Page 10: Lunch
Lumipas ang mga araw at tinigil ko muna ang pagbabasa ng diary dahil kailangan kong humabol sa mga lessons at tinapos ko pa ang project na naka-assign sakin as a freelance artist. Wala rin naman akong makuhang clue mula sa diary kaya tumigil muna ako sa pagbabasa. Sa bahay na rin ako tumitira, wala akong nagawa dahil lahat ng gamit ko sa apartment ay pinalipat lahat ni dad sa bahay. Tuwing papasok naman ako sa school ay mahigpit na bilin ni dad na wag na wag akong makikipagkita kay Rhadleigh kung hindi ay maghahalo ang balat sa tinalupan. Dahil doon ay pinahahatid-sundo na ako ni dad sa driver namin.
"Kuya Rick, dito na lang po ako." saad ko nang malapit na kami sa gate.
"Bakit? May bibilhin ka pa ba?" tanong nito sakin.
"Bibili lang po ako ng almusal." sagot ko. Hindi kasi ako nakapag-almusal dahil sa pagmamadali at ramdam ko na ang pagkalam ng sikmura ko.
"O sige." nagdalawang-isip pa ito bago pumayag kaya agad akong bumaba nang tumigil si kuya Rick sa gilid. Nagtungo ako sa café sa tapat ng school para bumili ng tubig at cupcake. Hindi pa man ako nakakapasok ay may biglang bumangga sakin.
"Ouch!" daing nito. Agad akong napayuko upang tingnan ang isang bata na nakabangga ko. Nakasuot ito ng isang cute na piggy hoodie.
"Young missy, are you blind?! Next time put your attention on the road! I almost dropped my boss' lunch!!" sermon ng isang batang lalaki sakin. Ang cute niya. Malalaki ang mga mata, maputi, ang taba ng cheeks, at mas dumagdag pa sa cute niya ang suot nitong piggy hoodie.
"Sorry." nakangiti kong paumanhin.
"I won't accept your simple sorry, Helping me to find my boss will be a an acceptable apology from you! Dad told me that he's studying there." turo niya sa school na pinapasukan ko.
Pakiramdam ko ay nawala ang gutom ko dahil sa batang ito. He's kinda rude but it makes him more cute and adorable. "Ano bang pangalan ng boss mo?" nakangiti kong tanong.
"Actually he is my older brother... His name is Rhadleigh Jace Valencia." napatigil ako sa sinabi niya. Pagkakataon nga naman! Anak ng tokwa! Wala namang ganitong nakasulat sa diary ah! "By the way, I'm Rayleigh Jash Valencia." nagulat ako nang maglahad pa ito ng kamay sa harapan ko.
I have no choice but to accept it. "Then who are you?" tanong nito.
"Just call me ate Faith." maikli kong sagot.
"Okay."
Nagsimula na kaming magpatuloy sa paglalakad patungo sa SHS department. Nabigla ako nang may maliit na kamay ang humawak sa aking daliri. Yumuko ako para tingnan siya. "You walk so fast. I can't catch up with you." reklamo nito kaya hinawakan ang dalawang daliri ko. Para siyang si Rhadleigh habang nagrereklamo, a cute version of Rhadleigh to be exact.
"Sorry." naglakad ako nang may saktong bilis kung saan kaya na niyang sumabay. Nang makarating kami sa SHS department ay nagtanong-tanong ako sa ilang estudyante roon kung saan ang classroom ni Rhadleigh.
"ABM floor, star section." sagot nung lalaki.
"Thank you." agad kong inakay ko si Rayleigh papunta sa room ni Rhadleigh. Sumilip ako sa room nila, nang walang makitang teacher ay nagtanong ako sa isang kaklase siya.
"Um. Excuse me, nandiyan ba si Rhadleigh?" tanong ko.
"Wala siya dito kahit yung mga kaibigan niya. Baka nasa hideout nila." sagot nito tsaka ako tinalikuran.
Napabuntong hininga na lamang ako. Mukhang hindi ako makakapasok.
