Page 19: Party
Dear Past Self,
Death anniversary ngayon ni mommy at umuwi muna ako sa bahay namin. Maraming nurses ang nagbantay sakin. Buti na lang at huminahon na ako ngayon. Alas-diyes na ng gabi pero hindi pa rin maayos ang pakiramdam ko. Buong araw akong halos hindi makakain. Kinabitan na nila ako ng suwero at oxygen mask dahil hirap pa rin akong huminga ngunit unti-unti'y medyo nagiging kalmado na ang sarili kaya nakapagsulat na ako. Buti na lang, hindi malala ang inabot ko ngayon.
August 30, 2014
Saturday
Eight o'clock ng umaga ay nasa sementeryo na kami kasama si Fix. Dala-dala ko ang isang bouquet ng paboritong bulaklak na camellia ni mommy. Naglatag si Fix ng blanket sa damuhan habang si daddy ay nagsindi ng kandila. Naupo ako sa inilatag na pranela.
Tandang-tanda ko pa rin kung paano siya nasagasaan ng isang rumaragasang truck pagkatapos ay tinakbuhan lang kami ng driver. Nakita ko kung paano kami nahirapan noon dahil sa pagkawala ni mommy. Palagi akong nagkakaroon ng panic attacks tapos sinasabayan ng arrhythmia ko. Hindi makapagtrabaho ng maayos si daddy dahil sa akin muntik pa siyang matanggalan ng trabaho. Dapat ay lalagyan na ako ng pacemaker noon pero tumanggi ako. Ang sabi ko ay natatakot akong magpalagay ng device sa loob ng katawan ko pero ang totoo ay ayaw ko lang na mamroblema siya sa pera. Alam kong hindi na iyon kakayanin ng pera namin dahil kasabay noon ang pagkalugi ng maliit na negosyong itinayo ni mommy, dahil doon ay nabaon kami sa maraming utang kaya mas pinili kong magtiis na lang sa mga gamot ko. Mula noon ay nag-iba na si daddy. Laging mainitin ang ulo at palagi akong pinagagalitan sa mga ginagawa ko. Kesyo bawal ang ganito at ganito at ganito dahil nga sa problema ko sa puso.
Pero alam kong sobrang nahihirapan na rin si daddy. Gusto niyang isalba ang negosyo ni mommy ngunit huli na ang lahat. Wala akong ibang magawa kung hindi ang magkunwaring ayos lang dahil sa sandaling atakihin na naman ay tataniman na ako ni daddy ng pacemaker sa loob ng katawan ko.
"Your mom is surely glad today." napatigil ako sa pag-iisip nang biglang magsalita si daddy. Pareho kaming napalingon ni Fix sa kanya.
"For what?" nagtataka kong tanong.
"Because we are together." his words touched my heart. Matagal-tagal na rin noong magkasama kaming dumalaw kay mommy.
Nakabibinging katahimikan ang namayani sa buong paligid. Sumabay ang preskong ihip ng hangin sa buong sementeryo.
"Fix, how's your studies?" tanong ni daddy kay Fix.
"Ayos lang po. Mahirap pero kakayanin naman po." he politely answered.
"Ganyan talaga sa Medicine. At pagdaanan rin iyan ni Faith." nag-usap silang dalawa tungkol sa Medisina. Minsan sinasali nila ako sa usapan pero minsan ay mas gusto kong tumahimik.
Alas-dose ng tanghali kami umuwi sa bahay. May ilang nurse na naroon ang magbabantay sa akin. Matapos kong kumain ng tanghalian ay bigla akong nagkaroon ng panic attacks kasabay ng arrhythmia ko. Dinala nila ko sa kwarto para doon pakalmahin ay turukan ng gamot.
I hugged the bright pink teddy bear my mom bought for me. It helps me to calm down. Ramdam ko ang panlalamig ng katawan ko dahil sa gamot na pumapasok sa'kin. Mabilis akong nakatulog dahil sa medikasyon.
