Chapter 17

Page 17: Like

Dear Past Self,

   Inimbitahan ako ni Ardrey sa 19th birthday niya sa Sabado. May party raw sa mansyon nila. Siya na raw ang bahala sa susuotin ko at make over dahil alam niyang wala akong pera at working student pa pero tumanggi ako roon. Nakakahiya naman kung siya pa ng gagastos ng lahat. Tsaka hindi ako pwede dahil death anniversary iyon ni mommy. Kaya hindi ko tinanggap ang imbitasyon niya.

    Sabay kaming nag-lunch sa rooftop. We talked about our mothers. Ako nga lang ang halos nagkukwento eh. Parang ayaw niyang magkwento pero in the end magkwento pa rin siya. Nakakaawa nga siya eh.

August 25, 2014

Monday

Naging interesado ako tungkol sa nanay ni Ardrey. Parang gusto kong sumabay sa kanya kaso nangako na ako kay Dice na sasabay kami sa kanila. Hindi naman ako sigurado kung magkukwento si Ardrey tungkol sa mama niya kapag may kasama kaming iba. Pero magagalit naman si Dice kapag hindi ako sumabay sa kanila.

Nagdadalawang isip ako kung pupuntahan ba siya sa kanilang room para magpaalam o ite-text na lang. Baka kasi awayin lang ako nun sa text. Maybe, I'll just go to see him.

Nagtungo ako sa ABM floor. Matagal pa bago mag-start ang klase kaya marami pang estudyante ang nasa labas ng hallway. Ang ilan sa kanila ay nakatingin sakin at mukhang ako ang naging sentro ng kanilang usapan.

Naglakad ako papunta sa pintuan ng ABM Advanced class. I scrunched to take a peek in the room but a wide chest covered my sight. A familiar scent mixed with a strong masculine perfume enveloped my senses.

"What are you doing here...Faith?" he huskily asked.

Napaangat ako nang tingin. Blangko ang kanyang expression habang nakatitig sakin. Tumayo ako ng tuwid para harapin siya. "U-Uhh. Nandiyan na ba siya Dice?" his eyes darken.

Bago pa man makasagot si Rhadleigh ay agad na sumingaw ang ulo ni Dice sa may pintuan. "I heard my name!" masigla niyang wika. "Oh. Linda! You're here!" mabilis siyang lumapit sakin. "Anong ginagawa mo dito?"

"Uhh. Hindi kasi ako makakasabay mamaya—" hindi pa man ako natatapos sa sasabihin ko ay bigla nang lumukot ang itsura ni Dice. Parang pinagsakluban ng langit at lupa.

"Bakit?" nakabusangot niyang tanong.

"Ba-Basta. May importante lang akong dapat gawin—"

"Mas importante sakin?" napatigil ako sa tanong niya. Mas nadagdagan ang kaba ko dahil sa mariing pagmamasid samin ni Rhadleigh.

"Uhh... Hindi no! Pero importante rin kasi 'tong gagawin ko...Pe-Pero, promise bukas sasabay na talaga ako. Gagawan kita ng lunch!" nagliwanag ang kanyang mukha dahil sa sinabi ko.

"Talaga? Gagawan mo ako ng lunch bukas?" hindi makapaniwala niyang tanong.

"Oo nga—" naalarma ako nang biglang magbell. Mukhang magsisimula na ang klase. "Sige alis na ako." paalam ko sa kanya. Dumapo muli ang tingin ko kay Rhadleigh at nagkatinginan kami. Ngumiti ako sa kanya bago nagmamadaling umalis.

Pagkatapos naming bumili ng take out lunch sa cafeteria ay agad kaming dumiretso ni Ardrey sa rooftop ng SHS building. Doon ang gusto niya dahil tahimik raw at hindi masyadong pinupuntahan ng mga estudyante. Pumwesto kami sa may silong at doon naupo. Binuksan ko ang styro na may lamang chicken curry at kanin.

