DELANEY MERCADO'S POV
"Hoooooyyyy! Zairo! Saan ba kasi tayo pupunta?! Bakit tayo lumabas ng university?! Ayaw kong magcutting!" sigaw ko kay Zairo na hinahatak ako.
Hindi ko alam kung saan kami pupunta dahil bigla na lang akong hinatak ni Zairo palabas ng canteen habang nakikipagusap ako kay Erin at Ella. Pagkatapos pinagtitinginan pa kami ng mga tao sa canteen kasama na yung si Trixie. Kung nakakamatay lang ang tingin malamang kanina pa ako patay. As in sobrang sama ng tingin sa akin ni Trixie. Pero hindi lang naman si Trixie ang masama ang tingin sa akin, pati ang ibang mga babae. Siguro mga fangirls sila ni Zairo.
So ayun nga hanggang ngayon ay hatak hatak niya pa rin ako sa gilid ng kalsada. Like hello! Ang init init kaya! Tirik na tirik ang araw pagkatapos maglalakad lang kami. Hindi naman sa maarte ako kaya ayaw kong maglakad. Duh! Tanghaling tanghali tapos maglalakad kami. Hindi ba pwedeng magtaxi kami. Ayos lang naman sa akin kung kahit mag jeep kami basta huwag lang maglakad. Baka mamaya lang ay himatayin na ako dahil sa sobrang init. Pagkatapos naka heels pa ako tapos hahatakin niya pa ako. Kanina pa kaya ako natatapilok.
"Heeeeyyyyy! Zairo! Yoohoo! Can you please answer my question. Kanina pa ako salita ng salita rito pero hindi ka naman sumasagot. And pwede bang sumakay na lang tayo ng taxi? Or kahit sa jeep na lang. Ang init init kaya" sabi ko sa kanya pero katulad kanina ay wala na naman akong nakuhang sagot sa kaniya.
"OMG! Ang ganda mo talaga girl!" pag kausap ko sa sarili ko. Mukha kasing wala talagang balak sagutin ni Zairo ang tanong ko kaya mas mabuti ng kausapin ang sarili ko kaysa sa kanya. Pero habang naglalakad ako bigla na lang tumigil sa paglalakad si Zairo kaya nauuntog ako sa likuran niya.
"You're too noisy miss. Pwede bang tumahimik ka muna. Naiirita na ako sa boses mo" sabi niya habang nakatalikod sa akin.
"Sagutin mo muna ang tanong ko. Saan ba kasi tayo pupunta?" tanong ko sa kanya. This time humarap na siya sa akin at pabatong binitawan ang kamay ko.
"Sa lugar na matagal ko ng hindi napupuntahan" sabi niya sa akin. Huh? Ano klaseng sagot iyon?
"Fine. Pero pwede bang mag taxi or mag jeep na tayo. Ang init init kaya. Tirik na tirik ang araw pagkatapos maglalakad lang tayo. Atsaka hindi mo ba napapansin na naka heels ako. Ang sakit sakit na kaya ng paa ko. Gusto mo bang ma-heatstroke tayo sa ginagawa mo" nakangusong sabi ko sa kanya.
"Tch. Bakit ka ba kasi nag heels? Atsaka kahit mag-ingay ka ng mag-ingay diyan maglalakad lang tayo" sabi niya.
"Ang lakas din ng trip mo noh. Ano bang pumasok sa utak mo at gusto mong maglakad? Gusto mo bang himatayin sa ginagawa mo? Kung gusto mong mahimatay sana sinabi mo na lang sa akin para ng sa ganoon ay nasapak na lang kita. Hindi iyong nangdadamay ka pa" naiinis na sabi ko sa kanya.
"Sisihin mo yung internet. Sabi kasi doon sweet daw kapag naglalakad ang mag couple habang magkaholding hands" sabi ni Zairo at inemphasize pa ang salitang 'daw'.
What the hell?! Is he f*cking insane?!
Saan naman niya nakuha ang kalokohang iyon?! Maglakad habang tirik na tirik ang araw?! Atsaka talagang sinearch niya pa ang bagay na iyon. Pfft. Hahahahaha.
