Page 13: With Supot and Tukmol
"Linda, matagal pa ba yan?"
"Its Lysandra Dice! Hindi Linda!" pagtatama ko sa kanya.
"Ang haba naman kasi ng pangalan mo!" pagdadahilan niya.
"Three syllables lang Dice. Anong mahaba dun?"
"Yung Linda two syllables lang." bigo akong napa-iling. Ipinagpatuloy ko na lamang ang pagluluto. Hindi namin namalayan na inabot na kami ng tanghali kaya dito na namin napagdesisyunang magtanghalian. Nung una dapat magpapadeliver sila pero ang sabi ko ako na lang ang magluluto. Agad namang pumayag si Dice, gusto niya raw tikman ang luto ko.
"Luto na ito. Maghanda ka na ng pinggan." utos ko kay Dice.
"Rhadleigh. Luto na raw, maghanda ka na ng pinggan." utos ni Dice kay Rhadleigh na nasa sala.
"Sayo ko iniutos diba!" supot na nga tamad pa! Pagkatapos kong iutos sa pusa, iuutos naman niya sa daga. Pinagluto ko na nga tatamad-tamad pa.
"Tinatamad ako." sagot niya at humilig sa mesa. Sabay kaming napalingon kay Rhadleigh nang bigla siyang pumasok sa kitchen. Sinundan ng mga mata namin ang pagtungo niya sa lalagyan ng mga plato. Nabigla ako nang kumuha siya ng tatlong plato roon pati na ng kutsara at tinidor, inilapag niya iyon sa mesa at tahimik na inayos. Pareho kaming natigalgal ni Dice. It is unusual to see Rhadleigh fixing everything on the table. Kapag sumasabay ako sa kanila dito ng tanghalian ay never ko siyang nakitang tumulong sa gawaing bahay. Si Fled at Fix lang ang masipag na nag-aayos ng lahat. Ni pagva-vacuum nga sa sala hindi ko yan nakita, dito pa kaya.
"What are you still waiting for? Serve the food, I'm hungry." utos nito dahilan para mabalik ako sa aking sarili.
Inilapag ko sa mesa ang isang mangkok ng kaldereta at kanin pati na rin ang isang plato ng fried chicken. Huli kong inilapag ang dalawang mangkok ng mushroom soup para sa dalawa.
"Wow! Ang bango!" masayang komento ni Dice. Naunang kumuha ng kanin at ulam si Dice. Agad niyang nilantakan ang kaldereta. "It tastes good. Ang galing mo pa lang magluto?!" puri niya.
"Hindi naman, marunong lang." tugon ko at nagsimula na ring sumandok ng kanin. At sumunod naman si Rhadleigh.
Tahimik kaming dalawa ni Rhadleigh sa pagkain habang si Dice naman ay panay ang kwento tungkol sa family gathering nila kahit wala namang nakikinig sa kanya.
"Alam niyo boring sa family gathering namin, gumala na lang tayo!" masigla niyang suhestiyon.
"Mag-amusement park tayo! Or Mall, mas malapit sa mall. Malapit lang ang Benignson's mall!" napaubo ako dahil sa sinabi niya. Biglang kumunot ang kanyang noo dahil sa reaksyon ko at napabaling sakin. "Okay ka lang Linda?" marahas akong napabuntong hininga. Sabing Lysandra hindi Linda! Ano bang mahirap sa pangalan ko. Tunog matanda yung Linda!
Tumayo ako at isinalansan ang mga plato at kubyertos. Naubos ang mga niluto ko. Hindi ko alam na malakas palang kumain yung dalawa. Hindi ko naman sila nakitang kumain ng ganito noong dito ako nakikain.
Napatigil ako sa pag-iisip nang hinawakan ni Rhadleigh ang palapulsuhan ko. "You should take a rest." he trailed off. "Kami na ang bahala diyan." mahina niyang sabi.
"Bro, wag mo akong idamay—" he paused when Rhadleigh's dagger eyes drifted on him. "Sabi ko nga."
"Su-Sure ka?" nag-aalangan kong sagot.
He gave me an assuring look before letting my wrist go. His hand reached the plates and silently do the chore.
"Si-Sige, sa poolside lang ako—" before I can even complete my statement, he immediately cut me off.
"Second floor, the fourth door on the right side. Doon ka dapat magpahinga." his last words was marked with finality. I have no choice but to follow his words and march to the stairway. I reached the second floor with no sweat. I roamed my eyes as it was filled with a modernly designed interior. The left hall was designed with wide glass windows that reached the floor and ceiling, wide veranda with a set of coffee table, expensive vases, French doors on the side wall, and enigmatic paintings on the blank white wall. While the right hall was constructed with face to face room doors, and dim yellow lights. I went to the right hall. Hinanap ko ang ikaapat na pinto sa kanang side. Just like the other door, it was made up of well carved and sculptured hard wood.
