Page 14: Jealousy
Dear Past Self,
Lumipas ang ilang araw ay hindi na lang ako ang umiiwas. Sila rin kasama si Lauren. Si Ardrey na lang ang nakakasama ko. Okay naman siyang kasama lalo pa't pareho kaming bookworm kaya masaya rin naman siyang kasama. Nagkukwentuhan kami tungkol sa mga libro pero mahalaga pa rin talaga ang distansya sa pagitan naming dalawa para hindi siya masuka. Ngayon masasabi kong magkaibigan na kami. Pero nakakamiss lang yung grupo nina Rhadleigh. Puro kasi kalokohan ang mga yun. Nakakamiss lang talaga. Sana ang pagkakaibigan ay hindi palaging binabase sa sukat ng estado sa buhay. Nakakapanghinayang lang na naging kaibigan ko rin sila pero natapos agad. Nasa akin ang atensyon nila at ni Rhadleigh pero nang dumating si Lauren ay naiwan na ako.
July 24, 2014
Thursday
From: Supot
Ohayo gouzaimasu Linda-sama!!!😘
Paggising na paggising ko ay text agad ni Dice ang tumambad sakin. Ohayo Gouzaimasu means good morning in japanese. Gumamit rin siya ng 'sama' instead of 'san'. Ginagamit kasi ang 'sama' pagkatapos ng pangalanan kapag mataas ang tingin mo sa isang tao.
I type lazily.
To: Supot
Ohayo, supot
From: Supot
Kumain ka na?
From: Supot
Anong oras pasok mo?
Hindi na ako nagreply pa dahil flood na lahat ng texts niya. Mas pinili kong mag handa na lang sa pagpasok sa eskwela. Walang tigil ang pagpasok ng mga message niya phone ko.
"Morning dad!" humalik ako sa pisngi ni daddy.
"Good morning." he formally greeted. "How's your date yesterday?" he asked with a hint of suspicion in his voice.
"Okay lang po." I answered nonchalantly. Naupo ano sa tapat niya at kumuha ng sandwich.
"Hinawakan ka, niyakap o....hinalikan?" unti-unting nagiging malamig ang tono ni daddy. Nagulat ako sa tanong niya. Seriously?! Saan naman niya nakuha ang tanong na yan?!
"H-Hindi po. Actually kasama namin si Dice sa date namin." I truthfully answered.
"And who is this Dice?"
"Derickson Villegas po of Villegas Enterprises. Kaibigan rin ni Rhadleigh." bahagya siyang napatango bago nagpatuloy sa pagkain ng almusal na tila ba nawala ang lahat ng bumabagabag sa kanya.
"By the way, si Fix na ang palaging maghahatid sayo pauwi at lagi ka nang sasabay sakin papuntang school." I was taken a back. Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Para saan naman?
"Bakit po?" takang tanong ko.
"Romoaldez family is very important to our family. Dapat magkasundo kayo ni Fix. You should spend time with him." he formally announced.
I knew it. Befriending with him is only for the sake of our family state, connection, and business purposes.
"Kung iniisip mong para ito sa pag-angat ng pamilya natin ay nagkamali ka. I just want you to have a friend para kapag ayaw mong mag-open up sakin ay may matatakbuhan ka." he sincerely uttered.
I stopped moving because of his words. It touched my heart. Day by day, he's changing. Parang bumabalik na ang dati kong daddy. Bumabalik na kami ngayon sa dati kahit wala na si mommy, na noo'y akala ko ay napag-iwanan na ako ng sarili kong pamilya. Mag-isa. Walang magulang, walang kaibigan, walang katuwang, at walang masasandalan. Pero ngayon nagiging maayos na ang lahat. Dahil siguro ito sa diary ng hinaharap ko. Unti-unti kong binabago ang sarili kong tadhanan at umaayon ang lahat sa dapat nitong kalagyan. Sa tamang landas na nakaligtaang ng sarili kong hinaharap kaya ngayon ay ako ang nagpatuloy ng lahat. At ako ang tatapos sa dapat na matagal na niyang natapos.
"Hi Lee, tapos ko na yung pinapagawa mo saking Related Literature." ipinatong ni Ardrey ang kulay asul na flashdrive sa desk ko.