Nang makarating sa gate ay agad akong nakiusap sa guard kung pwede akong lumabas dahil ihahatid ko ang kasama kong bata sa kapamilya nito at agad naman akong pinayagan ni manong guard kaya walang kahirap-hirap kaming nakalabas ng campus. Sumakay kami ng taxi para makarating sa hideout ng lima.
"Ate Faith? Malayo pa ba?" tanong nito sakin. Aba akalain mo, marunong palang magtagalog itong batang 'to.
"Malapit na." sagot ko rito.
"I wanna pee." saad nito habang mukhang pilit na pinipigilan ang kanyang ihi. "Please! I can't hold it any longer!" he exclaimed.
"Kuya, dito na lang po kami! Bayad po." dali-dali kong inakay si Rayleigh papasok sa Benignson's mall. Dahil nasa second floor ang restroom ay kailangan pa naming umakyat, mabilis kaming nagtungo sa elevator.
Papasok na sana ako sa elevator nang bigla kong makita sa loob sina Circle at Cart Benignson. Silang dalawa lamang ang sakay ng elevator at pareho kaming nagkatinginan ni Circle bago lumipat ang titig ko kay Cart.
"What are you still doing there?! I can't hold it anymore!!" bulalas niya habang magkadikit ang hita at tinatakpan ng kamay ang nasa pagitan ng kanyang dalawang hita. Agad akong pumasok sa loob ng elevator at pinindot ang second floor.
"Ate!!" pagpipigil nito.
"Don't worry, we're almost there." mahinang pagpapakalma ko sa kanya habang pinapakiramdaman ang dalawa naming kasama.
Nang bumukas na ang elevator ay nakarinig ako ng lagaslas ng tubig. Punyeta! Kung kailan nasa second floor na kami tsaka pa nagkalat ang batang ito?!! Pechay! Paano 'to?! Puto kutchinta! Katulad na katulad lang siya ng kuya niya!!! Pala-ihi sa salawal!!
"Nyaaaa!!!" malakas itong ngumawa dahil umihi sa shorts. Ngayon ay patuloy ito sa paghagulgol. "I'M SOWWYYY!!!" sigaw niya kasabay ng malakas nitong pag-iyak.
"I'm sorry po, pasensya na!!" paumanhin ko sa dalawang kasama namin sa elevator. "Aish! Tahan na, tahan na! Pasensya na po talaga." litong-lito ako kung ano ang uunahin ko. Kung magsosorry ba ako sa dalawang Benignson na kasama ko o bubusalan ko ang bibig ng batang ito dahil nakakatawag na kami ng atensyon.
"Haha, it's okay." saad ni Circle at isinara ang elevator dahil maraming tao ang nasasagap ng pag-iyak ng batang kasama namin.
"Pasensya na po!! I'm really sorry." paumanhin ko habang tinatahan si Rayleigh. "Ako na lang po ang maglilinis nito." tinutukoy ko ang ihi ni Rayleigh.
"No,no, it's fine. We have our janitors." natatawang sabi ni Circle. "Is he your younger brother?" tanong nito.
"Hindi po. Ihahatid ko lang po sa kuya niya." tarantang sagot ko.
"Maybe, you should bring him in the rest room to clean up." suhestiyon ng kanina pa tahimik na si Cart.
"Right! I'm really really sorry Mr. Benignson." ulit ko.
"I-I'm so-sowwyyy!!" umiiyak na paumanhin ni Rayleigh.
"It's okay kid, go clean up yourself." nakangiting saad ni Circle tsaka pindot ang push button para muling bumukas ang elevator. Agad akong nagpasalamat sa dalawa at iginiya si Rayleigh patungo sa restroom. Bilin ko sa kanya ay maglinis muna siya ng sarili at bibilhan ko siya ng shorts and underwear.