Hindi ko na napigilan ang tumawa dahil sa biglang inasal ni Zairo. Sino ba naman kasi ang mag aakala na ang cold at rude na si Zairo Mendez ay mag se-search kung ano ang mga sweet na bagay ang ginagawa ng mga couple. Ang hirap lang isipin.
"Why are you laughing?! What's funny?!" naiiritang tanong ni Zairo sa akin. Inhale. Exhale. Inhale. Exhale. Kalma self. Si Zairo lang iyan. Kalma lang.
"Tama ka naman Zairo. Sweet ang maglakad habang magkaholding hands... pero hindi naman sa ganitong oras. Tirik na tirik ang araw" paliwanag ko kay Zairo habang pinipigilan ang tawa ko. "Kaya tara na. Mag taxi or mag jeep na lang tayo. Ang init init"
Bago pa magsalita si Zairo ay mabilis na akong pumara ng taxi na sasakyan namin. Nang makapara na ng taxi ay mabilis kong hinatak si Zairo papasok ng taxi.
"Saan po kayo pupunta ma'am and sir?" magalang na tanong ng driver sa amin ni Zairo. Nang hindi mag salita si Zairo ay bahagya ko siyang siniko at itinuro yung driver gamit ang labi ko.
"None of your business" naiiritang sagot ni Zairo sa driver. Nang lingunin ko ang driver ay nakita kong bahagyang nakanganga pa ang bibig niya dahil sa isinagot ni Zairo. Pati ako ay nagulat sa isinagot ni Zairo. Sino ba namang hindi?
"Pst Zairo. Sabihin mo kung saan tayo pupunta. Hindi ka ba marunong sumakay ng taxi? First time mo bang sumakay ng taxi?" tanong ko kay Zairo. Bigla naman niya akong tinignan ng masama ni Zairo kaya lumayo ako ng kaunti sa kanya.
"Shut up miss" mariing sabi niya sa akin. "Sa pinakamalapit na church tayo pumunta" sabi naman ngayon ni Zairo sa driver. Tumango lang yung driver kay Zairo pagkatapos tumingin na sa harapan.
***
"Wow! Ang ganda naman dito" natutuwang sabi ko pagkalabas namin ni Zairo mula sa taxi. Hindi ko na napigilan ang sarili na magtatakbo at magtatatalon sa tuwa dahil sa ganda ng lugar.
Hindi ko na nga alam kung simbahan pa ba ang tawag dito. May iba't ibang kulay ng mga flag garland ang nakasabit sa gilid ng simbahan. May mga nakasabit rin christmas lights sa mga puno kaya nagmukha tuloy itong mga christmas tree. May mga food vendors rin sa gilid. Pagkatapos madami rin mga bulaklak sa gilid na lalong nagpaganda sa luugar. And take note! Mahilig ako sa mga bulaklak lalo na sa kulay pink!
"Miss. Stop running around like a kid. You look like a fool" sabi ni Zairo sa akin. Hindi ko napansin na nasa tabi ko na pala si Zairo dahil busy ako sa pagtingin sa paligid.
"Alam mo panira ka ng mood" nakangusong sabi ko kay Zairo. Pero hindi pinansin ni Zairo ang sinabi ko at hinatak ako papasok sa loob ng simbahan.
Nang makapasok kami ni Zairo sa loob ng simbahan agad kaming pumunta sa pangalawang upuan malapit sa harapan kaya wala na akong nagawa kundi ang sumunod na lang sa kanya. Mabilis namang lumuhod si Zairo kaya lumuhod na rin ako.
Actually wala naman na akong mahihiling sa panginoon dahil halos lahat ng gusto ko ay nasa akin na. Siguro ang hihilingin ko na lang ay sana maging masaya si mommy, daddy, Erin at Ella kapag nawala na ako at sana gabayan niyo po ako sa mission ko kasi hindi naman ako tinutulungan ng asungot na si Lucian.
