleman mo talaga." sarkastiko kong sabi.

"A simple gratitude will do, Ms. Lee." he said with his sarcastic and cold looks.

"Maraming salamat ha. Utang na loob ko sayo ang pagdala ng lahat ng iyan dito! Grabe tuwang-tuwa ako. Pwedeng sa susunod damihan mo pa para naman mas mabigat tsaka sakin mo mismong ibigay ha para naman makapag-bonding kaming lahat." sarkastiko kong pahayag. Heyep ne ete!

"You sound like you don't want it, kung ayaw mong dalhin edi ipamigay mo. Mom told me to give these things to you personally, so I did it. Ano pa bang inirereklamo mo?" inis niyang sabi. Huwaw! Siya pa ang may lakas ng loob na magalit ah. Eh samantalang ako yung nagkarayuma kagabi dahil sa pagiging gentleman niya! Tuwang-tuwa talaga ako sa gagong 'to.

"Jace, that's not it. Masyadong marami ang lahat ng ito at may second class pa si Faith, saan niya ilalagay ang lahat ng ito. At siguradong mahihirapan siya sa pag-uwi niya. Dapat ibinigay mo na lang sa kanya in person kapag nakauwi na siya—" agad na sumabat si Rhadleigh sa pagsasalita ni Fix.

"Well, that's not my problem anymore." malamig nitong tugon bago tumayo. "Let's go Lauren." yaya nito tsaka kinuha ang bag ni Lauren at sabay silang umalis.

"Anong problema nun?" litong tanong ni Dice.

"Hayaan niyo na siya. By the way Faith, you can put these stuffs in my car. Ihahatid na rin kita pauwi." saad ni Fix. Sa pagkakataong ito ay hindi ako sumubok na tumanggi dahil talagang kailangan ko ang tulong niya sa mga bagay na ito.

Alas-siyete na nang makarating ako sa hospital kung saan naka-confine si Mrs. Valencia, gusto ko kasing magpasalamat sa kanya at dinalhan ko rin si daddy ng dinner na minsan kong ginagawa kapag nawawala na ang inis ko sa kanya.

Kumatok ako sa pinto ng room ni Mrs. Valencia at nang marinig ko ang kanyang boses ay pumasok na ako. "Good evening po tita." nakangiti kong bati. Nakita ko kung paano nagliwanag ang kanyang mukha nang makita ako.

"Hi darling!" masaya nitong bati. Lumapit ako sa kanya at hindi binibigyang pansin ang matatalim na titig ni Rhadleigh sakin.

"Binisita ko po kayo dahil gusto ko pong personal na magpasalamat sa mga regalong pinadala niyo, thank you po."

"Your welcome hija."

"By the way, may dinala po pala ako para sa inyo. I made these for you po." sabi ko sabay abot ng isang bag.

"How grateful you are!!" malugod niya itong tinanggap at dali-daling binuksan na parang bata. I made her pork kebabs made of cubed meats and vegetables, I also made her mushroom gratin. Dahil hindi ko ang alam kung anong gusto niya kaya yung paboritong pagkain na lang ni Rhadleigh ang niluto ko, baka sakaling gusto niya rin. "Thank you darling."

"Tita, hindi na po ako magtatagal. Dadalhan ko pa po kasi si daddy ng dinner niya." hindi pa man niya ako gustong umalis ay wala rin siyang ibang choice.

Agad akong nagtungo sa office ni daddy para iwan ang ginawa kong dinner para sa kanya. Sinilip ko muna kung nandiyan siya at nang wala akong makita kahit anino niya ay agad akong pumasok. Inilapag ko sa table niya ang bag na may lamang pagkain. Hindi ko pa man nabibitawan ang bag ay biglang umalingawngaw ang boses ni dad sa buong kwarto.

"What are you doing here?" he sounded like he's accusing me with something.

"U-Umm..." Hindi ko nagawang sumagot dahil sa kaba. Nahuli niya ako sa unang pagkakataon. Actually ay ipinagluluto ko siya minsan ng pagkain pero hindi ko ipinapaalam sa kanya.

"What is that?" tanong niya sa bag na nakapatong sa kanya table.

"Di-Dinner..." I stuttered.

Bahagya siyang tumango bago tinungo ang kanyang swivel chair. "Kumain ka na ba?" tanong nito.

