Chapter 2

DELANEY MERCADO'S POV

"Are you sure Delaney? Baka hindi mo pa kaya. Magpahinga ka muna" sabi ni mommy sa akin.

"Opo. Kaya ko na pong mag-isa. And besides kasama ko naman po si Erin at Ella. I'm sure hindi nila ako pababayaan. Atsaka sapat na po ang tatlong buwan na pagpapahinga ko. Kailangan ko na pong mag-aral. Promise po, walang mangyayaring masama sa akin" kalmadong sabi ko sa kanila.

"Ok. Basta kapag may nangyaring masama tawagan mo lang kami at babalik kaagad kami rito sa Pilipinas" sabi naman ni daddy.

"Yes dad. Promise" nakangiting sabi ko sa kanila. Syempre bago sila umalis niyakap ko muna si mommy at daddy. Ngayon kasi ang flight nila papuntang Korea. Tatlong taon akong nacomatose kaya tatlong taon din nilang hindi naasikaso ang business nila sa Korea. Buti nga at hindi ito nalugi.

Tinanaw ko sila habang papasakay ng private plane namin. Kinawayan ko muna sila bago sila tuluyang makapasok sa eroplano namin. Miss ko na kaagad si mommy at daddy. Kung pwede nga lang huwag na silang pumunta ng Korea kasi hindi ko alam kung kailan ko ba matatapos ang mission ko. Kung pag-uwi ba nila ay buhay pa ako.

Kung nagtatanong kayo kung anong nangyari kay Lucian. Aba! Malay ko rin! Hindi na nagpakita sa akin ang lintek na anghel na iyon. Kaya heto ako ngayon mag-isang ginagawa ang mission ko. Kapag nakita ko talaga iyan si Lucian, naku! Sisipain ko talaga siya. Dapat tinutulungan nga niya ako dito sa mission ko. Lagot talaga iyang si Lucian sa akin kapag nakita ko siya!

Bigla akong napatigil sa paglalakad ng biglang tumunog ang cellphone ko.

~Ella Gomez Calling...

"Bakit ka napatawag? Ginugulo mo pagmomoment ko dito ihh" sabi ko sa kanya sa kabilang linya.

"Hoy! Bakit tayo lilipat ng school?! Maganda naman ang school natin ah!" sigaw ni Ella sa kabilang linya.

"Trip ko lang. And besides, maganda rin naman ang AIU. Mas maganda sa dati nating school. At alam kong magugustuhan mo doon kasi ang balita ko madami daw gwapo roon"

"Fine. Papayag na ako. Pasalamat ka at mahal kita. Siguraduhin mo lang na madami talagang gwapo doon. Kundi lagot ka talaga sa akin" tss. Papayag rin pala. Gwapo lang pala ang katapat nito.

Binaba ko na ang tawag dahil paubos na ang battery ng cellphone ko. Maglalakad na ulit sana ako ng may biglang dumating na asungot sa tabi ko. Iyon ay walang iba kundi si Lucian the asungot. Mabuti naman at nagpakita na sa akin itong asungot na ito. Tatlong buwan rin siyang hindi nagpakita sa akin.

"Mabuti naman at nagpakita ka na" sabi ko sa kanya habang naglalakad. Pero habang naglalakad nakita ko naman mula sa peripheral vision ko na ngumisi siya sa akin.

"Bakit? Na-miss mo ba ako? Awww. How sweet. Tatlong buwan lang akong nawala na-miss mo na kaagad ako. Sabi ko na nga ba at may pagnanasa ka sa akin" sabi niya habang umiiling-iling pa. Ang kapal talaga ng face ng lalaking ito. Ang sarap tadyakan sa mukha. Pero huwag naman, baka masira pa ang mukha niya. Sayang naman.

"Kapal mo talaga. Ang sabihin mo lang tinakasan mo ako" pairap na sabi ko sa kanya.

"Bahala ka diyan witch. Mag-kita na lang tayo sa AIU" sabi niya sa akin pagkatapos ay bigla na lang siyang nawala. Tignan mo nga naman. Pagkatapos akong sabihang witch bigla na lang siyang mawawala. Pero anong sinabi niya? Magkita na lang kami sa AIU? Bahala siya diyan. Kaya ko namang tapusin ang mission ko kahit wala siya. Hindi ko kailangan ang tulong niya.