"Here. I want to invite you on my 19th birthday party on Saturday. Don't worry about your outfit, ako na ang bahala sa lahat. Wala kang gagastusin." inabot niya sakin ang isang kulay itim na invitation.

"Thank you...pupunta ako. At ako na rin ang bahala sa outfit ko, nakakahiya naman kasi tsaka may pera naman ako sa bank account ko. Don't worry." pupunta ako kahit death anniversary iyon ni mommy at kahit grounded ako. Pupunta pa rin ako. Nararamdaman ko lang na kailangan kong pumunta kaya pupunta ako kahit pagbawalan ako ni daddy. It sounds like it will be a grand birthday party. At kapag engrande ay imbitado ang mga matataas na pamilya. "Sino-sino pala ang mga imbitado?" pagkakataon ko na ito para malaman kung sino ang mga dadalo.

"Uhm. Mga business partners namin, mga Romoaldez, Valencia, Villegas, Chua, La Verde, Mercado, Benignson—"

"Kasama ang mga Benignson?!" interesado kong tanong.

"Yup, they are the main investors in our company and one of our business partners kaya dapat talagang kasama sila." sagot niya. Bahagya akong napatango. Tama nga ang hinala ko na imbitado sila. Kasama rin ang lima at narinig ko rin ang family name ni Lauren. This will be a great excuse para makadalo ako sa party. Imbitado si Fix kaya siguradong papayag si dad.

"By the way, pwede mong isama ng pamilya mo. Your family was also invited." dagdag pa ni Ardrey.

"O sige, tatanungin ko si dad." inilagay ko sa loob ng bag ko ang invitation bago nagsimulang kumain. Bago pa man ako makasubo ay bigla kong naalala na hindi pala pwede si daddy, magluluksa siya sa pagkamatay ni mommy. "Pero baka hindi pwede si daddy. Death anniversary kasi ni mommy sa mismong birthday mo." malungkot kong saad.

Bigla siyang napatigil. "Wait, how about you?! I'm sorry, I don't know."

"No. Ayos lang. Hindi naman siguro magagalit si mommy kung sasaglit lang kami sa birthday party mo diba? Tsaka baka wala akong ibang gawin sa bahay kung hindi ang umiyak lang nang umiyak. Siguradong hindi matutuwa si mommy pag ganoon kaya mabuti na rin siguro na libangin ko muna ang sarili ko." taliwas ang lahat ng sinabi ko sa nararamdaman ko. Ang totoo ay ayaw ko naman talagang pumunta. Pero kailangan ko dahil nariyan ang mga Benignson, kaya pupunta pa rin ako kahit death anniversary ni mommy.

Matapos ng sinabi ko ay hindi na nasundan pa. Binalot kami ng katahimikan. Pero ito na ang pagkakataon ko para simulan ang isang usapan. Ipagdadasal ko na lang na hindi ako mag-breakdown.

"Alam mo super sweet ng mommy ko. Palagi niya ako pinagbi-bake ng gingerbread." pagmamayabang ko. Nakaramdam ako ng konting tagumpay nang makita siyang tumigil sa pagkain na para bang naapektuhan sa sinabi ko. "Lagi niya rin ako noong hinahatid-sundo sa school tapos nagho-horse back riding kami tuwing Sabado at Linggo." dagdag ko pa.

I saw the glimpse of sadness and anger on his eyes until his expression become emotionless.

"Talaga? Buti ka pa." he said using his monotone voice.

"How about your mom?" I innocently asked.

"She's a monster." I sensed the fear on his voice. Parang sobra-sobrang takot ang nararamdaman niya.

"Pa-Paano mo naman nasabi? Ano bang ginawa sayo ng mommy mo?" nagi-guilty ako sa ginagawa ko pero gusto ko siyang tulungan. He need someone. Kailangan ng mga katulad niya ang katulong sa paglaban sa kanilang takot. Hindi sila gagaling kung hindi nila haharapin ang kanilang takot. At para kay Ardrey, gusto ko siyang tulungan sa pagharap ng kanyang takot. Nakakaawa kasi siya habang araw-araw na nakikitang umiiwas sa mga babaeng at hindi makapamuhay ng normal.

