DELANEY MERCADO'S POV
"Girl! Magkwento ka naman sa amin ohh! Ano bang meron sa inyo ni Zairo?" pangungulit ni Ella sa akin.
"Oo nga! Ano bang meron sa inyo ni Zairo? Kayo na ba? Bakit hindi ka nagkukwento sa amin? Ikaw ha! Parang hindi mo na kami kaibigan!" dagdag naman ni Erin.
Hays. Ang kulit naman nila! Kanina pang umaga pa sila nangungulit sa akin. Kanina pa nila tinatanong sa akin kung kami na ba ni Zairo. Halos tatlong oras na nila akong kinukulit. Hindi ko naman sila masagot kasi one week lang naman kami magiging mag boyfriend at girlfriend ni Zairo. Atsaka ginawa ko lang naman iyon para magawa ko na ang mission ko.
"Ugh! Pwede ba?! Tumahimik na nga kayong dalawa!" saway ko sa kanilang dalawa pero inilingan lang nila ako.
"Sagutin mo muna ang tanong namin!" sabay na sabi nila sa akin. Wow! Kailangan sabay talaga?!
"Fine. Oo kami na nga ni Zairo. But! One week lang naman" sagot ko sa kanilang dalawa.
"Huh? One week lang?" tanong ulit ni Erin pero tinanguan ko na lang siya.
"Kailan nagsimula" this time si Ella naman ang nagtanong sa akin.
"Nung Thursday lang" maikling sagot ko sa kanila.
"What?! Ibig sabihin dalawang araw na lang ang natitira?!" sabay na sigaw ulit nila pero hindi ko na lang sila pinansin at nagpatuloy na lang sa paglalakad.
Yup! Tatlong araw na lang ang natitira. Pagkatapos kasi ng date namin ni Zairo at na-injured ang paa ko kaya hindi ako nakapasok nung Friday. Pagkatapos weekends naman ang Saturday at Sunday, ibig sabihin walang pasok sa university kaya hindi rin kami nagkita ni Zairo. And besides hindi naman big deal sa akin iyon kahit nabawasan ng tatlong araw ang pagiging nag boyfriend at girlfriend namin ni Zairo. As what I just said earlier, ginagawa ko lang naman ito dahil sa mission ko.
"Kung ganoon! Dapat sulitin niyo na ang mga natitirang araw niyo!" malakas na sigaw ulit ni Ella. Tch. Kahit kailan ang ingay talaga ng babaeng ito.
"Right! Dapat pala hindi ka na pumasok! Dapat nag date na lang kayong dalawa ni Zairo ngayong araw!" sigaw naman ni Erin.
"Education is more important" sabi ko sa kanila na nagpatigil sa kanilang dalawa.
"Edi wow na lang!"
"Coming from you? Sa tingin mo maniniwala kami sa iyo?" sabi ni Ella sa akin.
Oo na. Aaminin ko na. Mahina ako sa math. Hindi ko hate ang math pero hate ako ng math. Matalino naman talaga ako ihh. Ang kahinaan ko lang talaga ay ang math. Ewan ko ba kung bakit hate na hate ako ng math. Tch. Lahat ng subject ay kayang kaya ko. Kaso nga lang kapag dinalaw ako ng katamaran, tinatamad na akong mag-aral. Kaya ang ending minsan mababa ang grade ko. Minsan lang! Kasi minsan mataas rin ang grade ko.
"Bahala nga kayo diyan!" sigaw ko sa kanila. Aalis na sana ako kaso nga lang napatigil ako ng may tumawag sa pangalan ko.
"Delaney! Witch!" edi sino pa nga ba? Iyon ay walang iba kundi ang asungot na gwapo.
Kaya naman tumigil ako sa paglalakad at hinintay siyang makalapit sa akin. Si Erin at Ella naman ay nagtataka dahil sa biglaang pagtawag ni Lucian sa akin. Nang lingunin nila ako ay kinindatan ko na lang sila.
"Oh? Bakit na naman Devil? Anong kailangan mo?" masungit na tanong ko kay Lucian. Napataas naman ng kilay si Lucian sa tinawag ko sa kanya pagkatapos ay bigla na lang siyang ngumisi sa akin.
"Devil huh? Nice endearment. By the way, let's talk. Pumunta ka sa garden kapag nakausap mo na ang mga kaibigan mo" sabi niya sa akin habang tinuturo si Erin at Ella. Pagkatapos ay bigla na lang niya akong pinitik sa noo. Sasapakin ko na sana siya kaso naalala ko na kasama ko nga pala si Erin at Ella. Ayaw na ayaw pa naman nilang na nananakit ako ng iba.
"Okay" Tinanguan muna niya ako bago siya umalis sa harapan ko. Nang tuluyan ko na siyang hindi makita ay nilingon ko si Erin at Ella na masama ang tingin sa akin.
"Mauna na kayo sa classroom. I-text niyo na lang ako kapag mag sisimula na ang class" sabi ko pero wala akong natanggap na sagot mula sa kanila. "Guys?"
"Ikaw ha! Two timer ka!" biglang sigaw ni Erin. Huh? Ako? Two timer? Bakit? Paano?
