Chapter 3

DELANEY MERCADO'S POV

"Miss. Gumising ka na" bigla akong nagising ng marinig ang boses ng isang lalaki. Nang tignan ko kung sino ang gumising nakita ko sa gilid ko si Zairo na naka-kunot ang noo habang hinihilot ang kanyang sentido. "Maligo ka na. Andoon na sa loob ng banyo ang uniform mo. Pagkatapos mong maligo bumaba ka na at mag-almusal" sabi niya at lumabas na ng kwarto ko.

Syempre sinunod ko naman ang sinabi niya sa akin. At tama nga siya dahil pagkapasok ko ng banyo may nakita akong uniform at undergarments sa gilid. Bakit may uniform dito? Di'ba nasira na ang uniform ko kagabi. Pagkatapos meron rin undergarments dito. Pero nangsukatin ko ito sakto lang ang sukat nito sa akin. Bakit alam niya ang size ko?! Nang tignan ko ang suot ko nakasuot na ako ng gray t-shirt at jogging pants. Hindi naman ito ang suot ko kagabi! Kaya naman dali dali akong naligo at bumaba ng kwarto para kausapin si Zairo.

"Hoy Zairo! Bakit iba na ang–" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng biglang mag-salita si Zairo. Nakatalikod siya sa akin habang nagluluto ng pagkain. Pero in fairness, mukhang magaling siyang magluto.

"Huwag kang maingay. Hindi ako ang nagpalit sa iyo ng damit. Inutusan ko ang kapitbahay ko na palitan ka ng damit dahil basang basa ka ng ulan kagabi. Baka kapag hindi ka pinalitan ng damit ay magkasakit ka. Baka ako pa ang sisihin mo kapag nagkasakit ka. Pagkatapos inutusan ko rin ang kapitbahay ko na bilihan ka ng uniform at undergarments" sabi niya sa akin habang patuloy na nagluluto.

"Oo nga pala. Thank you dahil iniligtas mo ako kagabi. Sorry din dahil nabasag ko ang picture frame mo" sabi ko sa kanya. Nang hindi siya sumagot ay umupo na lang ako upuan at kumuha ng kanin para ilagay sa plato ko.

"Tumahik ka na lang. Masyado kang maingay" sabi niya. Tsk. Kahit kailan ang sungit sungit ni Zairo. Akala ko pa naman unti unti ko ng nagagawa ang mission ko.

Nang matapos na siyang magluto ay lumapit siya sa akin at nilagyan niya ng ulam ang plato. Pagkatapos ay umupo na siya sa upuan niya at nagsimula na siyang kumain. Pero nang mapansin niyang hindi ako kumakain ay tinaasan niya ako ng kilay.

"Kung ayaw mong kumain. Umalis ka na lang" sabi niya sa akin kaya agad akong napasubo ng pagkain. Hindi ko alam kung namamalikmata lang ba ako pero parang nakita ko si Zairo na bahagyang napangiti.

***

"Hoy Lucian!" sigaw ko kay Lucian ng makita ko siyang natutulog sa bench sa garden ng school namin. Agad naman siyang napatayo sa gulat ng marinig ang boses ko. "Lucian! Saan ka ba nagpunta kagabi?! Alam mo bang muntik na akong mapahamak!"

"Wala akong pakielam" sabi niya sa akin atsaka naglakad papalayo sa akin. Wala ba talagang pakielam sa akin itong si Lucian?! Parang wala lang ako sa kanya ahh. Wala man lang siyang pakielam sa nangyari sa akin kagabi. Excited pa naman sana akong ikwento sa kanya ang unting pagbabago ni Zairo, pagkatapos lalayasan niya lang ako. Tsk. Bahala siya sa buhay niya! Leche!

Aalis na sana ako ng may biglang humawak sa braso ko. Pagkalingon ko nakita ko ang nakakunot na noo ni Zairo. Tss. Akala ko pa naman si Lucian. Sinasayang ko lang ang oras ko sa pakikipagusap sa asungot na iyon. Sana malasin siya ngayong araw.

"What are you doing here? Bakit ka mag-isa?" tanong sa akin ni Zairo.

"You don't care!" sabi ko sa kanya at iniwan ko na siya doong mag-isa. Wala ako sa mood para makipagplastikan. Nasira na ang mood ko ng dahil sa lecheng asungot na iyon. Nakakaasar!

Nang makarating ako sa canteen agad akong lumapit kay Erin at Ella atsaka umupo sa tabi nila.

"Wala ka na naman sa mood?" tanong ni Ella sa akin.

