Nakahiga ako ngayon sa may mga damo habang pinagmamasdan ang mga kumukuti-kutitap na bituin. Ganyan din ang kapangyarihan ko kahit naguguluhan pa rin ako kung bakit ganito ako. Sinabi na rin sa akin ni mama ni minana ko sa kaniya ito.
Kung minana ko sa kaniya, dito rin ba siya nagaral? Dito niya ba nakilala si papa? Hindi ko alam kung paano sila nagkakilala basta't ang alam ko wala na sila ngayon dahil iniwan na kami ni mama at nauna na sa langit. Mas gusto ko ngang sumama na lang kay mama kaysa sa maiwan ako dito kasama sila papa, kuya, at ang bago ni papa na kahit kailan, hindi ko matatanggap.
Parang hangin lang naman ako sa kanila. Parang 'di ako nag-e-exist dito. Kaya kung nandito pa talaga si Mama ay hindi magkakaganito ang pamilyang Levesque.
"Ang lalim ng iniisip mo, ah. Are you okay, love?" I know that sweet voice. And also that call sign, I already know who it is.
Napangiti naman ako at umiling. "'Wag mo na akong abalahin, Liam. Okay lang ako."
Kung pwede nga lang maging okay, ginawa ko na no'ng una pa lang. "But it doesn't seem so. Come on, tell me, what's wrong," pagpupumilit niya kaya nagsimula na akong magkwento.
"Naramdaman mo naman 'di ba ang palaging nale-left out? 'Yong parang hangin lang sa kanila? Like, hindi ko naman ginusto 'to. Kung hindi lang naman nawala si Mama ay hindi ako magkakaganito," nanlulumong sabi ko at napatingin ulit sa kalangitan na puno ng butuin na kasing ganda ni Mama.
Naramdaman kong humiga siya sa tabi ko. "Well, yeah. I've felt that many times already. The feeling like, they just call you when they need you. They just say 'Liam, come here,' when they need something for you." Bakas sa boses niya na nalulungkot siya kaya niyakap ko naman siya.
Napabuntong hininga siya at nagsalita ulit, "But do you know what do I always say to myself when they treat me like that?"
Tiningnan ko naman siya at umiling. "I say to myself that even if they treat you like that, be thankful to the things they gave to you even if it's only a small piece. Be thankful that you have them because they're always by your side even though you don't feel it. Always remember that they're your family because blood is thicker than water, and that's why families exist," he smiled sweetly.
Napaisip naman ako sa sinabi niya. Yeah, he has a point. They're still my family.
"Thank you, Liam," I smiled and planted a kiss to his chest.
Napasimangot siya kaya napakunot ang noo ko. "Hanggang diyan lang? Weak mo naman."
Bahagya akong natawa sa sinabi niya at mahinang hinampas ang kaniyang dibdib. Loko 'to.
"Paano na lang kung bumalik ka na sa dati? Mamahalin mo pa rin ba ako gaya ng pagmamahal mo ngayon?" mahinang bulong ko.
Nagulat ako nang pitikin niya ang ilong ko. "Silly. What do you mean if I will go back to the way I am? Ganito na ako, no. At kahit anong mangyari, mamahalin pa rin kita."
Kung alam mo lang talaga, Liam. Kung alam mo lang.
Someone's POV
Mukhang nagiging close na sila, ah. Tsk, tsk. Zahra, Zahra, Zahra. Hindi ko alam kung anong gagawin ko sa'yo kapag na-fall ka sa lalaking 'yan.
Baka ikaw naman ngayon ang mapapatay imbes na si Liam.
×××
Nagkakape ako ngayon dahil sa sobrang lamig. Alas-sais pa lang ngunit gising na ako. Iilan pa lang ang mga gising. Sila Ma'am, Sir, at konting estudyante pa lang. Hindi ko alam kung ano na ang plano ngayon.
Si Liam naman ay tulog na tulog pa rin sa tent. Tumabi siya sa akin kaya wala akong nagawa. Tulog mantika pa naman.
"Zahra..." Inangat ko naman ang tingin ko at nakita ko si Sir Khloe. Natandaan ko naman ang sinabi ni kuya kahapon na siya pala si Kleo. Gosh, 'yong first love ko teacher ko pala ngayon!
Ngumiti naman ako. "Yes, Sir?"