"Right! Taksil ka! Isusumbong ka namin sa boyfie mo! Lagot ka!" sigaw naman ni Ella. Boyfie? Sino iyon? Ano bang pinagsasasabi nilang dalawa?
"Huh? Ano bang sinasabi niyo?" natatakang tanong ko sa kanilang dalawa.
"Two timer ka! May Zairo ka na nga pagkatapos meron ka pang Lucian! Madaya ka" sigaw ulit ni Erin. Bakit ba sigaw siya ng sigaw? Hindi ba siya napapaos?
"Oo nga! Ibigay mo na lang sa akin si Lucian! Sharing is caring!" dagdag naman ni Ella. Tch. Edi sa kanya na si Lucian. Wala naman akong pakielam sa devil na iyon.
"Tch. Bahala kayong dalawa. Basta I-text mo ako kapag nandyan na yung lecturer natin" sabi ko sa kanila. Hindi ko na hinintay ang sagot nilang dalawa dahil sigurado akong hahaba pa ang usapan.
Mabilis akong tumakbo papunta sa school garden dahil ayokong nala-late ako sa class ko. At pagdating ko sa school garden ay nakita ko si Lucian na nakahiga sa isang bench. Wala rin ibang tao maliban sa amin dahil malapit ng magsimula ang klase.
"Hey Devil! Anong sasabihin mo sa akin?" tanong ko kay Lucian ng makalapit ako sa kanya. Nang marinig ni Lucian ang boses ko ay mabilis na umupo si Lucian mula sa pagkakaupo at may kung anong kinuha mula sa bulsa niya.
"Here witch" sabi niya sabay abot sa akin ng– pocket knife?! Bakit niya ako binibigyan ng pocket knife?! Anong gagawin ko rito?!
"Para saan ito?!" nagtatakang tanong ko sa kanya.
"Kill yourself" maikling sagot niya sa akin. Hindi pa ako tapos sa mission ko! Di'ba ang usapan kapag nabago ko na si Zairo ay tsaka pa lang ako mamamatay. Bakit parang napaaga yata ang kamatayan ko? "Just kidding. For self defense iyang pocket knife"
"Woah! Bakit parang bumabait ka yata ngayon Lucian? May sakit ka ba?" pang-aasar ko kay Lucian.
"Gusto mo isaksak ko iyang pocket knife sa bibig mo. Masyado kang madaldal" Ayy! Binabawi ko na pala ang sinabi ko kanina. Hindi pa rin pala siya mabait.
"Alam mo–" natigil ang sasabihin ko sana kay Lucian ng biglang tumunog ang cellphone ko. Tinignan ko muna ng masama si Lucian bago ko tignan ang cellphone ko.
~Erin Kim~
Girl! Nandito na si Miss Bonifacio! Hinahanap ka niya! Lagot ka! Ibabagsak ka na niya yata sa subject niya! Bilisan mong bumalik rito!
Hala! Math pa naman iyong subject ni miss Bonifacio. Ayokong bumagsak sa math! Malaki pa naman ang hatak niya sa final grade ko. Lagot ako nito kay mommy! Lalo na kay daddy! Huhuhu
Ibabalik ko na ulit sana ang cellphone ko kaso bigla ulit itong tumunog. Nang tignan ko ang cellphone ko nakita ko na may text sa akin si Ella.
~Ella Gomez~
Girl! Galit na yata si Miss Bonifacio! Pati si Zairo mukhang badtrip rin! Sana pala hindi ko na lang sinabi sa kanya na two timer ka! Alam mo bang muntik na siyang magwala kanina kung hindi lang dumating si Miss Bonifacio malamang para ng binagyo ang classroom natin! Pumunta ka na dito girl! Bilisan mo!
"Ba-bye na Lucian. Hinahanap na ako ni Miss Bonifacio. Baka ibagsak niya pa ako sa math" sabi ko kay Lucian.
"Geh. Bye witch. Mag ingat ka. Hindi sa lahat ng oras kaya kang iligtas ng iba" sabi niya at ginulo ng bahagya ang buhok ko. Anubayan! Alam ba niyang ang hirap hirap ayusin ng buhok ko! Aish!
Imbis na patulan siya ay tumakbo na ako papunta sa classroom namin. Buti na lang at naka jogging pants ako ngayong araw. Malapit na sana ako sa classroom namin kaso nga lang ay napahinto ako sa pagtakbo ng may marinig akong humihingi ng tulong.
"Tulungan niyo ako! Please! Tigilan niyo na ako! Wala akong ginagawang masama sa inyo! Tulong!" sigaw ng isang lalaki mula sa isang classroom. Alam kong boses iyon ng lalaki dahil sa may kakaliman ang boses ng sumigaw.
Alam kong late na ako sa klase pero hindi naman yata pwedeng pabayaan ko na lang yung lalaking humihingi ng tulong. Kaya naman mabilis akong pumunta at nagtago sa gilid ng classroom at doon ko nakita ang apat na lalaki na pinagtutulungang bugbugin ang lalaking halos nakahiga na sa sahig.
Hindi muna ako tuluyang pumasok sa classroom dahil gusto ko munang kunan ng video ang ginagawang pagbugbog nila sa lalaki para naman may proof ako laban sa kanila. Sinugurado kong nakikita ang mukha nila sa video para wala silang takas.
