Chapter 18

Page 18: Gown

Dear Past Self,

    Dahil hindi ako makakapunta sa birthday ni Ardrey ay naisipan ko gawan siya ng handmade na regalo. Tutal marunong naman akong mag-drawing ay gagawan ko na lang siya ng portrait.

    By the way, isang simpleng araw lang ang naganap sa araw na ito. Kasama ko si Ardrey na nag-lunch sa cafeteria. At narinig ko sa mga chismis na break na raw ni Rhadleigh at Lauren. Nakaramdam ako ng lungkot para sa kanilang dalawa, hindi pa sila nagtatagal pero break na kaagad.

August 26, 2014

Tuesday

Halos buong gabi kaming nag-usap sa telepono. Puro tungkol sa mga sarili namin at pamilya ang napag-usapan. Tumigil lang siguro kami nang marinig niya akong humikab. Buti na lang ay maaga akong nagising para ipagluto sila ng pananghalian. Inihanda ko ang ampalaya na maraming itlog para kay Dice at kay Jace naman ay scalloped salmon with mushroom. Inilagay ko pa pareho sa isang lunch container para hindi madaling lumamig.

"Faith, ano yang dala mo?" tanong sakin ni Fix nang makapasok ako sa kotse niya.

"Lunch nina Dice at Jace." kaswal kong sagot.

"Ano bang meron?" nahimigan ko na naman ang malisya sa kanyang boses.

"Nagpromise kasi ako kay Dice na gagawan ko siya ng lunch dahil hindi  ako nakasabay sa kanya kahapon. Ginawan ko na rin si Jace bilang pasasalamat sa pagligtas sakin noong nasa bar ako." pinanatili kong normal ang tono ng aking boses.

"Do you like Jace?" halos mapaubo ako dahil sa tanong niya. My heart started fluttering again.

"Anong tanong yan?! Of course not!" Hindi ko siya gusto! At hindi ko gugustuhin dahil siya ang papatay sa'kin.

"Please don't fall for him. He'll just appraise your love." he seriously warned me.

"Sinong mahuhulog sa tukmol sa yun?" labas sa ilong kong sabi.

"Marami nga eh. At ayokong isa ka rin sa kanila." tono ng kanyang boses ay tila na pinagmamasdan ang reaksyon ko.

"Nuh. Hindi ko pa rin nakakalimutan ang mga ginawa niya sakin!" marahas kong sabi. "Never akong magkakagusto doon!"

"I hope so." wala sa sarili niyang sambit bago nagsimulang paandarin ang sasakyan.

I hope so too.

Katabi ko si Ardrey at Dice. Sa harap ko naman si Jace na napagigitnaan ni Lauren at Fix. Nasa tabi naman ni Dice si Daze habang si Fled ay nasa tabi ni Fix.

"Linda yung baon ko!" demanding na sabi ni Dice. Binuksan ko ang bag na dala at inilabas ang dalawang lunch container. Iniabot ko sa kanya ang isang container at ang isa naman ay kay Jace. "Bakit meron si Jace?" nakabusangot na tanong ni Dice.

"Pasasalamat ko sa pagliligtas sa'kin doon sa bar." kaswal kong sagot. Binuksan ni Jace ang container at tumambad sa kanyang ang mabangong amoy ng scalloped salmon with mushroom na niluto ko.

"Wow! Mukhang masarap! Jace penge nga!" akmang kukuha na si Daze ng scalloped salmon nang bigla itong iniwas ni Jace.

"Magpaluto ka kay Fled." inis nitong sabi.

"Ang damot. Ano bang meron at may libre kayong lunch kay Lysandra? Ba't kami wala?" nakangusong litanya ni Daze.

"Its none of your business." excited na binuksan ni Dice ang container ngunit biglang naglaho ang ngiti sa kanyang labi. Narinig ko ang pigil na pagtawa ng mga kaibigan niya. "Bakit ampalaya?" dismayado niyang tanong.

"Ang sabi ni Jace paborito mo raw yan." napabaling silang lahat kay Jace na sarap na sarap habang kumakain.

