Naggising na lang ako dahil sa paggalaw ng tao dito sa may gilid ko. Nilibot ko naman ang paningin ko sa kwartong ito ngunit hindi siya parehas na kwarto doon sa hospital.
Bigla namang kumirot ang ulo ko nang umupo ako.
"Good evening." Napalingon naman ako sa nagsabi noon at laking gulat ko nang bumungad sa akin si Liam. "I know you're asking why are you here. Because I save your ass out there. I didn't know that you're such a weakling."
Nagsalubong naman ang dalawang kilay ko dahil sa sinabi niya. "And why did you save me?" inis kong tanong.
"Meh. I wouldn't save you if it weren't for the punishment. And also, if you're asking why I'm here, meh, I don't have time to answer. So I'mma get going. My robot will overheat."
Umalis na nga siya at iniwan ako sa kwartong hindi ko naman alam. Weird.
×××
Nandito na ako ngayon sa bahay at isang linggo na ang lumipas simula no'ng insidenteng 'yon.
Kasama ko ngayon si Jasper papunta sa arena at naguusap kami ng mga tungkol sa experience niya sa powers niya.
"Ay oo nga pala. May test ngayon. Parang ite-test ka ng mga teachers gamit ang powers mo. Parang last time pero ibang laro. Madali lang naman 'yon. May part na rock-climbing, archery, wrestli-" I cut him off after I heard him saying those things.
"Bakit may rock-climbing!? Hindi naman ako marunong no'n. Okay lang sana kung archery!" kontra ko at lumabas.
"Wala na tayong magagawa diyan. Gagamitin no naman ang powers mo. 'Di ba na-control mo na 'yon?" takang tanong niya kaya napanguso ako at umiling.
Nadismaya rin siya dahil sa tugon ko sa kaniya. "Pa'no 'yan? Ang cool pa naman ng powers. Although walang nakakaalam kung ano 'yon."
Napabuntong hininga na lang ako at ngumiti. "Okay lang, tara na. Baka mag-start na 'yon."
Ngumiti rin siya at naglakad na kami patungo sa arena. Medyo tahimik sa pagitan naming dalawa dahil baka nahihiya nanaman ito. Sa mga nagdaang araw, siya lang nakakausap ko dahil siya lang naman ang pumupunta sa bahay ko. Hindi ko alam pero napakabait niya sa akin. Compare to Liam, he's like a kid who doesn't want to play with anyone. He only wants to be alone. But... why am I thinking of him?
I suddenly remembered what my mom said about killing Liam. How can I kill him if he's the most powerful student! And, that was an order from my mom so I can't do anything about it. Gosh, I think this is the hardest thing that I'll do. Another thing is, I don't know how to kill people! Well, if it's my father I would, still, I don't want to kill people.
"Ang lalim ng iniisip mo. Care to share?" Napalingon naman ako kay Jasper na nakatingin rin sa akin na nakakunot ang noo. Napabuntong hininga naman ako at umiling iling. "Wala lang 'yon."
Namayani ulit sa amin ang katahimikan, hindi dahil sa awkward, kung 'di hindi namin alam ang pag-k-kwentuhan. At dahil hindi naman ako mapride ako ang unang nagsalita. "Right, anong oras pala ang start ng test?"
Biglang bumukas ang pinto ng arena at dumating si Sir Khloe dala-dala ang ngising nakakaloko. Ganyan palagi ang itsura ni Sir kaya napapagkamalan ko 'yan na baliw.
"Mga ngayon. Tara na," sabi ng katabi ko kaya napatawa ako ng mahina at sumunod na lang sa kaniya.
"You all know about our test today, right?" Tumango naman ang iilan kaya mas lalong lumaki ang ngisi ni Sir sa kaniyang mukha. "But we will change our game for today." Nagsimulang magbulong-bulongan ang mga tao sa paligid dahil sa sinabi ni Sir.
1 month pa lang ako dito at hindi ko alam kung ano ang pinag-uusapan nila. "Bakit sila nagsimulang mag-bulong bulongan?" tanong ko kay Jasper ngunit pati rin siya ay nagiisip.
Sinundot ko siya kaya napabaling ang tingin niya sa akin. "Oh, ano 'yon?" tanong niya na nakataas ang kilay.
"Bakit sila nagsimulang magbulong-bulongan?" takang tanong ko at tiningnan siya ng matiim. Base on his expression, he's getting nervous. Bigla na lang din ako nakaramdam ng kaba dahil itsura nila.
"Uh, ganito kasi 'yan. Kapag ganyan na ang sinabi ni sir, ibig sabihin patayan na. Hindi naman sa literal na patayan, pero, parang gano'n. Basta matira matibay." Napalunok ako dahil mukhang ang gagaling nila. At ako naman ay hindi pa alam ang powers ko kaya 'di ko na alam ang gagawin ko!
"So I'll pick 2 names here in my notebook. And whoever I will call will come up to the stage." Nakangisi lang si sir Khloe na para bang may pinaplano. Nagsimula na siya maghanap ng pangalan at napasinghap ako sa unang tinawag niya.
"Liam Noveno and Zahra Levesque."