Nang matapos ko na silang kuhaan ng video ay mabilis akong pumasok ng classroom at pinagitnaan sila.
"Stop! Alam niyo naman sigurong pwede kayong ma-expelled sa ginagawa niyo?" mataray na sabi ko sa apat na lalaki. Saglit muna silang nagkatinginan bago tumawa ng malakas.
"Syempre alam namin"
"Kung ganoon bakit niyo pa rin ito ginagawa?" tanong ko sa kanila.
"Kasi alam namin na walang magsusumbong sa amin" sabi ng isa.
"Ahh. Kung ganoon meron ng magsusumbong ngayon. Ako" mataray na sabi ko sa kanila.
"Bakit? May ebidensya ka ba na binubugbog namin ang lalaking iyan? Di'ba wala!" sabi ng isa sa kanila pagkatapos ay sabay sabay silang tumawa ulit.
"Oh really? Then what's this?" sabi ko sa kanila habang pinapakita ang video na kinuha ko kanina. Halatang hindi nila iyon inaasahan dahil bigla silang natigilan sa puwesto nila.
"Burahin mo iyan!" sigaw ng isa sa kanila.
"Kung ayoko?" pangaasar ko sa kanila.
"Pa-papatulan ka namin. Hindi porket babae at sikat ka ay hindi ka na namin papatulan" pagbabanta ng lalaki sa akin. As if matatakot ako sa kanila.
"Scary" pangaasar ko ulit.
"Mi-miss. U-umalis ka na la-lang. Baka mapahamak k-ka pa ng dahil sa a-akin" sabi ng lalaki sa likod ko. Ngayon ko lang napansin na puro pasa na ang mukha niya. Pero in fairness! Kahit may salamin siya ay gwapo pa rin siya. Hihihihi. Atsaka hindi lang gwapo, mabait pa! O di'ba full package!
"Nah. Hindi nila ako masasaktan" sabi ko sa kaniya.
"Pe-pero..."
"I'm going to be okay" dagdag ko pa.
"Ibigay mo sa amin iyang cellphone mo!"
"Edi kunin niyo. Kung kaya niyo" pangaasar ko.
"Huwag mo kaming sisihin kapag nasaktan ka!" sabi ng isa sa kanila pero hindi ko siya pinansin.
Unang sumugod sa akin ang lalaki na kanina pa ako pinagbabantaan kahit hindi naman ako natatakot sa kaniya. Akmang sasapakin na niya sana ako sa mukha pero agad akong nakaiwas. Nang magkaroon ako ng pagkakataon ay tinuhod ko siya ng malakas sa tiyan niya kaya bigla siyang napaluhod sa sahig. Habang ang tatlo naman niyang kasama ay mukhang nagulat sa ginawa ko pati nga ang lalaking tinutulungan ko ay nagulat.
"Oh! Ano na! Ang hina naman pala ng kasama niyo!" pagmamayabang ko sa kanila.
Mukhang nagalit sila sa sinabi ko kaya sabay sabay na silang sumugod sa akin. Una kong binagyan ng straight punch ang lalaking nasa harapan ko kaya bigla siyang napahawak sa ilong niya. Sunod ko naman binigyan ng snap kick ang lalaking nasa likod ko dahil sa lakas ng sipa ko sa kanya ay bigla na lang siyang napaupo sa sahig.
Three down! One to go!
Nagulat na lang ako ng biglang maglabas ng kutsilyo ang huling lalaki. Isasaksak na niya sana sa akin ang kutsilyo pero mabilis akong nakaiwas. Kaya para hindi na ako masakatan ng lalaki ay binigyan ko siya ng isang upper cut kaya mabilis ko siyang napabagsak sa sahig dahil sa lakas ng suntok ko sa kanya.
Pero mayamaya lang ay sabay sabay na tumayo ang apat na lalaki. Lalapit na ulit sana sila sa akin kaya binigyan ko silang ng malakas na roundhouse kick. Katulad kanina ay muli silang bumagsak sa sahig pero mabilis silang tumayo at tumakbo palabas ng classroom.
Mga duwag naman pala sila!
"Hey! Ayos ka lang? Gusto mo dalhin kita sa clinic?" tanong ko sa lalaki.
"I-I'm fine" sabi ng lalaki at mabilis na tumakbo palabas ng classroom. Dahil sa pagmamadali niya ay naiwan pa nga niya ang notebook niya. Hindi ko man lang natanong ang pangalan niya! Sayang!
"Hey! Naiwan mo ang notebook mo! Atsaka anong pangalan mo?! Dadalhin na kita sa clinic!" sigaw ko pero hindi na bumalik pa ang lalaki.
Hays! Wala man lang thank you or thanks man lang?!
Bago ako umalis ay pinulot ko muna ang notebook ng lalaki. Sa unang pahina ng notebook ay nakasulat may nakasulat na Dasher. Sa tingin ko ay iyon ang pangalan ng lalaki. Sa mga sumunod na pahina naman ay mga drawing ng mga sikat na tao. Katulad na lang ni Lalisa Manoban ng Blackpink at Kim Taehyung ng Bts.