Nagising ako nang makaramdam ng matinding lamig mula sa aircon. Bumangon ako para kunin ang remote ng aircon. Napansin kong medyo madilim na sa labas at wala na rin ang mga nurse ko. Bigla kong naalala ang birthday party ni Ardrey. Mabilis akong tumayo para lumabas ng kwarto.
"Faith where are you going?" tanong ni Fix na mukhang papunta sa kwarto ko.
"Yung party, kailangan na nating magbihis." natataranta kong sagot.
"Pero hindi pa stable ang lagay mo." mahigpit niyang sabi.
"I'm feeling well." tugon ko ngunit hindi niya ako pinakinggan.
"No, you'll stay here." pinal niyang wika.
"Ayoko, aatakihin lang ako ng panic disorder ko dito! Tsaka napag-usapan na natin ito diba?!" aburidong tugon ko.
"Then fine, pero magdadala tayo ng nurse." kondisyon niya.
"No problem." agad akong pumasok ulit sa kwarto para mag-ayos. Dumiretso agad ako sa banyo para maligo.
Matapos patuyuin ang buhok ay naglagay ako ng simpleng make up sa mukha bago isinuot ang long gown ko. I wear my strappy platform heels. I straightened my hair and let it sway along the air. I pick up my silver purse and a well wrapped gift before storming out in my room.
Nang makababa ako ay agad akong sinalubong ni daddy. "You look beautiful." he said with a small smile on his lips.
"Thank you dad." I smiled a bit.
"Are you really sure na maayos na ang pakiramdam mo?" nahihimigan ko ang pag-aalala sa kanyang tono.
"I'm fine dad." I assured him.
"Alright then." iginiya niya ako palabas ng bahay. Nasa labas na si Fix. He's standing beside our Mercedes Benz. He looked handsome in his formal suit. "Alam mo na kung ano ang mga bawal sayo Faith." mahigpit niyang bilin sakin.
"I know dad."
"Fix ikaw na ang bahala sa kanya." bilin ni daddy kay Fix.
"Yes po tito." pinagbuksan ako ng aming chauffeur ng pinto ng Mercedes Benz at pareho kaming pumasok ni Fix.
"Take care kids and enjoy." daddy's last words before our chauffeur shut the door.
"You look so beautiful." bulong ni Fix sakin .
"Well thank you. You look handsome as well." puri ko sa kanya.
"I know." he confidently uttered with a matching wink and smirk that made me chuckle.
Late na kami nang dumating sa party buti na lang ay nakapag-text ako kay Ardrey na mali-late kami. Sinalubong kami ng magara at higante nilang tarangkahan. Dahan-dahan iyong bumukas para makapasok ang aming Mercedes Benz. Marami kaming nadaanang mga magagarang sasakyan at ilang reporters na nasa labas ng manor ng mga Arias. Ang malaking fountain sa gitna ay binubuo ng makukulay ng ilaw na sumasabay sa pagsayaw ng mga tubig mula sa fountain. Napaliligiran ang buong manor house ng isang malawak ng hardin. Sinalubong kami ng isang matandang lalaki na mukhang butler ng kanilang manor.
"Welcome Ms. Lee and Mr. Romoaldez." bahagya siyang yumuko bilang pagtanggap samin. Inilahad niya ang higanteng double door ng manor. "This way please." bumukas ang double door at sinalubong kami ng isang engrandeng bulwagan.
The beige color lights and surrounding made the hall elegant and grandiose. The hall was made of vintage and classic interior design and full of antique furnitures. The round tables are placed at the center of the hall facing the grand double stairway of the manor.
Mabilis naming nakuha ang atensyon ng ilang mga bisita. Mukhang late na nga talaga kami. Kanina pa nagsimula ang party. Bigla akong napahawak sa braso ni Fix dahil dinapuan ako ng kaba. Hindi ako sanay sa titig ng mga tao at sobrang tagal na mula noong nakadalo ako sa isang malaking party katulad nito.
