Chapter 9

Page 9: Home

Nagpatuloy kami sa biyahe at katulad nga ng sinabi ni Aling Mely ay may bayan pagkatapos ng sityo Matapat. Inabot na kami ng tanghali kaya naisipan naming huminto muna para kumain. Hindi pa masyadong civilized at cultivated ang bayan kaya't wala pa masyadong mga modernong establisimyento ngunit may ilan nang mga tinatayong mga gusali. Walang mga sikat na fast food chains kaya sa isang maliit na restaurant na lang kami kumain dahil mukhang allergic itong kasama ko sa karinderya.

"One sizzling roasted beef with rice, one mushroom soup, and apple juice." saad niya sa waiter.

"Sayo po ma'am?" baling sakin ng waiter.

"Steak with rice, one slice of devil's food cake, and iced tea." saad ko bago magalang na umalis ang waiter.

Nang dumating ang order namin ay tahimik kaming kumain. Pareho kaming naliligaw sa sariling pag-iisip. Nag-aalala ako na maapektuhan nito ang grades ko dahil ilang beses na akong umabsent. But my priority is to change my faith and find justice for my mom. Nag-aalala rin ako sa sitwasyon namin ngayon ni Rhadleigh dahil baka hinahanap na siya sa kanila.

"Rhadleigh, may tumawag na ba sayo? O kaya mga naghahanap?" tanong ko sa kanya habang kumakain.

"Nakalimutan kong dalhin ang phone ko." napaubo ako sa narinig. Pushit na tukmol! Paano kung hinahanap na siya roon?! Mahirap na, anak mayaman pa naman siya. Mamaya makasuhan pa ako ng kidnapping!!

"Gusto mong gamitin ang phone ko? May number ako ni Fix." agad kong inabot sa kanya ang phone ko. Malamig niya akong tiningnan sa mata bago dumapo ang kanyang titig sa phone ko at kunot-noo itong tinanggap. Sandali siyang tumigil sa pagkain para tawagan si Fix habang ako ay nagpatuloy na kumain.

"Walang sumasagot, baka busy siya o baka nasa klase. Mamaya na lang natin siya tawagan." inilapag niya ang phone ko sa lamesa bago nagpatuloy sa pagkain. Napalingon ako sa kanya at napansing nakakunot ang noo nito. Pansin ko rin sa kanya ang pag-iiba nito ng aura. He looked pissed. Mukhang nainis siya nang hindi nasagot ni Fix ang tawag niya. Maybe he really wants to go home.

Matapos kumain ay bumalik agad kami sa kotse. Kailangan naming magmadali dahil baka kapag nalaman ng mga Valencia na nawala ang kanilang tagapagmana ay baka mapuno ng mga pulis sa buong Maynila.

Habang nagmamaneho si Rhadleigh ay sinubukan ko muling tawagan si Fix ngunit hindi ito sumasagot kaya nang makailang beses na akong subok ngunit wala pa rin ay sumuko na ako. Mag-aalas-tres na nang makalayo kami sa bayan. Hindi katulad sa dati naming dinaanan ay may mga kabahayan pa sa gilid ng kalsada kaya naging kampante ako sa biyahe. Buong biyahe namang tahimik si Rhadleigh kaya't hindi ko na rin nagawa pang magsalita. Mas pinili kong isandal ang ulo ko sa windshield at ipinikit ang mga mata, hindi ko na namalayan pang unti-unti na akong nahila ng antok.

Nagising na lamang ako at napansing madilim na ang paligid. Konting bahay na lamang ang makikita sa gilid ng kalsada kumpara kanina. Agad kong kinuha ang cellphone ko para tingnan ang oras. It's 9:45 in the evening. Nang maalala si Fix ay muli akong sumubok na kontakin ito ngunit wala ng signal kaya't hindi ko na siya nagawang tawagan pa. Malalim akong napabuntong hininga bago nilingon si Rhadleigh. Napansin kong mukhang antok at pagod na siya, hindi naman ako marunong magdrive kaya wala akong maiaalok na tulong sa kanya.

"Rhadleigh." pukaw ko sa kanyang atensyon.

"Hmm?"

"Kung inaantok ka na, pwede ka munang tumigil sa pagda-drive at matulog. Delikadong magdrive ng inaantok." bilin ko sa kanya at agad siyang tumango. Naramdaman kong bumagal ang takbo ng sasakyan hanggang sa tumigil na ito sa tabi ng kalsada.

