Chapter 15

Page 15: Alcohol

Dear Past Self,

     Hindi ako pumasok buong araw. Wala akong gana dahil nag-away kami ni daddy tungkol sa pagtira ko sa bahay. Wala ako sa mood mag-aral kaya namasyal muna ako. Nakilala ko si Circle Benignson, anak ng founder ng Benignson's mall. Nagkakilala kami sa isang maliit na café sa tapat ng Imperial Hospital, isang lumang ospital malapit sa Benignson's Airline. He's the one who first approached me. Manghihingi ng number. Dare lang daw mula sa mga kaibigan niya. Nagbigay ako ng ibang number kaso tinawagan kaya nabuko ako, so no choice ako kundi ibigay ang totoo kong number para tumigil na siya. Pagkatapos sakin ay naghanap na naman sila ng ibang mabibiktima.

August 6, 2014

Wednesday

Ngayon ang araw na iyon. Nagpaganda ako para agad kong makuha ang atensyon ni Circle. Pagkaalis na pagkaalis ni daddy ay agad akong nagpalit ng damit.

I wore a white fitted spaghetti strapped top under my black blazer, black leather shorts, and black strappy heels. I also put a crimson red lipstick, light blush on and tied my hair.

Bahala na kung tunog pokpok basta makuha ko lang ang atensyon niya. Sumisilip na yung cleavage ko! Ang sexy ng dating ko pero may dala-dalang malaking backpack!

"Manong sa Imperial Hospital po, malapit sa Benignson's Airline." sabi ko sa taxi driver. Medyo malayo ang biyahe pero mas mabuti na rin iyon para hindi ako mabuko o makita ni daddy.

Bumaba ako sa café na sadya ko. Wala pa masyadong tao pagpasok ko. At katulad noong katapat nitong ospital ay mukhang matagal na rin ang café na ito. Halos karamihan ng gamit at parte ng café ay gawa sa matibay na kahoy kahit ang sahig nito. Makaluma ang disenyo ng loob ng café na parang ginaya sa disenyo ng mga makalumang restaurant noon sa ibang bansa. "Miss, a sliced of black forest cake and cappuccino please." ani ko sa babae sa counter.

Pumwesto ako malapit sa bintana. Doon ako naghintay habang wala pa si Circle Benignson ngunit hindi pa man nagtatagal ay may pumasok ng tatlong kalalakihan at kasama roon si Circle. He is wearing a white long sleeves, black slacks, and leather shoes with his soft and bubbly aura. Mukhang kaedad niya rin ang mga kasama at pare-pareho silang nagtatawanan. Pumwesto sila malapit sa counter at nag-order.

Hindi ko alam kung aatras ba ako o itutuloy ko. Naalala ko, nakakahiya pala yung una naming pagkikita. Pero sana naman nakalimutan niya agad yung mukha ko. Pinilit ko ang sarili kong maging mukhang mature ang problema nga lang ay baka maalala niya na isa akong high school student.

Napatuwid ako ng upo nang lumingon siya sa banda ko. Kumunot ang kanyang noo na tila may iniisip. Namamawis na ang mga kamay ko at mabilis na tumatambol ang puso ko sa kaba. Itinuro niya ako sa mga kasamahan niya. Yung isa ay tumawa yung isa naman ay umiling-iling. Nabigla ako nang tumayo si Circle at nagtungo sa direksyon ko.

Napayuko ako, kunwaring hind alam na papalapit siya. "Hi!" he softly greeted me.

"He-Hello." madiin kong nakurot ang sariling hita nang mautal.

Naupo siya sa tapat ko. At abot tainga ang ngiti. "I'm Circle Benignson." kitang-kita ko ang mapuputi niyang ngipin habang nakangiti. "And you are..." he paused.

"I'm Lysandra." walang pag-aalinlangan kong sagot.

"No. I mean you are the one I met in the elevator with a kid right?" he enthusiastically proclaimed.

Pilit akong natawa. Ang talas ng isip nito ah. "Ye-Yeah."

"By the way, nice meeting you again! Wala ka bang pasok?" tanong niya na ikinabigla ko.

"Ahaha! Tinamad ako." pagsisinungaling ko.

"Okay, anyway. Can I get your number? Dare lang." napakamot siya sa kanyang batok habang sinasabi iyon. At dahil iyon naman talaga ng balak ko ay walang pag-aalinlangan kong ibinigay ang sarili kong number.

"Thank you." natatawa niyang sabi.