Pumasok ako sa isang kid's wear boutique at bumili ng underwear at brown shorts. Bumili na rin ako ng baboy na sandals dahil mukhang nabasa ang medyas at sapatos niya. Nang makapagbayad ay dali-dali akong bumalik sa loob rest room ng mga lalaki. Ni hindi ko nga alam kung paano papasok roon dahil may ilang lalaki pa sa loob ay baka mapagbintangan pa akong naninilip.
Halos makiusap pa ako sa isang lalaki na papasok pa lang na kung pwedeng makisuyo na ibigay sa batang nasa first cubicle ang dala kong paper bag, buti naman ay pumayag siya agad kaya't hindi na ako pumasok pa sa loob.
Heyep na buhay 'to! Ang dami ko na ngang problema dumagdag pa ang batang ito! Sa dinami-dami pa ng mall, dito pa kami sa Benignson's Mall napadpad at ang malala ay nakaharap ko pa ang dalawa sa magkakapatid na Benignson! Leche! Hindi talaga magandang kombinasyon ang Lee at Valencia!
Nabalik ako sa aking huwisyo maramdamang mag humihila sa dulo ng palda ko. Ibinaba ko ang tingin at nakita ang batang bersyon ni Rhadleigh. "Thank you." nahihiya nitong pagpapasalamat.
Napabuntong hininga ako bago nagsalita. "Nasan na yung mga hinubad mo?" tanong ko rito.
"Tapon ko na." sagot niya.
I sighed. "Okay, let's go."
Nagulat ang lima pati na si Lauren nang makita ako kasama ang kapatid ni Rhadleigh sa tapat ng pintuan ng bahay.
"Rayleigh?! What are you doing here?!" gulat na tanong ni Rhadleigh.
"BOSSINGGG!!" agad na tumakbo ang bata patungo sa nakatatandang kapatid niya at agad itong niyakap. "I brought you a lunch!!" itinaas nito ang hawak na lunch box.
"Nakita ko siya sa tapat ng school. Nagpatulong na hanapin ka kaso wala kayo sa room niyo kaya dinala ko na lang siya rito." paliwanag ko nang mabasa ang ekspresyon ni Rhadleigh.
"Thank you." sinsero nitong pagpapasalamat habang diretsong nakatingin sa mga mata ko. Napakurap ako dahil hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin. Parang ang awkward ng paligid. He's sincerely expressing his gratitude for me in front of us. It kinda feels unusual and uncomfortable.
Ilang segundo bago ako nakahuma sa eksena. "Okay, sige mauuna na ako." pagpapaalam ko ngunit agad akong pinigilan ni Fix.
"Faith, dito ka na lang kumain." sabi nito.
"Yup, sumabay ka na samin Lysandra." pagsang-ayon ni Lauren.
"Naku hindi na—" agad kong pinutol ni Lauren sa pagsasalita.
"I won't take no for an answer." agad na lumapit sakin si Lauren para igiya ako papunta sa kusina kahit todo tanggi ako. "Guys, let's eat." yaya nito sa iba. Hindi ko namalayan ang oras, malapit na palang magtanghali kaya't bahagya na rin akong nakakaramdam ng gutom.
Inihanda na nila ang mga pagkain sa mesa. At sabay-sabay na kaming umupo sa harap ng hapag-kainan. Nasa dating puwesto lang kami maliban kay Rayleigh nakaupo sa pagitan nina Lauren at Rhadleigh.
Napansin kong nilagyan ni Rhadleigh ng kanin at ulam ang plato ni Rayleigh at pagkatapos ay binuksan niya ang dalang lunch box ni Rayleigh, inilipat niya ang laman nito sa plato upang doon kumain. It's a pack of japanese foods.
"Here, Rayleigh. Try this." ani Lauren pagkatapos ay nilagyan ng menudo ang plato ng bata.
"Thank you." ani nito kay Lauren.
"Your welcome." matamis na tugon ni Lauren bago nagpatuloy sa pagkain.
