Page 16: Call
Dear Past Self,
I had a great day with Ardrey. We exchanged books. Habang nagdaraan ang mga araw ay nasasanay na rin ako kay Ardrey. He is such a great friend. Hindi na rin siya nasusuka tuwing hinahawakan niya ako. Mukhang nasanay na rin siya sa'kin.
August 15, 2014
Friday
Nagising ako ng sobrang sakit ang ulo. Iniangat ko ang aking kamay upang hilutin ang aking sintido. Puting kisame ang agad na bumungad sa aking paningin. Napansin ko ang maliit na tubo ang nakakabit sa aking kamay at isa pang tubo na nakalagay sa ilong ko.
Tila rumaragasang alon na umaagos sa aking isipan ang mga huling alaala ko. Mula sa maingay na lugar, iba't-ibang kulay ng ilaw na sumasabay sa saliw ng tugtugin, at ang mga taong wala sa sariling sumasayaw ng kumpol-kumpol. Naalala ko ang pag-abot sakin ni Circle ng inumin at ang mga kaibigan niyang nakangisi habang nilalagok ko ang mga inuming inaabot nila sakin. Pero hanggang doon lang ang naaalala ko. Hindi ko na alam kung ano ang kasunod pa.
Lumingon ako sa tabi ko. His head was resting upon his arms on my bed.
"Rh-Rhadleigh." I weakly muttered.
He moved a bit when I caressed his hair, he's awake. Then he lifted his head. And his sleepy eyes dropped on me.
"Your awake." he relievedly stated using his morning voice. "I'll call your dad."
Lumapit siya sa intercom para ibalitang gising na ako at kailangan ng assistance. Habang ako'y binalot ng pagkadismaya. Disappointed because he wasn't the person I'm expecting.
"Hey. How are you? May kailangan ka ba? Water? Or something?" marahang tanong ni Fix sakin habang bakas sa kanyang boses ang pag-aalala.
Nanghihina akong umiling sa kanya. Agad siyang napabuntong hininga at lumapit sakin. He looked so stressed and worried. Punong-puno ng pag-aalala ang kanyang mga mata. Tila buong gabing hindi nakatulog dahil sa pag-iisip sa kalagayan ko.
"Thank God you're awake. Akala ko may nangyaring masama sayo."
"A-Anong nangyari? Ba-Bakit ako nandito?" nanghihina kong tanong sa kanya. Ngunit bago niya pa man iyon masagot ay pumasok ang isang nurse pati si dad sa kwarto. Kahit hirap ay bumangon ako sa pagkakahiga para salubungin si dad. Agad naman akong pinigilan ni Fix.
"Stay still." he commanded.
They checked my vital signs and scribble something on their sheets. Matapos ng ilang pagchi-check ng nurse ay lumabas na rin ito at naiwan si dad at Fix sa loob.
Katahimikan ang namayani sa buong kwarto. Wala akong imik at takot na magsalita dahil baka mabugahan ng apoy ni daddy. Si Fix naman ay tahimik na nakikiramdam sa buong pangyayari.
"Should I go out?" basag ni Fix sa namamayaning katahimikan.
"No." agap ni daddy gamit ang malamig nitong tono. Ang matalim at madilim niyang titig at nanatili sa akin. Kinuha niya ang isang stool at doon naupo. Hindi siya nagsasalita, tanging madidilim na titig lamang ang nagsisilbing pangaral niya sa ginawa ko na tila pinagagalitan ako ng sobra ng kanyang mga titig. Alam kong galit na galit siya. Dahil kapag galit siya ay sinisigawan at pinagagalitan niya ako pero kapag galit na galit siya ay wala akong naririnig na kahit ano mula sa kanya. Tahimik lang pero matatalim ang mga titig na ipinupukol niya sakin. Nanatili akong nakayuko habang tinatanggap ang panlilisik ng kanyang mga mata.
"Uhm. T-Tito, maybe you should let her rest first." singit ni Fix ngunit hindi siya pinakinggan ni dad. Kaya ako naman ang naglakas loob na sumubok.
"I'm sorry." mahina kong saad habang nilalaro ang mga daliri at nakayuko pa rin.
Akala ko ay sisigawan ako ni daddy at pagagalitan ngunit nagulat ako sa sunod niyang mga sinabi.
"Fix. Magpapahanda ako ng kwarto sa bahay. Siguro doon ka muna tumuloy, don't worry ipinaalam na kita sa mga magulang mo. Because this time I'll be needing your help again. I need you to keep an eye on this brat." I pouted when he emphasized the word brat.