Nang inilipat ko na ang pahina ng notebook ay nagulat ako sa nakita ko. Mukha ko lang naman kasi ang naka-drawing sa sumunod na pahina. Ang maganda kong mukha ay naka-drawing sa notebook! And one more thing! Magaling mag-drawing iyong si Dasher! Alam niyo bang mas lalo akong gumanda sa drawing ni Dasher! As in! Bilib na ako sa kanya! Hindi kasi ako magaling mag drawing. Mga cartoon characters lang kasi ang kaya kong i-drawing.
Kaso ng maalala kong late na pala ako sa class ko ay mabilis kong isinara ang notebook at tumakbo papunta sa classroom ko. Mabuti na lang at malapit lang ako sa classroom dahil tinatamad na akong tumakbo.
Nang makarating ako sa classroom ay hindi ko nakita si Miss Bonifacio. Ang mga kaklase ko ay may mga sariling mundo. May mga naghahabulan, nag-uusap at nagkukulitan. Sa gilid naman ng classroom ay nakita ko si Zairo na prenteng nakahiga sa sahig habang sa kabilang gilid naman ay nakita ko si Erin at Ella na nag-uusap. Kaya naman mabilis akong lumapit sa kanila at kinausap sila.
"Guys! Nasaan na si Miss Bonifacio?" tanong ko kay Erinat Ella.
"Ahh. Wala. Wala tayong klase ngayong araw dahil may meeting ang lecturers natin. Pinapauwi na nga tayong lahat" kalmadong sabi ni Erin sa akin.
Huh? Dapat pala ay hindi na lang ako nagmadali. Dapat pala hinabol ko na lang si Dasher para ibalik sa kanya ang notebook niya. Dapat pala kinausap ko pa ng matagal si Lucian. Hays.
"Edi sana pala hindi niyo na lang ako pinagmadaling pumunta rito" sabi ko sa kanila.
"Sabi kasi ng boyfie mo papuntahin ka na raw namin dito. Baka kung ano na lang daw ang mangyari sa iyo. O di'ba ang sweet ng boyfie mo. Sana all na lang" kinikilig na sabi ni Ella sa akin.
"So ibig sabihin hindi totoo ang mga itinext niyo sa akin kanina?" tanong ko sa kanila pero inilingan lang nila ako. Ano ba yan! Nagmadali pa naman akong pumunta dito kasi akala ko ibabagsak na ako ni Miss Bonifacio sa math. Sayang naman ang pagtakbo ko.
"Edi tara na! Umuwi na tayo!" masayang sabi ko sa kanila.
"No!" sabay na sigaw ni Erin at Ella.
"Di'ba pinapauwi na tayo?" tanong ko ulit sa kanilang dalawa.
"Kailangan niyong mag-date ni Zairo!" pabulong na sigaw sa akin ni Erin.
"Yeah! Kailangan niyong sulitin ang tatlong araw na natitira sa inyong dalawa! Alam mo bang kanina ka pa hinihintay ni Zairo?" dagdag naman ni Ella. Huh? Bakit naman ako hinihintay ni Zairo?
Magtatanong na ulit sana ako kay Erin at Ella pero natigil ako ng biglang sumigaw si Aira, ang president ng classroom namin.
"Guys! Naisipan ko na tutal wala naman pasok ngayong araw, why don't we enjoy this day?! Bilang pag welcome natin sa mga bago nating classmates!" sabi ni Aira sabay turo sa aming tatlo ni Erin at Ella. "Na-invite ko na rin ang ibang section and game daw sila! Kayo sasama ba kayo?!" tanong ni Aira sa mga kaklase ko.
"YEEESSS!"
"OF COURSE!"
"Kayong tatlo? Game ba kayo?" tanong sa amin ni Aira.
"G!" sabay na sigaw ni Erin at Ella.
"How about you Delaney? Para sa inyo pa naman itong celebration" sabi ni Aira sa akin.
"Of course! I'm in!" malakas na sigaw ko. Kapag kasiyahan ang usapan, automatic na sasama ako diyan! Katulad ng ibang teenagers mahilig din akong gumala.
"YUN OH!"
"NICE!"
"Okay! Magkita na lang tayo sa Royal Mall mamayang two pm! Walang mala-late ha! And ako ng bahala sa expenses kasi birthday ko rin ngayon! Mag bihis na lang kayo! Kitakits mamaya!" masayang sigaw ni Aira.
Nice! Excited na ako para mamaya! Sasama kaya si Zairo? Eh si Lucian? Sasama kaya siya? Si Dasher kaya? Makikita ko ba siya mamaya? Hays! Bahala na! Basta excited na ako para mamaya!
Let's party!
***
"Wow! Ang ganda mo ngayon Delaney ahh!" sabi ni Ella sa akin. Matagal ko ng alam na maganda ako. Nakasuot lang naman ako ng white crop top sweatshirt at ng black skirt. Nagsuot na rin ako ng cycling shorts dahil ayoko ng maulit sa akin nung muntik na akong mapagtripan ng mga lasinggero. Pagkatapos nagsuot rin ako ng black heels habang ang buhok ko naman ay naka messy bun.
Hindi ko alam kung bakit pero dinala ko na rin ang pocket knife na ibinigay sa akin ni Lucian kaninang umaga. Nakatago ang pocket knife sa ilalim ng skirt ko. Ewan ko ba! Feeling ko ka-kailanganin ko ito.
