Chapter 39

MEGAN

"Hmm... Tell me. Who's that guy?" tanong ni Diana at kinabahan ako kung ano isasagot niya.

"Si... Kenji."

Bigla akong nakaramdam ng kurot sa aking puso.

Bakit sa dinadami pa ng lalaki sa mundo Scarlet sa ex ko pa magkakagusto? Ha, Scarlet?

You make me want you more.

Don't try me Scarlet or else... i'll will make things complicated both of us.

Nakakapang-init ng ulo dahil sa nalaman ko ngayon kaya napabangon ako at sinamaan ng tingin si Scarlet lalo na si Diana.

"Bakit ganyan ka makatingin sa akin?" natatawang tanong sa akin ni Diana.

"May kailangan ka pa kay Scarlet? Kung wala, pwede ka na umalis." iritang sabi ko sa kanya at nagtaka ito sa akin.

"May problema ka po ba, Ms. Megan?" rinig kong tanong ni Scarlet sa akin at napatingin ako.

Oo. Lalo na sa nalaman ko. May gusto ka pala kay Kenji ha?

"What's wrong, Meg?" pangising tanong sa akin ni Diana.

Napayukom na lang ako ng kamao sa inis ko sa kanya dahil... wait... dahil ba sa nalaman kong may gusto siya kay Kenji?

Nagseselos ba ako?! Oh! Ghad!

Hindi ah!

"Wala!" iritang sabi ko at nagwalk-out ako baka mabuhos ko pa ang inis ko sa kanila.

Hindi ko alam kung saan ako dinadala ng aking paa ngayon pero alam ko ngayon na naiinis ako sa nalaman ko.

Kenji pala ha?

Nandito ako sa labas ng clinic ni Diana. Nakaramdam ako ng pag-uhaw kaya naghanap ako ng mabibilan pero may vending machine napukaw sa aking paningin.

Kaya pumunta agad ako para makakuha ng maiinumin.

Pagkatapos kong nakakuha ng maiinom, umupo muna ako sa bench para kumalma at magmumuni-muni. Rinig ko ngayon ang tunog ng kuliglig at mga kotseng nagbabyahe.

"Beer?"

Nagulat ako at napatingin sa katabi ko. Mukhang familiar siya sa aking paningin ngunit nakalimutan kung sino siya.

Napansin ko rin na inaalok niya ako ng beer can at naramdaman kong nilagay niya sa kamay ko para hawakan ang beer can.

Wala rin naman akong choice kundi tanggapin ito. Tamang timing para uminom ng ganito ngayon gabi.

Kaya binuksan ko na lang ito, "Thanks sa beer pero hindi kita kilala." sabi ko at tumingin na lang ako sa paligid na maraming kotse na bumabyahe.

"Aubrey pala." she chuckles.

Siya ang kasama ni Scarlet noong lasing ito. Now I know dahil mukhang familiar siya sa akin.

"Kumusta na si Scarlet? Okay na ba siya?" tanong sa akin ni Aubrey.

Uminom ako ng beer at pagkatapos tumingin ako sa kanya, "Yeah." tipid kong sagot sa kanya.

"Hindi ko alam na may allergy siya sa kinain namin kanina." kwento ko sa kanya at narinig ko itong tumawa.

"Ngayon, alam mo na."

"Alam ba ng magulang niya?" tanong ko sa kanya.

"Hindi pwede malaman ng magulang niya. Baka mawalan siya ng pangarap nang wala sa oras."

"Bakit?"

"Masyadong protective magulang ni Scarlet. Ayaw na ayaw nilang napapahamak anak nila." sabi niya.

"Hindi ko naman sinasadyang mangyari 'yon. Sadyang hindi ko lang alam." sabi ko at napayuko na lang ako at tumingin sa beer kong hawak.

"Naiintindihan ko naman. Wala naman may gustong mangyari 'yon." sabi niya sabay inom niya ng beer.

Ngumiti siya sa akin at tinapik ako sa likod, "Sana pinaka-huli na 'tong mangyari sa kanya. Ayokong malaman ng magulang niya na may masamang nangyari sa kanya sa EyeRed baka mawala lang ang pangarap niya ng isang iglap kapag nalaman nila ito." paalala sa akin ni Aubrey at tumayo na siya.

