Chapter 4: Weird as Walrus IV

Nakahiga kami ngayon dito sa may mga box dahil sa sobrang pagod maghabulan. Ngayon lang ulit ako nakaramdam ng tuwa at saya. Nagagawa ko lang 'to noong panahong buhay pa si mama.

"Love..." Napalingon naman ako kay Liam na nakatingin sa taas dahil padilim na.

"Hmm."

"Am I that bad?" tanong niya na nagpaisip sa akin. He's not that bad. He's just like a kid who just wants a hug from her mother.

Sumagot naman ako, "No, you're not."

Nakita kong umangat ang gilid ng labi niya kaya napangiti ako. Dumapa ako para makita ang buong mukha niya. "You're very evil." Tumawa ako dahil sa joke ko ngunit siya naman ay napairap.

"Just kidding. I know you're kind," nakangiting sabi ko at pinitik ang noo niya.

"I love you." Napawi naman ang ngiti ko dahil sa sinabi niya. Napakagat ako sa ibabang labi ko dahil 'di ko alam kung ano ang sasabihin ko.

"No response?" sabi niya na nakataas ang kilay ngunit sa isang iglap lang naglapat ang labi niya sa akin. Pilit ko siyang tinulak ngunit hinawakan niya lang ang kamay ko at hinawakan 'yon ng mahigpit na parang ayaw niya na ako pakawalan.

Nanghihina ako dahil sa halik niya. F*ck. No, no. Papatayin mo siya. 'Wag kang ganyan.

Hindi na lang ako gumalaw hanggang sa tumigil na siya. Napansin kong nagpalitan kami ng laway dahil magkadugtong na 'yon mula sa labi ko papunta sa labi niya. Iw.

"You still didn't response. You don't love me anymore?" Lumayo ako dahil nanginginig ang mga kamay ko dahil sa kilig at kaba.

"Oh, you really don't love me anymore." Napasapo naman ako sa noo kaya lumapit ako ulit.

"No. I l-love you." F*ck, no! I don't really love you! Napilitan lang ako, pwe!

Ngumiti naman siya. "Okay then."

F*ck. There's no way that I will love a man who wants to kill each other!

Ngumiti na lang ako ng pilit at nagiwas ng tingin. Nasagi nanaman sa isip ko ang trip bukas kaya tumayo ako.

"Liam, we need to go. We still have to prepare our stuff, you know. Baka maiwan tayo bukas," sabi ko naman sa kaniya habang pinapagpagan ang sarili ko.

Tumayo na rin siya at sumunod sa akin pababa sa building.

×××

Nagaayos na ako ngayon ng mga gamit ko kahit mga damit lang naman ang dadalhin ko at iba pang gamit na pang-ligo.

Si Liam naman ay naayos na ang mga gamit niya sa loob ng 15 minuto lang kaya nandito siya ngayon sa bahay ko, tinitingnan ako habang inaayos ang mga gamit dito.

"Alam mo, Liam. Matulog ka na lang sa inyo. May higaan ka pa doon at mas komportable. Kaya balik ka na sa inyo," pagtataboy ko sa kaniya ngunit ngumiti lang siya ng nakakaloko.

"Who said that I will sleep in my house?" Halos manigas ako sa kinatatayuan ko nang sabihin niya 'yon. No. Please no.

"Liam, nakatabi mo na ako no'ng kahapon at na sa higaan pa. Pati ba naman dito? Umuwi ka na, tsupi!" Tinulak ko naman siya palabas at sasaraduhin na sana ang pinto nang hinarang niya ang paa niya.

"Just this night." Nagpacute pa siya pero walang epekto sa akin at inipit ang paa niya na nagpadaing sa kaniya at inalis niya 'yon.

"Matulog ka na lang sa inyo! Mas komportable doon!" sigaw ko pa bago ni-lock ang pintuan.

Nakahinga naman ako ng maluwag at napahawak sa dibdib ko kung saan parte ang puso ko at dinamdam 'yon. Ang naririnig ko lang dito ay ang pintig ng puso ko at ang paghinga ko.

Binabaliw ako ni Liam, kainis!