"Tch. Araw araw kaya ako maganda" sabi ko kay Ella.
"Edi ikaw na maganda. Grabe! Di'ba beauty products ang business ng family mo?" tanong naman ni Erin sa akin.
"Oo. Bakit?" tanong ko kay Erin.
"Akala ko kasi aircon ang business ng family mo kasi masyado kang mahangin" masungit na sabi ni Erin sa akin kaya biglang napatawa ng malakas si Ella.
"Edi wow na lang Erin. Nakakatawa. Ha. Ha. Ha. Very funny" sarcastic na sabi ko kay Erin.
"Tama na nga iyan. Tara na! Baka hinihintay na nila tayo!" saway ni Ella sa amin dalawa ni Erin.
"Omg! Excited na ako! Hihihi"
Pagdating namin sa meeting place halos nandoon na ang lahat ng ka section namin. Totoo nga ang sinabi sa amin ni Aira kanina na pati ang ibang section ay inimbitahan niya dahil nakita ko si Trixie na masama ang tingin sa akin. Kaya ang ginawa ko ay nginisihan ko siya na lalong nagpaasar sa kanya.
"Hey witch" nagulat na lang ako ng biglang sumulpot sa tabi ko si Lucian. Katulad ko ay bihis na bihis siya. Nakasuot lang naman siya ng oversized white t-shirt na naka tuck-in sa maong pants niya. Pero kahit ang simple na suot ang hot niya pa rin tignan. Siguro kasama rin siya sa inimbitahan ni Aira.
"Oh? Bakit na naman?" naiiritang tanong ko kay Lucian.
"Did you bring your pocket knife?" tanong niya sa akin. Bakit ba niya tinatanong kung dinala ko ba yung pocket knife binigay niya sa akin kanina?
"Yeah" maikling sagot ko sa kanya.
"Good" sabi niya sa akin pagkatapos ay naglakad na siya palayo sa amin.
Ang weird naman niya ngayong araw. Una, binigyan niya ako ng pocket knife. Pangalawa, sinabihan niya ako na palagi akong mag-iingat. Pangatlo, tinatanong naman niya ngayon ako kung dinala ko ba yung pocket knife. See? Ang weird niya talaga.
"Huy! Girl! Taksil ka!" nagulat ako ng biglang sumigaw si Ella sa tapat ng tenga ko.
"Grabe ka naman Ella! Kailangan sa tenga talaga?! Ang sakit kaya!" sigaw ko kay Ella pero binelatan niya lang ako. Papatulan ko sana si Ella pero napatigil ako ng biglang sumigaw si Aira.
"Guys! Pumasok na kayo sa room! Enjoy guys!" malakas na sigaw ni Aira.
Nang makapasok kami ni Erin at Ella sa loob ng videoke room ay doon ko nakita si Zairo na prenteng nakaupo sa dulong upuan at sa likod ng inuupuan ni Zairo ay doon nakalagay ang mga pagkain. And take note! Ang daming desserts! OMG! May chocolates, cotton candys, ice creams at marami pang iba! Heaven! Buti na lang at sumama ako ngayon.
"Tara na girl! Baka maubusan pa tayo ng upuan!" sabi ni Erin sa akin.
"Ihanap niyo na lang ako ng upuan. Kukuha lang akong pagkain" sabi ko sa kanila.
"Tch. Pagkain na naman" sabi ni Ella.
"Basta! Ihanap niyo na lang ako ng upuan. Hihihi" masayang sabi ko sa kanila.
"Whatever" sabay na sabi nila.
Matapos ko silang pasalamatan ay mabilis akong lumapit sa mga desserts. Una kong kinuha ang marshmallows at isinawsaw ko iyon sa chocolate fountain. Subo lang ako ng subo. Pagkatapos kong maubos ang mga marshmallows ay kinuha ko naman ang mga white chocolates. Pero sa kasamaang palad ay dalawa na lang ang natitirang white chocolate. Favorite ko pa naman ang white chocolate. Ayoko sa dark chocolate dahil napapangitan ako sa lasa. Gusto rin naman ang normal na chocolate pero mas gusto ko ang white chocolate.
Kaya naman mabilis kong kinuha ang dalawang white chocolate dahil baka may iba pang makakuha. Nang nakuha ko na ang white chocolate ay mabilis ko itong binuksan at kinain. Pero habang kinakain ko ang white chocolate ko ay nahagip ng mata ko si Zairo at Trixie na nagtatalo. Dahil sa malapit ang pwesto ko sa kanilang upuan at naririnig ko ang usapan nila.
"Pwede ba! Umalis ka! Nakakaasar ang pagmumukha mo!" sigaw ni Zairo kay Trixie pero dahil sa likas na makulit si Trixie ay imbis na lumayo kay Zairo ay mas inilapit pa nito ang katawan niya kay Zairo.
"Baby. C'mon. Don't be harsh. Pansinin mo naman ako. Puro ka na lang si Delaney" sabi ni Trixie habang pilit na inilalapit ang katawan niya kay Zairo. Luh! Nananahimik ako rito pagkatapos idadamay niyo pa ako. Great!
"Shut up! Go away!" sigaw ni Zairo habang pilit na inilalayo si Trixie sa kanya.