Hinawakan ko ang seradura at pinihit ito. Tumambad sakin ang malawak at malinis na kwarto. A gray and black queen sized bed was placed in the middle end of the room. A column-shaped bookshelves was constructed on the both side of the room. A modern designed study table and small cabinets on the right side. I stopped myself from examining the whole area.
Nagtungo ako sa kama at pabagsak nahiga roon. As I slammed on the bed, I suddenly feel the quick strike of weariness but it was surmounted by the relaxing and calming scent of fresh mint mixed with a manly fragrance of a man's perfume. A familiar scent of a person.
Before I can even decipher what's on my mind, I was pulled by my exhaustion.
Naalimpungatan ako nang makarinig ng lagaslas ng tubig mula sa kung saan hanggang sa tumigil ito bigla. Dahil sa medyo pagod pa rin ako ay pinilit ko ang sarili na mamahinga muna. Para akong hinihele sa kinahihigaan ko. Komportable at masarap sa pakiramdam. Sinubukan kong humarap sa kabila para baguhin ang aking posisyon nang biglang mapatigil. Questions filled my head.
Nasan nga ulit ako?
Agad akong napabalikwas sa kama nang mapagtantong hindi ko ito kwarto. Inilibot ko ang aking paningin, naalala ko na nakatulog nga pala ako dito. Pero wala akong naalalang nahiga ako sa ulunan ng kamang ito at tinabunan ang aking sarili ng comforter, hindi ko rin maalala na naghubad ako ng sapatos. Bumukas ang isang pinto sa kaliwang bahagi ng kwarto at lumabas roon si Rhadleigh. With only wearing a white towel snaked on his hips showed his sexy v line, chiseled chest, and six pack abs. Few droplets of water are dripping from his damp hair onto his masculine chest.
Halos lumuwa ang mga mata ko dahil sa gulat. Mabilis akong napabaling sa ibang direksyon.
"Gising ka na pala. Kung gutom ka na, merong merienda sa baba." he stated.
"O-Okay... K-Kwarto mo to?" I asked out of the blue. I started fidgeting using my fingers and nervously look at him.
"Yeah." he huskily answered. "Katatapos lang namin maghugas ni Dice, nabasa ako ng sobra kaya itinuloy ko na lang na maligo." napakunot ako ng noo dahil sa sinabi niya.
"Katatapos pa lang? Gaano ba ako katagal nakatulog?" tanong ko sa kanya.
"Maybe two hours?" hindi niya siguradong sagot.
"T-Two hours?! Ang tagal niyo namang natapos maghugas." hindi makapaniwalang komento ko.
"Maybe it's because we're lacking in household chores skill." he reasoned out before entering another door.
Hindi makapaniwala akong napailing bago tumayo. Inayos ko ang kama at ibinalik iyon sa dating ayos. Nang matapos ay pinasadahan ng aking mga daliri ang aking mahabang buhok. Nanatili pa rin ako sa loob habang nakatulala. Gusto kong magpasalamat sa kanya dahil hinayaan niya akong makapagpahinga. Una, naghirap muna siya bago matupad itong gawa-gawa naming date, pangalawa, tinulungan niya ako kanina nang inatake ako ng arrhythmia at panic attack ko, hinayaan niya pa akong sumandal muna sa kanya kahit sandali habang pinapakalma ako. And lastly, he let me rest inside his room kahit pwede naman ako sa sala o poolside. Ngayon ko lang napagtanto na may side rin pala siyang ganito.
I heard a door opened. Rhadleigh came out wearing a simple maong pants and white long sleeve polo. His slightly wet hair makes him looks manlier.
Nagulat pa siya nang makita pa rin ako sa loob ng kanyang kwarto. "Anong nangyari sa kamay mo?" tanong ko nang dumapo ang aking paningin sa dalawa niyang kamay.
"Uhm. Just a result for being reckless."
"May first aid ka? Gagamutin ko." alok ko sa kanya.
"No need." pagtanggi niya.
"Kapag hindi yan nagamot ay pwede yang maimpeksyon...kaya ga-gagamutin ko." hindi ako makatingin sa kanya habang sinasabi ang panghuli kong pahayag. Gagamutin ko siya hindi dahil nag-aalala ako, I just see it as the right thing to do lalo pa't hindi siya masusugatan kung hindi ko sila iniwan roong maghugas. Kabayaran din sa pagtulong niya kanina habang hirap akong huminga.
"Okay." mahina niyang tugon tsaka pumasok sa bathroom. Paglabas niya ay may dala-dala na siyang box. "Here." inilahad niya sakin ang aid kit nang makalapit bago kami parehong naupo sa kama. Kinuha ko ang ointment at cotton.
