Chapter 20

Page 20: Gusto

I saw a glimpse of pain on his eyes but it immediately disappeared as it was replaced by coldness. He stands straight and remove his tuxedo. He put it on my shoulder to protect my exposed skin from the cold breeze of the night.

"Let's go inside." he huskily muttered.

Umiling ako sa kanya. "Can I stay here for a while? Hindi ako komportable sa loob." pagsisinungaling ko.

"Alright." tahimik siyang naupo sa tabi ko.

Pareho kaming tahimik sa mga sandaling iyon. Nagsisi ako na nabanggit ko ang pangalan ni Ardrey. Hindi ko sinasadya, hindi ko naman talaga siya crush. Nakita ko siyang lumabas mula sa back door na may kasama isang babae kaya bigla kong nasabi mag pangalan niya. Hindi ko nakilala iyong babae dahil madilim basta ang alam ko ay pumunta sila sa mas madilim na bahagi ng garden. Mukhang hindi nila kami nakita dahil masyado silang nagmamadali.

Napayuko ako dahil hindi ako sanay na tahimik siya. Parang mas bumibigat ang paligid. Palihim ko siyang sinilip, malayo ang kanyang tingin at tila malalim ang iniisip. Napanguso ako. Inayos ko na lamang ang tuxedo niya nang biglang mapagtantong kakulay iyon ng gown ko. Uminit ang pisngi ko dahil sa sariling iniisip. Baka nagkataon lang.

"Umm. Hindi sumama ang parents mo sa party?" pukaw ko sa kanyang atensyon.

"They are having a vacation." simple niyang sagot habang nakatingin pa rin sa kawalan.

"Eh si Rayleigh?" muli kong tanong

"He's already sleeping." hindi ko pa rin nagawang makuha ang buo niyang atensyon. Kaya't oras na para linisin ang kalat.

"Joke lang yung kanina. Hindi ko naman talaga crush si Ardrey." nagulat ako nang bigla siyang lumingon sakin na para bang may narinig na magic word.

"What do you mean?" I saw a glittering hope on his eyes.

"Nakita ko kanina si Ardrey na lumabas sa back door kaya bigla kong nabanggit ang pangalan niya." paliwanag ko sa kanya.

"Then who's your crush?" he desperately questioned.

"Secret. Pero kilala mo siya." he groaned because of my answer.

I chuckled because of his reaction.

Ngunit ang ngiti sa aking labi ay unti-unting naglaho nang maalala ang ginawa niya kanin kay Lauren. Biglang bumalik ang inis ko. "Bumalik ka na sa loob, baka hinihintay ka na ni Lauren." mapait kong sabi sa kanya.

"I want to stay here with you." he huskily stated that made me irritated.

"Ayos lang akong mag-isa rito. Puntahan mo na lang siya. Mamaya, kung sino-sinong lalaki na ang lumalapit sa kanya." saad ko habang tinatago ang sariling inis.

"No, I'll stay here." pagtanggi niya.

"If you're concern about my safety, don't worry, I have my bodyguards." Saad ko. Hindi pa rin mawala-wala ang inis na nararamdaman.

"That's good to hear but I still want to stay here with you." pilit niya.

"Doon ka na lang kasi kay Lauren!" sa pagkakataong ito ay tumaas na ang tono ng boses ko na ikinabigla niya. Hindi ko na napigilan ang kanina ko pang tinatagong inis at sumabog na ako. Kahit ako ay nabigla rin sa sariling reaksyon.

"Why are you insisting me to go to Lauren? Ikaw nga ang gusto ko." he uttered.

"Liar!" I exclaimed out. "Ako ang gusto mong kasama?! Eh kanina nga konti na lang subuan mo na siya! May pa lagay-lagay ka pa ng pagkain sa plato niya! Wala ba siyang kamay?!" I blurted out.

Sa huli ay nag-sisi rin ako sa mga sinabi ko. Hindi ko napag-isipan ang mga salitang lumabas sa bibig ko.

I saw a ghost of smile on his lips. He slightly shakes his head before closing the space between us.

"No. You misunderstood. I just helped her because her wrist was injured....and...I kinda did it purposely because I'm jealous." he softly explained.

"Wag mo nga akong lokohin! Sino namang pagseselosan mo aber?!" I don't buy his crap!