***

"Ang ganda talaga ng uniform natin. Bagay na bagay sa ating tatlo. Mas lalo tayong gumaganda" sabi ni Erin sa tabi ko.

"Your right! Ang ganda talaga. Feeling ko ginawa ito para sa atin"

Nandito kami ngayon sa AIU. At ito ang first day namin kaya naman kanina pa kami pinagtitinginan ng mga tao rito. Nagagandahan kasi sa amin. Well... what do you expect? Maganda kami, sexy, malakas ang appeal namin. Halos lahat ng gusto ng isang lalaki sa isang babae ay nasa amin na. Hindi naman sa nagmamayabang, but I'm just saying the truth.

"Oh my gosh! Sino sila?"

"Ang gaganda nila"

"Transferee?"

"Who are they?"

Iilan lang iyan sa mga naririnig namin. Pero wala naman kaming pakielam dahil sanay na kami ni Erin at Ella sa atensyon. Pero mas lalo pang lumakas ang bulungan ng may lumapit sa aming lalaki. Pero mas lalo akong nagulat ng hilain niya ako papalayo kay Erin at Ella.

Nang makarating kami sa garden ng school ay tumigil na siya sa paghila sa akin at pabatong binitawan ang kamay ko.

"Tsk. Pumunta ka rito para sa misyon mo at hindi para mag-pasikat" sabi niya sa akin. Nangtignan ko ang mukha ng lalaki doon ko nalaman na si Lucian pala ang hinila sa akin.

"Oh! Bakit ka nandidito? Bakit mo suot ang uniform ng school? Huwag mong sabihing dito ka rin magaaral" sabi ko sa kanya.

"Wala ka ng doong pakielam. Nandidito ako para tulungan ka misyon mo. Kaya simulan mo na kaagad ang misyon mo. Nagsasayang ka lang ng oras" iritadong sabi niya sa akin. Kahit kailan ang sungit talaga ng lalaking ito. Hindi ba pwedeng i-enjoy ko muna ang buhay ko. Mamamatay na nga ako pagkatapos susungitan pa niya ako. Syempre kailangan kong sulitan ang mga panahong nabubuhay pa ako.

"Oo na nga po. Sisimulan ko na. Huwag kang atat. Naghahanap lang ako ng tamang timing. Hindi ko pa nga siya nakikita" nakangusong sabi ko.

"Huwag kang ngumuso. Ang pangit mo" sabi niya at umalis na. Siya lang ang nag-iisang lalaki na sinabihan ako ng pangit. Lahat kaya ng tao sinasabing ang pretty pretty ko raw. Tapos siya sasabihan lang ako ng pangit?! Anong klaseng guardian angel ba siya?! Pagkatapos niya akong kaladkarin rito, lalayasan niya lang ako?! Unbelievable! Ugggghhhhh! Kainis!

Wala akong ibang magagawa kundi ang pumunta sa classroom ko. Habang papunta sa classroom ay  minumura ko sa isip iyong si Lucian. Ang sarap sarap kasing tadyakan! Nakakabuwisit. Nang makarating ako sa classroom natagpuan ko si Erin at Ella na nagkukuwentuhan at nakaupo sa gilid ng classroom. Kaya naman lumapit ako sa kanila at umupo sa tabi nila. Nagtataka naman silang tumingin sa akin dahil bigla na lang akong umupo sa tabi nila.

"Oh! Anyare girl?" tanong ni Ella sa akin pero hindi ko siya pinansin.

"Huy! Delaney. Sino yung lalaking humila sa iyo? Boyfriend mo? Ikaw ha. Hindi ka na nagkukwento sa amin" sabi naman ni Erin. Dahil sa sinabi niya sa akin tinignan ko siya ng masama at lalo siyang sinimangutan. Ayaw ko na ngang maalala ang lalaking iyon pagkatapos itatatanong pa nila sa akin.

"Wala yun. Asungot lang. Huwag niyo na lang pansinin" maikling sabi ko sa kanila. Mukhang pinaniwalaan naman nila ako dahil tumango lang sila sa akin at bumalik na ulit sila sa pagkukwentuhan.

