Zahra's POV
Pagkamulat ko ng aking mga mata ay unang nakita ko ay puting ilaw. Na sa langit na ba ako?
"You're awake." Napalingon naman ako sa nagsabi no'n at nakita ko si Ma'am Alma at si Sir Khloe.
Tumango naman ako ng marahan at napaupo. "Ano po bang nangyari?"
"Nahimatay ka. Isang linggo ka nang tulog. Buti nga hindi pa tumagal. Okay ka na ba ngayon?" sabi ni Ma'am Alma na ikinanlaki ng mata ko.
Isang linggo?! Oh, f*ck, I remembered now.
"Oh my gosh," bulong ko at napasandal sa headboard. Pinaguuntog ko ang ulo ko doon sa headboard dahil sa katangahan ko noong kinalaban ko si Liam. Gosh.
Naramdaman ko na malambot na 'yong headboard kaya napalingon ako doon ngunit isang kamay lang ang bumungad sa akin. Nilingon ko naman ang sa gilid ko at nakita ko si Jasper.
"Jasper? Anong ginagawa mo dito?" takang tanong ko at inalis kamay niya sa headboard.
"Para kang tanga. Binibisita ka, syempre. Buti nga nagising ka na," sabi niya at umupo sa monobloc. Sinenyasan naman na umalis na sila Ma'am at Sir kaya lumabas na silang dalawa.
Napalingon naman ako ulit kay Jasper na inaayos ang pagkain.
"Kamusta naman pakiramdam mo?" tanong niya at nilagay sa bed side table ang pagkain.
"Tanungin mo 'yong pakiramdam ko, 'wag ako," nauumay na sabi ko at humiga.
Tinalukbong ko sa akin ang kumot at inisip kung bakit ko 'yon ginawa.
"Why don't you eat first? Baka lumamig na 'tong lugaw na binili ko," sabi pa ni Jasper kaya inalis ko kumot ko sa akin.
Nilingon ko naman siya at napanguso. "Salamat, shopee."
"What?"
"Salamat, shopee," ulit ko pa at kukunin na sana 'yong lugaw nang pigilan niya ako.
"My name is Jasper," sabi niya pa at inagaw sa akin 'yong lugaw.
"Eh, akin na 'yong lugaw, nagugutom na ako!" sabi ko at nakipagagawan sa kaniya.
"Salamat, Master muna," pangiinis niya kaya napanguso ako at nagtalukbong ulit. Kakain na nga lang, may pasalamat master pa.
"Okay, okay. Here. Eat it all. Ikaw lang naman ulit kakain niyan." Kaya inalis ko nanaman ang kumot at inagaw sa kaniya ang lugaw.
Pagkasubo ko pa lang ng lugaw ay halos bumagsak na ako sa sarap.
Napakain ako ng marami dahil sa gutom na gutom ako ngunit natigilan ako nang bumukas ang pinto at niluwa nito si Liam.
Nabagsak ko naman ang kutsara kaya nabalik ako sa wisyo. Pinunasan ko naman 'yong kumot ko na may konting lugaw at inilagay ang lugaw sa may bed side table.
Bigla na lang nagsalita si Liam, "Jasper..."
"Why are you here?" tanong ni Liam kay Jasper kaya napatayo si Jasper at lumapit kay Liam.
"I was just visiting her. Baka kasi gumising na at gumising na nga." Nilagay niya ang kamay niya sa may bulsa niya at nakipag-espadahan ng tingin.
"Okay then. You may now go out," sabi ni Liam at tinapik-tapik ang balikat ni Jasper at lumapit sa akin.
Tiningnan ko lang siya ng nakakalitong mukha ngunit binayaran niya lang ako ng blanko.
Walang magawa si Jasper kung 'di iwanan kami. No, don't leave me with this asshole.
"S-So-r.." Napalingon naman ako kay Liam nang magsalita siya.
"S-So-Sor-"
"Aish, why is it so hard," galit na sabi niya kaya napakunot ang noo ko. Ano ba sasabihin niya?
"B-Bakit ba kasi, Liam?" tanong ko ngunit napahampas siya sa higaan ko dahilan para mapaatras ako.
"Because of you... the dean gave me a punishment that I will be your guard for four years. F*ck, did you even know that I was so embarrassed that time?!" galit na sabi niya bigla nanamang umitim ang mata niya kaya napaiwas ako ng tingin.
"I'm sorry, I'm sorry," sabi ko at yumuko nang bahagya.
"F*ck, you're stressing me." Napahilot siya sa kaniyang sentido at pilit na pinapakalma ang sarili.
"Why... Why did you have that power?" biglang tanong niya at tumigil sa paghihilot. Napatingin naman siya akin ng seryoso.
"I-I don't know what you're talking about," nauutal kong sabi at napaiwas ng tingin. Nakakatakot mga mata niya. Para akong matutunaw!
"You're stuttering. So you do know about your power a long time now," seryosong sabi niya at napakrus ng kanyang braso.
Ano?? Wala nga akong alam sa powers-powers na 'to! Psh, here he goes again with his suspicions.
"What are your plans? What do you want from here?" dagdag niya pa kaya napalingon ako sa kaniya.