"I'm jealous because of Fix...when you are holding his arm." he huskily whispered.

His words made my heart flutter. But it wasn't enough to envelop my irritation.

"Cut your craps! I'm not buying your false excuses!" singhal ko.

"Its true. Believe me. I already turned her down long time ago but she don't want to stop pursuing me. You know I have someone I like." a small smile crept on his lips while showing his expression of fondness. He hunched a bit. Then I was caught off guard when he whispered in my ear. "Please believe me, turtledove."

Mabilis ko siyang naitulak palayo dahil sa gulat. Naramdaman ko pa na bahagyang dumikit kanina ang kanyang labi sa aking tainga. Naramdaman ko ang pag-init ng aking pisngi dahil sa ginawa niya.

"Ano ba?!" sigaw ko sa kanya.

He made a hearty laugh because of my reaction.

"Will you stop?!" iritado kong sambit ngunit ramdam ko pa rin ang pagwawala ng aking puso.

Tumigil na siya na pagtawa ngunit bakas pa rin sa kanyang labi ang isang malakihang ngiti.

"Pumasok na tayo sa loob." yaya ko sa kanya na para bang walang nangyari. Sabay na kaming tumayo para pumasok sa loob. Naunang makapasok si Jace sa back door habang ako'y papasok pa lang. Hindi ko inaakalang mahahagip ng mga mata ko sina Ardrey at Lauren na magkasama at mukhang pabalik na rin. Ang kaninang maayos na buhok ni Ardrey ay ngayo'y magulo na, gusot na rin ang kanyang formal suit, napansin ko rin ang tila kulay pink na kung ano sa ibabang parte ng labi ni Ardrey. Pareho silang gulat na gulat nang makita ako. Unti-unti na akong binalot ng paghihinala. Si Lauren ang nakita kong kasama kanina ni Ardrey palabas ng manor at pumunta sa mas madilim na bahagi ng garden. Did they...

"Faith let's go." boses iyon ni Jace. Kung hindi niya siguro ako tinawag ay baka hindi pa rin ako gumagalaw. Humakbang ko papasok at hindi ko na sila tinapunan ng tingin pa. Kumunot ang aking noo. Bakit parang komportable na si Ardrey kay Lauren? Hindi ba dapat nagsususuka na siya ngayon? Paano siya magiging komportable kay Lauren kung hindi naman sila nag-uusap tuwing lunch namin at never kong napansin na nagkaroon sila ng interaksiyon bukod sa una nilang pagkikita? At bakit sila magkasama?

"Are you okay?" nabalik ko sa sarili kong ulirat ng biglang magsalita si Jace. Walang alinlangan akong napatango at ibinalik sa kanya ang kanyang tuxedo.

"Thank you." pasasalamat ko.

"Your welcome."

Buong party akong tahimik kahit si Ardrey at Lauren. Para nga silang hindi magkakilala habang nasa iisang table kaming lahat. May namuong galit sakin para kay Lauren. Matagal niya na bang niloloko si Jace. Susuyuin niya pero meron siyang ibang nilalandi. Uulitin niya na naman ba ang ginawa niya kay Jace noon. Kapag nagsasawa na kay Jace ay maghahanap ng iba at si Ardrey pa talaga?! Ang lantod niya! Babaeng higad! Two timer!

Matalim ko siyang tinitigan nang dumapo ang kanyang mga mata sakin. Para siyang aso na nagtatago sa nagawang kasalanan. Pa-inosente kahit marami ng lalaking napaikot.

"Rhadleigh gusto ko nang umuwi." mahinang sabi ni Lauren sabay kapit sa braso ni Jace. Lumingon sa kanya si Jace at tumango. Mas lalo akong nainis dahil doon. Nahagip ng mata ko si Ardrey. Dumapo ang kanyang mga mata sa kamay ni Lauren na nakakapit sa braso ni Jace. Katulad ko ay mukhang naiirita rin siya. Hindi ko na kaya pa ang gabing ito. Gusto ko na ring umuwi.

"Fix, uwi na rin tayo." pangyayaya ko.

"Okay." inilapag niya ang baso ng isang white wine at nagpaalam na kina Daze. Pareho kaming tumayo para magpaalam kay Ardrey.