Bigla na lang kaming napatingin sa pintuan ng bigla na lang itong bumukas at iniluwa nito ang isang lalaki na kanina ko pa hinihintay. Iyon ay walang iba kundi si Zairo. Papunta na sana siya sa gilid ng classroom ng mapansin niya ako. Bahagyang kumunot ang noo niya bago naglakad papalapit sa akin.

"Sinusundan mo ba ako? Di'ba sinabi ko na sa iyo na ayaw na kitang makikita! Bakit ka nandidito ngayon?! Sumagot ka!" sigaw niya sa akin. Bakit ba bigla na lang naninigaw ang lalaking ito?! Nasira na nga ang araw ko ng dahil kay Lucian pagkatapos dadagdag pa siya. Mukhang malas ang araw na ito ahhh.

"For your information, hindi kita sinusundan. Nandidito ako kasi mag-aaral ako at hindi para sundan ka. Huwag kang feeling" pairap na sabi ko sa kanya.

"Siguraduhin mo lang" sabi niya at tinalikuran ako.

Kaasar! Ngayon pa nga lang nahihirapan na akong kausapin siya, baguhin pa kaya siya.

***

"Hindi ako sasamang kakain sa inyo. May kailangan kasi akong gawin" sabi ko kay Erin at Ella.

"Awwww. Sayang naman" sabi ni Ella sa akin.

"Don't worry. Babawi ako sa inyo next time" sabi ko sa kanila at naglakad na paalis. Pumunta ako sa garden dahil sigurado akong doon ko makikita si Lucian. At tama nga ako dahil pagdating ko sa garden nakita ko si Lucian na natutulog sa bench sa may gilid.

Dahan akong naglakad sa kanya at malakas siyang sinipa na dahilan para mahulog siya sa bench. Nang makatayo na siya ng tuluyan ay tinignan niya ako ng masama atsaka binatukan niya ako ng sobrang lakas.

"Ano ba?! Bakit ka ba nambabatok?! Nasisiraan ka na ba?!" malakas na sigaw ko sa kanya. Pekste! Ang sakit ng pagkakabatok niya sa akin ahhh. Feeling ko matatanggal na ang leeg ko sa sobrang sakit. Leche!

"Ikaw ang nauna. Kung hindi mo ako sinipa edi sana hindi kita babatukan. Kasalanan mo rin iyan. Isipin mo na lang karma mo iyan" nakangising sabi niya sa akin.

"Tsk. Lucian tulungan mo nga ako sa misyon ko" nakangusong sabi ko sa kanya.

"Huwag kang ngumuso. Hindi bagay sa iyo. Atsaka bakit naman kita tutulungan? Pagkatapos mo akong sipain sa tingin mo tutulungan pa kita? Asa" sabi niya at akma ng aalis pero agad kong hinawakan laylayan ng damit niya.

"Please. Sige na Lucian" pagmamakaawa ko sa kanya. Pero hindi niya ako pinansin at tinanggal ang kamay ko sa laylayan ng damit  niya atsaka siya nagpatuloy sa paglalakad.

Kahit kailan ang sama talaga sa akin ng lalaking ito. Nakakaasar.

***

"Wala bang dumadaan na taxi rito? Kanina pa ako naghihintay rito ehh" bulong ko sa sarili ko.

Maagang umuwi si Erin at Ella dahil may family problems daw sila. Habang si Lucian naman ay kanina ko pa hindi nakikita. At talagang minamalas ako dahil ngayong araw pa nagkasakit ang dapat susundo sa akin. Kaya heto ako ngayon at naghihintay ng taxi. Pero halos isang oras na akong naghihintay pero wala namang dumadaan ni kahit isang kotse.

"Pare. May magandang babae oh" napatingin na lang ako sa kaliwa ko ng may magsalita. Doon ko nakita ang tatlong lalaki na parang mga lasing na.

"Oo nga. Mukhang makinis rin. Mukhang sinuswerte tayo ngayon ahh" aalis na sana ako ng biglang may humigit sa braso ko.

"Miss. Aalis ka na kaagad? Makikipaglaro pa kami ehh. Di'ba mga tol?"

Hala! Lord! Tulungan niyo po ako. Please. Mukhang mapapahamak pa po ako. Agad ko namang tinanggal ang kamay ng lalaki sa braso at aalis na sana ako ng biglang hatakin ng lalaki ang aking buhok.