"Palagi ka ba dito?" tanong ko sa kanya.

"Yeah, dito kami nag-aalmusal ng mga kasama ko."

"Ganoon ba." wala na akong ibang masabi, ayaw kong mamatay ang usapan pero wala na akong maisip na ibang topic. Sumimsim ako sa cappuccino habang nag-iisip ng pwedeng mapag-usapan.

"Hey, you have something here." napalingon ako sa sinabi niya. Bago ko pa man makuha ang ibig niyang sabihin ay kumuha siya ng tissue at umambang ipapahid iyon sa labi ko ngunit isang kamay ang pumigil sa kanya.

"Ako na." a familiar cold tone made my system quiver. His hand flew to take the tissue and smack it on my mouth.

"Aray!" daing ko nang itampal niya ang kanyang kamay na may tissue sa labi ko.  Agad ko iyong kinuha at pinunasan ang sariling labi.

"Hey, are you okay?" nag-aalalang tanong sakin ni Circle. Lumingon ito kay Rhadleigh habang magkasalubong ang kilay. "Why did you do that?" inis na tanong ni Circle kay Rhadleigh.

Rhadleigh shrugged and menacingly glared at Circle.

"Uhm. I'm fine. Ayos lang naman ako." I awkwardly laughed. "Don't mind him. Bodyguard ko lang yan." saad ko habang itinatago sa matamis kong ngiti ang nag-aalburoto kong inis.

"Ah ganun ba? Okay." he's back with his gentle smile.

Hindi na ako nag-abala pang tingnan ang tukmol kong katabi. Wala akong pakialam sa reaksyon niya.

"Sige babalik muna ako sa table namin. Thank you sa number mo." nakangiti niyang wika bago tumayo.

"Okay, welcome." tumalikod na siya matapos ng sinabi ko.

My sweet smile faded. "Why are you here?" inis kong tanong sa kanya.

"I'm following you." he answered nonchalantly. He is wearing a white polo shirt while the long sleeves were rolled up onto his elbow. His hair was slightly disheveled. "And you, why are you here? Bakit mo ibinigay sa kanya ang number mo?"

"Pake mo." mataray kong tugon sa kanya.

Mariin siyang napapikit at mabigat na buntong hininga ang pinakawalan na tila kinakalma ang sarili. "Let's go." matigas niyang saad bago umiwas ng tingin. I saw him swallowed hard.

Umayon naman ako sa sinabi niya dahil kanina pa ako naiilang sa suot ko. Nang tumayo ako ay tumayo na rin siya. Napalingon naman sa direksyon ko sina Circle. Sinenyasan ko siya na aalis na kami at isang tango at kaway ang natanggap ko mula sa kanya.

"Ano yang suot mo?" he fired when we got inside his car.

"Damit." pabalang kong sagot na mas lalo niyang ikinainis. I saw how his jaw tightened.

Bumuntong hininga muli siya para pakalmahin ang sarili. "Don't you dare wear that kind of clothes again." matigas niyang utos sa'kin.

"Bakit naman? Ang ganda kaya." pang-iinis ko. Gusto kong subukan kung hanggang saan ang pasensya niya. Wala naman talaga akong balak na magsuot pa ng ganito. Hindi ako sanay. Parang lagi akong mababastos.

"Sobrang ganda...pero ayokong may ibang nakakakita sayo sa ganyang itsura." napatigil ako sa sinabi niya. Mas bumilis ang tibok ng puso ko. Pakiramdam ko ay may mga insektong nagliliparan sa loob ng aking tiyan. Iba ang sagot na inaasahan ko mula sa kanya. Akala ko ay aawayin niya ako. Pero hindi niya ginawa. Nanatili ang titig ko sa kanya. Hindi makapaniwala. At hindi makapagsalita. Seryosong-seryoso ang kanyang tono habang namumungay ang kanyang mga mata.

Mas lumapit pa siya sakin. "And I don't want to see you wearing this kind of make up. Because..." he gently caress my face, softly removing my blush on until his thumb reached my lips "...it makes me wanna kiss you." he huskily muttered. He wiped the crimson red cosmetic on my lips using his thumb.

Mas bumilis ang tibok ng puso ko. Parang may karera sa loob. May ibang pakiramdam sa loob ko na ngayon ko lang naramdaman. Hindi ko maintindihan. Bakit siya ganito? Hindi ako sanay. At hindi ako sanay sa nararamdaman ko. Akala ko ay mati-trigger na talaga ang arrhythmia ko pero hindi. Walang ibang nangyari kung hindi ang patuloy na pagwawala ng puso ko dahil sa kanya.