At isa pa pala! Sana bumait na si Lucian sa akin kasi kapag hindi ko na napigilan ang sarili ko ay mapatay ko na siya. Ayun lang naman. Ayos na sa akin kahit hindi na ako magka-boyfriend–oh! Scratch that! Nagka-boyfriend na pala ako. Kahit na hindi ko gusto itong si Zairo at least nagkaroon ako ng chance na marasan kung ano ang pakiramdam kung paano ang magka-boyfriend.
Aaminin ko, ang type ko sa mga lalaki ay yung katulad ni Zairo at Lucian kaso nga lang ay masungit silang dalawa kaya nagturn-off na ako sa kanila. So ayun na nga, mukhang napapalayo na tayo sa usapan, ayun lang naman ang hiling ko, ang sumaya ang mga magulang at kaibigan ko kapag nawala na ako.
Nang matapos na ako mag-dasal ay umupo na ako sa tabi ni Zairo. Hindi ko napansin na kanina pa pala natapos si Zairo. Nadala kasi ako. Malay niyo! Ito na pala ang last chance na makakapunta ako sa church. Gosh! Naiiyak na naman ako! Bakit ba kasi ang iyakin ko! Siguro nag-mana ako kay mommy. Iyakin rin kasi si mommy.
"Ang tagal mo. Siguro ang dami ng kasalanan mo" naiiritang sabi ni Zairo sa akin.
"Edi wow. Sa ating dalawa sigurado akong ikaw ang may madaming kasalanan" pang-aasar ko sa kanya. Bigla namang natahimik si Zairo dahil sa sinabi ko sa kanya. Pero mayamaya lang ay may nakita akong luha sa kaliwang pisngi niya. Hala! Napaiyak ko si Zairo! Lagot ako nito!
"Huy. Hehehe. Joke lang naman iyon. Huwag mong seryosohin. Ikaw naman hindi mabiro. Huwag kang umiyak. Baka sabihin ng iba na pinapaiyak kita. Kay babae kong tao nagpapaiyak ako ng lalaki" sabi ko sa kanya. Pero nagulat na lang ako ng bigla akong yakapin ni Zairo.
"Yeah. Your right miss. Madami akong kasalanan. Sobrang dami at ngayon ko lang pinagsisisihan ang lahat ng iyon" sabi niya sa akin. Syempre hindi ako gumalaw o nagsalita man lang. Nage-emote pa si Zairo pagkatapos guguluhin ko pa? And besides, ngayon ko lang nakita ang ganitong side ni Zairo.
"Nung panahon na namatay ang magulang at kapatid ko ay siya ang sinisi ko. Simula ng mamatay ang magulang at kapatid ko ay nangako ako sa sarili ko na kahit kailan ay hindi na ako babalik sa lugar na ito. Alam mo ba noong bata ako ay may isang babae na nagpapasaya sa akin? Noong mamatay ang magulang at kapatid ko siya ang naging sandalan ko. Sa kanya ko sinasabi lahat ng mga hinanakit ko. Nandiyan lang siya sa tabi ko palagi. Nangako pa nga kami sa isa't isa na kapag tumanda kami ay magpapakasal kami sa isa't isa. She's my first love. Then one day nag-away kami kasi I saw her playing with someone else. Dahil sa bata pa ako noon mabilis akong nagtampo sa kanya. Madami akong sinabing masasakit na salita sa kaniya hanggang sa napaiyak ko siya. Isang linggo kaming hindi nagpansinan. Bilang isang lalaki mataas ang pride ko. The next day bigla ko na lang nalaman mula sa mga kapitbahay ko na lumipat na pala siya ng bahay. Doon ko nalaman na maling mali ang ginawa ko sa kanya. Sising-sisi ako nung araw na iyon. Iniisip ko na sana hindi ko na lang siya pinagsalitaan ng mga masasakit na bagay" kwento niya sa akin.
Hindi ko alam na may ganitong side pala si Zairo. Lalong-lalo na may nangyari palang ganito sa past niya. Kung ako siguro ang nakaranas ng ganoong pangyayari malamang hindi ko na kinaya pa ang mabuhay sa mundong ito.
"Shhhh. Hindi bagay sa iyo ang umiyak" sabi ko sa kanya. Nagulat na lang ako ng bigla siyang humiwalay sa pagkakayakap sa akin si Zairo sa akin at tinignan ako ng masama. "Hehehe. Joke lang naman. Kung gusto mo, umiyak ka na lang ulit"
"Tch. Insane" sabi niya sa akin habang pinapahid ang mga luha niya.
