Chapter 11

Page 11: Date

Dear Past Self,

   A lot of girls started bullying me. Parasite raw kasi ako sa grupo nina Rhadleigh. Linta sa relasyon nila ni Lauren. At malanding social climber. Pero buti na lang ay hindi nila ako sinasaktan. Pero isang beses noong gusto akong sampalin ng babae kong classmate ay mabilis iyong nasalo ni Ardrey. But he touched her kaya ayun nasukahan ng damit ang classmate kong gustong sumampal sakin. After that, they stopped pero marami pa ring masasakit na salita silang binibitawan sakin yung tipong over the belt na. Pero okay lang. Masasanay rin ako.

July 1, 2014

Tuesday

Nang makauwi sa bahay ay agad akong lumapit kay daddy upang humalik sa kanyang pisngi pagkatapos ay naglakad na patungo sa hagdanan ngunit bigla akong naestatwa nang tawagin ni daddy.

"Faith."

Pakiramdam ko ay nabato ako sa kinatatayuan ko. Akala ko ay matagal na niyang kinalimutan ang pangalan kong iyon. Ngayon lang ulit ako nakaramdam ng saya nang matawag sa pangalan na iyon. Parang nagbalik ang nakaraan. Parang nagbalik ako sa dating batang Lysandra Faith, sa dating iyakin at pala-ngiting unica hija ng pamilyang Lee. Unti-unti kong naramdaman ang panunubig ng gilid ng mga mata ko.

"Fix yourself, Mr. Valencia invited us for a dinner with his family. Kaka-discharge pa lang ng asawa niya sa ospital kaya inimbitahan niya tayo." pahayag ni daddy. Hindi ko na nagawang lumingon pa dahil tuloy-tuloy na ang pag-agos ng mga luha ko. Agad kong kinalma ang sarili.

"Opo." sagot habang pinipigilan ang panginginig ng boses. Nang makaakyat sa kwarto ko ay agad kong tinuyo ang aking mga luha at dumiretso sa banyo para maligo. I so delighted. I can't even stop my tears from flowing. Parang nawala ang bigat sa dibdib ko. Pakiramdam ko ay unti-unti na kaming nakakabalik sa dati kahit wala si mommy. We're both healing slowly.

Wearing a simple make up and a violet dress paired with a pair of  skin toned heels, I let my hair sway along the air. I also wore plain silver earrings and a silver necklace with a pair of diamonds attached on the tiny chains as its pendant.

Nang makitang maayos na ang sarili ko ay agad na akong lumabas ng kwarto dala ang silver sling bag ko.

"Hija, naghihintay na ang daddy mo sa labas." bungad sakin ni manang Cel nang makababa.

"Sige po." saad ko bago nagtungo sa labas ng bahay.

Nadatnan ko si daddy na naghihintay sakin sa tabi ng Mercedes Benz. He's wearing a gray tuxedo, black long sleeve polo shirt and slacks paired with black leather shoes. His gaze drifted on my dress as he scanned it irritatedly.

"Your dress is too short. Hindi ka ba lalamigin niyan?" tanong ni daddy habang nakakunot ang noo.

"I'm fine with this dress dad." Saad ko.

"Fine. Then let's go." there's something on his tone, it sounds like a bit of disapproval. Ipinagsawalang bahala ko na lamang iyon, sabay kaming sumakay sa kotse. Magkatabi kami sa habang si kuya Rick ang nagmaneho ng Mercedes Benz.

"Faith." tawag nito sa'kin. Naninibago pa rin talaga ko kapag tinatawag niya akong Faith pero pakiramdam ko ay gumagaan ang loob ko.

"Po?"

"Behave yourself. Bawal ka pang magboyfriend at kapag niyaya ka ulit ng Valencia na iyon, sabihin mong lumapit muna sakin." mahigpit na bilin nito.

"Opo." um-oo na lamang ako kahit alam kong napaka-imposibleng bagay iyon.

Seven o'clock nang makarating kami sa isang mamahaling restaurant. Pagkababa namin ay mayroong sumalubong na isang lalaking naka suit, iginiya kami nito patungo sa isang VIP room. Malaki ang buong restaurant at engrande ang disenyo  ng loob at labas na tila ibinase sa disenyo ng mga Espanyol. Nang makapasok kami sa VIP room ay agad kaming sinalubong ng mag-asawang Valencia.

"Good evening Mr. Lee." bati ng daddy ni Rhadleigh kay dad.

"Good evening." pagkatapos ay nagkamay silang dalawa.

"Good evening dear! You look so pretty tonight hija!" maligayang salubong ni Mrs. Valencia sakin tsaka nakipag-beso.