"Tsk. Malamang dahil na naman iyan kay Lucian" nakangising sabi ni Erin. Paano?! Huwag niyong sabihin na sinundan ako ng dalawang ito!

"Pa-paano–"

"Sinundan ka namin kanina. Pero ng bigla mong sigawan yung si Lucian umalis na lang kami" pagpapaliwanag ni Ella sa akin.

"Hoy miss! Bakit bigla mo na lang akong nilayasan?! Di'ba tinatanong kita ng maayos!" nagulat na lang ako ng may bigla na lang sumigaw mula sa likuran ko. Nang lingunin ko kung sino ito nakita ko si Zairo na ang sama sama ng tingin sa akin. Ano na naman bang problema nito?! Palagi na lang siyang sumisigaw.

"Wala ka ng pakielam" sabi ko at tinalikuran na siya. Nang tignan ko si Erin at Ella nakita ko na bigla na lang silang napangisi sa akin. Ano bang problema ng dalawang ito? Bakit bigla na lang silang ngumingisi? Siguro may sayad na ang dalawang ito. Sa tingin niyo dalhin ko na kaya sila sa mental hospital? Ayoko pa naman sa mga baliw.

"Ang lakas talaga ng kamandag mo girl" sabay na sabi nilang dalawa sa akin atsaka humalakhak ng malakas. Dahil sa hindi ko naman gets ang sinabi nila ay hindi ko na lang sila pinansin.

Pero nagulat na lang ako ng bigla akong hatakin ni Zairo palayo kay Erin at Ella. Pagkatapos ay bigla na lang niya akong pinaupo sa table na medyo malayo kay Erin at Ella. Nagtataka akong tumingin kay Zairo dahil bigla bigla na lang niya akong hinihila. Ano ako strolling bag?!

"Ano bang problema mo? Bakit ba bigla ka na lang nanghihila?" tanong ko kay Zairo habang tinataasan siya ng kilay. Medyo weird kasi siya ngayong araw. Bigla na lang akong tatanungin ng kung ano ano pagkatapos bigla na lang niya akong susungitan. Bipolar rin ba siya katulad ni Lucian? Bakit ba lahat ng nakakasama ko ay mga bipolar? Ang malas. Speaking of malas, ayoko munang makita iyang si Lucian. Baka kasi siya ang malas ko sa buhay ko. Simula ng dumating siya sa buhay ko bigla na lang akong minamalas. Atsaka di'ba pwede naman akong magtampo. Tao pa rin naman ako kahit papaano.

"Sasabayan mo lang akong kumain" huh?

"Bakit naman kita sasamahang kumain? May sakit ka ba?" tanong ko sa kanya. Sino ba naman kasi ang hindi magtataka kung bigla ka na lang sisigawan ng isang tao pagkatapos sasabihan ka ng samahan mo siyang kumain? O di'ba, ang weird niya ngayong araw.

"Ang dami mong tanong. Sasamahan mo lang naman akong kumain" sabi niya at nagsimula na siyang kumain.

"Eh anong kakainin ko?" tumingin siya sa akin ng ilang saglit pagkatapos bigla na lang niya akong sinubuan. Bigla tuloy akong namula ng dahil sa kahihiyan. Feeling ko nga kasing pula na ako ng kamatis.

Dahil sa sobrang kahihiyan bigla akong napatayo at naglakad para magpunta sa banyo. Ewan ko ba kung bakit pero bigla akong kinikilig. Alam niyo yung feeling na parang kinikiliti kayo? Ganoon ang feeling ko ngayon. Pagkatapos bigla na lang akong mapapangiti. Parang pati tuloy ako ay nahawa na sa kaweirduhan niya.

Kaya ng makarating ako sa banyo ay agad akong naghugas ng mukha para naman mahimasmasan ako. Nagtagal ako ng mga ilang minuto sa banyo bago ko naisipan na lumabas na. Lalabas na sana ako ng banyo ng may humarang na babae sa daraanan ko. Maganda siya pero higit na mas maganda ako sa kanya. Sexy rin siya pero syempre mas sexy ako sa kanya. Nakatingin lang siya sa akin ng masama. As in sobrang sama ng pakakatitig niya sa akin. Kung nakakamatay nga lang ang pagtitig malamang kanina pa ako patay.

"Excuse me. Dadaan po ako" sabi ko sa kanya at sinubukang dumaan sa gilid niya pero pilit niya ako hinaharangan. Kalma self. Inhale. Exhale.

"May sasabihin mo lang ako sa iyo b*tch" mariin na sabi sa akin ng babae. Aba! Sino siya para tawagin akong b*tch?!

