Nandito na ako ngayon sa may pila ngunit bumabagabag pa rin ang sinabi sa akin ni sir.
Niece? My niece? Why niece? Pamangkin niya ako? Sino kapatid niya kila mama at papa? Gosh, it's stressing me out!
"Okay, who will go first?" tanong ni Sir Khloe at may nauna namang estudyante.
Nagulat ako nang bigla na lang siya nagbuga ng apoy. So, ipapakita nila powers nila?
Eh, ano ang ipapakita ko?? Gosh, dumagdag pa 'to!
Napahilot ako sa sentido ko habang iniisip kung ano ang gagawin ko.
"You don't know what to do, do you?" Napitlag ako nang may magsalita sa likod nilingon ko naman 'yon at si Alizee lang naman pala.
"Uh, yeah. Hindi ko pa nga 'diba nadidiscover ang power ko. Hindi ko alam kung ano ang maipapakita ko sa kanila."
"Don't worry, I can help you with that," sabi niya na nagpakunot ng noo ko.
Binulong niya naman sa akin 'yon na ikinanlaki ng mata ko.
"Sigurado ka diyan?" gulat na tanong ko at tumango lang siya.
F*ck! Baka mapa'no ako niyan!
"Pero, Alizee. Baka may ibang rason pa?" I got a bad feeling about this.
"Don't worry, I know he will not hurt you that bad." What? Anong hindi ako sasaktan?
"But... alam mo namang malaki ang galit niya sa akin!" sabi ko pa. Napakagat-kagat ako sa kuko ko dahil hindi ko alam kung susundin ko ba o hindi.
"I'll help you. Don't worry about it." Napabuntong hininga na lang ako at napatakip ng mukha.
Gosh, Alizee. I don't know why you're driving me crazy. Not because I like her or something, but she's really driving me crazy.
×××
Alizee is the one who's performing now. She's using her power of wind, and she's so cool.
"Next!" sigaw ni Sir kaya dali-dali akong tumakbo sa harap ngunit sa kasamaang palad ay nakabanggaan ko si Liam. F*ck, I wasn't expecting that.
Natumba kaming pareho kaya natigilan ang lahat ng estudyante at napunta ang atensyon sa amin.
"F*ck, that hurts!" daing niya at tiningnan ako ng napakasama.
Shit, I don't know what to do!!
Bigla siyang lumapit at sinakal ako ngunit wala sa kanila ay pinigilan kami. Bakit sila nag-e-enjoy? Ang sakit!
"You really want to be the spotlight, do you?" seryosong sabi niya. Lalo niya pang hinigpitan ang pagkakasakal sa akin kaya lalo akong hindi makahinga.
"P-Please, l-let me go!" Pilit kong tinatanggal ang kamay niya sa leeg ko ngunit walang tabla.
"Oh? You regret going here? Psh, you should be 'cause you don't know who you're fighting with. Because of you, my twin sister died." Lagi na lang tungkol kay Liana!
"Wala nga akong kasalanan! Why do you keep on putting the blame on me!?" sigaw ko. Bigla na lang siya natalsik papunta sa may pader ngunit may nakatusok nanaman sa kaniya na mga bulaklak at bituin.
Just like what happened before yesterday.
Ngunit mas nanaig ang galit ko kaisa sa awa.
"You keep on saying that it's my fault even if it's not," bulong ko at napapahid ng luha.
"Why are you angry to me even if it's not my fault!!" sigaw ko pa bigla na lang akong lumutang ngunit 'di ko 'yon pinansin.
"Bakit ba? Wala naman akong kasalanan, pero bakit sa akin ka galit? Wala ka namang ebidensiya na ako ang pumatay kay Liana, kaya 'wag na 'wag mo 'kong sisihin!" dagdag ko pa. May lumabas na mga metal na bituin at bulaklak sa may kamay ko kaya tinapon ko 'yon kay Liam at natusok 'yon sa may kamay niya.
"Oh, ano. Gulat kayo kasi nakalaban ko ang pinaka makapangyarihan dito sa paaralan na 'to? F*ck him. Takot pala kayo sa hambog na 'yan! Mga duwag din ba kayo at hindi niyo 'yan nakakalaban?" natatawang sabi ko.
Nakarinig naman ako ng palakpak kaya nabalik ako sa wisyo. Bigla akong bumagsak kaya nanghina ako.
Nandilim nang tuluyan ang paligid ko at hindi na nalaman pa ang nangyari.
×××
Someone's POV
Nang matumba si Zahra ay sumilay ang ngisi sa aking mukha.
"Mukhang mas lalong magiging delikado ang buhay niya."