"Kayo rin po tita!" mahinang tawa ang sinukli niya sa puri ko. She looks better now. Her porcelain skin is not as place as before. She's wearing a simple white fitted Channel dress and silver platform heels while her hair was on a neat bun. Her jewelries are blinding my sight. Parang mabubulag ako sa kinang at sa tinatayang halaga nito. Iginiya kami ng mag-asawa patungo sa mesa na puno ng mga pagkain. Nang makalapit sa hapag-kainan ay agad na binati ni Rhadleigh si daddy.

"Good evening sir." bati ni Rhadleigh. He's wearing a black and red striped sweatshirt and black pants while his hair was primly brushed up.

"Good evening hijo." Nang dumapo naman ang tingin sakin ni Rhadleigh ay pareho kaming napatango sa isa't-isa bilang bati. Sabay-sabay kaming umupo sa harap ng hapag-kainan.

"Anyway, where's the kid?" puna ni Mrs. Valencia.

"I'm here!!" Rayleigh exclaimed. Nakasuot ito ulit ng kulay pink na piggy hoodie, mukha siyang chibi version ni Rhadleigh. "Ate Faithh!!" magiliw nitong bungad. Agad itong nagtungo sakin at hanggang tainga ang ngiti na pilit umaakyat sa kandungan ko.

"Hey Ray, come here. Stop bothering Lysandra." utos ng mama niya. Napatingin si Rayleigh sa akin na tila nakikiusap na kumandong siya sa'kin.

"Ayos lang po tita." saad ko at inangat ito para makaupo sa kandungan ko. Bakas pa rin kay Mrs. Valencia ang pag-aalala na baka nakakaabala ang anak niya sa'kin ngunit agad rin iyong naglaho nang magsalita si daddy.

"Maybe we should give him a plate." suhestiyon ni daddy.

"Oh yeah, so we can start eating." pagsang-ayon ni Mrs. Valencia. Ipinagtabi ko ang plato namin ni Rayleigh at binigyan ako ni daddy ng sapat sa espasyo sa gilid niya para makakain ako nang maayos dahil nakakandong sa'kin si Rayleigh. Paminsan-minsan ay nilalagyan ko si Rayleigh ng mga gusto niyang pagkain sa kanyang plato at minsan naman ay gusto niyang magpasubo kaya wala akong ibang choice kung hindi ang subuan siya. Habang ang mga magulang naman namin ay nag-uusap tungkol sa industriya ng pagnenegosyo. Saglit naman kaming binabalingan ni Mrs. Valencia at kapag kontento na ay muling nakikisali sa usapan. Si Rhadleigh naman ay tahimik lang sa dulo at walang imik na kumakain.

"Anyway hija. We really want to formally thank you for saving me and also for taking care of Rayleigh. Naikwento sakin ni Rhadleigh ang nangyari sa makulit na batang iyan. Pasensya ka na at naabala ka ng batang iyan."

Marahan akong tumawa bago sumagot. "Ayos lang po tita nakakatuwa naman po siyang kasama."

"Naikwento niya ngang umihi raw siya sa salawal sa loob ng elevator. I'm sorry about that and also thank you." dagdag pa ni Mrs. Valencia.

"Wala po iyon." nakita ko ang pag nguso ni Rayleigh nang marinig ang tungkol sa pag-ihi niya sa shorts. Sobrang cute niyang tingnan.

"We are really thankful to you and also to Mr. Lee for saving my wife's life." sinserong saad ni Mr. Valencia.

"Hindi namin alam kung paano kayo susukliang mag-ama." dagdag pa ni Mrs. Valencia.

"You don't need to. We are just doing what is right and acting according to our principles." pormal na tugon ni daddy.

"I wanna pee." sambit ni Rayleigh na ikinatawa ng mag-asawa. "Accompany me ate Faith, please." pagsusumamo nito. Agad ko siyang sinamahan sa CR at hindi rin kami nagtagal roon, bumalik agad kami sa VIP room. Ngunit wala na roon si Rhadleigh. Tanging ang mga magulang na lamang namin na patuloy pa ring nag-uusap tungkol sa negosyo ang nasa hapag-kainan. Bumalik si Rayleigh sa pwesto namin at agad na kinain ang ice cream niya habang ako naman ay nagpaalam na magpapahangin muna pero bago pa man ako makahakbang ay isang makahulugang tingin ang ibinigay sa'kin ni daddy na para bang nagsasabing umayos ako. Napabuntong hininga na lamang ako bago lumabas sa VIP room.

Binagtas ko ang malawak na corridor ng restaurant. Nang makakita ng veranda ay doon ko napagdesisyunang tumambay dahil mukhang presko at tahimik.

"You're showing to much skin." napaigtad ako nang may magsalita sa tabi ko.

"Pake mo, ba't ka ba nandito?" patutsada ko.

"Psh. I came here first." sagot niya.

"Okay edi sa iba na lang ako." balak mo na sanang talikuran siya ngunit agad niyang hinigit ang braso ko at pinanatili sa pwesto ko.