"I want to sleep." paos nitong saad bago tinanggal ang kanyang seatbelt at isinandal ang ulo sa windshield. Mukhang pagod na nga talaga siya. Ilang sandali ay isinandal niya ang kanyang ulo sa headrest ngunit mukhang hindi siya komportable kaya't sa manibela niya ipinatong ang ulo pero hindi siya nakontento sa posisyon at ibinalik ang kanyang ulo sa windshield, hindi pa man nagtatagal ay inangat niya muli ang kanyang ulo at isinandal muli ang ulo sa headrest. Hindi niya makuha ang komportableng posisyon na nais niya.

Marahan akong napabuntong hininga bago siya tinawag. "Rhadleigh."

"What?" pagod siyang bumaling sa akin. Pansin ko ang mapupungay niyang mga mata na tila nais ng magpahinga. Tinapik ko ang balikat ko.

"You can lean on my shoulder." marahan kong pahayag. Ngunit imbes na sumunod siya sa sinabi ko ay nanatili ang kanyang titig sa mga mata ko na tila ba isang hiwaga para sa kanya ang mga salitang lumabas sa bibig ko. Hindi siya bumitaw sa titig namin kaya't napabaling ako sa ibang direksyon dahil hindi ko na kayang makipagtitigan pa sa kanya, pakiramdam ko ay unti-unti akong nilalamon ng mga mata niya papunta sa malalim na kawalan.

"Kung ayaw mo, edi wag." balak ko na sanang sumandal sa bintana ngunit nagulat ako nang hinawakan niya ang braso ko para panatilihin ang dati kong posisyon tsaka niya ipinatong ang kanyang ulo sa balikat ko.

"Better." he huskily whispered.

Abot tahip ang kaba ko dahil sa ginawa niya. Naramdaman kong sa ilang segundo lang ay naging payapa  na ang kanyang paghinga indikasyon na mahimbing na itong natutulog. Sa pagkakataong ito ay nagawa kong silipin ang kanyang mapayapang mukha habang natutulog.

He looks like a tamed lion while sleeping. I can even feel his soft raven hair touching my skin. His long eyelashes, thick eyebrows, pointed nose, thin pinkish lips, and pale complexion completed his perfectly structured face. I silently examined his face while his left hand is still holding my arm.

Bahagya akong napangiti dahil sa payapang itsura nito.

Alas-dos ng madaling araw ay mulat na mulat pa rin ako. Napalingon ako kay Rhadleigh nang bahagya itong gumalaw. Dahan-dahan niyang inangat ang sarili at nilingon ako ng mapupungay niyang mga mata. "Thank you." tila nagpanting ang tainga ko dahil sa sinabi niya. Thank you raw?!

Agad niyang binuhay ang makina ng kotse at minaniobra ang kanyang sasakyan. Nagsimula na ulit ang aming biyahe kasabay ng muling pagbalik samin ng nakabibinging katahimikan.

Alas-dos ng hapon na kami nakarating sa Maynila. Nangingibabaw ang labis na kaba sa buong katawan nang matanggap ang lahat ng texts at missed calls galing kay daddy, Fix, at kay manang Cel.

Manang Cel:

Hija, nasaan ka na?! Galit na galit  na ang daddy mo!

Manang Cel:

Tumawag na sa pulis ang daddy mo.

Fix:

Where are you?

Fix:

Please, magreply ka naman. We're all worried about you!

Fix:

Magkasama ba kayo ni Jace?

Daddy:

Where are you?

Daddy:

I heard everything from Mr. Valencia's investigators. You're with his son.

Daddy:

Umuwi ka na.

I can sense an extreme emphasis in his message that made my heart pound so fast.

Pina-imbestigahan kami ng daddy ni Rhadleigh?! Ibig sabihin ay alam na nilang nawawala siya! Pushit!! Pechay mani popcorn!! At alam na nila na sinusundan namin sila?!

"Rhadleigh!" tarantang tawag ko sa kanya.

"What?"

"Bilisan na natin. Mukhang alam na nilang nawawala tayo. Tumawag na sila ng mga pulis." mahina kong pahayag.

"Shit! I knew it! I saw this coming." he cursed. He stepped on the gas and surmount the speed of his car.

Napaigtad ako sa kinauupuan ko nang biglang tumunog ang phone ko. Dad is calling. Walang pag-aalinlangan kong tinanggap ang kanyang tawag.