"Opo. I-I'll go ahead, dad." I said before I stormed out in the room. Agad akong nakahinga ng maluwag nang makalabas ng office niya. Hindi ako sigurado kung kakainin iyon ni daddy ngayon pa't nalaman niyang sa'kin iyon nanggaling, pero sana sa isang simpleng dinner ay maisip niya na may anak pa siya na nangungulila sa kalinga ng isang magulang. I'm still hoping na babalik ang lahat sa tamang lugar nito, na magiging masaya kami at magkasama ulit kahit wala na si mommy.

Nagpatuloy ako sa paglalakad nang madaanan muli ang pinto ng kwarto ni Mrs. Valencia, saktong palabas naman si Rhadleigh at nagkatinginan kami. But I didn't bother to stop. Isang tango lang ang ibinigay ko sa kanya bago ipinukol ang atensyon sa daan.

"Lysandra." napahinto ako nang tinawag niya ang pangalan ko. Nanibago ako. Kadalasang tawag niya kasi sakin ay 'bitch' o kaya 'hey', this is the first time that he called me by my first name. Ngunit hindi na ako nag-abala pang lumingon dahil siya na mismo ang lumapit sa kinaroroonan ko. "Tomorrow, dad will meet Mr. Crale Benignson for some business matters. Want to tail them?"

"Puteng ene me! Nasaang lupalop na tayo ng Pilipinas Rhadleigh?!" nanghihinang bulalas ko kay Rhadleigh nang maligaw kami ng direksyon. Kanina lang kasi ay sinusundan namin ang kotse ng dad niya at ni Mr. Benignson. Tapos na ang meeting nila kanina pa at mukhang may pupuntahang business place ang dalawa kasama kasama ang iba pang businessman na ka-meeting nila. Litsi! Susunga-sunga kasi itong kasama ko! Bagalan ba naman ang pagpapatakbo ng sasakyan para daw hindi kami mahalata ayan tuloy nawala sila bigla. Hindi niya na rin alam ang daan pabalik dahil kung saan-saan na kami napadpad kakahanap sa kotse ng dad niya.

"Sabi ko kasi sayo doon dapat tayo sa kabila dumaan!" paninisi niya sakin.

"Mali kasi yung nilikuan mo! Tapos bumalik ka pa eh mali rin naman yung dinaan natin!!!" paninisi ko naman sa kanya.

"Its your fault, sabi mo dun tayo sa kaliwa!"

"Wow! Sino bang nagda-drive ako ba?! Ang bagal mo kasing magmaneho!!" halos mag-dadalawang oras na rin kaming nagtatalo dahil wala na talagang kabahayan sa dinadaanan namin o kahit katao-tao man lang.

"Use your Google map." utos niya sakin na mas kinais ko.

"Kung meron sanang signal edi ginawa ko na! Kaso wala! As in No Network Coverage!!" iritado kong tugon.

"Tsk." hayop!

Patuloy lang sa pagda-drive si Rhadleigh at ako naman ay nagbabakasakaling magkaroon ng signal ang phone ko. Ngunit ang pag-asa namin ay inabot na ng dilim. Ginabi na kami ngunit wala pa ring ilaw mula sa mga kabahayan, tanging mga poste lamang at ang ilaw ng kotse ni Rhadleigh ang nagbibigay liwanag sa daan. Ilang saglit ay bumagal ang takbo ng sasakyan hanggang sa unti-unti itong tumigil.

"Fuck!" he cussed.

"Anong nangyari? Bakit tayo tumigil?" nag-aalalang tanong ko.

"We run out of gas." parang tinakasan na ako ng sarili kong kaluluwa dahil sa sinabi niya. Deputsss! Paano kami magsu-survive sa walang katao-taong lugar na ito?! Baka mamaya may mga mamamatay tao pa dito o kaya mga cannibal!

"Ano?! Paano tayo niyan?!" naghi-hysterical kong tanong.

Ilang sandali kaming natahimik bago siya nagsalita. "Stay here, I'll look for a gas station." mas nabuhay ang kaba ko dahil sa sinabi niya.

"Ayokong maiwang mag-isa dito! Sasama ako sayo!" hindi ko kakayanin kung maiiwan akong mag-isa dito. Panunuod pa nga lang ng horror movies ngumangawa na ako dito pa kayang iiwan niya akong mag-isa! Agad ko nang hinawakan ang braso niya kung sakali mang umalis siya sa tabi ko.

"Fine. Subukan nating maghanap ng gasoline station at kapag wala talaga tayong mahanap, sa kotse na tayo magpalipas ng gabi." suhestiyon niya na agad kong sinang-ayunan.