"Eto naman hindi mabiro. Alam mo ba yung palagi kong sinasabi sa sarili ko kapag nakakaranas ako ng hindi maganda?" tanong ko sa kanya pero tinitigan niya lang ako.
"The path to paradise begins in hell. Ayan ang sinasabi ko sarili ko kapag nakakaranas ako ng hindi maganda" sabi ko sa kanya.
"Tch. Saan mo naman nakuha iyan?" naiiritang sabi niya sa akin.
"Nabasa ko lang sa internet noong bata ako. Hehehe. Ang ganda noh" nakangiting sabi ko sa kanya. Napailing na lang siya sa sinabi ko sa kanya. Pero habang umiiling siya napansin ko na nakangiti siya.
"Hala! OMG! Ngumiti ka Zairo! Napangiti kita Zairo!" natutuwang sabi ko sa kanya. Pagkasabi ko sa kanya nun bigla naman siyang napasimangot sa akin.
"Tumigil ka nga. Masyado kang maingay"
"Tss. Whatever. Tara sa labas. Nagugutom na ako" nakangusong sabi ko sa kanya. Pero inilingan niya lang ako.
"Hindi pa ako nagugutom. Ikaw na lang" sabi niya sa akin. Pero mayamaya lang ay bigla kong narinig na tumunog ang kanyang tiyan na senyales na gutom na rin siya katulad ko.
"Pfft. Hindi daw gutom" bulong ko sa sarili ko. "Tara na kasi. Huwag ka ng maarte" hindi ko na siya hinintay na makapagsalita at agad ko na siyang hinatak paalabas ng simbahan.
Nang makalabas kami ng simbahan agad akong lumapit sa isang stall kung saan nagtitinda ito ng mga street foods katulad na lang ng kwek-kwek, fishball at kikiam. Hindi naman ako katulad ng ibang mayayaman na hindi kumakain ng street foods. Actually favorite ko nga ang kwek-kwek. Hindi ko alam kung bakit ayaw ni Erin at Ella na kumain ng street foods, kaya tuwing kumakain ako ng kwek-kwek o kaya fishball ay mag-isa lang ako. Mukha tuloy akong loner. Ang sarap kaya ng mga street foods.
"Manong. Pabili nga po ng limang kwek-kwet at sampung fishball" sabi ko sa nagtitinda ng street foods. "Eh ikaw? Anong kakainin mo?" tanong ko naman kay Zairo.
"No way! Do you expect me to eat that kind of food?!" sabi niya sa akin habang tinuturo ang mga pagkain. Nang lingunin ko si manong nakatingin na siya ngayon kay Zairo. Kaya naman ng tignan ako ni manong ay bibinigyan ko na lang siya ng apologetic look, mukha namang naintindihan niya ako dahil tinaguan niya ako.
"Ano ka ba Zairo! Ang sarap-sarap kaya ng street foods lalo na ang kwek-kwek!" sabi ko kay Zairo. Pero inilingan lang ako ni Zairo. Napabuntong hininga muna ako kay Zairo bago ako lumingon kay manong at sinenyasan siyang bigyan ako ng isang kwek-kwek. Naintidihan naman ako ni manong kaya binigyan niya ako ng stick na may nakatusok na isang kwek-kwek.
"Alam mo Zairo masarap naman ito. Tikman mo kaya" sabi ko sa kanya. Pilit kong pinapasubo ang kwek-kwek sa kanya pero pilit niya rin itong iniiwasan. "Zairo naman! Huwag kang umiwas! Say ahhhhh" this time sinubo na niya ito dahil siguro alam niyang hindi ko siya titigilan.
"Ano? Masarap ba?" nakangiting tanong ko kay Zairo.
"Not bad" maikling sagot niya sa akin habang nginunguya ang pagkain.
"Sabi ko kasi sayo masarap ito ihhhh" natutuwang sabi ko sa kanya pero tumango lang siya sa akin.