"Relax, they won't eat you." bulong ni Fix sa tainga ko. Napalunok ako nang magtama ang mga mata namin ni Jace. Bakas sa kanyang titig ang lamig at talim. And that makes me more uncomfortable.
"Lysanrda!" napabaling na lamang ang atensyon ko nang lumapit si Ardrey sakin. "Masaya ako na nakapunta kayo." abot tenga ang kanyang ngiti. He is wearing a red tuxedo under a black long sleeve polo paired with a black slacks while his hair was brushed up.
"Happy birthday Ardrey!"
"Happy birthday man." sabay naming bati ni Fix at iniabot sa kanyang dala naming regalo. Agad itong kinuha ng kanilang butler.
"Thank you! Well let's go?" iginiya niya kami sa round table kung saan nakapwesto sina Jace. Mariin pa rin ang titig niya sakin at bumaba ang kanyang tingin sa kamay kong nakaangkla sa braso ni Fix. Hinila ni Fix ang upuan sa tapat ni Jace para sa akin. Ardrey and Fix sat on my both side. Hindi pa rin nawawala ang kaba ko ngunit bahagya iyong natabunan ng matatalim na titig ni Jace. Umiwas ako ng tingin sa kanya dahil para akong nasasakal at mas bumibilis ang tibok ng puso ko sa ibang dahilan.
"Grabe akala ko hindi na kayo makakapunta buti na lang...kumain na muna tayo." hindi ko na nasundan pa ang mga sinasabi ni Ardrey nang dumapo ang tingin ko sa tabi ni Jace. It's Lauren wearing a simple pink fitted glittering gown revealing her chest. Her wavy hair was placed on the left side of her shoulder covering the side part of her chest. Bitterness covered my system. Dumapo ang atensyon ko sa paglalagay ni Jace ng kanin sa plato ni Lauren.
"Is this enough?" tinutukoy niya ang halos isang dakot lang na kanin na isang subuan ko lang.
"Yes thank you." Lauren sweetly responded.
Inis akong bumaling sa walang laman kong plato. Parang nawalan ako ng ganang kumain. Nilagyan ni Fix ng tatlong sandok ng kanin ang plato ko. Madami iyon kumpara sa kanin ni Lauren. Diet yata siya o baka maarte lang sa pagkain. Ayaw magkaroon ng bilbil. Gusto lahat ng taba nasa dibdib niya, lahat ng kinakain niya ay naiipon sa malaki niyang hinaharap. Nakaramdam ako ng konting awa sa katawan ko. Puro matatamis ang kinakain kaya straight ang katawan. Kinakain kahit anong nakahain, wala akong pakialam kung tataba man. Basta busog. Hindi uso ang workout dahil maari iyong makapag-trigger sa arrhythmia ko lalo na kapag sobrang napagod.
"Anong gusto kong ulam?" tanong sakin ni Fix. Tumingin ako sa mga nakahaing putahe sa mesa. Mukhang masarap lahat at bago sa paningin ko ang ilan sa mga iyon. Hindi ako makapili dahil mukhang tataba ako sa lahat ng putaheng iyon. Kumuha ako ng Moules à la Marinière, it is served as a main course or as an hors d' oeuvre that the main ingredient is mussel. I took a cup of Turkey Tarragon Soup as an appetizer and two slice of Lamb en Croûte, it is a dish made of lamb meat covered with pastry.
Napatingin ako sa plato ni Lauren. Konting winter salad at Crunchy chicken salad pati ang konting kanin na inilagay ni Jace lang ang nasa plato niya. Masyadong pa-healthy lifestyle! Yung akin, konti na nga lang kaysa sa nakasanayan kong kinakainan, mukhang pang-unhealthy diet!
"Linda! Try mo itong Ham and asparagus rolls, masarap!" endorse ni Dice. Pilit akong tumango ako. Tunog pampataba.
"Sige, mamaya." sabi ko habang hilaw ang ngiti. Hindi ko pa nagagalaw ang pagkain ko kahit isang subo ng soup ay hindi ko magawa. Parang isang subo ko lang ay bibigat na ang timbang ko.