"Bata pa lang ako ay palagi niya akong sinasaktan. Walang araw na hindi niya ako pinarurusahan. Palagi niya akong sinisisi kung bakit nasira ang buhay niya. She's a monster!" nagsimulang manginig ang kanyang mga kamay habang nagkukwento. Hinimas ko ang kanyang likod.

"Its okay. You don't have to force yourself." pagpapakalma ko sa kanya.

"Palagi niya akong inuutusan na gumawa ng masama at palagi ko siyang sinusunod dahil ayaw kong masaktan. Kung gusto niya akong magnakaw gagawin ko. Basta wag niya lang akong gutumin o bugbugin. Even my father can't control her. Ganoon palagi hanggang sa mamatay siya dahil sa isang sakit." hindi siya tumigil sa panginginig. Mas lalo siyang binalot ng takot. "I was raised by a psycho, Lysandra."

Natigilan ako. Pinalaki siya ng isang baliw. Paano nangyaring ang isang tulad niyang sobrang talino ay pinalaki ng isang psychopath? Iyon ang dahilan kung bakit siya nagkaroon ng gynophobia.

Tulala ko habang naglalakad papuntang parking lot. Nasa isip ko pa rin ang mga sinabi ni Ardrey. Bata pa lang ay inaabuso na siya ng sariling ina. Hindi ko alam kung paano niya nakaya ang lahat. Bakit hindi ipinadala sa mental ang mommy niya? May pera sila at kayang-kaya nila ang gastusin sa mental hospital. Kung nadala siguro sa mental agad ang mommy niya ay hindi siya magiging ganoon. Paano naatim ng sarili niyang ama na hayaan na lang si Ardrey na kasama ang baliw niyang asawa habang lumalaki ang anak? Anong klase siyang magulang?

Nabalik ako sa sariling diwa nang maramdamang may pumulupot sa aking baywang.

"Careful Faith. Pay attention on the road." nagsimulang bumilis ang tibok ng puso ko sa hindi malamang dahilan. Iginiya niya ako paatras dahil konti na lang ay babangga na ako sa isang poste. Nang pinakawalan na niyang aking baywang ay kabado akong napaharap sa kanya.

"Thank you." hindi ako makatingin ng tuwid sa kanya at hindi ko alam kung bakit. Hinabol niya ang aking tingin.

"You are always welcome, Faith." he sincerely said. "Pauwi ka na?" tanong niya sakin.

"Ye-Yeah. Ikaw?" kinakabahan kong tugon.

"Pauwi na rin." paos niyang sagot.

"Hindi mo ba kasama si...Lauren?" tumingin ako sa ibang direksyon nang banggitin ang pangalan ni Lauren.

"No. Hindi ko naman siya hinahatid pauwi kung yan ang iniisip mo. Sumasabay lang siya sa grupo namin tuwing lunch, yun lang." paliwanag niya kahit hindi ko naman tinatanong.

"Ah. Hi-Hindi ko naman tinatanong." nahihiya kong sabi. Tumikhim siya na tila ba inaayos ang kanyang postura dahil sa sinabi ko. Parang gusto kong bawiin yung sinabi ko. Nakakahiya! "U-Uhh... Papunta kang parking lot?" nahihiya akong tumingin sa mga mata niya.

"Yeah." tila paos niyang sagot.

"Sa-Sabay na tayo." suhestiyon ko.

"Alright... I'll carry it for you." turo niya sa mga librong dala ako. Bago pa man ako makatanggi, sa isang iglap lang ay nasa kanya na ang hawak kong mga libro. "Let's go."

Binagalan ko ang lakad para hindi kami magsabay. Ilang pares ng mga mata ang nakatutok samin habang papunta sa parking lot kaya mas pinili kong maglakad sa likod niya habang nakayuko upang iwasan ang mga mapanuring mata ng karamihan. Biglang tumigil sa paglalakad si Rhadleigh kaya nabunggo ang noo ko sa likod niya. Bahagyang akong napaatras ng humarap siya sakin.