Nang lingunin ko si manong nakita kong luto na ang kwek-kwek at fishball ko. Kaya naman mabilis ko itong kinuha at isinubo. Hindi ko alintana kahit ilang beses nang natapon ang sauce sa damit ko. Pati nga ang mukha ko ay punong-puno na ng sauce. Pero wala naman akong pakielam doon. Gutom na kasi talaga ako. Paano ba naman bigla na lang akong hinatak ni Zairo! Hindi pa kaya ako nakakakain ng lunch! Grrr!
"Ang dumi mong kumain. Kay babaeng tao ang dumi dumi kumain. Babae ka ba talaga? Masyado kang patay gutom" sabi ni Zairo sa akin pero tinignan ko lang siya ng masama. Aba! Siya kaya ang dahilan kung bakit gutom na gutom ako! Atsaka grabe naman siya! Baboy agad! Hindi ba pwedeng gutom lang talaga! Kung makalait wagas.
Pero hindi ko inaasahan na bigla na lang siyang maglalabas ng panyo at sinimulang pahidin ang mga sauce na tumapon sa damit ko. Papahidin na din sana niya ang sauce na tumapon sa collar ko kaso bigla na lang niyang inihagis sa akin ang hawak niyang panyo.
"Clean yourself. Mukha kang baboy" sabi niya sa akin.
"Grabe ka naman! Baboy agad! Tadyakan kita diyan ihhh" sabi ko habang panay subo ng fishball dahil ubos ko na ang kwek-kwek ko. Susubo na ulit sana ako ng fishball kaso bigla na lang akong hinatak ni Zairo kaya natapon ang hawak kong baso na naglalaman ng fishball na binili ko.
OMG! Ang mga baby ko!
Ngayon na nga lang ako nakakain ulit ng fishball pagkatapos itatapon niya lang! Sayang sa pera! Atsaka sayang yung pagkain ko! Gutom na gutom na kaya ako! Nakakaasar! Kawawa naman yung fishball ko! Hayaan mo baby, ipaghihiganti kita kay Zairo! Lintek lang ang walang ganti! Grrrrr!
Nang hahatakin na ulit sana ako ni Zairo ay bigla ko na lang siyang tinadyakan sa sikmura niya. Halatang nagulat siya dahil bigla na lang siyang napahiga sa sahig dahil sa sobrang lakas ng pagkakatuhod ko sa kanya. Ilang minuto siyang nagpagulong sa sahig bago siya muling makatayo ng maayos. Nang maka-recover siya mula sa pagkakatuhod ko sa kanya ay mabilis siyang tumayo at hinawakan ang braso ko.
"Bakit mo ako tinadyakan?!" galit na tanong niya sa akin. Aba! Siya pa ngayon ang may karapatang magalit! Eh siya nga ang nakatapon ng pagkain ko ihhhh! Nakakagigil!
"Tinapon mo yung fishball ko! Sayang naman yung pera ko! Atsaka mas lalong sayang ang pagkain! Alam mo bang gutom na gutom na ako?! Hindi pa ako nakakakain ng lunch! Kapag ako naasar ikaw ang kakainin ko!" sigaw ko sa kanya pero ang loko napangisi lang sa akin. Sa tingin niya ba nagbibiro ako?! Hindi ako nagbibiro! Gutom na gutom na talaga ako!
"Nakakatakot ka pala kapag gutom. Don't worry, pagdating natin sa Villa Mall kakain kaagad tayo. Kaya kung pwede ba tumahimik ka na lang diyan. Masyado kang madaldal. Tch" sabi niya sa akin. Pero hindi ko siya pinansin at dumiretso ako sa tapat ng gate. Nang mapansin kong hindi siya sumunod sa akin ay nilingon ko siya at tinaasan ng kilay.
"Ano pang hinihintay mo diyan?! Tara na! Madali naman akong kausap! Bilisan mo kundi iiwanan kita diyan!" sigaw ko sa kanya para marinig niya ako. Ngumisi muna siya sa akin bago tumakbo papalapit sa akin.
***
"Are you done eating?" tanong ni Zairo sa akin.
