SCARLET
"We're not done yet, Scarlet. We need to finish this tomorrow." striktong sabi ni Ms. Irene sa akin at tuluyang umalis sa practice room.
Ilang weeks din ang lumipas na magaling na ako galing sa sakit ko. At ngayon, kasama ko kanina si Mrs. Irene para raw sa upcoming performance live sa magiging interview.
Sobrang hindi ako komportable kanina. Kahit tinuturuan niya ako, na-p-pressure ako kapag tinuturuan niya ako. Iniisip ko na baka magkamali ako, mapapagalitan niya ako. Lalo lang magiging worse ang lahat sa akin.
Kaya heto ako ngayon, nakaupo para magpahinga muna pero balak kong mag-overtime ngayon para magpractice. Ayokong magdisssappointed sa akin si Mrs. Irene lalo na si... Ms. Megan.
Naisip kong kunin sa phone ng bag ko ngayon pero hindi ko alam kung saan nakalagay. Ang alam ko dito lang 'yon sa bag ko.
Dahil hindi ko mahanap ang aking phone, nilabas ko lahat ang laman ng bag ko.
Ngunit may pumukaw sa aking mga mata na isang bagay.
Ang aking diary.
Ngunit hindi lang ito simpleng ordinaryo na diary tungkol sa akin.
It's all about me being as her fan until her secret lover.
Alam niyo naman kung sino. Hindi ko na kailangan sabihin.
Palagi pa rin ako nagsusulat dito at patuloy pa rin nararamdaman ko para sa kanya.
Binuksan ko ito at naisip kong ngayon basahan ang aking unang entry sa diary ko.
Entry # 1
Hi! I am Scarlet Crux. :)
Gusto ko lang magshare ng nadiskubre ko kanina.
May isang taong sobra akong na-curious habang bumibili ako ng book. Napadpad ako sa magazine's section at nakita ko ang isang babaeng napaganda. Siguro isa sa mga ideal ko na babae, siya 'yong tipong babaeng gusto ko rin maging.
She's beautiful. She's too perfect.
Kaya imbes bumili ako ng libro, binili ko 'yong magazine na 'yon.
Alam ko na rin ang kanyang pangalan.
Siya si Megan Juxred.
Napangiti na lang ako sa nabasa ko at na-imagine ko kung paano ako maging isang die hard fan niya.
Nagsimula sa magazine hanggang naging fan niya ako. Lalo na gusto ko na siya.
Grabe, tadhana nga naman. Pinagtagpo talaga kami para sa isa't isa.
Nabigla ako sa pagbukas ng pinto ng practice room at agad kong sinara ang diary ko. Niligpit ko agad ang aking gamit para ipasok sa bag ko ulit.
"You are still here?"
Hindi ko makita ang kanyang mukha pero alam kong babae siya.
Familiar din ang boses niya.
Madilim kasi dito sa practice room at nasa ilalim ng mirror wall ang mga ilaw.
"Gagamitin niyo po ba itong room?" tanong ko sa kanya at binuksan niya na ang mga ilaw dito sa practice room.
Si Ms. Megan...
Bigla tuloy tumibok ang aking puso no'ng nagpakita ulit siya ngayon.
Wala pa rin pinagbago ang nararamdaman ko sa kanya. Gano'n pa rin.
"Hi, Scarlet... Why are you still here?" tanong niya sa akin habang papalapit ito sa akin.
"Magpapractice pa po ako. Kakapahinga ko lang ngayon." napakamot ako ng ulo habang sinasabi ko 'yon sa kanya.
"I see.You look so tired." puna niya.
Mukhang ikaw ang dahilan para magkaroon ako ng energy ngayon.
"Kumusta practice niyo together with your new choreographer?" curious niyang tanong sa akin.
"I feel so pressure pero i'll try my best to practice well." sabi niya sa akin at napansin kong naging seryoso ang kanyang mukha.
Pumunta siya sa pinaka gitna habang nagtataka ako kung bakit siya nando'n.