Tinulog ko na lang 'yon pero pagkahiga ko pa lang ay naisip ko agad no'ng hinalikan ako niya. Argh. Kung matatauhan talaga siya mandidirry rin siya. Iw.

×××

Nandito na kaming lahat sa may gate at syempre, nakaakbay nanaman sa akin si Liam na parang girlfriend niya talaga ako. Psh, kung 'di lang talaga ito na-potion, patay na sana ako ngayon. Pero, kailangan ko na talaga siyang patayin, baka mahuli na ang lahat.

Natauhan na lang ako nang magsalita si Liam, "Love. Sakay na tayo. Kanina ka pa diyan tulala."

Tumango naman ako at ngumiti sa kaniya. Nauna na akong sumakay sa bus at pumunta sa may pinakahuling upuan. Nilagay ko naman ang maleta ko sa lalagyan sa may bandang taas namin.

Habang nilalagay ko 'yon ay napansin kong nakatingin pala silang lahat sa gawi ko kaya tiningnan ko rin sila. Napakunot ang noo ko dahil nakatitig lang talaga sila sa akin na parang cctv.

"What?"

Nagulat naman ako nang may kumatok sa may bintana. Si Liam? Binuksan ko naman 'yon dahil parang may sinasabi siya. Akala ko na sa likod ko lang siya? "Uh. Love, maling bus ang nasakyan mo. Sa ibang section 'to. Ayon 'yong sa atin."

Halos matigilan ako nang mapansin kong hindi pala 'to mga kaklase namin. F*ck! Argh, lupa, lamunin mo 'ko!!!

Humingi naman ako ng tawad at kinuha ang maleta ko at sumakay sa kabilang bus kyng nasaan doon sila Liam at Jasper.

"Anong nakain mo at lutang na lutang ka?" tanong ni Jasper kaya sinamaan ko lang siya ng tingin na nagpatigil sa kaniya.

"Aish. Sana 'di na lang ako sumama!" bulyaw ko sa sarili ko at napapadyak.

Umupo naman ako sa bakanteng upuan kung nasaan si Liam. No choice na rin ako kaya 'di na naginarte pa.

"Love. Ano ba ang iniisip mo kanina? You're to space out today. Is it about the thing we talked about yesterday?" tanong niya ngunit umiling lang ako. Alang naman sabihin ko sa kaniya na iniisip ko na patayin siya? O, parang tanga lang.

"Kulang ka ba sa tulog. You can sleep on my shoulder. I won't mind." Napatingin naman ako sa kaniya at ngumiti. Umiling ulit ako at sinandal ang ulo ko sa upuan.

Pinikit ko na lang ang mata ko at 'di ko naman inaasahan na makakatulog ako. Siguro nga kulang ako sa tulog.

×××

"Love, gising na. We're here already." Napamulat naman ang mga mata ko at bumungad ang mukha ni Liam sa akin kaya napabalikwas ako ng bangon.

"Saan na tayo? Anong oras na?" tanong ko at lumingon-lingon naman ako ngunit napakunot ang noo ko nang umaandar pa ang bus at nakatingin ang mga kaklase ko sa akin.

Bigla namang tumawa sila Liam at Jasper kaya namula ako sa galit. F*ck. Ginising nila ako tapos wala pa pala kami sa pupuntahah namin?!

Padabog akong umupo at napahalukipkip. "F*ck you."

"Oh, no. I'll f*ck you." What the hell? Gusto ko nang bumaba, argh. Kainis 'tong gunggong na 'to!

Napairap na lang ako at itinuon ang pansin sa may bintana. Napansin kong na sa may Camalig na kami at sa pagkakaalam ko ay may camping site dito sa may Jovellar.

Napahinto ang bus sa parang forest at mukhang dito na kami. Kaya naggising naman ang mga tulog at napababa na kami sa bus.

Medyo mainit ngayon ka paniguradong 'pag aaakyat na kami ay tagatak ang paqis namin.

"Okat, class. Welcome to Jovellar. I know you're all wondering why we're here. Because the camping site is still at the top so we have to hike. That's why I asked a little help from my friend who's familiar with this camping site," anunsyo ni Sir Khloe kaya napahanga naman ang mga tao.

"Please welcome our living map for today, Zaxion Levesque."