"I am willing tito." he answered with loyalty.
Isa pang matalim na titig ang ipinukol sakin ni daddy bago tumayo at lumabas ng kwarto.
Sabay kaming napabuntong hininga ni Fix.
"I'm so thankful dahil nasa bar na iyon si Jace—"
"Nandoon si Rhadleigh?!" gulat na gulat kong tanong na kanya.
"Yup. He's the one who saved you. He said Circle Benignson touched you, kaya nasapak niya. Your heart rhythmic problem was triggered. Buti na lang at nadala ka niya agad sa ospital." kita ko ang galit sa mga mata niya nang nabanggit sa usapan si Circle. He touched me? Ano bang ginawa niya sakin? Hindi ko talaga maalala! "Kung bakit kasi uminom ka pa ng alak! Alam mo namang bawal sayo ang alcohol dahil sa arrhythmia mo! Tapos sumama ka pa doon ng gabing-gabi nang hindi nagpapaalam sa daddy mo." ngayon ay hindi na talaga niya naitago ang kanyang galit. Ngayon, siya na ang nagpapangaral sakin.
"Sa susunod wag ka nang makipag-komunikasyon sa gagong Circle na iyon. Mukha lang iyong santo pero babaero iyon! Ayokong maulit pa ang ganitong pangyayari Faith." mariing utos niya. "Buti nga pinabugbog ko lang siya eh." nagulat ako sa sinabi niya.
"Pinagbugbog mo si Circle?!" hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya.
"Yes. Magsasampa pa nga sana kami ng kaso kung hindi lang makipag-areglo yung kapatid niya." hindi ako makapaniwala sa mga sinabi ni Fix. Bakit niya iyon ginawa?! Paano kung balikan siya ng mga Benignson?! Paano kung ipapatay siya? I just can't let that happen. Nalalayo na ang lahat sa nakasulat sa diary. Hindi na ako aware sa lahat ng nangyayari. Wala sa diary na makikipag-inuman ako. Wala sa diary na nagkaroon kami ng communication ni Circle sa isa't-isa. At wala rin sa diary na malalagay ako sa ganitong sitwasyon.
Naputol ako sa pag-iisip nang muling magsalita si Fix.
"I'm sorry. You should rest Faith." iginiya niya ako pahiga at hinimas ang aking ulo. "Don't worry, I won't let him touch you again." he assured me with his gentle look. I slowly close my eyes and feel his caresses but in just a blink of an eye, the deafening silence was shattered by the sudden turbulence.
"PUTA!!! LINDAAAA!!! WAG MO AKONG IWAN!!!" ilang nakabibinging sigaw galing sa isang pamilyar na boses ang bumulabog sa buong floor. Sa sobrang lakas ng boses niya ay kahit yata mga patay sa morgue ay magigising. Kunot-noo ko siyang pinagmasdan habang tumatakbo papunta sa pwesto ko at humahagulgol ng malakas. Nagulat ako nang niyakap nito ang bewang ko at umiyak. "LINDA GUMISING KA!!!! PROMISE DI NA KITA TATAWAGING LINDA!!! KAYA GUMISING KA NA LINDA!!!!" pumasok sa loob si Daze at Fled habang natatawa sa reaksyon ni Dice. Hinanap ng mga mata ko ang isang taong nagdala sakin sa ospital. Ngunit wala siya.
"Dice. Stop it. She's still alive!" sayaw ni Fix kay Dice at hinihila ito palayo sa'kin. Biglang napaangat ng ulo si Dice at tumingin sakin.
"Buhay ka pa nga!" bakas sa mukha ni Dice ang pagkagulat at labis na saya. Namumula ang kanyang mga mata pati ang ilong at magulo ang ayos ng buhok. Bahagya akong natawa sa itsura niya. Ang pangit! "Sabi niyo wala na siya?" lingon niya sa dalawang kasamang kararating lang.
"Ano ka ba Dice, binibiro ka lang namin kanina." tawang-tawang siwalat ni Fled.
"It's not a good joke. Tinakot niyo ako ng sobra." seryosong saad ni Dice na ikinagulat ng tatlo. Para bang ngayon lang nila nakitang maging seryoso si Dice sa tanang buhay nila. Ngunit saglit lang iyon dahil bumalik ulit siya sa pagiging epal. "Hmph. Buti na lang gising ka na Linda."
"Sabi mo di mo na ako tatawaging Linda?"