"Sorry." mahina kong paumanhin.

He stared as if he's deciphering an unsolved puzzle. "What's the matter?" he queried.

"A-Ang dami kasing nakatingin satin. Baka ma-issue pa ako sayo. At baka kung anong isipin ni Lauren." nahihiyang saad ko.

I saw him sighed.

"Kung ma-i-issue man ako, gusto ko sayo lang. At wala akong pakialam sa iisipin ng iba. Ikaw? Ayos lang ba sayo na ma-issue sakin?" uminit ang pisngi ko sa sinabi niya. Tumikhim ako para pakalmahin ang sarili.

"U-Uhh. A-Ayos lang naman." tugon ko gamit ang maliit ng boses. Hindi ko magawang tumingin sa kanya ng diretso kaya't napatungo na lamang ako.

I heard him chuckled. 

Nagpatuloy kami sa paglalakad at sa pagkakataong ito ay sumasabay na ako sa kanyang bilis

Nadatnan namin sa parking lot si Fix habang nakasandal sa kanyang itim na Bugatti Veyron. Tumayo siya ng tuwid nang matanaw ako, napansin kong kumunot ang kanyang noo nang damapo ang tingin sa kasama ko. "Jace, pauwi ka na ba?" 

"Yeah." tipid niyang sagot bago ibinalik sakin ang mga libro ko.

"Thank you."

"Your welcome." kaswal niyang tugon habang si Fix naman ay mariin kaming pinagmamasdan. Binuksan niya ang pinto ng sariling sasakyan.

"Get in Faith." utos niya na tila pinuputol ang interaksiyon namin ni Jace. Tumingin ako kay Rhadleigh.

"Una na kami Jace." sambit ko.

"Alright. Take care." saad niya bago ako pumasok sa loob. Nakita kong tinapik ni Fix ang balikat ni Rhadleigh at may sinabi na kung ano bago pumasok sa kotse. Binuhay niya ang kotse at pinaandar palayo sa parking lot.

"Pinopormahan ka ba ni Jace? At bakit Jace na rin ang tawag mo sa kanya?" magkasunod na tanong ni Fix habang mariing nakatingin na daan.

"Hindi niya ako pinopormahan. He let me call him Jace, so I also let him call me Faith." kaswal kong sagot at pilit na binubura ang malisya sa tono ng kanyang boses.

"Akala ko ba wala kang balak na hayaan siyang tawagin ka sa ganoong pangalan." nahihimigan ko ang pagtatampo sa kanyang boses. Hindi ako nakasagot. Kahit ako ay hindi alam ang sagot kung bakit ko nga ba siya hinayaan. Dahil ba iniligtas niya ako o may iba pang dahilan? At bakit niya naman ako hinayaang tawagin siyang Jace? Si Lauren nga Rhadleigh pa rin ang tawag sa kanya.

Patuloy na lumipad ang aking isipan kahit na nakarating na sa bahay. Pasado alas-siyete na nang mag-dinner kami.

Tahimik na kumakain si dad at Fix ng hapunan. Nag-iipon ako ng lakas ng loob para masabi kay daddy ang tungkol sa invitation. Alam kong hindi siya papayag lalo na kapag nalaman niyang naroon rin sa party ang mga Benignson. Pero susubukan ko pa rin.

"U-Uhh. Dad?"

"What is it?" tumigil siya sa pagkain at tumingin sa'kin, ganoon rin ang ginawa ni Fix na tila interesado sa sasabihin ko.

"Uhh kasi po... inimbitahan ako ng kaklase ko sa birthday party niya...sa Sa-Sabado po ng g-gabi. Baka kung pwede lang naman po." hindi ako makatingin ng tuwid kay daddy habang sinasabi iyon. Labis akong kinakabahan habang nilalaro ang aking mga daliri upang mabawasan ang kaba at takot.