Hindi naging tahimik ang hapag-kainan, binulabog ni Fled at Dice ang hapag at nagtatalo na naman tungkol sa hotdog. Si Rhadleigh naman ay tahimik na kumakain ng dalang pagkain ni Rayleigh habang inaasikaso ang nakababatang kapatid. This is my first time na makita ang ganitong side ni Rhadleigh. Maalaga siya sa kapatid, ni hindi niya nagawang pagalitan ito nang walang pasabing umalis sa kanila para dalhan siyang ng tanghalian. Balak ko na sanang tanggalin ang tingin sa dalawa ngunit biglang nagtama ang mga mata namin ni Rhadleigh agad akong napabaling sa plato ko. Kahit nakayuko ay ramdam ko pa ring nanatili ang titig niya sakin. Kaya kahit hindi komportable ay pinilit kong kumain at nagkunwaring walang nangyari.
"Ate Faith. Gusto ko niyan!" turo ni Rayleigh sa piraso ng patatas na nasa plato ko.
"Kumuha ka ng sayo Ray." utos ni Rhadleigh sa kanya ngunit hindi ito nakinig at ibinuka na lamang ang bibig na parang bang gustong magpasubo sakin.
"Ray." saway ni Rhadleigh ngunit hindi nakinig ang bata at tumayo pa sa kinauupuan para makalapit sakin, kaya wala akong ibang nagawa kung hindi ang subuan siya ng patatas gamit ang tinidor ko. He's just too cute to be rejected.
Rayleigh giggled. Tuwang-tuwa siya nang makuha ang gusto.
"Wow! Dumidiskarte ang baby Rayleigh namin ah!" panunuya ni Dice.
"Buti pa yung bata marunong dumiskarte." dagdag pa ni Daze.
"Tumigil nga kayo." saway ni Fled sa dalawa.
"Here try this Faith." inilapag ni Fix ang isang plato ng grilled beef.
"Thank you." saad ko tsaka kumuha ng isang hiwa.
"Kuya gusto ko rin nun." turo ni Rayleigh sa grilled beef na nasa harapan ko. Akmang kukuha na si Rhadleigh para sa kanya ay bigla itong humilig sa mesa. "Ate Faith. Ahh..." ibinuka na naman nito ang bibig na aktong magpapasubo na naman sakin.
"Aish. Ray!" saway ni Rhadleigh sa kapatid. Ngunit katulad kanina ay hindi pa rin nakinig ang bata kaya't sinubuan mo na lamang ng isang hiwa ng karne.
Nang matapos kaming kumain ay iniligpit na ni Fix ang mga pinagkainan namin dahil siya ang laging nakatokang maghugas ng pinggan. Dahil may hiya rin naman ako ay nagboluntaryo na akong tulungan siya.
"Tulungan na kita." saad ko.
"No, wag na sa sala ka na lang." pagtanggi nito.
"No, I insist. Wala rin naman akong gagawin doon." tugon ko at sa huli ay napapayag ko rin siya. Si Fix ang nagsabon habang ako naman ang nagbanlaw ng mga pinggan.
"You let him call you Faith." komento ni Fix mula sa kawalan.
"Si Rayleigh ba? Wala lang, may naalala lang ako sa kanya." tugon ko.
"Then will you let Rhadleigh call you on that name?" mahinang tanong nito.
"Psh. Why would I?" natatawa kong tanong. Bakit ko siya hahayaang tawagin ako sa ganoong pangalan kung siya ang papatay sa'kin?! Why would I let him taint that precious name?
"Ewan." wala sa sarili nitong tugon. Nang matapos kami sa paghuhugas ay sabay-sabay na silang pumunta sa school habang si Rhadleigh naman ay inihatid muna pauwi ang kapatid. Sabay naman kaming dalawa ni Fix na pumuntang school gamit ang kanyang Bugatti Veyron.
Habang nasa biyahe ay ay nagkukwentuhan kami ni Fix tungkol sa school and studies namin. Doon ko nalaman na apat na taon na siyang nag-aaral ng medisina at si Fled naman ay second year college habang ang tatlo ay last year ng senior high school katulad ko. Sina Rhadleigh, Dice, at Daze ay ABM students habang si Fix naman ay Medicine ang kinuhang kurso. Culinary arts naman ang landas na pinili ni Fled dahil puro kilalang chef ang pamilya nila at dahil na rin sa negosyo nila.