"Thanks, I told you, just call me by my first name, Ardrey." Caspian Ardrey Arias is a kind of nerd who doesn't wear thick eyeglasses, loose uniform and Rizal's hair style. He is a handsome nerd. Nabansagan siyang nerd dahil libro ang buhay niya. Libro sa almusal, libro sa tanghalian, libro sa meryenda, at libro sa hapunan. At kahit sa midnight snack libro pa rin. Hindi siya mabubuhay kung walang libro. Pero hindi siya iyong klase ng nerd na laging binu-bully. Hindi siya yung laging inaapak-apakan. Siya yung tipo ng nerd na hinahabol-habol para makapasa ka sa exam. Siya yung nerd na hindi mo maiisipang awayin dahil nananakit rin. Siya yung tipong libro ang sagot sa lahat ng problema. Kahit nga roon sa bullying contest ay hindi siya sumali dahil abala siya sa pagbabasa ng libro. Tahimik siya katulad ko pero sikat sa maraming kababaihan dahil gwapo at matalino. Ang kaso nga lang ay allergic sa babae. Nagsusuka kapag nahahawakan ng babae o sobrang lapit sa babae. Ewan ko ba kung bakit ako ang partner nito kahit alam naman ng prof namin na allergic siya sa babae.
"Okay." nahihiya siyang ngumiti sakin. "By the way, nakahanap ka na ba ng related studies natin?" tanong niya.
"Isa pa lang ang nahahanap ko, ang hirap talaga ng related studies." komento ko habang kinakalikot ang sariling laptop.
"Maybe I can help. Why don't we have a lunch together? Para naman mas mabilis tayong makahanap ng studies." suhestiyon niya.
"Sure ka, eh di ba allergic ka sa babae?" nag-aalalang tanong ko.
"Hindi naman kita hahawakan. Magla-lunch lang tayo at maghahanap ng studies para mas mapabilis tayo." pagdadahilan niya.
"O sige, wala naman tayong schedule mamayang one." ibinalik ko ang atensyon ko sa aking laptop.
Tahimik na natapos ang klase namin. Puro lang seatworks ang pinagawa samin at konting discussions kaya madaling natapos ang bawat klase. Kinuha ko ang aking bag at inayos ang aking mga gamit.
"Are you done?" tanong ni Ardrey.
"Yeah, let's go." nauna ako sa kanyang maglakad palabas.
"Linda!!" biglang akong napahinto nang bumungad sa harapan ko si Dice. Abot tainga ang ngiti at masiglang-masigla. "Di ka na naman nagreply sa mga texts ko." nakanguso niyang sabi.
"Edi wag kang mag-text." wika ko.
"Iiihh! Ayaw ko." inakbayan niya ako at muling ngumiti na parang wala ng bukas. "Tara kain na tayo?" yaya niya. Yumuko ako at umatras ng bahagya para makatakas sa kanyang akbay.
"Seryoso ka pala sa texts mo kagabi." hindi ko inaakalang tototohanin niya yung tinext niya kagabi na susunduin raw niya ako at sasabay ako sa kanilang magla-lunch.
"Lagi naman akong seryoso Linda." I was taken a back when I sensed seriousness on his tone. Gulat na gulat ako nang mapansin ang kaseryosohan ng kanyang ekspresyon, tila ba naging ibang tao siya. It's so unusual to see his serious expression. Mabilis akong napakurap upang isantabi ang pagkabigla.
"Sorry pero may kasabay na ako eh. Tsaka gagawa rin kami ng thesis namin." wika ko.
"Who's this asshole?" kunot-noong tanong ni Dice.
"Its me." napabaling kami pareho sa likod ko. It's Ardrey at mukhang kanina pa siya nakikinig. "I'm sorry pero gagawa kami ng thesis eh. At ngayon lang kami sabay na gagawa dahil lagi na lang naming hinahati ang mga gawain. I hope you understand, importante lang kasi talaga ito, but don't worry, after naming matapos ay sayong-sayo na siya." mahabang litanya ni Ardrey.
