DELANEY MERCADO'S POV
"Sige na! Please! Turuan mo na akong kumanta! Promise hindi na kita kukulitin kapag tinuruan mo ako" pangungulit ko sa bata na nasa harap ko. Halatang naiinis na siya sa akin pero ano bang pakielam ko?
"No!"
"Sige na! Please!"
"Fine" naiinis na sagot niya sa akin.
"Yey! Ang bait bait mo talaga Nicks. Kaya love kita ihhh" masayang sabi ko habang nagtatatalon sa tuwa.
"Hey. Love is a big word. Hindi mo dapat sinasabi sa akin iyan" sabi niya sa akin.
"Whatever! Basta! Love pa rin kita! Bleh"
"Tss. Ang kulit mo talaga" masungit na sabi niya sa akin.
"Cute naman!" natatawang sabi ko sa kanya.
"Psh"
"Basta! Love kita! Promise iyon!" malakas na sigaw ko sa kanya.
***
"OMG! Ang sakit ng ulo ko. Huhuhu" sabi ko. Hihilutin ko na sana ang ulo ko nang mapansin kong nakatali ang kamay ko sa isang bakal.
Yawa. Ang sakit na nga ng ulo ko pagkatapos nakatali pa ang kamay ko. Malas.
Teka! Nasaan ba ako?
Ang huli kong naaalala... ay yung kinidnapped ako ng isang walanghiya!
Nang tignan ko kung nasaan ako nalaman kong nasa abandoned building ako. Paano ko nalaman? Ang baho kaya dito! Tss. At isa pa, palagi kong napapanood sa mga movie ang ganitong eksena.
Nakakaasar lang! Mukhang malas nga talaga ako. Wait! Baka pwede kong tawagan si Erin at Ella para humingi ng tulong. Tama! Ang talino ko talaga.
Sinubukan kong tignan ang bulsa ko pero wala akong nakapa. Sinubukan ko rin hanapin ang bag ko pero hindi ko rin ito makita.
Hays. Mukhang mas matalino sa akin ang kidnapper ko ahh. Wala na akong pag-asa.
Sana lang kung may power rin ako katulad ng kay Lucian– wait! May ibinigay palang pocket knife sa akin si Lucian! Ang swerte ko talaga! May silbi rin pala si Lucian.
Dahil sa nakatali ang kamay ko ay nahirapan akong abutin ang pocket knife sa ilalim ng palda ko. Maabot ko na sana ang pocket knife na ibinigay sa akin ni Lucian pero hindi ko na ito itinuloy dahil biglang bumukas ang pintuan at iniluwa nito ang isang gwapong nilalang.
Pero wait lang! Parang kilala ko siya. Parang nakita ko na siya somewhere. Saan ko nga ba siya nakita? Isip Delaney. Saan mo ba siya nakita?
Aha! Siya yung lalaking nahuli kong nakatingin ng masama sa akin. Yung mukhang isa sa mga fan girls ni Zairo. Mali pala! Dapat pala fan gays!
"Hehe. Hello po. Kamusta po kayo?" awkward na tanong ko sa gwapong kidnapper. Nakita kong bahagyang nagulat si mister kidnapper sa itinanong ko sa kanya. Hindi ko din alam kung bakit ko iyon itinanong sa kanya.
"Uhm... pwede po bang magtanong? Bakit niyo po ako kinidnapped? Dahil po ba close ako kay Zairo?" tanong ko kay mister kidnapper.
"Yeah" maikling sagot niya sa akin. Omg! Ang hot ng boses niya! Erase. Erase. Tandaan mo Delaney, kinidnapped ka niya. Focus Delaney. Focus.
"Hehehe. Hindi ko po siya boyfriend. Kung gusto niyo po siya, siya ang kausapin mo" sabi ko sa kanya na ipinagtaka niya. Ang slow naman ni mister kidnapper.
"What do you mean? What are you talking about?" nagtatakang tanong niya sa akin.