"Mauuna na kami Ardrey, thank you for inviting us. Happy birthday ulit." masayang bati ni Fix. Tinanguan siya ni Ardrey at nagpasalamat rin. Nang humarap siya sakin ay tangin malamig na titig lang ang isinukli ko sa kanya.

"Happy Birthday. Thank you." malamig kong wika. Pilit siyang ngumiti sakin bago ko tinalikuran.

Sinalubong kami ng mga bodyguards ko na nasa isa pang kotse. Doon ko lang napagtantong nasa labas rin ang isang Benignson. Ang kotse niya ay katabi ang sa amin. Lumingon sakin si Crale Benignson. Muli akong binundol ng kaba. Madilim siyang nakatitig sakin.

"Don't look at him." bulong ni Fix sa tainga ko. Ngunit hindi ko mapigilang tingnan siya. Nang makalapit kami ay bigla siyang nagsalita.

"Next time, stop butting in on someone's business. Stick your nose onto yourself." he coldly stated. "Alam ko kung anong ginagawa niyo." malamig niyang siwalat bago pumasok sa kanyang kotse at pinaandar ito palayo sa amin. Nanindig ang mga balahibo ko dahil sa mga sinabi niya.

Ano yun? Babala? Nalaman niya ba na kinalkal ko yung files nila? Pero wala naman akong nakitang CCTV cameras noon sa loob ng office niya.  Nakilala niya ba si Jace. Kilala ang apelyidong Valencia sa buong Pilipinas o sa ibang bansa kaya posibleng makilala niya nga si Jace noong nasa mall kami.

Nakarating kami sa bahay nang marami akong iniisip. Dumiretso agad ako sa kwarto hindi para magpahinga kundi maghanap ng ilan pang mga impormasyon tungkol sa mga former employees ng Benignson's mall.

Si Caroline B. Cruz ay dating sekretarya ni Crale Benignson. Bago siya mamatay ay nagpost siya ng "Ω-" as her last message na ang ibig sabihin ay omega or end. Mayroon ring anonymous account na nagpost sa timeline niya na picture ng isang hello kitty stuff toy na may caption na "Silence is Death".

Habang si Justine Romero na dating salesman at pinatay sa harap ng apartment niya at may natagpuang hello kitty stuff toy na hawak-hawak niya. Tiningnan ko rin ang account niya sa Facebook. Wala naman masyadong kakaiba roon puro lang RIP or Rest in peace.

Walang social media accounts si Rodelio Zantua kaya wala akong nakuhang kahit anong impormasyon sa kanya. Buti na lang at meron Facebook account si Manuel Echano. Nagulat akong nang makakita ng mga post mula sa ibang friends niya na nagsasabing "Rest in Peace". Yun halos ang laman ng timeline niya. Hindi siya gaanong nagpopost at walang kahit anong impormasyon.

Alas-tres na ng madaling araw at naghahanap pa rin ako ng ilang mga impormasyon. Walang pasok bukas at napagdesisyunan kong puntahan ang addresses ng bawat former employees ng Benignson's mall. Lalo na kay Rodelio Zantua. Hindi ako sigurado kung buhay pa ba siya o patay na katulad nung ibang former employees.

Malalim akong napabuntong hininga. Iniisip kong tawagan si Jace kaso baka tulog na siya. Mag-iiwan na lang ako ng mensahe.

To: Jace

Pupuntahan ko bukas ang address ng mga former employee ng Benignson's mall. Gusto mong sumama?

Itinabi ko ang sariling phone para magbasa ng ilang background information tungkol sa Benignson's mall. Napatigil ako sa pagbabasa nang biglang tumunog ang phone ko.

From: Jace

So another date?

Nagbalik ang mga alaalang naghihirap siya sa pagtatrabaho. Wala kaming ibang rason na pwedeng maisip kung hindi ang mag-date. Baka pahirapan na naman siya ni dad. At siguradong mas mahirap dahil nasa bahay si Fix.

To: Jace

Sa Monday na lang pala.

Naalala ko pa na sinabi niyang hindi na siya uulit. Kaya sa Monday na lang. Pwede namang umabsent ulit.

From: Jace

Okay

Naestatwa ako nang mapagtantong gising pa siya. Madaling araw na pero gising pa rin siya. Ano bang ginagawa niya? Kakauwi niya pa lang ba? Nag-over time kasama si Lauren?! Nag-uumapaw ang emosyon ko. Hindi ko pa rin makalimutan ang nakita ko kanina. Halos manginig ako sa galit habang tumitipa sa sariling telepono.