I can sense that he's watching me intently and it makes me feel uncomfortable. Parang bawat galaw ko ay sinusuri at kahit maliliit na detalye ng ginagawa ko ay pinagmamasdan niya. Nanginginig ang kamay ko habang nilalagyan ng ointment ang cotton. Pilit kong kinakalma ang sarili at isinantabi ang kanyang pagmamasid. Inabot ko ang kanan niyang kamay dahil iyon ang may pinakamaraming sugat at nagdurugo. Puno iyon ng sugat at may natira pang ilang maliliit na bubog. Ibinaba ko muna ang ointment at cotton dahil kailangan muna iyong linisin. Ginamit ko ang tweezers para makuha ang natirang mga bubog. Maingat ko iyong ginamit upang hindi siya masaktan.
I stopped when he flinched.
"Sorry." I whispered.
"Its fine." paos niyang tugon.
Ipinagpatuloy ko ang ginagawa. Nang matanggal ko na lahat ng bubog ay nilinis ko muna ang kanyang kamay bago kinuha ang cotton na may ointment. Marahang ko iyong idinampi sa sugat niya. Bawat galaw ng kamay ko ay sobrang gaan para hindi siya masaktan. Nang matapos sa panggagamot sa sugat niya ay binalutan ko na iyon ng gauze.
Sinunod ko naman ang kabila niyang kamay. Kaunti lamang ang sugat roon at walang bubog kaya't madaling linisin at gamutin. Mabilis ko iyong nabendahan. Katulad ng nauna, maingat ko rin iyong ginamot para hindi siya masaktan.
"Tapos na." I declared.
"Thank you." our eyes met and were locked on each other. No one dared to break our gazes nor blink. We stayed more than seconds staring intently on each other. I want to thank him for everything but I can't find my voice. Ang itim na itim niyang mga mata ay tila isang balong malalim na hinihila ako pababa hanggang sa malunod ako sa malamig nitong tubig. Unti-unti akong nilalamon ng kawalan. Para akong inaakit ng kanyang mga mata at tuluyan ko nang nakalimutan ang dapat na sabihin. I was lost in his eyes.
But the moment was shattered when a monkey interrupted.
"Excuse me, pwedeng maka-istorbo?" Dice's innocent voice echoed inside the room. Napaiwas kami ng tingin ni Rhadleigh sa isa't-isa, tila hiyang-hiya at dismayado sa pangyayari. Tumikhim si Rhadleigh at umayos ng postura. "Pwedeng ako din? Hapdi na kasi netong sugat ko eh. Kahiya naman sa inyong dalawa!" lumapit siya sa kinaroroonan namin na mukhang batang nadapa at gustong-gusto nang umiyak dahil sa sakit.
Parang bata niyang inilahad sakin ang lasog-lasog niyang kaliwa't kanang kamay. Marahas akong napabuntong hininga. "Ano ba kasing nangyari?" kuryoso kong tanong sa kanilang dalawa.
"This is all Jace's fault! Eh kasi hindi naman talaga kami marunong maghugas! Pilit pa nang pilit!" Dice ranted. "Sabi niya madali lang daw, eh hindi rin naman siya marunong! Siya nga yung unang nakabasag ng plato, nabitawan niya! Then we fought kung sino ang magsasabon kaya ayun natabig ko yung dalawang plato. At dahil basag na yung mga plato edi binasag na rin namin yung mga baso at mangkok para wala na kaming huhugasan but unfortunately we still have cutleries, pot, and fry pan! So we have no choice but to wash those freaking metallic stuffs! Alam mo bang nakatatlong sabon kami roon dahil may mga naiiwan pang mga nakadikit na pagkain?!!" he frustratedly broadcasted.
Bahagya akong natawa dahil sa dinanas nila. Mas lalo akong natatawa kapag nai-imagine ko. Both of their faces were crumpled and annoyed that made me more gratified and laughed so hard.
Nang matapos ko ring gamutin ang mga sugat ni Dice ay agad akong nagtungo sa kusina. Muli akong natawa nang makita ang ilan pang bubog na nakakalat sa sahig at ang basang-basang sink, mga cabinet, pati na ang sahig. Mukhang bumaha sa kusina.
Bago pa man kami umalis ay nilinis ko muna ang lahat ng kalat nila.
Pasado alas singko nang iuwi ako ni Rhadleigh sa bahay, sumama pa yung supot. Ayaw niya raw kasing maiwan sa hideout.
"Babye Linda!" kumaway-kaway pa si Dice sakin.
"Its Lysandra." I corrected him.
"Okay Linda." pang-aasar niya pa. Lumingon ako kay Rhadleigh na blangkong nakatitig sakin. He seemed waiting for something.