"Wala eh buhay ka pa rin! But anyways, may dala pala ako diaper para sayo. Para kapag naji-jingle ka hindi ka na mahihirapan pang tumayo. Let go mo na lang!" natatawa akong napailing sa mga sinabi ni Dice. My disappoinment over Rhadleigh was been washed away by him.
Apat na araw akong nanatili sa ospital at araw-araw ring naroon si Dice pati na si Fix. Sina Daze at Fled naman ay paminsan-minsang dumadalaw at minsan naman ay pupunta roon para sunduin pauwi si Dice dahil mukhang doon pa balak matulog. Pero buti na lang ay hindi ako nagtagal sa ospital dahil bawat araw ay lagi lang akong nasasaktan. Umaasa ako na dadalaw siya at kamustahin man lang ako. Pero hindi siya dumating. Bumisita ang mommy niya pati si Rayleigh ng dalawang beses pero siya, kahit silip lang o text at tawag ay wala. Ilang beses na rin akong nagpasalamat sa kanya sa text pero wala siya ni isang reply kaya kahit noong ma-discharge ako ay hindi na ako umasa pang pupunta siya para lang makita ako. Sabi ni Dice ay busy raw siya kay Lauren.
Baka napagod na sakin dahil laging may hindi magandang nangyayari kapag magkasama kami o nagko-krus ang aming landas. Pero hindi ko pa rin maiwasang ma-guilty dahil sa pag-iwas ko sa kanya. Ilang araw ko siyang hindi pinansin pero sa huli ay walang alinlangan pa rin niya akong iniligtas. Nagi-guilty ako.
"What's his name?" tanong ni Fix sa puting kabayo. Maghapon kaming nag-hourse back riding ni Fix. Niyaya ko siyang mag-karera kami kaso delikado raw, baka mahulog ako.
"He name is Dusk." lumapit ako sa isa pang itim na kabayo. "And this is Lumina." silang dalawa ang paborito kong kabayo dahil hindi lang sila mabilis tumakbo at malakas, maamo rin sila at mag-aasawa.
Ipinakilala ko siya sa mga tauhan namin roon.
"Are you tired? Gusto mong magpahinga?" nag-aalalang tanong niya sakin nang makitang pinapaypayan ko na ang sarili. Tumango na lang ako bilang sagot. Bumaba si Fix mula kay Dusk at lumapit sa kinaroroonan ko. "Come here." habang pababa ako ay maingat niya akong inalalayan. Pinaubaya na niya sa mga tauhan namin ang dalawang kabayo.
"Gutom ka na ba?" tanong niya sakin habang papasok kami sa bahay.
"Medyo."
"I'll bake your favorite gingerbread." bigla akong napahinto nang nabanggit niya ang gingerbread. Matagal na akong hindi nakakakain noon mula nang mamatay si mommy. Siya lang kasi ang nagbi-bake noon. Simula nag mamatay siya ay iniwasan ko nang kumain noon dahil palagi ko lang siyang naaalala.
"Hindi na ako kumakain ng gingerbread eh." malungkot kong saad.
"Edi kumain ka ngayon." hinigit niya ng kamay ko ay iginiya ako sa malawak naming kitchen. "Help me find the ingredients." sabay kaming naghanap ng mga kakailanganin. Kahit ayaw ko ay nahihiya pa rin akong tumanggi.
"Marunong ka bang magbake?" tanong niya sakin habang inaayos ang ilang mga ingredients na nakuha namin.
"Yup. Tinuruan ako ni mommy."
"Kung ganoon, maupo ka muna at ako na ang bahala." he confidently declared.
"Marunong ka rin?!" hindi makapaniwala kong tanong.
"Of course. And I'm a great baker!" natatawa niyang pagmamayabang. Natawa na rin ako dahil sa inasal niya.
"Sinong nagturo sayo?" tanong ko sa kanya.
"Pinag-aralan ko lang mag-isa. May kakilala kasi ako na paboritong-paborito ang gingerbread at sobrang halaga sakin ng taong iyon kaya nag-aral akong magbake para kapag nalulungkot siya ay pwede ko siyang ipag-bake ng paborito niyang gingerbread." nahimigan ko ang lungkot sa boses ni Fix ngunit agad rin iyong napalitan kagalakan nang magsimula siyang mag-bake.
"Tada!!" inilapag niya sa countertop ang isang tray ng mga gingerbread na hugis tao at unicorn. Inilahad niya sakin ang makukulay na pangdisenyo. "Make your own character." saglit akong napatigil. Sa paraan ng kanyang gawi at pananalita ay naaalala ko si mommy. The way she wants me to wait for her till she finished baking. And the way she lets me design my own gingerbread man.