"Alam mo naman kung gaano kadelikado para sayo ang araw na iyon hindi ba. Walang pinipiling oras ang panic attacks mo at siguradong mati-trigger ang arrhythmia mo. That's your mom's death anniversary." his words were delivered by coldness. Binalot ng katahimikan ang hapag-kainan. Pare-pareho kaming tahimik at pinapakiramdaman ang paligid. "We will commemorate your mom's memories. And after that you're free to go on that party." Nagulat ako sa sinabi ni daddy. Parang nagpanting ang mga tainga ko at hindi makapaniwala kung tama ba ang narinig ko.

"Po?" hindi makapaniwala kong tanong.

"Hahayaan kitang dumalo sa party na iyon pero ang buong umaga ng Sabado ay ilalaan natin para sa mommy mo." sumandal siya sa upuan bago muling nagpatuloy sa pagsasalita. "Napag-isip-isip ko na baka makatulong sayo ang pakikisalamuha sa ibang tao. Sa ilang taong lumipas. Palagi ka lang nakakulong sa isang kwarto habang pinagluluksaan ang pagkamatay ng mommy mo at ganoon pa rin, you were always having your panic attacks and all I can do is to narcotize you because everytime you wake up, you'll just start screaming and trembling. Bakit hindi natin ito subukan, maybe this will help you to heal. Ibuhos mo sa ibang bagay ng atensyon mo. Kung hindi man gumana ay maghahanap tayo ng ibang paraan, we have your psychiatrist." his words synchronized with my idea. I want to heal and the only cure that can end my pain is to seek the rightful justice for my mom's death. Ardrey's party will be a great step to draw closer to the enemy.

"Pero tito imbitado rin po ang mga Benignson. That might trigger her panic attacks." apila ni Fix. Tumingin sakin si daddy na para bang nasa akin na ang buong desisyon.

"I-I'll still attend the party. Nasabi mo naman diba Fix na pinabugbog mo si Circle, that means he won't make it. He won't let anyone see him with a bruised face. At ano naman kung pumunta sila, sila ang may atraso kaya bakit ako matatakot?" determinado kong sabi.

"They might hurt you again." pilit ni Fix.

"They can't." dahil ang sabi ni Rhadleigh ay poprotektahan niya ako kahit anong mangyari.

"Why won't you accompany Faith, Fix? Mapapanatag lang ako kapag kasama mo siya. Magsama rin kayo ng mga bodyguards. Maybe that will make you feel at ease." panggagatong ni daddy.

Fix sighed. "I will surely come with her. And I'll bring a lot of bodyguards. Pero hindi pa rin ako mapapanatag tito." Fix's words made me smile. I always feel safe when I'm with Rhadleigh at ngayon ay nadagdagan pa ng isang taong magpoprotekta sa'kin. And it makes me feel so overwhelmed.

"Thank you." I sweetly uttered before continuing our dinner.

Ipipikit ko na sana ang mga mata ko kung hindi lang tumunog ang aking phone.

From: Supot

Goodnight Linda. Mwah! :*

To: Supot

Goodnight.

Bigla akong napabalikwas ng makitang may isang mensahe roon na galing kay Rhadleigh.

From: Jace

Hey. Can I call?

30 minutes ago pa iyon. Baka tulog na siya kung mag-rereply man ako. O baka busy kay Lauren. Pero parang may nagtutulak sakin na reply-an siya. Halos gumulong ako sa kama dahil hindi ko alam ang gagawin. Ngunit sa huli ay hindi ko pa rin napigilan.

To: Jace

Sorry ngayon lang. Gising ka pa? You can call.

Wala pa mang ilang segundo ay mabilis na nagring ang phone ko.

"Hello?" pambungad ko.

"Matutulog ka na ba?" I found his sleepy voice sexy.

"Hindi pa naman. Ikaw?" umusog ako sa headboard para doon sumandal.