"Aray! Bitawan niyo ko! Tulong! Tulungan niyo ako! Parang awa niyo na! Bitawan niyo ako!" sigaw ko habang nagpupumiglas. Pero tinawanan lang ako ng tatlong lalaki. Ang sakit sakit na talaga ng anit ko. Actually kaya ko naman silang kalabanin pero dahil naka palda ako ay wala akong magagawa ngayon kundi ang humingi ng tulong.

Pinipilit akong halikan ng tatlong lalaki pero nagpupumiglas ako na naging dahilan para mapunit ang uniform ko. Nagulat ako ng bigla akong sampalin ng lalaki kaya bigla akong napaupo sa sahig. Ngayon nararamdaman kong sobrang sakit ng pisngi ko dahil sa pagkakasampal sa akin. As in sobrang sakit talaga. Feeling ko mamamaga ang pisngi ko mamaya.

"Please! Layuan niyo ako!" pagmamakaawa ko sa kanila pero parang wala silang naririnig dahil patuloy parin sila sa paglapit sa akin. Pero nagulat ako ng may magsalita mula sa likuran ng tatlong lalaki.

"Layuan niyo siya" mariin na sabi ni Zairo sa kanila.

"Bakit? Sino ka ba? Bakit ka naman namin susundin? Ano bang pakielam namin sa iyo?" tatawa-tawang sabi ng isang lalaki. Wala akong ibang magawa kundi ang panoorin at umiyak dito sa tabi ng dahil sa takot. Hindi ko inaasahan na ganito ang mararanasan ko ngayon. Sana pala sumabay na lang ako kay Erin o kaya kay Ella. Sana pala umuwi na lang din ako ng maaga.

"Ako si Zairo Mendez. Ang taong dapat niyong katakutan" sabi ni Zairo sa kanila.

"Eh siraulo pala itong g*gong ito eh" sabi ng lalaki. Akma na sanang sasapakin ng lalaki si Zairo pero agad na nahawakan ni Zairo ang kamao ng lalaki kaya nagkaroon siya ng pagkakataon na sipain ito sa tiyan. Susugod na rin sana ang dalawa pang lalaki pero naunahan sila ni Zairo. Agad na pinagsisipa at pinagsasapak ni Zairo ang tatlong lalaki. Kaya in just a minute agad na napatumba ni Zairo tatlong lalaki ng walang kahirap hirap. Gustuhin ko mang mamangha dahil ang galing niyang makipaglaban pero hindi ko magawa ng dahil sa takot.

"Tumayo ka diyan" sabi ni Zairo sa akin kaya agad akong tumayo at inayos ang palda ko. "Ihahatid na kita"

"Hi-hindi na. Ka-kaya ko na" sabi ko sa kanya habang pinupunasan ang mga luha ko. Akma na sana akong aalis pero napatigil ako ng bigla sigawan ako ni Zairo.

"T*nga ka ba! Aalis ka ng ganyan ang itsura mo! Gusto mo ba talagang mapahamak?!" sigaw niya sa akin. Magsasalita na sana ako pero napatigil ako ng bigla akong hatakin ni Zairo. Tumigil lang kami ng nasa harapan na kami ng isang kotse.

"Sakay"

"H-huh? Bakit?" tanong ko sa kanya.

"Sa bahay ko muna ikaw matutulog" kalmadong sabi niya sa akin. Ano?! Nababaliw na ba siya?!

"A.yo.ko." sabi ko sa kanya.

"Sumakay ka na lang! Wala naman akong gagawin masama sa iyo!" sigaw niya sa akin. Dahil sa ginawa niyang pagsigaw sa akin ay dali dali akong pumasok sa kotse niya. Nakakatakot siya. Kung makasigaw wagas. Grabe!

***

"Ayan magbihis ka. Pagkatapos pumasok ka guest room. Doon ka matutulog ngayong gabi" sabi sa akin ni Zairo pagkatapos tinalikuran na niya ako.

Syempre sinunod ko ang sinabi niya at pumasok sa banyo para magpalit na ng damit. Paano kasi napakadumi na ng damit ko. Sira na at maputik pa. Sobrang nakakadiri. Grabe! First day of school pa lang sira na kaagad ang uniforms. Ang ibinigay na damit lang naman sa akin ni Zairo ay oversized white t-shirt at short shorts. Hindi ko alam kung bakit may damit siyang pambabae pero wala na akong pakielam doon.

