Page 12: Attack
Dear Past Self,
Walang kwenta para sakin ang araw na ito. Nakakainis at nakakainggit. This time ako na ang umiwas sa grupo nila Rhadleigh. Palagi kasing matatalim ang titig ng mga babae sa cafeteria. Sumabay na lang ako sa Ardrey. Mabait naman siya kaso nga lang isang metro lagi ang distansya namin sa isa't-isa.
Kanina bigla akong kinausap ni Fix, bakit raw hindi na ako sumasabay sa kanila. Ang sabi ko, ayaw ko nang sumabay sa kanila dahil palagi akong pinag-iinitan ng mga kababaihan.
And that was how my day ended. Boring.
July 10, 2014
Thursday
Saktong alas-siyete ng umaga ako lumabas ng kwarto. Ang sabi ni Rhadleigh ay nandito na raw siya sa bahay. Nang makababa sa sala ay nadatnan ko si Rhadleigh na seryosong kausap si daddy. Hindi ko inabala pa ang dalawa at mukhang hindi rin naman nila ako napansin. Dumiretso ako sa kitchen para mag-almusal.
"Good morning manang Cel." bati ko nang madatnan siyang naghahanda ng almusal.
"Magandang umaga hija. Kumain ka na at nariyan na ang ka-date mo." saad nito at inilapag sa hapag-kainan ang isang plato ng pancake at tasa ng hot chocolate.
"Kanina pa po si Rhadleigh?" tanong ko kay manang.
"Kararating lang naman." sagot ni manang. "Buti hindi na inutusan pa ng daddy mo. Kawawa naman yung bata. Pero mukhang seryoso ang usapan nila ngayon." dagdag pa niya.
Hindi na ako nagtagal pa sa pagkain at nang matapos ay agad akong pumunta sa sala. Nang makarating ay naabutan kong patayo na si daddy, mukhang tapos na silang mag-usap.
"Morning dad." bati ko at humalik sa pisngi niya.
"Morning." he greeted. "Go fix yourself. Rhadleigh is waiting for you." utos nito na ikinabigla ko. Agad akong napalingon kay Rhadleigh at nakitang nakangisi ito. I wonder what did my dad told him.
Mabilis akong nag-ayos ng sarili.
I wore a light pink dress under my denim jacket and a pair of black high leather shoes with brown socks. I tied my hair like bun and grab my small white leather backpack.
Matapos mag-ayos ay bumaba na ako sa living room.
"Let's go?" tanong niya nang matanaw ako. Muli kong pinasadahan ng tingin ang kanyang porma. He's wearing a black jacket under a white printed t-shirt and black pants paired with Vans shoes. I found it strange when I noticed that he's wearing a Ray-Ban eyeglasses. But anyway, it suits him and even made him manlier.
I nodded skeptically while looking at his guise.
"What's with your eyeglasses?" I queried after hopping inside his car.
"Hiding my real identity. Baka isipin ng ibang tao na totoong nagde-date talaga tayo." he casually reasoned out.
"Do you think that piece of spectacle can hide your oozing arrogance, overbearing haughtiness, and emanating presumptuousness?!" I vehemently uttered.
"Don't worry, you have my full attention during our date." he blankly jested.
I hopelessly shook my head before he maneuvered the car while grinning triumphantly.
Mabilis kaming nakarating sa Benignson's mall dahil naging maluwag ang daloy ng biyahe. Nang makababa sa kotse niya ay walang sabi-sabi akong nagtungo sa entrance. We were greeted enthusiastically by one of the guards. I slightly bowed my head as a respond before hurriedly take my way inside the monster's den. Rhadleigh is silently tailing me behind.
"So what's the plan?" he asked me.
Nasa tabi lang kami ng dalawang elevator sa first floor dahil naghihintay sa mga Benignsons o kung sino man sa kanila. Balita kasi ni Rhadleigh sakin na every Sunday raw ay pumupunta dito si Crale Benignson para personally i-check ang kalagayan ng main branch ng Benignson's mall nila. Ito kasi ang pinakamalaki sa lahat ng malls nila dito sa Pilipinas dahil nga nasa Maynila.
"We'll wait for him." sagot ko.
"Seriosly?! Let's just make a scene para mas mabilis." suhestiyon niya.
"Ayokong madumihan ang dignidad ko! Ikaw na lang tutal ikaw yung nakaisip!" buwelta ko sa kanya.