"Di'ba fan gay ka ni Zairo? Kung gusto mo siya–" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng bigla sumigaw si mister kidnapper.
"Me?! A gay?! No way! Oo gusto ko siya! Gustong-gusto ko siyang patayin!" biglang sigaw niya.
"Woah. Calm down. No need to shout. Ang lapit lapit natin sa isa't isa sumisigaw ka" sabi ko sa kanya.
Pero tama ba ang narinig ko? Gusto niyang patayin si Zairo? Hindi pwede! Hindi niya pwedeng patayin si Zairo!
"Ba-bakit mo siya gustong patayin?" kinakabahang tanong ko sa kanya. Kung kanina medyo chill pa ako, ngayon hindi. Akala ko kasi kanina fan gay lang siya ni Zairo pero ng sabihin niya sa aking gusto niyang patayin si Zairo ay kinakabahan na ako. Hindi para sa akin kundi kinakabahan ako para kay Zairo.
"Palagi na lang siya! Siya! Siya na lang palagi! I was here the whole time pero palagi na lang siya! No one cares for me dahil nandyan siya! No one! Ikatutuwa ko kung mamamatay na siya!" malakas na sigaw niya.
Pagkatapos niyang sumigaw wala na ulit sa amin ang nagsalita. I somehow felt sad for him. Alam kong may pinaghuhugutan siya ng sakit. Pero wala akong magagawa dahil hindi naman kami close.
"Pero pwede namang hindi umabot sa patayan" sabi ko sa kanya.
"Hindi aabot sa patayan kung sana hindi na lang siya pinanganak. Hindi ka sana madadamay dito kung sana hindi mo iniligtas si Zairo mula sa pagkakabundol" mariing sabi niya sa akin.
What?! Ibig sabihin... siya ang dahilan kung bakit muntikan ng mamatay si Zairo. Siya ang dahilan kung bakit ako nasa ganitong sitwasyon ngayon! Siya ang dahilan kung bakit malapit na akong mawala sa mundong ito!
"Now I understand why no one cares for you. Why? Because you're not worth loving. No one loves you because you're just a nobody. No one loves you because you are a bad person!" mariin sabi ko sa kanya.
I can't hold my emotions anymore. Sumosobra na siya. I understand na kailangan niya ng isang kaibigan or someone who can understand him. Pero hindi naman niya kailangan humantong sa ganito, na magiging mamamatay tao siya para lang maging masaya siya. I understand him, but that doesn't mean na itotolerate ko ang mga mali niya. I am friendly to anyone pero kapag mali, mali.
"You don't understand me because you're not in my position! Matinding hirap ang naranasan ko ng dahil kay Zairo! Kaya kung makikielam ka sa akin, ikaw ang una kong papatayin!" muling sigaw niya sa akin. Ilang beses muna siyang nagpaikot-ikot sa buong silid bago siya umupo sa sahig. Nakatalikod siya sa akin kaya I grab the chance para abutin ang pocket knife sa palda ko. Wala akong balak na saktan siya. I will use my pocket knife to protect myself from him. I'm not good at reading expressions pero obvious sa body language niya na his very mad. I can already sense his dark aura.
"Hindi maitatama ang mali ng isa pang pagkakamali! Stop this nonsense! For the whole time you've been barking the wrong tree! You're just wasting your time for this nonsense!" sigaw ko habang pilit inaabot ang pocket knife sa ilalim ng palda ko. At sa wakas tuluyan ko ng naabot ang pocket knife! Finally!
Kaya hindi na ako nagsayang ng oras at pinutol ko na ang tali. Mabuti na lang at manipis lang ang lubid na ipinantali sa akin dahilan para madali ko itong maputol.
"Nonsense? Do you think this is all nonsense?" tanong niya.