"Okay." dismayado man pero walang nagawa sa Dice para pigilan kami. Sumabay na lang siya sa amin sa paglalakad papuntang cafeteria at para na rin pagaanin ang loob niya. Mukha kasi siyang inutangan ng milyon-milyon tapos hindi nabayaran.
Dahil medyo matagal ang paglalakad namin at marami na ang tao sa cafeteria. Puno na lang ilang mga mesa kaya't napilitan kami ni Ardrey na pumwesto sa gitna dahil mukhang hindi sasapat samin ang pandalawahang mesa dahil sa allergy niya sa babae. Ay hindi yata allergy yun phobia ata! Wala naman kasi siyang mga nararanasan na allergic reactions puro lang pagsusuka. Phobia nga ata. Andami kasing terms na ginagamit nung mga chismosa sa kondisyon niya eh.
Nang maka-order kami ay hindi ko na namalayan na nawala sa pala si Dice. Bago magsimulang kumain ay inilabas ko muna ang laptop ko at ganoon din ang ginawa ni Ardrey.
"May dala kang pocket wifi? Meron ako baka gusto mong maki-connect?" tanong niya.
"Hindi na salamat, meron din ako." pagtanggi ko habang inaayos ang pagkain ko sa mesa. Ilang sandali'y nagsimula na kaming kumain habang pinag-uusapan kung paano aayusin ang aming related literature at study dahil masyadong mahirap maghanap tapos hahanapin pa namin ang similarities and differences noon sa study namin. At mas mahirap dahil may sinusundan lang kaming year ng bawat literatures and studies. Dapat talagang recent.
Naputol kami sa pag-uusap nang biglang sumingit si Dice.
"Sorry to interrupt, pwedeng maki-share ng table?" he innocently asked while holding his tray of lunch.
"Oh, yeah. Sure." si Ardrey na ang sumagot. Malaki naman yung table. Iyon talaga ang pinili namin para malaki ang distansiya namin ni Ardrey. Bale magkatapat kami.
"Thank you dude." masayang wika ni Dice bago humarap sa likod niya. "O guys pwede raw so tara na!" Isa-isang nagsiupuan ang limang asungot sa table namin kasama si Lauren. Naupo si Fix sa kaliwa ko habang si Dice naman sa kanan ko. Nakapwesto naman sina Fled at Daze sa tabi ni Ardrey. Habang si Lauren ay napagigitnaan nina Fled at Rhadleigh. Pareho kaming nabigla ni Ardrey. Akala ko si Dice lang, kasama rin pala yung mga alagad niya.
"Thank you bro." Daze uttered.
"No problem." Ardrey responded.
Matapos ang ilang interaksiyon na iyon mula sa kanila ay nagpatuloy kami ni Ardrey sa pag-uusap. Habang kumakain ay pareho rin kaming nagta-type sa sarili naming laptop.
"Jace, anong ulam mo? Penge nga." narinig kong litanya ni Dice.
Sumubo ulit ako ng pagkain pagkatapos ay nag-type ulit. Napansin kong bahagyang lumapit sakin si Fix.
"Eat these Faith." nilagyan niya ako ng carrots at patatas sa plato ko. Alam kong nakita rin iyon ng mga kasama namin pero nanatili silang walang imik.
"Thank you." kinain ko ang patatas at carrots na bigay niya kahit hindi komportable sa pagmamasid ng iba naming kasama.
"Jace, penge pa nga ng ulam." pangongotong ni Dice ng ulam kay Rhadleigh.
"Kung gusto mo edi bumili ka!" iritadong wika ni Rhadleigh.
"Sungit naman." puna ni Dice.
"Hey Lysandra. Tingnan mo nga ito kung pwede na." iniharap sakin ni Ardrey ang laptop niya. Hindi ko masyadong mabasa kaya pinilit ko itong abutin para mas makita ng mabuti ngunit bigla kong nahawakan ang kamay ni Ardrey. Pareho kaming napabitaw sa laptop niya dahil sa gulat. Kinabahan ako na baka magsuka siya. Siguradong mapapahiya siya rito sa cafeteria lalo pa't tanging STEM students lang ang nakakaalam ng anti-babae siya. Hindi naman kasi siya masyadong sikat sa ibang department.