"Well then fine. Ano pang silbi ng disguise ko." mayabang niyang saad.
"Hoy teka! Wag mo akong idadamay dito! Kilala kita! Alam ko yang takbo ng sabaw mong utak! Sinasabi ko talaga sayo!" angil ko pero hindi niya ako sinagot, tanging isang nakalolokong ngisi lamang ang natanggap ko mula sa kanya. Walang sabi-sabi niyang hinigit ang braso ko at dahil likas siyang malakas ay agad akong nakaladkad. Pumasok kami sa isang kitchenware store at pumwesto sa mababasaging kagamitan sa kusina.
Well sa nakikita ko pa lang ay parang alam ko na kung ano ang mangyayari. Habang maaga pa ay dapat na akong lumayo sa tukmol na ito! Ayokong madumihan ang pangalan ko. Balak ko na sanang tumakas ng tahimik nang muling higitin ni Rhadleigh ang braso ko.
"What?! You love my bestfriend?! How could you do this to me?! Akala ko ako lang ang mahal mo?! What the hell!! Tapos malalaman ko na nakikipaglandian ka na sa kanya! What a whore you are!" bigla niyang sigaw tsaka niya hinampas ang isang lalagyan ng mga plato dahilan para mahulog at mabasag ang ilan sa mga ito. Naglikha ng malalakas na ingay ang pagkabasag ng mga plato. Gulat akong napasigaw dahil sa nangyari. Dali-dali namang nagsidatingan ang mga saleslady.
"Rhadleigh! Stop it!" mahinang saway ko sa kanya dahil hindi ko na nagugustuhan ang nangyayari.
"Ang landi mo! Two timer! Kaya pala hindi mo pa ko sinasagot dahil may mahal kang iba at ang mas malala pa ay bestfriend ko pa! Bullshit! Minahal kita pero binasura mo lang ang lahat!!" muli niyang sigaw bago muling hinampas ang isang shelf ng mga mababasaging baso dahilan upang mahulog rin ang mga ito at mabasag. Sa pagkakataong ito ay hindi lang ako ang sumigaw sa gulat, pati na rin ang mga saleslady kasama ang ilang nakikiusyosong mamimili.
Mabilis na rumisponde ang ilang guard para awatin si Rhadleigh. Dumating na rin ang manager ng buong mall para resolbahin ang kaguluhang nilikha ni Rhadleigh.
"Sir. I am the manager of this mall. I am sure that you are aware that you're making a scene here. Maybe we can convey this into a proper and calm talk or negotiation without making a ruction here in our mall." maingat na deklara ng kararating na manager.
"I want to talk to Mr. Benignson about this ruckus. I think he's the only one who can help me about this shameful mess!" galit na sabi ni Rhadleigh. "I want to personally make up a compensation with him." dagdag pa nito.
"Yes please. Follow me sir, ma'am." magalang na saad ng manager. Balot man ng takot at pagkabigla ay walang imik akong nagpadala sa hila ni Rhadleigh sa braso ko.
Iginiya kami ng manager papunta sa third floor ng mall kung saan matatagpuan ang office ng presidente. The manager opened the double door of the office of the president.
Tumambad samin ang malawak, malinis at organisadong opisina ni Crale Benignson. Sa pinakadulong gitna ng kwarto nakapwesto ang table ni Mr. Crale ngunit wala siya roon. Sa kanang bahagi naman matatagpuan ang maliit na sala, sa kabilang bahagi naman ang ilang mga bookshelves at mga cabinet na may mga laman sigurong mga files.
"Tatawagin ko lang po si President. Please have a seat. I know it's not good to leave you here lalo na't may hindi kayo pagkakaintindihan pero mabilis lang po ito." pahayag ng babaeng manager bago lumabas ng office.
Biglang tumayo si Rhadleigh at pumwesto sa pintuan. Nang mapagtanto kung ano ang ginagawa niya ay agad akong nagtungo sa kabilang side ng room kung nasaan ng mga cabinet na naglalaman ng files. Bawat drawer ay may mga labels. Ang problema lang ay lahat naka-lock.
"Make it fast." Rhadleigh hissed.
"Teka lang! Naka-lock lahat!" lumipat ako sa isang double drawer cabinet. Maliit lang iyon at may nakalagay na 'Former Employees Files'. Sa lahat ng cabinet ay iyon lang ang hindi naka-lock dahil mukhang hindi naman ganoon kaimportante ang files. The urge to gain some clues made me open it. Mga files iyon mula three years ago hanggang ngayon. At ngayong taon ay may apat silang naging former employees. Kinuha ko ang apat na files na iyon para tingnan.