Lumabas ako ng banyo pagkatapos kong magbihis at balak ko na sanang pumunta sa guest room na sinasabi ni Zairo para sana pagpahinga kaso hindi ko naman alam kung nasaan ang guest room rito. Ang laki laki kasi ng bahay ni Zairo parang mansyon.

Kaya naman umakyat ako ng second floor para hanapin ang kwarto ng may mapansin ako. May bukas na isang kwarto rito sa second floor. Kaya naman hindi na ako nagisip at pumasok sa bukas na kwarto kasi akala ko eto na ang guest room. Kaso nagkamali ako dahil sa tingin kwarto ito ni Zairo dahil puno ito ng picture niya. Pero nahagip ng mata ko ang isang picture frame na nakapatong sa desk. Nilapitan ko ito at tinignan para makita ko kung ano ang nasa litrato.

Kinuha ko ang picture frame mula sa desk at tinignan ang litrato. Doon ko nakita ang apat na tao na nakangiti sa litrato. Ang babaeng ay nakangiti habang hawak hawak ang dalawa niyang anak habang ang isang lalaki naman ay yakap yakap ang babae sa litrato. Ang batang lalaki naman ay hawak ang isang kamay ng babae habang tinitignan ang lalaki sa likod niya. At ang isa namang batang lalaki ay simpleng nakangiti sa litrato. Sa tingin ko ang isa sa mga batang lalaki ay si Zairo at ang katabi naman niya ay ang kapatid niya habang ang babae at lalaki naman sa picture ay ang mga magulang niya.

Tama nga si older angel, iba nga dati si Zairo.

"Anong ginagawa mo dito?! Sinong nagsabi na pwede kang pumasok rito?!" nagulat ako ng biglang magsalita si Zairo mula sa likod ko. Agad agad ko ibinalik ang picture frame sa desk dahil sa kaba. Pero nang nilingon ko siya hindi ko sinasadyang mabunggo ang desk na naging dahil para mabasag ang picture frame.

"What the f*ck!" sigaw niya at dali daling lumapit sa picture frame at kinuha ang picture. Hindi niya alintana ang mga bubog na dumikit sa kamay niya kahit nagdurugo na ang kanyang mga kamay. "What have you done?!" sigaw niya sa akin.

"Hi-hindi k–"

"Out! Pagkatapos kitang tulungan ganito ang gagawin mo sa akin?! Sana pala hinayaan na lang kitang babuyin doon!" sigaw niya sa akin.

"Hindi ko naman sinasadya! Pasensya niya! Pero grabe ka naman kung makapagsalita! Nakakasakit ka na ng tao!" sigaw ko pabalik sa kanya.

"I don't care!  Lumayas ka! Ayaw kong makita ang pagmumukha mo sa bahay ko! Out!"

"Talaga! Talagang aalis ako sa bahay mo! Leche!" sigaw ko sa kanya at umalis na ng kwarto niya. Dali dali akong bumaba at kinuha ang gamit ko sa sofa pagkatapos lumabas ako ng bahay niya.

Pagkalabas na pagkalabas ko ng bahay ay sakto namang umulan ng malakas. Kaya ayun, basang basa ako. Leche! Pati ba naman ang ulan ayaw sa akin. Bakit ba ang malas malas ko. Lahat ng kamalasan na ata ay napunta sa akin. Wala naman akong ginawang mali pero bakit ang malas malas ko? Argggghhhhhh

"Pati ba naman ikaw ulan ayaw sa akin?!" sigaw ko. Alam kong nagmumukha akong baliw ngayon pero gusto ko lang ilabas ang galit ko ngayon. "Arrrrrrggggghhh"

Takbo lang ako ng takbo. Wala akong pakielam kahit ilang beses akong madapa at kahit napakarumi na ng damit ko ngayon. Takbo lang ako ng takbo hanggang sa matanaw ko na ang kalsada. Kaya tumakbo ako papalapit sa kalsada para sumakay na lang ako sa taxi pauwi sa bahay ko.