To: Jace

Bakit gising ka pa?

Mas lalo akong nanggigil nang nagtagal ang reply niya. Dati wala pang ilang segundo agad siyang nakakapag-reply tapos ngayon halos mag-iisang minuto na! Gaano ba kahirap magtype? O baka ang tamang sagot ay gaano ba kahirap sagutin ang tanong ko? Bakit may ginawa ba sila ni Lauren. Pagkatapos ni Lauren kay Ardrey sunod naman si Jace?!

From: Jace

Ikaw, bakit gising ka pa?

Halos maibato ko na ang sarili kong phone dahil sa reply niya. Sinagot ako ng tanong pyuta! Hinampas-hampas ko ang kama at gigil na gigil na nilakumos ang unan. Imbes na sumagot ay mas pinili kong ligpitin ang mga gamit ko at maghandang matulog. 

Muling tumunog ang telepono ko.

From: Jace

Still up there?

Wala akong sa sarili tumipa ng sagot.

To: Jace

Yeah. Nagba-background check ako tungkol sa mga Benignson. Ikaw, ba't gising ka pa?

Muli akong sumubok kung bakit gising pa siya. Hindi ako matahimik hangga't hindi niya nasasagot ang tanong ko.

From: Jace

You should sleep. That's not healthy.

Kinalma ko ang sarili nang hindi niya na naman sinagot ang tanong ko. Hinintay ko pa ang reply niya. Baka ihabol niya ang sagot sa tanong ko.

Pero hindi.

From: Jace

Inaantok ka na ba? Go to sleep.

Halos hindi nakatulog habang hinihintay ang sagot sa tanong ko. Ilang beses akong napamura dahil kung ano-ano ang pumapasok sa utak kong dahilan kung bakit gising pa siya o anong ginawa nila ni Lauren.

Alas-singko imedya ng umaga siguro nang makatulog ako. Dahil na rin siguro sa sobrang pagod kaya mabilis akong hinila ng antok.

Nagising ako ng alas-otso ng umaga. Ramdam ko na mabigat ang talukap ng aking mga mata at masakit pati na rin ang ulo ko. Pumasok ako sa bathroom para maligo. Hindi ko binasa ang sariling ulo dahil wala pa ako masyadong tulog. Kumuha lang ako ng basang towel para punasan ang aking mukha.

Matapos kong gawin ang morning routines ko ay dumiretso na ako sa kitchen para kumain ng breakfast.

"Morning dad, where's Fix?" bungad ko nang tanging si dad lang ang nakita sa hapag kainan. Palagi kasing maagang mag-breakfast si Fix.

"Morning. He's outside." sumimsim si dad ng kape.

Naglagay ako ng konting kanin, isang pirasong sunny side up egg, at isang vegetable sandwich. Doon na ako nagsimulang kumain.

"That's few from your usual serve." puna ni daddy nang makitang kaunti lang ang kinuha ko. Kahit ako ay napatanong sa sarili. Bakit nga ba konti lang ang kinuha ko? Kulang pa ito sa'kin kung tutuusin pero parang may kalahati sa katawan ko na nagbabawal saking kumain ng marami.

"I'm not really hungry dad." pagdadahilan ko. Heyep na malantod na babaeng iyon! Siya pa ata ang magiging dahilan ng pagkakaroon ko ng anorexia nervosa! Putong ama hindi ako makakuha ng pagkain!

Naubos ko na ang laman ng plato ko pati na ang sandwich at gatas pero parang bakante pa rin ang tiyan ko. Nangangati na ang kamay kong kumuha ng bacon at kanin pero hindi ko magawa dahil parang may pumipigil sa akin na gawin iyon.

"By the way, Rhadleigh is cleaning our stables. Nasa kamalig siya kasama si Fix." nalaglag ang panga ko dahil sa sinabi ni daddy.

"Na-Nandito po siya?" hindi makapaniwalang tanong ko.

"He's asking for permission to take you on a date again." he seriously stated.