Nagsimula na kaming maglakad sa kalsada. Mas lalo akong lumapit sa kanya dahil sa takot. Sobrang tahimik ng kalsada at tanging mga huni lamang ng kuliglig na mula sa kagubatan sa gilid ng kalsada ang umaalingawngaw sa buong paligid. Kasabay ng aming paglalakad ay ang mabilis na takbo ng oras, hindi na namin namalayan sa halos tatlong oras na kaming naglalakad pero hindi kami tumigil. Isinantabi namin ang pagod dahil sa katiting na pag-asang makakahanap kami ng gasoline station.

Bigla akong napahinto. "Gasoline station ba yun?!" nabuhayan kong tanong. Isang maliit na establisyimento ang naaninag ko na pinanggagalingan ng liwanag.

"I think so." mabilis kaming naglakad ni Rhadleigh at hindi alintana ang pagod. Ngayon lang ako natuwa ng ganito sa tanang buhay ko nang mapagtantong isa nga iyong gasoline station. Ngunit agad ring naglaho ang ngiti sa aking mga labi. Deputs! Anong klaseng gasolinahan ba ito?!

'MATAPAT GASOLINE STATION'

"Honesty is the best policy." — ihulog ang bayad sa kahon. Maging tapat ka sapagka't nakikita ng Diyos ang iyong bawat galaw. Nakikita ka Niya kaya't maging tapat ka sa iyong gagawin. Tandaan mo, impyerno ang babagsakan mo kung binabalak mong magnakaw o malamang sa iyong kapuwa.

"Damn!" mura ni Rhadleigh nang makita ang nakasulat sa plywood. Grabe mas malala pa sa death threat ang nakasulat ah.

Walang tao sa gasoline station ibig sabihin ay walang tutulong samin na makabalik sa kinalalagyan ng kotse ni Rhadleigh. Kaya't wala rin kaming ibang choice kundi ang punuin ng gasolina ang container na dala-dala ni Rhadleigh. Matapos mapuno ng container ay naghulog siya ng isang libo sa bakal na kahon.

"Hoy, ano pang tinatayo-tayo mo diyan?! Halika rito at tulungan mo akong buhatin ito pabalik!" utos ni Rhadleigh.

Puteng ene!!! Nag-sisisi na akong lumabas sa kotseng iyon!!!!

Halos magkahiwalay na ang mga buto ko nang makarating kami sa kotse niya. Heyep!!! Sa wakas ay nakarating rin kami! Akala ko dito na ako mamamatay.

Agad akong napaupo sa kalsada dahil sa pagod habang si Rhadleigh naman ay sinimulan nang punuin ang tangke ng kanyang sasakyan.

"Hey, get in the car." para akong lantang gulay habang naglalakad papunta sa gilid ng kotse. Nang makasakay na kami ay agad niyang binuhay ang makina ng kotse. Dahil na rin sa sobrang pagod at gutom ay mabilis akong hinila ng antok. Hindi ko alam kung ilang oras akong nakatulog basta't nagising na lamang ako na nakaparada na ang kotse sa gilid ng kalsada at may mga kabahayan na akong nakikita. Mas nagising ang diwa ko nang tumama sa aking mukha ang nakasisilaw na sinag ng araw. Napatingin ako sa tabi ko at napansing mahimbing ang tulog ni Rhadleigh kaya't hindi ko na siya ginising pa. Tahimik akong lumabas ng kotse at inilibot ang aking paningin.

Mga bahay na gawa sa kahoy at pawid ang nakikita ko at ilang maliliit na sari-sari store. Kumakalam na ang sikmura ko kaya't naisipan kong lumapit sa tindahan. "Magadang araw po." bati ko sa babaeng tindera.

"Anong sayo hija?" tanong sakin ng tindera.

"Anong pong pagkain niyo diyan na pang-almusal? Naliligaw po kasi kami nung kasama ko, galing po kaming Maynila." pahayag ko.

"Naku hija! Ang layo ng pinanggalingan ninyo! Halika, tawagin mo na iyong kasama mo at dito na kayo mag-almusal. Ipaghahanda ko kayo." saad ng ale. Nakasuot ng daster ang ale at mukhang nasa mid-50's na. Puti ma ang karamihan sa kanyang buhok ngunit wala pang kulubot ang maamo niyang mukha.

"Naku salamat po! Sandali lang po." mukhang mabait naman iyong ale, ayos lang naman siguro kung nakikikain kami sa kanila. Kaya dali-dali akong bumalik sa kinaroroonan ng kotse para tawagin si Rhadleigh ngunit wala na siya roon. Mabilis kong inilibot ang aking paningin para hanapin si Rhadleigh ngunit hindi ko ito makita.