"No! Hindi kita iiwan! Wala kang kasama kaya sasamahan kita rito hanggang mamaya!" pfft. Pathetic. Pinapaalis na nga siya pero ang kulit kulit pa rin. Desperada.
Bahala sila mag away diyan. Ang mahalaga nasa akin ang white chocolate ko. Huwag lang nila akong pa pakielaman rito dahil makakatikim sila sa akin.
Dahil sa naubos ko na ang isang chocolate ko ay binuksan ko naman ang isa pa. Nang tuluyan ko na itong nabuksan ay kinagat ko ito. Aalis na sana ako pero may siraulong biglang humatak sa akin at pinaupo ako sa tabi niya.
"Siya. Siya ang kasama ko. Now go away and don't disturb us" mariin na sabi ni Zairo kay Trixie habang nakaakbay sa akin. Grrr. Kakasabi ko lang kanina na huwag nila akong papakielaman ihh.
Tinignan muna ako ng masama ni Trixie bago siya umalis sa harapan namin ni Zairo. Nang tuluyan ng nakaalis si Trixie ay tinanggal na ni Zairo ang pagkakaakbay sa akin.
"Pathetic girl" inis na bulong ni Zairo. "Kumakain ka na naman?!" gulat na tanong ni Zairo sa akin.
"Obvious ba" masungit na sabi ko kay Zairo sabay kain ng chocolate.
"Akin na nga!" sabi ni Zairo sabay kuha ng chocolate ko. Nang makuha na niya ang chocolate ko ay kinain niya ang kalahati nito.
Kukuhain ko na sana ang chocolate ko sa kanya pero mabilis niya itong naubos. Siguro gutom lang talaga siya. Pero kahit na! Hindi iyon dahilan para ubusin niya ang chocolate ko! Sa akin iyon!
"Yah! Bakit mo kinain ang chocolate ko?! Akin iyon ihh!" naiinis na sabi ko sa kanya.
"Kumuha ka nalang ng bago" maikling sagot niya sa akin.
"Wala na!" sigaw ko sa kanya. Ewan ko kung bakit siya biglang natawa sa sinabi ko. Wala naman nakakatawa. Baliw na yata ang isang ito.
Wait! Si Zairo tumatawa?! Wait a minute, kaping mainit! Uulitin ko! Si Zairo tumatawa!
"Bibilhan na lang kita ng marami" sabi niya sabay kurot sa ilong ko. Tss. Alam kong cute ako pero hindi na niya kailangan kurutin ang ilong ko. Ang sakit kaya!
"Siguraduhin mo lang Zairo" sabi ko sa kanya.
Aalis na sana ako sa inuupuan ko kaso nahagip ng mata ko ang isang lalaking nakatingin ng masama sa akin. Ngayon ko lang nakita ang lalaking ito pero bakit ang sama sama ng tingin niya sa akin. Hindi kaya?!
Hindi kaya isa rin siya sa mga fan girls ni Zairo?! Omg! Ang gwapo pa naman sana niya. Grabe! Paunti ng paunti na talaga ang mga lalaking gwapo ngayon. Tch. Sayang!
"Huy! Kayo ha! Nagso-solo kayong dalawa diyan ha!" biglang sigaw ni Aira kaya napunta ang atensyon namin lahat sa kanya.
"Wait a minute! Kayo na ba ni Zairo, Delaney?" biglang tanong ni Aira sa akin.
"Huh?"
"Tch. Bilang parusa! Kumanta ka naman! C'mon Delaney!" sigaw ulit ni Aira.
"KAKANTA NA YAN!"
"YEHEY!"
"GO DELANEY!"
"Hehehe. Sige na nga. Pero isa lang" nahihiyang sabi ko.
"YUN OH!"
"GO DELANEY! KAYA MO YAN!"
Tumayo ako at naglakad papunta kay Aira dahil nasa kanya ang microphone. Nang makalapit ako sa kanya ay nginitian niya muna ako bago niya iabot sa akin ang microphone.
"Mic test" pagte-testing ko sa microphone.
"Hehehe. Ang kakantahin kong ito ay para kay Zairo kasi sobrang sungit niya" sabi ko sa microphone.
"YIIIEEEHHH!"
"THE SHIP IS SAILING!"
(Photograph by Ed Sheeran)
~Loving can hurt, loving can hurt sometimes~
~But it's the only way that I know~
~When it's gets hard, you know it can get hard sometimes ~
~It is the only thing that makes us feel alive~
Nang magsimula akong kumanta ay madami ang nagulat. Sino ba naman kasi ang magaakalang ang katulad ko ay marunong kumanta? Wala. Maganda, sexy, mabait, matalino at magaling pa akong kumanta. O di'ba full package na!
~We keep this love in a photograph~
~We made these memories for ourselves~
~Where our eyes are never closing~
~Hearts are never broken~
~And time's forever frozen still~
Si Erin at Ella lang ang nakakaalam na magaling akong kumanta. Pero pati sila ay nagulat dahil isang beses pa lang nila akong naririnig kumanta. Nung birthday kasi ni daddy nag request si mommy na kantahan ko raw sila. Kaya wala akong choice kundi ang kumanta. Dahil sa best friend ko na si Erin at Ella noong elementary pa lang kami ay syempre invited sila sa birthday ni daddy. Kaya ng wala sa oras ay nalaman nilang magaling akong kumanta.