Katulad nga ng sinabi ni Zairo sa akin kanina ay inilibre niya ako ng lunch. And take note! Sa isang eat all you can restaurant niya ako dinala. Syempre dahil sa eat all you can naman ay kinuha ko lahat ng gusto kong kainin. Naka tatlong plato pa nga ako ng rice ihhh. Pero okay lang naman sa akin iyon dahil kahit kumain naman ako ng marami ay hindi naman ako tumataba. Hindi ko din alam kung bakit hindi ako tumataba kahit madami na akong nakakain. Nagulat pa nga si Zairo dahil kay babaeng tao ko raw ay ang lakas lakas kong kumain.
"Yup! Let's go!" sabi ko sa kanya at hinatak siya palabas ng restaurant. Saktong pagkalabas namin ng restaurant ni Zairo ay may nakita akong makeup stall. Kaya naman mabilis kong hinatak papalapit si Zairo sa stall.
"Ano ba?! Huwag ka ngang manghatak!" sabi ni Zairo sa akin pero binelatan ko lang siya. Kung kanina ay siya ang nanghahatak sa akin ngayon ay baligtad naman, ako na ngayon ang nanghahatak sa kanya.
Nang makalapit kami sa stall halos magtatatalon na ako sa tuwa. Paano ba naman kasi lahat ng klase ng makeup ay nandito na. Mula sa blush on, lipstick, foundation at marami pang iba. At hindi lang iyon! Mga magagandang brands pa ng makeup ang binebenta nila. Like duh! Kahit naman maganda ako may mga times talaga na dry ang skin ko. Syempre bilang babae I also need makeup. Hindi naman ako katulad ng ibang babae na grabe kung makapaglagay ng makeup. Kung magma-makeup ako light lang. Ayoko nung nag mumukha akong clown.
"OMG!"
"Pst. Zairo. Pautang naman ohh. Naubos na yung pera ko. Promise babayaran kita bukas. Promise. Mamatay man yung pusa ng kapitbahay namin" bulong ko kay Zairo.
"Tch. We're not close para pautangin kita" masungit na sabi niya sa akin.
"Sige naaaa. Babayaran naman kita ihhh. Please" sabi ko habang nagpapacute sa kanya. Narinig ko pa siyang magmura bago niya kuhanin ang wallet niya at kumuha ng five thousand pesos atsaka pabatong binigay sa akin ang pera.
Magbibigay rin pala ng pera ang dami dami pa niyang sinabi. Pero grabe naman siya kung makapagbato sa akin ng pera! Muntik ko na ngang hindi masalo kung hindi lang ito nakatupi. Pasalamat siya at may utang na loob ako sa kanya kundi malamang kanina ko pa siya nasapak. Tch.
"Thank you ha!" sarkastiko kong sabi ko sa kanya.
"Welcome" maikling sabi niya sa akin. Tinignan ko na lang ulit yung mga makeup sa stall dahil wala namang sense kausap si Zairo. Nakakainis lang. Tch. Kasi naman hindi man lang niya na sense ang sarcasm ko. Great.
"Alam mo..." nabalik ang tingin ko kay Zairo ng muli siyang magsalita. "Hindi mo na kailangan magpaganda dahil maganda ka na" sabi niya sa akin bago niya ako talikuran.
What the hell was that?!
Sinabi niya bang maganda ako? I mean– alam kong maganda talaga ako pero hindi ko inaasahan na sasabihin niya iyon. Pero aaminin ko kinikilig– aisshh. Ano ba itong pinagiiisip ko?! Nababaliw na ata ako. Haayys. Bahala na nga lang! Dapat i-enjoy ko ang araw na ito.
Bago ko sundan si Zairo ay binili ko na lahat ng gusto kong bilhin. Naka two thousand and five hundred pesos lang naman ang ginastos ko. At least hindi ko naubos ang lahat ng pera na inutang ko kay Zairo.
Nang iabot na sa akin ng sales lady ang lahat ng binili ko ay mabilis akong pumunta sa gawi kung saan pumunta si Zairo. Pero kahit anong gawin kong paghahanap sa kanya ay hindi ko siya makita.