"Show me your performance, Scarlet." kita kong seryoso niyang mukha at mukhang bumabalik na siya sa pagiging strikto niya.
Ha? Magpapractice ako sa mismo sa harap niya? Hindi.
Nakakahiya sa kanya baka mapagalitan niya ako.
Tumingin ako sa aking relo at tiningnan kung anong oras niya.
"7 pm na pala. I think I need to go to my dorm." palusot kong sabi sa kanya at kinuha ko ang aking bag para magsimula na lumabas dito sa practice room.
"You're not going there yet. I need to teach you." striktong sigaw sa akin ni Ms. Megan at napakurap ako ng ilang beses.
Sinigawan niya ako? Oh my ghad, Scarlet.
Galit si Ms. Megan sa akin ngayon. I can feel it. Bakit kasi pasaway kong tao? Huhuhu.
"Oh! Sorry, Scarlet. Hindi ko sinasadyang sigawan ka. Please let me help you, okay?" mahinahon niyang sabi sa akin.
Akala ko galit siya sa akin. Hays. Salamat.
Pero kakasabi niya lang na tutulungan niya ako? Sa performance ko?
Napangiti ako at kinikilig at the same time. Nandito siya para tulungan ako at hindi ugali niya na tulungan ang isang katulad ko? Diba?
Weird niya.
"Bakit niyo po ako tinutulungan?" curious kong tanong sa kanya.
"Because we're friends, Scarlet. Did you forget already?" nakakunot-noo tanong niya sa akin.
Natawa ako na mukhang halatang nakalimutan ko nga pala nangyari no'ng nagdaang linggong nakalipas.
"Ah... yes... we're friends. ha-ha-ha."
Pakiramdam kong sobrang awkward ko ngayon na may halong kaba habang nakatingin kaming sa isa't isa.
Ramdam ko ang patibok ng puso ko ngayon ng mabilis.
"Let's start. Manonood lang ako sa likod mo para 'di kita maistorbo." sabi sa akin ni Ms. Megan at sinara niya ang ilaw ng practice room.
Natira ang ilaw mula sa mirror wall at nakaramdam ako ng pagtapik niya sa akin balikat.
I guess I need to start the music.
Pagkatapos, nagsimula na akong sumayaw. Like no one watching me right now.
Sumasayaw ako ngayon na pakiramdam ko na sumasayaw sa ilalim ng tubig. Ngunit may nakita akong tao mula sa malayo.
Alam ko hindi ito totoo pero alam ko kung anong meaning ng kantang 'to. This song is all about begging someone to stay with him even when they're falling apart.
I want to show to her to stay with me forever pero hindi niya alam kung mangyayari ang gusto ko.
Nagising ang aking diwa na bigla may humili sa akin at nakaramdam ako ng pagdami ng malambot sa aking labi.
I want to kiss her more...
Hindi oras para lumandi ka rin, Scarlet. Umayos ka!
Tinulak ko siya at nakita ko sa aking mga mata si Ms. Megan na napa-atras ito at napasapo na lang siya sa ulo.
I don't understand.
Anong nangyari?
Alam ko sumasayaw lang ako pero bakit ganito nangyari sa akin?
Bakit bumibilis ang tibok ng puso?
Bakit niya ako hinalikan?
I don't get it...
Hindi ako umaasa na magkakagusto siya sa akin. Wala. Hindi ko naisip 'yon. 100 percent sure na hindi mangyayari ang gusto ng puso ko.
"How...wait.. why... no...."
Hindi ko na alam kung ano itatanong ko sa kanya habang hinihintay niya ang reaksyon ko ngayon.
Hindi ko alam kung anong tamang tanong para maintindihan ko 'to.
"Just.... forget what happened earlier, Scar." sabi niya sa akin at nakaramdam ako ng inis.
"Ha? Kalimutan? Y-you make feel confuse right now, Megan. Ano 'yon? Trip mo lang halikan ako?" inis kong tanong sa kanya.
