Chapter 3: Weird as Walrus V

Halos matigilan ako nang lumabas si Kuya mula sa kubo. Nanindig naman ang mga balahibo ko nang makita ko siya at nang magtugma ang tingin namin.

Natandaan ko ang huling paguusap namin at nagaaway pa kami no'n. F*ck. Lupa, lamunin mo na ako ngayon!

Napakunot ang noo niya nang makita niya ako. Parang sasabog na ang puso ko nang naglakad siya papalapit sa akin. F*ck. What is he doing here?

Napatingin naman sa ibang kaklase ko na nakatingin pala sa amin. Sino ba naman ang hindi magugulat na 'yong kapatid ko nandito.

"Zahra, what are you doing here? It's been 2 hours since you left home," sabi niya naman at napatingin sa katabi ko. "And who's this?"

F*ck. Kainin mo na ako ngayon lupa. Shit. I'm doomed.

Okay, act cool. Act cool. "As if you care." AHHH, F*CK, BAKA MASAMPAL AKO NITO. GOSH. MAMA!

Naningkit naman ang mga mata niya at tiningnan ulit si Liam at tinalikuran kami. Nakahinga naman ako ng maluwag at napakapit kay Liam.

Someone's POV

Halos matigilan ako nang lumapit si Zaxion kay Zahra. I realized that their surname is just the same.

So she's the Zahra that I loved when I was a child?

Zahra's POV

"Is he your brother? I think he's angry," sabi ni Liam habang pinagmamasdan si Kuya. Tumango naman ako at napasapo sa noo. Gosh. Sana 'di ko na lang siya sinanihan ng gano'n. Iba pa naman 'yon magalit. Aish.

But wait, how did Sir Khloe and my brother became friends? Does Kuya knows about the academy? 'Wag ko na nga lang ito isipin. Mas lalong nadadagdagan problema ko.

Nagsimula na silang maglakad kaya sumunod naman kami. Panay lingon naman sa akin si Kuya kaya iwas ako ng iwas. Sino ba naman ang hindi mabibigla na ang kapatid mo, dito?

Tagatak na ang pawis ko dahil isang oras na rin kami naglalakad. Hindi ko alam kung kailan kami makakapunta sa tuktok, basta pagod na pagod na ako ngayon.

"Do you need to rest? You look tired. You're getting pale," sabi naman ni Liam ngunit umiling lang ako.

Napapahid ako ng pawis ko. "Kaya ko pa naman."

Tumango lang siya at tinuon na lang ang pansin sa paglalakad.

At ilang minuto ay nakarating na kami sa tuktok. Hay salamat. Makakapag pahinga na ako!

Napaupo naman ako sa may malaking bato at napainom ng tubig. Kapagod!

"Welcome to Mayanpayan Hills Campsite! I hope you'll enjoy your camp today," wika ni Kuya at napatingin sa akin kaya agad akong napaiwas ng tingin. Kinakabahan ako lalo 'pag nakikita ko siya.

Nakita kong papalapit naman sa akin si Liam kaya napayuko ako. "Are you alright?" tanong niya kaya tumango naman ako.

"So tell me, he's your brother right?" tanong niya kaya tiningnan ko siya at tumango. Napabuntong hininga ako nang matandaan ko 'yong sinabi ko sa kaniya kanina. F*ck, ang bobo mo naman, Zahra.

"I better get going, your brother is going to our direction. I guess you need some talk," sabi niya kaya nanlaki ang mata ko at napalingon sa kung saan-saan at hinanap si kuya. F*ck, papalapit na nga siya. Iniwan pa ako ni Liam, amputek! Mama, help me!

Napamulsa naman siya at napaupo sa tabi ko. "What are you doing here?" sabi niya naman na parang wala lang sa kaniya sa inasta ko kanina.

"Obviously, we'll gonna camp. And may I know why and how did you know Sir Khloe?" tanong ko sa kaniya na parang kalma rin kahit sa totoo, parang sasabog na ako.

"You don't remember him, do you? He's our childhood bestfriend, you know. And his name isn't Khloe, it's Kleo." Napanganga naman ako nang sinabi 'yon ni Kuya. Siya si Kleo?! F*ck, 'yong crush ko no'ng bata pa ako ay teacher ko!? F*ck!

"Shit," bulong ko at napakagat sa kuko.

Narinig ko ang mahinang tawa ni Kuya dahilan nang pagkalingon ko sa kaniya. "Isn't he your crush?"

Pinanlakihan ko naman siya ng mata at napairap. F*ck. "Shut up."

Napapukpok ako sa ulo ko at napatakip ng mukha. Gosh, nakakahiya 'yon. Siya si Kleo! Kleo Llevo! Pero bakit nagpakilala siya bilang Khloe? Ay oo nga pala, matanda na siya ngayon. At nagmukhang 15 years old. Pero, magkaedad sila ni Kuya.

"Ilang taon ka na nga, kuya?" tanong ko at napatingin sa kaniya.

"Kapatid mo 'ko tapos 'di mo alam edad ko? Psh, fake sister," sabi niya at napangisi.

Napairap naman ako. "I don't care if I'm a fake sister or what. Just tell me what's your age."

"28. Turning 29 by 23rd of December." Napatango naman ako. So 29 na rin si Sir Khloe, ang power niya ay parehas kay Ma'am Alma na pang-bata. And si Ma'am Alma ay na sa 50's na siya. So... oh my, ilang age gap 'yon! Teka, sila nga ba talaga?

"So tell me, what are you doing here? I didn't like your attitude in front of dad earlier," sabi niya naman kaya napayuko ako. Napanguso ako at nagsimulang tumulo ang mga luha ko.

"Sino ba naman ang hindi magagalit na parang wala kayong pake kay Mama porket wala na siya," hikbi ko at napapahid ng luha.

Naramdaman kong hinaplos niya ang likod ko. "At teka nga. Hindi naman kita close, kung makahaplos ka parang kaibigan kita." Inalis ko naman ang kamay niya sa likod at lumayo sa kaniya.

"I'm your brother, dummy. And who says that we didn't care about mom?" Napalingon naman ako sa kaniya at agad na napaiwas. Sinasabi mo lang 'yan kasi umiiyak na ako. Meh, ang pangit pa rin ng ugali mo. Tinapunan mo 'ko ng tubig kaninang umaga habang tulog ako, eh  pwede naman na gisingin mo na lang ako in a normal way. Nyenyenye, bahala ka diyan.

"Bahala ka diyan," mahinang sabi ko at tumayo na. Iniwan ko naman siya doon na nakaupo at lumapit kay Liam na ngayon ay nagaayos ng tent.

Napatigil naman siya sa ginagawa niya at napatingin sa akin. "Oh, kamusta naman paguusap niyo ng kuya mo?" tanong niya at lumapit sa akin.

"Wala naman. Binara ko lang siya. Alam ko ang ugali ni kuya. Kahit anong usap niyo, kahit anong sabi mo sa kaniya, gano'n pa rin ang ugali niya at uulit ulitin niya pa rin 'yon." Napanguso naman siya at niyakap ako.

"It's okay. I know, deep inside, he loves you." Napabuntong hininga ako sa sinabi niya.

I wish so.