"D-Dad?" tahimik ang kabilang linya na mas dumagdag ng takot sa'kin. Mas nakakatakot si daddy kapag tahimik at hindi nagsasalita. Feeling ko ay kinukulong niya ang lahat ng galit niya tapos bigla na lang sasabog. "Where. Are. You?" bawat salitang kanyang binitiwan ay may diin at sinasabayan ng mabigat niyang paghinga.

"Pa-Pauwi na po." nauutal kong sagot.

"Kasama mo ba ang anak ni Mr. Valencia?" mariin niyang tanong. Ilang segundo bago ako nakasagot.

"O-Opo." halos marinig ko siya sa kabilang linya na malutong na nagmumura.

"Sa VI Corporation kayo dumiretso." matigas nitong utos bago ako binabaan.

Halos maubusan ako ng hininga, mukhang ito na ang huling araw ko. Ramdam kong galit na galit si daddy. He's losing his patience for me at natatakot ako na balang araw ay magsasawa na siyang pagalitan ako dahil sa lahat ng mga kapalpakang ginagawa ko. Natatakot akong umuwi pero mas natatakot ako na dumating ang araw na mawalan ng pakialam si daddy para sa'kin. Natatakot akong maiwan ulit.

Mabigat ang bawat binibitawan  kong hininga. "Sa VI Corp raw tayo." nanghihina kong sabi kay Rhadleigh.

Napansin kong ilang beses akong nilingon ni Rhadleigh dahil sa mukha ko ngunit mas pinili niyang manatiling manahimik.

Nang makarating sa tapat ng VI Corporation ay parang ayaw ko nang lumabas ng kotse. Dalawang pulis ang naghihintay sa labas ng building at naroon din si manang Cel pati na ang mga men in black ng mga Valencia.

"Let's go, I'll explain everything to your father." pampalubag-loob nitong pahayag ngunit hindi iyon sapat dahil alam kong hindi nakikinig sa kahit anong paliwanag si daddy. Kapag galit siya, galit talaga siya at walang sinuman ang kayang pumatay ng apoy sa loob niya.

Nang makalabas kami sa kotse ay agad akong dinaluhan ni manang Cel. "Juskong bata ka! Ano bang pumasok sa kukote mo at naglayas ka?!" pambungad sa'kin ni manang ngunit hindi na ako nag-abala pang magpaliwanag. Dinala kami sa lobby. I sensed the dark ambiance in the side of the lobby penetrating my whole system. A tête-à-tête grand sofa set placed on the left side of the lobby served as the waiting area seemingly releases a livid atmosphere wherein our fathers are waiting.

Iginiya kami ni manang sa puwesto kung nasaan ang pareho naming ama. Pakiramdam ko ay may dalawang halimaw na nakaupo sa puti at engrandeng sofa na naghihintay sa kanilang pagkain.

Pareho kaming naupo sa mahabang sofa. Dumapo ang tingin ko sa dalawang nakaupo sa harapan namin ngunit agad rin akong yumuko dahil sa titig ni daddy. Pakiramdam ko ay pinapagalitan niya ako gamit ang kanyang mga matatalim na titig, tila ginigisa ako ng wala sa oras.

"Jace, explain everything. Sabi ng investigator ko ay sinundo mo si Ms. Lee mula sa apartment niya." malamig na tanong ni Mr. Valencia sa kanyang anak. Ngunit bahagya akong napatigil. Hindi niya nabanggit yung pagsunod namin sa kanila, ibig bang sabihin ay hindi nila nadiskubre na sinusundan namin sila simula noong una pa lang?!

Hindi agad siya sumagot. "Jace. Where did you go?" mariing tanong ni Mr. Valencia na tila ba inip na inip nang malaman ang sagot.

"I'm sorry. I asked Lysandra for a date!" napalingon ako kay Rhadleigh dahil sa sinabi niya. Shit! Tukmol ka! Napakalaking pagkakamali ang napili mong rason! Hayop ka!!! Papatayin mo ba ako?! Number one rule ni daddy na bawal na bawal akong makipag-date at mag-boyfriend hangga't hindi pa ako nakakapagtapos ng pag-aaral!!! Peteng ene me! Heyep ke! "Dapat magde-date po kami kaso dumaan po ako sa isang shortcut kaya naligaw kami. I can't recall the exact path of the shortcut that is why we lost our way. I'm really sorry Mr. Lee—" naputol agad ang sasabihin ni Rhadleigh nang biglang sumabat si daddy nang hindi man lang pinakikinggan ang paumanhin nito.