"If your not comfortable, we can go home." mahinang bulong sakin ni Fix. Agad akong naalarma sa sinabi niya. Ayoko ko pang umalis, ni hindi ko pa nga nakikita ang mga Benignson.
"A-Ayos lang ako."
"Then eat your food." napatango ako sa sinabi niya. Ngayon lang ako nagkaranas ng pagiging body conscious. Ngayon lang sa tanang buhay ko. Ngayon ko lang kinuwestyon ang sarili kong itsura at timbang. I am ruled by my own insecurities and it's not healthy.
Nakakailang subo pa lang ako nang biglang mahagip ng paningin ko si Jace habang nilalagyan ng ibang putahe ang plato ni Lauren. Napabusangot ako dahil doon. Bigla akong napalingon sa ibang direksyon ngunit agad na nagsisi dahil tumambad sakin ang nakalolokong ngisi ni Dice. Mukhang kanina niya pa ko pinapanood at alam kong nakita niya kung saan ako nakatingin kanina. Hindi maalis sa kanya ang malisyosong tingin. Tumikhim ako at at umaktong normal kahit namamawis na ang mga kamay ko.
"Fix, CR lang ako." paalam ko kay Fix.
"Samahan na kita." alok niya.
"Hindi na, si Dice na lang." nag-aalinlangan siyang tumango. Tumayo ako at tinanong si Ardrey kung saan ang CR.
"On the right wing. Gusto mo samahan na kita?"
"No need, kasama ko naman si Dice."
"Huh? Ako? Saan?" nagtatakang tanong ni Dice nang marinig ang pangalan niya.
"Lika supot, samahan mo ako sa CR." pwersahan ko siyang hinila mula sa pagkakaupo. Halos kaladkarin ko na siya sa kung saan.
"Mayroon akong nakita pero di ko sasabihin~" paulit-ulit na kinakanta iyon ni Dice habang naghahanap ako ng tago at walang taong lugar. Dinala ko siya sa isang parte ng manor na medyo madilim at hindi masyadong pinupuntahan ng mga tao.
"Linda naman! Hindi ko alam na ganito ka kasabik! Pwedeng dahan-dahan lang? Virgin pa ako ihhh!" pakipot niyang sabi na may halong paglalambing. Agad ko siyang binatukan dahil sa mga sinasabi niya.
"Ano ba yang mga sinasabi mo?! Ang dumi ng isip mo!" singhal ko sa kanya.
"Whatever! Bakit mo ba ko dinala dito? Akala ko pupunta ka sa CR?" bigla akong napatanong sa sarili. Bakit ko nga ba siya dinala dito? Ano bang sasabihin ko? Ano bang gusto kong patunayan? Halos murahin ko na ang sarili ko sa isip.
"U-Uhh. Kung ano man ang iniisip mo tungkol sa nakita mo...mali ka ng inaakala!" kinakabahan kong wika.
"Aling nakita? Ano ba sa tingin mo ang iniisip ko?" nahihimigan ko ko sa kanyang boses ang pang-aasar.
"Eh ano yung kinakanta mo kanina?!" asar na tanong ko sa kanya.
Natatawa siyang ngumuso. "Wag kang mag-alala hindi ko ipagsasabi kahit kanino na nagseselos ka kina Lauren at Jace." uminit ang pisngi ko dahil sa mga sinabi niya.
"Hi-Hindi no! Sabi ko nga sayo kanina, mali ang inaakala mo." pagtanggi ko.
He evilly smiled. "Alam ko ang mga titig na iyon Lysandra." nabigla ako sa kaseryosohan niya.
"Ano naman yun kung ganoon?" kinakabahan ako sa magiging sagot niya pero hinayaan ko na dahil kahit ako ay hindi ko rin alam.
"You like him." he seriously answered. Napasinghap ako sa sinabi niya. Bumilis ang tibok ng puso ko at bumalik ang kakaibang pakiramdam na iyon tuwing kasama ko si Jace.