"Tinawag mo siyang Jace?!" biglang tanong ni Lauren. Tumango ako bilang sagot. Tila may dumaang sakit sa kanyang mga mata at sa tingin ko ay ako lang ang nakapansin. Abala sila sa pang-aasar kay Dice. Feeling ko tuloy dapat akong ma-guilty dahil nga sinusuyo niya si Jace at ako itong nakikiepal.

"Bakit ayaw mo ba? Kung ayaw mo akin na lang." sabat ni Fix at umambang aagawin ang baunan kay Dice. Agad itong iniwas ni Dice.

"Ano ba?! Paborito ko kaya 'to!" mabilis na sumubo si Dice at mabilis na nilunok iyon.

"Baka mabulunan ka Dice kung hindi mo ngunguyain. Pero kung ayaw mo pwede namang—" napatigil ako sa pagsasalita nang biglang sumabat si Dice.

"Hindi ko paborito ang ampalaya! Bakit ka ba kasi naniwala kay Jace! Ang pait kaya!" inis na wika ni Dice habang pulang-pula ang pisngi. "Pero ngayon paborito ko na kasi...luto mo. Masarap naman pala." nahihiya niyang sabi.

"Ang corny mo! Seryoso ka ba Dice?!" natatawang tanong ni Fled. Biglang nag-iba ang ekspresyon ni Dice.

"Palagi naman akong seryoso." bakas sa tono niya ang diin at kaseryosohan.

Napatigil sila dahil sa inasal ni Dice. Tila ba hindi pa rin makapaniwala sa seryosong side ni Dice. All of them are speechless.

Tumikhim ako para bawasan ang bigat ng paligid. "Next time hindi na ako magluluto ng ampalaya."

Masayang napabaling sakin si Dice. "Talaga?! May next time pa?! Gusto ko ng ampalaya ulit na maraming itlog!" akala ko nagbibiro lang siya sa mga sinabi niya pero nakita ko sa mga mata niya na seryoso siya. Gusto na niya ng ampalaya.

"Sana kami rin." mahinang bulong ni Daze na tila nagpaparinig.

Mabilis na lumipas ang mga araw at bukas na ang party pati na rin ang death anniversary ni mommy. Wala pa akong susuotin kaya napagdesisyunan kong huwag munang pumasok ng hapon dahil kailangan kong maghanap ng gown. Pumasok kami sa isang malaking boutique.

"Nandito ka rin pala Lauren?" pareho kaming nagulat nang makitang nasa loob rin ng boutique si Lauren.

"Yeah. Naghahanap ng masusuot." nakangiting sagot nito.

"Kami rin." sagot ko. Mabilis na lumapit samin ang isang attendant.

"How may I help you Mr. Romoaldez and ma'am?" magalang nitong tanong.

"Ready to wear long gown and formal suit for parties." sagot ni Fix. Iginiya kami ng babae paupo sa sofa bago umalis para kumuha ng sinabi ni Fix.

Naroon rin si Lauren na nakaupo sa single couch at may tinitingnan sa magazine. Mukhang hindi niya kami napansing pumasok.

"Pwede bang iwan muna kita dito? May bibilhin lang ako." biglang tanong ni Fix.

"Paano yung susuotin mo?"

"Ikaw na lang ang pumili. Alam na nila ang sukat ko dahil dito ako madalas bumubili. Mabilis lang ako." saad niya.

"Okay." walang akong nagawa kung hindi ang hayaan siyang umalis. Lumingon ako sa kinaroroonan ni Lauren at nagtama ang aming mga titig.

"Close kayo ni Fix?" biglang tanong ni Lauren nang makalapit ako.

"Yeah. Sa bahay namin siya nakatira." sagot ko.

"Sa bahay niyo?" gulat na tanong ni Lauren.

"Oo, ginawa siyang bodyguard ko ni daddy." biro ko.

She chuckled. "C-Close rin kayo ni... Rhadleigh?" nahihiya niyang tanong.