"Babalik na ako. Baka mainip na si Scar do'n. Hindi ka pa ba uuwi?" tanong niya sa akin.

"Oh! Yeah! Uuwi na rin ako." sabi ko at kumaway siya sa akin habang naglakad na ito paalis.

Maya-maya siguro uuwi na ako, tatapusin ko lang 'tong binigay ni Aubrey sa akin na beer.

***

Makalipas ng dalawang araw no'ng na-hospital si Scarlet, bumalik na rin ako sa pagiging workaholic ko sa EyeRed.

Gusto ko siyang kamustahin pero wala akong oras para asikasuhin ang papeles ngayon. Sumasakit na rin ang sentido ko pero kailangan ko talaga tapusin ito, para makapagpahinga na ako.

Nakaramdam ako ng pagkalam ng tiyan ko habang nagbabasa ako ng reports.

I'm craving for pizza and milktea right now.

Kaya ngayon, tinext ko si Quinn as my secretary para mag-order ng pagkain namin.

Pagkatapos, napadpad ako sa mismong contact number ni Scarlet.

Tatawagan ko ba siya?

No, Megan. Para saan pa? They will let you know kung ma-d-discharge na siya. Ikaw kaya magbabayad ng hospital fees niya? Remember?

Kaya steady ka lang sa upuan mo at maghintay ka.

Nagulat ako biglang tumunog ang aking phone at lumitaw din sa phone ko na tumatawag sa akin si Quinn ngayon.

"What happened to Scarlet, Meg?!" nabigla ako sa pagsigaw ni Quinn sa kabilang linya.

"I'll tell you if you'll come inside." iritang sabi ko sa kanya at binabaan ko siya ng linya.

Napansin ko sa labas na natatarantang pumunta sa office ko si Quinn.

"Anong nangyari sa kanya?!" panic niyang tanong sa akin.

Sinabi ko ang nangyari kay Scarlet at napasapo na lang ito sa ulo niya.

"So kumusta na siya?" tanong niya sa akin at nagkibit-balikat lang ako dahil wala pa akong nababalitaan sa kanya, "Hindi mo alam kung okay na siya? Pumunta ka ba sa hospital?" sunud-sunod niyang tanong sa akin at napapikit ako ng mariin dahil ayoko sa lahat sunud-sunod ang tanong sa akin.

"Sa clinic ng kakilala ko naka-confine ngayon. 'Yon lang alam ko, Quinn." sabi ko sa kanya at hinilot ko ang aking sentido dahil kumikirot ito ngayon.

"Sino nagbabantay sa kanya?" tanong sa akin ni Quinn at umupo ito sa upuan at kita ko sa aking peripheral vision na nakatingin ito ng maiigi habang ako'y may ginagawa.

"Kaibigan niya." walang-gana kong sagot sa kanya.

"Ano ba kasing dahilan kung bakit nag-dinner kayong dalawa?" napatigil ako sa tanong ni Quinn at klinaro ko ang aking boses. Pagkatapos, tinuloy ko ulit ang aking pagpirma sa mga papelas.

Hindi ko matiis na hindi siya ma-miss kaya inaya ko siya mag-dinner.

"Sinabi ko lang ang good news sa kanya. At saka gutom din ako that time kaya inaya ko siya magdinner." palusot kong sabi sa kanya, "Maiba ko lang, sinu-sino pala ang mga producer and writer ng first single niya and EP album niya? Nakahanap ka na?" tanong ko sa kanya at hindi naman niya nahalata niya na iniba ko ang topic namin.

Napatingin ako sa kanya na mukhang wala pa siyang nahahanap.

"Wala pa, Meg. Pero aasikasuhin ko na mamaya. Alam mo ba nagdate kami ni..." kinikilig niyang sabi sa akin at may nakita akong notebook para batuhin siya dahil malapit na mapunit ang pisngi niya sa kaka-ngiti niya.

"Tss. Hindi ako nakaka-relate sa kwento mo. Bumalik ka na sa table mo. Asikasuhin mo na ang dapat mong tapusin ngayong araw." ngumiti ako at sinamaan ko siya ng tingin, "Shupi!" pagtataboy ko sa kanya at tuluyan na itong umalis.