"W-What?! H-Hindi kaya!!" I denied.
"Wag kang mag-alala Linda, hindi ko naman ipagsasabi kahit kanino. Sating dalawa lang iyon! A secret between the two of us. Don't worry I'm on your side Linda!" he excitedly stated.
"Akala ko ba bawal ang secrets sa barkada niyo?" taas kilay kong tanong.
"Lysandra, lahat ng tao ay may pinakatatagong sekreto. Hindi maiiwasan iyon. Alam kong may itinatago rin si Jace samin tungkol sa ginagawa ninyo. Meron din si Fix, si Daze, at si Fled. At mayroon rin akong tinatago sa kanila." hindi niya ako tinawag sa pangalang Linda kaya ramdam ko ang kaseryosohan sa kanyang ekspresyon. "We're still kids when we made that rule. At ngayon alam naming lahat na kahit gaano pa katibay ang pagkakaibigan namin ay hindi pa rin maiiwasan ang magsekreto sa isa't-isa. That's how life revolves Lysandra. We are bound to violate the rules we made." napanganga ako sa lahat ng sinabi niya. Hindi ako sigurado kung si Dice pa ba ang kaharap ko. Parang ibang tao ang kausap ko. Parang hindi si Dice ng nagsalita. Naramdaman ko kung gaano siya kaseryoso sa lahat ng sinabi.
Napabuntong hininga siya habang pinagmamasdan ang reaksiyon ko. "I told you, I'm always serious." his tone softened.
"O-Okay." Wala sa sarili kong tugon at hindi pa rin nakakaahon sa mga sinabi niya.
"Okay na gusto mo siya o okay na seryoso ako? Which one Linda?" parang maluwag akong nakahinga nang tawagin niya na akong Linda. Pakiramdam ko ay nakabalik na siya.
Hindi ko masagot ang tanong niya. Alin ba doon ang dapat kong paniwalaan? Yung palagi siyang seryoso o yung gusto ko si Jace?!
Napalunok ako. "Sa-Same?" tanong ko bilang sagot.
"Ahihihi! You like Jace! At secret natin iyon! May secret na tayo!" parang bata niyang sabi. Uminit ang pisngi ko dahil roon. "You're blushing!" puna niya.
"Tara na nga!" hinila ko siya papunta sa liwanag ngunit tumambad samin si Jace na hindi kalayuan ang kinalalagyan.
"Ja-Jace?!" gulat kong sambit. Pakiramdam ko ay mas lalo akong namula dahil sa takot na baka narinig niya ang mga sinabi ni Dice. "U-Uhm... N-Narinig mo ba?" kinakabahan kong tanong. Kitang-kita ko sa mga mata niya ang talim at lamig ng kanyang mga titig. His piercing glares darted on my hand holding Dice's arm. I saw his jaw tightened.
"Bakit? May hindi ba dapat akong marinig mula sa inyo?" ramdam ko ang diin at talim ng mga binitawan niyang salita. Pero ngayon ay nakasisiguro na akong wala siyang narinig. Nakahinga na ako ng maluwag. He seems angry yet clueless. Pero bakit parang galit siya?
"Let's go Linda, wala namang narinig si Jace." I sensed Dice's playful tone. "Buti na lang! Ang galing mo pala Linda sa gano'n no?" makahulugan niyang litanya na ikinakunot ng noo ko. Saan ako magaling?
Biglang suminghap si Jace at mabilis ng lumapit sa'kin. Hinablot niya ang kamay kong nakahawak sa braso ni Dice. "Let's talk." matigas niyang utos. Kinaladkad niya ako sa kung saan. Halos takbuhin ko na iyon dahil sa laki ng mga hakbang niya. Hindi ko alam kung paano kami nakarating sa garden. Itinulak niya ako paupo sa isang bench. Napansin kong mabibigat ang hiningang pinakakawalan niya. Mariin siyang pumikit at nagpakawala ng malalim na buntong hininga.