Tumani siya sa akin kaya bigla akong 'di nahing komportable. F*ck, nakakahiya! "So Zax is your brother?" mahinang sabi niya at napakrus ng kamay.
Napatango naman ako at umiwas ng tingin. Nakakahiya. Lupa, lamunin mo 'ko! F*ck!
"So you're the Zahra that I've been in love with when I was a child." Bahagya akong natigilan sa sinabi ni Sir. No. Maybe I heard it wrong.
"Uh, Sir. Nabingi po ata ako, pakiulit nga no'ng sinabi mo?" inosenteng sabi ko at nilingon siya. Nakayuko siya ngayon. "I won't say it twice," aniya naman at tumayo.
Bago siya humakbang ay may sinabi pa siya, "Just don't get involved with Liam too much. You might be in danger and we don't want to lose you."
Nakahinga naman ako nang maluwag nang umalis na siya sa harapan ko. F*ck, f*ck! Nabingi lang ba ako sa sinabi niya kanina?
Tama ba 'yong narinig ko na 'You're the Zahra that I've been in love with when I was a child.' Seryoso siya do'n? F*ck, so nagka-mutual understanding kami? Oh my f*cking gosh. My gosh! I can't believe it!
Natauhan na lang ako nang may magsalita sa harapan ko. "Kanina ka pa diyan tulala. Anong nangyari sa'yo? May activity pa tayo, anong oras na." Si Liam lang naman pala.
Tumango na lang ako at tumayo. Though it might be awkward for me seeing Sir Khloe. But, from what I know that Sir Khloe and Ma'am Alma is married to each other? Meh, I don't care.
Nakaayos na kaming lahat at hindi ko pa rin alam kung anong activity ang gagawin.
"So for today's activity, we'll be having a race. You all know that you can't use your powers here so you have to work hard. Our race for today is raise your flags. I will give you clues to find the other clues so that you'll find the flags. And I'll group you into 5 groups. And whoever find their flags first, will have a prize comibg from us." Mukhang ginanahan naman ang mga estudyante dahil sa laro ngayon. Hay, mapapagod lang ako niyan.
Nag-group into 5 na kami at napunta ako sa grupo ni Jasper. Si Liam ay sa kabilang grupo kaya walang mangungulit sa akin.
Binigyan na kami ni Sir ng tigiisang clue at ang unang clue ay hindi ko maintindihan.
'It can run but it never walks. Has a mouth but it never talks.'
Meganon?
Tiningnan ko naman ang mga itsura ng kagrupo ko at napapaiisip din sila.
"Ang sakit naman sa ulo nito. Wala pa naman signal," reklamo ng isa kong kagrupo na babae, si Khaelie.
Napakamot sa pisngi si Jasper. "This is so hard tho."
It can run, but can't walk? May bibig pero hindi nakakasalita?
Nagtaas naman ako ng kamay kaya napatingin sila sa gawi ko. "Pwede ba ang pilay na pipi?"
Napaisip sila ngunit umiling si Jasper. "Hindi pwede. Kasi kung pilay, nakakalakad pa 'yon. Sabi dito sa clue it can run but can't walk. Maybe hindi siya tao?"
Taena, kung nagbabasa lang ako ng mystery books. Matalino naman ako, putek.
Bigla namang nabaling ang gawi namin nang nakita ang itsura ni Millton, kaibigan nila Liam. "Kung hindi siya tao, pwede ang river?"
Napakunot noo naman ako. River? "Paano mo nasabi?"
"Look, it can run, but it can't walk. Ang river tuloy lang siya sa pagdaloy na parang tumatakbo. Sa part na may bibig ay hindi ko na alam," sabi niya at napakamot sa batok.
"Eh, mali pa rin naman pala, eh!" maktol ni Khaelie at napakrus ng kanyang braso.
"Maybe he's right. May river dito, pero kailangan natin bumyahe. Pero since may 12 hours pa naman mahanap ang clues, may oras pa," sabi ko kaya napaisip din sila.
"May point naman. Sa pagkakaalam ko ang pinakamalapit na river dito ay Jovellar Underground River. We can try it, malay natin nandoon," sabi ni Flaire kaya napatango sila at bumaba na kami sa hills para makasakay sa tricycle man lang o kaya van.
Nakasakay na kami sa tricycle since 9 lang naman kami.
This will be fun!