Kinuha ko ang isang piraso ng gingerbread at tinikman ito. It also taste the same.
"Masarap. Thank you!" this time I wholeheartedly smiled. Ngayon na lang ulit ako nakatikim ng gingerbread at kalasang-kalasa ito ng mga gawa ni mommy.
"That's good to hear then." he felt relieved. Kumuha siya ng isa at kinagatan iyon. Nakita ko ang pagsilay ng matamis na ngiti sa kanya mga labi katulad ng sa'kin.
We continued the day by designing all the gingerbread men and unicorns. Gumawa siya ng limang na gingerbread men. Silang lima raw na magkakaibigan. Natawa ako sa mga gawa niya. All of it looked horrible.
"Ang pangit ng mga gawa mo!" I honestly uttered.
"Psh. I don't have any talent when it comes to art— Wag mo ngang pinapakialaman itong mga gawa ko! Dun ka!!" pantataboy niya sakin nang kinagatan ko ang ulo ng gingerbread man niyang si Dice raw. Tawang-tawa ako sa sinapit ng mga gingerbread man niya.
Matapos kong maligo at magpalit ng pajamas ay pagbagsak akong nahiga sa kama. Monday na bukas at nangungulit na naman si Dice na sumabay raw ako sa kanila kapag lunch.
From: Supot
Linda! Sabay tayo bukas mag-lunch! Sasapukin talaga kita pag hindi ka sumabay!🥺
To: Supot
Kasabay ko si Ardrey. Okay lang ba?
From: Supot
Ah! Si boy-gyno?! Sige! sige! Basta kasama ka ah!
To: Supot
Opo.
From: Supot
Okie. Okie. Matutulog na ako wag ka nang mang-abala!
Napangiti ako sa reply niya. Siya itong mang-abala. Dapat magpapahinga na ako kaso nagsimula siyang magtext sa'kin.
Napalingon ulit ako sa phone ko nang muling magbibrate. Bigla akong napabalikwas sa kama nang mapagtantong si Rhadleigh iyon.
From: Tukmol
Hey. Asleep?
Finally. He texted. Nagtatanong kung tulog na ba ako. Halo-halong emosyon ang naramdaman ko. Nanginginig ang mga daliri ko habang tumitipa.
To: Tukmol
No. Why?
Halos ipukpok ko ang sariling phone sa ulo ko dahil sa maikling reply. Baka isipin niya cold ang pakikitungo ko sa kanya dahil ang ikli lang ng reply ko.
From: Tukmol
How's your condition?
To: Tukmol
Ayos na ang lagay ko.
From: Tukmol
That's great.
To: Tukmol
Thank you pala sa pagligtas mo sakin.
Nakahinga ako ng maluwag nang ma-i-send ko na ang nais kong sabihin. Hinintay ko siyang magreply ulit. Ngunit wala pa ring dumarating na reply. Baka tulog na? Or may ginagawa? Baka busy kay Lauren, nagtext lang para mangumusta.
Napaigtad ako nang muling nagvibrate ang phone ko.
From: Tukmol
Can I call?
Biglang kumarera sa bilis ang tibok ng puso ko. Agad akong nataranta. Hindi alam ang isasagot. Bakit naman kasi siya tatawag? Pwede namang text na lang!
To: Tukmol
Yes.
Wala pa man sa ilang segundo'y naramdaman ko na ang pag-vibrate ng phone ko. Nanginginig pa ang hinlalaki ko nang sin-wipe ang receive button.
"He-Hello." kahit ang boses ko ay nanginginig dahil sa kaba at excitement.
"Hey." he responded using his sleepy voice. "How are you?"
"A-Ayos lang naman ako." I respond quickly. Matapos ng sagot ko ay pareho kaming natahimik. Tanging ang mabigat niyang paghinga na lamang ang naririnig ko mula sa kabilang linya.
"Are you mad at me?" his question made me speechless. Anong sasabihin ko? Na hindi ako galit sa kanya pero iniiwasan ko siya?! Bakit ko siya iniiwasan? Halos mapamura ako sa isip ko.
"N-No." iyon lang ang tangi kong tugon, naduduwag na dagdagan pa dahil baka mawalan ako ng kontrol sa sarili.
"Then why are you avoiding me?" parang stress na stress siya sa tanong na iyon base sa kanyang tono ng boses.
"Hi-Hindi. Busy lang talaga ako!" pagtanggi ko.