"Hindi pa." matapos ng tugon niya ay panandalian kami pareho natahimik. Hindi alam ang isasagot. Tanging ang mabibigat na hinga lamang niya ang naririnig ko sa kabilang linya. Ngunit hindi pa man nagtatagal ay muli siyang nagsalita. "Uh. About the lunch tomorrow...you are going to make a lunch for Dice..." parang may gusto pa siyang idagdag sa sinabi niya ngunit pinigilan ang sarili.

"Yeah, gagawan ko siya. Ano bang paborito niyang ulam?" tanong ko sa kanya.

"Paborito niya ang ampalaya na maraming itlog." matigas niyang saad.

"Okay. Madali lang iyon." matapos ulit ng sagot ko ay binalot muli kami ng katahimikan. Wala akong maisip na susunod na sasabihin.

"Uhh. Gusto mo ipagluto rin kita? Bilang pasasalamat sa pagligtas mo sakin sa bar." I timidly offered.

"Yes... Aasahan ko iyan." parang sumigla ang tono ng kanyang boses sa pagkakataong ito.

"Anong gusto mong ulam?" tanong ko sa kanya.

"Anything basta luto mo." my heart fluttered.

"Okay." tipid kong sagot kahit hindi mapakali. "Umm... A-attend ka ba sa birthday party ni Ardrey?"

"No."

"Ganoon ba? Pupunta kasi kami ni Fix doon. Pinayagan ako ni daddy." nanghinayang ako dahil sa sagot. Ang sabi niya poprotektahan niya ako. Pero may karapatan naman siyang magdesisyon para sa sarili niya. Paano kung may importante siyang gagawin? Mang-aabala pa ako.

"Then I'll come." bigla niyang sagot.

"Hindi mo kailangang pumunta dahil pupunta ako. Kung ayaw mo okay lang, kasama ko naman si Fix." baka mamaya napipilitan lang siya dahil sakin.

"Ayokong pumunta dahil akala ko hindi ka pupunta. But now, I want to go." his words made my heart beats faster. "Is it okay na naroon ka? Siguradong imbitado rin ang mga Benignson."

"Ayos lang, napag-usapan na namin ito ni dad. Sayo ayos lang ba? I mean baka makilala ka nila. Ibang pangalan pa naman ang ibinigay mo." nag-aalala ako na baka makilala kami ni Crale Benignson. Lalo na si Rhadleigh dahil ibang pangalan ang ibinigay niya.

"Wala na akong pakielam sa kanila. All I want to do is to protect you from them lalo na sa gagong Circle na iyon." nahimigan ko ang konting galit sa kanyang tono ngunit agad ring nawala nang muli siyang magsalita. "Well let us not talk about them. Why don't we talk about yourself?" nabigla ako sa sinabi niya. Bakit tungkol sakin? Bakit hindi na lang tungkol sa kanya.

"Bakit sakin?"

"Gusto kong mas makilala pa kita." natameme ako sa sagot niya. Mas makilala? Anong sasabihin ko sa kanya?

"Okay...Umm...Paano ko ba sisimulan?" nahihiya ako dahil hindi ko talaga alam kung ano ang dapat kong sabihin.

"Like what are your likes and dislikes." he sexily chuckled.

"Umm. Favorite ko ang gingerbread. Ayoko ng mushrooms dahil allergic ako sa kanila—" hindi pa man ako natatapos magsalita ay bigla nang sumabat si Rhadleigh.

"Well should I hate them too?" with his playful tone.

"Paborito mo iyon diba? Bakit mo naman kailangan i-dislike ang gusto mo dahil lang sa ayaw ko?"

"Isa lang naman kasi talaga ang gusto ko."

"Psh. Ano naman iyon?" bahagya akong napakunot noo dahil sa sinabi niya.

"Yung kausap ko." paos niyang sagot na ikinatahimik ko. Bahagya siyang natawa ng mahina nang mapansin ang katahimikan ko. "Ano na yung likes and dislikes mo?"

"Dislikes ko? Yung niloloko ako!" I sarcastically said that made him laughed.