"Hindi naman masyado." mahina akong tumawa para bawasan ang awkwardness sa paligid.

"But he let you call him Jace. That's unusual. Kahit nga ako na girlfriend niya noon ay hindi niya hinayaang tawagin siya sa ganoong pangalan. Sa pagkakaalam ko kasi, mga mahahalagang tao lang sa buhay niya ang hinahayaan niyang tawagin siya nang ganun." malungkot niyang sabi.

"Naku wala lang yun, siguro dahil kaibigan ko si Fix at Dice, so he let me address him that way." bahagya siyang tumango sa sinabi ko ngunit para bang may bumabagabag pa rin sa kanya.

Ilang sandali'y dumating na rin iyong attendant kanina na may kasamang iba. Sinuyod ng paningin ko ang dala-dala nilang mga gown. Ganoon rin ang ginawa niya sa mga dress na kinuha para sa kanya. "I want this." turo ko sa isang pink fitted long gown na gawa sa kumikinang na tela at mga sequins. Medyo revealing siya pero maganda ang design.

"Okay ma'am, pwede niyo pong isukat." tinanggal niya ito sa pagkakahanger at balak na ibigay sakin.

"I want that!" turo ni Lauren sa tinuro ko.

"A-Ah ma'am wala po ba kayong ibang nagustuhan rito, nauna na po kasi si ma'am." sabi noong isang attendant.

"Ah. Ganoon ba." napansin kong medyo nalungkot si Lauren dahil doon at bumaling na lang sa ilang mga gown.

"U-Um. Pwede namang sa kanya na lang kung gusto niya. Medyo revealing kasi, hindi ako komportable sa ganyan." nakita kong medyo nagliwanag ang mukha niya.

"Pero diba gusto mo yan?" hindi makapaniwala niyang tanong.

"Maghahanap na lang ako ng hindi masyadong revealing." nakangiti kong sabi.

"Waaah! Thank you!" abot tenga ang kanyang ngiti. Tuwang-tuwa niyang isinukat ang gown. Habang ako naman ay naiwan roon habang pumipili ng susuotin ni Fix.

"Siguro, bagay ito sa kanya." ani ko. I picked the black fitted turtleneck top made up of heavy cotton material under a gray tuxedo paired with gray slacks. Mukhang bagay iyon sa kanya.

"Maganda po ang napili niyo ma'am." puri ng isa.

"Good afternoon Mr. Valencia." napalingon ako sa taong binati ng ilang attendant. Nagkatinginan kami pareho at lumapit siya sakin.

"Uh. Nasa loob pa si Lauren, nagsusukat." saad ko.

"What are you talking about?" malamig niyang tanong.

"Hindi ka ba nandito para kay Lauren?" litong tanong ko sa kanya.

"Of course not. I'm looking for a formal suit." tila nabunutan ako ng tinik dahil sa sinabi niya. "Nakahanap ka na ba ng susuotin mo?" tanong niya. Umiling ako. May ibinigay siyang golden card doon sa attendant, mukhang VVIP card. "Follow me." utos niya.

Iginiya kami nung attendant sa isang VVIP section kung saan mas maganda ang interior design ng lugar at mas magaganda ang disenyo ng mga gowns and tuxedo.

"Mamili ka na ng gusto mo." saad niya. Nagtataka akong napalingon sa kanya. VVIP section ito at siguradong sobrang mahal ng mga damit dito. Hindi ako sigurado kung kasya ba yung laman ng card na ibinigay sa'kin ni daddy. Hindi naman kami sobrang yaman tulad nila. Doktor si daddy at wala kaming negosyo kaya baka hindi ko afford ang mga damit dito.

"Hindi na, doon na lang ako sa labas." nanliliit kong sabi ngunit hindi niya ako pinakinggan.

"I want that for her." turo niya sa isang spaghetti strapped deep blue fitted long gown na puno ng mga maliliit na diyamante.

Kahit ang mukha ng mga attendant ay may bakas ng gulat. Walang sabi-sabing kinuha nila iyon bago lumapit sakin.