"Saan nagpunta iyon?" tanong ko sa sarili. Dali-dali akong naglakad patungo sa ilang kabahayan para magtanong kung may nakita ba silang lalaki na kasama ko. Sa unang bahay  na napagtanungan ko ay wala raw silang nakita, dumako ako sa isa pang bahay hanggang sa makaabot ako sa panglimang bahay at nabigo pa rin kaya't naisipan kong bumalik muli sa kotse. Pero kahit nakabalik na ko sa kotse ay wala pa rin siya. Ang gagong iyon! Saan kaya yun nagsusuot?!

"Damn Lysandra!! Where have you been?!" isang baritonong boses ang namayani sa likod ko. Agad akong napaharap sa kanya at tumambad sakin ang galit na galit niyang mukha. "I've been looking for you!" bulyaw niya sa'kin.

"So-Sorry. Galing lang ako doon sa tindahan. May mabait na ale na pinapatuloy tayo—"

"Paano kung masamang tao iyon?! Ang bilis mong magtiwala! Paano kung manloloko yun?! Let's go, we're leaving." mariin nitong saad ngunit hindi ako nagpatinag.

"Gutom na ako. Kung gusto mong umuwi edi umuwi ka, basta kakain ako." matigas kong sabi.

"Holy crap Lysandra?! Mas inuuna mo ang pagkain kesa sa kaligtasan mo?!" hindi makapaniwala niyang bulalas.

Ramdam kong galit na galit na si Rhadleigh pero hindi ako mabubusog ng galit niya. Nanatili lang akong nakayuko habang hinihintay na humupa ang galit niya. Nang  maramdaman kong nagiging kalmado na ang paghinga niya ay tsaka ko pinilit ang pagkain ng almusal. "Please, kumain na muna tayo."

Ilang segundong katahimikan ang lumipas bago siya marahas na napabuntong hininga. "Fine. Let's eat." pagsuko nito.

Agad akong napaangat ng ulo nang pumayag siya. "Okay, tara na!" maligaya kong tugon bago siya hinila papunta sa tindahan.

"Naku nandito na kayo, halikayo. Pasok, maupo muna kayo at kumain." yaya sa amin nung ale.

Naupo kami ni Rhadleigh sa mahabang upuan na gawa sa kawayan. Inilapag naman nung ale ang dalawang tasang kape at isang plato ng mga pandesal at nilagang kamote sa maliit na lamesang gawa sa kahoy. Agad ko naman iyong nilantakan.

"Mukhang gutom na gutom ka hija, teka nagtanan ba kayo?" halos mabulunan ako sa tanong nung ale.

"Ale hindi—"

"Aling Mely na lang hija." pagputol nito.

"Aling Mely, hindi po kami nagtanan at mas lalong hindi po kami magkasintahan, sadyang naligaw lang po talaga kami!" pagtatama ko sa iniisip niya.

"Ah ganun ba, naku pasensya na." saad niya habang mahinang tumawa.

"Ako po pala si Lysandra at si Rhadleigh naman po itong kasama ko." pagpapakilala ko. Bigla akong napalingon kay Rhadleigh at napansing hindi niya pa ginagalaw ang inihandang pagkain para sa kanya. Agad ko siyang siniko at sinenyasan na kumain na kaya't napilitan itong sumimsim sa kape. "Siya nga po pala, anong lugar po ito? Saan po ang daan pabalik sa Maynila?" magkasunod kong tanong.

"Nasa sityo Matapat kayo, kung dito kayo sa kaliwa dadaan ay malayo at walang mga bahay na dadaanan pero isang araw lang ang biyahe. Kung dito naman kayo dadaan sa kanan ay mas malayo pero mas ligtas naman. May bayan paglabas niyo ng sityo Matapat. Baka abutin kayo ng isa't kalahating araw bago kayo makarating sa Maynila pero marami namang estasyon ng gasolinahan riyan kaya't hindi kayo mahihirapan." paliwanag ni Aling Mely.

Ilang minuto kami roong nanatili bago namin napagpasiyahang umalis na sa bahay ni Aling Mely.

"Aling Mely, maraming salamat po sa pagpapatuloy samin. Thank you po sa almusal." pagpapasalamat ko. Gusto sana namin siyang bayaran ngunit agad siyang tumanggi at kahit anong pilit namin ay hindi niya tinatanggap ang bayad kaya't wala kaming nagawa ni Rhadleigh kung hindi ang magpasalamat na lang.

"Ingat kayo sa biyahe." saad ni Aling Mely bago pinaandar ni Rhadleigh ang kanyang kotse.