Napatingin naman sa akin ang mga tao at napatakip ng mga bunganga dahil sa gulat. Kahit ako ay gulat na gulat. Tiningnan ko naman si Liam na may ngiti sa labi at pumunta sa stage. Wala akong ibang magawa kung 'di pumunta rin do'n kahit nanginginig ang mga tuhod ko.
"Let the battle begin!" sigaw ni Sir Khloe ngunit sa isang iglap lang ay may pumulupot sa akin na mga parang vines. Hindi parang kung 'di vines lang.
Lumapit naman sa akin si Liam na itim na itim ang kanyang mga mata. Kung nakakamatay lang ang titig ay nakahandusay na ako ngayon at hindi na humihinga! Oh my gosh, this is creeping me out. I don't know what to do!
Kahit itim na itim na ang mga mata niya ay may ngisi pa rin sa labi niya na hindi mapawi-pawi. "I like seeing you with that position."
Bigla namang kumati ang buong katawan ko dahil sa vines na 'yon. Hindi ako makalaban dahil sa higpit ng mga vines. Hirap na hirap na rin akong makahinga.
Lumapit pa siya at bigla akong sinakal no'ng vines. F*ck. "P-Please, let me go, first," pagmamakaawa ko sa kaniya dahil mas lalong humigpit ang vines sa katawan ko at hindi na talaga ako makagalaw.
"Let you go?" Tumawa pa siya ng mapakla at napailing-iling. "Why would I let you go? Dahil ba alam mong magkakaroon nanaman ako ng parusa kapag tinangka kitang patayin? Eh, paano naman ako!? Halos ako 'yong nagmumukmok dito dahil sa pagkawala ni Liana ngunit parang ako 'yong masamang tao! If it weren't for you, she's still alive!" Bakas sa mukha niya ang galit at lungkot sa bawat salitang binibitawan niya.
Gusto ko man magsalita pero sobrang higpit ng vines. Hindi na ako makahinga. Hindi ako makagalaw. Wala akong magawa. Hindi ko kayang gamitin ang powers ko.
"Bakit ba ang sama ng tingin niyo sa akin?" Napaupo siya at nagsimulang tumulo ang mga luha niya. Napasinghap ang mga tao dahil sa nakikita nila kay Liam. "Inaamin ko naman na masama ang ugali ko pero bakit gano'n kayo? Parang diring-dirry kayo sa akin!"
I wasn't expecting that the most powerful student here in this academy will cry. I never expected thing like this. I never expected that he will cry.
Dahil sa pagiyak niya ay lumuwag ang mga vines na nakapulupot sa akin. Nakahinga na ako ng maayos dahil doon at napaluhod. Mabibigat ang aking paghinga. Hinang-hina na rin ako. Pero mas nanghina ako dahil nakikita ko si Liam na umiiyak. Naawa ako sa kaniya dahil sa pagkawala ng ate niya. Naawa ako sa kaniya dahil parang tigre ang itsura niya pero may side pala siya na parang kuting.
Nagdadalawang isip na nga ako kung papatayin ko pa ba 'to o hindi. Madali pa naman makuha ang loob ko, but not literally.
Kahit nahihirapan ako ay lumapit ako sa kaniya ngunit sa isang iglap lang ay nakayakap na siya sa akin. Sobrang higpit ng yakap niya parang ayaw niyang kumawala.
Tiningnan ko si Sir Khloe at bakas sa mukha niya ang pagkagulat. Pati na rin sa mga estudyante dito ay gulat na gulat. Kahit ako, nagulat ako nang niyakap niya ako ng mahigpit na parang ako 'yong nanay na hinahanap-hanap niya noon pa.
Inalo ko naman siya at hinaplos ang likod niya. Mas lalo siyang sumiksik sa may leeg ko kaya hinaplos ko na lang ulit ang kaniyang likod.
"E-Everything will be fine. I'm here, don't worry," pagaalo ko sa kaniya na para bang nanay niya ako.
×××
Natutulog na ngayon si Liam sa kanyang kwarto at kasama ko ang ilang teachers. Kahit sila ay ang lalim ng iniisip dahil sa nangyari kanina.
"I don't know. But why it happened all of a sudden?" tanong ni Ma'am Helen at napakrus ng kanyang braso: tila nagiisip kung ano nga ba ang rason kung bakit siya nagkakaganito.
Napalingon kami kay Sir Khloe nang mapa-buntong hininga siya na kanina pa itong tahimik. "I wasn't expecting this." Kahit ako, hindi ko inakala na mangyayari 'to sa kaniya.
Tiningnan ko uli ang tulog na Liam na ubod ng gwapo. Bakit ba nagkakaganyan ka? May nainom ka ba? O baka may nangkulam sa'yo? Halah! Hindi, hindi. Hindi 'yon mangyayari.
Nagulat ako nang gumalaw ang mga daliri niya kaya na-alarma kami. Nang maimulat na niya ang kanyang mata ay unang napalingon siya sa akin at seryosong seryoso siya.
Bigla niya naman akong hinila papalapit kaya natumba ako sa ibabaw niya. Shit, nakakahiya! Nandito ang ibang teachers!
Niyakap niya ako nang napakahigpit at nagsimula nanaman siyang umiyak ngunit hindi na siya gano'n karinig. Sumenyas naman si Sir na lalabas muna sila kaya tumango na lang ako.
"Liam, okay ka na ba?" tanong ko at kumalas pagyayakap niya sa akin. Namamaga naman ang mata niyang mala-dahon ang kulay. Ngayon ko lang napansin na ang gandang titigan ng mga mata niya. Ngunit napansin kong umangat ang gilid ng labi niya.
Ngumingiti siya. Ngumiti siya! Okay, I also didn't expect this 'cause why the hell would Liam Noveno will smile like that!? This is getting weird! And I think this is the first time that he smiled in his life!
"Hey, you've been staring at me for like 4 minutes now. Am I that handsome, love?" pagpukaw niya sa akin na mas lalong ikinanganga ko. Impostor ba ang Liam na 'to?! Hindi ito si Liam! Gusto niya akong patayin pero bakit parang bumaliktad ang ihip ng hangin? And what did he call me? Love?! LOVE? Okay, calm down first. This is not Liam and he will never be Liam!
"Hey, hey. Why are you not answering me? You don't love me anymore?" Napaatras ako dahil baka isa ito sa mga plano niya. Pero kung isa man ito sa mga plano niya, alam kong hindi sa ganitong paraan. Nalason ba 'to? Ay hindi, kung nalason man dapat patay na ito. Gosh, what's happening to you, Liam?!
Lumapit naman siya sa akin at kumapit sa braso ko. Napanguso siya at nagsalita, "You have someone new? You don't love me anymore, do you? Don't tell me that you love my bestfriend, Jasper!" pagmamaktol niya at napabitaw sa akin.
Literal na napanganga ako sa inasta niya. "Liam, is that even you?" paninigurado ko at sinuri pa siya.
"Of course this is me. Love, you're getting weird." Ako pa ngayon ang weird? Gosh!
Kinurot ko naman ang sarili ko kung nanaginip ba ako ngunit nappadaing lang ako. "Shit," bulong ko sa sarili ko at napasabunot.
"Hey, love. What day is it today? I thought we will date?" he asked that literally left me dumbfounded. F*ck.