Zahra's POV
Nagising na lang ako dahil sa katok na nanggagaling sa labas.
"Who's there!?" inaantok na tanong ko at tumayo naman ako para pagbuksan 'yon.
"Good morning, Zahra. I'm Alma Oberos." Kinusot kusot ko muna mata ko para tingnan itong kumatok.
"Oh, ano ho pakay niyo dito?" takang tanong ko at napahikab pa.
"Sabi ni Dean ay ibigay daw itong damit sa 'yo." Binigay niya sa akin ang tatlong maleta kaya napanganga ako.
"Seryoso?" gulat na tanong ko at tumango naman siya. Woah, ang dami nito.
"Pangfour years niyo na raw po 'yan na damit, kaya marami po talaga 'yan. And also, may mga gamit na rin diyang pangligo at kung ano pa."
"Weh? Akala ko hindi na kailangan ng ganito? Ano 'yon, nagjojoke lang sila?" tanong ko at napameywang.
"Hay, masanay ka na sa kanila. Mahilig sila magbiro lalo na si Dean." Akala ko pa naman mamamatay agad ako kasi magsusurvive, psh.
"Nga ho pala, may cafeteria po ba dito? Or kaya lugar kung saan pwede kumain?"
"Actually, after you take a bath, magt-tour tayo. Kung tatanungin mo rin kung saan ang c.r. sasamahan na kita, dalhin mo lang mga gagamitin mo," nakangiting sabi niya kaya tumango ako.
Pinasok ko na sa loob 'yong mga maleta at pumili na rin ako ng damit na susuotin ko ngayon.
Hmm, I wonder how does the cafeteria looks like.
Nilagay ko sa bag ko ang mga gamit na dinala ko at sumama na ako dito sa tour guide.
"Malaki ba cafeteria dito?" tanong ko naman habang naglalakad kami sa pathway.
"Yes, sakop niya ang first floor. Mayaman ang Dean, eh." Tumango naman ako at nagpatuloy lang kami sa paglalakad.
"Paano ka pala dito napadpad? Medyo bata ka pa, ah," sabi ko naman kasi parang na sa 20's ata 'to.
"I'm already 56 years old." Muntikan na akong matapilok dahil sa sinabi niya.
"WHAT?" Seriously? 56 years old sa ganyang itsura?
"Wtf, how is that even possible?" takang tanong ko at napanganga.
"Well, yeah. I've been here for years. I'm a teacher here, and my power is not growing old." Woah, that's cool!
"I hope I have that power too," nalulungkot na sabi ko. Nasagip nanaman sa isip ko ang nangyari kahapon. Aish, 'wag mo na 'yon alalahanin.
"And here we are, this is the bathroom. You can now take a bath." Tumango lang ako at pumasok na sa loob.
×××
Natapos na akong maligo at nagaayos na ako ngayon. Ngunit lalavas na sana ako nang marinig ko ang bulungan ng mga tao dito sa loob.
"So siya pala ang pumatay kay Liana?"
"Sayang, parang mabait naman."
"Duh, hindi lahat ng maamo ang mukha, mabait!"
Nilingon ko naman sila kaya nagsitigilan sila. Hindi ko na lang 'yon pinansin at lumabas na.
So gano'n pala ang tingin nila sa akin.
"Hey, are you okay?" tanong ni Ma'am kaya tumango lang ako.
"Natandaan ko ang mga araw ko noon. Ganyan na ganyan ako sa 'yo," nakangiting sabi niya kaya napangiti ako.
"Oh tara na, we have lots of places to go here." Sumama na lang ako sa kaniya kahit medyo naapektuhan pa ako aa mga sinabi no'ng mga babae kanina.
"Ito na 'yong hinahanap-hanap mo. So this is the cafeteria," sabi ni ma'am at itinuro ang sa may pinto na kulay brown.
"Pwede po ba diyan pumasok? Libre ho ba ang pagkain diyan?" Tumango naman siya kaya naglakad na kami papunta doon.
Ako na nagbukas ng pinto pero laking gulat ko na may bumuhos ng mga itlog mula sa taas at nahulugan pa ako ng timba.
Nakarinig ako ng mga tawanan sa loob ng cafeteria kaya bigla akong nakaramdam ng inis.
"Okay, so I'm back. Do you want to be punished?" Napalingon naman ako sa magsabi no'n at nakita ko ang isang matipunong lalaki. Mukhang teacher ito.
Natigilan naman ang mga estudyante at nagsiayos ng mga upo.
"Are you okay?" tanong nito at sinuri pa ako. Tumango naman ako at tiningnan ko si Ma'am Alma ngunit nakatitig lang ito sa lalaki.
"K-Kailan ka pa bumalik?" tanong ni Ma'am na parang gulat na gulat.
"Alma? Oh, kanina lang. Medyo napagod sa byahe. Kamusta ka?" Magkakilala sila?
"Uh, Sir Khloe, I shouldn't talk to you first. I'll still handle Miss Zahra," sabi niya at hinila ako sa palabas.
"Ma'am, ako po 'yong napahiya pero ba't parang ikaw 'yong gustong-gustong umalis doon?" takang tanong ko habang hila-hila pa rin ako ni ma'am.
"Just, basta, kailangan mo munang maligo ulit. Jusmeyong mga estudyante 'yon." Hmm, ano kayang meron kay Sir Khloe at gano'n ang epekto kay Ma'am Alma.
Mabuti at hindi sumabog galit ko.
×××
Natapos na ako maligo at nandito na kami ngayon sa isang building.
"And what building is this?" tanong ko at tiningnan 'uli ang building na sobrang taas na parang arena.
"This is where teachers will train you with your powers." But how can they train me if I don't even know what's my power?
"Sobrang lawak po ba diyan sa loob?" tanong ko na parang gusto ko tuloy pumasok.
"Well, we can go inside if you want." Tumango-tango ako at pumasok na nga kami.
Pagkapasok ko pa lang ay halos malaglag ang panga ko sa sobrang lawak.
"Paano niyo ba tina-train ang isang tao?" takang tanong ko at kusang napa-krus ang aking mga braso.
"It depends on your power. Since you haven't discovered your power yet, we will help you."
"And also, I'm the one who will train you." Ngumiti na lang ako bilang tugon.
Nagpatuloy na kami sa pagto-tour at napakalawak pala nang paaralang 'to.
Meron din silang field, swimming pool, library at marami pa.
"Just be careful when you're going somewhere. And also, bukas papasok ka na. Alam mo naman kung saan 'yong room 'di ba?" Tumango naman ako at ngumiti.
"Ito nga pala ang i.d. mo. Kung magtataka kung bakit napabilis ang gawa, well, this is an academy whre all students have powers, so yeah." Napatawa naman ako at kinuha ko na ang i.d.
"Osige, aalis na ako. Marami pang aasikasuhin." Tinalikuran na niya nga ako at tuluyan na siyang nawala.
Naglakad na ako sa may pinto pero nang pagkabukas ko ay bumungad sa akin si Liam.
Hinila niya ako papalapit sa kaniya at sinarado niya ang pinto nang napakalakas kaya napitlag ako.
Mariin niyang hinahawakan ang kamay ko kaya medyo nasasaktan ako.
"Tell me, who really are you?"