"Jace, Wag na." sabi ko sa kanya dahil mukhang milyones ang presyo noon.

"Hindi naman ikaw ang magbabayad." mas lalo akong naalarma sa sinabi niya. Ano na naman bang trip ng lalaking ito? Baka mamulubi ako nito. Napilitan akong kunin ang long gown, sasabihin ko na lang na hindi ko gusto para tumigil na siya. Paglabas ko ng fitting room ay naroon na si Fix. Naroon rin si Lauren sa tabi ni Jace. Nakangiti si Lauren sakin hanggang sa bumaba ang tingin niya sa gown ko. Jace shifted on his seat and now looking intently on me.

Ang sabi niya, pumunta siya rito para maghanap ng susuotin. Mukhang pumunta lang siya rito dahil nandito rin si Lauren. Napakasinungaling talaga!

"It suits you well Faith. We'll get it." pinal niyang sabi. Balak ko na sanang tumutol nang biglang magsalita si Jace.

"I'll pay for it. Total ako naman ang nagdala sa kanya dito." singit ni Jace.

"No need Jace. May ipinadala si tito Fred na card." Fix cooly answered. Iniabot niya sa attendant ang isang black card na katulad ng binigay ni daddy. Alam kong mala-ginto ang presyo ng gown na ito pero saan naman nakakuha si dad ng malaking halagang pera para sa dalawang black card? O baka ang tamang tanong ay kung kay daddy ba talaga ang black card na iyon?

Is this the reason kung bakit pinipilit niya akong makipagkaibigan kay Fix? Kung bakit halos patirahin niya na sa bahay si Fix para lang makakuha ng malaking pera?

Wala ako sa sarili nang makauwi kami sa bahay. Dumiretso agad ako sa kwarto. Bukas na ang death anniversary ni mommy. Last year, ilang beses akong mag-panic attack kaya walang ibang ginawa si daddy kung hindi ang patulugin ako. Pero nagkaroon ng komplikasyon dahil sa side effects ng itinuturok na pampatulog sakin ni daddy na nag-trigger ng arrhythmia ko. Tumatagal ng lang ng higit limang oras ang pampatulog kaya kinakailangan uli akong patulugin ngunit masyadong delikado kung patutulugin muli ako gamit ang ilang gamot. That day is very risky for us. It's either I'll die because of my arrhythmia triggered by the side effects of my medication or I'll die because of arrhythmia triggered by my panic attacks. Some arrhythmias are life threatening according to the type of complication in the heart just like mine. Kapag hindi naagapan ay pwede kong ikamatay. Kaya tuwing araw ng pagkamatay ni mommy ay umuuwi ako sa bahay para magluksa at para mabantayan ng mga hinire na nurses and psychiatrists ni daddy. Yung iba ay may hawak ng oxygen, yung iba naman ay may hawak na mga gamot. At yung iba naman ay standby. Kailangan ng matinding atensyon at pagbabantay.

Ngunit ngayon, isa lang ang nasa isip kong kayang makapagpakalma ng takot na nararamdaman ko.

Agad kong kinuha ang phone ko at hinanap ang pangalan niya. Naka-ilang subok ng tawag ako sa kanya ngunit walang sumasagot. Naka-off ata yung phone o low battery. Ilang subok ay tumigil na rin ako bago ibinagsak ang katawan sa aking kama. Dahil na rin siguro sa pag-iisip tungkol sa magaganap bukas ay mabilis akong hinila ng antok.

Nagising na lamang ako dahil sa maingay ng tunog ng phone ko. Hinanap ng kamay ko ang maingay na telepono at itinapat iyon sa aking tainga. It automatically accepted the call.

"Sino to?" inaantok kong tanong.

"Did I wake you up?" he's husky voice woke my system up. My sleepiness suddenly disappeared as I heard his calming voice.

"Ye-Yeah. Pe-Pero buti na lang nagising ako. Hindi pa pala ako kumakain ng hapunan." mabilis akong bumangon nang makitang alas-diyes na ng gabi. Hindi ko binaba ang tawag habang palabas ng kwarto.