Gulat na gulat kami pareho at kinakabahan ngunit hindi nangyari ang hinihintay naming pagsusuka niya. Halata ang pagtataka sa mukha niya kaya't nagulat na lang ako nang bigla niyang hinawakan ang kamay ko. Narinig ko ang biglang pagbagsak ng mga kubyertos sa plato ngunit hindi ko na inalam kung kanino iyon. Muling binalot ng isa pang kamay ni Ardrey ang kanang kamay ko. Hinawakan na niya ang kamay ko pero hindi pa rin siya nasusuka kahit ako ay nagtataka na rin. Ilang beses ko na kasi siyang nakitang sumuka nang hawakan o madikitan man lang ng ilang mga babae kong kaklase.
"Bakit parang lumamig ata ang paligid?" saad ni Dice habang niyayakap ang sarili kahit hindi naman talaga lumamig. Napalingon ako sa banda ni Rhadleigh. Malamig ang kanyang ekspresyon at madilim ang titig sa kamay namin ni Ardrey. Ang parehong kutsara at tinidor niya ay nasa lamesa na at kalat-kalat ang kanin sa banda niya.
"Hey. You're sexually harrassing her!" inis na paratang ni Fix kay Ardrey at pinaghiwalay ang aming mga kamay.
"Grabe! Sexual harrassment agad, pwedeng tsansing muna." mahinang komento ni Dice.
"Of course not! Nagulat lang ako." sagot ni Ardrey.
"Nagulat saan?! Na nakahawak ka ng kamay?!" iritadong tanong ni Fix.
"No! Nagulat ako dahil hindi ako nagsuka nang mahawakan ang kamay niya." malaking tandang pananong sakin na hindi siya nagsuka. So mayroong nga talaga siyang phobia at hindi allergy kasi imposible naman ata iyon kung allergy!
"Bakit ka naman magsusuka?" nagtatakang tanong ni Fled.
"Its because—" napasinghap ako nang tumayo si Lauren at tapikin ang braso ni Ardrey.
"Pwedeng paabot nung tissue. Thank you." sabi ni Lauren. Agad na namutla si Ardrey at mabilis na tinakpan ng dalawang kamay ang kanyang bibig.
"E-Excuse me." dali-dali siyang tumayo at kumaripas ng takbo papuntang banyo. Mukhang nasusuka na.
"Anong nangyari dun?" tanong ni Fled.
"Probably his serious condition." I shrugged and started eating again.
"Bakit may sakit ba siya?" interesadong tanong ni Fix.
"Phobia ata. Maybe gynophobia, fear of women. Kaya nung tapikin siya ni Lauren ay bigla siyang nasuka." sagot ko sa kanya.
"Talaga? May ganun pala! Eh bakit nung hinawakan ka niya hindi naman agad siya nagsuka?" wika ni Dice. "Hindi ka yata babae eh." pang-aasar niya kaya't bigla ko itong kinurot sa tagiliran, agad naman siyang napa-aray.
"Maybe because he's already used to her. O kaya may tiwala na siya kay Faith. Kadalasan ganyan ang nangyayari kapag nagkakaroon ng tiwala ang isang taong tulad ni Ardrey sa ibang tao, hindi na nagre-react ang katawan o nati-trigger ang takot niya dahil alam na ng utak niya na harmless ang taong iyon. Minsan kasi ang gynophobia ay dahilan ng pang-aabuso ng isang ina sa kanyang anak." mahabang paliwanag ni Fix. It is very sad to hear such a dreadful reason that made him like that. Masayahin siyang tao kaya hindi halatang naaabuso sa kanilang tahanan pero never naming mga magka-kaklase na narinig siyang magkwento tungkol sa kanyang pamilya o kahit sa dahilan kung bakit siya naging ganoon. Pero buti na lang hindi siya nasusuka kapag ako ang kasama niya. Hindi na kami mahihirapan pang gumawa ng thesis. Pero bakit naman niya ako pinagkakatiwalaan? Kadalasan kasi sa may mga ganoong phobia ay sobrang hirap na magtiwala at sobrang tagal na halos aabutin na ng taon lalo na kung sobrang lala ng trauma o takot niya. Ito nga lang ata ang pinakamatagal naming interaksiyon sa isa't-isa. Halos lahat ng pag-uusap namin ay lahat tungkol sa thesis tapos tatagal lang ng ilang minuto. Kaya paano siya nakapagtiwala ng ganoon kabilis samantalang sa mga kaklase ko ay hindi naman siya ganoon?