Bigla akong nakarinig ng phone call at kita kong tumatawag si Diana sa phone ko.

Bakit kaya 'to napatawag?

Sinagot ko ito.

"Why?" tipid kong tanong sa kanya.

"Mamaya na i-d-discharge si Scarlet. Kailan mo babayaran hospital bills niya?" tanong niya sa akin.

"What time?"

"Around 5 pm." sagot niya.

Tiningnan ko sa aking orasan kung anong oras na ngayon.

It's 3:45 pm.

Tumayo na agad ako para ligpitin ang mga papeles na hindi ko pa tapos. Mamaya ko na lang tatapusin 'to. Mag-o-overtime na lang ako.

"Papunta na ako ngayon." sabi ko at balak ko na babain ang linya ngunit napakunot ang aking noo sa narinig ko mula sa linya ni Diana.

"Magd-date tayo after mo magbayad."

Kumunot ang aking noo at binabaan ko siya ng linya.

Tss. Mangarap ka sa wala, Diana.

***

Kakatapos ko lang magbayad ng hospital bills ni Scarlet na ngayon naka-estatwa ako sa harap ng pinto niya.

Pinag-iisipan ko ngayon na papasok o hindi. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapagdesisyon.

"Next year ka pa papasok?"

Nagising ang aking diwa na may biglang nagsalita mula sa likod ko kaya lumingon ako.

Diana...

Humarap ako sa kanya at inirapan ko siya. Wala rin naman akong balak samahan siya sa mga plano niya kaya mas mabuting babalik na ako sa EyeRed. Kailangan ko pang tapusin ang aking ginagawa.

Ngunit hinili niya ako papasok sa room ni Scarlet habang nag-aayos si Aubrey para sa pag-alis nila sa clinic ni Diana.

"Hi, Scarlet! Kumusta ka na?" magiliw na tanong ni Diana habang nakahawak pa siya sa braso ko.

Napansin ko na tumingin si Scarlet sa braso ko na hawak ni Diana kaya tinanggal ko agad ang paghawak sa braso.

Baka kung ano iniisip ngayon ni Scarlet.

"I-I'm okay, doc. May kailangan pa po kayo sabihin sa akin?" concern na tanong ni Scarlet kay Diana.

"Don't forget to take your medicine. Para hindi na mag-alala si..." sabi ni Diana at nakitingin siya na mismong inaasar niya ako ngayon. Kinurot ko siya sa braso at mukhang nasaktan siya sa ginawa ko sa kanya.

Congrats, Diana. You pissed me off already.

Sinamaan ko siya ng tingin.

"...doc Diana." I can hear her fake laugh right now at tuluyan na itong umalis lalo na't iniwan ako mag-isa ni Diana dito kasama si Aubrey at Scarlet.

Napakagaling mo talaga, Diana.

Ang awkward ng atmosphere namin at naririnig ko lang ang pagsarado ng bag ni Aubrey.

"Mukhang kailangan niyo ata mag-usap nang kayong dalawa lang." sabi niya at tumingin ako sa kanya.

Binigyan niya ako ng ngiti at iniwan na kaming dalawa ni Scarlet ngayon.

Umupo muna ako sa couch kung saan nakatulog ako noong isang araw bilang bantay niya.

Tumingin ako sa kanya na mukhang kanina pa ata niya ako minamasdan at hinihintay na ako ang magsisimula ng usapan namin.

"Wala akong sasabihin sa'yo. Hinila lang ako ni Diana dito." pagpapaliwanag ko sa kanya.

Ngumiti siya ngunit alam kong hindi ito ang kanyang tunay na ngiti. Biglang sumeryoso ang kanyang mukha at napalunok ako dahil hindi siya ganito sa akin palagi.

Sanay ako na palagi siyang masaya kapag nagkikita at nag-uusap kami.

Pero iba ngayon. Iba siya ngayon.

"Mag-d-date kayong dalawa?" seryoso niyang tanong sa akin.

Naalala ko na naman ang sinabi niya kung sino ang kanyang gusto at nakaramdam ukit ako ng inis ngayon.