Matapos ang araw na iyon ay hindi ko na siya kinibo. Umiiwas ako hangga't sa aking makakaya. Kapag sa texts naman ay hindi ko siya nire-reply-an. Habang tumatagal ay unti-unti na akong natatakot na baka mahulog ako sa kanya. Natatakot ako na magaya sa hinarap ko. Natatakot na ako dahil nararamdaman ko na ang mga senyales na hindi ko dapat maramdaman. Habang tumatagal ay parang nakakalimutan ko na kung sino nga ba talaga siya. Unti-unti ko nang nakakalimutan na muntik niya na nga pala akong gahasain. Muntik ko nang makalimutan na gustong nga pala niya akong maghirap ng husto bago mamatay. Muntik ko nang makalimutan na siya ang totoong kalaban na papatay sa'kin. Muntik ko nang makalimutan ang lahat ng iyon. Natatakot na ako dahil itinuturing ko na siyang isang kaibigan. O baka mas higit pa roon kapag hindi ako tumigil.

From: Supot

Linda, kelan daw ang misyon niyo ulit ni Rhadleigh? Pinapatanong niya.

Misyon? Siguro kailangan ko ng gumalaw ng mag-isa. Kaya ko naman dahil malapit na ako kay Circle. Noong gabi ng araw na iyon ay isang unknown number ang nagpadala sa'kin ng mensahe. At nalaman kong galing iyon kay Circle. Nangungumusta ng araw ko. Siyempre kinuha ko na ang pagkakataong iyon para mapalapit sa kanya. Ang gabing iyong ay nasundan ng ilan pang gabi at mga araw na pagpapadala niya ng mensahe sa'kin. Unti-unti na akong napapalapit sa nais ko. At unti-unti ko na ring nakukuha ang tiwala niya. Darating ang panahon ay makakapasok rin ako sa sikreto ng mga Benignson. At sa pagkakataong ito ay hindi ko na kailangan pa ang tulong ni Rhadleigh. Kaya ko kahit ako lang.

To: Supot

Busy ako.

Iyon ang isinagot ko kahit hindi naman ako busy. Sadyang ayaw ko lang talagang makita o makasama siya. Tutal ang alam lang naman ng apat sa misyon namin ni Rhadleigh ay ang tuklasin ang misteryo sa pagkakabangga ng mommy niya at hindi nila alam ang paghahanap ko ng hustisya para sa mommy ko kaya ayos lang namang may konting alam sila sa misyon, para na rin hindi kami masyadong maabala sa pang-iintriga ng apat.

From: Supot

Magkaaway kayo?😢

Matagal kong tinitigan ang screen ng phone ko. Kahit si Dice ay napapansin na rin siguro na umiiwas ako. Ilang araw na rin kasi akong tumatanggi sa pangyayaya ni Dice na sumabay sa kanila sa lunch. Or tuwing susulpot na lang sila sa table ko habang kumakain ay mabilis akong umaalis. Kunwari may nakalimutan o kaya may importanteng gagawin. Pero hindi sila tanga o manhid. Alam kong nararamdaman nila na umiiwas ako. But they didn't dare asked me. Kahit si Fix ay tahimik lang tuwing ihahatid niya ako pauwi.

From: Supot

Galit ka samin?😢

From: Supot

Iniiwasan mo kami!😭

To: Supot

No. I'm sorry, pero busy lang talaga ako.

From: Supot

Okay. Basta sabay ka samin sa Monday ng lunch ah!🙏🏻

To: Supot

Di ako sure eh.

From: Supot

Bawal tumanggi! Pag hindi ka sumabay samin, forever na tayong hindi bati!!! Hindi na tayo friends! Iiyak talaga ako!

Marahan akong napabuntong hininga. Kahit papaano naman ay kaibigan na rin ang turing ko sa kanya, sa kanilang lahat. Pero okay lang. Sanay naman akong mag-isa. Hindi ko naman ikamamatay kung mawawalan ako ng kaibigan. Nabuhay nga ako kahit wala ni isang kaibigan. Ngayon pa kaya. Pero hindi rin naman ganoon kadali. When you started to care, you should be always ready to face pain and prepared to sacrifice. But Dice is such a very special diamond for me that I don't want to lose. Since the day he started to messed up with my life. I started to care. And that is the most scary thing I did.