~So you can keep me inside the pocket of your ripped jeans~
~Holding me closer 'til our eyes meet~
~You won't ever be alone, wait for me to come home~
Kahit nga si Trixie ay nagulat ng bigla akong kumanta. Habang si Zairo naman ay nakatingin lang ng mariin sa akin. Wala ka talagang makikitang expression sa mukha niya. Si Lucian naman ay mukhang wala na naman siyang pakielam sa paligid niya. Well. What do you expect? Si Lucian yan.
~And if you hurt me~
~That's okay baby, only words bleed~
~Inside these pages you just hold me~
~And I won't ever let you go~
~Wait for me to come home~
Bakit ako kukamakanta ngayon kahit ayoko? Isa lang naman ang dahilan ko. Iyon ay dahil sa mission ko. Baka kasi kapag narinig akong kumanta ni Zairo ay baka magbago ang isip niya at kumanta na ulit siya. Kaso mukhang walang epekto ang pagkanta ko. Tss.
~Love can heal, loving can mend your soul~
~And it's the only thing that I know, know~
~I swear it will get easier~
~Remember that with every piece of you~
~Hm, and it's the only thing we take with us when we die~
Paano ako natutong kumanta? Nung bata ako may kalaro ako dati na magaling kumanta. Kaya naman kinulit ko siya na turuan ako. Dahil sa mabait naman siya ay tinuruan niya nga akong kumanta. Hindi ko na maalala kung anong itsura at pangalan niya. Pero baka pinsan ko siya. Palagi kasing nasa bahay ang mga pinsan ko noon.
~You can fit me inside the necklace you got when you were sixteen~
~Next to your heartbeat where I should be~
~Keep it deep within your soul~
Dahil sa sobra kong na-enjoy ang pagkanta hindi ko namalayang patapos na pala ang kanta.
~When I'm away, I will remember how you kissed me~
~Under the lamppost back on sixth street~
~Hearing you whisper through the phone~
~Wait for me to come home~
Nang binaggit ko na ang huling linya ay nginitian ko ng matamis si Zairo na ikinagulat niya.
"Wow! Grabe ka Delaney! Ang galing mo palang kumanta! Bakit hindi mo sinabi sa amin?" sabi ni Aira sa akin.
"Hindi ka naman nagtanong" sabi ko sa kanya.
"Whatever! Umupo ka na nga lang sa tabi ng bebe boy mo" sabi niya sa akin. Kahit walang binanggit na pangalan si Aira ay alam kong si Zairo ang tinutukoy niya.
"Hindi ko siya boyfriend" maikling sabi ko sa kanya.
"Edi wows"
"Hindi–" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng may biglang humatak sa akin. Nang lingunin ko kung sino ito nakita ko si Zairo na mukhang naiinis.
"Bakit?" tanong ko kay Zairo.
"Let's get out of here" sagot.
"Why?"
"There are many leeches here. Baka hind ko na mapigilan ang sarili ko at masapak ko na sila kahit babae pa sila" naiinis na sabi niya sa akin.
Ahh. Baka ang tinutukoy niya ay yung mga fan girls niya. Pero grabe naman siya kung paano niya i-described yung mga fan girls niya. Leeches agad-agad?!
"Bakit kailangan kasama ako?" tanong ko ulit sa kanya.
"You're still my girlfriend, remember? And three days na lang ang natitira sa atin. Kaya kailangan sulitin na natin ang araw na ito" sagot niya.
Wait. Naglo-loading pa ako. Hindi ko magets ang sinabi ni Zairo. Tch. Basta! Bahala na si batman!
"Excuse me. Can we go now? We have more important things to do" sabi ni Zairo kay Aira.
"Uhh... sure!" masiglang sagot ni Aira kay Zairo.
"Let's go?" tanong ni Zairo sa akin.
"Uhm... wait lang. Magpapaalam lang ako kay Erin at Ella" sabi ko kay Zairo.
"I've already told them" sagot niya.
Magsasalita na ulit sana ako pero hindi ko na naituloy ng bigla akong hatakin ni Zairo palabas ng videoke room. Tuloy tuloy lang siya sa paghatak sa akin kahit halos madapa na ako sa kakalakad. For Petes sake! Naka four inch heels ako! Tumigil lang siya sa paghatak sa akin ng tuluyan na kaming makalabas ng mall.
"Hey. Bakit ka pawis na pawis?" tanong ni Zairo sa akin. Pero binigyan ko lang siya ng masamang tingin dahilan para taasan niya ako ng kilay.
Dahil sa napagod ako sa kakahatak sa akin ni Zairo ay naghanap ako ng mauupuan sa paligid. Buti na lang talaga at may bench sa gilid. Kaya naman ay mabilis akong lumapit sa bench at na upo doon.
"Hays! Kapagod!" malakas na sigaw ko.
Hihiga na sana ko sa bench pero bigla na lang umupo si Zairo sa tabi ko.
"Zairo. Pwede ka bang magkwento?" biglang sabi ko kay Zairo. Hindi ko alam kung bakit bigla ko iyon ng nasabi kay Zairo. Bigla na lang kasing nag-automatic ng bibig ko.