Agad akong napatayo. Tinungo ko ang daan patungo sa kamalig. Hindi ko pa rin nakakalimutan ang hindi niya pagsagot sa tanong ko kagabi. At mas nag-alab pa ang inis ko ngayon. Hindi maayos ang tulog ko kaya mas uminit ang aking ulo. Hindi ko magawang kontrolin ng maayos ang sarili kong emosyon dahil putong ama inaantok pa ako! Ang kapal ng mukha ng tukmol na iyon para magpunta pa rito!

Pumasok ako sa kuwadra ng mga kabayo at nadatnan ko sila roon. Si Fix ay nakasandal sa pader habang minamadohan si Jace sa paglilinis ng tae ng mga kabayo. Wala siyang suot na pang-itaas at puno na ng pawis ang buong katawan. Mukhang kanina pa nagtatrabaho.

"Faith. Gising ka na pala—" hindi pa man natatapos ang sinasabi ni Fix ay agad na akong sumabat.

"Pauwiin mo na yan!" sabi ko sa kanya. Ni hindi ko siya nilingon. Naiinis ako sa kanya. Gamit ang peripheral vision ko ay napansin kong tumigil siya sa paglilinis.

"Bakit? Magyayaya daw makipag-date sayo. Pinagtrabaho muna ni tito." bakas sa boses ni Fix ang pinaghalong panunuya at iritasyon.

"Hindi ako makikipag-date diyan."  matabang kong sabi. Unti-unting sumilay sa labi ni Fix ang isang ngiti bago tumango.

"Did you hear that Jace. She won't go with you." masayang deklara ni Fix. "So go home." he smirked.

Inis akong humarap kay Jace. "Go home Rhadleigh." mapait kong utos sa kanya at ginamit pa ang una niyang pangalan dahil wala ako sa mood para tawagin siya sa pangalang gusto niya. Nakita kong bahagyang umawang ang kanyang mga labi at nanatili ang kanyang mga mata sakin na tila punong-puno ng mga tanong. 

Slowly, his eyes turned lifeless then went blank. But despite of all my words he still continued his work.

"Rhadleigh." I coldly warned him but he didn't listen.

"Just give up man." nakangising wika  ni Fix. Ginulo niya ang buhok bago inilapit ang kanyang mukha sa tainga ko. "Talk to him princess. He's upset now... I'm going back." mahinang bulong ni Fix na ikinagulo ng isip ko. Lumabas na siya sa kuwadra at naiwan kaming dalawa ni Jace sa loob.

Padabog niyang inilapag ang walis tingting sa gilid at madilim na tumitig sa'kin. Ilang hakbang lang niya ay wala na ang distansya sa pagitan namin. Agad akong napaatras ngunit ang malapad na pader ang sumalubong sa aking likod. Ngayon ay wala na akong kawala.

He imprisoned me between his virile arms.

Inipon ko na ang lahat ng lakas ko para makapagsalita. "Ano bang ginagawa mo dito?! Umalis ka na nga! Sa Monday pa ang misyon natin diba?!" bulyaw ko sa kanya.

"You called me Rhadleigh twice, Faith." nahihirapan niyang saad. "And you even let him get close to you like this. Binulungan ka pa." mas lumapit pa siya sakin. I felt his lips touched my earlobe. Electrifying intensity traveled all over my system. "And I don't like it, Faith..." he softly whispered on my ears.

Uminit ang pisngi ko dahil sa ginawa niya. Kahit na pawisan siya ay amoy na amoy ko pa rin ang panlalaki niyang pabango. Medyo magulo ang buhok niya at basa ng pawis. Hindi ako komportable na sobrang lapit niya sakin at wala pa siyang pang-itaas. Parang hindi ako makahinga ng maayos. Parang inuubos niya ang hangin sa paligid ko.

Muli siyang tumingin sa mga mata. Namumungay ang kanyang mga mata at nakaawang pa rin ang mga labi.

"You didn't reply to me this early morning." paos niyang sabi. Muling nabuhay ang inis ko sa kanya.

"Bakit?! Kailangan ba magreply ako sa lahat ng texts mo?! Sino ka ba para reply-an ko?!" pati ako ay nagulat sa sariling sinabi. Hindi ko nakontrol ang emosyon ko. Nakita kong gumuhit ang sakit sa mga mata ni Jace. Parang hindi siya makapaniwala sa mga nasabi ko. Namutla siya at bahagyang lumayo sakin. Ibinaba niya ang kanyang dalawang braso.