"Yes. Later. Why?" pagsisinungaling ko.

Gumaganti lang ako sa kanya.

"G-gusto mo ba siya?" nauutal niyang tanong sa akin.

Kita kong kinakabahan siya ngayon sa isasagot ko.

Wala naman akong balak sagutin ang kanyang tanong kaya tinitigan ko na lang siya.

Umasa ka lang sa wala, Scarlet. Hindi ko siya gusto.

"Silence means yes." mahinang sabi ni Scarlet at napangisi na lang ako ng palihim.

Napailing na lang ako sa kanya.

Mukhang kailangan niya pa magpagamot dahil napaka-asumera niya. Need siguro niya ng prescription kay Diana kung ano ang magiging treatment sa sakit niya.

"Oo nga pala Scarlet, ayokong-ayoko na maulit pa 'to mangyari. Huwag mong tangkaing ipahamak mo ang sarili mo ulit. Just... just tell me everything, Scarlet. Para walang problema." paalala ko sa kanya at tumango siya.

"Yes and thank you, Ms. Megan." pasasalamat niya sa akin at bumalik na lang ito sa pagkasimangot niya.

"Stop calling 'Miss' from now on kapag wala tayo sa EyeRed." iritang sabi ko sa kanya.

"Why?" she chuckles.

"Ayoko lang itrato mo kong CEO kapag nasa labas tayo. Just treat me like as a friend or whatever you like." walang-gana kong sagot ko sa kanya.

"Okay, Megan." sabi niya at ngumiti ito sa akin, "Friends?" napansin kong inalok niya ako mag-handshake ngayon.

Ngumiti ako sa kanya at tinanggap ko 'to, "Let's see, Scar." sabi ko sa kanya.

Naramdaman ko ang paghawak ko sa kanyang mata. Pakiramdam ko ngayon parang naka-mightybond na ang aming kamay.

Ilang segundo na ang lumipas ganito pa rin kami.

Nakatitig sa isa't isa at makahawak ang aming kamay.

Ayokong bitawan ko ang kanyang kamay.

" 'Yong kamay... Hehehe..."

Nagising ang aking diwa sa sinabi ni Scar at naunang binitiwan niya ang kanyang kamay sa akin.

"K-kailan po ako babalik sa EyeRed?" tanong niya sa akin.

Klinaro ko ang aking boses at bumalik sa aking pwesto para umupo, "Kapag wala ka nang iniinom na gamot. Magpahinga ka muna." sabi ko sa kanya.

"Kailangan mo na pala maghanda sa date niyo ni Diana. Kailangan niyo na pong umalis." sabi niya na mukhang nagpapanggap lang ito na nakangiti.

Napailing na lang ako sa kanya.

"Bakit? Pinapalayas mo na ba ako?" curious kong tanong sa kanya.

"Wala. Narinig ko lang usapan niyo sa phone baka hinihintay ka na ngayon ni doc." sabi niya.

"Tsismosa ka talaga." natatawang sabi ko sa kanya.

"Hindi, a." depensa niyang sabi sa akin.

"Naniwala ka naman sa sinasabi ni Diana." natatawang sabi ko sabay iling ko sa kanya, "Tss. Scarlet, nagsasayang ka lang ng oras para maniwala na gusto ko siya." sabi ko sa kanya at nakita kong nagtataka ito.

"So.... h-hindi mo siya gusto?" nauutal niyang tanong sa akin.

Naalala ko ngayon na may gagawin pa ako sa EyeRed. Kailangan ko talagang tapusin ngayong araw dahil ayoko magt-tambak-tambak gagawin ko.

Tumayo na ako at nagsimula na akong maglakad palabas.

"Hindi mo ba sasagutin tanong ko sa'yo?" tanong niya.

Napatigil ako at lumingon sa kanya.

Nagkibit-balikat na lang ako at napansin kong kumunot ang kanyang noo. Dinedma ko na lang siya at pinagpatuloy ko na lang maglakad paalis dito.

Pagkabukas ko ng pinto, lumingon ulit ako sa kanya.

"Malay mo 'Silence means no' " sabi ko sabay ngiti sa kanya.

Tuluyang ko na sinara ang pinto at iniwan siyang mag-isa.