"Eh, ikaw? Anong gusto mo?" bigla nitong tanong sa'kin.
"Gusto ko rin maging isang doktor katulad ni daddy at isang businesswoman. Kaso STEM na lang ang kinuha ko dahil mas mahirap ang Medicine kaya kailangan kong tutukan ng mabuti." kwento ko sa kanya.
"That's great. Well I can help you dahil pareho naman tayo ng gustong landas." nakangiti nitong komento.
Nagpatuloy ang kwentuhan namin sa biyahe. Nabanggit niya sakin ang pagkakakilala nilang lima. Ang sabi niya ay magkakasama na raw talaga mula pagkabata sina Rhadleigh, Daze, at Dice. Sunod nilang nakilala si Fled noong hinabol si Dice ng alagang aso ni Fled. Ang sabi niya ay isinugod pa raw sa ospital si Dice dahil nawalan ito ng malay. Mahina akong natawa dahil sa kwento niya. Kaya pala solid ang samahan nila, magkakasama na sila mula pagkabata. Akala ko ay masusundan pa ang kwento niya ngunit doon na siya tumigil. Hindi siya nagkwento kung paano niya nakilala ang apat. Binalot kami ng katahimikan dahil tila hindi niya mahanap ang sariling nakaraan, na para bang kinakapa niya ang mga dating alaala. Doon natapos ang usapan hanggang sa makarating kami sa parking lot ng campus.
Tumigil na ang kanyang sasakyan ngunit hindi ako bumaba. Parang may parte sakin na gustong malaman kung paano niya nakilala ang apat. Gusto kong malaman...
"Fix." tawag ko sa kanya.
"Hm?"
"Paano mo sila nakilala?" wala sa sarili kong tanong dahil sa hindi makontrol na kuryosidad. Hindi siya sumagot kaya't muli kaming binalot na katahimikan. Doon ko lang napagtantong wala akong karapatang magtanong. Hindi niya ikinuwento dahil ayaw niyang pag-usapan. Ako lang itong pilit nang pilit kahit wala naman sa tamang posisyon.
"A-Ah. So-Sorry sa tanong ko. Hindi mo na kailangan pang sumagot—"
"I met them on the darkest moment of my life." panimula niya gamit ang malungkot na boses. "I met them when I ran away from home... Ako ang tumulong sa kanila sa pagdala kay Dice sa ospital nang himatayin ito dahil sa aso. Nang tinanong ako ng mga magulang ni Dice kung sino ang mga magulang ko at saan ako nakatira ay mas pinili kong takasan sila. Tumakbo ako palabas ng ospital because I'm afraid to go back. Natatakot ako na baka pagbalik ko sa pamilya ko ay wala na akong balikan kaya tumakbo ako papalayo. I was almost got hit by a car but fortunately those three idiots saved me. Inimbitahan ako ni Daze na manatili muna sa kanila bilang pasasalamat sa pagligtas ko kay Dice. At doon na nagsimula ang pagkakaibigan naming lima." kwento ni Fix.
Matamis ko siyang nginitian. It sounds like blessing in disguise. "Maybe everything happens for a reason. Maybe the true purpose of your problem was to met those people who are more precious than diamonds." positibo kong pahayag sa kanya.
"Sana nga." malungkot niyang saad bago ako niyayang lumabas ng kotse.
I see. Kaya pala ganoon na lamang kabigat ang kapaligiran sa loob ng mansion nila. Kaya pala punong-puno ng lungkot ang mansyon na tinitirhan niya. Kaya pala takot siyang magkwento tungkol sa nakaraan niya. Dahil may mabigat siya at ang pamilya niya na dinadalang problema.
He is living just like how I live. He's been carrying all the burden and enduring all the pain by himself just like how I bury myself in my own distress.