"Who the hell are you? And who do you think you are para sabihan ako ng b*tch?" mataray na tanong ko sa kanya. Akala niya siya lang ang may karapatang magtaray? Pwes! Kung mataray siya mas mataray ako! Hinding hindi ko siya uurungan! Hindi porket bago lang ako dito sa AIU ay magpapaapi na ako sa kanila!

"Ako lang naman si Trixie Wilkins. Ang future girlfriend ni Zairo Mendez. Kaya ngayon pa lang sinasabi ko na sa iyo na layuan mo siya dahil sa akin lang si Zairo" sabi niya. Ang lakas ng topak ng isang ito ahh. Alam daw niya ang future. Siraulo pala ang isang ito ehh. Hahahahaha. Madala nga ang isang ito sa mental hospital.

"Miss. Nasisiraan ka na ba? Walang nakakaalam ng future. Atsaka paano mo nasabi na ikaw ang future girlfriend ni Zairo? Gusto mo bang ihatid kita sa mental?" natatawang sabi ko sa kanya.

"How dare you!" sabi niya at akmang sasampalin na ako pero agad kong nahawakan ang kamay niya kaya siya ang nasampal ko. Akala niya hindi ko siya papatulan. Mali siya ng kinalaban. Maling mali. Tsk.

Sasampalin na niya ulit sana ako pero agad ko siyang nasipa sa tiyan kaya bigla siyang napaupo sa sahig. Pero agad siyang tumayo at hinila ang buhok ko. Syempre imbis na hilain ko rin ang buhok niya ang ginawa ko lang naman ay sinapak ko siya sa mukha kaya napabitaw siya sa buhok ko at napaupo ulit siya sa sahig. Tsk tsk tsk. Kawawang babae. Sa dami dami kasi ng kakalabanin ay ako pa ang napili.

"Arrrrrrggggghhhhhh! Sino ka para sapakin ako?! You will pay for this!" malakas na sigaw niya sa akin. Pero imbis na matakot ay natawa pa ako sa pinagsasasabi niya. Mukha na kasi siyang nasisiraan ng bait. Ang gulo gulo kasi ng uniform at buhok niya. Pagkatapos ang makeup niya ay halos mabura na. Kaya ang ending, mukha siyang takas na galing sa mental.

"Magkano ba ang ibabayad ko?" pangaasar ko sa kanya.

"Arrrrrrggggghhhhh! Stupid b*tch!" sigaw niya ulit. Sasampalin na ulit niya sana ako pero para bigyan ng leksyon ang isang ito bibigyan ko siya ng isang malakas na roundhouse kick. Dahil sa lakas ng sipa ko sa kanya ay bigla na lang siyang napasubsob sa sahig. Medyo natawa pa nga ako sa kanya dahil ang epic ng face reaction niya.

"Layuan mo si Zairo or else..." biglang napatigil sa pagsasalita si Chelsea ng may biglang nagsalita.

"Or else what?" bigla ako napalingon sa likod ko ng marinig ang boses ni Zairo. At pagkalingon na pagkalingon ko ay nakita ko ang mukha ni Zairo na nakunot ang noo. Pero nagulat ako ng makita na unti na lang ang pagitan ng mukha namin. Dahil isang maling kilos lang ay magdidikit na ang aming mga labi. Kaya naman para hindi awkward ay lumayo ako ng kaunti kay Zairo.

"Za-zairo" nauutal na sabi ni Trixie. Mabilis na tumayo si Trixie at lumapit kay  Zairo habang itinuturo ako. Muntik na nga akong matumba dahil tinulak niya ako palayo kay Zairo. "Zairo. That b*tch is hurting me. Sabi niya sa akin layuan daw kita dahil sa kanya ka lang. Then nung sinabi ko sa kanya na hindi ka niya pagmamayari bigla na lang niya akong sinugod" naiiyak na sabi niya. Wow! So ako pa ang may kasalan?! Great! Binaliktad niya ang totoong nangyari!

"Liar. Narinig at nakita ko ang lahat ng nangyari" maikling sabi ni Zairo kay Trixie.

Dahil sa sinabi ni Zairo biglang nanlaki ang mga mata ni Trixie at bigla siyang namutla.

Tch. So ibig sabihin kanina pa niya kami pinapanood pagkatapos hindi man lang niya kami pinigilan. Ang lakas din ng topak ng isang ito. Magsama nga silang dalawa.

Nagulat ako ng bigla akong hawakan ni Zairo sa braso at hinatak palabas ng banyo. Pero bago pa kami makalayo sa puwesto ni Trixie, na hanggang ngayon ay nakatulala pa rin, ay bigla siyang kinausap ni Zairo.