To: Supot

Okay.(ʘᴗʘ✿)

Balak ko na sanang humiga sa kama ko ngunit biglang tumunog muli ang phone ko. Circle is calling. Agad kong tinanggap ang tawag.

"Hello." panimula ko. Naririnig ko sa kabilang linya ang maingay na tugtog. Mukhang nasa bar siya.

"Are you busy?" tanong niya sakin.

"Hindi. Bakit?"

"Can you accompany me? Wait ilang taon ka na ba? Pwede ka na ba sa loob ng bar? Gusto sana kitang imbitahin ngayon dahil birthday ng kaibigan ko." maraming pumasok sa isip ko dahil sa sinabi niya. Alam kong delikado dahil hindi ko siya maaaring pagkatiwalaan pero nasa tamang edad na ako para pumunta sa mga bar. May posibilidad na kapag nalasing siya ay may masabi siya tungkol sa sikreto o anumang tinatago ng mga Benignson. Kaya kailangan kong pumunta.

"Pupunta ako! I'm already 18 years old kaya pwede na. Paki-send na lang yung lugar. Pupunta ako." buo ang loob kong sagot.

"Susunduin na lang kita."

"Wag na. Ako na lang ang diyan, wait for me." agap ko.

"Alright then. I'll wait for you here."

Mabilis akong nagbihis. Suot ang isang black fitted long sleeve dress at hinayaan kong nakalugay ang maalon kong buhok. Naglagay ako ng pulang lip gloss sa sariling labi. At ibinagay sa aking porma ang black stiletto. Kinuha ko ang aking Dior handbag kung saan nakalagay ang mga gamot ko pati na phone at wallet ko.

"Hija, gabi na. Saan ka pa pupunta?" tanong sakin ni Manang Cel nang makitang bihis na bihis ako.

"May party po akong pupuntahan, sa kaibigan ko po. Pero wag po kayong mag-alala, hindi po ako iinom. Tsaka uuwi rin po ako agad." paniguro ko sa kanya.

"Nagpaalam ka na ba sa daddy mo? Nasa ospital pa rin siya. Mukhang marami silang pasyente."

"Magpapaalam po ako sa kanya." iyon na lamang ang nasabi ko bago lumabas ng bahay.

Sinalubong ako ni Circle sa labas ng bar. Nang makapasok kami ay sumalubong sakin ang mga naglalarong linya ng iba't-ibang kulay ng mga ilaw, ang nakabibinging musika, ang kumpol ng mga taong nasa gitna habang sumasabay na gumalaw ang mga sarili nilang katawan sa saliw ng musika, ang amoy ng matapang na alak, at ang usok na bumabalot sa lugar na pumupuno sa aking baga. Ito ang unang beses ko na makapasok sa isang ganitong klaseng lugar.

Circle snaked his arm on my waist and guide me to a U-shaped sofa where his friends are.

"Guys, this is Lysandra. A new friend of mine. Lysandra, these are my friends and he is our birthday celebrant!" binati nila akong lahat at ganoon rin ako sa kanila. Ang lalaking tinutukoy ni Circle na birthday celebrant ay isa sa mga kasama niya noong una kaming nagkita sa isang café. Naupo kami ni Circle sa dulong bahagi ng sofa. Kumuha siyang dalawang baso ng isang inumin at ibinigay niya sakin ang isa. "Try this. This is a rum." wala akong gaanong alam sa alak, kadalasan ay nababasa ko lamang iyon sa libro o napapanood sa TV pero never akong nakatikim ng kahit anong alcoholic drinks.

"Thank you." lumapit ako sa kanyang tainga para marinig ang sasabihin ko. Nang napunta sa mga kaibigan niya ang atensyon niya ay agad akong nakahinga ng maluwag. Akala ko ay pipilitin niya akong uminom.

Nanatili ang tingin ko kay Circle. Hindi pa man nagtatagal ay marami na siyang naiinom. Lahat ng ibinibigay sa kanyang mga alak ng mga kaibigan ay agad niyang nilalagok. Tawanan at kwentuhan ang namayani sa aming pwesto. Nang makailang minuto ay dumapo ang atensyon niya sakin.