I just glared at him but it doesn't seem that he's affected. I just rolled my eyes and lay down.
"You're quiet, so it is true that you know about your powers."
Napahampas naman ako sa aking higaan at tiningnan ulit siya. "Kanina ka pa! Nakakainis ka na, f*ck. Hindi ba pwedeng ayaw kong kausapin ka? Panira ng mood."
Aalis na sana ako sa higaan ko nang hilain niya kamay ko pabalik.
"You're getting annoyed," he said as his head getting tighter. I gritted my teeth because of annoyance. Gosh.
"Can you please let me go. It really hurts."
I heaved a sigh and let him see my straight face. "If you want answers, ask me with respect, okay?"
Binitawan na nga niya ang kamay ko at napasandal sa upuan. "Are you a spy?"
"No," tanging sagot ko.
"An assassin? Demon's daughter? A crazy woman? A-"
"Tanungin mo nga ako ng maayos!" singhal ko kaya napatikom siya ng bibig at napailing-iling.
"I guess, you're the demon's daughter." What the? Okay, maybe I agree with that. 'Cause my father is literally like a demon.
"Wait a minute, why are you so nice to me today? Uh, not really nice tho," sabi ko at tiningnan siya.
"As I said, I have a punishment. And the Dean said if I will disobey you, he will give me a heavier punishment. But I'll tell you this. I will never forget and forgive what you did to my sister, unless if you're not the real killer." Tumalim naman ang tingin ko sa kaniya. Psh.
"Hmm, you'll never hurt me again?" tanong ko at napangiti ng pilit. Ngunit napawi na lang 'yon dahil sa sinabi niya. "Oh, no. I'll still hurt you until you die."
It creeps me out so I turned my gaze to my other side.
"Well, for now, I won't. But, maybe when you graduate?" Tumawa siya ng malakas kaya napapikit ako. Gosh, this miserable life!
"N-Nga pala, n-natandaan ko na natusok ka no'ng parang metal na bituin. Kamusta kamay mo?" pag-iiba ko sa usapan at napakamot sa batok.
"Well, I was glad because lady luck was on my side that day and I'm still alive. Thanks to Cannenta, I was healed. But don't do that again, I will really kill you."
"You may now go out, Liam. Kagagaling ko pa lang sa coma, tapos ganyan bungad mo," seryosong sabi ko at napahiga na lang. Tinakpan ko mukha ko gamit ang kumot at napabuntong hininga.
"Well, if you say so. And also, good luck," bulong niya. Narinig ko ang pagbukas ng pinto at pagsarado no'n kaya tinanggal ko na ang kumot ko.
Bakit siya gano'n? Bahala na. Sana tumagal pa ako dito.
Habang nagmumuni-muni ako dito ay biglang bumukas ang pinto kaya napabalikwas ako. "Good afternoon, Ms. Levesque."
"Oh, good afternoon, Dean!" bati ko at napaupo ng maayos. Lumapit naman siya sa akin at umupo sa may gilid ko.
"Are you feeling better now?" Marahan naman akong tumango kahit medyo masakit ulo ko ngayon.
"Right, after you discharge here, you will meet someone. It may be hard but I know you can do it." Napataas naman ang kilay ko sa sinabi ni Dean. "What do you mean by that, Dean?"
"You'll know it soon. Well, I better go now. I need to talk to someone. Have a good rest," sabi niya at lumisan na nga. Napakagat ako sa kuko ko at inisip kung anong mangyayari sa akin.
Papatayin ba ako no'n? Ah, mas lalo ako nitong ni-s-stress. Napahikab naman ako at napasandal sa headboard. Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa at nagpahila na sa demonyo ng kaantukan.
×××
Linggo na ngayon at hindi pa rin ako nakakalabas dito sa parang kulungan. Ang pangit pa ng lasa ng gamot dito. Para akong nilalason. Lagi na lang ako nakatunganga sa bintana. Ang schedule ko naman ay tulog, kain, tulog, kain. Para na akong mamamatay dito. Magaling naman ako pero si Dean naman ay nag-aalala, baka raw mapa'no ako.
"Good morning, Ms. Levesque." Napalingon naman ako sa nagsabi no'n at nakita ko si kuyang guard.
"Oh, kuyang guard, anong ginagawa niyo dito?" Ilang araw ko na rin 'tong 'di nakikita si kuyang guard simula no'ng iniwan niya ako para gumawa ng bahay.
"Here's your clothes. Magbihis ka na. Pwede ka nang ma-discharge." Napangiti naman ako dahil makakalaya na ako dito.
Kinuha ko naman ang paperbag sa kamay niya at tiningnan ito. "Sige po. Salamat dito."
Lumabas naman siya kaya nagbihis na ako. Tiningnan ko naman sarili ko sa repleksyon ko sa salamin ng cabinet. Nang matapos na ako ay lumabas na ako.
Nakita ko naman si kuyang guard na nakatayo at mukhang hinihintay ako kaya lumapit na ako sa kaniya at kinurot tagiliran niya dahilan para mapalingon siya.
"Come on. Your mother wants to see you."