Nandito ako ngayon sa aking bahay at nakaupo lang sa sahig.
Medyo nalilito pa rin talaga ako sa nangyari kanina. Hindi ko alam kung kasalanan ko rin ba o kaya na-set up lang ako sa ganoong sitwasyon para mapunta sa akin ang spotlight.
Kung pwede ko lang tulungan si Liam para hanapin kung sino ang pumatay sa kaniyang kapatid, ay gagawin ko na. Pero ako ang pinagtutuunan niyang pansin dahil ako lang naman 'yong na sa harapan ni Liana nang oras na 'yon.
Bumagabag pa rin talaga sa isip ko mga sinasabi ni Liam kanina. Hay.
"Tell me, who really are you?" Napakunot naman ang noo ko dahil sa tanong niya.
"What are you even talking about?" Binawi ko sa kaniya ang kamay ko dahil masyado nang mahigpit ang pagkakahawak niya ngunit sa isang iglap ay napasandal ako sa pader at dahil sa pagkalakas no'n ay naumpog nanaman ang ulo ko doon.
"Just tell me, who really are you?!" mariin na sabi niya habang papalapit sa akin.
"I'm Zahra, okay?!" galit kong sabi dahilan para mapasapo siya sa noo niya.
"What kind of answer is that!?"
"Sinagot ko naman tanong mo, ah!" depensa ko pa dahilan para lumipad ang kaniyang kamay papunta sa aking pisngi. Sakit no'n, ah.
"B*llshit, are you dumb!?" galit na sabi niya para malito ako. Sinagot ko naman ng tama ang tanong niya, ah?
"Ano ba kasing sagot ang gusto mong marinig!? Kainis ka, ikaw ata ang bobo!"
"Who's your boss and why are you here?" tanong niya kaya napaawang ang labi ko.
"Bahala ka diyan, 'di kita gets. I'm a smart person but because of you... nevermind." Aalis na sana ako nang kinulong niya ako sa pader.
Kainis naman, oh. "What do you even want??"
"Just please, drop the act and let's get things straight." Napabuntong hininga siya bago napalayo sa akin.
Sinuklay niya naman pataas ang buhok niya. "I don't want to be angry anymore, so just please, answer this honestly. Who are you working for and why did you kill my sister?"
It's about Liana again? "Liam, if you're saying to unmask my self, and reveal my true self, I don't need to. 'Cause I'm not working for someone and I didn't kill your sister. I'm still a teenager who just want to live happily and freely."
Napahilamos pa ako sa sarili ko at nagsalitang muli, "Wouldn't you think it would be too off the scene if she was killed by me? Like, how can that be even possible. I didn't do any magic to kill her or something."
"I don't know if you're just acting but I'm keeping an eye on you. And you're still the loose goose that I will chase."
Lumbas na nga siya kaya napahilamos ulit ako. Ano ba 'tong pinasok ko? Wala naman akong kasalanan pero ako sinisisi.
×××
Umaga na at papunta na ako ngayon sa cafeteria. Nakaligo na rin ako dahil maaga akong nagising.
Habang papunta ako ngayon sa arena ay pinagbubulungan pa rin ako nila. It's about the issue of me and Liana or most likely, me and Liam's issue.
Sino ba naman ang hindi pagbubulungan kapag napagtangkahan kang pinatay mo ang kapatid ng pinaka makapangyarihan sa paaralang 'to.
Nandito na ako ngayon sa harap ng pinto. I heaved out a sigh and open the door to get in.
Pero nagulat ako nang may humarang sa dinaraanan ko. Inangat ko naman ang tingin ko at nakita ko ang dalawang maskuladong lalaki na naka-sunglass.
"Your i.d. please," sabi nito kaya binigay ko naman sa kanila para ma-verify na ako 'yon.
Tumango naman 'yon at pinapasok na nga ako. Hindi ko alam pero ngayon lang ako nakaramdam ng excitement. Naeexcite ako sa kung anong mangyayari sa akin.
Sa kasamaang palad ang unang estudyante na bumungad sa akin dito sa loob ay si Liam. May kasama pa siyang tatlong lalaki.
Teka, siya ang tinutukoy ni Dean!
"Also, kapag may nakasalubong kang apat na lalaki, 'yong palaging na sa gitna, 'wag mong gagalitin 'yon dahil baka ikamatay mo."
Shit. Nabangga ko na nga ang kinakatakutan nila.
Ngayon ko lang napansin na nakatingin na rin siya sa akin at halos limang minuto na ata akong nakatingin sa kaniya. Gosh, you're so dumb, Zahra!
Umiwas na lang ako ng tingin at lalakad na sana ako palayo ngunit hinarang nila ako.
"Remember, my eyes are always darting you," malamig na sabi niya at tinalikuran na ako.
Napabuntong hininga ako at napailing-iling na lang.
"Hey, I'm sorry about my friend. Gano'n talaga 'yon." Napaangat naman ako ng tingin at nakita ko ang lalaki na kasama ni Liam kanina.
"It's okay. Hahanap na lang ata ako ng paraan para magkaayos kami," sabi ko at pilit na ngumiti.
"I'm Jasper, by the way. Jasper Martinez," nakangiting sabi niya at nilahad ang kamay.
Tinanggap ko naman 'yon at nagpakilala, "Zahra Levesque."
"Your name fits you. Beautiful flower." Napangiti naman ako doon ngunit napawi 'yon nang makita ko si Liam na matiim na nakatingin sa amin kaya napabitaw naman ako sa kamay ni Jasper.
"Uh, hehe, sige na. Baka may sumabog," nahihiyang sabi ko at naglakad na palayo.
Pumunta naman ako sa may upuan sa gilid at tiningnan na lang ang mga pumapasok na estudyante.
Habang naghihintay ako ay bigla na lang bumukas ang pinto ng napakalakas.
Iniluwa naman no'n ang mga teachers kaya napatayo na ako. Pumila sila isa-isa kaya pumila na rin ako sa pinakalikod.
"Good morning, Zry'ans! As you can see that Mr. Khloe is back! Let's welcome Mr. Khloe a warm welcome!" masayang bati ng isang teacher na kasama ni Ma'am Alma, Sir Khloe at ang isa pang teacher.
Pumalakpak naman ang mga iilan habang ang iba ay hindi makapaniwala.
"Okay then. And also, you have a new classmate. Miss Zahra Levesque, can you please come up here!" sabi pa nito kaya napalingon silang lahat sa akin.
Wala na akong magawa kung 'di pumunta doon sa may stage.
Binigay naman nila sa akin 'yong mic para raw magpakilala ngunit pinangungunahan ako ng kaba ngayon.
Napabuntong hininga ako at ngumiti ng pilit. "G-Good morning, everyone. Just like what Miss said, I'm Zahra Levesque and nice to meet you all."
Binalik ko naman ang mic kay ma'am at napaatras naman ako.
"Okay, that was short. I hope you will be good to Zahra and I hope that you will help her when she's through hard times." Ngumiti na lang ako sa kanila nang bababa na sana ako nang hilahin ako pabalik.
Napatingin ako sa naghila sa akin at si Sir Khloe 'yon.
Bumulong naman siya sa akin pero natigilan ako sa binulong niya.
"Good luck, my niece."