Pero nagulat na lang ako ng may biglang may umakbay sa akin. Nang tignan ko kung sino ito nakita ko ang nakangising mukha ni Zairo.
"Looking for me?" nakangising tanong niya sa akin.
"Whatever. Saan ka ba kasi nagpunta?" mataray na tanong ko sa kanya.
"Sa bookstore"
"Huh? Mahilig ka bang magbasa? Hindi halata sa itsura mo" sabi ko sa kanya pero inilingan niya lang ako.
"Nah. I don't like to read books. Bumili lang ako ng libro para sa iyo" para sa akin? "Here" sabi niya pagkatapos ay may ibinigay siyang paper bag sa akin na naglalaman ng libro na ang title ay 'he's into her'.
"Bakit mo ako binibigyan ng libro?" tanong ko sa kanya.
"Ang dami mong tanong. Magpasalamat ka na lang dahil binilhan kita ng libro. Ang dami mo pang sinasabi" naaasar na sabi niya sa akin.
"Fine. Thank you Zairo Mendez sa pagbili sa akin ng libro" pormal na sabi ko sa kanya. Actually mahilig talaga ako magbasa ng libro lalo na yung mga fiction. Masaya talaga ako na binigyan niya ako ng libro pero hindi ko lang pinapahalata.
"Tara sa department store. Ang alam ko madaming magaganda doon" sabi ko sa kanya. Hindi ko na narinig ang sagot niya dahil mabilis akong pumasok sa loob ng department store. Alam ko namang susunod siya sa akin kaya hindi ko na siya hinintay. Ganoon talaga kapag maganda, dapat hindi pinaghihintay.
Nang makapasok ako ng department store agad akong naghanap ng pwedeng ibigay kay Zairo. Syempre may utang na loob naman ako sa kanya. First, inilibre niya ako ng lunch. Second, pinautang niya ako kahit hindi naman kami close. Third, binilhan pa niya ako ng libro.
Habang naglilibot-libot ako sa department store nahagip ng mata ko ang isang stuffed toy na kulay white na bunny. Bigla kong naalala si Zairo sa kanya kasi katulad ng bunny ay maputi at chubby cheeks rin si Zairo. Kaya naman mabilis ko itong kinuha at dinala sa cashier para mabayaran na.
Sakto namang pagkabigay sa akin ng paper bag ay nakita ko si Zairo na naglalakad papalapit sa akin. Kaya mabilis ko siyang kinawayan at sinenyasang lumapit sa akin.
"Tada! Binili ko para sa iyo" masayang sabi ko kaya Zairo. Bahagyang kumunot ang noo ni Zairo pero kinuha niya rin naman ang paper bag na naglalaman ng stuffed toy.
"What's this?" tanong ko sa kanya.
"Buksan mo kaya noh!" sabi ko sa kanya.
Tinignan niya muna ako ng ilang sandali bago niya buksan ang paper bag. Dahan dahan niyang inilabas ang stuffed toy at ilang minuto niya rin itong tinitigan. Seryoso ako. Tumagal ata ng tatlong minuto ang pagtitig niya sa stuffed toy. At oo, talagang binilang ko kung ilang minuto niya tinitigan ang stuffed toy.
"What's this? Binilhan mo ako ng stuffed toy? Anong tingin mo sa akin? Bata?" naaasar na tanong niya sa akin.
"Ang dami mong tanong. Magpasalamat ka na lang dahil binilhan kita ng stuffed toy. Ang dami mo pang sinasabi" pang-gagaya ko sa sinabi niya sa akin kanina.
"Fine. Thank you" maikling sabi niya sa akin.
"Meron pa pala Zairo" pahabol ko kay Zairo bago siya tumalikod sa akin.
"What?!"
Kinuha ko muna kay Zairo yung stuffed toy atsaka ko iniharap sa kanya. "Zairo, meet Zainey. Zainey, meet Zairo" masayang sabi ko.
"Huh?" nalilitong tanong sa akin ni Zairo. Ano ba yan! Ang slow naman ni Zairo!
"Ang sabi ko... ang pangalan ng stuffed toy na ito ay si Zairy" mariing sabi ko sa kanya.