"Yes, because–" bigla na lang akong napatigil sa pagsasalita ng bigla na lang siyang tumayo at sinuntok ang pader na nasa gilid ko. Kung hindi lang ako nakaiwas malamang natamaan na ang pretty face ko. Mabuti na lang talaga at naputol ko na ang lubid na nakatali sa akin kaya ako nakaiwas ako sa suntok niya.
"Hindi kita gustong saktan kanina kasi I thought you will understand me... pero katulad ka rin pala ng iba" mariing sabi niya.
Akala ko kalmado na siya... pero nagkakamali ako.
Nagulat na lang ako ng bigla siyang tumingin ng masama sa akin at sinakal ako. I can see in his eyes that he really wants me dead. Kahit hirap na hirap na akong huminga ay patuloy pa rin niya akong sinasakal. Mukhang gusto nga talaga niya akong patayin.
Dahil sa nahihirapan na akong huminga ay tinuhod ko siya ng malakas sa tiyan niya dahilan para mapahiga siya sa sahig. Hindi na ako nagsayang ng panahon at pumunta sa pintuan para sana lumabas. Kaso ng pihitin ko ito ay nalaman kong naka-lock ito mula sa labas.
"You think you can escape me easily" nagulat na lang ako ng malaman kong nasa likuran ko na pala si mister kidnapper. Lalayo na sana ako sa kanya pero agad niyang nahablot ang buhok ko na naging dahilan para maputol ang tali ko at bumuhaghag ang buhok ko.
"Argh! Stay away from me!" sigaw ko sa kanya.
Pero imbis na bitawan niya ako ay kinaladkad niya ako papalapit sa malaking bintana. Sobrang sakit na ng anit ko dahil sa pagkakasabunot niya sa akin. Daig pa niya ang babae kung sumabunot.
"Tutal iniligtas mo na si Zairo noon, why don't you do it again. Ibuwis mo ulit ang buhay mo para kay Zairo" sabi niya habang ipinapakita sa akin kung gaano kataas ang building na pinaroroonan namin.
Sa tingin ko nasa tenth floor kami ng building. At ang mas malala... sa tingin ko ay balak niya akong ihulog dito.
"A-anong gagawin mo?" kinakabahang tanong ko sa kanya.
"Hindi pa ba halata? Malamang ihuhulog kita dito" nakangising sagot niya sa akin.
"N-no. Please... don't do it" pagmamakaawa ko sa kanya.
"Tss. Goodbye" sabi niya sa akin bago ako itulak.
Akala ko mamatay na ako. Mabuti na lang at mabilis akong nakakapit sa bintana.
"How can you still be alive?" narinig kong tanong ni mister kidnapper.
"Help" sabi ko sa kanya. Pero wala akong narinig na kahit isang sagot sa kanya. Mayamaya lang ay nakarinig ako ng mga yapak papalayo sa akin at pagsara ng pinto.
Argh! Walanghiya siya!
Nararamdaman kong unti unti ng dumudulas ang kamay ko mula sa pagkakahawak. At isa pa, hindi ako ganoon kalakas. Marunong ako ng iba't ibang martial arts pero kapag lakas na ang paguusapan, lugi ako doon.
At ito na nga ba ang kinatatakutan ko... tuluyan na ngang dumulas ang kamay ko mula sa pagkakahawak. Alam kong wala ng pag-asa kaya ang ginawa ko na lang ay ang pumikit.
Pero ilang segundo na ang lumipas ay hindi ko naramdanan ang pagbagsak ko sa lupa.
Imbis na pagbagsak sa lupa ang naramdaman ko... nagulat na lang ako ng maramdaman kong may biglang yumakap sa akin.
Kaya unti unti kong binuksan ang mata ko at doon ko nakita si Zairo na nakayakap sa akin. Ngayon ko lang nalaman na iniligtas pala ako ni Zairo dahil hanggang ngayon ay hawak pa rin niya ang kamay ko.
"Are you alright?" tanong niya sa akin.