"Oh! Ghad! Scarlet, it is not what you think... I am really sorry." papalapit niyang sabi sa akin at napaatras ako hanggang napasandal ako sa mirror wall.
"Ngayon, ipaintindi mo sa akin. Bakit ka nagsosorry?" mariin kong tanong sa kanya.
"I kissed you because I like you."
Ha? She likes me?
Namalik-mata ata ako. Siguro... nananaginip ako ngayon.
Sinampal ko ang aking pisngi, "Ouch!" daing ko.
"Hey..."
It's real.
"Pero alam kong kailangan kong itigil 'to. It's getting more complicated kung ipagpapatuloy ko pa ito and I need to start not like this feeling for you." sincere niyang sabi.
Pero ang kasunod niyang sinabi, hindi ko inaasahan na sasabihin niya 'yon sa akin.
Alam konh magiging komplikado ang lahat kapag ipagpapatuloy niya ito at kailangan niyang hindi magustuhan itong feeling para sa akin.
Napagtanto ko rin na hindi magiging madali ito dahil pareho kaming nararamdaman sa kanya.
Pero hindi ko inaasahan na gano'n kadali niya ako isuko dahil lang ayaw biyang maging komplikado ang relationship namin.
Hindi ko naman masisisi siya dahil CEO siya ng EyeRed.
Gusto niyang ipa-realize sa akin na mas may importante sa kanyang buhay kaysa sa feelings niya para sa akin.
Pero ibahin niya ako, I am willing to walk in a bumby road with her as long as we're together...
Ngunit hindi naman gano'n ka-simple ang lahat pero... hindi naman pwede na ako lang hahawak sa kanyang kamay. Kailangan niya rin hawakan ang aking kamay.
Pero mukhang mauuna siyang bumitaw sa akin kung gano'n lang ang gusto niyang mangyari.
"Do you like me too, Scarlet? Gusto ko lang malaman." tanong niya sa akin.
Para saan pa kung isasagot ko ang tanong niya?
I am so disappointed to her.
Pakiramdam kong may pumupunit sa aking puso ngayon. Ang sakit lang isipin kung gano'n ang iniisip ko.
Kahit gusto kong sagutin ang tanong niya, hindi ko sasabihin ang tunay na sagot.
She's too scared to risk everything...
Na mismong ayokong magkagusto sa isang katulad niya.
I don't deserve her in my life. I am really disappointed to her.
"As a friend. But not in romantic way. Hindi ako magkakagusto sa isang katulad mo na babae." pagsisinungaling kong sabi sa kanya.
Pakiramdam ko ramdam ko ang galit sa puso ko dahil ganitong treatment binibigay niya sa akin. Lalo na sa akin, na ngayon ay nilalaban ko na ang nararamdaman ko ra sa kanya.
Masaya akong sinabi niya na may gusto siya sa akin. Pero binawi niya lang sa akin 'yong saya na binigay niya sa aking kahit ilang segundo man lang.
"I am really sorry for that kiss, Scarlet." nagmamakaawang sabi ni Megan sa akin at hinawakan niya ang aking kamay ngunit pumiglas ako.
Kahit alam kong gusto kong hawakan ang kanyang kamay.
Huminga ako ng malalim, "Let's forget that." sabi ko at ngumiti ako ng peke.
Pagkatapos, kinuha ko na ang aking bag para umalis agad dahil baka sumabog ang aking naramdaman ngayon kapag hindi pa ako aalis.
"Yes. Let's forget it. Pero hindi ko makakalimutan na tumugon ka rin sa halik ko." rinig kong sabi sa kanya at na-estatwa ako ngayon sa kinatatayuan ko.
Nauna siyang lumabas dito sa practice room at iniwan niya ako mag-isang nakatulala.
Shet! Nakakahiya ka, Scarlet! Anong mukha ihaharap mo kay Ms. Megan bukas o sa sasusunod na araw?
Goodluck talaga sa akin.
Napagdesisyunan ko na lang na umalis na lang ako sa practice room dahil baka marami na nakapila sa taxi bay. Wala pa kasi susundo sa akin pero bukas daw magkakaroon na ako ng manager kaya may hatid at sundo na ako.