"Quit with your excuse. I know you're avoiding me Lysandra. I can feel it." I can sense desperateness on his voice. "Did I do something wrong?"
Para akong nanlulumo dahil sa tanong niya. Hindi ko alam kung ano ang tamang sagot na dapat kong bitawan.
"I-I'm sorry. It was me. Wala kang ginawang masama para ikagalit ko." mariin akong pumikit at ipinagpatuloy ang nais sabihin. "I'm sorry if I made you feel that way."
"Alam mo ba kung anong klaseng galit ang naramdaman ko nung nakita ko siyang hinahalikan ka? Damn! Lysandra! I really want to beat that asshole to death!" ramdam ko ang galit sa kanyang mga sinabi. Ngunit nanatili ang aking pagkabigla. Circle kissed me?! Dahil ba sa kalasingan namin?! "You scared me so much Lysandra." he frustratedly muttered.
"I-I'm sorry."
"I once told you to never wear those kind of clothes but you still did! You are digging your own grave! Mabuti na lang at namukhaan kita sa loob ng bar na iyon! Kung hindi ay baka kung ano na ang nagawa sayo ng lalaking iyon." I heard him cursed on the line. He breathe heavily while calming his own self.
"A-Ano bang ginagawa mo doon sa bar?" lakas loob kong tanong.
"Umiinom..." tipid niyang sagot gamit ang malamig na tono ng boses. Nabigla ako nang dugtungan niya ang kanyang sagot. "...dahil sayo." ngayon ay ako naman ang nagpapakalma sa sarili ko.
"How about you? What are you doing there while dressed up like a minx?!" he bitterly fired.
"Pa-Para sa misyon natin." nahihirapan kong sagot.
"Fuck that mission! Ipinapahamak mo ang sarili mo. Bakit hindi mo ako tinawagan?!"
"I-Inimbita ako ni...ahm Circle sa bar dahil birthday ng friend niya kaya...di na kita tinawagan pa." I nervously explained.
I heard him cussed on the other line. While I started fidgeting.
"Please. Don't do that again." his voice dropped into a soft and gentle tone.
"I won't." I assured him.
"I want us to stop on that mission, specially you. Ayokong mapahamak ka pa ulit. Pero mukhang ayaw mong papigil. Ayokong pigilan ka sa paghahanap ng hustisya para sa mommy mo pero kung kaligtasan mo naman nakataya rito ay hindi ako na talaga ako papayag. Kung kinakailangan kong pigilan ka para tumigil ay gagawin ko kahit magalit ka pa sakin. Pero alam kong hindi ka titigil. We already started it at wala ng atrasan. We are exposed from the sight of our enemy so we need to move forward. Kaya kung sasabak ka sa laban ay sasabak rin ako. I will do everything just to protect you, Lysandra." he sincerely stated.
His words lit up my heart.
"Thank you Rhadleigh."
"No. From now on, call me Jace."
Nagsimula na namang bumilis ang tibok ng puso ko na tila isang karera. Naramdaman ko na naman ang nagsisiliparang insekto sa aking tiyan na tila hinahalukay ang buo kong kalamnan. My heart fluttered.
"Then call me Faith...Jace." it was a foreign feeling when I called him Jace. Iba ang pakiramdam. Tila ba isa na akong importanteng tao sa buhay niya.
"Alright. Faith." he huskily muttered. "Its already late, you should rest—"
"Wait!" pigil ko sa kanya. "May gusto lang akong itanong."
"What is it?"
"Noong nasa ospital ako...bakit hindi ka dumalaw? Uhm...hinintay pa naman ki-kita." uminit ng pisngi ko dahil sa pinakawalang tanong.
He chuckled.
"I visited you everyday." he answered.
"Sinungaling. Hindi kaya kita nakita!" paratang ko sa kanya.
"You were always asleep when I visit you. I told Fix not to tell you dahil alam kong iniiwasan mo ako." guilt washed over me. Kaya pala. Binibisita niya ako araw-araw pero hindi niya magawang magpakita dahil alam niyang umiiwas ako.
"Sorry." nakanguso kong saad.
"Ayos lang Faith."
"But still thank you. Thank you sa pagligtas sakin."
"I told you. I will do everything just to protect you." parang nag-akyatan muli ang aking dugo sa aking mukha. He's words always makes my heart flutter. Kasalanan niya kapag nati-trigger ang arrhythmia ko.
"Hmm. Then goodnight Jace." I sweetly muttered.
"Goodnight, my turtledove." his last words made blushed before I ended the call.