"Yeah. Pero mas maginging maayos ako kapag binitawan mo na ako. Ang hirap kayang huminga" sabi ko sa kanya.
"I'm sorry"
"Okay lang. But can I ask a question? What are you doing here?" tanong ko sa kanya.
"I'm here to save you" sagot niya sa akin.
"Paano mo nalaman na nandidito ako? Kilala mo ba kung sino ang kumidnapped sa akin? Kaano-ano mo siya? Bakit–"
"Shhh. I will answer your questions later. Pero isa lang ang masasagot ko sa iyo. Si Calvin ang kumidnap sa iyo. Calvin and I were not in good terms. He is a dangerous person so stay away from him" sabi niya sa akin.
"Bakit? Ano bang ginawa mo sa kanya? Bakit ba galit na galit siya sa iyo?" tanong ko ulit sa kanya pero inilingan lang niya ako.
"As I've said earlier, I will answer your questions later. But for now, kailangan muna kitang ilayo mula sa lugar na ito. It's dangerous here" sabi niya sa akin bago ako hinatak papuntang pinto.
Lalabas na sana kami kaso nga lang ay may biglang humarang sa amin. They are all wearing black shirt and black mask kaya hindi ko makita ang mga mukha nila. And they were also holding baseball bats and pipes.
"Miss. Stay here. I will protect you. Huwag kang aalis" sabi niya sa akin. Magsasalita pa sana ako pero hindi ko na naituloy ng biglang sugudin ni Zairo isa isa ang mga goons.
Lahat ng lumalapit sa kanya ay binibigyan niya ng suntok, sapak, sipa at tadyak. Sa mga nakikita ko ngayon... masasabi kong napakalakas ni Zairo. Walang ni isa sa kanila ang nakasakit kay Zairo. Madami sila, malalakas sila... pero lahat sila ay talo kay Zairo.
Sa loob lang ng isang minuto lahat ng humarang sa amin kanina ay walang malay or namimilipit na sa sakit ngayon. Lalapit na sana ako kay Zairo pero nahagip ng mata ko ang isang lalaki na balak hampasin si Zairo ng tubo.
Kaya naman mabilis akong lumapit sa lalaki at malakas ko siyang sinipa sa mukha. Ngunit hindi pa ako nakakalayo ay may sumugod pa sa akin na isa pang lalaki na may hawak na baseball bat. Nang ihahampas na niya sa akin ang baseball bat na hawak niya ay mabilis akong umiwas. Ihahampas na ulit sana niya ang baseball bat sa akin pero muli akong umiwas. Ang sunod ko namang ginawa ay pumunta ako sa likod niya pagkatapos ay siniko ko siya sa ulo dahilan para mawalan siya ng malay.
"I told you to stay behind my back" sabi ni Zairo sa akin.
"I'm not a princess for you to protect me. I can protect myself. And besides, hindi na uso yun" sabi ko sa kanya.
"If you say so. But I will still protect you even if you don't like it" sabi niya sa akin bago niya sugudin ulit ang mga lalaking nasa harapan niya.
Nang hindi na ulit nagsalita si Zairo ay sinugod ko na rin ang mga lalaking nasa harapan ko. Pero habang nakikipaglaban ako ay nahagip ng mata ko si Calvin na nakatingin sa amin ni Zairo mula sa malayo. Wala kang makikitang expression sa mga mata niya maliban sa galit.
Gusto ko siyang lapitan kaya mabilis kong pinatulog ang mga lalaking lumalapit sa akin. Medyo natagalan akong pagbagsakin sila dahil sa may karamihan sila. Pero nang mapabagsak ko na silang lahat ay nagsimula na akong lumapit sa direksyon ni Calvin. Narinig ko pang tinawag ako ni Zairo pero hindi ko siya pinansin at nagpatuloy ako sa paglapit kay Calvin.
Akmang aalis na si Calvin pero mabilis kong hinatak ang siko niya dahilan para mapaharap siya sa akin.