"Stay away from her or else..." pinutol muna ni Zairo ang sasabihin niya dahil tinitigan niya muna ako masinsinan. Iniwas ko naman ang paningin ko kay Zairo dahil naiilang ako sa ginagawang pagtitig niya sa akin. "Or else ako na ang makakalaban mo" sabi niya habang nakakatitig sa akin.

Pagkatapos niyang kausapin si Chelsea ay hinatak na ulit niya ako paalis. Pero ngayon ko lang napansin na hindi na ang braso ko ang hawak niya kundi ang mismong kamay ko na.

"Lapitin ka siguro talaga ng malas. Kaya simula ngayon huwag ka ng aalis sa tabi ko" sabi niya habang nakatingin sa dinaraanan natin.

"Wait lang! Kailangan ko ng umalis. Baka ma-late ako sa next class ko" sabi ko sa kanya habang pilit na kinukuha ang kamay ko sa kanya. Pero mas hinihigpitan niya ang kapit niya sa kamay ko kaya wala akong magawa kundi ang ngumuso sa kanya.

"I need new clothes. Kaya pupunta tayo sa mall sa ayaw man o sa gusto mo. Wala kang magagawa kundi sundin ang gusto ko" sabi niya sa akin at nagpatuloy na siya sa paghatak sa akin.

***

"Wow! Ang gaganda naman ng mga dress dito! OMG!" sabi ko habang nagtatatalon sa tuwa.

So ayun nga, itinuloy ni Zairo ang plano niya. Kinaladkad niya ako papuntang mall pagkatapos pumasok kami sa isang boutique na ang pangalan ay 'Fashion trends'. At isa lang ang masasabi ko, salamat kay Zairo dahil dinala niya ako rito. Sobrang ganda kasi ng mga damit dito. Mula dress hanggang sa heels ay meron sila. Pati nga mga shades at cap at meron sila. Ang saya saya ko talaga ngayon. Buti na lang at kinaladkad ako ni Zairo papunta rito. Pero sana sa next time na pumunta kami rito ay gumamit na kami ng kotse. Ang sakit kasi nang paa ko ng kinaladkad ako ni Zairo. Huhuhuhuhu.

"Hoy miss! Nandidito tayo para bumili ng damit ko at hindi para bumili ng damit mo" sabi niya sa akin. Palihim akong napairap ng dahil sa sinabi niya sa akin. Panira talaga ng mood itong si Zairo. Atsaka kanina pa siya miss ng miss sa akin. Ang sarap sarap niyang sapakin. May pangalan kaya ako. Ang ganda ganda kaya ng pangalan ko pagkatapos tatawagin niya lang akong miss. Tsk.

"Hoy mister! For your information may pangalan po ako. Ang ganda ganda ng pangalan ko pagkatapos tatawagin mo lang akong miss. My name is Delaney Soul Mercado. You can call me Delaney, Delanes kasi iyon ang tawag sa akin ng mga kaibigan ko or kahit miss beautiful kasi maganda ako. Huwag lang Soul. Ayoko kasing tinatawag akong Soul" sabi ko habang nginingitian siya ng peke. Bigla na lang siyang napangisi sa sinabi ko at kumuha ng itim na polo sa tabi niya.

"I don't care. Tatawagin kitang miss kung kailan ko gusto" nakangising sabi niya sa akin. Tsk. Sinusubukan talaga ako ng epal na ito ahh. "By the way, sa tingin mo bagay kaya ito sa akin" tanong niya sa akin habang itinuturo ang hawak niyang itim na polo. Sasabihin ko na sanang 'Oo' pero nagbago na agad ang isip ko.

"Ewan ko. Bakit ako ang tinatanong mo? Ako ba ang magsusuot niyan. Di'ba hindi. Kaya wala akong pakielam" nakangising sabi ko sa kanya. Napasimangot naman siya sa sinabi ko at kinuha ang lahat ng makikita niyang damit atsaka pumasok sa fitting room.

Habang ako naman ay nagiikot sa loob ng boutique. Kaya naman habang nagsusukat ng damit si Zairo ay kumuha ako ng isang pink off-shoulder dress, black heels, black sweatshirt atsaka isang white teddy bear. Ang cute kasi ng teddy bear. And besides, lonely ako sa bahay kaya naman bibilhin ko yung teddy bear para naman may kasama kahit papaano. Pagkatapos kong kumuha ng mga gamit dali dali akong pumunta sa cashier at binayaran lahat ng binili ko. Gumastos lang naman ako ng 4,499 pesos. Maganda kasi ang mga binili kong damit kaya may kamahalan pero worth it naman.