*BEEEEEEEEEEPPPPPPPPP*

Bigla akong napatingin sa kaliwa ko ng may narinig akong busina. Doon ko nakita ang isang kotse na mabilis ang takbo at papalapit ito ng papalapit sa akin. Dapat ay tumabi na ako pero hindi ko alam kung bakit parang hindi ako makagalaw. Akala ko ba mamamatay ako kapag tapos na ang mission ko? Pero bakit mukhang napaaga ata ang kamatayan ko? Sayang! Dapat pala hindi ko muna pinaalis si mommy at daddy. Hindi man lang ako nakapagpaalam kay Erin at Ella. Kasabay ng malakas na pagkulog ay ang pagpikit ng mga mata ko. Tama kayo, handa na akong mamata–

Aray! Grabe! Hindi pa nga ako tapos mag monologue. Nagtataka ba kayo kung anong nangyari? Pwes! Hindi ko sasabihin. Bleh. Joke lang! Kayo naman. Hindi kayo mabiro. Eto na nga!

Nagulat na lang ko ng may biglang tumulak sa akin dahilan para gumulong gulong ako sa gilid ng kalsada. Nang tignan ko kung sino nakita ko si Zairo na ang sama sama ng tingin sa akin.

"T*nga ka ba?! Bakit ka magpapakamatay?! Nasisiraan ka na siguro!" sigaw niya sa akin. Hindi ko alam kung bakit hindi ako makasagot sa kanya dahil hindi naman ako ganoon. Pero mas nagulat ako ng bigla na lang akong umiyak sa harap niya. Hindi dapat ako nagpapakita ng kahinaan sa harap ng lalaking ito. Pero bakit ako umiiyak sa harap niya?

"A-akala ko mamamatay na ko. A-akala ko ka-katapusan ko na. Akala ko o-oras ko na" sabi ko habang humahagulgol. Nang bigla akong umiyak dali dali siyang lumapit sa akin at niyakap ako.

"Shhhhh. Huwag ka ng umiyak. Ang pangit mo kapag umiiyak ka. Tumahan ka na. Ang ingay mo" sabi niya habang niyayakap ako. Dahil sa sinabi niya mas lumakas pa ang iyak ko. Mag papatahan na nga lang kasi sasabihan pa ako ng pangit. Eh kung sipain ko kaya ito ng malaman niya kung sino ang pangit. Sa tingin niyo?

"Shhhh. Ang ingay mo. Tumahan ka na. Bumalik na tayo sa bahay" sabi niya. Dahil sa sinabi niya sa akin bumitaw ako sa pagkakayakap at tinignan siya. Ngayon ko lang napansin na basang basa rin siya ng ulan katulad ko. Pero alam niyo mas gwapo pala siya sa wet look. Dahil nga basa ang damit niya bakat na bakat ang abs niya. Hihihihi– Erase. Erase. Erase. Galit pala dapat ako sa kanya dahil sa sinabi niya sa akin kanina.

Nang mapansin niyang nakatingin ako sa kanya kinuha niya ang tuwalya sa balikat niya at ipinatong sa magkabila kong balikat. Pagkatapos bigla na lang niya akong nginitian. Wow! Mas gwapo pala siya kapag ngumingiti. Ibig sabihin ba niyan–kyaaaaaaahhhhhh. Unti unti ko ng nagagawa ko na ang mission ko?!

"Tara na? Baka magkasakit pa tayo nito" sabi niya at inilahad ang kamay niya sa akin.

Syempre inabot ko ang kamay niya. Hindi naman kasi ako choosy noh! Maglalakad na sana kami paalis pero nahinto ako ng biglang sumakit ang ulo ko. Bigla kong kinuha ang kamay ko sa kanya at inilagay ito sa ulo ko.

"Promise?"

"Promise. Pakakasalan kita paglaki natin"

"Anong nangyayari sa iyo?" tanong ni Zairo sa akin pero hindi ko siya pinansin.

Ano yung narinig ko? Arrrrrgggghhhhh ang sakit talaga ng ulo ko. Ano bang nangyayari sa akin? Parang pinupukpok ang ulo ka sa sobra sakit. Halos mapaluhod na ako sa sobrang sakit ng ulo ko. Hahawakan ko na sana ang kamay ni Zairo pero mayamaya lang ay bigla na lang akong nawalan ng malay.

To be continued...

~Thanks for reading! Please vote and comment!~