"Well you should eat now. Masama ang magpalipas ng gutom." he advices.

"Yes, papunta na ako sa kitchen. Ikaw kumain ka na ba?" nabigla ako sa sariling tanong. Bakit ko naman siyang tinatanong? Anong pakialam ko kung kumain na siya o kung nabusog man?!

"Yes, kanina pa." he answered between his sexy chuckles. "Siguro dapat ibaba ko muna. Tatawag na lang ako kapag tapos ka ng kumain." tila nilamon ako ng pagkadismaya. Sana pala hindi ko na lang sinabi na hindi pa ko kumakain.

"O-Okay. Pero kung inaantok ka na pwede ka nang matulog." I said hesitantly.

"No. Gusto kitang makausap." muntik na akong matisod sa paglalakad dahil sa sinabi niya. Kinalma ko ang sarili bago muling nagsalita.

"O sige. Tatawagan kita kapag tapos na ako." sabi ko habang kinukurot ang tagiliran.

"Alright. I'll wait." paos niyang wika.

"Okay." muli kong tugon. Ilang segundo'y nasa kabilang linya pa rin siya na tila wala ni isa samin ang gustong bumaba ng tawag. "U-Uh. Kakain na ako."

"Hmm. Please end the call. Ayokong babaan ka." nag-init ang pisngi ko dahil sa sinabi niya.

"Ibababa ko na." halos manginig ang kamay ko para lang patayin ang tawag. Tinakbo ko na ng distansya sa pagitan ng hagdanan at kusina, muntik pa akong madapa dahil sa ginawa ko.

Naroon pa ang ilang maid na nag-aayos sa kusina. "Hija, mabuti at gising ka na. Halika, kumain ka na." sabi ni manang Cel habang pinaghahanda ako ng pagkain. Para akong nilalanggam sa itsura ko dahil sa paghihintay sa pagkain ko. Nang mismong mailapag na ni manang Cel ay agad ko iyong nilantakan na parang ilang araw na hindi kumain.

"Mukhang gutom na gutom ka ah." komento ni manang ngunit hindi ko na binigyan pa siya ng pansin, ang tanging nais ko lang ay ang matapos sa pagkain. At nang maubos ko na ang aking hapunan ay mabilis akong nagtungo sa banyo para nag-half bath at toothbrush. Sabi ko kakain lang eh!

Nang matapos sa lahat-lahat ay agad-agad kong kinuha ang phone para tawagan ulit si Jace.

"Finished?" bungad niyang tanong gamit ang paos na tono boses.

"Yep." I answered.

"Bakit ka nga pala napatawag kanina?" he queried.

"U-Um...naghahanap ng kausap. Bukas na kasi ang death anniversary ni mommy." ilang sandali siyang natahimik dahil sa sinabi ko.

"Then why are you still attending the party?" nahimigan ko ang pag-aalala sa kanyang boses.

"Siguro para ma-divert ang atensyon sa iba? Every death anniversary kasi ni mommy ay palagi akong nagkakaroon ng panic attacks lalo na kapag walang ginagawa at mag-isa. That day is very risky for me. Nati-trigger ang panic attacks at arrhythmia ko so I need a way to avoid it from happening again." I explained. He remained silent. "Baka lang makatulong ang pakikipag-socialize." dagdag ko pa.

"So how can I help?" ramdam ko ang pag-aalala sa kanyang boses.

"Being with you is enough." Nagulat ako sa nasabi. Gusto kong bawiin ngunit huli na ang lahat. Kinurot ko ang sarili dahil sa katangahang nasabi ko. "W-What I-I mean is...diba pupunta ang mga Benignson s-so I need you para sa-samahan ako." nauutal kong pananakip sa butas na ginawa. Narinig ko pa ang mahina niyang pagtawa dahil sa pangangatwiran ko.

"Kahit hindi mo naman sabihin, mananatili pa rin ako sayo...sa tabi mo." Dinagdagan pa!