Nang lumabas si Zairo mula sa fitting room naka suot na siya ng black polo at black pants. Agad naman akong lumapit sa kanya dahil sinenyasan ako ni Zairo na lumapit sa kanya.

"Bagay ba sa akin?" tanong niya sa akin. Umiling lang ako sa kanya bilang sagot. Actually bagay naman talaga sa kanya, sadyang gusto ko lang talaga siyang pagtripan ngayong araw. Kaya ayun si uto uto at pumasok ulit sa fitting room.

Paglabas niya ulit ng fitting nakasuot naman siya ngayon ng light blue polo at maong pants. Tsk. Lahat na lang ata ng damit ay bagay sa kanya. Shhhh. Quiet lang tayo. Kailangan ko pa siyang pagtripan.

"How about this? Bagay na ba?" tanong niya ulit sa akin.

"Hindi. Mukha kang bata" kalmadong sabi ko sa kanya. Naaasar naman na bumalik ulit si Zairo sa fitting room. Pffft. Hahahahaha. Pikon talaga ang isang ito.

Nang lumabas si Zairo sa fitting room nakasuot na siya ng dark blue polo shirt at black pants. Pero this time nakunot na ang noo niya sa akin.

"Mas bagay sa iyo yung kanina" sabi ko sa kanya habang pinipigilan ang tawa ko.

"Niloloko mo ba ako miss?!" sigaw niya sa akin. Dahil sa pagsigaw sa akin hindi ko na napigilan ang tumawa.

"Pffft. Hahahahahahaha. I'm just joking. Nagtatanong ka pa eh lahat naman ng sinukat mo ay bagay sa iyo. Tinatanong mo pa ako" sabi kay Zairo habang tumatawa. Habang tumatawa ako nahagip ng mata ko si Zairo na bahagyang nakangiti. Pero pinagsawalang bahala ko na lang ito.

"Then bibilhin ko lahat ng sinukat ko" sabi niya sa akin at tinalikuran ako para magpunta sa cashier para bayaran ang mga binili niya. Nang makabalik siya sa puwesto ko kumunot ang noo niya habang tinitignan ang hawak kong mga paper bags na naglalaman ng mga binili ko.

"Bumili ka rin?" tanong niya sa akin pero tumango lang ako sa kanya bilang sagot. "Tsk. Ang kulit talaga. Tara na nga. Baka gabihin pa tayo sa daan"

Paalis na sana kami ni Zairo pero napatigil ako ng mapansin ko ang isang couple hoodie. Ang cute cute kasi. Gusto ko nga sanang bilhin kaso wala naman akong boyfriend. Pero sayang talaga. Ang cute pa naman ng hoodie. Pagkatapos naubos na agad ang pera ko kaya paano ko ito bibilhin. Haayyyyssss. Sayang naman.

"Gusto mo bang bilhin?" tanong ni Zairo mula sa likuran ko.

"Oo sana. Kaso naubos na ang pera ko kanina" nakangusong sabi ko sa kanya.

"Edi bibilhin ko para sa iyo"

"Eh wala naman akong boyfriend ihhhhhhh. Paano ko susuotin iyan kung wala akong boyfriend?" nakangusong sabi ko sa kanya habang tumatalon talon.

"Edi ako na lang ang magiging boyfriend mo. Susuotin ko ang isang kapares. Papayagan kitang maging girlfriend ko for one week" nakangising sabi niya sa akin. Nababaliw na ba siya?! Ano bang pinagsasasabi ng lalaking ito? Girlfriend? Ako?! Impossible!

"Pe-pero–"

"Magiging girlfriend kita sa ayaw o sa gusto mo. One week lang naman. Atsaka hindi mo ba naiisip na kapag naging girlfriend kita ay wala ng mangyayaring masama sa iyo" dagdag pa niya. Wala na akong ibang nagawa kundi ang tumango na lang sa kanya.

Pagkatapos kong tumango sa kanya ay kinuha na niya ang hoodie na tinitignan ko kanina at dinala ito sa cashier para bilhin ito. Nang makabalik na siya ay agad niya akong inakbayan sa balikat at naglakad papaalis ng boutique. Madami ang tumitingin sa amin at sinasabi na bagay raw kami pero hindi namin iyon pinansin ni Zairo at nagpatuloy na lang sa paglalakad.

Aaminin ko, gusto ko maramdaman kung paano magkaroon ng boyfriend. Pero hindi naman sa ganitong sitwasyon! Ako ang naiipit nito ihhhh. And besides, paano ko na lang ito sasabihin kay Erin, Ella, mommy at daddy? Ano na lang ang gagawin ko?!

To be continued...

~Thanks for reading! Please vote and comment!~