Dali-dali akong lumabas at hinanap kung saan si Liam ngayon. Gosh. Ano ba kasing nangyari? Teka, bakit ako nag-aalala? It's none of my business! Right, none of my business. But what if something bad happens to him? Oh, gosh. Why am I worrying for him? It's none of my business but why does my feet wants to go there?
Wala na akong ginawa kung 'di magpadala sa aking paa at hinanap kung saan ba si Liam.
Ngunit nang makarinig ako ng sigawan mula sa loob ng isang room at 'yon ay sa AVR (audio visual room).
Dali-dali akong lumapit doon at binuksan ang pinto. Nakita kong nakaupo si Liam sa electric chair at sila Dean at ibang teachers ay kalma lang. Nandito rin sila Jasper. Teka, ito ba 'yong dahilan kung bakit sila umalis?
Lumapit ako sa kanila kaya napabaling ang atensyon nila sa akin. "What are you doing here, Ms. Levesque?" tanong ni Sir Khloe at napakrus ng kanyang braso.
Nilingon ko muna si Liam at napatingin din siya sa akin at mas lalo siyang nagalit. "Ikaw! Ikaw ang kumuha sa katawan ni Liana! Saan mo siya dinala!!" Ngunit mas lalo lang siya nakuryente at 'di na nakapagsalita pa.
Wait, what? Kinuha ko ang katawan ng ate niya?
"I heard the scream. At kusang naglakad ang mga paa ko papunta dito," sabi ko at tiningnan uli si Liam na nakaupo na hirap na hirap dahil kinukuryente pa rin siya nito. Nakatali rin sa kaniya ang mga belt kaya hindi talaga siya makakaalis.
"You shouldn't be here, Ms. Levesque. Go back to-" Someone cut Ma'am Alma and it was Dean.
"It's okay, It's okay. Zahra, can we talk for a moment?" sabi ni Dean kaya napatango na lang ako at pumunta sa labas ng AVR.
Ako na ang unang nagsalita, "Ano pong nangyari kay Liam? Bakit siya nakakulong doon sa electric chair? At ano po bang ibig sabihin niya na kinuha ko ang katawan ni Liana?"
"Her sister's body is not in her grave. It's now gone. And how did he knew that? Because may hukay na doon. At bigla na lang siya nagwala, kaya muntikan niya nang maggiba ang faculty room." Nanlaki naman ang mata ko dahil sa sinabi ni Dean. Bakit nawala? At tama nga ang sinabi ng mga babae kanina!
"And we don't know who did that. It's not you, right?" Napailing-iling naman ako dahil hindi naman talaga ako.
"Nautusan nga ho akong patayin si Liam at Liana kahit patay na si Liana, pero hindi ko po gagawin 'yon! Kaya nga po tinanong ko kung anong ibig sabihin niya do'n sa sinabi niyang kinuha ko ang katawan ni Liana. Baka ang gumawa no'n ay ang may galit kay Liana, o kaya kay Liam," mahinang sabi ko at napaisip.
"And that, we will find out later." Bumalik na kami sa loob at nakita si Liam na natutulog na sa upuan.
"Nakatulog na siya dahil sa sobrang pagod kaka-pumiglas," sabi ni Ma'am Helen, isa sa mga teachers.
I don't know who did it but I'm sure na ang gumawa no'n ay ang may galit sa magkapatid.
×××
Nandito kami ngayon sa gymnasium dahil i-te-test daw ang aming power through sports. Although hindi ko pa alam kung paano gamitin ang aking powers, but I'm sporty so it's a win-win for me.
Naka-jogging pants at shirt kami ngayon at nakaupo lang ako sa gilid habang tinitingnan ang mga ibang tao rito na ginagamit ang kani-kanilang powers.
Ang iba ay ginagamit ang wind power, fire power, telekinesis, teleportation, time manipulation, super strength at iba pa. Ang galing nga nila, habang ako ay stars at flower na hindi ko maintindihan kung ano ang use no'n kahit sinabi ni mama na delikado raw 'yon.
"Hey." Napalingon naman ako sa nagsabi no'n at si Alizee pala.
"Hey," bati ko rin. Umupo siya sa tabi ko at napahawak sa batok.
"How's Liam? I heard that he almost destroy the faculty." Uh, yeah. That.
"Well, yeah. Someone stole the body of Liana in her grave and we're still working on that. Even though I have to ki- I mean, even though we're enemies, I have to help him to prove my innocence." Muntikan ko nang masabi na papatayin ko si Liam! Gosh, ang lutang ko!!
"Yeah. Good luck with that. You might not know that the enemies are just right under your noses." Napalingon naman ako sa kaniya at seryosong-seryoso siya na nakatingin sa baba.
"Yeah," mahinang sambit ko at napabuntong hininga.
"Well, I better go." Tumayo na siya at lumapit sa mga naglalaro.
I wonder why did that person stole the body of Liana. Is he a creep? Or he's getting his revenge by some reasons?
"Okay, we will start our activity with dodge ball." Tumayo na ako at lumapit sa kanila.
"Alam niyo naman siguro ang dodge ball?" We responded with a simple 'opo'. And we started our game.
"But the game of dodge ball that we are playing today is different. As I said earlier, we have to use our power while playing a game. I hope all of you guys will cooperate!"
Nagsimula na nga ang laro at ako ay sa next round pa. Simula pa nga lang ng laro ay nagkanda-nganga na ako sa sobrang galing nila. Woah, they're cool!
"I wish I can do that," mahinang bulong ko at pinagmasdan na lang sila ng mga galaw at paano 'yon ginagawa.
Natapos na sila at sunod na kami. Hindi ko rin alam kung ano ang gagawin ko kaya sa likod lang ako at pinapanood sila ngunit napatindig ako ng maayos ng tawagin nila ako.
"ZAHRA!!" Hindi ko alam na may bola ang papunta sa akin ngunit hindi ako makagalaw sa aking kinatatayuan at natamaan nga ako ng bola sa mukha.
Natumba ako at nandilim ang paningin ko dahil sa impact ng bola sa akin. Tuluyan na ngang nawalan ako ng malay at hindi na alam ang nangyari pa.