Caroline B. Cruz, 25 years old-Secretary of the President
Rodelio A. Zantua, 59 years old-Janitor
Manuel R. Echano, 41 years old- Guard
Nabitawan ko ang panghuling folder dahil sa gulat.
Justine Romero, 18 years old- Salesman
Nangilabot ako sa nakita. Ngayon ko lang nalaman na empleyado pala siya ng Benignson's mall. Parang bigla akong binalot ng pagdududa, hindi kaya may kinalaman sa pagkamatay niya ang mga Benignson?!
"They are here." mahinang anunsyo ni Rhadleigh. Mabilis kong kinuhanan ng litrato ang apat na folder bago dali-daling inayos ang mga files at ipinasok sa drawer at bumalik sa sofa.
Kasabay ng pagsalampak ko sa sofa at ang pagbukas ng double door ng opisina. Tumambad samin ang babaeng manager kanina at si Crale Benignson na mukhang galing sa pagkakaidlip. He's wearing a formal attire with his disheveled hair and sleepy eyes.
"Morning." bati nito habang bakas ang malamig na ekspresyon sa kanyang mukha bago dumiresto sa tapat ng sofa kung saan kami nakaupo. Pareho kaming napatayo ni Rhadleigh bilang pagbibigay ng respeto at pinanatili ang distansya sa isa't-isa para mas kapani-paniwala ang arte niya. "You are Mr...?" panandalian siyang tumigil na para bang inaantay na malaman ang pagkakakilanlan ni Rhadleigh.
"Cepeda, I'm Rhad Cepeda." inilahad niya ang kamay sa harap ngunit hindi iyon tinanggap ni Mr. Benignson. Tanging malalamig na titig lang ang ibinibigay niya samin.
"Mr. Cepeda. I heard about the rumpus you did inside my mall-" Hindi pa man natatapos ang pagsasalita ni Mr. Crale ay agad na siyang pinutol ni Rhadleigh.
"I am very sorry about the inconvenience and disturbance. I will pay triple for the damages and trouble I made. But I'm hoping that you could shut the mess I made, you know, to avoid scandals. I'll pay you for that. Is that okay?" Rhadleigh compromised. "I promise that it will never happen again. I am really sorry. I was driven by my emotion, I'm sorry." he added.
"I understand Mr. Cepeda. I also hope that the both of you will come into terms again. Don't worry, this won't be a big problem for the both of you and for the reputation of the mall. We are still going to fix it even you didn't ask for it. So I hope this won't happen again...as if I will let it recur!" tila may pagbabanta sa huling sinabi niya. Kahit nakangiti siya ay ramdam ko ang pisi ng pasensya na kanina niya pa pinanghahawakan ay tuluyan ng naputol. Mukhang nagising namin ang isang halimaw mula sa pagkakahimlay nito. Alam kong delikado ang ginawa namin pero atleast ay may nakuha akong lead. But I can't still prove that they are connected to Justine's death. Siguro ay kailangan naming imbestigahan ang tatlo pang former employees. Kung ano ang dahilan kung bakit wala na sila sa Benignson's mall o kung buhay pa ba sila.
"He's suspicious." komento ni Rhadleigh habang nasa hideout nila. Kami lang dalawa, wala yung ibang unggoy.
"Sa tingin mo ba, siya ang mastermind ng lahat?" hindi ko pa naikukwento kay Rhadleigh nangyari kay Justine pero kasalukuyan kaming naghahanap ng impormasyon tungkol sa mga former employees ng Benignson's mall.
"Ito yung Facebook account ni Caroline Cruz. Sa latest posts sa timeline niya ay puro Rest In Peace para sa pagkamatay niya-"
"T-Teka! Patay na siya?!" hindi makapaniwalang tanong ko. Inagaw ko kay Rhadleigh ang laptop niya. Sinuri ko ang Timeline ni Caroline. Puro nga Rest In Peace na post na galing sa mga friends niya sa Facebook ang naroon, meron ding mga message at pictures niya bilang pag-alala sa kanya. Binasa ko ang ilang posted messages ngunit puro lamang iyon pagpapasalamat at pagpupugay sa kanya, walang clue kung bakit siya namatay. Ipinagpatuloy ko ang pag-scroll sa timeline niya. Bigla akong napahinto nang makita ang last post niya.