"At saan mo naman nakuha ang pangalang iyan?" tanong sa akin ni Zairo.
"Zairo and Delaney is equals to Zainey. Ang talino ko noh!" proud na sabi ko kay Zairo pero isang iling lang ang natanggap ko sa kanya.
"Baliw" sabi niya sa akin at kinuha niya mula sa akin si Zane pagkatapos ay iniwanan na niya ako sa tapat ng cashier.
Anak ng tokwa! Siya na nga ang binigyan ng stuffed toy ako pa ang sasabihan ng baliw!
Grabe!
Syempre mabilis ko siyang hinabol pero sadyang mabilis maglakad si Zairo kaya nangmakahabol ako sa kanya ay nasa labas na kami ng mall. Ngayon ko lang napansin na gabi na. Siguro nagtagal kami sa restaurant. Ang dami ko kasing kinain ihh. Pero at least worth it naman ang ibinayad ni Zairo.
"Huuy! Bagalan mo nga ang paglalakad mo Zairo!" sigaw ko kay Zairo. Nagulat ako ng biglang tumigil sa paglalakad si Zairo kaya nabangga tuloy ako sa likuran niya. Ang tigas tigas pa naman ng likuran ni Zairo.
"Miss. Alam mo ba kung bakit tayo pumunta ng church at mall?" tanong sa akin ni Zairo.
"Para mamasyal? Ewan ko! Ikaw ang nag-aya pagkatapos tatanungin mo sa akin" sabi ko sa kanya.
"Baliw. Alam mo ba kung ano ang madalas gawin ng mga mag-couple?" tanong ulit ni Zairo sa akin.
"Uhm... mag-date?" sagot ko.
"Bingo!" sabi niya at tinalikuran na ulit ako.
What?!
Ibig sabihin nagda-date kami ngayon! What the hell!
Lalapit na ulit sana ako kay Zairo kaso bigla na lang akong natapilok na naging dahilan para masira ang heels ko.
"Ouch! Bwisit naman ohh!" sigaw ko habang hinahawakan ang paa ko. Mukhang mali ang pagkakabagsak ko dahil sumakit ang kaliwang paa ko. Ilang beses ko ng hinilot ang paa ko kaso hindi pa rin nawala ang sakit.
"Anong nangyari sa iyo?" bored na tanong sa akin ni Zairo.
"Obvious ba?! Edi malamang natapilok ako!" sabi ko sa kanya at pinanlisikan siya ng mata.
"Tch" akala ko aalis na si Zairo kasi tinalikuran na niya ako pero nagkamali ako dahil bigla na lang siyang lumuhod sa harapan ko.
"Sakay" mariing sabi niya.
"Huh?"
"Sumakay ka na. Bilis. Nangangalay na ako" sabi niya.
Syempre dahil sa mukhang hindi ko na kayang maglakad ay hindi na ako naginarte pa. Dahan dahan akong sumakay sa likod niya habang hawak ko sa kaliwang kamay ko ang heels ko na nasira pagkatapos ay pinaikot ko ang braso ko sa leeg niya. Nang sinenyasan ko si Zairo na ayos na ako ay dahan dahan siyang tumayo kaya napahigpit ang hawak ko sa kanya. Nang tuluyan ng makatayo si Zairo ay hinawakan niya ang binti ko para hindi ako mahulog.
"Saan ka ba nakatira?" tanong sa akin ni Zairo.
"Sa Royal Village" maikling sagot ko kay Zairo dahil inaantok na ako.
"Hoy miss! Huwag kang matutulog kundi iiwan kita rito sa kalsada" pagbabanta niya sa akin.
"May boyfriend bang nang iiwan ng girlfriend sa kalsada? Ang alam ko kasi wala" mataray na sabi ko sa kanya.
"Miss! Tulog ka na ba?" tanong niya sa akin pero hindi ko na siya pinansin dahil sobrang antok na talaga ako.
"Tss. Sabi ko huwag matulog pero natulog parin. Tch"
"Miss na miss na kita... S..." narinig kong sabi ni Zairo bago ako tuluyan ng makatulog ng dahil sa sobrang pagod.
To be continued...
~Thanks for reading! Please vote and comment~