"Stay." malamig na utos nito. "When will we continue the mission?" tanong nito mula sa kawalan.

"Neknek mo! Pagkatapos mong gumawa ng kwentong nagde-date tayo sa tingin mo isasama pa kita sa mga plano ko?! Aba kanya-kanya na tayo ngayon no!" singhal ko sa kanya.

Napabuntong hininga siya sa sinabi ko. "Idiot. That's the most effective and convincing reason we have. And also the easiest. Hindi natin pwedeng sabihin sa kanila na nag-iimbestiga tayo sa mga Benignson at ayoko ring magpaliwanag pa kaya iyon ang una kong naisip. Matalino ang dad mo at doon lang sa paraang iyon tayo makakalusot." paliwanag ni Rhadleigh.

"Edi iyon kung iyon! Ang kaso pabida ka! Galing mong manggatong. Kung sana sinabi mong pinilit mo akong sumama sayo edi sana hindi ko katabing matulog ang mga kabayo namin." inis na patutsada ko.

I saw him chuckled.

Aba'y kupal!

"Then may I ask you for a date?" tanong niya mula sa kawalan  na ikinagulat ko.

"Ha?!"

"Wag kang mag-assume pwede? Naisip ko lang iyon para makapag-imbestiga ulit tayo." paliwanag nito.

"Fine. Pero sabi ni daddy, sa kanya ka raw magpaalam." saad ko.

"Sure. So simple." sambit nito.

"DAMN!" sigaw ni Rhadleigh nang napaupo siya sa tae ng kabayo. "DAMN THIS CRAP!!" muli niyang mura. "Wait! What the hell are you doing?!"

"Kinukunan ka ng litrato. Ngayon mo lang napansin? Kanina ko pa kaya ito ginagawa." inosente kong sagot habang itinatago ang mapang-asar na ngisi. Kanina pa kasi siya hirap na hirap. Sabado ng alas-siyete ng umaga ay pumunta siya sa bahay para magpaalam kay daddy na aayain ako sa date. Pumayag naman si daddy ngunit May kondisyon kaya dito siya bumagsak. Sa kamalig. Sa kuwadra ng mga kabayo. Inutusan siyang magsibak ng kahoy at mag-igib ng tubig na maiinom ng dalawampung mga kabayo. At ang mas malala ay inutusan pa siya ni daddy na maglinis ng mga tae ng kabayo.

Malakas akong humalakhak nang makitang maraming tae ng kabayo ang dumikit sa katawan niya. Panay ang mura niya dahil roon. Puno na ng putik ang kanyang sapatos pati na rin ang dulo ng kanyang pantalon habang puno na rin ng pawis ang kulay abo niyang sweatshirt. "Grabe, hindi naman ako umaakyat ng ligaw eh!" reklamo ni Rhadleigh.

"Tumahimik ka na lang dahil magga-gardening ka pa." sabi ko.

"Shit!"

Nang matapos kami ay sumaglit muna kami sa man-made stream sa loob ng aming lupain na matatagpuan sa loob ng kakahuyan para maglinis siya ng katawan. Agad siyang lumusong sa tubig upang maalis ang mga nakadikit ng tae sa pwetan niya.

"Oy! Oy! Anong ginagawa mo?! Baka nakakalimutan mong babae ako!" tarantang sabi ko sa kanyang nang hinubad niya ang kanyang sweatshirt.

"Idiot. Ngayon ka lang ba nakakita ng topless na lalaki at abs?"

"Woy! Anong abs?! Mandiri ka nga sa sarili mo! Di ka macho!" singhal ko sa kanya.

"Anong tawag mo rito?" agad akong napaiwas ng tingin nang bigla itong humarap sakin habang tinuturo ang six-pack abs niya. Shit! "Bakit di ka makatingin sa direksyon ko?" nanunuya niyang tanong.

"A-Ang da-dami mong sinsabi! Bilisan mo na—Hoy!" nabigla ako nang tumilamsik sakin ang malamig na tubig ng sapa. "Ano ba!!" iniharang ko ang braso ko sa mukha upang maiwasan 'tong mabasa. Patuloy pa rin si Rhadleigh sa pagsasaboy ng tubig sakin.

"Bwisit ka!!" agad ako lumusong sa tubig at sinabayan siya sa pagsasaboy ng tubig. Ginamit ko ang lahat ng lakas ko para mabasa siya ngunit hindi iyon sapat, masyadong payat ang mga braso ko at hindi makadala ng maraming tubig habang ang kanya naman ay malalaki at malakas kaya basang-basa na ako.