"Hindi mo pa iniinom? Sige na try mo!" pilit niya sakin. Sumama pa sa pamimilit ang ilan niyang mga kaibigan. Hindi ko man gusto pero walang akong ibang magagawa kung hindi ang inumin iyon. Isang baso lang naman. Ininom ko iyon nang hindi batid kung ano ang lasa at ibang pakiramdam na hatid nito. Mainit itong dumaan sa aking lalamunan hanggang sa makarating sa aking tiyan. Napangiwi ako sa kakaibang lasa nito. Bahagyang natawa sina Circle dahil sa inasta ko. Isang baso lang naman. Isang baso na nasundan pa ng isa. At isa pa. At isa pa. Wala akong magawa dahil sa pamimilit at panggigipit nila sa'kin. Namalayan ko na lang ang sarili ko na nalulunod sa sariling problema. Hindi si Circle ang nahulog sa bitag kung hindi ako.

Unti-unti ko nang nararamdaman ang pag-init ng paligid kahit air-conditioned ang buong lugar. Nagiging malabo na rin ang paningin ko at tila gumagalaw na ang paligid. Pinilit ko ang sarili kong maging mulat.

Nabigla ako nang lumihis sa baywang ko ang braso ni Circle na dapat nasa aking balikat.

"Another one." he whispered on my ear.

Wala sa sarili kong tinanggap ang ibinigay niyang baso at nilagok iyon. May ibinigay pa siyang dalawa at magkasunod ko iyong ininom. Naramdaman ko ang kamay niya sa aking baywang na unti-unting tumataas hanggang sa madikitan na nito ang ibabang parte ng aking dibdib. Pinilit ko iyong tanggalin ngunit ang isa pa niyang kamay ay dumapo sa aking hita. Habang ang tinanggal kong kamay niyang ay bumalik sa aking dibdib. Napatayo ako dahil sa ginawa niya. Kahit na nahihilo ay nagawa ko pa rin tumayo ng tuwid.

Napansin ng iba naming kasama ang ginawa ko kaya napatayo rin si Circle. "Mukhang lasing na siya. Iuuwi ko na." natatawa nitong deklara sa mga kaibigan. Sabay-sabay namang naghiyawan ang aming mga kasama na tila may nakatagong kahulugan sa mga sinabi niya. Muli niyang hinawakan ang baywang ko at inakay ako paalis sa pwesto namin. Dinala niya ako sa pinakamadilim na parte ng bar. Isinandal niya ako sa pader. "Hey. Are you alright?" tanong nito.

Hindi ako nakasagot. Tila mas nalabi ang mga mata ko at sumisikip ang aking dibdib. Mas naging maiinit ang paligid para sa'kin. Pakiramdam ko ay iniipit ako ng mga pader dahilan para mahirapan akong huminga.

Circle slightly touched my buttocks. I tried to push him but I have no strength to do it. I froze when he started kissing my neck.

Parang nablangko ang utak ko. Hindi ko alam ang gagawin. Nanghihina na ang katawan ko dahil sa alak at dahil kinakapos na rin ako ng hangin.

I gasped for air. Tears pooled on the both side of my eyes. Hindi ko alam kung paano umabot sa ganito. Dalawa lang ang pwede kong puntahan. To be ravished by this man or to die because of my carelessness. Tears rolled down onto my cheeks. Tuluyan na akong nilukob ng takot at pagsisisi. Sana hindi na lang ako pumunta. Sana nagpaalam ako kay daddy. Sana sinabi kong bawal ako. Sana sinabi kong bawal sakin ang alak. Sana kasama ko si Rhadleigh.

"S-Stop it. Pl-Please!" kahit hirap na akong huminga ay nagawa ko pa ring magmakaawa sa kanya. Pero hindi siya tumigil. Hanggang sa bigla na lang siyang napahiwalay sakin at bumulagta sa sahig.

"Fuck! Lysandra!" isang mainit na yakap ang bumalot sakin. Ang pamilyar na boses na iyon ang tila isang gamot na saglit na nagpakalma sakin. Unti-unting nawala ang takot sa dibdib ko. Naramdaman ko na lang na umangat sa sahig ang aking mga paa at tila lumulutang ako sa ere. "You're safe now." paunti-unting nawawala ang malakas ng hampas ng musika sa pandinig ko. Nawawala ang bigat ng lugar hanggang sa ilapag niya ako sa kung saan. Dahil sa pagkahilo at panghihina ay tuluyan ko nang naipikit ang aking mga mata.

I heard him cussed while panicking on the whole scene.

Naramdaman ko ang pagbaon ng malamig na metal sa aking balat pati na rin ang puwersa ng hangin na pilit pumapasok sa aking baga. Ngunit hindi sapat ang lahat ng iyon para mapanatili ko ang sariling nakakapit sa aking kamalayan.