Nabalik ako sa sariling ulirat nang biglang pinukaw ni Fix ang aking kamalayan.
"Nakuha ko na nga pala ang schedule mo. Buti sakto sa schedule ko kaya maihahatid kita pauwi." nakangiting wika niya. Oo nga pala, ihahatid niya ako pauwi. Kung hindi niya nabanggit ngayon baka umuwi akong mag-isa, nawala sa isipan ko.
"Pasensya na, nautusan ka pa ni daddy." paumanhin ko. Baka kasi mamaya may dapat talaga siyang sunduin o date pero napilitang sumunod kay daddy. Baka nakakaabala lang ako sa kanya. Tsaka parang sobra-sobra na yata ang hinihinging pabor sa kanya ni daddy.
"No, I'm the one who suggested it." nagulat ako sa sinabi niya. Isang malaking tanong na naman ang nabuo sa aking isipan. Ano ba talagang balak niya sakin? Hindi naman kami close friend para ihatid niya ako araw-araw pauwi. Maybe, business really matters. O siguro talagang family friend namin sila kaya ganoon na siya sa'kin, pero never ko naman silang nakikita sa bahay na bumisita o kahit tuwing may okasyon sa'min. Ngayon ko lang sila na-encounter, actually, si Fix pa lang ang nakikilala ko sa kanila.
"Okay, thank you. Pasensya na sa abala." mahinhin kong tugon.
"Hindi ka kailanman naging abala para sakin, Faith. You are always my priority." he sincerely muttered while directly looking into my eyes.
Napalingon kaming lahat sa direksyon ni Rhadleigh nang tumayo ito. "Jace, where are you going?" tanong ni Daze.
"I lost my appetite." he coldly uttered before walking away. Mabilis naman na sumunod sa kanya si Lauren, bitbit ang sariling bag at mga libro. Nang maabutan si Rhadleigh ay agad naman nitong kinuha ang bag ni Lauren.
Nanatili ang titig ko sa likod ng dalawa. Naalala ko, sinusuyo nga pala ni Lauren si Rhadleigh. At si Rhadleigh, halatang mahal pa rin si Lauren, masyado lang pakipot. Sabagay ikaw nga naman ang pagtaksilan, siyempre sobrang galit at sakit ang nararamdaman mo. Pero sino kaya sa apat ang naging kalaguyo ni Lauren? Is it Fix? Ramdam ko kasi na parang may tensyon sa pagitan nila.
Isang babae ang nakabangga kay Lauren at muntik na itong ma-out balance buti na lang at nahawakan ni Rhadleigh ang bewang niya. Bigla akong dinapuan ng inis. Yung kamay niya nakahawak pa rin sa bewang ni Lauren. Ayaw bumitaw kahit tuwid na ang tayo ni Lauren. As if naman madadapa ulit! Mas ikinairita ko nang isinara ni Rhadleigh ang espasyo sa pagitan nila. Dikit na dikit!
Ipinagpatuloy ko na lang ang pagta-type bago pa man sila makalabas ng cafeteria ngunit sa pagkakataong ito ay puno na ng diin ang bawat galaw ng mga daliri ko at lumilikha na ng malalakas ng tunog. Ilang minuto ang lumipas ay bumalik na si Ardrey.
"Okay ka na?" tanong ko nang mapansing medyo namumutla siya.
"Ye-Yeah."
"Mukhang hindi pa eh. Dapat siguro magpahinga ka muna. Pwede namang sa susunod na vacant na lang natin. Hindi pa naman i-che-check ni prof yung papers agad. Medyo advance nga tayong dalawa sa thesis kaya pahinga ka muna." wika ko sa kanya. Nauuna kasi kami sa thesis namin. Siyempre, genius ang kasama ko.