Tahimik lamang akong nakaupo sa bench habang nasa harapan ko siya na pinapakalma ang sarili. Iminulat niya ang kanyang mga mata at tumingin sakin. Ngayon ay blangko na ang kanyang ekspresyon.
"What was that Faith?" he asked on his monotone voice.
"Ang alin?!" nalilito kong tanong sa kanya.
Muli siyang mariing napapikit dahil sa tanong ko, tila ba malapit nang maputol ang pisi ng pasensya na kanina niya pa inaalagaan. "Stop playing innocent Faith! Kung dumating ako roon ng mas maaga ay baka nakita ko kayong gumagawa ng milagro!" galit niyang litanya. Agad akong napasinghap sa mga sinabi niya.
"What the heck are you talking about?!" gulat na gulat kong tanong. "Nag-uusap lang kami!!" tumaas na rin ang tono ng boses ko dahil sa hinuha niya.
"Don't fool me. Sa ganoon kadilim na lugar, nag-uusap lang?!" singhal niya.
"Anong masama sa nag-uusap sa dilim?!" naiinis na rin ako sa mga paratang niya. Anong akala niya sakin tigang?! What the hell?!
"Pero bakit sa tagong lugar pa?! Ano bang pinag-uusapan ninyo?! Tsaka ano yung sinasabi niya na magaling ka sa kung ano?!" he frustratedly questioned.
"Ewan ko kung anong sinasabi niyang magaling sa kung ano! Tsk ano bang pakialam mo sa pinag-uusapan namin? Wala naman kaming ginagawang masama!!" galit na buwelta ko sa kanya. Akala niya hindi ko pa nakakalimutan yung paglalagay niya ng pagkain sa plato ni Lauren, nakakainis ng sobra!
He's is now breathing heavily again. He closed his eyes to calm his system. Iminulat niya ang kanyang mga mata nang medyo naging kalmado na ang kanyang paghinga. Humilig siya papalapit sakin at ikinulong ako sa pagitan ng kanyang mga braso.
"Wala kayong ginagawang masama?" paos niyang tanong na tila ba napagod ng sobra sa aming pagtatalo.
"Wala nga... Na-Nag-uusap lang." mas bumilis ang pintig ng puso ko nang mas inilapit niya ang kanyang mukha sakin. Ramdam ko na ang kanyang hininga na dumadampi saking mukha. Nalalanghap ko ang amoy ng champagne sa kanyang hininga na tila sa ultimong amoy ay nalalasing ako.
"Nag-uusap tungkol saan?" tanong niya gamit ang mababang boses. Napalingon ako sa sariling mga daliri na siyang aking nilalaro. Dapat nagagalit ako sa kanya. Dapat hindi ko siya pinapansin. Bakit ba siya nanggugulo dito? Bakit hindi na lang siya bumalik kay Lauren?! Ngunit sa pagkakataong ito ay hindi ko magawang mainis sa kanya. Nilukob ako ng kaba dahil sa kanyang tanong. Hindi ko alam ang isasagot ngunit pakiramdaman ko ay kailangan kong sagutin ang tanong na iyon. Naguguluhan ako at mas lalong nakadaragdag ng kaba madilim niyang titig na tila hinahalukay ang buo kong pagkatao para hanapin ang nais niyang kasagutan. "About what Faith?" ulit niya.
"A-About...a-about...my crush!" halos maisigaw ko ang huling sinabi. Napansin kong mas dumilim ang kanyang ekspresyon at naging mas matalim ang kanyang mga titig.
"Your crush?" he coldly repeated.
"Y-Yep!" kinakabahan kong tugon.
"Then who is this guy?" pakiramdam ko ay tumatagos ang bawat titig niya sa akin. Para akong binabalot ng lamig dahil sa mala-yelo niyang titig. Para akong maso-suffocate dahil sa sobrang lapit namin sa isa't-isa.
Nilakasan ko ang loob ko. Inipon ko na ang lahat ng natitira ko pang lakas. Sasabihin ko na.
Ikaw. Ikaw ang gusto ko.
"Ardrey..." I muttered.