Ω-
"What is that? Omega sign?" tanong ni Rhadleigh nang makita ang symbol na mismong huling post ni Caroline.
"Omega means end Rhadleigh. Baka ipinaparating niyang malapit na ang katapusan niya? Alam niyang mamamatay na siya." hinuha ko habang nakakunot pa rin ang noo. Anong purpose ng pag-post niya ng ganito? Dying message? Natatakot siyang sabihin na mamamatay na siya? Pero paano naman niya nalaman na katapusan niya na? Illness? Death Threats?
"Mag-scroll ka pa." utos ni Rhadleigh sakin kaya hinawakan ko ang mouse. Muli akong napahinto nang makakita ng isang post sa timeline niya mula sa isang anonymous account ngunit sa pagkakataong ito ay binalot na ako ng kaba at takot. A picture of a hello kitty stuff toy was on the post. With a caption of 'Silence means Death.'
Nagsimulang manginig ang kamay ko. Mas bumilis ng tibok ng puso ko. Pakiramdam ko ay unti-unting umiinit ang temperatura sa paligid at naninikip ang dibdib ko. Nagsimula na akong kapusin ng hininga. I can sense the impending doom and the rapid abnormal rate of my heart. My whole body is sweating and I can feel the tightening of my throat. I started to gasp for air.
"Hey. Are you okay?" hindi ko na maaninag ang mukha ni Rhadleigh. Bawat segundo'y nilalamon ng kadiliman ang buong paligid. Nagsisimula nang mamanhid ang buong katawan ko. "Lysandra!" bahagya akong napasandal kay Rhadleigh habang naghahabol ng hininga.
"M-My me-meds....on my ba-bag." kahit hirap huminga ay nagawa ko pa ring makapagsalita. Mabilis na inabot ni Rhadleigh ang bag ko at inilabas ng medicine kit ko.
"Alin dito?!" I can sense panic on his voice while rummaging all the things inside my med kit.
"An-Anti-arrhythmic i-injection and S-SSRI anti-depressant." nahihirapan kong sagot. Nang mahanap ang tamang gamot ay agad niya itong itinurok sa braso ko at ininom ang anti-depressant para mapakalma ang sarili pagkatapos iniabot niya sakin ang inhaler.
Mahigpit ang hawak ko sa inhaler habang tinatanggap ang hangin na kailangan ko. Naramdaman ko ang marahang paghimas ni Rhadleigh sa likod ko na tila tinutulungan akong kumalma at hinayaan ako na sumandal sa dibdib niya. Habang tumatagal ay nagiging kalmado na ang paghinga ko at sinusubukang mag-vagal maneuver. Unti-unting napawi ang abnormal na bilis ng tibok ng puso ko at gumagaan na ang pakiramdam ko ngunit nanlalabo pa rin ang aking paningin. Ibinaba ko na ang inhaler nang naging maayos na ang paghinga ko matapos ang ilang minuto. Nanatili akong nakasandal kay Rhadleigh dahil nananatili pa ring walang lakas ang katawan ko.
Everytime na napag-uusapan ang kamatayan ay para akong nawawala sa sarili. Bigla na lang akong balutin ng matinding takot tapos magkakaroon ng panic attack. Hindi ko alam kung saan iyon nagsimula. Basta bata pa lang ako ay ganoon na ang nangyayari. Hindi ko alam ang dahilan kung bakit takot na takot ako sa salitang kamatayan. Siguro dahil sa pagkamatay ni mommy.
"Hey. Feeling better?" mahina niyang tanong habang hinihimas pa rin ang likod ko.
Bahagya akong napatango bilang sagot.
"Do we need to go to the hospital?" nag-aalala niyang tanong na ikinailing ko.
Sinubukan kong bumangon mula sa pagkakasandal sa dibdib niya ngunit pinigilan ako ng kanyang bisig. "Stay still Lysandra. Don't push yourself if you're still weak." matigas niyang utos.
"Thank you." nanghihinang bulong ko.
"Idiot." he twitted.
Ilang minuto kaming nanatili sa ganoong posisyon. Inaamin kong komportable ako, pakiramdam ko ay unti-unting nagiging maayos ang lagay ko. But my heart is still beating so fast. A different and strange tempo, a pace that is not enough to disrupt my normal heart function. Para akong kinakabahan ngunit iba ang nararamdaman. A peculiar feeling that I never had experienced.