"What do you want?" malamig na tanong sa akin ni Calvin.
"I want you to stop this nonsense. I know that you are a good person but you are just blinded by your anger. Mag usap kayo ni Zairo. Ayusin niyo ang gulo niyo. I know na kailangan mo lang ng kaibigan. And I'm here. I can be your friend. Just stop this nonsense. Please Calvin. I know that you are a good person" sabi ko sa kanya.
"Go away. I don't want to hurt you. I don't hurt innocent people. Kung gusto mo ng maayos na buhay... lumayo ka kay Zairo. You don't know Zairo"
"But–"
"Just stay away from me. At mali ka sa sinabi mo kanina... I'm not a good person. Masama ako. Hindi mo ako kilala. I can kill people in just one snap. I can easily kill you if I want to" sabi niya.
"Kaya mong gawin but you chose not to"
"Kasi I don't want to hurt innocent people" dagdag niya.
"It means–"
"Stop! You can't change my mind! Iligtas mo na lang si Zairo at lumayo ka na sa akin!" sigaw niya sa akin.
Dahil sa sinabi niya sa akin at mabilis akong lumingon sa direksyon ni Zairo. At doon ko nakita na pinagtutulungan na siyang bugbugin ng ilang mga lalaki. Nakahiga na siya sa sahig at halos puro pasa at galos na ang kanyang mukha.
"Go and save him" sabi ni Calvin.
"Di'ba you want to kill him? Kung ganoon... why do you want me to save him?" tanong ko sa kanya.
"Kasi gusto ko ako mismo ang papatay sa kanya" sagot niya. "Now go ahead and save him"
"I still believe that you are a good person. And you can't also change my mind" sabi ko sa kanya bago ko siya talikuran at tumakbo papunta sa direksyon ni Zairo.
Nang makalapit ako sa direksyon nila ay mabilis kong sinipa at sinuntok ang mga bumugbog kay Zairo. Mabilis ko silang napabagsak dahil hindi nila napansin na nasa likod na nila ako. Masyado silang naka-focus sa pagbugbog kay Zairo.
"Are you alright? Did Calvin hurt you? Do you want me to bring you to the hospital?" tanong ni Zairo sa akin.
Ang OA naman ni Zairo. Hospital agad?!
"Huwag kang OA Zairo. Ayos lang ako. And besides, mabait naman si Calvin" sabi ko sa kanya.
"You don't know him"
"Tss. Ikaw nga itong nagpabugbog sa mga s*raulong ito" sabi ko.
"They are just lucky" mariing sabi niya.
"They are just lucky" pangagaya ko sa sabi niya.
Muli ay sumugod ulit ni Zairo ang mga lalaki sa harap namin. Susugod na din sana ako pero naalala kong naiwan ko pala ang pen knife na ibinigay ni Lucian sa akin sa kwarto kung saan ako ikinulong ni Calvin.
"Zairo! May naiwan lang ako! Babalikan ko lang!" sigaw ko kay Zairo dahil medyo may kalayuan kami sa isa't isa. Imbis na sumagot ay tinanguan niya lamang ako.
Mabilis akong pumunta sa kwarto na pinagkulungan sa akin ni Calvin. At doon ko nakita ang pocket knife sa sahig. Sa gilid naman ng kwarto ay nandoon rin ang cellphone at bag ko. Mabilis ko itong kinuha at lumabas na ng kwarto.
Paglabas ko ng kwarto nakita ko si Zairo na hingal na hingal na nakasandal sa sahig habang ang mga goons naman ay mga walang malay na ngayon.
"Ang bilis mo naman silang patulugin" sabi ko kay Zairo.
"May kasalanan sila sa akin" sagot niya.
Kaya naman pala. Gusto lang pala niyang gumanti.
"By the way. Sasabog itong building after seven minutes. And I must say na kailangan na nating umalis sa building na ito kung gusto mo pang mabuhay".
"What?! Sasabog?! Yung building?!"