"Thank you and sorry na rin." tugon niya.
"No problem." nakangiti kong sabi habang inililipat niya ang kanyang mga gamit.
Alas-singko ng hapon nang matapos ang klase. Didiretso na sana ako sa parking lot kaso bigla kong nakita sina Rhadleigh at Lauren patungo sa kung saan. Wala sa sarili akong lihim na sumunod sa kanila. Tinahak nila ang daan patungo sa Dean's office. Tahimik akong nakasunod sa kanila habang pinagmamasdan silang nagtatawanan. Ngayon ko lang nakitang tumawa si Rhadleigh ng ganoon, nakita ko kung gaano siya kasaya kasama si Lauren. Pareho silang masayang nag-uusap habang dala-dala ni Rhadleigh ang bag ni Lauren. Huminto sila sa tapat ng Dean's office at mabilis akong nagtago. Pumasok si Lauren sa loob habang si Rhadleigh naman ay naiwan sa labas na nakasandal sa pader at nakapamulsa habang hinihintay si Lauren.
Napasandal ako sa pader na pinagtataguan ko. Bigla akong nagtanong sa sarili kung bakit ba ako sumusunod sa kanya. Ano namang say ko kung saan sila pupuntang dalawa.
"Hey." isang mahinang bulong sa tainga ko ang nagpaigtad sa'kin.
"Ay petchay!" mahinang tili ko at napalingon kay Rhadleigh. "Anong ginagawa mo dito?" gulat kong tanong sa kanya.
"Hindi ba dapat ako ang nagtatanong niyan. What are you doing here? Sinusundan mo ba kami?" bakas sa mata niya ang paghihinala. Agad akong nangapa ng isasagot. Wala akong maisip na dahilan. Mas nakadagdag pa sa akin ng kaba nang bigla siyang lumapit sakin. My heart is racing so fast. Natatakot ako na baka matrigger nito ang arrhythmia ko.
"O-Of course not, I'm ju-just wandering." what a great excuse Faith!
"Hmm. Really?" he huskily asked with a hint of suspicion on his tone. He placed his forearm above me on the wall and lessen the space between us as if he's locking me against the wall. Then I started fidgeting. His sharp and domineering glares darted on me while watching me intently.
Hindi ko magawang tumingin sa mga mata niya. Ang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa kaba at hindi pa rin makahanap ng sasabihin.
"Last question, what are you doing here?" may diin sa bawat salitang kanyang binibitawan ngunit may kasamang nanunuyang tono.
"Ma-Magtatanong lang sana ako nang... Uhm. Ku-Kung kailan ulit natin ipagpapatuloy ang misyon." I sighed when I found an enough reason but was left speechless when he fired again.
"Bakit hindi mo na lang ako tinext?" he asked with a playful tone.
"A-h...mas maganda yata kung pag-usapan ng personal." I get more uncomfortable when he leaned closer to me. I can almost feel his breath on my face.
"If you don't want me to be with Lauren, I can tell her to stop wooing me." he whispered huskily.
Bigla ko siyang naitulak ngunit hindi ito natinag. "A-Ano bang sinasabi mo?! Tabi nga, uuwi na ako!" inis kong utos sa kanya.
Diretso siyang tumingin sa mga mata ko na tila may kung anong hinahalukay sa pagkatao ko. Nanatili siyang mariing nakatitig sa'kin hanggang sa ako na mismo ang umiwas ng tingin dahil hindi ko na kaya ang tensyon. Huminga ako ng malalim at buong lakas na itinulak siya, sa pagkakataong ito ay bahagya siyang napaatras. Ginamit ko na ang pagkakataong iyon para makawala sa kanya.
"Uwi na ako." mabilis ang bawat galaw ko para makatakas sa kanya at nang makalayo ng ilang hakbang ay nagkaroon ako ng lakas ng loob. "Bye tukmol!" nang-aasar kong paalam sa kanya. Sana naman alam niya na kung anong ibig sabihin ng tukmol! Mabilis akong tumakbo papalayo sa kanya ngunit biglang napatigil dahil sa kanyang huling sinabi.
"Goodbye then, my turtledove." he shouted.