"You asked her out for a date?" pakiramdam ko ay nag-aalab ang bawat salitang binitiwan ni daddy at mukhang konti na lang ay sasabog na siya. "At pumayag ka naman Lysandra Faith?" parang umurong ang dila ko dahil sa takot. Hindi ko mahanap ang tamang salita.

"U-Um... Ka-Kasi...A-Ah... Ka-Kasi- p-po... Pi... PINILIT NIYA PO AKO!" I exclaimed.

"Wait what?! Hindi kita pinilit. You came along with me wholeheartedly." kontra ni Rhadleigh. PECHAY MANI POPCORN!!! Makuha ka sa tingin hayop ka! Bawiin mo! Bawiin mo!

"You came along with him wholeheartedly?" ulit ni daddy habang hinihilamos ang sariling palad sa kanyang mukha. Parang may invisible fire sa buong katawan ni daddy. Pakiramdam ko ay unti-unti nang tumutubo ang sungay at buntot niya. Mukhang kanina pa nagpipigil ng galit. Nakikita ko na ang liwanag! Sinusundo na ako!! Sinusundo na ako ng liwanag!

"Hi-Hindi p-po! H-Hindi p-po t-totoo y-yun!!" pagsalba ko sa sariling buhay.

"Paanong hindi?! Kung titingnan ang CCTV records ng building ng apartment mo ay makikitang kusang-loob kang pumasok sa kotse ko." pahayag ni Rhadleigh.

Tarantang-taranta kong pinipilit na magpaliwanag kay daddy ngunit mas pinili nitong kunin ang kanyang telepono. "Da-Daddy, ganito po k-kasi y-yun—"

"Carpio." tawag niya sa kabilang linya ng telepono. "Pakilinisan ng kuwadra sa kamalig....dahil doon matutulog ngayong gabi si Lysandra." Pota!

Pansin ko ang pagpipigil ng tawa ni Rhadleigh kaya't bahagyang napalingon sa kanya ang sarili nitong ama. May araw ka rin sakin tukmol!! Nang tumayo na si daddy ay tumayo na rin ako.

"Thank you for your help Mr. Valencia but we need to go." tumayo na rin si Mr. Valencia at nakipagkamay kay daddy. Agad akong lumingon kay Rhadleigh na siyang nakatayo na rin. Napangisi siya nang bigla akong lumingon sa kanya, sinuklian ko naman siya ng matatalim na titig dahil sa iritasyon.

Bago pa man maputol ang maikling usapan ng aming mga magulang ay iniluwa ng entrance ang apat na alipores ng gagong katabi ko.

"Jace!" agad silang lumapit sa amin. Ngunit tanging si Fix lamang ang dumiretso sa akin.

"Faith. Are you okay?!" nag-aalala nitong tanong. Agad ko naman siyang sinuklian ang tango bilang sagot. Bakas sa mukha niya ang pagod at takot. Hindi ko alam kung para saan ang ekspresyon na iyon. Basta ang alam ko'y hindi iyon para sa'kin at hindi dapat para sakin. Nais pa sana nitong magsalita at kumustahin ako ngunit bigla na akong tinawag ni daddy kaya wala ako nagawa kundi ang sumunod sa kanya dahil sa takot.

Nang makarating kami sa bahay sa tapat ng mataas na gate ng Lee ay agad akong sinalubong ng mga alaala ng nakaraan. Sa ektaryang lupain ng Lee nakatirik ang isang mala-mansyong modernong bahay. Sa hindi kalayuang parte ng lupain ay may isang bahay na gawa sa kahoy, semento, at yero na napaliligiran ng mga puno ay ang nagsisilbing kulungan ng mga kabayo. Doon ako ngayon matutulog kasama ang mga kabayo.

"Manang Cel pakihanda na ng mga pagkain." utos ni daddy nang makapasok kami sa bahay.

Bago humarap sa hapag-kainan ay naisipan ko munang pumunta sa kwarto ko para magbihis.

As I opened the door, hundreds of memories are rushing back in my mind. The scent is still the same, the arrangement of my things are still on the same old places. The atmosphere of the room still sends me a melancholy mood. Seeing this place makes me feel so lonely. A heavy wave of nostalgia swept over me as I roam around the whole room. Mas mabuti pang matulog sa kamalig kaysa matulog sa ganitong klaseng lugar.

Everything in this house makes me feel depressed. Ang tahanang ito ay tila isang libingan ng masasayang alaala na kalauna'y naging mapait. Pero pakiramdam ko ay may kulang pa, pakiramdam ko ay may nakaligtaan ako. But still this house is the same old gloomy and lonely home I came from.