"Tama na! Ayoko na! Ayoko na!" pigil ko sa kanya. Pinilit kong lumapit sa kanya habang nakatabing ang isang braso sa mukha ko para takpan ang aking mga mata. At dahil umaatras siya habang nagsasaboy ng tubig ay hindi ko magawang makalapit. Pinili kong lakihan ang mga hakbang at nang malapit ko na siyang maabot ay agad na dumulas ang paa ko mula sa isang medyo may kalakihang bato sa ilalim. Bigla kong napapikit dahil sa pagkabigla ngunit bago pa man bumagsak ang likod ko sa tubig ay isang matipunong bisig ang pumulupot sa aking baywang.

"Careful." he muttered using his husky voice. I slowly opened my eyes as I welcomed his weird gaze. Our faces are just inches apart, I can clearly see every details of his perfectly structured face. As we realize our situation he immediately released my waist and let me fell on the water. "Psh. Wag kasing tatanga-tanga." komento niya tsaka umahon sa tubig at sinampay ang damit niya sa kanyang balikat.

Bumalik kami sa bahay para sa pag-aayos ni Rhadleigh ng garden. Itinuro ko ang mga gagawin niya. Madali lang naman ang gagawin niya, papalitan niya lang ang mga halaman sa mga paso at didiligan, gagamasin niya rin ang mga ligaw na damo, at aayusin ang arrangement ng mga paso.

"Saan 'to  ilalagay?" turo niya sa malaking paso.

"Doon." walang kahirap-hirap niyang binuhat ang malaking paso at inilagay sa pwestong itinuro ko. His muscles flex as he carry those heavy pot. His lips protrude while scanning his own landscape.

"Hija, magmeryenda muna kayo." saad ni manang Cel habang may dalang isang malaking plato. Inilapag ng ilan pa naming kasambahay ang isang pitsel ng mango juice at dalawang baso.

"Rhadleigh, kumain ka muna." pag-aaya ko sa kanya. Lumapit naman siya nang matapos diligan ang ilang paso.

"Ah." nakanganga siya na para bang nag-aantay na subuan ko.

"Anong ginagawa mo?" tanong ko sa kanya.

"Subuan mo ko." kaswal niyang sagot.

"May tinidor naman." saad ko.

"Madumi pa rin ang kamay ko. Kaya subuan mo ako ng truffle." utos niya kaya't wala akong ibang nagawa kung hindi ang sumunod sa gusto niya. Itinusok ko ang tinidor sa isang truffle at isinubo sa kaniya. Muli akong tumusok ng truffle at inilapit iyon sa kanyang bibig.

"Di pa ako tapos ngumuya!" reklamo nito habang ngumunguya.

Ibinaba ko ang tinidor na may truffle at kumuha ng akin.

"Hingi pa." utos nito nang matapos ngumuya.

"Isubo mo na lang yang nasa tinidor mo." tamad na utos ko sa kanya ngunit hindi niya iyon ginawa. Nagulat ako nang hinigit niya ang palapulsuhan ko at isinubo ang may kagat ko ng truffles. "Hoy! Bakit mo kinain yung truffle ko?!"

"It's your fault." saad nito bago bumalik sa pagtatrabaho.

Mag-a-alas onse na nang matapos siya sa pagga-gardening. Sa saktong oras ring iyon ay bumaba sa garden si daddy.

"Dad, tapos na po si Rhadleigh sa lahat ng inutos niyo." anunsyo ko.

"Then he can go home." dad declared.

"Sasabay na po ako sa kanya." sabi ko para diretso na kami sa pag-iimbestiga.

"Who told you that you can go with him?" matalim na tanong ni daddy.

"Po?" kunot-noong tanong ko.

"Ilang oras na kayong magkasama diba? Sapat na iyon, bakit kailangan mo pang sumama sa kanya?" malamig na tanong ni daddy.

"Pero sabi niyo po papayag lang kayong makipag-date ako sa kanya kapag natapos niya ang lahat ng iniutos niyo." pagrarason ko.

"Hindi pa ba sapat iyong oras magkasama kayo kanina?" supladong tanong ni daddy.

"Daddy!" saway ko sa kanya.

"You can go home now hijo. Ipagpabukas mo na lang ang date ninyo." malamig na saad ni daddy bago kami tinalikuran.

"Thank you sir." saad ni Rhadleigh ngunit hindi man lang siya tinapunan ng tingin ni daddy.

"Haist! Tara na nga! Sana naman bukas, wala ng ipagawa sayo si daddy." walang buhay kong saad. Agad ko siyang iginiya sa kanyang kotse na hindi kalayuan sa bahay. "Magdasal ka na mamayang gabi na sana walang ipagawa sayo si daddy." siste ko.

"Psh. This will be the first and last time I will ask you for a date." inis nitong saad.

"Okay, pero wag kang magsalita ng tapos, baka kainin mo lahat ng sinabi mo." panunuya ko sa kanya.

"Tsk." agad niyang pinaharurot palabas ng gate ang kanyang kotse. Wala sa sarili akong napangiti.

I can say that I can really count on karma.