"Oh. I'm sorry." ramdam ko ang sakit sa kanyang boses. Napasobra ata ang sinabi ko. Gusto kong bawiin pero hindi ko alam kung paano. Pinapangunahan ako ng sariling inis. Inis sa kanilang dalawa ni Lauren.

"Hmph. Dapat lang. Ni hindi mo nga sinagot ang tanong ko kung bakit gising ka pa! Ano may ginawa ba kayo ni Lauren kaya gising ka pa?!" lubusan na akong nawalan ng kontrol. Hindi ko na mapigilan ang bibig ko. Kahit na hiyang-hiya sa mga sinasabi ko ay ipinagpatuloy ko pa rin dahil sa inis. "Ano?! Bakit hindi ka makasagot?! Kasi totoo diba?!" iritadong singhal ko sa kanya.

"No. Hinatid ko lang siya pauwi sa kanila." he softly answered. I also saw a ghost of smile on his lips but I ignored it. He tried to reach my elbow but I pushed him away.

"Liar! Wag mo akong nilolokong tukmol ka!" medyo tumaas na ang boses ko dahil sa sobrang inis.

"We didn't do anything. And I won't dare deceive you. Believe me, I just can't sleep, turtledove." malambing niyang wika pero hindi pa rin ako maniniwala.

"Bakit naman hindi ka makatulog aber?!" don't tell me he's thinking about that whore?! Mas lalo akong nanggigil dahil sa mga iniisip.

"I'm thinking about your dammit crush." he huskily said.

Napaawang ang mga labi ko dahil sa sagot niya. Bakit niya naman iisipin ang crush ko? Ano bang pakialam niya kung sino man ang gusto ko?

"That made me stayed up the until dawn. And it's making me crazy. Sino ba kasing yang crush mo?" he frustratedly confessed.

Seryoso siyang nakatingin sakin. At tila nanghihina ang mga tuhod ko dahil sa mga titig niya.

"Kimi...wa." I whispered.

Biglang kumunot ang kanyang noo dahil sa narinig.

"What?" kunot-noo niyang tanong. Pakiramdam ko ay unti-unting nag-akyatan ang mga dugo ko patungo sa aking mukha. "You're blushing." nahimigan ko ang iritasyon sa kanyang tono. Tinulak ko siya palayo sakin dahil sa kahihiyan. Hindi ko kayang sabihin sa kanya ng diretsahan kaya ibang lingguwahe ang ginamit ko. Napaatras siya palayo sakin. Mukhang wala siyang lakas para labanan pa ang tulak ko. Inis niyang ginulo ang sariling buhok.

"Sino nga?!" iritado niyang tanong.

"It's kimi wa! Baka!" sigaw ko sa kanya.

He groaned because of my answer. "Una tukmol, ngayon baka na naman. Bakit puro hayop ang itinatawag mo sakin?! And who is this Kimiwa?!" bahagya akong natawa sa sinabi niya. Hindi siya marunong ng lingguwaheng japanese.

"Just go home. Bukas na lang." sabi ko sa kanya.

"We don't need to skip classes tomorrow. Let's just hire a private investigator." he looked pissed.

Napairap ako dahil sa narinig. "Bakit may gagawin ba kayo bukas ni Lauren kaya ayaw mong sumama?!" singhal ko sa kanya.

"Wala. Mas madali kung magha-hire tayo ng private investigator. Mas mabilis at mas ligtas." pilit niya.

"Kung ayaw mo edi ako na lang!" iritadong wika bago siya tinalikuran.

Narinig ko ang marahas niyang buntong hininga. Naglakad ako patungo sa pintuan.

"Fine! I'll go with you tomorrow." bulalas niya.

"Hindi kita pinipilit. Kung gusto mong makasama si Lauren pwede namang—" hindi pa ako tapos magsalita ay agad niya akong pinutol. Hinigit niya ang braso ko at iniharap sa kanya.

"I don't like her! And I never loved her. Hindi ko siya gustong makasama. All I want is to be with you!" he gasped for air. Para bang kinakapusan siya ng hininga dahil sa kanyang mga sinabi. Those words made my heart beats faster. A foreign feeling starts spreading all over my system. He stepped closer and locked the space between us. His eyes drifted on my lips. He licked his lower lip and darkly stared into my eyes directly.

"Ikaw ang gusto ko." he huskily muttered.