"Yup" kalmadong sagot ni Zairo.
How can he be so calm?! Habang ako dito nagpapanic na! Geez!
"How about them? Hindi natin sila pwedeng iwan dito!" tanong ko kay Zairo.
"Don't worry about them. Matagal mamatay ang isang malamang damo. Magigising din sila after one minute" sabi niya.
"Kung ganoon... tara na! Ayoko pang mamatay noh! Mababawasan ng maganda sa mundo!" sabi ko sa kanya na ikinatawa niya.
Aba! May gana pa siyang tumawa ngayon?! Sasabog na nga ang building at may gana pa siyang tumawa?!
"Pfft. Ang cute mo pa lang magpanic" natatawang sabi niya.
"Matagal na akong cute! Kaya kung pwede ba huwag ka ng tumawa! Sasabog na ang building! My gosh!" sigaw ko sa kanya.
"Fine. Let's go my princess" sabi niya at inilahad niya sa akin ang kanyang kamay na tinaggap ko naman.
Nang maabot ko na ang kanyang kamay ay magkahawak kamay kaming tumakbo palabas ng building. Akala ko sa movie kang nangyayari ang mga ganitong eksena. Nangyayari rin pala ito sa totoong buhay... at sa akin pa talaga nangyari.
Kung titignan mo kaming dalawa ni Zairo aakalain mo na naglalaro lang kaming dalawa. Habang tumatakbo kasi kaming dalawa ay parehas kaming nakangiti. Ewan ko ba! Natutuwa kasi ako dahil kahit papaano ay iniligtas pa rin ako ni Zairo. Natutuwa ako dahil kahit papaano ay unti-unti kong nagagawa ang mission ko.
Saktong paglabas namin ng building ni Zairo ay sumabog na nga ang building. Muntik na nga akong ma-out of balance pero mabuti na lang at inalalayan ako ni Zairo.
"Zairo. Kailangan na nating gamutin ang mga sugat mo" sabi ko kay Zairo.
"Why? Nagaalala ka ba sa akin?" tanong niya sa akin.
"Of course!"
"Tss. Kukuhain ko lang muna ang kotse ko, my princess" nakangising sabi niya sa akin.
"Uhh... pwede bang huwag mo akong tawaging my princess. Nakakailang" naiilang na sabi ko sa kanya.
"Tch. Tatawagin kitang my princess kung kailan ko gusto" sabi niya sa akin bago siya umalis para kunin ang kotse niya.
Nang tuluyan ko na siyang hindi makita ay bigla na lang tumunog ang cellphone ko. Mabilis ko itong kinuha at sinagot ang tawag.
~Mommy calling...
"Hello Delaney baby! How are you?"
"I'm fine naman po. Pero bakit po kayo napatawag? Do you need something?"
"Wala naman baby. Nami-miss lang kita. By the way, how's your relationship with Zairo? Hihihi. Alam mo anak I like him for you" kinikilig na sabi ni Mommy.
"Mom! Sino nag sabi niya sa iyo? Si Erin at Ella noh? Mommy, huwag kang maniniwala sa kanilang dalawa"
"Hihihi. Basta! I like Zairo for you"
"Mommy naman ihh. Change topic na nga lang tayo. Uhm... may pinsan po ba ako na ang pangalan ay Nicks?"
"Yes baby! May pinsan kang ang pangalan ay Nicks. Pero never mo pa siyang nakikita dahil sa Paris sila nakatira"
"Po?"
"Why baby? Bakit mo tinatanong?"
"Nothing"
"Sige na baby. I need to go na. May work pa kami bukas. Ba-bye na. I love you baby"
"I love you too mom"
Saktong pagkababa ko ng cellphone ay nakita ko na ang kotse ni Zairo sa kalayuan.
Kung ganoon sino ang Nicks na kalaro ko noong bata pa lamang ako?
To be continued...
~Thanks for reading! Please vote and comment~