Tiis-tiis lang muna ngayong araw.
Pagkalabas ko ng practice room, nakatingin ako sa bandang kaliwa ko.
Si Megan...
Nagulat ako at hindi ako nakahinga, "M-megan, b-bakit nandito pa kayo? Akala ko nakaalis ka na..."
Nakasandal ito sa pader habang sinasara ko ang pinto.
Ramdam ko na nakatingin siya sa akin kaya lalo akong naiilang sa kanya.
"Hinihintay kita." tipid niyang sagot at napansin kong nagsimula na siyang naglakad.
Megan, kaya ko pa bang tiisin ito?
Nagsimula na akong sumunod sa kanya.
***
"Get in." sabi niya sa akin habang hindi pa rin nags-sink-in sa aking utak na pinagbuksan niya ako ng pinto ng kanyang sasakyan.
Ang weird pero bakit gusto ko 'to ginagawa niya sa akin?
"Kailangan pa bang buhatin kita para makaupo na sa front seat?" inis na sabi sa akin ni Megan.
"Uupo na nga." mahinang sabi ko sa kanya at umupo na ako.
Sinara niya na ang pinto dahan-dahan at pumunta na siya sa driver seat. Pagkatapos, nagsimula na siyang magmaneho.
"Saan tayo pupunta?" nahihiyang tanong niya sa akin.
"My home." sabi niya sa akin.
Nagtaka ako kung bakit pupunta kami sa bahay niya. Kailangan ko na rin magpahinga sa condo ko. At saka, wala na akong oras para pumunta sa bahay niya.
"Ibaba niyo na lang po ako sa may taxi bay." sabi ko sa kanya at tumingin ako sa kanya.
Nakita ko itong nakakakunot ang kanyang noo habang nagmamaneho ito. Mukhang hindi ito pumapayag na ibaba niya ako.
"Doon ka na magpahinga sa bahay ko." seryoso niyang sabi sa akin.
"Ayoko." mariin kong sabi sa kanya at napansin kong huminga ito ng malalim.
Hindi ko gets kung bakit kailangan doon ako magpahinga. Lalo na sa bahay niya pa? Ano naman ihaharap ko sa magulang niya at sa kapatid niyang si Mr. Hexyl.
At saka, hindi ko pa rin makakalimutan sinabi niya sa akin pagkatapos niya akong halikan na gusto niya ako pero kailangan niyang itigil ang pagkakagusto niya sa akin.
"Bakit?" seryosong ko sa kanya at tumingin na lang ako sa bintana.
"Anong 'bakit'?" curious niyang tanong.
"Bakit mo 'to ginagawa kung gusto mong itigil ang pagkagusto sa akin?" seryosong tanong ko.
"Hindi kita yayain sa bahay ko kung hindi kita gugustuhin, Scarlet." natatawang sagot sa akin.
Ha? Naguguluhan ako. Rinig ng dalawa kong tenga na gusto niyang itigil ito pero nandito ako ngayon sa loob ng sasakyan niya papunta sa bahay niya? Napakagulo talaga niya.
"So gusto mo nga ako?" tanong ko sa kanya at tumingin siya sa aking saglit at tinuon niya ang kanyang atensyon sa pagmamaneho.
Nanatili pa rin nakatingin ako sa kanya. Hinihintay ko ang kanyang sagot.
Sumagot ka, Megan.
"Oo." ngumiti siya.
Biglang tumibok ang aking puso sa narinig kong sagot mula sa kanya.
Gusto rin kita.
"Pero hindi kita gusto."
"Hindi ko naman tinatanong." nakita ko itong ngumiti at tumingin sa akin.
Napaiwas na lang ako ng tingin sa kanya at klinaro ko ang aking boses.
Ang awkward....
Mas mabuti nang tumingin na lang ako sa bintana kaysa sa kanya. Lalo lang tumitibok ang aking puso nang dahil sa kanya.