"Tungkol saan naman?"
"Uhm... about your life"
"My life is not a book" sagot niya sa akin.
"Di'ba ganoon ang ginagawa ng mag-couple? Getting to know each other" sabi ko sa kanya.
"But your not allowed to go inside my life" sabi niya sa akin.
"Then let me in your life. As simple as one, two, three" nakangiting sabi ko sa kanya.
"Fine. I will let you in my life... but please, don't break anything"
"Papayag ka rin naman pala pinahaba mo pa ang usapan natin" sabi ko na nagpangiti sa kanya.
Matapos namin magusap ay wala na ulit nag salita sa aming dalawa. Ang awkward kaya! As in sobrang awkward namin!
"Miss" napalingon ako kay Zairo ng bigla siyang magsalita.
"Hmm?"
"Wait for me" sabi niya sa akin at tsaka siya tumakbo palayo sa akin.
Ano naman kayang gagawin ng isang iyon? Tch. Siguro naiihi lang. Bahala siya.
Nabaling ang atensyon ko sa bulsa ko ng marinig kong tumunog ang cellphone ko. Kaya naman mabilis kong kinuha ang cellphone ko at binuksan ito.
~Ella Gomez~
Girl! Goodluck sa date niyong dalawa ni Zairo!
Siraulo talaga itong si Ella. Ang lakas ng tama. Ang sarap niyang iuntog sa pader. Hays. I miss the old good days. Gusto kong balikan yung mga panahong hindi pa siraulo si Erin at Ella. Yung mga panahong kahit hindi ka mag-aral ay okay lang.
Atsaka nasaan na ba iyong si Zairo? Ang tagal naman niyang umihi. Iniwan na ata ako ng isang iyon.
"Miss. For you" nagulat na lang ako ng may bigla akong nakitang pink roses sa harapan ko. Nang tignan ko kung kanina ito galing ay nakita ko si Zairo na nakangiti sa akin.
Kaya naman para hindi na siya mangalay ay kinuha ko na ang rose sa kanya. At infairness! Mabango yung roses!
"Para saan ito?" tanong ko kay. Zairo habang inaamoy ang roses na ibinigay niya sa akin.
"Nakita ko iyan kanina. Naiisip ko lang na baka magustuhan mo" sagot niya.
Magsasalita na ulit sana ako pero hindi ko na naituloy ng tumunog ang cellphone ni Zairo.
"Uhm... excuse me" sabi niya sa akin bago lumayo sa akin para sagutin ang cellphone niya. Napansin ko lang na habang kinakausap ni Zairo yung kausap niya sa cellphone ay para siyang nagagalit. Well, kung ano man iyon wala na akong pakilam doon dahil hindi ko naman iyon buhay.
Tatayo na sana ako pero nagulat na lang ako ng may biglang sumulpot sa likuran ko at tinakpan ang bibig at ilong ko. Pero habang patagal ng patagal ay nanghihina ako. Siguro may halong chloroform ang pinangtakip niya sa ilong at bibig ko.
Sinubukan kong tignan sino ang may kagagawan non pero hindi ko maaninag ang mukha niya dahil may suot siyang shades at black mask.
Dahil sa tuluyan na akong nanghihina ay tuluyan na nga akong bumagsak. Pero bago ako mawalan ng malay ay may bigla akong nakita na hindi ko naman maalala.
"Hey! Why are you crying again? You look ugly when crying" sabi ng batang nasa harapan ko.
"Edi ikaw ng gwapo! Bwisit ka!" sigaw ko sa kanya habang umiiyak.
"Psh. Just tell why are you crying" sabi ng batang lalaki sa akin.
"Wala kasing gustong makipaglaro sa akin. Kasi bungi daw ako" sabi ko sa kanya habang pilit pinupunasan ang mga luha ko.
"They're just saying the truth" sabi pa niya sa akin.
"Waaahh! Bad ka! Umalis ka na lang!" sigaw ko sa kanya. Pero imbis na lumayo ang batang lalaki ay mas lumapit pa siya sa akin at pinunasan ang luha ko.
"I'm just kidding. Kung ayaw nilang makipaglaro sa iyo. Andidito pa naman ako" sabi niya sa akin.
"Hehehe. Sabi ko na nga ba at friend na ang turing mo sa akin" sabi ko.
"Oo nga pala! Gusto ko paglaki natin pakakasalan kita!" masayang sabi ko sa kanya.
"No way! Hindi ako magpapakasal sa bungi na katulad mo!" malakas na sigaw ng batang lalaki. Dahil sa sinabi ng batang lalaki ay umiyak ulit ako ng malakas.
"Shhh. Stop crying. Sige na nga. Papakasalan rin kita paglaki natin" sabi ng batang lalaki habang pilit na pinapatahan ako.
"Promise?" tanong ko sa kanya habang pinapahid ang mga luha ko.
"Promise. Pakakasalan kita paglaki natin" nakangiting sabi niya sa akin.
Uggghhh! Sumasakit na naman ang ulo! Ano bang nangyayari?! Ugghh!
What the hell was that?! What is happening to me?!
To be continued...
~Thanks for reading! Please vote and comment~