"Jaceee-oh! So-Sorry!" napahiwalay kami sa isa't-isa ni Rhadleigh nang biglang bumukas ang pinto. Nadatnan namin si Dice na nahihiyang nakatago sa pintuan. "I-I d-didn't mean to interrupt." nahihiyang saad nito habang sumisilip.
"It's not what you think." seryosong saad ni Rhadleigh.
"Ye-Yeah. Tinulungan niya lang ako." sagot ko habang inaayos ang laman ang medicine kit ko.
"Tinulungan saan?" nag-uusisang tanong ni Dice.
"I-I had my panic attack that triggered my arrhythmia." Sagot ko bago kinuha ang gamot sa panic attacks ko.
"What do you mean by panic attack? There is no terrifying thing in here." kunot-noong puna niya sa timeline ni Caroline.
Umiling ako sa punto niya at hindi na gusto pang ipagpatuloy ang usapan. Bumaling na lamang ako kay Dice. Akala ko ay may family gathering sila sabi ni Rhadleigh.
"By the way, what are you doing here Dice? Akala ko ba may family gathering kayo ngayon?" tanong ni Rhadleigh.
"Tinamad na akong pumunta. Ikaw? Ba't kayo nandito?" bakas sa tono niya ang paghihinala.
"This is about her proposal I've told you." dumiretso siya sa sofa at humilata roon habang ako naman ay pinatay na ang laptop.
"Okay." Dice nodded. "Anyway, Unicorn- I mean Linda-"
"Its Lysandra!"
Hindi niya pinansin ang sinabi ko. "What's arrhythmia?" kuryoso niyang tanong.
"It's a heart rhythm problem. It's uhh an abnormal speed and irregular heartbeat of my heart, it has two different types. Tachycardia and Bradycardia. Kanina lang, I experienced tachycardia, its a rapid pulse rate faster than the normal heartbeat." paliwanag ko.
"Oh. It sounds so bad." komento nito bago dumiretso sa loob. "So are you feeling well?"
"Yeah. Thanks to Rhadleigh." mahina ang pagkakasabi ko sa huling pahayag na lumabas sa bibig ko, hindi ko na nagawa pang sulyapan si Rhadleigh at mas piniling abalahin ang sarili. Naupo si Dice sa tabi ko at umusog papalapit sakin. "Penge number mo." pacute nitong saad.
"Wala ka bang number at nanghihingi ka?" pilosopo kong tugon.
"Damot, number lang eh! Di ka ba nagsasawa kay Jace? Boring yang kasama eh! Ako astig kasama!" pagmamayabang niya habang sinusundot-sundot ang tagiliran ko. Itinapon ko sa kanya ang cellphone ko nang hindi ko na nakayanan ang kanyang pangungulit. Agad niyang nasalo ang aking phone at mabilis itong minaniobra.
"Harigato, harigato!" he means arigato, thank you in japanese. Medyo may alam ako sa Japanese dahil minsan na rin kaming nagbakasyon doon ni dad. Dumapo ang tingin ko sa aking phone. Nasa phonebook pa rin iyon kaya't nakita ko kung ano ang ginawa niya.
Lee Minho♥️😚
Tapos may picture niyang nakanguso habang nakapikit.
"Ano 'to?"
"Number ko." maang-maangan niyang sagot.
"What I mean is bakit ganito ang pangalan mo dito?"
"No need to state the obvious! I know na napapansin mo na kasing gwapo ko si Lee Minho so ayan!" pagbubuhat niya ng sariling bangko. Wala sa sarili akong napatayo sabay kuha ng bag ko at naupo sa tabi ni Rhadleigh. Hindi na ako sumagot pa.
"Tara." yaya ko sa kanya habang pinanatiling mahina ang boses para hindi marinig ni Dice.
"Saan." he slanted his head and lessen the space between us para mas marinig ko ang sasabihin niya.
"Sa address ni Caroline." bulong ko.
"You should rest."
"Okay na ako. Sanay naman na rin ako." I assured him.
"No. You need to rest." pinal niyang sambit habang mariing nakatitig sa mga mata ko.
"Gutom na ako." naputol ang titigan namin nang magsalita si Dice at sabay kaming napalingon sa kanya. Nakangisi ito habang pinagmamasdan kami. "Kayo ba gutom na rin?" nanunuya nitong tanong.