Nilakasan ko na ang loob ko. Kahit na itinuturing ko siyang kamatayan ko ay gusto ko pa ring sabihin. Kahit na gawa-gawa lang naman ang date na ito. "Hey. Thank you!" I finally said it with a satisfied smile. I know, I saw a ghost of a smile on his lips. Thank you for this day, thank you sa isang nakakabaliw na misyon, thank you sa pagtulong sakin, at thank you sa lahat ng paghihirap niya para sa araw na ito. Hindi ko rin naman masasabing isa itong date, pero sa tanang buhay ko ay ngayon lang ako nakaramdam ng ibang saya mula sa ibang tao. Pinaghirapan niya ang araw na ito at masaya ako doon kahit na para naman ito sa misyon namin but sadly, this will be the first and last date kuno namin kahit na may extrang kasama. Dahil mukhang na trauma na si Rhadleigh kay daddy.
Mabilis akong pumasok sa gate at bago pa man umandar ang sasakyan nila ay bigla akong sumigaw. "BYE TUKMOL!! BYE SUPOT!!" I merrily shouted before running away. Rhadleigh as Tukmol and Dice as Supot.
Nang makapasok sa kwarto ko ay agad kong pinalitan ng Supot at Tukmol ang pangalan nilang dalawa. Wala sa sarili akong napangiti. Mas lalo akong natatawa kapag naaalala ko iyong paghuhugas nila pati na rin yung acting-acting-an niya sa mall. Para ako doong natatae!
Napabangon ako nang biglang tumunog ang phone ko.
From: Supot
Sino sa amin yung supot Linda?! Si Jace ba?!🤔 Eh yung tukmol?!😡
To: Supot
Of course ikaw yung supot!♥️
From: Tukmol
What the hell did you call us!?
To: Tukmol
Don't worry ikaw si Tukmol.
From: Tukmol
What the heck is Tukmol?!
To: Tukmol
Gumamit pa ko ng English-Filipino dictionary nito ah! Tukmol means turtledove. While Supot means you're still not 'tuli'.😂
Well ang totoo naman ay iba ang definition ko ng tukmol. Hirap lang talaga akong i-explain sa kanya kaya gumamit na lang ako ng dictionary kahit hindi naman talaga yun yung meaning para sa akin.
From: Supot
Gumamit ako ng dictionary! Supot means plastic bag or pouch or a bag of something! Kala mo Linda ha!
Natawa ako ng malakas dahil sa reply niya may screenshot pa siyang sinend sa'kin na nagpapatunay na gumamit nga siya ng English-Filipino dictionary. Palibhasa mga anak mayaman, mga suki sa mall at amusement park, at mga anak ibang bansa kaya hindi alam ang mga balbal at salitang kalye.
From: Tukmol
Turtledove are known to be a small old world dove with a soft purring call, noted for the apparent affection shown for it's mate. So are you hitting on me? Sounds like you're showing your affection for me.
Napasinghap ako sa mahaba niyang reply. Ang kapal ng kupal! Napaka-assuming! Nakakainit ng ulo! As if naman yun talaga ng ibig kong sabihin!
To: Tukmol
Wag kang mag-assume! TUKMOL!
From: Tukmol
Aww. You're so sweet my turtledove!
To: Tukmol
Baliw! May iba pang meaning ang tukmol at iyon talaga ang ibig kong sabihin hindi turtledove! Mag-search ka kaya sa Google!!!
Halos lumubog na ang screen dahil sa diin ng pagkaka-type ko sa sobrang gigil. Baka isipin niya na may gusto na ako sa kanya! Aba ang kapal niya naman ata!
From: Tukmol
Quit denying it turtledove! Well you should rest dahil gagawa pa tayo ng sarili nating nest.
To: Tukmol
TUKMOL! TUKMOL! TUKMOL! Bahala ka sa buhay mo! Isipin mo kung anong gusto mong isipin basta hindi yan ang ibig kong sabihin ng meaning ng tukmol. Joke lang naman yung una kong reply eh!!!
Sa inis ko kay Rhadleigh ay hindi ko na napansin pang ang dami na pa lang unread messages galing kay Dice.
From: Supot
Linda, I searched for Tukmol, and it means turtledove!
From: Supot
Ba't ang ganda ng meaning kay Rhadleigh, pangit lang pakinggan. Parang nakakabastos.
From: Supot
Yung akin, bakit supot? Ang pangit rin!
From: Supot
Magreply ka naman!
From: Supot
Linda. Sabay ka samin bukas sa lunch ah.
From: Supot
Sunduin kita bukas sa room niyo!
From: Supot
Hoy ano na! Kanina pa ako dito text nang text wala ka namang reply!!😡
From: Supot
I hetchu! Kainis ka!😠
From: Supot
LINDAAAA!!
From: Supot
Reply lang ipagdadamot mo pa!
To: Supot
.
From: Supot
Grabe nag-effort ka pa!
From: Supot
Lindaaa! Animal ka!